1. Home
  2. Stories
  3. Kathlea's Sexcapades: Unfaithful - Part 11
Pinoy Tambay

Kathlea's Sexcapades: Unfaithful - Part 11

By unknown ·

BIGLANG KINALABIT NI Dave ang baril. Sindak si Alrex. Palso. Hindi iyon pumutok. Inihit na naman ng tawa si Dave. Tuwang-tuwa na sindakin ang kinakapatid.

Si Sofia ay handa na ring magbuwis ng buhay. Pilit nilalabanan ang takot kahit nakatutok na sa kanyang sintido ang baril ni Dave. Hindi niya ipinikit ang kanyang mga mata. At nakipagtitigan pa siya sa lalaking papatay sa kanya.

"Iputok mo na! "

"Ayoko sana itong gawin sa 'yo pero marami ka nang alam sa akin!"

"Iputok mo na Dave. Satsat ka pa nang satsat!"

"Ipuputok ko na... ipuputok ko na para manahimik ka na!" Singhal naman ni Dave na pinagdiinan ang pagtutok ng baril sa noo ng babae.

Wala nang kinatatakutan pa si Sofia. Patay kung patay. Sa pagkakataong iyon ay gumawa ng paraan si Alrex para iligtas naman sa kamatayan ang asawa. Nakalag na nito ang lubid na nakatali sa mga kamay. Sinunggaban na si Dave.

Nag-agawan ang mag-kinakapatid.

Sinamantala na rin ni Sofia na kalagin ang lubid na nakagapos sa kanyang mga kamay. Nagkasugat-sugat ang kamay niya dahil sa talim ng piraso ng basag na bote.Habang nag-aagawan naman ng baril ang dalawang lalaki.

Ikiniskis nang ikiniskis ni Sofia ang lubid na nakatali sa kanyang mga kamay. Kahit na madalas na sumablay ang talim niyon. Kahit na lumikha iyon ng sugat. Kahit magdugo pa. Nakalag na rin.

"Sofia, tumakas ka na!" Sigaw ni Alrex sa asawa.

Buong tapang na nakipag-agawan na rin si Sofia sa baril na pinag-aagawan ng dalawang lalaki. Naisalya naman si Alrex ni Dave kaya nakabitaw ito sa baril. Ipuputok na sana ni Dave ang baril sa kinakapatid pero inagaw na naman ni Sofia.

Sina Sofia at Dave na ngayon ang nag-aagawan sa naturang baril. Sa malas, nakalabit ni Dave ang gatilyo, biglang pumutok. Bang! May isang bala pa ang natitira.

"Sofiiiaaa!!!" Sigaw ni Alrex sa asawa.

"Ikaw na ang tumakas na Alrex! Pabayaan muna ako!" Aniya na patuloy sa pakikipag-agawan ng baril.

"Mahal kita Sofia! Hinding-hindi kita iiwanan!"

Sa patuloy na pag-aagawan ng baril nina Sofia at Dave ay kapwa nabitawan nila ang bagay na iyon. Unahan na sa pagdampot sa sahig na lupa. At bago pa makidampot si Alrex ay pumailanlang na ang isang putok ng baril.

Bang!

"SOFFFIIIAAA!!!"

Pumailanlang ang tinig ni Alrex na tinatawag ang pangalan ng asawa.

Nakahandusay ang duguang katawan ni Sofia. At nakahandusay din ang duguang katawan ni Dave. Si Sofia ang may hawak-hawak ng baril...

"Pinatatawad na kita... Sofia."

"Al... reeexxx..."

"Asawa ko...," saka kinuha ang baril sa kamay ni Sofia.

WAKAS