1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 7
Lagablab

Dead of Time 7

By Hunter ·

Dead of Time - Mephisto and Irvine what are you gonna do?


halos hindi makatulog si zychelle at si Ry dahil sa takot silang baka may makapasok na zombies sa loob ng bus habang natutulog sila.

"matulog na kayo wag kayong mag alala kung may makapasok man si mephisto ang unang magigising dito para linisan yan" sabi ni erich sa dalawang kasamang hindi makatulog.

panatag si erich dahil alam nyang sa ganitong sitwasyon ay kunting ingay lang mula sa loob ng bus ay gigising kay mephisto dahil hawal nito ang katana na binigay nya.

pero hindi pa dito natapos ang gabi para sa grupo ni fade dahil nag simula ng mag lakad ang mga zombies.

hindi maiwasang bumanga ang mga zombies sa bus habang nag lalakad nakahanda ang grupo ni fade kung sakaling may makapasok na zombies sa loob ng bus.

naging mahaba ang gabi para sa kanilang lima dahil sa takot na may makapasok na zombies sa bus pero lumipas at naubos ang zombies na nag lalakad.

pero may isang nilalang ang gumising sa kanilang lahat at lalo na sa dalawang mahimbing ang tulog.

ang halimaw na may malaking kanang braso at may hawak na bakal sa kaliwang kamay nito.

takot na tumahimik at nag tago ang lahat tinakpan naman ni mephisto si erich na kinagulat nito pero sinenyasan sya na wag mag ingay.

kahit si irvine ay mabilis na tinago ang takot na si tina niyakap nya eto dahil nag simula ng manginig si tina ng mga oras na un.

buti nalang ay patay ang ilaw sa loob ng bus kaya hindi sila nakita ng halimaw pero kitang kita ni mephisto at irvine ang malaking halimaw ng tumingin eto sa loob ng bus.

hindi alam ng dalawa kung kaya ba nila ang halimaw na nakatingin sa loob ng bus.

alam ni mephisto na hindi sila nakikita ng halimaw pero natakot sya ng biglang ngumiti eto na parang sa kanya nakatingin bago umalis.

nakahinga sila ng malalim ng makitang lumakad na palayo ang halimaw na nakatingin sa loob ng bus.

dahan dahang tumayo si mephisto para tignan kung malayo na ang halimaw ng masiguradong malayo na eto ay bumalik sya sa kanyang inuupuan.

"muntik na tayo dun" mahinang sinabi ni mephisto na nag pa kalma sa lahat pati kay tina na binitawan ni irvine ng pag kakayakap.

"puwede na ulit matulog" bulong ni mephisto.

"sigurado ka" tanong ni zychelle kay mephisto.

"oo malayo na sya" sagot ni mephisto kay zychelle.

"mabuti naman" sagot ni krish na ngayon palang nakahinga ng malalim.

"archie okay ka lang ba" tanong ni fade kay archie dahil kitang kita nya ang panginginig nito dahil sa takot.

alam ni archie na pag nahuli sila ng halimaw sya ang may pinaka mataas na chasa na unang mamatay sa kanilang lahat dahil sa masakit parin ang suntok ni irvine sa kanya.

"ok lang ako fade salamat" sagot ni archie kay fade.

"matulog na tayong lahat bukas ay puwede na tayong dumaan jan sa daan kanina" sabi ni mephisto sa lahat.

kaya eto ang ginawa nilang lahat ang matulog.

mabilis lumipas ang oras at nag umaga na naging maganda ang tulog ng ni mephisto at ni irvine pati na rin si tina at si erich.

halos wala namang tulog si zychelle at si ry dahil sa pag babantay na baka bumalik ung halimaw.

maganda rin ang tulog ni fade at krish.

si archie naman ay halatang nabawi na ang lakas na nawala dahil sa pag suntok ni irvine sa kanya nung makapag pahinga dahil eto pa mismo ang gumising sa mga kasama nya ng mag ala sais na ng umaga.

"kain daw muna tayo sabi ni irvine" alok ni tina sa mga kasama ng mailabas ang mga kinuhang pag kain sa tindahan nung una silang mag kakilala.

masayang lumapit ang lahat pati si mephesto at erich ay lumapit para makakain.

masaya ang naging pag kain nilang lahat pero mabilis etong natapos.

si fade uli ang mag dridrive ng bus kaya umupo na sya sa driver sit at sinimulan ng paandarin ang bus.

di pa kalayuan ang nararating nila ng mapansin ni fade na mauubos na ang gasolina ng sasakyan nilang bus.

"ah mga kasama pa ubos na ang gas natin" masamang balitang sinabi ni fade.

"teka totoo ba yan fade" tanong ni archie kay fade at lumapit dito para siguraduhin na totoo ang sinabi ni fade.

tinitigan ng mga nakaupo si archie ng matapos nitong tignan kung totoo ang sinasabi ni fade.

napayoko si archie na nag pasigaw sa lahat ng naka upo bukod kay mephisto at irvine.

"teka fade ihinto mo ang bus" utos ni mephisto kay fade na nag dridrive.

dahil may nakitang bus si mephisto na puweding pag kuwanan ng gasulina.

"bakit anung gagawin mo" tanong ni irvine kay mephisto.

"kukuha tayo dun ng gas" sagot ni mephisto sa tanong ni irvine.

"teka sigurado ka" tanong ni fade kay mephisto.

"oo kilangan natin" sagot ni mephisto.

"sama ako" sabi ni erich kay mephisto.

"hindi dito ka lang" sagot ni mephisto.

"ako ang kukuha ng gas" sabi ni mephisto sa mga kasama nya sa bus.

"sasamahan kita" sagot ni irvine.

"teka sigurado ka" tanong ni mephisto kay irvine.

"oo" seryosong sagot ni irvine kay mephisto.

"meron ba kayong hose ba kayo na puweding gamitin at lalagyan" tanong ni mephisto.

inabot ni ry ang hose at container na nakuha nila sa lugar kung saan sila nag ka kilala.

"ok na toh" sabi ni mephisto kaya kinuha na nya ang katana at ang bokken na ginagamit nyang sandata.

kinuha rin ni irvine ang mga sandatang ginagamit nya kinuha nya ung classic butcher knife na binigay ni tina at ung palakul na matagal na nyang gamit gamit.

bumaba silang dalawa at pumunta sa bus na pag kukuhanan nila ng gasolina.

walang naging problema ang pag kuha nila ng gasolina sa bus pero kailangan nilang kumuha ulit dahil kulang at maliit ang container na ginagamit nila pang kuha ng gas.

kilangan nilang mag apat na balik para kumuha ng gas.

"bakit naisip mong sumama" tanong ni mephisto kay irvine.

habang inaantay nilang mapuno ang pangalawang balik nila sa pag kuha ng gasolina.

"para kay tina" sagot ni irvine kay mephisto.

alam ni mephisto na hindi na dapat tanungin kung bakit sakto namang napuno ang container.

kaya kilangan na nilang isalin ulit ang nakuha nilang gasolina sa bus na gamit gamit nila.

sa pangatlong balik nila para kumuha ng gas ay si irvine naman ang nag tanong kay mephisto.

"ikaw bakit ka sumama" tanong ni irvine kay mephisto.

"hindi naman mahirap sagutin ang tanong mo pero sa nakikita mo motor lang ang gamit namin kaya mas safe kung nasa bus kami" sagot ni mephisto kay irvine.

"puwede ka namang kumuha ng sarili nyong bus diba" tanong ulit ni irvine.

"alam ko pero masyadong dilikado ang bus para sa dalawang tao" sagot ulit ni mephisto sa tanong ni irvine.

papuno na ang container kaya hindi na ulit nag tanong si irvine nakangiti silang lumakad pabalik sa bus para isalin ang gasolina na nakuha nila.

isang balik nalang ay puwede na silang umalis sa lugar na un.

"malapit na isa nalang mephisto" sabi ni fade.

"ganun ba sige mukang kaya pa ng bus na un na mag bigay ng isang container pa" sagot ni mephisto kay fade.

"ah irvine salamat din" pasalamat ni fade kay irvine.

"wala un nakasakay rin kami kaya kilangan tumulong" sagot ni irvine kay fade.

at lumakad na ulit sila papuntang bus na kinukuhanan nila ng gasolina.

papalapit na silang dalawa sa bus ng may narinig silang malakas na ingay.

"teka ano un" tanong ni mephisto kay irvine.

"hindi ko rin alam pero mukang palapit satin" sagot ni irvine kay mephisto.

nag masid ang dalawa habang hinahantay mapuno ang container.

"teka malapit na ba yan" tanong ni irvine kay mephisto.

"oo malapit na toh unti nalang" sagot ni mephisto kay irvine.

ilang minuto pa silang kilangan mag antay para mapuno ang container.

mas lalong lumalakas ang ingay na tila isang alulong ng malaking halimaw.

"matatapos na ba yan" tanong ulit ni irvine kay mephisto.

"oo tapos na" sagot ni mephisto kay irvine hinatak nila ang hose at binuhat ang container at tumakbo papunta sa bus.

pero bago sila makarating sa bus ay may malaking halimaw ang tumalon pa punta sa bus na kinuhanan nila ng gasolina galig sa likod nito.

napalingun ang dalawa at sumigaw naman at nakaramdam ng takot ang mga tao sa loob ng bus.

"nag bibiro kaba" tanong ni mephisto sa wala ng makita ang nakatayo sa ibabaw ng bus.

"anak ng ano yan" galit na tanong ni irvine ng makita ang halimaw na nakatayo sa ibabaw ng bus.

"tina ung mga baril ko" sigaw ni irvine kay tina na agad naman hinagis ung mga baril at mga bala na nasa isang bag.

"puwede pahiram ng kahit anong baril" tanong ni mephisto sa mga tao sa loob ng bus.

hinagis ni fade ung hawak nyang rifle at mga bala nito kay mephisto para ipahiram.

"ibalik mo sakin pag tapos mo jan" nakangiting bilin ni fade kay mephisto.

"salamat" nakangiti namang sagot ni mephisto.

"mephisto mag ingat ka" takot na bilin ni erich.

"ikaw rin irvine alam kung kaya nyo yan pero mag ingat ka" bilin din ni tina kay irvine.

"kayo ang mag ingat lalo kana" nakangiting sagot ni irvine kay tina.

"sige mauna na kayo susunod nalang kami" utos ni mephisto.

"pero...." mag sasalita pa sana si fade ng lumingun si mephisto na may galit sa muka.

kaya napilitan etong paandarin ang bus.

"dun namin kayo aantayin sa unang building na makikita namin" bilin ni fade sa dalawang mag papaiwan.

"gagamitin muna namin tong natitirang gas dito fade" sinabi ni irvine kay fade.

tumango nalang si fade at pinaandar ang bus.

"anung gagawin natin" tanong ni mephisto kay irvine.

"ano pa ba di ang mabuhay at sya ang mamatay" sagot ni irvine.

"kaya ba natin yan" nakangiting tanong ni mephisto kay irvine at sabay nilang tinitigan ang halimaw.

ngayon lang napag masdan ng dalawa ang halimaw isa pala etong tigre na mukang nakakain ng maraming zombies kaya nag bago ang itsura.

humaba ang nguso nito at nag balat ang katawan nito dahil siguro sa hindi kinakaya ng balat nito ang pag papalit nito ng anyo ang tanging parte ng katawan nito na may balat ay ang buntot nito humaba ang kuko nito at lumaki rin ang mata nito na pulang pula humaba ang mga ngipin at alam ng dalawa na mas lalong tumulis ang mga eto.

"kaya ba natin yan" balik na tanong ni irvine kay mephisto.

"kaya nga kita tinanung" nakangiting sagot ni mephisto kay irvine.

nilapag ni irvine ang container ng gasulina at pinulot ang baril at ng maiayos na ay binunot nya ang dalawang magnum na baril na pinang tutok nya sa mga kasama nya ng una silang mag kita kita.

tinignan naman ni mephisto ang bala ng rifle na pinahiram ni fade at napangiti eto dahil isa lang ang bawas ng bala nito.


"LET'S GET IT ON!" sabay na sinabi ng dalawa at lumakad palapit sa halimaw.

itutuloy...