1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ikasampung Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ikasampung Pahina

By supertoyantz ·

Ikasampung Pahina

Walang salitang namutawi sa mga bibig ni Valerie dala ng pagkabigla sa impormasyong nalaman buhat kay Caleb.

Nagulat pa sya ng biglang kalabitin ng binata.

"Val ? Are you okay ? " tanong nito.

Wala sa loob na napatango na lang ang dalaga.

Ngumiti lang si Caleb at binalingan ang tyahin.

"Tyang, ako po muna dito. Kumain na po muna kayo. " pagtataboy nya.

Tumango ang babae.

"Kayo ? Kumain na ba kayo ? " tanong nya.

"Tapos na po ako. Kaw Val ? Kumain ka na ba ? " tanong ni Caleb.

"A-ah. T-tapos na rin po ako. Salamat po. " sagot ni Valerie.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, biglang umatungal ang kanyang sikmura.

Namula ang mga pisngi ng dalaga.

Napangisi si Caleb.

"Wag ka ng mahiya. Sumama ka na kay Tita. Ako munang magbabantay kay Dad. " taboy nya.

Inakbayan ni Amy ang dalaga.

"Saglit lang kami iho. Ikaw ba ? Anong gusto mong kainin ? " tanong nya sa binata.

Napaisip si Caleb.

"Biskwit na lang po Tyang, medyo busog pa ako. " sagot nya.

Ngumiti si Amy at inakay na palabas si Valerie.

Walang nagawa ang dalaga kundi magpahatak na lang.

..

Sa Canteen ng ospital nagtungo sina Valerie at Amy.

"Anong sa'yo iha? " tanong ng babae.

Nahihiyang napailing si Valerie.

"O-okay lang po ako. " sagot nya.

"Ay nako. Wag kang mahiya. Dali turo na at baka wala na tayong maupuan. " sambit ni Amy.

Napangiti ng kimi si Valerie at pasimpleng nagturo.

"I-ito na lang po. " turo nya.

"Sige. Miss, isa nga nitong gulay saka itong kaldereta. Saka pagbilan nga ng isang Fita. Softdrinks iha ? " tanong ni Amy.

Umiling si Valerie.

"Tubig na lang po. " tanggi nya.

Ngumiti ang babae.

"Val, kuha ka na ng pwesto. Baka maunahan tayo. " utos ni Amy.

Lumingon lingon si Valerie.

Agad na nilapitan ang nakitang bakanteng mesa.

Ilang saglit lang ay dumating na si Amy dala ang mga biniling ulam.

Mabilis na sinalubong ng dalaga ang tyahin ni Caleb.

"Nakakahiya po. Ako na po. " sabi ni Valerie.

"Maupo ka na lang dyan. Sige na iha. " tanggi ni Amy.

Pero di pumayag ang dalaga, bagkus ay inabot nya ang tray na hawak nito.

Napangiti si Amy.

Nilapag ni Valerie ang tray at isa isang inayos ang mga pagkain.

"Kain na po. " nakangiting aya nya.

"Tara. " masiglang sagot ni Amy.

..

Matapos ang late na tanghalian, nagkwentuhan muna ang dalawa.

"Tama ka, kapatid ako ng tatay nina Caleb at Coleen. " imporma ni Amy.

"A-ano pong sakit ni S-sir Gabriel ? " mahinang tanong ni Valerie.

Napangiti si Amy.

"Tito. O kaya Tiyong. O kung gusto mo Daddy Gab na lang. " nakangising tukso nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie.

Pero di nya kayang pasubalian ang biglang pagsalakay ng kilig.

"T-tito Gab na lang po. A-ano pong sakit nya? " tanong nya.

Mabilis na kumalat ang kalungkutan sa maamong mukha ni Amy.

Nilaro laro nya ang baso ng tubig sa harap.

"May sakit sya sa puso. " simpleng sagot nya.

Nabigla si Valerie sa narinig.

"K-kawawa naman po sya. " tanging nasabi nya.

Napangiti ng kimi si Amy.

"Lalely lang namin nalaman. Kung hindi pa umuwi si Caleb dito sa Pilipinas, malamang na hanggang ngayon, nagtitiis pa rin sa hirap si kuya. " imporma nya.

Nagtaka si Valerie.

"B-bakit po kung hindi umuwi si Caleb." takang sabi nya.

Napahinga ng malalim si Amy.

"Kung hindi umuwi si Caleb, malamang na tinatago pa rin sa amin ni kuya ang sakit nya. " sabi nya.

Lalong naguluhan si Valerie.

"P-pero bakit po nya itatago ? " tanong nya.

Napangiti ng tipid si Amy.

"Mahirap lang kasi kami. Teacher ako sa isang elementary school samantalang si Kuya ay isang clerk sa bangko. Duon sila nagkakilala ni Ate Harriet. " kwento nya.

Natigilan si Valerie ng maalala ang ina ng magkapatid.

Nais sana nyang itanong kung bakit magkakahiwalay ang pamilya ngunit nahihiya sya sa maaaring isipin nito sa kanya.

..

Pero hindi na pala nya kailangang isatinig ang nasa isip.

Dahil mismong si Amy na ang nagbukas ng usapan.

"Siguro nagtataka ka kung bakit magkakahiwalay ang pamilya nina kuya. " untag nya.

Napayuko si Valerie.

Pero tumawa lang si Amy.

"Wag ka ng mahiya. Dapat alam mo rin ang kwento ng pamilya ng boyfriend mo. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at mabilis na umiling.

"Hindi po kami magboyfriend !. " tanggi nya.

Lalong natawa si Amy.

"Alam ko. Binibiro lang kita. " sambit nya.

Napasimangot si Valerie.

"Siraulo ho ang pamangkin nyo. " bigkas nya.

Bumungisngis si Amy.

"Pilyo at makulit si Caleb. Pero masasabi kong mabait syang bata. Mapagmahal sa magulang. Hindi nya nalilimutan kung saan sya nanggaling. " sabi nya.

Automatikong napangiti si Valerie.

"Oo nga po eh. " sagot nya.

"At gwapo pa. " dagdag ni Amy.

Ngumiti lang si Valerie.

Pero bigla syang sumimangot ng makitang nakatitig sa kanya ang babae.

"May itsura lang. Di sya ganun kagwapo. " kontra nya.

Natawa si Amy.

"Ewan ko sa inyo. Talaga bang hindi kayo magnobyo ? " tuksong tanong nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie at mabilis na umiling.

"Hindi po!. " madiing sabi nya.

Tumango tango si Amy.

"Eh bakit kaya lagi ka nyang kinukwento ? Hmm. " nakangiting sabi nya.

Natigilan si Valerie.

Nacurious kung anu ano ba ang sinabi ng binata tungkol sa kanya.

"A-ano naman po ang sinasabi nya ? " tanong nya.

Ngumiti si Amy.

"Matalino ka raw. Balita ko running for valedictorian ka. " sagot nya.

Napangiti ng kimi si Valerie.

"H-hindi naman po. Mahilig lang talaga akong mag aral. " nahihiyang sabi nya.

"Humble pa. Pero parang hindi ko makita ngayon yung ibang ugaling kinwento sakin ni Caleb. " kwento pa ni Amy.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Ano po ? " tanong nya.

Ngumiti si Amy.

"Madaldal ka daw. Saka makulit. Saka matakaw. Saka talsik mo daw lumalaway. " sagot nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Sinabi nya yon ! Siraulo talaga ! Ggrrr. Akala mo kung sinong perpekto! Sya naman po, absenero!, maharot!, uhm, ano pa ba. magulo. mapanlait! saka, saka. saka PANGETTTT !!" gigil na bulalas nya.

Humagikgik si Amy.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Para kayong magnet, magkaiba ng charges. " sambit nya.

Tumango tango si Valerie.

"Tama po. Positive ako, negative sya! . " pag sang ayon nya.

Ngumiti si Amy.

"Pero opposite attracts. At ang magnet na may magkaibang poles, kapag pinaglapit, kusang nagdidikit. Ganun din kayo ni Caleb ? " tuksong tanong nya.

Natigilan si Valerie at nag init ang pisngi.

Kokontrahin sana nya ang sinabi ng babae pero bigla na itong tumayo.

"Balik na tayo. Baka mabaliw na yung prince charming mo. " tukso pa nya.

Napasimangot si Valerie.

"Tyang. Hindi sya prinsipe. Pero pwede din pala. Yung prinsipeng palaka ! HA HA HA. " sambit nya.

Lalong napangiti si Amy.

"Ahhh. Kung ganuon, kailangan mo pa syang halikan para manumbalik sa dati nyang kaanyuan ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

Pero tumawa sya ng pilit.

"Malakas masyado ang sumpa Tyang. Di kaya ng halik. " biro nya.

"Bakit ? Naghalikan na kayo ? " tanong ni Amy.

Napahinto sa paglalakas si Valerie at automatikong namula ang mga pisngi.

Tumawa si Amy.

"Biro lang iha. " sambit nya.

Napangiti na lang ng kimi si Valerie.

Pero ang nasa isip ay ang sinabi ng tyahin ni Caleb.

Di pa man, nag iinit na ang mga pisngi nya.

..

"Babalik ako mamayang gabi iho. Magpahinga ka muna dyan. Nandito yung mga binili ko kanina saka yung mga di ko pa nabibili. Ikaw Val ? Sasabay ka na ba sa akin ? " tanong ni Amy.

Napatingin si Valerie kay Caleb.

Ngumiti ang binata at marahang tumango.

Napaisip ang dalaga.

Pagkuwa'y ngumiti sa babae.

"M-maya maya na Tyang. " mahinang sabi nya.

Napangiti lang si Amy.

"Ah ganun ba ? Oh sya mabuti nga at ng may kasama si Caleb dito na magbantay. " sabi nya.

Napayuko lang si Valerie.

Ngising ngisi naman si Caleb.

"Sige po Tyang, mag ingat po kayo sa pag uwi. " paalam nya.

Sinukbit na ni Amy ang ilang mga gamit pagkatapos ay tinungo ang pinto.

Bago sya ganap na lumabas, sinulyapan nya muna ang dalawa sabay ngisi.

"Wag kayong gagawa ng milagro, magagalit si Kuya. " tukso nito sabay sara ng pinto.

Napanganga na lamang si Valerie samantalang si Caleb ay biglang tumawa.

..

Inis na binatukan ni Valerie ang binata.

"Anong tinatawa tawa mo ? " asik nya.

"Aray ko naman. Ang bigat ng kamay mo!. " reklamo ng binata.

Kinuyom ni Valerie ang kamao at hinarap sa mukha ni Caleb.

"Di mo pa nararamdaman ang buong bigat nito. Baka gusto mo ? " banta nya.

Napaatras si Caleb sabay ngisi.

"Ayaw ko. Baka dalawa na kami ni Dad na maconfine. " biro nya.

Natawa si Valerie.

"Hmm. Anong oras babalik yung Tyahin mo ? " tanong nya.

"Kakaalis lang, pababalikin mo na agad ? Hayaan mo na muna syang makatulog sa bahay. " sabi ni Caleb.

Napatango tango si Valerie.

"Nagtatanong lang. Baka kasi gabihin sya masyado, yari ako sa bahay. " sambit nya.

Ngumisi si Caleb.

"Ihahatid kita. Para makilala ko na rin ang parents mo. " sabi nya.

Natigilan si Valerie at mabilis na umiling.

"H-hindi pwede. " biglang sabi nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"And why ? " tanong nya.

"B-basta. B-baka kung anong isipin ng mga magulang ko kapag hinatid mo ko. " sagot ni Valerie.

Napangisi si Caleb.

"Tulad ng ? " tuksong tanong nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie.

"B-basta. Wag ka ng magulo at baka maconfine ka talaga dito. " banta nya.

Natawa ang binata.

"Baka isipin nilang may ginawa tayong iba ? Hmm. Meron naman talaga ah. " pang aasar nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"At ano naman daw ang ginawa natin ? " nagbabantang tanong nya.

"Eto. Nagbantay sa Dad ko. " sambit ng binata.

Napasimangot si Valerie.

"Ayusin ayusin mong buhay mo Mr. Concepcion. " banta nya.

"Baket ? Ano bang iniisip mong gagawin pa natin ? Hmm. " landi ni Caleb.

Dinampot ni Valerie ang isang unan at hinampas ng marahan sa binata.

"Eto sana, sasaktan kita. " sambit nya sabay tawa ng marahan.

Natatawang umiwas si Caleb.

Tumakbo sya patungo sa kabilang panig ng kama.

Ngunit hinabol sya ng dalaga.

Muling tumakbo si Caleb patungo sa maliit na sofa na ginagamit nilang tulugan.

Naupo sya at niyakap ang sarili.

"W-wag po Ate Val. B-bata pa po ako. W-wag nyo pong samantalahin ang kahinaan ko. " tila gagahasain ang reaksyon ng binata.

Napasimangot si Valerie.

Hindi dahil sa nainsulto o nagalit sya kundi para itago ang pagngiti at pagkamangha dahil sa tila batang gestures ni Caleb.

"Kapal nito. " tanging nasabi nya.

Napangiti si Caleb at tinapik ang espasyo sa kanyang tabi.

"Upo ka. " aya nya.

Natigilan si Valerie at napatingin sa espasyong inaalok ng binata.

Sasapat para sa apat na tao ang sofa pero para sa dalaga ay pang dalawahan lamang ito.

Di sinasadyang napatingin si Valerie sa nakangiting mukha ni Caleb.

Unti unting namula ang kanyang mga pisngi ng muling masilayan ang gwapo nitong mukha.

Mabilis na nag isip si Valerie.

Pilit nyang pinayapa ang pusong nagsisimula ng magwala sa kanyang dibdib.

Ngunit tila ayaw syang pagbigyan ng pagkakataon.

Tumayo si Caleb at masyuong hinawakan sa siko ang binata.

"Upo ka muna kasi. Masyado kang tense. " marahan nitong sabi.

Tila wala sa sarili na napasunod si Valerie sa sinabi ng binata.

Naupo sya sa sofa at pagkuwa'y tumabi si Caleb sa kanya.

"Hmm. Salamat nga pala ulit sa pagsama mo sa akin ngayon ha. " bulong ng binata.

Nagulat si Valerie.

"H-huh ? A-anong ginagawa mo dito ? " gulat na tanong nya.

Nagtaka si Caleb.

"Ano yan ? Nabaliw ka na talaga ? " tanong nya.

Mabilis na hinamig ni Valerie ang sarili at pagkatapos ay unti unting napasimangot.

"Ikaw ang baliw. " sabi nya.

Napangiti si Caleb.

"Haha. Ewan ko sayo. Basta salamat. " sabi nya.

"Wala yon. " sagot ng dalaga.

Namayani ang katahimikan.

Pero di nakatiis si Valerie.

"So. Ito pala ang dahilan kung bakit ka laging absent ? " tanong nya.

Marahang tumango ang binata.

"Yeah. P-pero lately ko lang itong nalaman. K-kung dati pa sana, dapat magaling na sya. " mahinang sagot nya.

Napatingin si Valerie kay Caleb.

"A-alam na ba ni Coleen ito ? " tanong nya.

Umiling ang binata.

"Nope. Gusto ko sanang magaling na si Dad bago ko sabihin sa kanila. " sabi nya.

"P-pero karapatan nilang malaman. " singit ng dalaga.

Ngumiti si Caleb.

"Actually, sinubukan kong sabihin kay Mom ang tungkol dito. Pero kada bubuksan ko ang topic about sa kanila ni Dad, lagi na lamang syang umiiwas at tumatakbo. Sa nakikita ko, mahal nya si Dad, pero natatakot syang sumuway kay Lola. " sambit nya.

Natigilan si Valerie.

Kung ganuon ay tamang lahat ang sinabi ni Coleen tungkol sa background ng pamilya.

Parang bigla syang nalungkot.

Mabilis na umahon ang awa para sa pamilya ng magkapatid.

Tumingala sya para pigilin ang luhang nagbabantang unti unti ng naiipon sa gilid ng kanyang mga mata.

..

Napatingin si Caleb sa dalaga.

"Why ? " tanong nya.

"A-anong why ? " tanong ng dalaga.

"Bakit parang malungkot ka ? Kanina lang eh ang sigla sigla mo. " nakangiting puna ng binata.

Pinilit ni Valerie ang ngumiti.

Pero nagulat sya ng biglang iangat ni Caleb ang isang kamay nito at marahang haplusin ang kanyang pisngi.

"C-caleb. " awat ng dalaga.

Ngumiti lang ang binata.

"Sssh. You're crying. Siguro naaawa ka sa amin no. Please. Don't " pakiusap nya.

"S-sorry. " hinging paumanhin ng dalaga.

Ngumiting muli si Caleb.

"It's okay. Nuong una kong makita si Dad na nasa bahay nila. Alam kong may mali. Hindi ito akma sa mga descriptions ni Mommy sa twing tatanungin namin ni Coleen kung anu bang itsura nya. Sabi ni Mom, matipuno, gwapo, at mabait si Dad. Yung dalawang huli lang ang tumama, pero yung matipuno, medyo sablay." nakangiting kwento nya.

Nagulat si Valerie ng biglang umagos ang mga luha sa mata ni Caleb.

Nataranta sya.

"C-caleb. " untag ng dalaga.

Ngumiti lang si Caleb at pinunasan ang sariling luha.

"S-sorry. Pati tuloy ako naiyak na. " nakangiting sabi nya.

"Wag mong pigilan. Umiyak ka lang. " sabi ni Valerie.

Natawa si Caleb.

"Bakit naman ako iiyak ? Pang mahina lang yon. " sabi nya.

Pero umiling ang dalaga.

"Mali ka. Sabi ng Nanay ko, hindi daw kahinaan ang pag iyak ng isang lalaki. Tanda ito ng pagharap nya sa kanyang kahinaan kung saan ibayong tapang ang kailangan mo. " pangaral nya.

Natigilan si Caleb.

Napatingin sa mga mata ng dalaga.

Lumaban ng titigan si Valerie.

Sa huli ay napayuko na lamang ang binata.

Unti unting umalog ang kanyang mga balikat.

"I c-can't take it anymore. " mahinang pag iyak ni Caleb.

Napangiti ng kimi ang dalaga.

Bagama't tila nais nya ring umiyak, pinili nyang pigilan ang mga luha para pagbigyan ang binata.

Hinaplos nya ang likod nito tanda ng pagdamay pero tila kulang pa ito.

Kaya kahit na nahihiya, marahang hinatak ni Valerie palapit sa kanya ang binata dahilan para mapasandal ang ulo nito sa kanyang dibdib.

"I-it's okay Caleb. Let it go. " masuyong bulong nya.

..

Parang gripong unti unting nabuksan ang mga emosyon sa puso ni Caleb.

Tuloy tuloy itong dumaloy palabas ng kanyang mga mata at naging masaganang luha.

Ayaw nyang maiyak.

Pero pakiramdam nya ay para syang kandilang unti unting nauupos sa twing iisipin ang nakapanlulumong kalagayan ng ama.

"K-kahapon. Sinubukan kong mag withdraw. K-kailangan ko ng panggastos para makahanap ng heart donor ni Daddy. Pero na reject yung ATM ko. Alam kong si Mommy ang may gawa non. Pero di ko akalain na mabibisto nya agad ang mga ginagawa ko. " kwento ng binata.

Tumango tango si Valerie.

Alam na nya ang kwentong ito sa tulong na rin ni Coleen.

Di nya mapigilang mainis sa sarili dahil nuong una nyang marinig ang kwento ng dalaga tungkol sa pagkuha ngkapatid sa pera nito sa bangko, aminado syang nakaramdam sya ng inis.

Pero ngayong nalaman na nya ang dahilan, parang nais nyang magalit naman sa ina ng magkapatid.

Awang awa si Valerie sa binata.

Bilang pagdamay, hinaplos nya ang buhok ni Caleb.

"H-hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para sa operasyon ni Dad. K-kahit yung trust fund ko, kulang. H-hindi ko na alam ang gagawin ko. " umiiyak na sabi ng binata.

"Sshh.. Makakaraos din tayo. B-baka pwedeng ipaalam mo na sa Mommy mo ang kalagayan ng Daddy mo. Siguradong matutulungan ka nya. " sambit ni Valerie.

Marahas na napailing si Caleb.

"Sunud sunuran pa rin si Mommy kay Lola. Si Lola na wala ng ginawa kundi diktahan ang mga tao sa paligid nya. Kaya ako tumakas. Sawang sawa na akong laging inuutusan. Pero ayos lang yon. Wag lang nyang ipilit sa amin ni Coleen na burahin ang mga alaala ni Daddy. Mali na yon ! Tatay namin ang pilit nyang inaalis sa buhay naming magkapatid. Hindi na ako papayag. Ang sama sama nya! " galit na sabi ng binata.

Nagulat si Valerie sa galit na boses ni Caleb.

Bagama't masama ang pagkakakilala nya sa lola ng magkapatid, ayaw nyaman nyang permanenteng magalit ang binata.

Wala sa loob na niyakap nya ito.

"Sshh, wag kang ganyan. Lola mo pa rin sya. Dapat nga magpasalamat ka sa kanya, kasi kung di dahil sa kanya, hindi ipapanganak ang Mommy mo at hindi sila magkakakilala ng Daddy mo. Gets mo ? Hindi kayo mabubuo ni Coleen. Hindi ko kayo makikilala. " bulong nya.

Unti unting humina ang pag iyak ni Caleb.

Hanggang sa tuluyan na itong mawala at mapalitan ng panaka nakang paghikbi na lamang.

Nagtaka si Valerie.

Sinilip nya ang mukha ng binata at napangiti ng makitang nakapikit na ito at tila mahimbing na natutulog.

"Pagod na pagod ka ah . " bulong nya.

Hinawi ni Valerie ang ilang hibla ng buhok na bumagsak at tumakip sa mukha ng binata.

"Sige. Magpahinga ka na muna. Babantayan kita. " bulong muli ng dalaga.

Natiglan si Valerie ng ikiskis ni Caleb ang pisngi nito sa kanyang dibdib.

Pinalibot na ng binata ang mga kamay nito sa kanyang beywang.

Namula ang mga pisngi ng dalaga.

"C-caleb. T-teka. W-wag kang manyakis. " sabi nya.

Pero talagang tulog na tulog na si Caleb.

Marahil ay dahil sa pagod sa ilang gabing pagbabantay sa ama.

Napasimangot na lamang si Valerie.

Sumandal sya sa sandalan ng sofa at pinikit na rin ang mga mata.

"Bahala ka. " inis na sabi nya.

..

"Nakakainis na talaga itong pagiging makakalimutin ko. Kung bakit ba naman kasi sa dinami dami ng pwedeng kalimutan, yung susi pa ng bahay !. Grr." gigil na bulong ni Amy.

Pasakay na sya ng jeep ng kapain ang bag na dala.

Nuon nya nalaman na wala ang susi at naalalang si Caleb nga pala ang may hawak nito.

Malayo layo pa naman ang lalakarin para makabalik ng ospital pero no choice ang babae, hindi sya makakapasok sa bahay nila kung walang susi dahil nilolock ito ng binata kapag umaalis alinsunod na rin sa bilin nya.

Kaya kahit na bwisit, pilit nyang tiniis ang distansya at bumalik ng ospital.

Pagdating sa tapat ng pinto ng silid ng nakatatandang kapatid, marahan syang kumatok at pinihit ang doorknob.

"Caleb, yung susi nga pala nakali- . " natigilan si Amy sa nasaksihan.

Nasa sofa ang dalawa.

Magkayakap at mukhang nakatulog na.

Napangiti ang dalagang guro.

"Ang cute nila. " kinikilig na sabi nya.

Agad nyang kinapa ang cellphone.

Sinet up ang camera at tinutok sa dalawa.

"Sorry guys, pero di ko kayang palampasin ang kacute-tan ninyong dalawa. Hihi. Remembrance na rin dahil sigurado namang magiging kayo someday. " bulong nya.

Kinuhanan ni Amy ng litrato ang natutulog na sina Caleb at Valerie.

Humagikgik pa ang dalagang guro bago kinuha na ang pakay.

Napangiti ng makita ang susi sa lamesa sa tabi ng enseymada.

Akmang lalabas na sana ng pinto si Amy ng di sya nakatiis.

"Last na. " kinikilig na sabi nya at muling pinicturan ang dalawang tulog sa sofa.

Nilingon ni Amy ang kapatid.

"Kuya, boto ka rin kay Valerie di ba? " nakangiting tanong nya.

Bagama't walang tugon, alam ni Amy na sang ayon ang kapatid sa kanyang sinabi.

Muli nyang tinapunan ng tingin ang dalawa pagkatapos ay tahimik na lumabas ng kwarto.