1. Home
  2. Stories
  3. Biyaya... ( 05 )
Lagablab

Biyaya... ( 05 )

By wish_trish ·
" Biyaya... " ( 05 ) EPILOGUE: "Ma'am Trish..." Tawag sa akin ni Annie, at pa sikreto nitong inabot sa akin ang naka tiklop na maliit na papel. Kasalukuyan akong nagla lagay ng mga folders sa filing cabinet sa opisina ng aking ina sa City Hall, at lumipat ako sa isang sulok bago binuksan ng naka tiklop na papel. Cookie... right wing, sa ilalim ng hagdan... meet me... in five minutes... Joey. Tiniklop ko ang papel muli, at agad lumabas ng pinto ng opisina ng aking nanay, walang pasabi sabi, nagmamadali, at palihim na humakbang palayo sa silid kung saan may kausap sa telepono ang aking ina. Dumating ako sa ilalim ng hagdan na bato sa may kanang bahagi ng City Hall at lumaki ang ngiti sa aking mga labi. Nag iintay duon si Marco, may dalang mga biskwit para sa akin. "Pinatataba mo ba ako mahal ko?" Tanong ko dito. Tumingin tingin ito sa paligid, bago ako hinalikan sa pisngi, at sinagot ang tanong ko. "Oo, para sa akin ka lang, wala nang ibang mag tangkang agawin ka pa sa akin." At kumindat ito. Hinaplos ko ang kanang pisngi ng lalakeng nung umpisa ay impakto ang tingin ko, ngunit ngayo'y anghel na bumihag sa aking puso. "Are we still on for Friday night? Picnic, sa may Gazebo... sa taas ng Wright Park, sa ilalim ng buwan?" Tanong nito sa akin. "Magdala ka ng lighter, ako na ang bahala sa kumot." At humalik ako dito ng mabilis, bago kami nag hiwalay ng landas. Nag salubong kami sa dalawang gilid ng hagdan patungo sa main entrance ng City Hall at sabay pumasok sa malamig na espasyo. Bago mag hiwalay ay tinignan namin ang isa't isa ng may lambing at pagmamahal. Tinungo ko ang kanang bahagi ng malaking gusali papunta sa opisina ng aking ina, habang siya ay sa kaliwa papunta sa opisina ng kanyang ama. Dalawang nilalang na ipinanganak sa magkatungaling angkan, mga susunod sa posisyon ng katungkulan... ngunit pinagtagpo ng pagmamahal. Ligaya namin ang mag lingkod sa iba, ngunit ang pag-ibig namin sa isa't isa ay ang aming naging tunay na... biyaya.