1. Home
  2. Stories
  3. Forever
Filipino Sex Stories

Forever

By Teddyray ·
Chapter 17-

" They say that you and I are reaching far too high...We know our love is young, we've only just begun through the night...we hold each other tight-- forever..."
An excerpt from the song "Forever' by Rex Smith

Matapos ang naging pagniniig namin ni Kristine, saka ko naalala ang cell phone ko. Nung nilalabhan nya yung pantalon ko na naligwakan ng natapong ketsap, tiningnan ko yung messages sa inbox ko. 32 na miscalls at labing isang messages na iisa lang naman ang laman. "Nasaan ka ba, mister?" Lahat ng iyon ay galing kay Eden. Tiningnan ko yung orasan sa sala ng unit na inuupahan nina Kristine. Halos 12:00 midnight na. Tulog na si Eden. Bukas ko na lang siya tatawagan. Sinilip ko si Kristine sa kusina. Sa lababo sa kusina nya kinukusot yung pantalon ko. Maya-maya pa inilagay nya ito sa isang hanger at isinampay sa isang silya at tinutukan ng electric fan. Parang nagulat pa siya ng tahimik akong nakalapit sa kanya.

" Gising ka pa?" Sabi nya habang inaayos yung pagkakasabit ng pantalon. " Isang oras lang tuyo na ito," Pagkasabi nyun ay lumapit siya sa tabi ko. Matagal na namayani sa aming dalawa ang katahimikan. Hinila ko siya sa may lamesa kung saan sa ilalim nyun naganap ang aming pagniniig. Umupo siya sa isang silya at umupo akong magkatabi kami na nakaharap sa lamesa. "Anong iniisip mo?" Tanong nya sa akin pagkaraan ng patlang na katahimikan.

" Ikaw... yung nangyari kanina," Sabi ko, na hindi siya tinitingnan.

"Huwag kang mag-alala, ginusto ko ito. Ganti ko sa ate ko ito." Nagtaka ako at nabigla sa sinabi nya. Hinila ko paharap sa kanya ang bangko na kinauupuan ko.

"Anong ganti?," Nagugulumihanan kong tanong. Nakita kong namula ang mga mata nya at para siyang maiiyak. Kinabig ko sya at hinayaan siyang umiyak sa dibdib ko. " Ibinenta na ako ng ate ko sa isang mayamang intsik. Inaayos na lang yung mga papeles ko. Pag lumabas ang passport ko, pupunta kaming dalawa ni ate sa China..." Bigla siyang humagulgol at at yumakap sa akin.

"Natatakot ako Ted, ayoko doon..." Hindi ko malaman ang iisipin. Ibinenta siya na paano? Niyakap ko si Kristine ng mahigpit. Alam ko, awa ang nararamdaman ko sa kanya. Kung may atraksyon man ako na nadarama sa kanya, iyon ay sa dahilang madali akong maakit ng kagandahan. Lahat ng magagandang bahagi ng mundong aking ginagalawan ay umaakit sa akin, nagbibigay inspirasyon sa aking mga tula.

"Kung ayaw mo, bakit kailangan mo siyang sundin?" Pakli ko. At iniharap ko ang mukha nya paharap sa akin. "Gusto mo kausapin ko ang ate mo?" Alok ko sa kanya. Muli lang siyang yumakap sa akin. Umiling siya habang patuloy na tahimik na humihikbi. "Nag down payment na yung intsik, kalahating milyon yung pinadala nyang advance para panggastos sa paglakad ng mga papeles namin ni ate. Kaya naisip ko ito..." Yung sinasabi nyang naisip nya ay yung ginawa namin. Ipinagkaloob nya ang pagka-birhen nya sa akin.

" Hindi ko ibibigay sa tsekwa na yun ang aking pagka-birhen," Tinitigan nya ako. Bigla nya akong hinalikan sa labi. Walang pagnanasa ang halik na yun. Nalasahan ko ulit yung maalat-alat na luha na masaganang dumadaloy mula sa kanyang magagandang mata. Naglalandas ito patungo sa kanyang mga labi.

"Tama si ate nung tinanong nya doon sa Jollibee kung crush kita." Muli nyang sabi. "Ikaw lagi yung naiisip ko mula noong pumunta kami sa office mo. Pero alam ko, Malabo na magkagusto ka sa akin. Lalo pa ng napansin ko yung harapang paglalandi ni ate sayo..."

Kinabig ko siya palapit sa akin at ako naman ang humalik sa kanya. " Sinamantala kita," Sabi ko. "Pero kaya na kitang panindigan". Alam ko, nanaig na naman sa akin yung mga pagpapasiya ko in a spur of the moment. Pero, yun ang totoo kong nararamdaman sa mga sandaling iyon. Nagi-guilty ako sa nangyari. kailangan kong panagutan ang aming naging kapusukan.

May nadama akong pait sa pagtawa nya ng mahina pagkaraang marinig nya ang sinabi ko. "Hindi ka deserving ng isang tulad ko lang." Umiling siya. "Hindi ako karapat-dapat sa isang tulad mo." Sabi nya. Ibang Kristine na yung nakikita ko sa mga oras na iyon. Pinahahanga nya ako sa kanyang mga katwiran. Pinukaw ba ang kanyang pananaw ng aming naging pagniniig?

Hinapit ko siya palapit sa king dibdib. Gusto kong ipadama sa kanya ang init ng aking katawan . Maginaw ang bawat kalungkutan. Nakangingilo ang madamang nag-iisa ka sa kabila ng maraming tao sa iyong paligid. Hinalikan nya ako. May ilang oras pa na nalalabi sa amin. Hinila nya ako sa kwarto nya. " Tabihan mo ako sa pagtulog," Sabi nya na nakatitig sa aking mga mata. " Bukas, alam ko isang magandang panaginip na lang ang lahat ng ito."

Hindi kami nakatulog. Ginugol namin ang buong magdamag sa 'pagganti' sa ate nya. Tiniyak nya na wala ng bahagi ng kainosentihan ang kanyang katawan sa sandaling pagpasasaan na siya nung intsik na "nakabili' sa kanya.

Ayaw nyang hugutin ko yung aking kaangkinan mula sa kanyang masabaw na kweba tuwing magdidilig ito ng nektar sa kanyang sinapupunan.

" Iisipin kong 'gift' ng tadhana kung mabuo ito, Ted". Sabi nyang nakatingin sa kisame . " Wala akong pagsisihan."

Madaling araw na ng lumabas ako sa likurang pinto ng condo. Pupungas-pungas yung gwardya na nadaanan ko sa kanyang quarter. " Good morning sir, log out po kayo dito sir." Ilagay po ninyo yung unit na pinanggalingan nyo." Sabi nito na iniabot ang logbook. Hindi naman nya hiningi yung ID ko. Paano kung fictitious yung pangalan na inilagay ko? Na siya kung ginawa.

Diretso na ako papasok sa planta. May ibang damit ako doon. Parang ikalawang bahay ko yung office ko. Kasi nga malayo ang bahay ko at minsan may mga madaliang miting o seminar na kailangan kong daluhan. Nasa taxi na ako ng tumunog yung cell phone ko. Tatlo yung bagong messages sa inbox ko. Isa yung sa bunsong kapatid ko. Nag-aalala si Nanay kasi tumawag daw si Paz, yung yaya ni Albert nung 11:00 pm na at wala pa ako. Na lobat kasi ako sa dami ng miscall at texts ni Eden.

Tinawagan ko yung kapatid ko at sinabi ko na nagkaroon ng biglaang overtime at hindi ako nakatawag. Pero sinabi ko na tatawag ako sa bahay mamaya. Yung isang message ay kay Kristine. "Thanks sa lahat Ted. Burahin mo na yung number ko sa phone book mo. Hindi ko na gagamitin ang sim na ito. Ingat palagi."

Yung isa kay Eden. Yung text na inaabangan ko.

"Pambihira, pinagtataguan mo yata ako, o may ka date ka dyan kaya ayaw mo sagutin ang tawag ko?" Bigla kong pinindot ang call at naghintay na sagutin nya ang tawag ko. Maliwanag na. 6:00 am na. Ilang minuto pa nasa opisina na ako. Naligo na ako ng umalis ako sa condo nina Kristine.

Maya maya ay naulinigan ko ang isang mahinang 'hello' na pumutol sa pag ring ng telepono sa kabilang linya. Parang pamilyar yung boses nya. "O, ang aga ng tawag mo.Kagabi tumatawag ako di ka nasagot." Sabi sa kabilang linya. Parang umaga pa lang ay may sermon na ako. Kumakapa ako ng alibi na tatayo sa sitwasyon ko. Pero bakit kailangan kong magpaliwanag sa kanya?

"May biglaang conference kami, di nga ako nakauwi sa amin." Sabi ko. Half truth yun at hindi alibi. Totoo yung hindi ako naka-uwi pero hindi totoo yung conference.

"Mister, wala naman akong paki kung saan ka nagliwaliw. Wala naman tayong—relasyon. Depende na lang kung liligawan mo ako." Natatawa ako habang pinakikinggan ko siya sa kabilang linya.

"Ligawan? Eh malay ko ba kung talagang kamukha mo si Bakekang..." Sabi ko na napapangiti. Napansin ko panay ang tingin nung taxi driver sa salamin at parang sinisilip ako. Lumagay ako sa gilid ng bintana ng taxi na sa tantya ko ay hindi makikita ng driver ang expression ng mukha ko habang nakikipag-usap ako sa telepono.

"Hoy, mister, baka pag nakita mo ako eh, tumulo ang laway mo?" Lalo akong natawa sa narinig ko. Hindi siya mayabang. "Tumulo ang laway? You mean, nakakapagtulo ng laway ang beauty mo?" Sabi ko na hindi ko napigilan ang impit na hagikhik.

"Eh may diperensya ka naman pala, parang ayaw mo yatang maniwala, nagtatawa ka pa diyan. Next month pauwi na ako ng Pilipinas. Kung interesado ka, sunduin mo ako sa airport. Hindi ako pasusundo sa iba. Ikaw ang sumundo sa akin at makita mo yang paghagikgik mo." Parang naiinis ko siya. Pero natigilan ako. Kasi kung totoo na magpapasundo siya sa akin so hindi masama ang itsura nya.

"Okay, okay pasensya na. Naniniwala ako na maganda ka, ok..." Tumango-tango ako. Nagkatinginan kami ng driver sa salamin ng taxi. Napahiya ako. Para akong tanga na ngingiti at tatango-tango mag-isa.

" Eh kung naniniwala ka na maganda ako, di ligawan mo na ako." Walang gatol na sabi ng kausap ko. Gusto kong sakyan ang sinasabi nya.

" Kung liligawan ba naman kita eh sasagutin mo naman ba ako?" Naisip ko di na ako bata para sa larong ganito. Pero natutuwa ako dito sa kausap ko. Parang napupunan nya ang pangungulilang nadarama ko para sa namayapa kong kabiyak,at sa pangungulila ko kay Ellaine.

"Depende..." Ibinitin nya ang sinasabi.

"Depende saan?" Tanong ko sa kanya.

"Ah basta, ligawan mo muna ako para malaman mo." Narinig ko yung mahinang hagikgik nya sa kabilang linya. Hindi ako nakasagot kasi pinatay na nya ang linya ng telepono. Pero umilaw ang cell phone ko. Nag-iwan siya ng message.

"Try mo ligawan ako, pag maayos ang panliligaw mo, anong malay mo kung mapapayag mo akong maging 'honey' mo!"

Kinabahan ako. Ano kaya kung si Eden at si Ellaine ay iisa? Umiling ako. Malabo. Pero hindi imposible. Naputol ang pag-mumuni-muni ko ng huminto kami sa harap ng planta. Tiningnan ko yung halagang naka rehistro sa metro ng taxi na sinakyan ko. Kinuha ko yung barya sa clutch bag ko na sukli doon sa ipinambayad ni Kristine sa tinek-out namin. At tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng planta.

Nagpatuloy yung text namin ni Eden tuwing gabi lang kami nakaka pagtext at nakakapag-usap. "Hindi mo ako ubrang makausap pag working hours.Mahigpit ang mga amo ko dito sa Korea. Hindi ka naman marunong manligaw. Paano kita sasagutin nyan."

Paano nga ba yung sinasabi nyang panliligaw? Paano yung ginawa kong panliligaw kay Ellaine. Si Ellaine pa lang ang nagawa kong ligawan at mapasagot sa text. Pinadalhan ko siya ng mga sweet messages. Hindi ko pwedeng ipadala kay Eden yung mga ipinadala ko kay Ellaine. Para kay Ellaine lang yun.

"Bigyan mo ako ng hint kung ano yung ini-expect mong pwede kong gawing panliligaw sayo." Text back ko sa kanya.

" Nagustuhan ko yung messages mo doon sa lumang dyaryo. Bakit di mo ako pinapadalhan ng gayung messages?" Tanong nya sa text.

" Gusto kong maging honest sayo," simula ko. At ipinaliwanag ko yung naging sitwasyon namin ni Ellaine. Kung paanong bigla siyang naglaho at kung paanong hinahanap hanap ko pa rin siya hanggang ngayon.

"I can't get over her yet," Text ko sa kanya. " Kaya siguro I can't send you some sweet messages, kasi hindi ko pa feel yun. Si Ellaine pa ang pumupuno ng inspirasyon sa mga tula ko."

" Kung talagang feel mo siya, bakit di mo siya puntahan sa kanila. Hindi excuse yung mahigpit yung father nya para hindi mo gawing hanapin siya, ngayon na malaya ka na"

Maganda yung payo nya sa text. Pwede. At ipinasiya kong pumunta sa Batangas.

"Pero, mean time, pagtyagaan mo munang gawin akong inspirasyon, at malay mo, higit kang mainspire sa akin at pakasalan mo agad ako pag nagkita tayo pag uwi ko next month. Hihihi!"

Mukhang may pagka lukaret itong bago kong katext. Pero ok yung kanyang sense of humor.

At dumating yung weekend. Matapos naming dalawin ng mga bata yung libingan ng mommy nila, ay naipasya kong puntahan ang opisina ni Ellaine sa Batangas. Sinadya kong balikan yung lugar na una kaming nagkita. Doon sa rides, sa kiosk sa loob ng mall. Halos mag isang taon na ang nakalilipas. Pero parang walang nabago sa mall. Pumunta ako sa sinehan. At para akong gago na kumuha ng tiket at umakyat mag-isa sa balcony. May tatlo yata o apat na pareha na nagkukubli sa madilim na bahagi ng sinehan. Gumagawa din ba sila ng 'milagro'tulad ng ginawa namin ni Ellaine?

Sumandal ako sa upuan at binalikan ko sa isip yung ginawa naming milagro. Nararamdaman ko pa rin yung pagkislot ni manoy, pag binabalikan ko sa aking isip ang masarap na 'milagrong' iyon. Hindi lang pagnanasa ang nadarama ko kay Ellaine. Nadarama ko ang marubdob na pagtatangi. At sa aking sitwasyon mas higit na kailangan ko siya, ang kanyang pag-ibig na alam kong magpupuno sa nadarama kong kahungkagan.

Ilang minuto lang ang ginugol ko sa madilim na balcony ng sinehan. Parang gusto ko mainggit sa mga naroong pareha na alam kong pinagsasaluhan ang init ng kani-kanilang pagmamahalan. Sumakay ako ng jeep papunta doon sa natatandaan kong pinuntahan naming opisina. Linggo ngayon, sarado tiyak ang opisina nila. Magtatanong-tanong lang ako. Kailangang malaman ko kung saan siya nakatira. Kailangang malaman ko kung ano ang tunay na nangyari. Kahit pa kung nag-asawa na siya. O nakatagpo na siya ng ibang pag-ibig.

" Boss, paki baba ako sa office ng Eastern Lending," Sabi ko sa driver ng jeep na sinasakyan ko. " Hindi ko kabisado yung lugar. Isang beses pa lang ako napunta doon." Mahabang paliwanag ko.

Kulang isang oras ng ihinto ng driver ang jeep sa harap ng isang gusali na wala ng bubong at sa tingin ay matagal nang inabandona. Nagulat ako sa dinatnan ko.

"Sigurado po ba kayo na yaan ang hinahanap nyo?" Sabi ng driver. Nang tumango ako, pinaandar na nya ang jeep papalayo sa kinatatayuan ko. Hinanap ko yung pinaka malapit na bahay mula doon sa opisinang pinuntahan namin ni Ellaine kung saan naganap ang una naming pagtatalik.

Nang magpa-tao po ako ay sumungaw yung may katandaan ng babae doon sa pintuan ng bahay na pinaka malapit doon.

"May hinahanap po ako misis," Simula ko ng makalapit ako ng bahagya sa may pintuan ng kanlang bahay.

"Matagal na po bang sira yang opisina ng Eastern Lending?" Tanong ko sa kanya.

"Kayo ba'y taga saan? Mag-iisang taon na pong ganyan yaan. Lumipat po sila ng opisina sa Lipa mismo." Paliwanag nito. Nakadama ako ng panlulumo.

"May kilala po ba kayong Ellaine yun pong dating namamahala dyan." Muli kong tanong.

" Ah, si Ellaine ba 'kamo? Nauna pa siyang nawala dyan bago nasira yan. Balita ko eh nagtanan."

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Parang hindi ko maihakbang ang aking mga paa palayo sa lugar na yun. Kung sana hindi ko ginawang lumayo sa kanya...Kasalanan ko. Maraming 'kung sana...' na kung hindi ko ginawa baka naririto pa rin siya . Kung kailan malaya na ako.

" O na miss ko yung text mo ah", Text ni Eden.

"Isang buong araw kang di nagtext." Sunod na text nya.

"Hindi ka rin nagtext," Sabi ko.

"Sinubukan ko lang di magtext, baka ma miss mo ang text ko." Text nya uli.

"Broken hearted ako." Text ko.

"Why naman?" Text back nya.

"Nagtanan na pala matagal na yung si Ellaine ko". Text ko uli.

"Paano mo nalaman?". Tanong nya.

"Pumunta ako doon ." Sabi ko.

"Sino me sabi sayo na nagtanan yung Ellaine mo?"

"Yung nakatira doon sa malapit sa opisina nila dati." Text ko.

"Cheer up, narito naman ako. Ligawan mo na ako." Sabi nya.

"Ayoko, baka isipin mo panakip butas ka lang." Sabi ko. Tumunog yung cell phone ko tumatawag si Eden.

"O bakit nag call ka,?" Tanong ko sa kanya. Naka-upo ako sa terrace. Tinatanaw-tanaw ko sa ibaba yung mga bulaklak sa hardin ni misis.

" Gusto ko lang marinig kung malungkot ka," Sabi ng kausap ko.

" Parang di ka naman malungkot...anong ginagawa mo ngayon? Mahal mo ba yung Ellaine mo? Di mo siya kayang palitan kahit na sa super sexy pa na tulad ko?" Natawa ako.

"O parang nararamdaman ko tumatawa ka dyan. Di ka naniniwala na sexy ako", Hinaharot ako ni Eden sa telepono.

" Maniwala ako. Malaki ba ang balakang mo?" Urot ko sa kanya.

"Oo 36 inches", Lalo akong natawa.

"Yung bewang ay 22 inches" Sabi nya.

"Walang sinturon yan ha" Sabi kong natatawa.

"Walang sinturon.". Ayon nya.

"Eh yung boobs?" Tanong ko.

"Medyo maliit." Sagot nya.

"Gaano kaliit, parang taghiyawat? Sabi ko.

"Loko mo, Hump!" Isinara nya ang linya ng telepono.

"Teka, pikon ka naman eh," Text ko sa kanya ng pinutol nya yung tawag.

"Maliligo ako. Imadyinin mo lang na naliligo ako." Text nya. At naputol na yung text namin.

Nagpatuloy yung kulitan namin ni Eden sa telepono. Nagtext si Norie noong bago sila tumulak papuntang China ng kapatid. Sana maging maayos naman ang kalalagyan ni Kristine. Kailangan niyang maging matatag. Nag file na ako ng resignation sa office. Humingi ng tatlong buwan ang opisina para maka kuha ng magiging kapalit ko, at para na rin magiging maayos ang turn over ng mga dokumento na hawak ko.

Mag six months na yung baby namin na si Ray Albert, ang buhay na ala-ala ng aking si Marie. Nilalakad ko yung registration ng itinayo kong construction company. At parang pakiramdam ko swerte sa akin si Albert. May in-coming agad ako na project. Isang renovation ng isang limang palapag na building sa Makati City.

Nasa office ako ng mag ring yung telepono ko.

"Hello mister," si Eden ang nasa kabilang linya. Hanggang ngayon mister pa rin ang tawag nya sa akin.

"Bukas ng alas-10 ng umaga ang ETA ng flight ko. Sa Korean Airlines ako sasakay. Gusto mong sunduin ako?" Tanong nya.

"Wala akong sasakyan, saka paano kita makikilala?" Sabay kong tugon at tanong.

"Mag-taxi tayo, problema ba yun?" Sabi nya.

"Yung problema ay hindi mo nga ma describe sa akin kung anong hitsura mo. Mataba, mataas, pandak.Wala kang deskripsyon kung ano ang i-expect ko sayo." Sabi ko naman.

"Kung importante sayo ang isang tao, ituturo sayo ng damdamin mo kung sino siya." Sabi nya.

"Ano, susunduin mo ba ako? Wag kang mag-alala may regalo ako sayo pag sinundo mo ako. At pag na-pinpoint mo ako sa maraming mga pasahero."

"Sa regalo yata ako interesado," Biro ko sa kanya.

"Ok aasahan ko na susunduin mo ako ." Ibinaba nya ang telepono, at naiwan akong maghapong di mapakali.

8:00 am pa lang nasa NAIA na ako. Binalak ko sanang manghiram ng kotse. Kaya lang abala pa yun. Saka di pa naman ako bihasang magmaneho, although may driver's license ako. Mag taxi na lang kami pauwi sa kanila. Sa halos dalawang buwan naming pagtitext ay nakalimutan ko itanong kung taga saan siya.

Lumugar ako sa harapan ng gate na kung saan lalabas ang mga pasahero ng mga international flights. Tiningnan ko doon sa naka display na mga electronics bulletin boards yung status ng flight ni Eden. Slightly delayed yung flight nya. Nung eksaktong 10:00 am na, nakipag agawan na ako doon sa unahan ng salamin na gate ng mga nag-eexit na pasahero. Nauna yung mga pasaherong galing Hongkong. Nang umilaw yung flight ni Eden sa Electronics Bulletin board ay abot-abot ang aking kaba. Ilang sandali pa umalingawngaw sa PA yung boses ng airport personnel na ini-anounce ang pagdating ng kanyang flight. Maya-maya pa, hugos yung mga pasaherong lumalabas mula sa gate. Pinakikiramdaman ko ang sarili ko.

"Kung importante sayo ang taong hinihintay mo, ituturo siya ng damdamin mo maging sa kalipunan man ng libong tao."

Papanipis na yung mga palabas na pasahero ng Korean Airlines. Wala akong ideya kung nakalabas na si Eden o nasa loob pa siya. Pero kinilabutan ako ng matanaw ko ang isang babaing palapit sa akin. Naka sleeveless na t-shirt. Naka maong at hila-hila ang dalawang maleta.

Tuloy-tuloy siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Hinalikan nya ako sa labi. "I miss you hon..." Bulong ni Ellaine. "I miss you so much..."

End of Chapter 18- Susunod— The Promise of Forever. (The Final Chapter}