1. Home
  2. Stories
  3. Detective Jack Valentive Book 1. - Psycholove ( Original Story ) - Prologue
PSErotica

Detective Jack Valentive Book 1. - Psycholove ( Original Story ) - Prologue

By supertoyantz ·

Prologue

"Mommy !, Mommy !.." sigaw ng bata habang humahangos na pumasok sa kusina..

Napatingin si Elissa sa anak.. Kasalukuyan syang nag babake ng cookies para sa babaunin ng bata sa unang araw nito sa eskwela..

"Oh anu na naman yon?.." tanong ng ina sa bata..

Napangiti ang bata at sumimangot naman si Elissa..

"Hindi pwede!.." matigas na sabi nito pero nananatiling nakangiti ang anak nya..

"Please?.." ungot nung bata sabay papungay ng mata..Bumibigay na ang simangot ng ina dahil sa nakikitang pagkapursigido ng anak..

"I told you Gustavo..You don't need that dog..Your too young, baka kung anu pa ang mangyari sayo.." sabi ni Elissa sa anak pero nanatili lang itong nakangiti sa kanya..

Di na natiis nag ina ang anak kaya hinubad nya ang gwantes sa kamay at dinamba ang bata..Napatili ang batang si Gustavo at pilit na umiwas sa ina..

"Let's wait for your Dad..Ask natin sya kung papayag syang mag alaga ka ng dog.." sabi ng ina at napasimangot ang bata..

"Dad's always busy Mom..I don't even see him for three days.." sabi ng bata at natahimik ang ina..

"Yeah.. Pagpasensyahan mo na ang daddy mo anak.. GAnun talaga kapag ikaw ang boss, marami ang umaasa sayo, so kailangan lagi kang approachable..You will understand what I'm trying to say anak when you reach that age and starts your own family.." mahabang paliwanag ng anak..

Yumakap si Gustavo sa ina at hinalikan ang pisngi nito..Napangiti si Elissa at pinanggigilan lalo ang anak nya..

"Yea Mom.. But I really want to have dog..Mayabang kasi si Primo eh.. May hamster syang bago so I told him that Dad will buy me bigger.." sabi ng bata at natawa naman ang ina nya..

"Kayo talagang mag pinsan.. Ang hilig nyong magpasikatan.. You know anak thats bad, if some people have that thing, you don't need to have that thing too.. Ang tawag kasi doon anak is Inggit.. And that is really bad..Like I told you about lying.." sabi ng Ina at napatango tango ang bata..

"Yes Mom.. I didnt forget that.. I just want to have pet too.. At least bigger than hamster...I want dog so I can play with it whenever I'm bored with my toys.." sabi nung bata at nalungkot ang ina nya..

"You don't want to play with mommy anymore?.." malungkot ang boses ni Elissa.. Nagkandailing iling si Gustavo at mahigpit na niyakap ang ina..

"Ofcourse not mom!.."sabi nito at hinalikan pa sa pisngi ang ina..

"Hay nako.. Lets finish this talk and let's eat.. wait wait.. let's me see if you wear underwear.." nakataas ang kilay ng ina at nagtatakbo si Gustavo sa kabilang panig ng kusina..

"Meron po akong suot !.." sigaw ni Gustavo at napangisi si Elissa..

"Eh bakit ka tumatakbo?.. Patingin nga??.. whats the color?.." panghuhuli ng ina at natawa ang bata..

"Red !..." sigaw ng bata..

"Ahuh.. You don't have red underwear my son.. Don't lie to your wise mom.. Go to your room and wear one or else.." sabi ni Elissa at napalapit ang bata sa kanya..

"Or else what mom?.." tanong ng bata..

"Or else I tell Camille that your not wearing briefs !.." biglang sabi ng ina at napasigaw ang bata..

"No !.." sabi ni Gustavo at mabilis na tumakbo sa kwarto nya para magsuot ng brief...Tumawa naman ng parang demonyita si Elissa..

Sa klase.. Abala ang batang si Gustavo sa kakakutingting sa binigay na laruan ng guro.. Nagpapaunahan sila ng pinsang si Primo sa pagbuo ng jigsaw puzzle pero nanlumo sya ng makitang malapit ng matapos ang pinsan nya..Agad na nag isip ng paraan ang bata.. Muli nyang sinulyapan ang pinsan at halos mapasigaw sya ng makitang malapit ng matapos ito..

Napansin nya ang huling piraso ng puzzle at pasimpleng inupuan ito.. Muli nyang pinagtuunan ng pansin ang sariling puzzle at napangiti sya sa kapilyuhang nagawa.. Maya maya nakarinig sya ng pagrereklamo galing sa pinsan nya..

"There's some mistakes here couz.. Kulang ang puzzles ko oh.. Tapos na ako eh.." angal ni Primo at napatingin sa kanya si Gustavo..

"Huh?.. Di ka po kaya tapos.. Look oh. Eto na yung last piece ko oh.. Ikakabit ko na lang.. I won.. I won. !" sigaw ni Gustavo at nagtatalon..

"Waaaaa.... Cheater !.. Look oh.. Heres the remaining piece.. You sat on it.. WAaa... Ang dayaaa....." sigaw ni Primo pero nginisihan lang sya ni Gustavo..

"Ay.. Di matanggap.. Don't worry couz.. Maybe next time.." pang aasar pa lalo ng bata sa pinsan nya..

Nakasimangot buong klase si Primo .. Si Gustavo naman ay palihim na natatawa dahil sa kapilyuhang nagawa sa pinsan nya..

Pagdating ng uwian ay di muna lumabas ang mag pinsan..

"Baket ayaw mo pa umuwi?.." tanong ni Primo sa pinsan nya..

"Teka lang.. Konti pa.." sabi ni Gustavo at tumingin sa mesa ng guro.. Maging si Primo ay napatingin na rin sa teacher nila na abala sa pagsusulat ng kung ano..

"Baka nasa labas na sila Mom.. Magagalit sila pag di tayo lumabas agad.." sabi ni Primo pero nagmatigas si Gustavo..

Nakatitig lang sila sa guro nila.. Nagsusulat ito ng kung ano sa mesa at nakahawak ang kamay sa sentido nito..

"Masakit siguro head ni teacher.." bulong ni Primo pero natawa ang pinsan nya..

"Nah.." sabi lang nito kaya napatingin sya sa pinsan nya..

"Why?.." tanong ni Primo ..

"She's writing love letter..I don't know yet kung kanino pa nya bibigay pero we just wait.. " paliwanag ni Gustavo at natawa ang pinsan nya..

"How did you know?.. Maybe she's just busy writing your bad deeds, thats why she's holding her head " pang aasar ni Primo kaya napatingin si Gustavo..

"When mom have a headache, she's massaging her temple to her forehead.. But look at teacher.. She's just holding her head, and look at her face.. Is that the face of the one suffering headache?.. Smiling eyes?.." paliwanag ni Gustavo at napatingin din si Primo sa guro nila..

"Yea your right couz.. But to whom she will give that?..And how you will know that someone's still coming?.." tanong ni Primo at natawa ulit ang pinsan nya.

"We were here for almost half an hour couz.. If she's not expecting someone.. Kanina pa nya tayo hinatid sa gate.. Were on school remember?..Anu sa tingin mo ang iisipin ng makakakita sa kanila.?.. Syempre they don't want to be the head of tsismis so di nya pa tayo pinapaalis para kung sakaling may makakita sa kanila nung guy, at least andito tayo.. Thats an easy story couz." paliwanag ni Gustavo at natulala lang si Primo

Maya maya nagtawanan yung dalawa ng pumasok ang security guard nila.. Napatingin sa kanila ang teacher nila kaya napilitan si Primo na magsalita..

"Ahm teacher.. Uwi na po kame.. Bye po.." sabi ni Primo at inaya nya ang pinsan nya ..

"Oh..just a few minutes kids.. Play muna kayo dyan.." sabi nung guro at inasikaso na nito ang bagong dating..

Nagbungisngisan yung dalawa at tawa ng tawa habang nag kikiliitan..

"Told ya." landi ni Gustavo at kiniliti si Primo..

"Yea..Landi ni Teacher oh." sabi ni Primo sabay turo sa guro nilang parang kiti kiting di malaman.

"Tara asarin natin.. Uwi na tayo.." sabi ng pinsan nya at napasang ayon si Primo sa kanya..

Tulad ng inaasahan nung dalawang bata ay sumimangot ang teacher nila.. Pati yung security guard nila ay parang naasar sa dalawang bata pero inosente lang yung dalawang makukulet na magpinsan..

Paglabas nila ng kinder room nila at sinalubong sila ng Mommy ni Primo na nakasimangot..

"Where have you been?.. Kanina ko pa kayo inaantay ah?.." nakasimangot na tanong ni Venice sa dalawang bata..

"Si Gus kasi mom.. Ang hilig maglaro.." turo ni Primo sa pinsan pero napaaray sya ng suntukin ni Gustavo ang braso nya..

"Oy oy.. Don't fight you two..Hala sakay sa kotse at uuwi na tayo.. Gustavo iho, andun daw yung Dad mo.." sabi ni Venice sa bata ..

Biglang nagmadali si Gustavo na sumakay ng kotse at inunahan ang pinsan nya.. Humabol agad si Primo pero nakaupo na sa front seat si Gustavo..

Nagdadabog ang bata pero binelatan lang sya ng pinsan nya..

"Mom ko yan eh.. Dapat ako katabi nya.. Dito ka sa back.. !.. Mom oh.. !.." angal ni Primo pero tumawa lang si Venice..

"Ewan ko sa inyong dalawa.. Para kayong aso't pusa.. Hala sakay na Primo at umuwi ang Daddy mo.. Wala pa tayong ulam !.." sabi na lang ni Venice at wala ng nagawa si Primo..

Nagkandahaba ang nguso nya at rinig nya pa ang pang aalaska ng pinsan nya..

"Move like a turlte versus speed of a tiger.. Too slow my couz.. Too slow.." sabi na lang ni Gustavo at lalong nagpuyos sa asar si Primo..Tumawa na lang si Venice at pinaandar na ang kotse..

Pagdating sa bahay ay lumawak ang ngiti ni Gustavo ng maaninag nya ang BMW ng ama.. Di pa man nakakapark ang Tita Venice nya ay tumalon na agad sya at tumakbo papasok ng bahay..

"Daddy ! .." sigaw nung bata sa ama ..

Nagulat yung mag asawa sa pagpasok ng anak nila.. Biglang kumalas si Elissa sa pakikipaghalikan sa kabiyak at sumimangot na lang..

"Always wrong timing ka boy. !.." sigaw ni Joaquin sa anak at bigla itong sinugod ng yakap..

Napatili si Gustavo at tawa ng tawa .. Di nya alintana ang nasaksihan dahil sa batang isip..

"Hay nako.. Anak wag kana muna magbihis at sa labas na tatayo kakain.." sabi ni Elissa na masama parin ang loob..

"Ha?.. What for mom?.. Eh may lamesa naman po tayo oh.. Bakit kailangan ilabas pa yung food?.." tanong ni Gustavo at natawa ang ama nya..

Piningot ni Elissa ang ilong ng anak at asar na nagpunta sa kusina..

"Check all the switches my Love..Mahirap ng masunugan tayo.. At ikaw naman makulit at pilosopong bata.. Ang ibig sabihin ng mom mo ay aalis tayo at mamamasyal.." sabi ni Joaquin at nanlaki ang mga mata ni Gustavo..

"Waaa... Yehey !!.. Hey Dad.. Dad Dad.. !.." kulit ni Gustavo sa ama at natatawa naman si Joaquin sa anak..

"Yes Son son son?.. pang gagaya nya at nagtawanan silang mag ama..

"Sinabi na po ba sa inyo ni Mom?.." kumikislap ang mata ng bata at naghinala agad ang ama..

"Don't tell me its about the dog?.." tanong ng ama nya at napangiti ng maluwang ang anak at tumango tango..

"Yes yes yes !..I will name it Jack !.." sabi ng bata at natawa ang ama nya..

"Wow.. Di pa nga ako pumapayag may name ka na?.." napakamot na lang ng ulo si Joaquin..

"Eh I know you can't resist me naman po eh.. So let's go.. Moooommmmmmm..." sigaw nung bata sa ina ...

Paglitaw ni Ellisa ay agad syang hinatak ng bata at mabilis na inakay palabas ng pinto..

"Hep hep.. Teka naman anak at baka madapa ang mommy.." sabi ni Joaquin pero talagang excited ang anak nila..

"Can't blame the kid, you know.." sabi ng asawa nya at napatango na lang si Joaquin .. Batid ang pagkukulang nya.. Habang nasa resto sila ay panay ang bida ni Gustavo sa ama..

"You see dad.. I got the answer sa question ni teacher.. Well parang kami lang ni Primo ang tao dun eh.. " sabi ni Gustavo at natawa ang mga magulang nya..

"Huss.. Yabang.." sabi ni Elissa pero di talaga maawat ang anak..

Pasimpleng nagtinginan ang mag asawa at nginuso ni Elissa ang anak nya.. Naunawaan ni Joaquin ang ibig ipahiwatig ng asawa at guilty sya.. Alam nyang pati ang asawa nya ay nagugulat sa excitement na ipinakikita ng anak nya..Batid nya ang malaking pagkukulang nya sa mag ina sanhi ng trabaho nya bilang Private Detective..

Kung saan saan sya naaasign na mga probinsya sa paghahanap ng kung sino sinong tao.. Ayaw nyang ipahawak na lang basta sa mga tauhan kahit simpleng kaso dahil mas kampante ang mga kliyente sa kapasidad nya ..

Napabuntong hininga na lang si Joaquin at pinagmasdan ang pag kukwentuhan ng mag ina nya..

Nitong huling assignment nya ay galing pa sya ng Palawan.. Naghanap sya ng isang heredera pero nagulat sya sa gulo ng pamilya nito.. Maraming gustong mag papatay sa dalaga dahil sa mamanahin nito at isa sa trabaho nya ang iuwi ito sa Lolo nito.. Ang matandang pilantropo mismo ang lumapit sa kanya at di nya maipaliwanag kung bakit di nya ito matanggihan..Batid nyang medyo naging alanganin ang kaligtasan nya huling assignment nya na iyon..

Muli nyang pinagmasdan ang anak.. Nagpapasalamat sya at mukang lumalaki ng normal ang bata..

Mas malaki ang dapat ipagpasalamat nya sa kanyang kabiyak dahil nanatiling maunawain ito at very supportive sa uri ng trabaho nya..

Napangiti si Joaquin.. Anu kaya ang magiging reaksyon ng asawa nya kung sasabihin nya ditong handa na syang iwan ang trabaho at magnegosyo na lang..

Tulad ng inaasahan ay napatili si Elissa ng mabanggit nya ang pag reresign nya sa trabaho..

"Really Loves?. Oh my god.. Thank you.." sabi ni Elissa..

Niyakap ni Joaquin ang asawa at hinalikan sa noo..

"Sorry ha kung medyo naging pasaway ako lately.. Hayaan mo at babawi ako sa inyo .. Mag fofocus na lang ako sa business natin at syempre sa paglaki ng anak natin.. Anu bang pinapakain mo dyan mahal, bakit ganyan ka hyper yan?." tanong ni Joaquin at natawa ang asawa nya at pinalo sya sa braso..

"Eh kasi for the first time magkakasama tayo eh.. Remember kung minsan kaming dalawa lang ang namamasyal.. Minsan nga sumasabit lang sya kila Primo eh..Naaawa ako sa anak natin..

Parang sabik na sabik sa kalaro oh..Look... Parang kapatid nya na yung aso.." turo ni Elissa sa anak na nakikipaghabulan sa bagong biling tuta..

Natawa si Joaquin sa sinabi ng asawa..

"Nagpaparinig ka ba?.. Baka gusto mong sundan na natin ang anak natin?.." tanong ni Joaquin at kinurot sya ng asawa nya..

Nag miryenda ang mag anak sa isang ice cream house..

As always maingay si Gustavo pero tahimik lang ang ama nya..

"Heys whats the problem..?.. " tanong ni Elissa sa kabiyak..

Ngumiti si Joaquin..

"You see the lady over there?.. sa likod ni Gustavo?.. yung malapit sa window?.. she's having an affair I think." sabi ni Joaquin at nanlaki ang mga mata ni Elissa at pasimpleng tiningnan ang babaeng tinutukoy ng asawa..

Nagtawanan ang mag asawa pero sumingit si Gustavo..

"That's not girl, Dad.. He's gay." sabi ni Gustavo sabay dila sa ice cream nya.. Inabot pa nya ang isang scoop ng chocolate ice cream sa bagong tuta nya at dinilaan naman ito ng aso..

Nagulat yung mag asawa sa sinabi ng anak at pasimpleng tiningnan muli ang pinag uusapan nila..

"How can you say anak?.. Eh nasa likod mo nga eh.." sabi ni Elissa pero ngumiti lang si Gustavo at nanatiling dumidila sa ice cream nya..

"I saw him kanina when we enter the house mom... He's gay... He's wearing red dress with black stiletto.. 2-3 inches ang heels at strawberry ang ice cream nya.." tuloy tuloy na sabi ng bata..

Nanlaki ang mga mata ni Joaquin at pinagmasdan ang anak..

"Really?.. Whats her drink?.." tanong ng ama..

"Iced tea.." sagot ng anak at napangisi ang ama..

Sinulyapan nya ang kabiyak nya at parang nagyabang..

"I have my fruit waiting to be riped my love.. Eto ang bunga nating dalawa.." pagmamalaki ni

Joaquin pero ngumiti lang ang asawa nya..

"Okay Gustavo.. , anu sa tingin mo ang ginagawa nya dyan?.. Kanina pa sya dyan right?.."

"I don't know Dad.. Unless na tanungin natin.." sabi ng bata at napahiya ang ama..

Tinawanan lang sya ng asawa nya at dinilatan..

"Okay okay.. Your right.. Don't move .. Okay.. Anung kulay ng medyas ng lalaking naka cap at may katabing bola ng basketball?.." pagsubok ng ama sa anak nya..

"He's not wearing socks Dad.." sagot ng bata at lalong nabilib ang mag asawa..

"Haha.. Nice one kid.. Ganyang ganyan ako nung bata ako mahal... Or mas malala ang isang ito.." sabi ng ama sabay turo sa anak na nakasimangot..

"Bakit ka nakasimangot?.." tanong ng Ina..

"Sabi nyo wala ng ice cream?.. Eh bakit may nag order pa?.." tanong ng bata at nagtawanan ang mag asawa..

"Too much Ice cream is not good for health anak.. Come on.. Finish your ice cream.. Balik na lang tayo next week..I promise.." sabi ng ama at nauto nya naman ang anak nya..

Habang sakay ng kotse ay nagkukulitan ang mag asawa..

"Mana sya sakin Mahal.. Grabe.. Di ko akalain na ganyan ang magiging resulta kapag pinaghalo ang isang detective at isang librarian.." sabi ng Ama at natawa ang Ina..

"Mana naman sa akin ang looks.. Look mo yung eyes.. Pati yung nose.. Haha.. Yung height lang nakuha mo mahal ko.." pang aasar ni Elissa sa asawa ..

Nagtawanan yung dalawa at pasimpleng sinulyapan ang anak nilang abala sa paglalaro ng games sa cellphone ng ama nito..

"Anung ulam natin Mahal?.." tanong ni Joaquin sabay sulyap sa side mirror.. nakaramdam ng kaba pero di nya pinahalata sa mag ina nya....nanlaki ang mga mata ni Elissa.

"Hoy 3PM pa lang ng hapon, ulam na agad ang nasa isip mo?.." sumbat ni Elissa at nagtawanan silang dalawa..

"Dad.." singit ni Gustavo at naging alerto ang mag asawa..

"Yes son?. " tanong ng ama..

"I think someone's following us.." sagot ng anak at napatingin si Elissa sa asawa nya.

"Sabi na eh.." bulong ni Joaquin at pasimpleng kinapa ang baril sa ilalim ng upuan..

"Joaquin." sabi ni Elissa at hinawakan ang braso ng asawa..

"Relax mahal ko. Maraming tao... " sabi lang ng asawa pero maging sya ay kinakabahan para sa mag ina nya..

Lumipas ang ilang minuto at medyo traffic.. Lihim na napapamura si Joaquin..Kahit aircon ay namumuo ang pawis sa kanyang nuo.. Pilit niyang pinapatatag ang sarili at sinulyapan ang anak na relax na relax na naglalaro ng cellphone nya..

"Anak.. Nasaan yung sumusunod?.." tanong ng ama upang kumpirmahin ang hinala nya..

"Third Car on the left.. The black Honda Civic.. I saw kanina na may dalawang nakasakay pero i don't know kung lalake or babae.. Why Dad?.." tanong ng bata at tumingin sa ama..

"Nothing anak.. Anung gusto mong ulam sabi ng Mom mo.." iniba ni Joaquin ang usapan..

Nagliwanag ang mukha ng bata at napaisip..

"Fried Chicken !..Doggy kumakain ka ng friend chicken?" sabi ni Gustavo at natawa ang mag asawa..

"See?.. He's more relaxed than me.. There's nothing to worry about.. Wala na sila oh.." sabi ni Joaquin at talagang wala na nga yung sumusunod sa kanila..

"No.. Im not worried about sa car na sumusunod sa atin.. Im worried about our son.. He's more like you.. I don't want him to be Detective like you... I want him to be an astronaut !.." sigaw ni Elissa sabay tawa..

Si Gustavo ay abala sa pakikipagusap sa bagong alaga nya.. Excited na syang ipagmayabang sa pinsan ang bagong pet nya..

Napangisi na lang ang bata at naiisip nya na ang inggit sa mukha ni Primo..

ITUTULOY !!!

For Sale po ito.

Salamat ng Marami..

SUPERTOYANTZ !

[emailprotected]