1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time 8
Lagablab

Dead of Time 8

By Hunter ·

Dead of Time - Mutation of the Tiger

"RAAAWR" malakas na sigaw ng halimaw sa dalawa.

pero imbes na matakot ay pinaputukan sya ni mephisto sa mismong ulo nya ng rifle na hawak nito.

tinamaan ang halimaw sa may nguso nito na lalong nag pagalit dito.

"tumahimik ka nga" sagot ni mephisto sa ginawa ng halimaw.

tignan ni irvine si mephisto at napa ngisi ngayon alam na ni irvine na hindi talaga mabait ang kasama nya ngayon kung hindi isa ring gaya nya ang pag kakaiba lang ay parati etong nakangiti.

"bakit mo ginawa un" tanong ni irvine kay mephisto.

"ang ingay kasi" sagot ni mephisto kay irvine.

at sabay silang umiwas dahil tumalon papunta sa kanila ang halimaw.

napapagitnaan nila ang halimaw kaya nag katinginan silang dalawa.

"may plano ka" tanong ni mephisto kay irvine.

"wala" sagot ni irvine kay mephisto

lumingon lingun ang halimaw at ang huling tinignan nito ay si mephisto at umangil habang nakaharap kay mephisto.

"niloloko mo ba ako" sabi ni mephisto sa sarili at nag simula ng tumakbo palayo sa halimaw.

mabilis syang hinabol ng halimaw at hindi naman maiwasan ni irvine na hindi sumunod dahil alam nyang kilangan nyang tulungan si mephisto.

"mephisto dito" sigaw ni irvine.

kaya naman agad humanap ng iikutan si mephisto para makapunta kay irvine.

binabaril naman ni irvine ang halimaw mula sa likod para kunin ang atensyon nito papunta sa kanya.

pero si mephisto parin ang hinahabol nito ang pagiging tigre nito ang may kagustuhang mahuli si mephisto.

nakakita si mephisto ng kotse at mula sa likod nito dito sya umikot para maka punta kay irvine.

habang ang halimaw ay tumungtong sa ibabawa ng kotse at dahan dahang humarap sa tumatakbong palayo na si mephisto.

"RAAAWR!" muling sigaw ng halimaw sa dalawa.

sa mga oras na un ay mag kasama na ulit si mephisto at irvine.

"nakakapagod" hingal na sinabi ni mephisto kay irvine.

"sira ulo ka kasi binaril mo sa may nguso" nakangising sagot ni irvine kay mephisto.

muling tumakbo ang halimaw papunta sa kanilang dalawa.

"eto nanaman sya" nakangiting sinabi ni mephisto.

"tama ka takbo" sabi ni irvine kay mephisto kaya nag simula silang tumakbo.

habang tumatakbo ay nag iisip si silang dalawa kung pano papatayin o matatakasan ang halimaw na humahabol sa kanilang dalawa.

ng biglang maisip ni mephist ang isang nakakalokong plano.

"ikaw munang bahala sa kanya" nakangiting sinabi ni mephisto kay irvine at sabay pasimpling lumilo papunta sa mga kotse.

"aba sira ulo" sigaw ni irvine habang patuloy paring hinahabol ng halimaw.

si mephisto naman ay tinignan ang mga kotsing naka para may kung anung hinahanap.

napangiti si mephisto ng makita ang hinahanap nya.

si irvine naman ay umiiwas parin na wag mahuli ng halimaw na humahabol sa kanya.

kitang kita ni mephisto na hirap na si irvine sa pag iwas sa halimaw dahil mukang napapagod na eto kaya mabilis syang sumunod dito pero nag iniwan si mephisto ng palatandaan sa kotse na nakita nya.

"kaasar napapagod na ako" sabi ni irvine sa sarili ng hindi nya inaasahang dambahin sya ng halimaw ng lingunin nya eto.

buti nalang ay mabilis nyang nahawakan ang palakul kana hindi sya nakagat ng halimaw.

"kaasar kang halimaw ka" sigaw na sinabi ni irvine sa halimaw.

"RAAAWR!" ang naging sagot ng halimaw kay irvine at pumuwestong kakalmutin sya nito.

pero nagulat si irvine ng makita nya si mephisto na hiniwa ang gagamiting kamay ng halimaw pangalmot sa kanya.

putol ang kamay ng halimaw sa ginawang pag hiwa ni mephisto dito gamit ang katanang binigay ni erich.

"bakit ngayon ka lang" nakangiting tanong ni irvine matapos mapaatras ng halimaw dahil sa pag kakaputol ng paa nito.

"ang hirap mag hanap ng kilangan ko pasensya na" nakangising sagot ni mephisto.

muling humiwa si mephisto pataas dahilan ng pag tama ng katana sa nguso ng halimaw na humiwa dito.

"RAAAWR!" malakas na sigaw ng halimaw dahil sa ginawa ni mephisto.

tumayo si irvine at lumapit kay mephisto.

"ano ba ung hinanap mo" tanong ni irvine kay mephisto habang nag lalakad sila palapit sa isang sasakyan.

naging mabagal ang halimaw dahil sa pag kawala ng isang paa nito.

"anung gagawin natin dito" takang tanong ni irvine kay mephisto.

"ganito yan" tinulak ni mephisto si irvine sa loob ng van ng malapit na ang halimaw sa na agad naman syang sinundan nito sa loob.

nagulat si irvine ng biglang may humatak sa kanya sa pintuan ng van.

"teka sino ka" gulat na tanong ni irvine na agad namang nasagot dahil nakita nyang si mephisto ang humatak sa kanya palabas ng van.

agad tumakbo si mephisto pa puntang likod ng van para isara ang pinto agad namang nakuha ni irvine ang plano ni mephisto kaya sinara nya ang pintuan ng van.

"ngayon ano na" tanong ni irvine kay mephisto pag lapit sa kanya nito.

"ah eh pasabugin natin ung kotse" nakangiting sagot ni mephisto kay irvine.

napaisip si irvine sa sinabi ni mephisto at napangiti rin.

"alam mo matalino ka pala" pa puri ni irvine kay mephisto.

"syempre naman" sagot ni mephisto.

lumakad na sila palayo sa kotse habang nag lalakas ay pinunasan ni mephisto ang katana at binalik sa lalagyan nito.

ng makarating sila kung nasan ang rifle na pinahiram ni fade ay pumuwesto na ang dalawa.

"teka sinong babaril" tanong ni mephisto kay irvine.

"ikaw?" sagot ni irvine kay mephisto.

"teka hindi ako magaling sa pag baril" angal ni mephisto kay irvine.

"anak ka ng baliw mag plaplano ka ng ganyan di ka pala marunong bumaril" galit na sinabi ni irvine kay mephisto.

"pasensya naman" sagot ni mephisto kay irvine sabay abot ng rifle dito.

"kung hindi lang dahil kay..." putol na sinasabi ni irvine ng kunin nya ang rifle.

"teka kung di lang dahil kay..." putol na tanong ni mephisto ng biglan iputok ni irvine ang rifle kasunod nito ang pag sabog ng van na kung nasan naka kulong ang halimaw.

"wooooh" ang tanging nasabi ni mephisto ng marinig ang pag sabog ng van.

"kita mo un" pag yayabang ni irvine sabay abot ng baril kay mephisto.

tumayo si irvine at mephisto at lumakad papuntang direction kung saan nag tungo ang bus ng mga kasama nila.

"teka para kanino nga pala ung kanina" pang asar na tanong ni mephisto kay irvine.

"wala un" sagot ni irvine habang nag lalakad sila.

akala ng dalawa ay tapos na ang lahat kaya naman panatag silang nag lalakad at umaasang malapit lang ang bus nila.

nag aasaran pa ang dalawa ng biglang may tumalon sa harap nila isang nag aapoy na halimaw.

"ikaw nanaman" ang nasabi ni irvine ng makita eto.

"na pipikon na ko sayo" galit na sinabi ni mephisto sa nag hihingalong halimaw.

binunot ni mephisto ang katanang bigay ni erich.

naka simangot na tumayo sa harap ng halimaw si mephisto na hindi na halos makatayo dahil kulang na ang paa at nasusunog pa ang katawan nito.

"mamatay kana at nag sasawa na ko sayo" sigaw ni mephisto at tinaas nya ang kamay nya na may hawak ng katana.

naging mabilis ang ginawang pag wasiwas ni mephisto ng katana na tumapos sa buhay ng halimaw.

bumagsak ang ulo ng halimaw sa lupa kasunod nito ang katawan na bumagsak sa lupa.

kinuha ni mephisto pamunas para punasan ang katanang ginamit nya para tapusin ang halimaw.

"hayop ka puwede mo naman palang gawin un bakit nag paka hirap pa tayo" galit na sinabi ni irvine kay mephisto kasunod nito ang batok na para kay mephisto.

"ha ganun ba" nakangiting tanong ni mephisto kay irvine.

napa buntong hininga nalang si irvine sa sinagot ni mephisto sa kanya.

"tara na bumalik na tayo at baka nag aalala na sila" pag aya ni irvine kay mephisto.

nakangiti silang nag lakad papunta kung saan direction nag punta ang bus dala ang rifle na pinahiram ni fade.

"teka ung gas ng bus" tanong ni mephisto kay irvine.

"diba nasa ibabaw ng...." natahimik si irvine ng maalala na nasa ibabaw pala ng van na pinasabog nila ang container ng gasolina na.

"walang aamin" sabi ni irvine.

"walang aamin" sagot ni mephisto.

nag kasundo ang dalawa na walang aamin sa ng yari sa container ng gasolina na dapat isasalin sa bus.

"tara na bilisan na natin" sabi ni mephisto kay irvine kaya nag madali na ang dalawang bumalik.

habang nag lalakad ang dalawa ay may nadaan silang convenient store at marami pa etong pag kain na laman.

"mukang may pasalubong tayo sa kanila" nakangiting sinabi ni mephisto kay irvine.

"muka nga" sagot ni irvine at hinanda ang palakul ganun din si mephisto na hinanda ang bokken na gagamitin.

pumasok sila sa loob ng convenient store para kumuha ng makakain gaya ng inaasahan nila may zombies na sasalubong pero mabilis nila etong napatay kaya libre silang mag shopping ng pag kain.

kinuha nilang dalawa ang lahat ng puweding makain at mainom kasama narin ang puweding pakinabangan ng mga babae sa grupo nila.

ng sa tingin nila ay nakuha na nila ang lahat ay nag pasya na silang hanapin ang bus.

si mephisto ang bumuhat ng mga kinuha nila habang si irvine ang pumapatay sa zombie na haharang sa daan nilang dalawa.

"grabe ka mephisto may taga patay ka ng zombie ah" angal ni irvine kay mephisto.

"sige gusto mo ikaw ang mag buhat nito" sagot ni mephisto kay irvine.

"wag na mukang mabigat eh" nakangising sagot ni irvine napa hinga nalang ng malalim si mephisto.

sa hindi kalayuan ay nag aabang ang pintong kasama nila.

tumakbo palapit si Ry archie at fade para tulungan si mephisto sa binubuhat nito.

kasunod nito si tina at erich na sasalubong kay mephisto at irvine.

"mephisto buti ligtas ka" sinabi ni erich ng makalapit kay mephisto at yumakap.

"irvine buti nakabalik ka pa" sabi ni tina pag kayakap kay irvine at pag ka halik sa labi nito.

napatingin ang lahat sa ginawa ni tina na pag halik kay irvine.

nag katitigan naman si erich at mephisto at ngumuso si mephisto kay erich.

na pa yuko naman si erich sa sininyas ni mephisto.

pero inangat ng binata ang ulo nya at binigyan ang labi nya ng isang malambing na halik mabilis lang ang ginawang pag halik ni mephisto kay erich.

namumungay naman ang mata ni erich pag tapos ng halik ng biglang bumaha ng ingay.

"uuuuuyyyyy ang sweet nila" sigaw ni krish at zychelle na nag papula ng muka ni erich at ni mephisto.

"asus nahiya pa ang dalawa" pang asar ni krish.

"tama wag na kayong mahiya halata naman na may gusto kayo sa isa't isa" dagdag pa ni zychelle.

"tama na nga yan at pagod sila kumain nalang tayo" nakangiting pag tawag ni fade sa mga kasama na nasa labas.

masayang pumasok ang lahat sa bus pero ang hindi nila alam ay sa hindi kalayuan ay may mga matang nakatingin sa kanila.

"target has been sighted sir are we gonna proceed with a capture" tanong ng isang lalaki sa kausap sa radio.

Itutuloy...