1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limapu't Tatlong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limapu't Tatlong Pahina

Written by supertoyantz on

Ika Limapu't Tatlong Pahina

"Magpahelp tayo kay Kuya Romeo!. " excited na suggestion ni Coleen.

Natigilan ang mga nasa salas sa narinig na sinabi ng dalaga.

Isa isa pa silang napatingin sa isa't isa.

Natawa ng mahina si Coleen.

"Kung umarte kayo, parang sinabi kong buntis ako. " humahagikgik na sabi nya.

Napasimangot bigla ang amang si Gabriel.

"Hindi magandang biro yan anak. " wika nya.

Natatawang yumakap si Coleen sa ama at tiningala ito.

"Joke lang Dad. Masyado kasi kayong seryoso eh. Ano bang masama sa sinabi ko ? " tanong nya.

Sumingit si Caleb.

"Wala namang masama, it's just that. " putol nya sabay tingin sa ina.

Tumango si Harriet.

"Tama ang kuya mo. Wala namang masama sa tanong mo. Pero bakit pa natin kailangang isali pa dito si Romeo ? " ganting tanong nya.

Nagkibit balikat lang si Coleen.

"Why not Mom? Mabait naman si Kuya Rom ah. Saka maaasahan yon for sure. Remember yung kinuwento nyo na kung di dahil sa kanya, di kayo makakapasok ni Kuya sa hospital to visit Dad. " sambit nya.

Napatangong muli si Harriet.

"We know that. Mababait ang pamilyang Di Carprio pati na si Romeo. Pero may ugali ang batang yon na medyo kakaiba. " nakangiwing wika nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"And what is that Mom ? " tanong nya.

Si Caleb na ang sumagot sa tanong ng kapatid.

"Ayaw na ayaw ni Kuya Rom na naiistorbo ang pagtulog nya. Ayon yan mismo sa Mommy nya pati sa mga kaibigan nya. " sagot nya.

Napangiti ng kimi si Gabriel.

"Kahit naman siguro ako, kung ganitong oras na ng gabi, maiinis din kapag may nanggising. " wika nya.

Lumabi si Coleen.

"What if si Mom ang nanggising sayo ? Or ako ? O kaya si Kuya ? Maiinis ka pa rin ba Dad ? " tanong nya.

Natawa ng mahina si Gabriel.

"Of course not anak. Kayong tatlo, kahit anong oras nyo ko istorbohin. Di ako magrereklamo. " lambing nya.

Napangiti ng maluwang si Harriet.

Maging si Caleb ay napangiti sa narinig.

Pero naningkit ang mga mata ni Coleen.

"Naalala ko nung minsan mo kong pagalitan Dad. Nung ginising kita ! " sumbat nya.

Kumunot ang noo ni Gabriel.

Pagkuwa'y biglang bumunghalit ng tawa.

"Sino ba namang hindi maiinis sayo. Matapos mo kong puyatin sa kakakulit na samahan kitang manuod ng favorite movie mo, gigisingin mo ko sa madaling araw para kamutin ka sa likod. " paalala nya.

Napanguso si Coleen.

"Eh di ko abot eh. ! " singhal nya.

Natawa ang lahat.

"Sabi ko kasi sayo, ikiskis mo sa pader. " pang aasar ni Caleb.

Lalong naasar si Coleen.

Pero imbes na patulan ang kapatid, nilabas nya nag phone at nagdial.

Napakunot ang noo ng tatlo.

"Sinong tatawagan mo anak ? " tanong ni Harriet.

"Si kuya Rom. " mabilis na sagot ni Coleen.

Nanlaki ang mga mata ni Caleb.

"P-paano ka nagkaroon ng number nya ? " takang tanong nya.

Ngumisi si Coleen.

"Para paraan lang kuya. Kinuha ko kay Tita Alexa. " sagot nya na ang tinutukoy ay ang ina ng binata.

Napatingin si Harriet sa asawa.

Pagkatapos ay sinaway ang anak.

"Anak, konting delikadesa naman. Dis-oras na ng gabi, malamang na nagpapahinga na yung tao. " saway nya.

Natigilan sa pagkalikot sa phone si Coleen.

Lumabi sya at nilapag sa lamesita ang aparato.

"Gusto ko lang tulungan si Kuya. " sabi nya.

Natawa si Caleb.

"Gusto mo kong tulungan ? O gusto mong makita si Kuya Rom ? " pang aasar nya.

Muling napasimangot si Coleen.

"Bahala ka na nga ! " taray nya.

Akmang tatayo ang dalaga ng pigilan ng kapatid.

Muli syang napaupo.

"Ito naman, tampururuot. Pero sis, tama si Mom. Gabi na oh, for sure magagalit yon. Saka di ko naman kailangan ng tulong eh. " wika ni Caleb.

Napatingin si Coleen sa kapatid.

"Wee ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb at kinabog ang dibdib.

"Wala ka bang tiwala sa kapatid mo ? Nakakatampo ka naman. " sabi nya.

Mabilis na umiling si Coleen.

"Wala. " pang aasar nya.

Malungkot na napangiti si Caleb.

"Ganun ba ? Nakakalungkot naman. " drama nya.

Unti unting napangiti si Coleen at pagkuwa'y dinamba ang kapatid.

"Dami mong arte. Syempre meron ! Tinatanong pa ba yon ? Ang akin lang kuya, gusto kong bongga kung anumang binabalak mo. " wika nya.

Napangiti si Caleb at niyakap ang kapatid.

"I know. Thanks sis. Okay na yung alam kong nasa likod kita to support me. " sambit nya.

Napangiti si Coleen.

"Naman kuya ! Syempre di lang ako, pati si Mom at Dad. Di ba thunders ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng mag asawa.

"Thunders ? " tanong nya.

Bumungisngis si Coleen at niyakap sumiksik naman sa pagitan ng mga magulang.

"Wala po yun Mom. Anyway kuya, anong plano mo ? Pupunta ka sa bahay nina Val tapos haharanahin mo sya ? Sama ko kuya. " excited na tanong nya.

Unti unting napangisi si Caleb.

"Masyadong madali yon. Baka sabihin nya, wala kong effort. " pagyayabang nya.

Nagkatinginan ang tatlo.

"Aba yabang. Aber aber, saan naman daw haharanahin si Valerie ? " tanong ni Harriet.

Napangisi ng maluwang si Caleb.

"San pa, di sa school na. " sagot nya.

Natulala ang tatlo sa narinig mula sa binata.

- - -

Gabi.

Matapos maglinis ng katawan, hinanda na ni Caleb ang sarili sa pagtulog.

Nahiga sya sa kama at tumitig sa kisame.

Iniisip ang gagawing performance kinabukasan.

Kinakabahan sya.

Ito ang unang pagkakataon na gagawa sya ng ganitong bagay.

Nakakahiya.

Siguradong uulanin sya ng tukso mula sa lahat ng makakakita at makakarinig sa kanyang gagawin.

Ngayon pa lamang ay inaatake na sya ng hiya.

Paano pa kaya bukas ?

..

Napahinga ng malalim si Caleb.

Napatingin sya sa cellphone na nakalapag sa side table.

Naalala nya ang kasintahan kaya dali dali nya itong kinuha.

Umaasang may reply na si Val pero tulad ng mga nakaraang pangyayari, wala na naman syang nakuhang tugon mula sa dalaga.

Ito pa ang isa sa kinatatakutan nya.

Magtagumpay man syang mairaos ang balak na paghaharana kinabukasan sa dalaga, paano kung isnabin lang sya nito.

Paano kung tumanggi itong makipagbati sa kanya at awayin sya sa harap ng maraming tao ?

O di kaya ay pagtaguan sya ?

Sobrang kahihiyan ang aabutin nya kapag nagkataon.

Sa isipin, lalong inalihan ng takot ang binata.

Napatitig sya sa wallpaper ng kanyang cellphone.

Picture ito ni Valerie.

Saglit syang napangiti ng makitang nakangiit ang dalaga.

Kahit sa larawan, malakas pa rin ang epekto nito sa kanyang sistema.

Wala sa loob na dinala ni Caleb palapit sa labi ang cellphone at dinampian ng halik ang aparato.

"Baby, sana, wag mo kong ipahiya tomorrow. Sana talaga. Sana magkabati na tayo. Di ko na kaya. Sobrang miss na miss na kita. " bulong nya.

Malungkot na napangiti si Caleb.

Matapos pagmasdan ang kasintahan, dahan dahan na nya itong binalik sa side table.

Inayos na nya ang sarili sa paghiga.

Unti unting pinikit ang mga mata.

Umusal ng taimtim na panalangin.

"Magiging maayos din ang lahat. " bulong nya at tuluyan ng nagpatangay sa antok.

- - - -

Dahan dahang sinara ni Coleen ang pinto.

Marahan nyang pinunasan ang nangilid na luha sa kanyang mga mata.

Awang awa sya sa sitwasyon ng kapatid.

Mahal nito at ni Valerie ang isa't isa ngunit tila napakaraming hadlang sa kanilang pag iibigan.

Naglakad pabalik sa kanyang silid ang dalaga.

Hinawakan nya ang seradura at akmang bubuksan ang pinto ng makarinig sya ng pagtawag sa kanyang pangalan.

Mabilis na nilingon ni Coleen ang pinanggaling ng boses at kumunot ang kanyang noo ng makita si Britney na nasa tapat ng pinto nito.

"Yes ? " automatikong tumaas ang isang kilay nya.

Kagat labing napangiti si Britney.

Alumpihit syang lumapit sa dalaga.

"C-coleen. " tawag nya.

"Bakit nga ? " taray ni Coleen.

Napaatras si Britney.

"G-galit ka pa rin sakin ? " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ni Coleen at tuluyang binitawan ang door knob.

Hinarap nya si Britney at plastik na ngumiti.

"Hindi, tuwang tuwa ako sayo. Tuwang tuwa ako sa ginawa mong pananakit sa nag iisa kong kapatid. Grabe. Pakurot nga. " gigil na bulong nya.

Pilit nyang kinokontrol ang sarili sa pag aalalang magising ang kanyang kapatid at mga magulang.

..

Napahinga naman ng malalim si Britney.

Sa nakikita nya, mukhang wala na talagang pag tsansang mag kaayos pa sila ni Coleen.

Pero kailangan nyang subukan.

Nais na nyang itama ang lahat ng pagkakamali.

At sisimulan nya ito sa paghingi ng tawad sa mga taong nasaktan.

Okay na sila ni Caleb.

Tanggap na nya ang katotohanang wala na silang pag asa pa.

Nagpaubaya na sya.

Masakit, pero kailangan.

Matapos sa binata, kailangan nyang isunod ang nag iisa nitong kapatid.

Si Coleen.

Muling napabuntong hininga si Britney.

Sa nakikita nyang reaksyon ng dalaga, mukhang mahihirapan syang makasundo ito.

Pero kailangan nyang subukan.

"I'm s-sorry. " bulong nya.

- - - -

Natigilan si Coleen.

Akala nya ay gaganti sa katarayan nya ang dalaga, pero mukhang iba ang trip nito.

"Oh ano yan ? Paawa effect ? Di mo ko mauuto sa ganyan mo. " mahinang sumbat nya.

Ngumiti na lang ng kimi si Britney.

"I know na mahirap paniwalaan. Pero talagang nagsisisi na ako sa mga nagawa ko. I hope na mapatawa mo pa ako. Kinausap ko na ang kuya Caleb mo. Pinalaya ko na sya. Tanggap ko ng hindi na ulit magiging kami. Kasalanan ko. Pinakawalan ko sya. " wika nya.

Natahimik si Coleen.

Inarok kung nagsasabi ba ng totoo ang kaharap.

Naalala nya ang sinabi ng kapatid.

Sabi nito ay nagbago na raw si Britney.

Syempre nung una nya itong narinig, hindi agad sya naniwala.

Paniguradong may niluluto itong kung ano.

Tinalasan ni Coleen ang pakiramdam at pinakatitigang mabuti ang dalaga.

"Talaga bang titigilan mo na si kuya ? " tanong nya.

Marahang tumango si Britney.

"Kahit na masakit. I know I have to. Si Val na ang mahal nya. " sagot nito.

Tumango si Coleen.

"At mahal din sya ni Val, hindi nya gagawin yung ginawa mo kay kuya nuon. " diretsong sabi nya.

Napayuko si Britnet sa narinig.

Naguilty naman si Coleen kaya iniba nya agad ang usapan.

"Okay na sakin. Kung napatawad ka na ni kuya. Wala ng reason para magalit pa ko sayo. Ang akin lang, sana naman ay hayaan mo na syang lumigaya sa piling ni Val. " pangaral nya.

Dahan dahang tumango si Britney.

"I know. I know. That's why I'm planning to help him sa kung anumang balak nya. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"W-what you mean ? " tanong nya.

"I'm sorry. I overheard you talking kanina sa living room. I hear na may plano ang kuya mo na haranahin si Val. That's sweet. " nakangiting sagot ni Britney.

Napangiti ng wala sa oras si Coleen.

"Wala eh. Desperado na eh. " biro nya.

Natawa ng mahina si Britney.

"Di naman desperado. Mahal nya lang si Val kaya kahit na pwede syang magmukhang tanga tomorrow, di nya yon iniisip. Ang mahalaga ay maipakita nya kay Val na he's willing to do anything para lang magkaayos sila. " wika nya.

Napatango tango si Coleen.

"Yeah. Kaya nga sasamahan ko sya bukas eh. I'm going to sleep. Matulog ka na rin. " sambit nya sabay hawak muli sa doorknob.

Napangiti si Britney.

"I also wanted to help. " bigkas nya.

Napahinto sa pagpasok sa kwarto si Coleen at tinitigan ang dalaga.

"You what ? " tanong nya.

"I also wanted to help you. Kasalanan ko kung bakit sila nagkagalit. Tama lang siguro na tumulong ako para magkaayos sila. " sagot ni Britney.

Tinitigan ni Coleen ang dalaga.

Tila inaalam kung seryoso ba ito sa sinabi.

Nakipaglaban naman ng titigan si Britney.

Hanggang sa magsalita si Coleen.

"At ano naman daw ang maitutulong mo ? " tanong nya.

Napangiti si Britney.

"I knew how to sing remember ? " paalala nya.

Natigilan si Coleen ng maalala ang hidden talent ni Britney.

Natatandaan nyang mahilig itong kumanta.

Nuong maayos pa sila ng dalaga, madalas silang kumakanta sa bahay bilang pamatay oras.

Unti unting napangiti si Coleen.

"I remember. Pero di tayo pwedeng makialam. Let kuya do all the singing. Kahit na boses palaka sya, we have to trust him. " biro nya.

Natawa si Britney.

"Alam ko, pero di naman siguro masamang magkaroon sya ng back up singers right ? Magagandang back up singers. " nakangiting sabi nya.

Tuluyan nang napangiti si Coleen.

"You will do that ? Maraming tao sa school. Hindi ka nahihiya ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Britney.

"Hindi lang ako ang mag isang kakanta. Tatlo tayo. Kung may mapapahiya man, tatlo tayo. " biro nya.

Natawa ng mahina si Coleen.

"Yeah. So, sige. Sama ka. Better sleep early para magising ka rin ng maaga. Sabi ni kuya wala na daw ginagawa sa school nila. Foundation week na kasi. Sa saturday play na nila. " sabi nya.

Napatango tango si Britney.

"So, tomorrow then ? " sambit nya.

Tumango rin si Coleen.

"Yeah. Sige, goodnight. " wika nya.

Ngumiti si Britney at tumango.

"Goodnight din sayo. And Coleen. " tawag nya.

Lumingon si Coleen pero nagulat sya ng salubungin ng yakap ng dalaga.

"I'm so sorry for all the troubles na nagawa ko. I really am. " bulong nya.

Nagulat man, gumanti si Coleen ng yakap.

"Okay okay. Basta wag mo na ulit sasaktan si Kuya. " wika nya.

Tumango tango si Britney.

"I promise. " sagot nya.

Saglit lang ay nagkalas sila sa pagyakap at nakangiting pinagmasdan ang isa't isa.

"Thank you talaga. " sabi ni Britney.

"Wala yon. Move-on ka na. Hanap ka na lang ng iba or mag focus ka sa pag aaral. " pangaral ni Coleen.

Napangiti ng maluwang si Britney.

"Yeah. Gagawin ko yan. Pero mukhang nagawa ko na yung una. " biro nya.

"What ? May nakita ka na agad na iba ? " tanong ni Coleen.

Natawa si Britney.

"Biro lang no. Pero really, may nakita akong guy. He's so handsome. Pero he's so manyak. " biro nya.

Natigilan si Coleen at tila naexcite sa sinabi ng dalaga.

"What you mean ? Baket manyak ? " tanong nya.

Kagat labing hinaplos ni Britney ang mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Coleen.

Di man magsalita ang dalaga, tila nahuhulaan na nya ang nangyari.

"Oh God, nag kiss agad kayo ? Grabe ka ! " impit na tili nya sabay kurot sa braso nito.

Napangiwi si Britney ng maalala ang nakaraan.

Tila ramdam nya pa ang paglapat ng mga labi ng estranghero sa kanyang mga labi.

"I, uhm, e-ewan ko nga kung anong nangyari eh. It's a long story actually. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Coleen pagkuwa'y napatingin sa saradong silid.

Dahan dahan nyang binuksan ang pinto at nakangiting tiningnan ang dalaga.

"Tabi tayo. " nakangiting anyaya nya.

Natigilan si Britney.

Pero unti unti syang napangiti at sunod sunod na tumango.

- - - - -

"Are you sure na ayaw mong sumama kami anak ? You know, mas marami mas effective. " tanong ni Harriet.

Nagpunas muna ng bibig si Caleb sabay ngumiti sa ina.

"Thanks Ma, but I can manage. Isa pa, gusto kong ako lang ang makakita ng kahihiyan ko. " biro nya.

Nagkatinginan sina Coleen at Britney.

Napangiti ng lihim sa isa't isa.

Nagsalita ang ama ng tahanan.

"Mahal, ano bang balita sa Mommy mo ? Kamusta na daw sya sa hotel ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Harriet.

"Ewan ko ba dyan kay Mama. I called her this morning, pero mukhang natutulog pa. " sagot nya.

"Ano kaya kung bisitahin mo sya ? Alam mo na, para icheck kung okay pa ba sya don. " suhestyon ni Gabriel.

Natahimik si Harriet at nagpatuloy sa pagkain.

Marahil ay ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang mag ina ang dahilan kung bakit ito biglang nag check in sa hotel.

Aminado syang naguguilty sya sa nagawa.

Sa tanang ng buhay nya, nuon lamang sya ng kapagsalita ng ganuon sa ina.

Pero di sya ganap na nakakaramdam ng pagsisisi.

Pakiramdam nya ay ginawa lamang nya ang sa tingin nya ay tama.

Pinoprotektahan lamang nya ang kanyang mga mahal sa buhay na patuloy nitong sinasaktan sa di nya malamang dahilan.

..

Napabuntong hininga si Harriet.

Napansin ito ng lahat pero walang nagsalita.

Nagpatuloy ang almusal sa manaka nakang kwentuhan.

Matapos ang pagkain, dumiretso na si Caleb sa kwarto para maghanda.

Agad namang sumunod sina Britney at Coleen.

Lihim silang susunod sa binata para tulungan ito sa balak.

Ayaw kasi ni Caleb na makaabala pa.

Pero di naman sila manhid para malamang mahirap ang gagawin nito at nangangailangan ng tulong.

Dali dali na silang nag ayos tulad ng ginawa ng binata.

Bago pumasok, nagtanguan pa ang dalawang dalaga.

Pagpasok ni Coleen sa sariling kwarto ay agad nyang hinagilap ang cellphone para alamin kung nag reply na si Cheska.

Kagabi bago matulog ay tinext nya ito tungkol sa mangyayari.

Siguro naman ay gising na ang kaibigan.

Pero nanlumo si Coleen ng makitang walang reply.

Sa inis, tinawagan nya ang dalaga.

Naka ilang ring bago may sumagot sa kabilang linya.

"Bruha ! " agad na bungad ni Cheska.

Napasimangot si Coleen.

"Bruha ka rin ! Bakit di ka nagrereply ? " asik nya.

Tumawa sa kabilang si Cheska.

"Alaws load repa. Alam mo namang pag aaral ang inuuna ko kesa ang kung anu anong luho na di naman kailangan. " wika nya.

Natawa si Coleen.

"Ang sabihin mo, kuripot ka talaga. Namiss na kita friend. " sambit nya.

"Ay gaga, lalo na ko. Kahapon pa nga namin gustong pumunta dyan ni Bebang. Kaso nagkaroon ng praktis eh. " kwento ni Cheska.

"Wag na, kami na ang pupunta dyan. " wika ni Coleen.

Impit na napatili si Cheska.

"Oo nga. Tutuloy talaga yang kuya mo ? Hala ! Sobrang nakakahiya yun. " sambit nya.

"Eh ano pa nga ba. Inlababo eh. Haha, kamusta na si Val ? Baka naman kinwento mo na sa kanya ? " tanong ni Coleen.

"Ay gaga. Hindi no. Magagalit yun panigurado. Pero wapakels tayo. Para din sa kanila to eh. Sana talaga magkaayos na sila noh ? " tanong din ni Cheska.

Napatango si Coleen.

"I hope so. Basta be sure na nandun na kayo sa room nyo. Then I'll misscall you pag nandun na si kuya. " sagot nya.

"Sige sige. Good luck sis. Ingat kayo ha ? " bilin ni Cheska.

Napangiti si Coleen.

"Marami akong chismis sayo sis. " landi nya.

Napatili si Cheska sa kabilang linya.

Natawa si Coleen.

Konting paalamanan pa at tuluyan na nyang tinapos ang tawag.

Akmang ihahagis na nya ang phone sa kama ng may maalala sya.

Nagtalo ang isip ng dalaga.

"Siguro naman papansinin nya ko. " bulong nya.

Lakas loob na nagmisscall.

Di pa sya nakakatatlong ring ng may sumagot.

Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga ng marinig ang boses ng binata.

"Who the hell is this ? " tanong nito.

Napalunok si Coleen.

"A-ako to kuya Rom. " mahinang sagot nya.

"Who ? " tanong ni Romeo.

"C-coleen. Coleen Concepcion. " utal na sagot ni Coleen.

Saglit na natahimik si Romeo sa kabilang linya.

"Anong kailangan mo ? Malalate na ko, bilisan mo. " wika nya.

Natigilan si Coleen at napatingin sa orasan na nakapatong sa side table.

"B-but it's past 9 na kuya. 9: 20am to be exact. H-hindi ba 9 ang pasok mo today ? " tanong nya.

Muling natahimik si Romeo sa kabilang linya.

Pagkuwa'y bigla itong napatili.

"Aaayy ! Oo nga ! Bilisan mo na loka ! " tarantang sabi nito.

Di malaman ni Coleen kung tatawa ba o mamamangha sa pagtili nito.

Pero bago pa sya panghinaan ng loob, sinabi na nya ang pakay.

"I n-need you help kuya. P-please. " bulong nya.

Muli, natahimik si Romeo sa kabilang linya.

Hanggang sa magsalita ito.

"I can't. May exam ako ng 10am. Yakang yaka na ni Caleb yan. Good luck na lang kamo. Sige bye na. " wika nito at tuluyan nang tinapos ang tawag.

Napanganga si Coleen sa rudeness ng binata.

Ni hindi man lang ito nag paalam sa kanya ng maayos.

Nakaramdam sya ng kaunting lungkot.

Pero pilit nyang winaksi ang bagay na iyon.

Saglit nyang tinitigan ang cellphone.

Walang sabi sabing hinagis nya ito sa kama at naglakad patungo sa banyo habang isa isang inaalis ang saplot sa katawan.

- - - -

"Alam mo Kakay, kanina pa ko naguguluhan sayo. Ano bang problema mo ? " asik na tanong ni Valerie sa kaibigan.

Natawa si Cheska.

"Napakainit naman ng ulo mo. Relax ka lang pwede ? " biro nya.

Napasimangot si Valerie.

"Relaxin mo mukha mo. Umalis ka nga sa harap ko. Wag ka dyan magpalakad lakad. Di ko matapos itong ginagawa ko eh. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Alam mo, kanina ka pa dyan. Ano ba yang sulat na yan ? Last will and testament ? Kapal ha, wala kang kayamanan para gumawa nyan. Pero sige, sakin mo iwan yung phone mo ha. " biro nya.

Natawa ng mahina si Valerie.

Pero muli nyang pinagpatuloy ang ginagawa.

Tumabi si Cheska ng upo at nakiusyoso.

"Hala sis. Ano yan ? " tanong nya.

Ngumiti ng mapait si Valerie.

"Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanya to eh. So idadaan ko na lang sa sulat. " bulong nya.

Natigilan si Cheska at pinasadahan ng tingin ang ginagawa ng kaibigan.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng maunawaan ang mga nakasaad dito.

"B-bakit nagpapaalam ka na ? Makikipag break ka na kay Caleb ? " tanong nya.

Marahang tumango si Valerie.

"H-hindi ko na kaya sis eh. Masyado ng masakit. H-hindi naman ako makikipag break. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na sobrang masakit na. " bulong nya.

Pilit pinipigilan ang emosyon pero bigo sya.

Mabilis na gumapang ang sakit at nagdulot ito ng luha sa kanyang mga mata.

Mabilis nya itong pinunasan at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

Naalarma naman si Cheska.

"Ahm Bebs, sa tingin ko kailangan mong bigyan ng chance si Caleb na makapag explain. " sabi nya.

Ngumiti ng malungkot si Valerie.

"Pwede naman eh. Kung pupuntahan nya ko dito ngayon. Pero mukhang malabo. Parang ansaya saya nya sa piling ni Britney eh. " wika nya.

Natigilan si Cheska.

Pero nakaramdam sya ng pag asa.

"Pano kung biglang magpakita si Caleb mamaya ? Anong gagawin mo ? " tanong nya.

Natigila sa pagsusulat si Valerie at napaisip.

"Sasampalin ko sya. " diretsong sagot nya.

Napangiwi si Cheska.

"Di ba pwedeng sampalin mo sya sa walang makakakita ? " tanong nya.

Napangiti si Valerie.

"Bahala na. " biro nya.

Akmang magsasalita pa si Cheska ng maramdaman nya ang pag vibrate ng kanyang cellphone na nasa bulsa.

Natawa si Valerie ng kiligin ang kaibigan.

"Kadiri ka. " sabi nya.

Natawa rin si Cheska at mabilis na hinugot ang aparato.

Nagulat si Valerie.

"May CP ka ? " tanong nya.

"Kay Inay to. Hiniram ko lang. " sagot ni Cheska.

"At may katext ka ha ? Improving. " biro ni Valerie.

Natawa si Cheska at tiningnan kung tama ba ang kanyang hinala.

Napangiti sya ng makita ang number ni Coleen.

Sinulyapan nya ang kaibigan na abala sa pagsusulat.

Nasabik sa nalalapit na sorpresa ng nobyo para dito.

...

Ilang saglit lang, isa isang naglabasan ang mga estudyante at dumungaw sa balustre.

Natigil sa pagsusulat si Valerie ng mapansin ang tila nagkakagulo ang mga tao.

Napatingin sya sa kaibigan.

"Anyare ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Cheska.

"Malay ko. Tingnan natin ? " tanong din nya.

Umiling si Valerie.

"Mamaya na, tapusin ko lang to. " sagot nya.

Natigilan si Cheska.

"Mamaya na yan, tingnan muna natin. Baka magsimula na sya eh. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Anong magsimula ? Sino ? " tanong nya.

Inis na hinatak ni Cheska ang kamay ng kaibigan at pilit na dinala sa kumpulan ng mga tao.

Nagpatangay naman si Valerie bagama't naguguluhan sa inaakto ng dalaga.

Niyuko ni Valerie ang ground floor kung saan maraming estudyante ang nag uusyoso.

Hanggang sa mapasinghap sya sa nasaksihan.

Si Caleb, nakatayo gitna.

May hawak katabi itong malaking speaker at may hawak na mic.

"C-caleb. " bulong nya.

- - - -

Kabadong inayos ni Caleb ang dala nyang speaker.

Pinagtitinginan na sya ng mga tao.

Nasa mukha ng mga ito ang tanong.

Pero di nya ito binigyang pansin.

Mabilis na mabilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa pinaghalong takot at kaba.

"Bahala na." bulong nya.

Tumingala sya sa palapag kung saan naruon ang room ng kasintahan.

Napangiti ng makita itong nakadungaw rin tulad ng iba.

"H-hello baby. " panimula nya.

Napatingin ang lahat sa direksyon kung saan nakatingin si Caleb.

- - - -

Natulala si Valerie ng isa isang magtinginan sa kanya ang mga kaklase.

Maging ang ibang mga estudyanteng nakikiusyoso ay napatingin din sa kanya.

Unti unting namula ang kanyang mga pisngi.

"A-ano bang ginagawa mo dyan ? " pasigaw na tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Haharanahin ka. " sabi nito sa mic.

Lalong natulala si Valerie.

Unti unting umugong ang hiyawan sa pangunguna ni Cheska.

Napatingin si Valerie sa kaibigan.

Bigla nya itong kinurot sa braso.

"May alam ka dito no ? " tanong nya.

Natatawang umiwas si Cheska.

"Wag kang mambintang Bebang. Saka bakit ka ba nagagalit ? Ayaw mo ba ? Eh di patigilin mo na sya. " sagot nya.

Napaismid si Valerie sabay tango.

"Talaga. " wika nya.

Walang sabi sabing tinakbo nya ang hagdan pababa.

Nataranta naman si Cheska kaya mabilis din syang sumunod sa kaibigan.

Tiniis ni Valerie ang nanunuksong tingin ng mga nakakasalubong at nagmamadaling nilapitan ang binata.

Pero nagulat ng pumailanlang na ang isang malamyos na tugtog.

"Binibini. " boses ni Caleb.

Marami ang napahiyaw.

Tila naging estatwa na lamang si Valerie habang nakatitig sa binata mula sa distansya.

Kinikilig na hinawakan ni Cheska ang kamay ng kaibigan at hinatak sa mismong harap ni Caleb para panuorin ito at pakinggan.

- - - -

Dahil sa nakikitang pag approve ni Cheska mula sa likod ni Valerie, nagkaroon ng kaunting lakas ng loob si Caleb para ituloy ang ginagawa.

"Binibini sa aking pagtulog, Ika'y panaginip ko. Panaganip ng kathang dakila, nitong pag-iisip ko. Ang katulad mo raw ay birhen,
Sa abang altar, ng punong pag-ibig. O kay ganda o kay gandang mag-alay sa 'yo " pag awit ng binata.

Nanigas ang katawan ni Valerie.

Wala na syang nagawa kundi makipagtitigan na lamang sa binata at damhin ang mensahe ng inaawit nito.

Napangiti si Caleb at nagpatuloy sa pag awit.

Wala na syang pakialam kung hindi maganda ang kanyang boses.

Para sa kanya ay nais lamang nyang ipadama sa kasintahan ang kanyang nararamdaman.

"Alaala, at isip at pagod, Sa yo'y binigay ko raw. Binibini, ang aking dalangi't dasal, dininig mo raw. Wika mo raw ay iingatan ka, magpakailanman ang purong pag-ibig. O kay ganda o kay gandang mag-alay sa 'yo. Hooh..." patuloy nya.

Lalong kumapal ang mga taong nakikiusyoso.

Pati si Yohan na kalalabas lamang mula sa faculty ng guro ay nagngitngit ng makita kung anu ang pinagmumulan ng komosyon.

"That bastard. " gigil na sabi n ya.

Dali dali nyang tinawag ang mga guro para ipatigil ang nagaganap.

- - - -

Naiiyak na si Valerie.

Hindi pa man ay nais na nyang sugurin ang kasintahan pero nais nyang tapusin nito ang nasimulan.

Ilang sandali lang ay may sumipol.

Natigil sa pag awit si Caleb ng lapitan sya ng security guard ng eskwelahan.

"Boy, ano ba yan ? " tanong nya.

Napakamot sa ulo ang binata.

"Pasensya na ho kuya. Tatapusin ko na lang ho. " sagot nya.

Umiling ang gwardya.

"Napag utusan lang ako boy. Ligpitin mo na yan. Baka magalit pa yung ibang teachers at dalhin ka pa sa guidance. Sige na. " sambit nito.

Nanlumo si Caleb.

Napatingin sya kay Valerie at nakita nyang umiiyak na ito.

"Sorry baby, di ko na matatapos. " sabi nya.

Napaungol ang mga tao sa narinig.

Pero umiling si Valerie at dali daling niyakap ang binata.

"Okay lang yan baby. " sambit nya.

Lumapit na rin si Cheska.

"Manong, baka naman pwedeng patapusin nyo na lang yung kanta ? KJ nyo naman eh. " pang aasar nya.

Mula sa likod ay may nagsalita.

"What happened ? I thought everything was fine ? " tanong ni Coleen.

Nagulat si Caleb ng makita ang kapatid.

"Anong ginagawa mo dito ? " tanong nya.

Ngumiti lang si Coleen.

"Syempre, documenting your weirdness. Pero hassle naman, bakit pinatigil ? Ang ganda na eh. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Documenting ? Paano ? " pag iiba nya.

Napangisi si Coleen at tinuro ang isang direksyon.

Napatingin silang lahat at nabigla ng makita ang babeng may hawak na video camera.

Si Britney.

Pero maging ito ay tila nagtataka kung anu na ang nangyayari.

"A-anong ginagawa nya dito ? " tanong ni Valerie.

Hinawakan ni Coleen ang kamay ng dalaga.

"It's okay. Mabait na sya and she's we are here to help kuya to make amends. Trust me sis, nagbago na sya. " bulong nya.

Kagat labing napatingin lang si Valerie sa dalaga.

Nagtama ang tingin nila at nasa mata nito ang paghingi ng tawad.

...

"Pst pst, tama ng chismisan. Sa ibang lugar nyo na lang ituloy yan. Hoy boy, iligpit mo na tong speaker mo at nakakaabala ka na sa iba. " saway ng gwardya.

Napasimangot sina Coleen at Cheska.

"Ang epal. " sabay nilang bulong.

Binalingan ni Caleb ang gwardya.

"Please kuya, kahit tapusin ko na lang po. Sayang naman yung paghahanda ko eh. " makaawa nya.

Biglang may nagsalita sa likod.

"Ano bang kakengkoyan to Caleb ? " tanong ng boses.

Napatingin ang lahat sa nagsalita.

Nakangisi si Yohan di kalayuan.

May kasama itong mga teachers at nanlaki ang mga mata nina Valerie ng makita ang mismong guidance councilor nila.

Napayuko ang dalaga at nakaramdam ng kaba para sa nobyo.

Pero hinawakan lang ni Caleb ang kanyang kamay na tila sinasabing magiging ayos din ang lahat.

....

Lumapit si Yohan.

"Nice try Caleb. Pero bawal yan eh. Nasa school property ka at school hours pa to kahit pa sabihing foundation week ngayon. Some students are making their preparations for the upcoming event pero naistorbo sila dahil sa ginagawa mo. Sorry bro, but you have to stop. " wika nya.

Napatiim bagang si Caleb.

"So, ikaw ang may pakana nito. " sabi nya.

Umiling si Yohan sabay tawa.

"Uy hindi ah. Di ako ganun kasama. Cute nga eh. Pahara - harana ka pa. Pero wala tayong magagawa. " kibit balikat na wika nya.

Dinutdot ni Cheska ang dibdib ni Yohan.

"Who the hell are you ? " singhal nya.

Napaatras ang binata.

"Whoah, easy there. Wag ka sakin magalit. Wala naman akong ginawa para ipatigil yan no. It's just that, bawal yan. " nakangising sabi nya.

Naningkit ang mga mata ni Cheska.

Akmang magsasalita sya ng biglang pumailanlang ang malakas na tugtog.

Tulad ito ng kanta ni Caleb.

Nagkatinginan ang lahat.

"S-sino yon ? " tanong ni Cheska.

"Ewan ko, nandito na tayong lahat eh. " sabi ni Caleb sabay tingin sa kapatid.

Napalapit na rin si Britney.

"Hey, what's that ? " tanong nya.

"Di ko alam, akala ko nga ikaw eh. " sabi ni Coleen.

Napalunok si Caleb.

Hawak ang kamay, hinatak nya ang kasintahan palabas ng eskwelahan.

Para lamang mamangha ng makita ang tila isang orchestra na nasa labas.

Mula sa kung saan, lumabas si Kwadro Alas sa pangunguna ni Romeo.

May hawak itong mikropono at nakangiting inabot kay Caleb.

"Balita ko may ginagawa ka daw na kakengkoyan. Oh eto, ipagpatuloy mo. " sabi nya.

Napanganga si Caleb.

"K-kuya Rom. Pano mo nalaman na nandito kami ? " tanong nya.

Ngumiti si Romeo at inakbayan si Coleen.

"Some girl called me. " sagot nya.

Natulala si Coleen at inalihan ng kilig sa katawan.

Napanganga sa gulat sina Britney at Cheska.

Lumapit si Rhoi sa banda at binulungan itong magsimula na.

Muli, pumailanlang ang malamyos na musika.

Tinapik ni Aldrin sa balikat si Caleb.

"Ano boy ? Ganyan ka na lang ? Sayang itong effort mo oh. Todo mo na. Pati pato. " nakangiting sabi nya.

"Oo nga, nandito ka na rin lang. Lubus lubisin mo na. " sabat ni Darius.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

Ngali ngaling maiyak sya sa sobrang tuwa.

"S-salamat, sobrang salamat talaga. " bulong nya at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Valerie.

Napangiti ang dalaga.

Pinakinggan ang pag awit ng kasintahan.

- - - -

Halos lahat ng estudyante ay naglabasan ng eskwelahan para panuorin ang ginagawa ni Caleb.

Maraming babae ang naiinggit kay Valerie at marami ring lalaki ang namangha sa effort na ginagawa ng binata.

Nasa kalagitnaan ng ng pag awit ng muli silang lapitan nina Yohan kasama ang gwardya at mga teachers.

Pero humarang ang Kwadro Alas sa gate.

"Where are you going ? " tanong ni Romeo.

Natulala si Yohan ng makilala ang humarang sa kanya.

"I-ikaw na naman ? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Yeah, ako nga. At mukhang nanggugulo ka na naman. Pero sad to say, wala kang magagawa para ipatigil ang nangyayari. Manuod ka na lang dyan at magngitngit. " matigas na sagot nya.

Napalunok si Yohan.

"H-hindi ka pa ba nadadala sa ginawa sayo nina Kuya Siege ? " lakas loob na tanong nya.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"Siege? Sinong Siege ? " tanong nya.

Natawa ng plastik si Yohan.

"Syempre, pilit mong kalilimutan yon. For sure, grabeng kahihiyan ang inabot ng tropa mo sa kanya. Ang angas mo kasi eh. Di mo naman pala kaya. " asik nya.

Natawa si Aldrin sa likod.

"Tol, yung sinasabi nya atang Siege eh yung naglakad ng paluhod palabas ng school. " paalala nya.

"Malamang, narinig kong tinawag nung isang tukmol na Siege yung parang lider ata nila. " dugtong ni Rhoi.

Kumunot ang noo ni Yohan.

"Naglakad ng paluhod ? Hahaha, Nice try. Kwento mo pa. " sambit nya.

Napakamot sa batok si Romeo at tinawag si Darius.

"Tabar, nasan na yung bracelet ni kumag ? " tanong nya.

Nilabas naman ni Darius ang tinutukoy ng kaibigan.

"Oh, pakisauli mo nga sa mokong na yon. Saka kung gusto nya kamong magpasikat at gumawa ng kwento, siguraduhin nyang walang tao sa paligid na nakakita ng pangyayari ha ? Eh andaming tao nung sugurin nila si Utol Rom sa school. At sa school pa talaga namin ? Nag iisip ba sila ? Sayang lang effort nila eh. " natatawang abot nya sa bracelet.

Natulalang tinanggap ni Yohan ang inabot ng binata.

Pinakatitigan at tiniyak kung ito nga ba ang bracelet ng pinsan.

Nakita nya ang pangalan nito sa likod.

"B-bakit nasayo to ? " tanong nya.

Natawa ang Kwadro Alas.

"Isasangla sana namin, kaso nakakahiya naman. 7k lang pala yan sa pawnshop. Saka baka kasi importante yan sa unggoy na yon. Alam mo na, hindi lang kami
puro kagwapuhan, mababait din kami eh. " sabi ni Romeo.

Napalunok si Yohan at natigilan ng marinig ang hiyawan ng mga tao.

"Tapos na sila. " saad ni Aldrin.

Biglang kinotongan ni Romeo si Yohan.

"Kita mo, dahil sa kalandian mo, di na namin napanuod. Bwisit ka. Oy utol Rhoi, yung bulaklak. " utos nya.

Dali dali namang tinakbo ni Rhoi ang bulaklak sa sasakyan at inabot ito kay Caleb.

Lalong naghiyawan ang mga tao.

Lumapit ang gwarya sa apat na alas.

"Boy bawal yang ginagawa nyo. " pananakot nito.

Pero di natinag ang apat.

"Kuya Boy Bawal, sabi mo kanina, bawal yung ginagawa ni Caleb kasi nasa loob sya ng campus. Ngayong nasa labas na, bawal pa rin ? Ano ba talaga ? Magulo ka rin eh. " sabi ni Rhoi.

Naumid ang dila ng gwardya at di na nakapagsalita.

Hinarap na lamang ni Romeo si Yohan.

"Ikaw ang kontrabida sa istoryang ito. Kung ako sayo, gagalingan ko pa sa susunod para mapaghiwalay sila. Dahil sa nakikita ko, malapit nang mabuntis ni Caleb si Valerie. Wala ka ng habol. " biro nya.

Natawa si Aldrin at binatukan ang kaibigan.

"Buntis agad ? " sabi nya.

Natawa rin si Romeo at inakbayan sina Darius at Aldrin.

Nilingon nya si Yohan.

"If I we're you, I'll find somebody else. Wag mo nang isiksik ang sarili mo kay Valerie dahil may Caleb na sya. Marami naman dyan. Kung gusto mo, bibigyan ka ni Congressman Rhoi. Marami yan. Tol, bigay mo nga yung address ng Pegasus para makapamili tong isang to. " natatawang sabi nya.

Natawa na lang si Rhoi at naiiling na umalis na.

Naiwan si Yohan na nagngingitngit sa inis.

Lalo syang nabwisit ng makita sina Caleb at Valerie na magkayakap.

"Di pa tayo tapos Caleb. " inis na bulong nya at galit na umalis sa eksena.

More from supertoyantz

Related Stories

PSErotica

REVIEW CENTER - 25

joel_reyes

REVIEW CENTER... 25 By Joel Reyes Bumaklas ako sa pagkakadagan kay Myrene sabay tihaya. Sinilip ko ang burat ko at kita...

3 minutes Read Time
PSErotica

College Girl Ivy Part 10

YesMan

College Girl Ivy Part 10 By: Yes Man "Hi, puwede bang umupo dito?" boses nang isang babae. Nakaupo ngayon si Sam...

8 minutes Read Time