1. Home
  2. Stories
  3. Kabilang Mundo 19
Filipino Sex Stories

Kabilang Mundo 19

By Fiction-Factory ·
Please refer to the previous part.

(Kapitulo Sinkuenta y dos)

Naaagnas na mukha, gutay-gutay na damit.
Nanlilisik na mga mata. Mga nilalang na patay at ngayon muling nabuhay. Mukhang malakas ang kapangyarihan ng kadiliman at nagawa nyang buhayin ang ganito karaming Zombies.

Akala ko sa pelikula ko lang ito nakikita, pero heto, kaharap ang mga mababahong kampon ng lupa. Napakapit ako sa braso ni Tony. Alam kong malakas sya, pero magagawa kayang tapatan ng lakas nya ang ganito karaming kalaban?

Napaliingon ako sa pinto ng lagusan. Wala, hindi pa rin ito bumubukas, at mukhang matatagalan pa dahil ang bagal ng pagkilos ng mga mekanismo.

"Maita, susubukan ko silang pigilan, doon ka lang sa tabi ng pinto at sa oras na bumukas na ito pumasok ka na agad."
utos sa akin ni Tony.

"Pero paano ka?"

"Huwag mo na akong alalahanin. Susunod na lang ako kapag nakakita na ako ng pagkakataon."

Ginigipit na kami ng oras. Ano ba ito, bakit kailangan akong malagay sa ganitong sitwasyon? Si Maya, si Jacob, ngayon naman si Tony. Paano ko naman kaya magagawang lumabas sa lugar na ito kung hindi ko sya kasama?

"Pero Tony--"

"Ano ba Maita?! Sundin mo nalang ang sinasabi ko sayo. Ang mahalaga ngayon ay ang makita mo ang last witchcrafter, dahil kung hindi, katapusan na ng sanlibutan."

Malapit nang makaabot ang mga Zombies sa kinatatayuan namin ni Tony. Umatras ako at lumapit sa pintuan tulad ng sinabi sa akin ni Tony. At ang unang Zombie na nakalapit kay Tony ay pinugutan nya agad ng ulo.

"Huh!"

Nasindak ako sa ginawang yon ni Tony. Hindi ko inasahan na pupugutan nya ng ulo ang kalaban. Parang lang sya bumunot ng halaman sa lupa. Ganun din sa ikalawang Zombie. Binunot nya ang ulo nito mula sa balikat. At bawat lumapit sa kanya puro napuputulan ng ulo gamit naman ang matatalas nyang kuko.

Sa twing nakikita kong nakikipaglaban si Tony, tingin ko parang ibang tao sya. Sa dami ng pinagdaanan na naming laban ngayon ko lang sya nakita na ganito kasiryoso. Ang mga mata nya, itim na itim, wala na yung mga eyeballs nya, purong kadiliman nalang ang nakikita ko.

Ang mga kuko nya kulay itim na rin. Sa sobrang talas ng mga ito, bawat madaanang leeg talagang nawawakwak, na kapag sinamahan nya ng suntok, tatalsik na lang ang napugot na ulo, tapos babagsak na lang sa lupa ang katawan. Walang makalampas sa kanya, walang makalapit sa akin. Ngunit sa dami ng kalaban, mukhang hindi rin tatagal si Tony ng ganito.

Binabantayan ko ang pagbukas ng pinto. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko. Pa-slide ang pagbukas ng pinto pagawing kanan. Ang bagal ng kilos, pero may siwang na akong nasisilip, gahibla pa lang ng buhok, at lumalabas mula sa siwang na ito ang liwanag. Ray-of-light. Hindi ko matukoy kung ano pinagmulan ng liwanag.

Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay maghintay, habang si Tony hirap na hirap na ibinubuwis ang buhay sa pakikipaglaban sa mga madudungis na nilalang.

"Ang tagal naman... Bumukas ka na dali... Dali... Dali na!"
bulong ko sa sarili ko.

Atat na atat ako sa mabagal na pag-slide ng pinto. Hindi maipaliwanag na liwanag naman ang iniluluwa nito. Nakakasilaw na liwanag. At lalong naging agresibo ang mga Zombies nang masilayan nila ang pinto na halos isang pulgada na ang siwang.

Lalong lumakas ang mga ito at ngayon sabay-sabay na nliang sinusugod si Tony. Kahit gaano pa kabilis ang galaw niya sumasablay na rin sya. Mabuti nalang at hindi marunong sumuntok ang mga Zombies, mabagal pa ang kilos ng mga ito.

"Tony! Tony!"

Tinawag ko si Tony nang makita ko ang pintuan na bigla na lamang huminto sa pagbukas. Hindi ko alam kung bakit ito huminto, at sa nakikita ko hindi pa sapat ang nabuksan, isang talampakan pa lang. Hindi pa kasya ang katawan ko sa ganito kakitid na espasyo.

Lumingon lang sa akin si Tony. parang walang katapusan ang pagsisidatingan ng mga Zombies na ito. Alam ko pagod na rin si Tony, pero pinipilit pa rin nya lumaban.

"Subukan mo pumasok!"
sigaw nya sa akin.

Hindi ko makita kung ano nasa kabila ng pintuang ito, napakaliwanag. Nakakasilaw na liwanag. Sinubukan kong isuksok ang katawan ko sa siwang ng pinto, pero talagang hindi ako magkasya. Kung mabubuksan ko pa sana kahit konti.

Mukhang imposible pero sinubukan ko itulak ang pinto pabukas. Gamit ang dalawang kamay ko, buong pwersa ko itong itinulak.
"Aaahhhh!!!!
Wala pa rin nangyari. Mabigat ang pinto, at sa tingin ko hindi ito mabubuksan sa pagtulak lang.

(Kapitulo Sinkuenta y tres)

Dumistansya si Tony sa mga kinakalaban nyang Zombies.
Nakatayo sya at nakapikit. Nakita ko na ito dati. Kahit nakatalikod sya sa akin alam kong mayroong pulang eyeballs na naman mga mata nya, tapos may kinukumpas na naman sya sa kanyang mga kamay.

Natitiyak kong gumagamit na naman sya ng Ninja's technique. Matapos ang mabilisang limang kumpas sa kamay nya, bumulusok ang itim na usok na nagmumula sa magkabila nyang kamay. Ngayon ko lang nakitang ginawa nya ito.

Mula kanina gumagamit na sya ng shakra, baka manghina sya ng husto kapag patuloy nya itong ginamit. Makapal na itim na usok na itinapat nya sa mga kalaban. At nang sumalpok na ang usok sa mga Zombies, bigla nalang naglaho ang usok kasabay ng pagsulpot ng apat na lalaki, na sa mismong paglabas nila sinugod na agad ng suntok ang mga Zombies.

Nanlaki nalang mga mata ko nang masilayan ko isa-isa ang apat na lalaking ito. Bawat isa sa kanila ay kamukha ni Tony. Kamukhang-kamukha, pati damit, pati kilos ng pakikipaglaban. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa totoong buhay. Alam ko ang technique na ito ng mga Ninja na napapanood ko lang sa telebisyon. Gumawa ng apat na clone si Tony. Ang galing.

"Kaya mo naman pala gawin yon, ba't hindi mo agad ginawa?"
sambit ko pa kay Tony nang makalapit sya sa akin.

Ang apat na clone nya ang nakipaglaban sa mga Zombies, habang si Tony dumiretso sa pinto na nasa tabi ko. Hindi nya ako pinansin. Mabilis ang kilos nya. Pumwesto agad sya sa pinto at alam ko na gagawin nya. Itutulak nya ang pinto, pupwersahin nyang buksan. May natitira pa kaya syang lakas upang gawin ito?

Humawak sa makapal na pinto ang magkabilang kamay ni Tony. Ang mga paa naman nakatungtong sa mga bungo at kalansay sa lupa. Bumalik sa kaitiman ang mga mata nya, nanlilisik at mukhang umiipn ng pwersa.

"Aaahhh..."

Napasigaw sya para ilabas ang pwersa. Sinimulan na nyang buksan ang pinto. Sa unang tangka ayaw talagang magbukas, hanggang sa humulma na ang mga ugat ni Tony sa mga kamay pati mga ugat sa leeg. Pinupwersa nya, pinipilit nyang buksan.

"Aaahhhhh!!!"

Gusto ko man syang tulungan pero hindi ko naman alam kung paano.

"Kaya mo yan Tony! Kaya mo yan!"
Pinapalakas ko na lang ang loob nya.

Paglingon ko sa mga naglalaban, tumataas ang tensyo. Kanina apat yung clones pero ngayon tatlo na lang. Hinahanap ko yung isa pero wala. Tapos natanto ko na naglaho yung isa dahil panibagong clone na naman ang naglaho nang magapi ito ng mga kalaban. Pinagtulungan nilang hatakin ang magkabilang kamay nito, pati ang ulo pinugot din, kaya biglang naging usok ang clone at naglaho sa hangin.

Ngayon dalawa na lang ang nakikipaglaban. At siguradong hindi magtatagal magagapi din sila ng mga Zombies na ito. Ito namang si Tony hindi pa rin magawang buksan ang pinto. Halos maputulan na sya ng ugat pero wala pa rin.

Hindi sya sumuko. Lumubog na ang mga paa nya sa sobrang pwersang bumabalik lang sa kanya. Hindi pa rin sya sumusuko, hanggang magawa nyang mapagalkaw ang pinto. Tanda na posible nga itong buksan.

"Ayan na Tony, nagalaw na. Sige pa! Kaya mo yan!"

Hirap na hirap na si Tony. Ngayon naman, balikat na nya ang ipinangtutulak nya sa pinto. Sumisibol ang itim na usok mula sa katawan nya. Mukhang naglalabas na sya ng shakra.

"T-tony... Okay ka lang ba?"
bigla ako nag-alala.

"Aaaahhhh!!!"

Hiindi nya ako pinapansin. Handa talaga nyang ibuwis ang kanyang buhay para sa akin at para sa ibang tao. Naalala ko yung araw na tinanong ko sya kung bakit nya ako tinutulungan. Ang sabi nya sa tagal na panahon na inilagi nya sa mundo, ngayon lang sya nagmalasakit sa ibang tao.

(Kapitulo Sinkuenta y Kwatro)

Isang pinto na lang ang pagitan at makikita ko na ang huling Witchcrafter. Ang pasimuno ng lahat ng ito. Gusto ko magalit sa Witchcrafter na yon pero hindi ko magawa. May sarili syang dahilan kung bakit nagawa nya ang Witch hazel. Para ipaghiganti ang Tribe nya. Tignan ang epekto ng galit at poot. Lalo lang pinapalala ang mga bagay-bagay. At mukhang ako ang magdurusa sa bandang huli.

Sa kabutihang palad, nagawang buksan ni Tony ang pintuan. Tinigilan na nya ito nang matanto nyang sapat na sa katawan namin ang nabuksan. Halos kalahati na ang bukas pero wala pa rin akong nakikita kundi puting liwanag.

"To-tony!"

Napasigaw ako nang makita ko sya na biglang bumagsak, tila nanlambot at nawalan ng lakas. Sinubukan ko pa syang saluhin pero hindi ko sya nahabol. Bumagsak sya sa lupa at napasandal sa pader ng pinto.

"Ayos ka lang ba? Ha? Sagutin mo ako Tony!" Kinalong ko sya sa aking bisig.

"O-oo. Huwag mo na akong alalahanin Maita. Ayan. Bukas na ang pinto. Lumabas ka na dito!"

"Pero Tony--"

"Ayan ka na naman! Lumabas ka na! Susunod na lang ako. Bilisan mo na, bago pa nila tayo abutan dito."

Ang tinutukoy nya ay yung mga Zombies na malapit na pala kaming abutan. Wala ng natira sa mga clone nya.
Pinipilit tumayo ni Tony. Mukhang may balak pa syang lumaban kahit pa hinang-hina na sya. Magpapakamatay ata talaga ang lalaking ito.

"Tony, huwag ka na lumaban! Lumabas na lang tayo dito."

"Hindi pwede. Mauna ka na, pipigilan ko muna ang mga Zombies na ito. Hindi ko hahayaang makalampas sila sa pintuang yan."

Gusto ko na maluha. Ayaw kong iwan si Tony pero sa tingin ko kailangan ko na talagang lumabas sa lugar na ito at isakatuparan ang misyon namin. Pero nagdadalawang isip talaga ako.

"Mukhang hindi ka talaga iiwan nyan Kuya..."

Nagulat kami pareho ni Tony nang marinig namin ang boses ni Jacob. Buhay sya. At ngayon kaharap nya mga Zombies. Nagtataka lang ako dahil sa narinig kong itinawag nya kay Tony. Kuya? Alam kong magkapatid sila sa Ina pero ni minsan hindi tinawag ni Jacob na kuya si Tony.

"Ku-kuya?" Maging si Tony nagtataka.

"Sige na Kuya. Sabay na kayong lumabas ni Maita. Wala ng oras. Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa likod ng pintuang yan, mas mabuti na samahan mo si Maita. Ako na bahala sa mga ito. Asahan nyong hindi sila makakatawid sa pintuang yan."

May mga sugat sa katawan ni Jacob. Puno sya ng galos, ang suot nyang damit gutay na. Tumutulo din ang dugo mula sa noo nya, lalo na sa kaliwang braso nya na may malubhang sugat. Hawak nya ito at mukhang pinipigilan ang pagdurugo. Tila matindi ang sinapit nya doon sa kinalaban nyang halimaw na may kadena.

Alam kong imortal sya, pero natitiyak kong sa mga oras na ito hirap na hirap na rin sya. Humaba ang mga kuko nya kasabay ng pamumuti ng mga mata nya. Sa tingin ko ibubuhos na nya lahat ng lakas nya. Bubuwis ang buhay tulad ni Maya at ng pito nyang Wolves.

"Jake, maraming salamat. Mag-iingat ka. Kapag nakakita ka ng pagkakataon, lumabas ka na rin dito."

Tumindig si Tony. Hindi ko alam kung saan sya kumukuha ng lakas pero unti-unti na syang nakakabawi. Marahil ang sinseridad ni Jacob ang pinanghugutan nya. Sa narinig nyang'Kuya', na sa matagal na panahon puro away ang kanilang inatupag. At ngayon, nagkasundo na sila, ang kapatiran nila. Kung kailan sa bingit pa ng kamatayan.

Alam kong napapaluha si Tony. Hinarap nya ako at hinawakan nya ang aking kamay. Magkasabay kaming pumasok sa pintuan ng liwanag. Nasasaktan si Tony sa nangyayari, randam ko ito, mas matindi pa sa mga sugat at bugbog na natamo sa kalaban. Nasasaktan ang damdamin nya para sa kanilang dalawa ng kapatid nya.

Isang hakbang na lang makakatagpo na namin ang huling Witchcrafter. Isang malaking tagumpay na may kaakibat na malaking kalungkutan. Iniwan na namin si Jacob tulad ng utos nya, at ngayon hawak-kamay kaming pumasok ni Tony sa pintuan, palabas sa lugar na ito na tinatawag nilang purgatoryo.

Sumalubong sa amin ang makapal na liwanag. Sa pagpasok namin parang may kuryenteng bumalot sa buong katawan ko, na nagmumula sa mga butil ng liwanag na lumulutang-lutang. Tiniis ko ito sa pag-aakalang ito na ang huling pagtitiis namin tungo sa huling witchcrafter. Pero mali ako. Maling-mali, dahil paglabas namin ni Tony, iba ang nakita ko.

To be continued...
Fiction-Factory
Copyright2014