1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Tatlong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Tatlong Pahina

By supertoyantz ·

Ika Tatlumpu't Tatlong Pahina

Natigil ang masayang pagkukunwentuhan nina Valerie at Coleen ng makarinig ng katok mula sa pinto.

Agad na tumayo si Coleen.

"Ako na. " sabi nya.

Pinihit nya ang doorknob at binuksan ang pinto.

Bumungad sa kanila ang nakangiting mukha ni Caleb.

"Anong ginagawa nyo ? " tanong nya.

Bumungisngis si Coleen.

"Kinukwento ko lang kay Bebang yung mga dark secrets mo. " pang aasar nya.

Natawa si Valerie.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Caleb.

"Wag kang maniniwala sa kanya baby. " wika nya.

"Why baby ? " nakangiting tanong ni Valerie.

Sumimangot si Caleb.

"Ah basta, lika na nga. Sa baba na lang tayo. " aya nya.

Ngunit humarang si Coleen sa pinto.

"Hep hep, di pa kami tapos mag kwentuhan ni Bebang. " sabi nya.

"Oh di sali ako. " sambit ni Caleb.

Pero di umalis si Coleen sa pinto.

"Di ka pwede dito. Girls only. " saway nya.

Nagpapasaklolong tumingin si Caleb sa kasintahan.

"Baby. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie at tumayo.

Lumapit sya sa binata at hinalikan ito sa pisngi.

"Mamaya na baby, nagkukwentuhan pa kami ni Coleen eh. " sabi nya.

Napasimangot si Caleb.

"Paano ko ? " tanong nya.

Ngumiti si Coleen.

"Dun ka muna sa room mo. Matulog ka kung gusto mo. O kaya maligo ka sa pool. Ay oo nga pala. Marunong ka bang lumangoy Bebs ? " tanong nya.

Umiling si Valerie.

"Di eh. " sagot nya.

Napapitik sa ere si Coleen.

Nilingon nya ang kapatid.

"Kuya, turuan mo si Bebang. " utos nya.

"Dapat ikaw ang tinuturuan nya sa mga oras na to ah. Nagpunta ako sa library pero wala kayo. Akala ko pa naman nag aaral kayo. " paalala nya.

Ngumiti si Valerie.

"Eh anong gagawin ko baby ? Wala na akong maituro sa kanya eh. Advance na nga ata kami ng isang grading. " biro nya.

Natawa si Coleen.

"Sorry ulit Bebs ha ? " sabi nya.

"Okay lang no. Mas pinadali mo nga yung trabaho ko eh. Yun nga lang, wala na akong rason para magpunta dito. " wika ni Valerie.

"Anong wala ? " tanong ni Coleen.

Napangiti si Valerie.

"Syempre, naka cope-up ka na sa lessons. Tapos sabi mo, papasok ka na rin sa school. So ano pang gagawin ko dito, eh ang trabaho ko lang naman ay turuan ka di ba ? " tanong nya.

Natigilan si Coleen.

"O-oo nga no. " sabi nya.

"But it's okay. Mas gugustuhin ko ng mawalan ng trabaho kung ang kapalit naman nito ay pagbalik school mo. " sambit ni Valerie.

Natouch si Coleen.

Niyakap nya ang kaibigan at nagpasalamat.

"T-thank you so much Val. Kung di dahil sayo, malamang na nagpapasaway pa rin ako up to now. Thank you talaga. " wika nya.

Ngumiti ng matamis si Valerie at niyakap din ang dalaga.

"Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako nga ang meron, dahil nadagdagan ang kaibigan ko. " sabi nya.

Ngumiti din si Coleen.

"Ako naman nagkaroon ng kaibigan. At nagkaron ka pa ng lovelife. " tukso nya.

Natawa si Valerie.

"Lovelife na sakit sa ulo. " wika nya.

Umepal si Caleb.

"Oy anong sakit sa ulo ? " tanong nya.

"Totoo naman, pasaway ka eh. Di ka rin nagpapapasok. " sagot ni Valerie.

"Alam mo naman ang dahilan di ba? " tanong ni Caleb.

Ngumiti si Valerie.

"Yeah, I know. And I'm happy na okay na si Tito Gab. " sagot nya.

Sumingit si Coleen.

"Daddy Gab. You have to call him Daddy Gab or else magseselos sya kasi Mommy ang tawag mo kay Mom. " singit nya.

Napangiwi si Valerie.

"H-hindi ba parang nakakahiya na ? P-parang ang kapal na ata ng mukha ko pag ginawa ko yon. " wika nya.

Natawa si Caleb at inakbayan ang kasintahan.

"Para mo na ring sinabi na makapal ang mukha ko dahil sa pagtawag ko ng Nanay at Tatay sa parents mo. " sabi nya.

Nagkandailing si Valerie.

"Of course not ! Gustong gusto nga nila yun eh. " wika nya.

"Then ganun din sa parents namin ni Kuya. " sabat ni Coleen.

Napakagat labi si Valerie.

"T-talaga ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Yup. Tama si Coleen. Mas prefer ni Dad at Mom na ganun ang itawag mo kesa Tito at Tita. " sagot nya.

"O-okay. " nahihiyang sabi ni Valerie.

Napangiti si Coleen at hinawakan sa kamay ang dalaga.

"Pasyal tayo sa labas. " aya nya.

Napatingin si Caleb sa dalawa.

"Paano ako ? " tanong nya.

"Bahala ka sa buhay mo. " sagot ni Coleen at hinatak si Valerie.

"Baby. " tawag ni Caleb at hinawakan ang kabilang kamay ng kasintahan.

Natawa si Valerie.

"Tama yan, hatiin nyo ko. Di kayo nakakasakit eh. " biro nya.

Nagtawanan ang magkapatid.

"Kuya kasi, wag ka ngang epal. " sabi ni Coleen.

"Ako pa ang epal ? Eh ako ang boyfriend. " wika ni Caleb.

"Ako naman ang sister. Saka hayaan mo nga kaming mag bonding ! Shoo shoo. " taboy ni Coleen.

Natatawang hinawakan ni Valerie ang kamay ng binata.

"Hayaan mo na sya baby. Babalik naman kami eh. " bulong nya.

Napahinga ng maluwang si Caleb at ngumiti.

"Yeah. Ano pa nga ba ? Basta sa subdivision lang kayo ha ? Oy Coleen walang lalabas. " bilin nya.

Umirap lang si Coleen.

"Tse. Tara na kasi Bebs. " tawag nya.

Napangiti si Valerie at tumango.

"Eto na nga eh. Gala muna kami baby. " paalam nya.

Ngumiti si Caleb at tumango rin.

Muli nyang hinawakan ang kamay ni Valerie at hinatak palapit sa kanya.

"Come here. " bulong nya.

Nagtama ang mga mata ng dalawa.

Alam na ni Valerie ang nais ng kasintahan at buong lugod nya itong pinagbigyan.

Di na sya magpapakipot pa.

Bakit nga naman ? Eh ito rin naman ang hinahanap hanap ng kanyang sistema.

Mabilis na nagdikit ang mga labi ng dalawa para pagsaluhan ang isang matamis na halik.

Saglit lamang ang tinagal ng pagdadaiti ng kanilang mga labi ngunit sapat na ito para panghinaan ng tuhod ang dalawa.

"Take care. " bulong ni Caleb.

Ngumiti si Valerie at tumango.

"I will, for you. " ganting bulong nya.

Lumingon si Coleen at biglang napasimangot.

"Ay Dyosko, PDA. " sumbat nya.

Natawa ang dalawa at nagpahatak na si Valerie sa dalaga.

Hinatid ni Caleb ng tingin ang dalawa bago napapangiting nagtungo sa sariling silid.

Binagsak nya ang katawan at pinikit ang mga mata.

Dahil sa maaga syang nagising kaninang umaga, mabilis na nakuha ng binata ang antok.

..

Mula sa kabilang kwarto, ganap na sinara ni Britney ang pinto.

Di sya makapaniwala sa narinig.

Akala nya ay ordinaryong kasintahan lamang ang babaeng iyon.

Kung sa narinig nyang pag uusap ng tatlo, mukhang mas higit pa sa pagiging nobya ang turing ng mga ito sa dalaga.

"But how is that happened ? What did that bitch did to this family ? " asar na bulong nya.

Mabilis na nag isip si Britney.

Patakbo nyang nilapitan ang traveling bag at hinagilap ang cellphone.

"Damn ! Where are you ? " inis na sambit nya.

Hanggang sa mapangisi ng makita ang hinahanap.

Agad na nag dial ang dalaga.

Pero muli syang napamura ng maalalang nasa Pilipinas nga pala sya.

Di uubra ang gamit nyang mobile.

Kailangan nya ng local phone.

Muling nag isip ng mabilisan ang dalaga.

"Oh I almost forgot ! The maid ! " sambit nya.

Agad na tumakbo palabas si Britney.

Nagmamadaling tinahak nya ang daan pababa ng hagdan.

Dahil sa pagmamadali, halos matisod tisod na sya.

Ngunit wala syang pakialam.

Dire diretso syang nagtungo sa kwarto ng mga katulong at kinalabog ang pinto.

"Lisa ! Come out here ! " tawag nya.

Dahan dahang nagbukas ang pinto at kunot noong dumungaw ang isang babae.

"M-ma'am Britney ? " tanong nito.

Umismid si Britney at tinulak papasok ang pobre.

Nilahad nya ang kamay.

"Give me your phone. " utos nya.

"B-bakit po ? " tanong ni Lisa.

Sumimangot ang dalaga.

"Just give me your phone dammit ! " sigaw nya.

Napaatars si Lisa.

"P-pero personal ko na po yon Ma'am. " bulong nya.

Naningkit ang mga mata ni Britney.

Nilapitan nya ang katulong at tinitigan sa mga mata.

"I don't care if it's a private thing. Give your phone or else you will be kicked out from this house. " banta nya.

Nanlaki ang mga mata ni Lisa.

Tiningala nya ang dalaga at tinitigan sa mga mata.

Halos hanggang baba lamang sya ni Britney.

"M-ma'am Britney, w-wag naman po. May pinapaaral pa po ako sa probinsya. " makaawa nya.

Umismid si Britney.

"See ? Okay okay. Since na mabait naman ako, i'll just buy your phone na lang. It's for emergency lang kase. " binaba nya ang boses.

"H-hiramin nyo na lang po. " wika ni Lisa.

Binuksan nya ang drawer at nilabas ang cellphone.

Inabot nya ito sa dalaga ngunit tumanggi si Britney.

Naglabas ito ng pera.

"Here. 5,000 for this piece of junk. " sabi nya.

Napalunok ng palihim si Lisa.

"H-hindi na ho Ma'am. Hiramin nyo na lang po. Pakibalik na lang po mamaya. " bulong nya.

Umikot ang mga mata ni Britney.

"Bahala ka sa buhay mo. Akina nga yan. May load ba to ? " tanong nya.

Tumango si Lisa.

"Oho. Pero konti lang. " wika nya.

"Here's the money. Buy me a cellcard. Then use the change to buy something nice for you. Buy yourself a makeup. " sambit ni Britney at inabot ang pera.

Tiim bagang na inabot ni Lisa ang pera.

Saglit nyang tinitigan ang dalaga bago pigil ang inis na lumabas ng silid.

..

Lumipas ang ilang minuto, bumalik na si Lisa galing sa pagbili ng cellphone card.

Naabutan nya ang kapwa kasambahay na naglilinis ng pool.

"Nasan si tisay ? " tanong nya.

"Nasa kwarto nya ata, nagpahatid ng miryenda eh. " sagot ng babae.

"Sige manang salamat. " sambit ni Lisa at tumuloy na sa loob.

Dire diretso syang umakyat sa kwarto na pansamantalang pinagamit kay Britney.

Saglit muna syang huminga ng malalim bago kumatok.

"Who's that ? " tanong ng boses.

"Si Lisa po. " sagot ng kasambahay.

Ilang sandali ay bumukas ang pinto.

Nagulat si Lisa sa itsura ng dalaga.

Halos lumuwa kita na ang mga parteng dapat itago sa iksi ng suot nito.

"What ? " asik ni Britney.

Napaatras si Lisa sa gulat.

"W-wala po. Eto na ho yung cellcard nyo. " sambit nya.

Kinuha ng dalaga ang cellcard.

Akmang papasok na syang muli ng tawagin ni Lisa.

"Ma'am yung sukli. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Britney.

"What ? " tanong nya.

"Sukli ho. " sagot ni Lisa.

"Sayo na yan. " sabi ni Britney at akmang isasara ang pinto.

Ngunit hinarang ni Lisa ang paa.

"Hindi na ho. Salamat na lang. " sabi nya.

Napaismid si Britney at inagaw ang pera.

"Arte mo. " wika nya at sinara ang pinto.

Muling napatiim bagang si Lisa.

"May araw ka rin sakin. " bulong nya at padabog na bumaba sa hagdan.

..

Sa loob ng silid.

Mabilis na ni-load ni Britney ang biniling cellcard ng katulong.

Ng matanggap ang notification na nagsasabing nareceive na nya ang load, agad na binuksan ng dalaga ang sariling cellphone at hinanap ang specific na numero.

Ng makita ay isa isa nyang tinipa sa cellphone na hiniram mula kay Lisa at ng makumpleto, mabilis na pinindot ni Britney ang call sign para simulan ang tawag.

Agad na nagring kabilang linya.

Napangisi si Britney.

Alam nyang sasagot ito dahil private number ang tinawagan nya.

At di nga sya nagkamali ng hinala.

Apat na ring lang ang lumipas ng may magsalita sa kabilang linya.

"Hello sino to ? " tanong nito.

Ngumisi si Britney.

"Hello Lola. It's me Britney. " sagot nya.

"Oh hi iha. Kamusta ka dyan ? " tanong ng matanda.

"I'm fine Lola. " pinalungkot ng dalaga ang boses.

Agad namang nahalata ng matanda.

"I hear but's. " sabi nya.

"W-wala naman po. " wika ni Britney.

"Come on iha. What happened there ? Hindi ka ba inasikaso ni Harriet ? " tanong ng matanda.

Napakagat labi si Britney.

"No Lola. Mommy Harriet is so kind. " wika nya.

"Well, if that so. Bakit parang malungkot ang boses mo ? " tanong ulit ng matanda.

Nagsimulang humikbi si Britney.

"Hey ! What happened ? Why are you crying ? " tanong ng matanda.

Pahikbi hikbing nagsalita ang dalaga.

"Y-yung apo nyo. " wika nya.

"Sinong apo ? " tanong ng matanda.

"Both. " sagot ni Britney.

"Hay dyaskeng mga bata to. Anong ginawa nila this time ? " tanong ng Lola.

"Si Coleen po. Tinatarayan nya pa rin ako kahit na ang bait ko na po sa kanya. A-akala ko magiging close na kami since na nandito na rin ako sa Philippines. " sagot ni Britney.

Rinig ng dalaga ang buntong hininga ng matanda.

"Hayy yang batang yan talaga. Hayaan mo na sya, nandyan naman si Caleb. " sabi nya.

Lalong pinalakas ni Britney ang paghikbi.

"L-lola. " bulong nya.

"Why ? Pati ba si Caleb di maganda ang trato sayo ? Come on, tell me. Para mapagalitan ko sya. " sabi ng matanda.

Pinigil ni Britney ang ngumiti.

Muli syang humbikbi at sadya nya itong nilakasan para marinig ng matanda.

"H-huwag nyo na pong pagalitan si Caleb. M-masaya na po sya. " sabi nya.

"Masaya ? What you mean ? " tanong ng matanda.

Sinadya ni Britney ang wag magsalita at humikbi na lang.

Tulad ng inaasahan, nangulit ang matanda sa kabilang linya.

"Britney iha, ano bang nangyari ? What you mean na masaya na si Caleb ? " tanong nya.

"S-si Caleb po. M-may girlfriend na po sya dito. " sagot ni Britney.

"Whhaattt ? " gulat na tanong ng matanda.

"O-opo Lola. Kahit po ako nagulat. A-akala ko po, maaayos pa namin ang relationship namin. B-but I guess, I was too late. " umiiyak na sagot ng dalaga.

Humikbi sya ng humikbi.

"S-siguro Lola, uuwi na lang po ako dyan. " pahabol ni Britney sabay iyak ng mahina.

Ngunit sapat na ito para marinig ng matanda.

Talagang pinarinig nya ito sa kausap.

Hanggang sa marinig ng dalaga ang nais marinig ng kanyang mga tenga.

"Don't cry iha. Akong bahala. Just stay there. Let me handle that. For the meantime, do something sweet for Caleb. Agawin mo sya kung gusto mo. I can't let Caleb do that to you. Sssh, don't cry. " mahinahong wika ng matanda.

Napakagat labi si Britney.

Hindi upang pigilan ang pag iyak ngunit para pigilan ang paghalakhak.

"B-baka po magalit sa akin si Caleb, Lola. " sabi nya.

"Ang galit ko ang intindihin nya. Makikita talaga nyang Calebrador na yan. Hala ! , wag kang magpatalo dyan. Gumawa ka ng paraan para maibalik ang pagtingin sa iyo ng apo ko. " wika ng matanda.

"P-pero may girlfriend na po sya Lola. " sabi ni Britney.

"I don't care ! Ikaw ang dapat na girlfriend nya ! Ikaw ang gusto kong maging girlfriend nya ! " giit ng matanda.

Talagang napangisi na si Britney.

"O-okay lang kahit na agawin ko sya ? " tanong nya.

"Okay lang. Gawin mo ang gusto mo. " sagot ng matanda.

"Y-you would back me up ? " tanong ng dalaga.

"Akong bahala sayo. Go ! " utos ng matanda.

Napangisi si Britney.

"Yes ! Thank you so much Lola. I love your grandson very much ! And I love you too ! The best ka talaga. " wika nya.

Tumawa ang matanda sa kabilang linya.

"Go go go. I've some calls to make. " sabi nya.

"Okay Lola. Byeee ! Love youu. " sambit ni Britney.

Ngunit namatay na ang linya.

Napaismid ang dalaga at binato sa kama ang cellphone.

Pumasok sya sa banyo at muling naligo.

"Sorry Caleb, but you're mine. " natatawang sabi nya.

ITUTULOY !!!