1. Home
  2. Stories
  3. Dead of Time Shattered Death 5
Lagablab

Dead of Time Shattered Death 5

Written by Hunter on

DoT SD 5 - Trap in The Control Room

pumasok ang dalawa sa pintuan pa punta sa control area ng gate at sa pag bukas palang ng pintuan ay sinalubong na sila ng masangsang na amoy ng mga nabubulok na bangkay.

"ang baho grabe" reklamo ni gin dahil kahit sinong normal na tao ay hindi kayang sekmurain ang amoy ng nasa loob.

"wag kang huminga o kaya takpan mo ang ilong mo kong di mo kaya ang amoy gaya ng ginagawa ko" sagot ni erich kay gin na agad naman nitong sinunod.

mabagal ang naging pag lakad ng dalawa dahil hindi nila alam kong ano ang puweding makasalubong sa loob nito.

hawak ang dalawang itak ay dahan dahan nilang pinuntahan ang control area ng gate na humaharang sa kanilang pag usad sa kanilang pupuntahan.

gaya ng inaasahan ni erich hinarang sila ng isang zombie ng sundalong nag babantay sa gate binato ni erich ang isang itak na hawak at agad etong sinundan para bawiin ang itak pag tarak nito sa ulo ng zombie.

"ayos m16" sinabi ni gin sa sarili ng makita ang hawak ng zombie na kamamatay lang ng dahil sa itak ni erich.

agad nya etong kunuha at kinuha rin ni gin ang mga bala ng baril na pinulot nya na nasa sundalo.

"anong ginagawa mo" tanong ni erich kay gin ng makita nyang kinukuha nito ang baril na nakasabit sa zombie na pinatay nya.

"pasensya na hindi ako magalit sa malapitan mas sanay ako sa baril" sagot ni gin kay erich kaya naman wala ng nagawa si erich kong hindi pabayaan nalang ang kasamang kunin ang lahat ng bala na puwede nyang makuha sa lugar na yun.

ilang minuto ang tinagal ng pag lakad ng dalawa at ilang zombies pa ang nadaanan ng dalawa bago nila narating ang control room ng gate.

ng marating nila ang control room ay agad pina operate ni erich ang gate kay gin para buksan eto ang hindi nila inaasahan ay ang pag likha nito ng isang malakas na ingay.

na hindi napag handaan ni erich at mas lalo naman ni gin isang malakas na ingay na tumawag sa lahat ng zombies na malapit sa paligid ng gate.

"na loko na hindi maganda toh" sinabi ni erich na kinagulat ni gin ng marinig nya eto.

"bakit anong problema" tanong ni gin kay erich at ng lingunin nya eto ay kitang kita ni gin ang mga zombies na papalapit sa pintuan ng control room kasunod nito ang pag sara ng pintuan ng control room na ginawa ni erich.

"bakit ang daming zombies anong ginagawa mo" tanong ni gin kay erich ng makita nya ang mga zombies na patakbo sa control room bago eto maisara ni erich ang pinto.

"manahimik ka wala akong ginawa nag ingay yung buong kuwarto ng buksan nating ang gate kaya tumakbo sila papunta dito" sagot ni erich kay gin.

kaya naman ititigil na sana ni gin ang pag bukas sa gate pero pinigil sya ni erich dahil alam ni erich na walang magagawa ang pagtigil sa pag bubukas ng gate.

sa labas ay mabilis naisara ni cristy ang m113 apc kasama si loida sa loob para mailigtas ang kanilang sarili habang inaantay na bumukas ang gate.

"anong gagawin natin" tanong ni loida kay cristy ng nasa loob na sila ng m113 apc at nakasilip sila sa maliit na bintana.

pero na hindik sila sa takot ng makita ang isang bagay na nag lalakad pa punta sa lugar kong nasan sila gin at erich.

isang lalaking bungo nalang ang kalahati ng mukha pero hindi eto kagaya ng zombies kong mag lakad dahil para etong normal na tao kong lumakad.

maliit lang ang lalaking nag lalakad naka suot ng kulay pulang labcoat pero sa tingin ni cristy ay hindi talaga kulay pula ang suot nito dahil wala talagang kulay pulang labcoat.

halos himatayin si loida ng makita nya ang pag kindat ng lalaking papunta sa lugar kong nasan sila erich ng lumingon eto sa kanilang kinaruruunan.

"seryoso ka ba" tanong ni cristy sa sarili dahil kahit sya ay natakot ng makita ang pag kindat ng lalaking nasa labas.

mabilis nawala sa paningin ng nakitang lalaki ni loida at cristy ang hindi nila alam ay dahan dahan na ang etong nag lalakad pa punta sa control room.

ilang minuto pa ang kilangan antayin nila erich at gin para tuluyang bumukas ang gate nag kukulong sa kanila pa puntang california.

"papatayin ko kayong dalawa" nakakatakot na boses na narinig ni erich at gin mula sa labas ay naririnig ng dalawa ang pag bagsak ng katawan ng mga zombies na nakaharang sa pintuan.

kaya naman gamit ang maliit ng kutsilyo ay gumawa ng maliit na butas sa pintuan at napa iling si erich dahil hindi sya makapaniwala sa nakikita.

wala na ang mga zombies at ang tanging natira ay ang isang halimaw na lalaki na ang kalahati ng mukha ay bungo nalang at ang kamay ay meron mahahabang kuko na kung hindi nag kakamali si erich ay sing tigas eto ng buto ng tao at sing talim ng katana.

"gin handa kana bang mamatay" tanong ni erich kay gin na talagang kinagulat ni gin dahil ayaw pa nyang mamatay.

"gin magaling ka bang bumaril" tanong ni erich kay gin ng makita ang halimaw na umubos sa zombies.

"bakit mo naitanong" sagot ni gin na walang ka muwang muwang sa puweding nalalapit na kamatayan nilang dalawa.

"gusto ko barilin mo tong lugar na to pag sinabi ko" sagot ni erich kay gin at sabay nilagyan ng maliit na marka ang pintuan.

kaya naman nag handa na si gin para sa pag baril sa minarkahan ni erich na parte ng pintuan.

itinaas ni erich ang kamay at pinag masdan ang halimaw na nasa labas na ngayon ay nag papalit parin ng anyo ang dating mahabang kuko ay unti unting umurong at ngayon ay parang dalawang daliri nalang at lumaki ng kunti ang dating maliit nitong katawan.

at ng makita ni erich na naka puwesto na ang halimaw at sakto na ang balang papuputukin ni gin sa ulo ng halimaw ay dali daling binuksan ni erich ang pintuan at sinabihan si gin na bumaril.

agad namang bumaril si gin dahil nakita nya ang halimaw na palapit na sa kanilang dalawa.

habang bumabaril si gin ay mabilis namang naiiwasan eto ng halimaw at ngayon ay nag simula na etong tumakbo palapit sa control room.

ng makita ni erich na walang tumatama sa mga balang pinapakawalan ng baril ni gin ay agad nyang inawat si gin at binunot ang dalawang itak at tumakbo palapit sa halimaw para salubungin eto.

"anong ginagawa mo" galit na sigaw ni gin ng makita ang pag takbo ni erich pa salubong sa halimaw pero wala ng magawa si gin dahil ngayon ay nakaharang si erich sa line of sight nya at pag bumaril sya ay tatamaan si erich.

habang tumatakbo si erich pasalubong sa halimaw ay binato nya ang isang itak na hawak nya dito na agad nitong naiwasan pero ang hindi napansin ng halimaw ay mabilis ding sinundan ni erich ng pag bato pa ng isa pang itak ang unang itak na binato nito.

tinamaan ang halimaw sa may tagiliran ng pangalawang itak na binato ni erich na agad ding nasundan ng dalawang kutsilyong mag kasunod na tumama sa kaliwang balikat ng halimaw.

"bumaril kana" sigaw ni erich kay gin na kanina pa nag aantay ng pag kakataong bumaril na agad nitong nakuha ng yumuko si erich.

agad namang nag bumaril si gin limang mag kakasunod na bala ang pinakawalan ni gin nagulat si gin ng makita matapos syang bumaril.

"malayo pa ba tayo Zeus" tanong ni Hera kay Zeus habang silang dalawa ay tumatakbo pa punta sa malaking gate na humahati sa ohio at pennsylvania.

"pupunta tayo sa malaking gate na yun" sagot ni Zeus kay Hera at sabay huminto sa pag takbo.

"yan na ba yung sinasabi nilang boundary of the state na humahati sa bawat state" tanong ni Hera kay Zeus na ngayon ay nag iisip kong anong gagawin nila para makatawid ng boundary.

alam ni Zeus na maraming zombies sa loob ng gate na papunta sa control room para buksan eto.

"ang laking problema nito" sinabi ni Zeus kay Hera na agad nag taka dahil ngayon lang nag salita ng ganito ang partner nyang si Zeus na dati nyang kapitan.

"anong problema" seryosong tanong ni Hera kay Zeus na ngayon ay humarap na sa kanya at tinitigan sya sa kanyang mata.

"kung hindi ako nag kakamali sa loob nyan ay may malaking bilang ng zombies na galing sa bangkay ng mga sundalong nag babantay dito" sagot ni Zeus kay Hera na ngayon ay naintindihan na nya dahil totoo ang sinasabi ni Zeus.

"anong plano mo" sagot ni Hera kay Zeus na ngumiti lang at dito naintindihan ni Hera na may plano si Zeus pero alam din ni Hera na ang plano ni Zeus ay isang delikadong plano.

"eto ang plano ko" sagot ni Zeus at sinabi nya kay Hera ang magandang planong naisip nya at ng marinig eto ni Hera ay napangiti lang sya dahil gaya ng inaasahan ay isang delikado at minadaling plano ang naisip ni Zeus.

sinimulan na nila ang plano ni Zeus at ang plano ni Zeus ay mag hilira ng sasakyan sa paligid ng pintuan ng papasok sa gate at tawagin nila ang mga zombies sa loob at pag nasa labas na ay pasasabugin nila ang mga sasakyan.

agad tinulak ni Zeus ang mga sasakyan habang si Hera naman ay inuubos ang mga zombies na matatawag ng ginagawa nilang pag aayos ng sasakyan.

ang gamit ni Hera sa pag ubos ng mga zombies ay ang latigong binigay ni Zeus.

itutuloy...

More from hunter

Lagablab

Rated R II Stories 10

hunter

Rated R II Stories 10: The Naomi in Heat 2 hindi na namin nagawang antayin ang pag gising ni sonnia dahil nag...

6 minutes Read Time
Lagablab

Lustful EVE 1

hunter

Lustful Eve 1 By ~H ni ¤Sheng¤~ dahil sa nalaman ko ay mas lalo akong ginanahan at pinag patuloy ko ang...

2 minutes Read Time
Lagablab

Sa Loob Ng Bahay 1

hunter

Sa Loob Ng Bahay 1: Nurse sa loob ng kwarto. "sigurado ka?" tanong ko kay hazel na ngayon ay ginigiling giling...

8 minutes Read Time
Lagablab

Two Sided Coin 29

hunter

TSC 29 - Decision That I Made "gusto mong malaman" tanong ni ate jane saking na aking kinagulat. pero lamang ang...

9 minutes Read Time
Lagablab

Lustful EVE 16

hunter

Lustful Eve 16 - The Three Little Woman's By ~H ni ¤Sheng ¤~ "ma boyfriend ko" pakilala sakin ni mayumi sa mommy...

1 minute Read Time
Lagablab

Lustful Eve 12

hunter

Lustful Eve 12 - what i was expected! By ~H ni ¤Sheng ¤~ wala ng nagawa si jaja kong di hawakan eto...

2 minutes Read Time
Lagablab

Two Sided Coin 11

hunter

TSC 11 - Pahinga sana! 5:30am ako nagising dahil siguro sa aga kung natulong tinignan ko agad ang cellphone ko may...

7 minutes Read Time

Related Stories

Lagablab

Dead of Time 9

hunter

Dead of Time - A new unit Leonard. "proceed when ever you want captain " sagot ng kausap ng isang lalaki...

8 minutes Read Time
Lagablab

The King of Wars - Prologue

hunter

The Kings of War Prologue : Draconian Empire isa sa limang kaharian na nakikipag agawan sa kapangyarihang mapamunuan ang buongmundo ang...

6 minutes Read Time
Lagablab

My Devils Boyfriend 4

hunter

My Devils Boyfriend 4: Festival Guest. pero hindi natuloy ang dapat na pag halik ni mephisto sa kamay ni Katherine dahil...

7 minutes Read Time
Lagablab

Dead of Time Finale

hunter

Dead of Time 40 - The End of Suffering! "bakit anong meron" tanong ni ace sa mga kasama kaya agad lumapit...

9 minutes Read Time
Lagablab

Twist of Fate Chapter : 9 by Nazo

nazo

Twist of Fate 9: the unofficial debut lumipas ang ilang araw at madalas ng sinasamahan ng binata ang kanyang kasintahang si...

7 minutes Read Time
Lagablab

Ang Aking CS - Chapter 1

jerund

Chapter 1 Habang ako ay naglalakad sa gate ng aming eskwelahan.. Panay ang titig ng aking mga ka schoolmates ko, hindi...

6 minutes Read Time