1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 42: Lifeguard
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 42: Lifeguard

By suicideking ·

Napuno ng saya at tuwa ang nalalabing panahon noong araw na iyon, nilisan namin ang condo upang magtungo sa labas upang kumain. Naglibot kami ni Tricia, ipinasyal ko siya, ginugol namin ang boong hapon sa loob lang naman ng isang mall. Hindi ako nakadama ng takot, takot na may makakita sa amin na magkasama sapagka't alam kong may permiso ako mula sa aking asawa.

Hindi na ako umiskor pa ng isa noon kay Tricia, bukod kasi sa alam kong posible pa itong maulit kahit nariyan na si Edong ay nag-enjoy naman din ako talaga na "Kasama" lang siya maghapon.

"Tricia, tara na...susunduin ko pa nga pala si Angel" wika ko sa aking magandang kasama.

"Ah oo nga pala...sama na rin ako Bogs, kung okay lang sa iyo?" sagot niya.

"Sure sige, walang problema.." sagot ko naman.

Nanatili ang pagiging "Sweet" ni Tricia sa akin noon, hanggang sa kahulihulihang sandali nang aming marating na ang ospital na pinapasukan ng aking asawa.
"Dito na tayo Tricia..." sabi ko sa kanya bilang paalala na malapit na naming makasama ang aking asawa.

Kaagad na inalis ni Tricia ang kanyang isang kamay na kanina pa nakahawak sa aking kamay na nasa kambyo ng sasakyan, ngumiti naman siya at alam kong kanya itong naunawaan. Baka kasi mamaya e makalimot siya sa tunay na buhay, na hindi siya ang nagmamay-ari sa akin kundi si Angel lamang.

"Oh Tricia! hi! kasama ka pala?" bungad ng aking asawa.

"Ah oo, alam mo na, medyo naiinip lang kasi ako sa condo" sagot ni Tricia.

"...ay dyan ka na, dito na lang ako, huwag ka nang bumaba" kaagad na sabi ni Angel nang lilipat sana si Tricia sa likurang bahagi ng aking sasakyan.

"No no, this is your place Angel..." sagot naman kaagad ni Tricia.

"You know what, dito na lang tayo parehas sa likod, hayaan mo na muna si Bogs dyan hihi!" wika ni misis.

Nagsilbi akong tsuper ng dalawang babaeng nagpapaligaya sa akin, pakiramdam ko tuloy e iuuwi ko na ulit ang dalawang anghel sa aking langit. Gaya dati, hindi naging tahimik ang loob ng aking sasakyan tuwing ang mga kababaihan ang aking lulan.

"...sige driver muna natin si Bogs ngayon hihi!" narinig kong biro ni Tricia.

"How's your vacation sa Bulacan? buti nakita kaagad ni Bogs yung place nyo dun?" tanong ni misis.

"Oh it was fun! sabi ko nga kay Bogs e mag-set ng oras para tayo naman ang magouting..." tugon ni Tricia.

"Oh sure, why not? that's a very nice idea Tricia...bukas ba dating ni kuya Edong?" sagot ng aking asawa.
"A oo, bukas na nga...back to boring life hehe!" pahaging pa kasama.

"Ha? bakit naman?" tanong kaagad ni Angel sa kanya.

"Well, alam mo na...napaka-istrikto ng pinsan mo Angel... buti itong si Bogs game na game!" wika ni Tricia.

Napatingin akong bigla sa salamin patungo sa kanila, kinabahan ako kasi baka biglang madulas itong si Tricia at masabi ang mga "Pinagsamahan" namin habang wala ang aking asawa. Nagtama naman kaagad ang aming mga mata ng aking asawa, lalo akong kinabahan sapagka't sa palagay ko ay may duda na siya.

"Aba syempre naman...game talaga itong babe ko...
'di ba babe?" wika ni Angel.

"Oo naman..." singit ko kaagad.

Pakiramdam ko'y nagbagong bigla ang ihip ng hangin, malamig naman ang aircon ng aking kotse subalit ang pawis ko'y pilit na lumalabas sa bawat butas ng aking kutis. Sinubukan kong maging panatag, inisip ko na lang na hindi naman siguro ako ipapahamak ni Tricia.

"Sorry Angel ha, hiniram ko muna hubby mo kanina hihi!...uhm, kinda bored na talaga sa condo e nagpasama lang akong kumain..." sabi ni Tricia.
Hindi na ako tumingin pa sa kanilang kinaroroonan, itinuon ko na lang ang aking atensyon sa lansangan. Ganun din naman kasi, hindi ko naman pwedeng suwayin na huwag nang magkwento si Tricia dahil mas lalong magiging halata na may ginawa kaming milagro kanina. Hinayaan ko na lang, hindi naman siguro ako pag-iisipan ng masama ng asawa ko.

"Ano ka ba, okay lang yun...anytime Tricia, parang kapatid na rin ang turing ko sa iyo e..." sagot ng aking asawa.

"Thank you Angel...ako rin, kung pwede nga lang e doon na muna ako tumira sa inyo hihi!" biro pa ng aming kasama.

"I would love to, pero baka hindi pumayag itong si Bogs kung sa sofa siya matutulog haha!" sagot ni Angel.

"Hahaha! oo nga e, I know naman na you also need your private time hihi!" medyo malanding sagot ni Tricia sa aking asawa.

Halos hindi ko na naunawaan ang ilan pa nilang pinagusapan, sa isip ko kasi'y may pangamba pa rin sapagka't siguradong mamaya ay may panayam na magaganap sa amin ni Angel.
Gaya ng aking inaasahan, kinagabiha'y inutusan ako ni Angel na tawagin si Tricia sa kabilang unit upang sumalo na sa amin, sumalo sa pagkain ng hapunan. Sa kadahilanang ako'y sabik pa rin sa presensya ni Tricia, kaagad akong lumabas upang anyayahan na nga siya. Hindi naman ako nagpahalata sa aking asawa na ang sarili ko'y sabik na sabik muli sa asawa ng pinsan niya.

"Oh Bogs...akala ko may 'gagawin' kayo ng asawa mo?" bungad kaagad ni Tricia pagbukas pa lang ng pintuan.

"Ha? ano ka ba...uhm, halika na dito sa amin, nagluto si Angel e...sumabay ka na daw sa dinner namin..tara?" sabi ko naman sa magandang babae sa aking harapan.
"Ah ganun ba...akala ko naman kung ano na hihi!...wait lang, magbibihis lang ako" sagot ni Tricia.

Kung ako siguro ay taga-deliver ng pagkain at ito ang daratnan ko tuwing kakatok ako sa pintuan nila Tricia ay mawiwili akong bumalik. Sabi nga niya dati, sanay siya na ang suot niya sa bahay ay ang kumportableng damit. Sa gabing iyon isang manipis na t-shirt ang kanyang suot, mahaba ito at hindi ko sigurado kung may pang-ibaba ba siyang suot din. Gusto ko sanang magtagal, gusto kong pagmasdang muli ang bakat niyang katawan lalo na ang naka-turong utong ni Tricia habang siya ay kausap ko subalit hindi ko maaaring bigyan ng pagkakataong magduda si misis kaya't ako'y bumalik na rin.

"Oh nasaan na si Tricia?" tanong ni Angel pagpasok ko na sa aming unit.

"Ah e, susunod na daw...nagbihis yata..." sagot ko.

Hindi ko alam na ang sinabi kong ito'y magkakaroon pala ng ibang kahulugan sa pag-iisip ng aking maybahay.

"Magbibihis? bakit, ano ba suot niya at kailangan pang magbihis e dito lang naman tayo kakain?" tanong ni Angel sa akin.

"Nakapang-bahay yata, hindi ko napansin e" palusot ko kaagad.

"Ah...akala ko nakahubad kaya magbibihis hihi!" biro pa ni misis.

Hindi ko kinagat ang patibong na iyon ng aking asawa, alam kong sa maliliit na bagay ay nakakakuha na siya ng ideya at ilang ebidensya sa anumang gusto niyang malaman tungkol sa isang bagay. Ang lamesa namin ay handa na, kasama ang aming anak ay may isa pang plato na sobra, para ito kay Tricia. Ilang sandali pa'y tumunog na ang doorbell namin at siguradong si Tricia ang naghihintay sa labas.

"Halika pasok ka..." bungad ko sa asawa ni Edong.

"Hi Angel...hi baby!" masayang bati ni Tricia.

"Tara ate Tricia, join us..." sabi naman ni Angel sa kanya.

Kami'y nagsalo-salo sa hapunan, hindi nagkaroon ng ilang usapang sensitibo sapagka't naroon din sa hapag ang aming batang anak subalit sa isipan ko'y iba't iba ang tumatakbo. Naroong nabuo sa aking imahinasyon ang ilang bagay, lalo na ang nakakalibog na pagkakataon. Wala naman sigurong masama kung isipin ko na ang kasama kong si Angel at Tricia ay makakapiling ko ng sabay noong gabi ding iyon. Nakakatigas naman talaga ng titi tuwing sasagi sa aking isip ang bawat sandaling nabuo kung saan parehas ko silang katalik, sabay, at halinhinan ko silang ginagamit.

"So uhm, marami ba kayong lakad ni Edong pagdating niya?" tanong ni misis. "Naku hindi ko alam e, not sure...pero I have to prepare na rin kasi alam mo naman yang pinsan mo, walang plano-plano, basta naisipan e gusto gawin na kaagad...bakit mo naman naitanong?" sagot ni Tricia.
"Ah ganun ba? kasi about the outing na napagusapan natin kanina..." sagot ng aking asawa.

"Ah oo nga e...mukhang malabo, pero try na rin natin...nakakahiya nga e, naabala pa mga work ninyo..." tugon ng aming bisita.

"We will try...hehe...ako bahala sa pinsan kong yan hihi!" wika ni Angel.

"Ang sarap pa namang mag-swimming! bihira kasi akong makaranas ng ganun, alam nyo naman sa Canada madalas e tag-lamig.." paliwanag pa ni Tricia.

Nagliligpit na ako ng pinag-kainan namin noon, ako'y napalingon at napukaw ang aking atensyon sa narinig kong plano ng dalawa kong kasama.

"Oo nga ano? sige sige, ano magpapalit na ba ako ng swimsuit?" sagot kaagad ni Tricia.

"Okay sige, tara na? Bogs will take care of this, hayaan mo na dyan" sagot ni misis.
Nagkasundo pala ang dalawa na mag-swimming, hindi naman sa malayo kundi dito lang din sa aming gusali. Sa bandang ibaba, katabi ng function hall naroon ang swimming pool area ng aming condo.

"Bogs ikaw na muna bahala dito ha? kung gusto mo sumunod okay lang, kung gusto ni baby okay?" paalam ni Angel ilang minuto ang lumipas.

"Ah o sige, susunod na lang kami ng anak natin doon" sagot ko.

Ilang saglit pa ay narinig ko nang kumatok muli si Tricia sa aming pinto. Kaagad na pumunta doon ang asawa kong naka-suot ng maluwag na damit at ang alam ko sa ilalim nito ay ang kanyang two-piece. Sumilip ako ng pasimple, nakita kong suot muli ni Tricia ang manipis na damit niya kanina noong una ko siyang sunduin bago ang hapunan namin. Bakat ang pulang two-piece ni Tricia, kahit pa alam ko na ang laman ng kanyang suot ay tila ako'y ginanahan pa.

Noong bagong lipat kami dito sa condo, hindi rin kami ganoon kadalas maligo sa swimming pool nito. Hindi sa maraming tao doon, ang dahilan siguro'y mas gusto namin ang dagat kumpara sa tubig dito. At isa pa, kahit alam ko na maraming magagandang babae doon, sapat na sa akin kung ano ang meron ako sa ngayon.

"Shit paano ba 'to..." sabi ko pa sa sarili ko.

Naiwan akong mag-isa, tila ako'y isinantabi lang ng dalawa kong kasama kanina. Naiwan kami ng aking anak sa may sala habang ako'y nakaupo lang sa harap ng telebisyon at ang anak ko'y abala naman sa paglalaro sa tablet.

"Baby gusto mong pumunta doon kila mommy mo?" tanong ko sa anak ko.
Umiling lang ang anak namin ni Angel, mukhang malabo akong makasaksi sa paliligo ng asawa ko at ni Tricia. Hindi ko naman pwedeng iwanan lang ang anak namin dito na mag-isa at walang kasama, siguradong pagagalitan ako ng misis ko kapag ginawa ko iyon. Baka ano pa ang isipin niya at ako'y sumunod sa kanila.

"Tara na, gusto kong mag-relax e...dalhin mo na lang yang tablet mo, doon ka maglaro okay?" utos ko na sa anak ko. Buti na lang at pumayag na rin ang anak namin, mabilis akong nagpalit ng panligong damit kung sakaling sipagin akong lumublog kahit na ang plano ko lamang ay manuod. Nagdala ako ng aking maiinom na beer, pakiramdam ko ay manunuod ako ng show sa isang beerhouse noon.

"Bogs! hihi!" sigaw kaagad ni Tricia nang makita niya akong papalapit.
"Hi guys!" bati ko naman.
"Oh buti isinama mo yang anak natin?" tanong kaagad ni misis.
"Ah e, gusto ko kasing magpahangin na rin...iniwan nyo ako doon sa taas e nakakainip..." sagot ko naman.

Naupo kami ng anak ko sa tabi, sa upuang mahaba na pahiga. Muli ay naging abala ang aking anak sa paglalaro, ako nama'y sinimulan ko nang magmasid. Kaunti pa lang ang tao noon, hindi pa siguro tapos kumain ng hapunan. Pero siguro dahil hindi weekend ay kaunti lang talaga ang may oras na mag-swimming, ngunit may ilang dalaga rin namang naroon at naliligo din. Inisa-isa ko ang bawat babaeng naroon, lahat ay naka two-piece, may ilang magaganda rin ang katawan subalit sadyang nangingibabaw sa aking paningin ang katawan ni Angel at Tricia.

"Tara Bogs, ligo kana rin!" paanyaya pa ni Tricia.

Ngumiti lang ako bilang sagot sa paanyayang iyon ni Tricia at hindi ko naman na nakitaan si Angel ng anumang pagdududa. Ilang sandali pa'y sabay nang umahon ang dalawa, nag-ingat ako sapagka't anumang pagkakataon ay maaari akong mahuli ni misis na nakatingin sa kasama niya. Mahirap naman talaga umiwas ng tingin, lalo pa't nangingibabaw sa bahagyang dilim ang maputing kutis ni Tricia. Sa itim na suot niyang panligong dalawang piraso'y sadyang kumikinang ang makinis niyang kaputian. Lalo akong kinabahan, umiiwas ako ng tingin hangga't maaari ngunit sa isang parte ng aking mga mata habang sa langit ako nakatingin ay nasisilayan ko ang taglay niyang ganda. Hindi ko naman isinasantabi ang aking asawa, kahit pa may anak na siya ay marami pa rin naman ang tumititig sa katawan niya. Iba lang siguro yung "Bago" sa paningin, bagong luto, bagong pagkain.
"Babe bakit naman yan lang ang dala mo?" tanong ni misis nang makalapit na sila sa aking pwesto.
"Ha? alin?" tanong ko.
"Yang beer...paano naman kami ni Tricia 'di ba?" paliwanag ni Angel.

"Ah oo nga ano, teka't bibili lang ako saglit sa baba" sagot ko naman. Mabilis akong nagtungo sa tindahan, dalawang tig-anim na lata ng beer ang aking kinuha upang aming pagsaluhan. Ako'y nagbalik sa swimming pool area ng aming condo upang magpatuloy sa pagmamasid sa mga magandang tanawin doon. Ako'y nagtaka, sa dati naming pwesto kanina'y wala na ang aking mga kasama. Inilinga ko pa ang aking mga mata, inisa-isa ko ang ilang taong naroon upang hanapin si Angel at Tricia kasama na rin ang anak namin ngunit wala talaga. Kaagad kong kinuha ang aking telepono upang tawagan sana si Angel at baka sakaling dala niya ito kanina. Isang sitsit ang narinig ko kasabay ang pagbulwak ng tubig.

"Huy! hihi! sino tinatawagan mo?" tanong kaagad ni Tricia. "Ay nandyan ka pala...si Angel??" tanong ko naman sa kanya.
"Ay umakyat lang sandali, sinumpong na kasi yung anak nyo" sagot ni Tricia.