1. Home
  2. Stories
  3. Collared - 08
Filipino Sex Stories

Collared - 08

By thedementedprince ·
Author's notes: If you want a good laugh or a smile in your face, read this as this has a lot of cameos from FSS chatroom. Sex scenes will be resumed in chapter 9. Don't worry mga kaibigan, part pa rin ito ng canon story ng series na ito.

Part 1 Cameo:

Lunes 11:32AM nang dumating si Sheena sa isang sikat na mall sa Ortigas upang katagpuin ang kliyente nitong Amerikano kasama ang girlfriend nitong Pinay. Napag-desisyunan nilang magkita sa isang kilalang kapihan upang doon pag-usapan ang magiging plano ng establiyementong nais ipagawa bilang resort house o vacation house.

Halos sampung minuto nag-hintay ang dalaga bago niya makita ang Amerikano at ang Pinay kinakasama nito. Tumayo at ini-abot ang kamay upang makipag-kamay sa kliyente.

"Hello engineer, I'm Jack Stripper and this is my girlfriend Ellie. But I would prefer if you'll just call me Jack, not really fond of my last name. Ha ha ha!" Matapos makipag-kamay ni Sheena sa Amerikano ay Iniabot din ng dalaga ang kamay sa Pilipinang girlfriend nito at nakipag-beso.

"Let's have a seat and let's talk about the business should have been in motion 2 months ago." Tumitig at tiningala ng bahagya ang inhinyerang dalaga sa kliyenteng Amerikano dahil talaga namang napaka-tangkad nito.

Umorder na rin ng kape ang Pilipinang kinakasama upang makapag-simula na sila sa kanilang pag-uusapan. Matapos ang 8 minuto ay bumalik ito sa kina-u-upuan at sumali. Ngunit si Sheena ay nag-usisa ng kaunti kung paano nalaman ang kanyang maliit na construction firm.

"Jack, would you mind if I ask where do you get the information regarding our construction firm?"

"Ah that! You see, Ellie is as well from Batangas and she has friend who recommended you to us as you've handled her dream house back then. Her name is Teresita Sienna"

"Oh! You mean Madam Tere?" Tumango ang magkasintahan tanda na tama ang taong tinutugma ni Sheena. "How was she?" ang kasunod na tanong.

"Madam, papunta rin siya dito ngayon" pag-sagot ni Ellie. "That's nice, gusto ko din maka-musta yung bahay na pinagawa ni madam Tere sa amin ni ate"

"Engineer Sheena, I'd like to ask where's your sister who'll be the architect of this plan?" tanong ng Amerikano.

"Unfortunately she won't be able to join as she's attending school activity of her daughter. Nevertheless, she's well informed of your dream house and she'll see to it that the plan that you like to see would be your dream vacation house" pag-sa-saad ng inhinyerong dalaga.

"That sounds reassuring and I would love to see that project bloom" sagot ng lalaki.

"To be honest, we've been quoted few months ago tremendous amounts of money for this house. Some quoted us a little over 23.5 million Pesos" habang napapailing sa sinasabi nang Amerikanong si Mr. Jack Stripper.

Makalipas ang ilang minuto, dumating ang inaasahang bisita at ito ay si Tere. Nakipag-beso ito sa tatlo at tuluyan nang naupo upang sumali sa usapan at sa planong vacation house ng interracial na magkasintahan.

Matapos magkamustahan ni Tere at Sheena, nalaman nito na gusto rin ulit siyang kontratahin upang pa-pinturahan ang bahay niya.

Napag-usapan dito na sana'y 2 storey ang bahay na may 3 kwarto sa pangalawang lapag na pwede ring mai-convert sa transient house para kung wala man sila dito sa Pilipinas ay may perang pumapasok nalo na at dinadayuhan ito ng mga bakasyunistang taga Maynila. Sigurado ang Amerikano sa gustong ipagawa sa kadahilanang beach front ito at malapit rin sa public beach area. Nagpadagdag na rin sila na iilang bahay kubo na pwedeng tuluyan ng mga magiging guests bilang tulugan o tambayan.

Sa pag-uusap na ito, nai-close ang deal at magkakaroon ng site visit sa darating na huwebes kasama ni Sheena ang ate niyang Arkitekto. Pero sa palagay ng dalaga ay pupuwede na ang 16 million – 20 million Pesos para dito kasama na ang kanilang kumisyon.

Kaya kumpyansa si Tere na i-refer si Sheena sa kaibigan ay dahil sa maganda gumawa ang mag-kapatid, di rin ganun kataas ang singil nila para sa kanilang serbisyong professional.

Nai-wrap up ang pag-uusap sa loob ng 4 oras at nagsi-uwian na ang lahat at pagka-uwi ni Sheena ay nasabi na nito sa ate niya ang plano at napag-usapan ang plano at gagawa na din ito ng draft na plano sa 750 sqm. na lupain ng kliyente.

Part 2 Cameo

6:15AM nang umalis sa Maynila si Sheena kasama ang ate nitong arkitekto na si Shantel para sa isang napakalaking proyekto mula sa isa nilang kliyenteng milyonaryo. Maaga umalis ang magkapatid dahil sa trapik ng EDSA kahit ang oras ng pakikipag-kita nila ay alas onse ng umaga para sa early lunch meeting na ni-request ng kliyente kasama ang 3 mariang anak nito kasama ang nobyo ng dalawa.

Nakarating ang magkapatid sa Tagaytay ng 10:12AM dahil binilisan nila ang biyahe pagkapasok ng South Luzon Expressway. Nag-tungo ang mag-ate sa isang sikat na kapihan sa Tagaytay at umorder sila ng 2 baso ng kapeng barako at habang nagku-kwentuhan ang magkapatid ay nag-ring ang cellphone ni Sheena at ito ay ang sekretarya ng kliyente nila at ibinigay ang lugar kung saan sila magtatagpo.

Makalipas ng 10 minutong pag-da-drive ay nakarating sila sa isang kilalang restaurant sa Tagaytay na kung saan natatanaw ang Taal Volcano.

"Hi, you must be Engineer Sheena and you must be Architect Shantel?" tanong ng isang babaeng naka-gayak blazer at pencil skirt.

"Yes kami po yun" ang malugod na pag-sagot ni Sheena at sinundan ito ng tanong ni Shantel "Ma'am, ikaw po ba si Miss Marie?"

"Opo ma'am. Ako po yung secretary ni boss. Tara na po sa upuan nila upang makapag-usap na po kayo at kasama po nina boss at madam ang kanilang mga anak nila" sagot ni Marie.

Matapos pumasok sa isang private function room ng restaurant ay isinara ito ng sekretaryang si Marie at ipnakilala si Sheena at Shantel sa boss nito.

"Hi boss SNS, eto po si Architect Shantel at ito naman po si Engineer Sheena"

"It's a pleasure to meet you Archtiect and Engineer" anya ng kliyenteng si SNS.

"The pleasure is ours" sagot ng magkapatid.

"This is my wife, Sam. And these are my lovely daughters. This is my eldest Bianca, our middle daughter Claire, and lastly our bunso si Joyce." Matapos makipag-kamayan nina Sheena at Shantel sa 4 na binibini sa loob ng function hall ay sunod na ipinakilala ang 3 lalaking naroon at ito ay ang kasintahan ng mga dalagang anak. "This is Atty. Suds, the fianc of my eldest Bianca. This is John and he's a businessman. And lastly this is Ash, he's also a businessman and is a restauranteur."

Isa lang ang nasabi ng mag-ateng arkitekto at inhinyero ay kundi napaka-ganda ng bunga ng kanilang kliyente. Mula ulo hanggang paa ay wala kang maipipintas sa kanilang kagandahan at katalinuhan ding taglay. Maganda ang 3 dilag at mukhang sopistikadong tao.

Nagsi-kainan muna ang lahat at nagkaroon ng maikling kwentuhan. Natapos sila bago mag alas dose ng tanghali.

Nang makababa na ang kinain ng lahat ay biglang nag-ring ang cellphone ni attorney Suds.

"Excuse me dad, I'll have to take this call, baka nandito na sila" anya ni Suds sa future father-in-law nito.

Tumahimik si SNS at ang lahat at nakikinig lamang sa boses ni Suds.

"hello pre... nasa parking na ba kayo?... okay pre... kasama mo rin ba si doc?... nandito kami sa function hall nitong restaurant dito sa 2nd floor"

"Dad, nandito na daw po sila, sunduin ko lang sila sa baba" at agad na tumungo si SNS na sinyales na pumayag ito.

Sa hagdanan maririnig mo ang tatlong lalaking nagtatawanan ng malakas. Sa tonong iyon, masasabi mong matagal na magkakaibigan itong tatlong ito.

"PUTANGINAAAA Suds kung nakita mo lang kanina yung babaeng kindat ng kindat dito sa kaibigan nating doktor. Tangna akala mo'y kakainin ng buo ire 'tong tropa nating kay-pogi" Ito ang linyang narinig mula sa loob ng function room. Nangingiti lang si Bianca at si Claire dahil kilala na nila ang ugali ng lalaking palamura.

Nang makapasok sa loob ng function room, ang lalaking palamura ay tila naging anghel sa bait at tahimik. Ipinakilala ni Suds ang lalaking palamura at ang doktor na kasama sa 3 babaeng nandun na sina Sheena, Shantel, at ang bunsong kapatid nina Bianca na si Joyce. Tumayo ang 3 upang i-abot ang kamay.

"Miss Sheena, Miss Shantel, at Joyce"

Tumayo ang tatlong babae upang batiin ang 2 lalaki at ini-abot ang kamay upang makipag-shake hands. "Ito nga pala si Sparky, pero mas natatawag siyang ninong Sparky dahil sa daming alleged na anak na di niya alam. At ito naman si doc Kal, siya naman ay isang cardiologist at naging personal doctor ni daddy SNS. Matalik ko silang kaibigan mula pagka-bata."

Bumulong si ninong Sparky kay Suds. "Tangna tol, bakit ka ganyan ire sa akin? Wag mo naman akong ilaglag sa mga magagandang binibini sa harapan ko"

Lingit sa kaalaman ng lahat, ibang-iba ang titig ni Joyce kay ninong Sparky, halos malaglag na ang...laway nito sa pagkakatitig kay Sparky.

Matapos ang pagpapakilala ay naupo si Sparky sa gitna ni Bianca at Sheena. Si Sheena at Shantel ay magkatapat naman na malapit sa kinau-upuan ni SNS at ang asawa nitong si Sam para makausap ng maayos ang nasabing plano sa pagpapagawa ng resort.

Kinamusta naman ni doc Kal ang lagay ng kanyang pasyente at pinayuhang magbawas-bawas sa pag-kain ng matatabang pagkain at maalat.

Hagikgikan ng hagikgikan sina ninong Sparky, Suds, Bianca, at Claire sa mga baong kalokohan ni Sparky.

"Let's get to the business agenda we have in our mind right now" ang boses ni SNS na malalim ngunit mapag-utol. Lahat ay natahimik. Ini-abot ni Marie ang dalawang leather jacketed na folder kay Sheena at Shantel upang mabasa ang nilalaman nito.

Malipas ang halos 10 minutong pagbabasa ng dalawa ay nakuha na nila ang sukat lupain at lokasyon nito.

"Sparky, kamusta pala mga lupang binebenta mo? Mukhang madami kang naibenta." Ang pagtatanong ni SNS.

"Ay tito, kay sagana ire ng pagbebenta ngayon. Paunahan lang talaga labanan ngayon. Tulad nang nasabi ko sa'yo noon, 3 kayong may gustong bumili nung lupa na yun at buti na lang nagawan ng paraan" anya ni ninong Sparky.

"Siya nga pala Sheena at Shantel, pag may naghahanap ng lupa, etong si ninong Sparky dahil big time realtor itong lalaking 'to" ang pagdagdag ni Suds sa usapin.

"We'll keep that in mind, meron ka bang calling card ninong...Sparky?" ang pagtatanong ni Sheena na nag-aalangan ngunit itinuloy ang pagdagdag ng ninong.

"Aba'y meron para sa magandang dilag kagaya mo engineer" kinuha ni Sparky ang kanyang wallet at nag-abot ng 2 card kay Sheena at Shantel.

"What can you say about the plan engineer and architect?" ang pagtatanong ni madam Sam.

"Actually the area of the lots are quite big and looking at the nearby attractions, I believe makaka-attract 'to ng maraming clients. We just need the idea or preferred design and budget so we can submit a proposal sa next meeting. With this lot, I believe we can construct a resort worth 90 million. Dito naman po isang lot niyo sa Batangas, this will come across at 85 to 87 million. Then etong po sa Bataan, medyo malaki poi tong lupa na ito and at sa tingin ko po baka umabot tayo ng 130-150 million"

"That's nice to hear din kasi may extra budgets pa kami for the amenities ng area aside sa construction costs. We've also contacted other construction firms na kilala kaso as you know, medyo tatagain ka sa presyuhan" anya ni SNS.

"We promise to deliver the same quality of those known construction firms at a better rate. That's what we aim for" Sagot ni Shantel.

Nag-usap ang lahat patungkol sa negosyong ipapamana ni SNS sa kanyang tres Marias. Ang kanyang apple of the eye. Tumagal ito ng 5 oras para sa pag-uusap at nai-finalize ito.

Habang papunta na sa sasakyan ang magkapatid at napagod ito pag-iisip at pagsusulat sa notebook ng mga gustong plano ng tatlong babae sa lupain nila na gagawing resort hotel.

Lumapit si Sparky sa dalawa ang ito'y bumanat ng "baka maligaw kayo mga baby girls, ihahatid na namin kayo"

Natawa ang dalawa sa tanan ni ninong Sparky ngunit siya ay tinanggihan.

Sumakay na ng tuluyan ang dalawang magkapatid sa sasakyan nito at pina-andar na ang makina.

"Tangna Suds! Okay din ireng nakuhang engineer at architect ni tito ano? Kay sexy potangna" saad ni ninong.

"Siraulo ka talaga kahit kalian ninong" saad ni Doc Kal.

Kanya-kanyang umalis ang lahat.

Itutuloy...