1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 22
Lagablab

Dead of Time 22

By Hunter ·

Dead of Time 22- end of training and no more food!

"eto na ang huling araw ng pag sasanay na gagawin natin malaki na ang pinag bago nyong lahat" nakangiting sinabi ni irvine sa mga kasama nya.

"sa wakas tapos narin ang mahirap na pag sasanay" sigaw ni lord sabay higa sa sahig ng kwarto.

"ang hirap nga pero mukang sulit naman" hingal na sinabi ni fade.

"tama si fade sulit naman ang pag sasanay natin" pag sangayon ni archie na naka upo sa sahig.

"okay ka lang zychelle" nakangiting tanong ni leonard.

"okay lang pero ang galing mo hindi man lang kita natalo kahit isang beses" sagot ni zychelle kay leonard.

"kamusta na kaya ung dalawa sa labas" tanong ni krish sa mga kasama.

"hindi ko alam pero ang alam mahirap ang pag training ni erich sa labas" sagot ni tina kay krish.

napangiti si irvine dahil totoo ang sinasabi ni tina dahil hindi madali ang training na pinagagawa ni mephisto kay erich.

"gusto nyong makita" tanong ni irvine sa mga kasama nya.

"puwede" sabay sabay na tanong ng grupo.

dahan dahan silang lumabas nag iingat para hindi maka istorbo sa pag sasanay ng dalawa.

kitang kita ng lahat ang sparing na ginagawa ng dalawa ibang iba sa ginagawa nilang sparing.

dahil sa seryoso ang dalawa sa ginagawang sparing.

alam ng lahat na hindi seryoso si mephisto sa pakikipag sparing kay erich pero hindi parin nila maiwasang mamangha dahil kayang sabayan ni erich ang bawat galaw ni mephisto kahit hirap lang ng kaunti.

"tama na erich mukang pagod kana oh" sinabi ni mephisto kay erich.

kaya tumigil ang dalawa sa pag lusob at binigyan sya ni mephisto ng tuwalya para punasan ang pawis nya.

habang nag pupunas ng pawis si erich ay may papalapit na apat na zombies sa kanilang dalawa.

"oh final test mo" sinabi ni mephisto kay erich sabay bigay ng katana.

nag taka si erich dahil eto ang unang beses na pinahawak sa kanya ni mephisto ang isa sa mga katana na ginagamit nyang pang patay sa mga zombies.

"anong gagawin ko dito" tanong ni erich kay mephisto.

"pataying mo sila" sagot ni mephisto kay erich.

"andito lang ako sa likod mo pag di mo kaya tutulungan kita" dagdag pa ni mephisto ng makitang kinakabahan si erich.

binunot ni erich ang katana at inisip ang mga pinakita ni mephisto na pag gamit sa katana.

nag malinaw na sa isip ni erich ang mga ginagawa ni mephisto gamit ang katana ay kumilos na si erich at ginaya ang nakatalang ginagawa ni mephisto sa isip nya.

nagulat ang lahat dahil mabilis bumagsak ang apat na zombies na palapit sa kanila.

"wow ang galing" nasabi ni zychelle sa ginawa ni erich.

"teka yun ba ung result ng training ni erich" tanong ni krish kay irvine.

"oo yan ang result ng training ni erich" sagot ni irvine kay krish.

"samurai training" paliwanag ni tina.

"ang galing galing" pa puri ni lord sa nakita nyang resulta ng training ni erich.

"hindi mo kakayanin ang training nyan lord" sinabi ni fade kay lord.

"at bakit" galit na tanong ni lord sa mga kasama.

"hindi mo kakayanin ang disiplina na kailangan na ibigay" sagot ni leonard.

"tama sya tol" dagdag pa ni archie sa sinabi ni leonard.

"ang galing muna" pa puri ni mephisto kay erich ng bumagsak ang apat na zombies sa sahig.

inaabot ni erich ang katana na pinahiram ni mephisto pero hindi eto kinukuha ni mephisto na pinag taka ni erich.
"kunin mo na tong katana mo" galit na sinabi ni erich kay mephito.

"hindi ko na kukunin yan dahil sayo na ang katana na yan" nakangiting sagot ni mephisto kay erich.

"teka anong ibig mong sabihin" takang tanong ni erich kay mephisto.

"oo binibigay ko na sayo yan pero ikaw na ang mag aalaga sa talim nyan mula ngayon" sagot ni mephisto kay erich.

"salamat" nakangiting pasalamat ni erich kay mephisto.

"art tignan mo to" pag tawag ni ace dahil nag tataka sya sa nakikita nya ngayon.

"bakit ano ba yun" takang tanong ni art kay ace at sabay kinuha ang binoculars kay ace.

"holy" gulat na sinabi ni art dahil kitang kita nya ang titan na dinudurog ang lahat ng zombies na makasalubong nito.

"teka tao ba yan ace" tanong ni art sa kasama nyang si ace.

"hindi ko alam tol pero mukang patay tayo pag nakita tayo nyan" sagot ni ace kay art.

nag tago ang dalawa dahil alam nilang hindi sila bubuhayin ng nilalang na nag lalakad sa harap nila kung makikita mang sila nito.

"tara kain na tayo" pag aya ni erich kay mephisto dahil alam ni erich na eto na ang huling araw ng pag babantay nilang dalawa.

"kamusta ang training" tanong ni mephisto kay irvine ng papasok na sila sa hotel.

"eto malaki ang improvement ng mga kasama natin" sagot ni irvine kay mephisto.

"mukang maganda rin ang result ng training nyo" sinabi ni irvine kay mephisto.

"hindi naman matyaga lang talaga si erich" nakangiting sagot ni mephisto.
"tara kain na tayo" pag aya ni erich kay irvine na seryosong nakatayo sa tapat ng pintuan.

"masamang balita mga kasama" naka simangot na sinabi ni zychelle sa lahat.

"ano yun" takang tanong ni leonard.

"wala na tayong pag kain" sagot ni tina kay leonard.

"teka akala ko ba aabot pa ng dalawang lingo ung mga nakuha natin" sagot ni lord kay tina.

"akala rin naming tatlo pero mukang nung nag sanay tayo lumakas din tayo sa pag kain" sagot ni tina kay lord.

"sa makatuwid kailangan nating humanap ng pag kain" dagdag ni krish sa sinabi ni tina

"sinong kukuha ng pagkain ngayon" tanong ni fade sa mga kasama.

"ako" sagot ni mephisto na nakataas pa ang kamay.

"kilangan natin ng tatlong kukuha" sinabi ni irvine sa mga kasama.

"sige ako nalang" sagot ni fade kay irvine.

"isa pa" tanong ni mephisto.

"ako gusto kung subukan ung resulta ng training" nakangiting sinabi ni archie.

"ihanda na natin ung mga pag lalagyan natin ng makukuha nating pag kain" nakangiting sinabi ni mephisto.

kaya hinanda na ni archie at fade ang mga dadalin ang gagamitin para sa pag kuha ng makakain nila.

"tara na at kailangan pa nating mag hanap ng makukuhanan ng pag kain" sinabi ni mephisto ng matapos silang mag handa.

"teka mag lalakad lang tayo" tanong ni fade.

"oo kasi pag mag sasakyan pa tayo problema pero kung makakakita tayo ng sasakyang puweding gamitin bakit hindi" nakangiting sagot ni mephisto kay fade.

"ayun naman pala" nakangiting sagot ni archie kay fade.

"teka mephisto anong training ang ginawang training ni erich" tanong ni archie kay mephisto habang nag lalakad sila.

"ah madali lang limang libong pag hampas lang ng bokken" sagot ni mephisto kay archie.

"teka seryoso ka" gulat na tanong ni fade.

"oo naman bakit gusto nyong itry" tanong ni mephisto kay fade at archie.

"ayoko" takot na pag ayaw ni fade sa alok ni mephisto.

"ikaw archie" tanong ni mephisto kay archie.

"sige pag balik natin" nakangiting sagot ni archie.

"sigurado ka" tanong ulit ni mephisto kay archie.

kinabahan si archie dahil sa tanong ulit ni mephisto sa kanya.

"teka eto sasakyan oh" nakangiting sinabi ni mephisto sa dalawang kasama.

tinignan ni mephisto ang loob ng sasakyan kung nandun ang susi nito para magamit nila.

"ayos sakay na kayong dalawa" nakangiting sinabi ni mephisto sa dalawang kasama.

"art bilisan mo" sigaw ni ace habang tumatakbo papasok sa isang convenient store.

"waaah bakit tayo naipit ng ganito" galing na tanong ni art kay ace.

hinarangan ng dalawa ang pintuan ng convenient store para hindi makapasok ang mga zombies sa convenient store.

"dito na siguro tayo mamatay pre" sabi ni art kay ace.

"hindi tol makaka alis tayo dito ng buhay" galit na sinabi ni ace kay art.

"mephisto ayon o convenient store" sinabi ni archie.

"oo nga pero ang daming zombies" sagot ni fade kay archie.

hininto ni mephisto ang kotse na gamit nilang tatlo.

"linisin natin alam kung maraming pag kain sa loob" sinabi ni mephisto sa dalawang kasama.

"seryoso ka may labing limang zombies ata ang nakaharang sa pintuan oh" reklamo ni archie kay mephisto.

pero wala na silang nagawa ng makitang binunot na nito ang katana at lumakad palapit.

kaya kinuha na ng dalawa ang mga sandata nila at sumunod kay mephisto.

isa isang bumagsak ang mga zombies na nakaharang sa daan papasok sa convenient store.

kitang kita ng dalawang tao sa loob ang unti unting pagka ubos ng mga zombies sa tapat ng convenient store.

"alam ko may tao sa loob buksan nyo na ung pintuan" tanong ni fade mula sa tapat ng pintuan.

dahan dahang binuksan ni art at ace ang pituan ng convenient store.

takot man ang dalawa pero kailangan nila ng tulong.

itutuloy...