1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 10
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 10

By el_nunal ·

"S-stella, kumusta na?"
Ang nangangatal ko pang boses, bukod kasi sa kakagising ko lang, di ko inasahan na tatawagan ako ni Stella nang ganoon kaaga, mag aalasyete pa lang kasi nang umaga, at dahil sa din sa naginom ako nang gabing nagdaan ay masakit ang aking ulo, pero pinilit kong icompose ang aking sarili nang makausap si Stella nang maayos.
"Ano sa tingin mo?"
Ang sagot niya sa akin, kasunod nun ay tinanong niya ako bigla nang

"El, dapat pa ba nating ituloy tong relasyon natin ngayon? Ano bang nasa isip mo ngayon? I would like to hear what you have thought about us these past few weeks? "
Hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko, dahil puro katanungan nga lang din ang pumapasok sa isip ko, this is very unexpected question coming from her, or is it? Hinde pa man din ako nakakasagot sa kanya ay mayroon pa siyang sinabi na lubos kong kinagulat
"Your answer, for me, will determine about something na gagawin ko in the near future... and before I do that... I wanted to -- "
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, agad ko na siyang sinabihan na
"Pwede bang magkita tayo ngayong araw Stella?"
Katahimikan sa magkabilang linya ang sumunod na nangyare, at alam ko naman na hinde ako binabaan ni Stella nang tawag dahil naririnig ko ang malalalim niyang hinga at buntong hiningang pinapakawalan, kasabay ang tila ba pangsinghot nang sipon, at kahit hinde ko siya nakikita, alam ko na umiiyak siya.

"I'll ... I'll call you back later"
Ang sabi ni Stella at binaba niya na ang tawag, at shet, ang bigat nang pakiramdam ko, napakapit ako sa aking ulo, tumayo ako't napasindi nang yosi, isa, dalawa, lima, hanggang sa maubos ko na ang isang kaha nang sigarilyo subalit, hinde pa din nawawala ang bigat nang aking nararamdaman, sa pananalita ni Stella, alam ko na aalis siya, at agad kong napagtanto na tila ba may kaparehas na eksena na ito sa aking buhay, para bang nauulit na naman ang nakaraan, subalit malaki ang kaibihan nang storyang ito, dahil, alam ko na sa umpisa pa lang, kahit anong pilit ko, mali na talaga ito, because the feeling isn't mutual at all, napatingin ako sa sa salamin, matapos ay napailing, what's the matter with me, isang tanong ang naitanong ko sa aking sarili't hinde ko talaga alam, kung ano nga ba. Halos ilang oras din ang nagdaan bago muling tumawag si Stella
"Punta ka sa bahay mamayang gabi, usap tayo"
Ang sabi ni Stella sa akin at hinde pa paman ako nakakasagot sa kanyang sinabi ay agad na niya itong binaba. Agad na akong naghanda upang magtungo kina Stella. Medyo matagal tagal na din akong naghihintay nang masasakyang FX, halos kalahating oras na ang lumipas ay wala pa ding dumadaang FX, kaya naman nang may dumaan nang jeep papuntang Crossing ay agad na akong sumakay dito. Halos dalawang oras din ang biyaheng iyon at sa mga oras na nagdaan, ang tanging iniisip ko lang ay kung ano ba ang sasabihin ko kay Stella. Sa pagiisip ko ay di ko namalayan na nakarating na pala ako sa bababaan ko. Pansamantala muna akong nagtungo sa damuhan sa Green Field, at doon muna nagsigarilyo habang nagiisip nang mga dapat kong sabihin, dahil hinde ko alam kung ano ano ba ang mga isasagot ko kay Stella sa mga itatanong niya sa akin, at habang palakad lakad ako paikot sa lugar na iyon ay mayroon akong di inaasahang tao na makikita, si Bords.
e "Oi! Pre! Musta?"
Ang agad na bati niya sa akin, matapos ay nagsindi din siya nang sigarilyo at pansamantalang nanatili doon
"Dito ka na ba nakatira?"
Ang tanong niya sa akin
"Ah hinde doon pa din sa atin bakit?"
"Eh pangalawang beses na kitang nakikita eh, kala ko dito ka na din nagstay eh"
"Saan ka ba?"
Tanong ko sa kanya
"Sa Pasay nga ako nagstay ngayon, may dinaanan lang ako dito"
"Ay oo nga pala nasabi mo na sa akin yun last time, sorry nalimutan ko"
"Eh ikaw ba? Ano ba ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba?"
"Wala naman, medyo nagiisip lang"
"Oh anong problema?"
At kinuwento k okay Bords ang iniisip kong problema, matapos ay napangite siya
"Pre kung ako sa iyo, hiwalayan mo na lang, kasi sa kwento mo sa akin, ang tingin ko diyan, ginagamit mo lang yung babae eh, paano kung sa iyo gawin yun?"
Natahimik ako, muling bumalik kelan ko lang na relasyon sa isang babaeng halos naging panakip butas lang din ako sa mga pagkukulang nang boyfriend niya. Muli akong napasindi nang sigarilyo
"Lakas mo manigarilyo ah"
Ang puna niya sa akin
"Ganito talaga ako pre pag stress, napapayosi nang sobra"
"Hahahaha ganun ba? Sabagay nakakastress nga yan, pero pre, nasa saiyo lang yan, sinabi ko lang yung iniisip ko, kasi kung ako ikaw, di na ako mangdadamay pa nang ibang tao, di naman pala yung tao gusto mo eh, isa ka na pala sa mga nagpapasama sa pangalan nating mga lalake eh"
Ang natatawang sabi sa akin ni Bords pero tama siya, siguro nga, hinde ko talaga mahal si Stella, tinapik ko si Bords sa balikat sabay sabing
"Salamat pre, sige pre, una na ako, kausapin ko na muna yung taong yun"
Ang paalam ko sa kanya, nagpaalam na din siya sa akin dahil babalik na din daw siya sa trabaho niya, ngunit bago kami maghiwalay nang landas ay kinuha niya sa akin ang number ko at agad na akong sumakay nang taxi patungo kina Stella.
Pagdating ko kina Stella, napansin na tila ba may ibang tao doon, at hinde nga ako nagkamali.
"Oi bhe, may naghahanap sa iyo"
Ang sabi nang isang babaeng nakauniform kaparehas nang suot ni Stella sa trabaho na palabas, agad na sumilip si Stella at tinignan lang ako at sumenyas na pumasok ako. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko pa ang ibang tao na nandoon na kasamahan ata ni Stella sa trabaho, dalawang lalake, apat na babae kasama ang lumabas na babae kanina lamang.
"Sinecth itey bhe?"
Ang tanong nang isang babae na nasa may kusina habang ang iba naman ay shumashot.
"Special Friend ko, teka lang guys ha, excuse us"
Ang sabi ni Stella sa mga taong nandoon at hinila niya ako papasok nang kwarto
"Anong meron?"
Agad ko na tanong sa kanya
"Wala yan, nagkaayaan lang sila dito. Anyway, ano na?"
Ang tanong ni Stella sa akin habang nagpopony tail nang buhok matapos ay umupo siya sa may kama.
"Ano nang desisyon mo?"
Muling tanong niya sa akin, gusto na sanang sabihin na
"Stella, sorry, I guess, di talaga kita mahal"
Pero sinagot ko din siya nang isang tanong
"Ikaw ba? Anong desisyon mo?"
Inirapan ako ni Stella sabay buntong hininga
"El, ako ang nagtatanong sa iyo. Bakit tanong din ang isasagot mo sa akin?"
"G-gusto ko kasi malaman.... Ano bang desisyon mo?"
"Well, to tell you the truth, parang ayaw ko na eh, parang ayaw ko na sumugal pa sa kung ano mang ginagawan atin ngayon, natatakot na ako na lumaban sa isang bagay na hinde ko naman alam kung dapat pa bang ipaglaban, ano bang habol mo sa akin? Sex lang ba? Sa tuwing nasa kama ba tayo eh ako ang iniisip mo o si Tam?"
Tanong niya sa akin kasabay nang pagpatak nang luha. Alam ko na gusto niyang sumigaw at magwala pero hinde niya magawa dahil siguro sa mga bisita niya sa labas. Sa nakikita ko ngayon, nahihiya ako sa aking sarili, bukod pa doon, wala akong masabi sa kanya dahil nang sinabi niya na iba ang iniisip ko, sapul na sapul ako sa puso, pero isang bagay ang sigurado akong mali sa kanyang sinabi, dahil hinde lang naman kantot ang gusto ko kung hinde yung taong makakasama, pero, yung taong gusto kong makasama ay hinde ko naman makuha, pero sino ba ang dapat sisihin sa mga bagay na ito, walang iba kung hinde ako. Dumating naman kasi yung panahon na mahal ako nang taong ginugusto ko ngayon pero ako itong ibinigay ang pagmamahal at atensyon sa iba, at diba, parang di naman tama na ngayong magisa na naman ako ay hahabulin ko naman ang taong minsan na akong sinubukang limutin. Nang oras na iyon, tila ba nasa tama ang pwesto ang aking utak, naiisip ko ang mga bagay na dapat naisip ko bago ko pa man pasukin ang relasyon naming na ito ni Stella. Never hunt two deers when you're hunting, for you will lose both of them if you don't focus on one, isa ito sa mga katagang nabasa ko noon sa isang artikulo sa internet, at totoo nga ang mensahe na ito patungkol sa pagibig. www.xtorya.tk
"Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito?"
Ang tanong niya sa akin habang pinupunasan ang luha niya. Nagtatalo ang isip ko kung ano na ba talaga ang gagawin kong hakbang, gawin ang alam kong tama, o gawin ang bagay na alam kong magpapatigil sa kanya sa pagluha. Naalala kong muli ang sinabi ni Bords, isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa at nang sandaling iyon, nagdesisyon na akong sabihin ang mga salitang nabuo sa aking isipan
"Stella, sorry for everything, sorry kung nasaktan kita, at sinasaktan pa kita, at alam kong hinde mo deserve ang ganitong klaseng bagay. Hinde lang naman yun ang hinabol ko sa iyo, sinubukan ko na hanapin yung bagay na akala ko makikita ko sa iyo, pero, nasaktan lang kita, siguro masasabi mo na ginamit nga lang kita, pero hinde sa bagay na iniisip mo, hinde lang naman sex ang hinabol ko sa iyo, at alam ko na minahal mo naman ako, pero, siguro, sadyang may ibang gusto lang puso ko"
"Then why the fuck you agreed to have a relationship with me? Tang ina naman El, kung hinde mo naman ako binigyan nang motibo't di mo naman pinaramdam sa akin na may halaga ako sa iyo hinde naman ako magkakaganito eh"
Ang tangis niya habang umiiyak, mahina man ang sambit niyang iyon ay isang malakas na sigaw ang katumbas nito sa aking pagkatao.
"When we fuck, sana nawala ka na lang din like those guys before, pero no, you stayed and make me feel na may magmamahal na ulet sa akin, tapos ito lang pala ulet ang gagawin mo, you do realize na kahit sa putang inang pagmumukha mo na yan eh minahal kita, kasi I thought you're somehow different from them, nagkamali pala ako, di ko inasahan na isa ka din pala sa mga mangagago sa akin"
At sa mga litanya niya na iyon na nagsilbing isang latigong humataw sa aking pagkatao. Wala siyang ginawang kahit anong pisikal na pananakit pero pakiramdam ko ay sinuntok ako nang isang Pro Boxer sa dibdib sa sinabi niya, bakit? Dahil totoo ang mga bagay na sinabi niya. Lahat nang balang pinakawalan niya ay sargo lahat sa aking puso, pero, wala akong karapatang magreklamo, unang una sa lahat ay hinde naman ako ang nasaktan talaga dito, ako pa nga ang nagdulot nang sakit, pangalawa, alam ko na naman na sa una pa lang, maling mali na ito, pero ako parin itong si gago na pinanindigan na ang sinimulan, at ang ending, nakasakit lang ako nang iba.

Matapos ang paguusap naming iyon ni Stella na nauwi sa tuluyang hiwalayan, ay umuwi na ako sa amin, bitbit ang isang mabigat na kardyo de konsensyang ako din naman ang gumawa. Madaling araw na nang nakauwi ako sa bahay, nakadagdag lungkot lang ang aura nang bahay na tinitirhan ko, tahimik, madilim, malungkot. Agad akong humiga sa sofa, iniisip ang ginawa kong iyon kanina. Laking gulat ko nang may biglang kumatok sa aking pintuan, madilim pa sa aking bahay kaya siguro nasabi nang kumakatok na
"Wala atang tao"
At hinde ko nabosesan kung sino ang kumatok na iyon, babae ito, pero hinde ko matandaan kung sino iyon hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na boses
"El, nandiyan ka ba?"
Agad kong binuksan ang pinto at di nga ako nagkamali nang hinala, si Fae.
"Oh, naligaw ka dito? Anong meron?"
Ang tanong k okay Fae, napatingin din ako sa kasama niya na kahit sa dilim ay aninag pa din ang kaputian. Pinatuloy ko sila at binuksan ang ilaw.

"Oy El, friend ko nga pala, si Maja"
At isang ngite ang pinakita sa akin ni Maja, di ako sigurado kung maganda ba siya o hinde, dahil oo, maputi siya, sexy din naman pero walang dibdib, pero makinis siya, bilugan ang mata, maganda ang buhok.
"Pahilamos huh"
Ang paalam niya sa akin.
"El, pagluto mo naman kami oh"
Ang sabi ni Fae sabay abot nang pera.
"Ano naman iluluto ko?"
"Kahit ano, kaw na bahala, tska yosi ha, tsaka ano, teka ha"
Pumunta si Fae sa may pintuan nang banyo at may tinanong sa kasama
"Shot ba beh?"
"Sige! Basta shoshot si kuya ha!"
Ang natatawang sagot nito mula sa loob nang banyo
"Tska yung timpla mo, pinagmamalaki ko kasi dito kay Maja yung luto at alak mo eh nangulet na magpunta din dito kaya ayun, tska gusto niya daw uminom sa malayo edi dinala ko dito"
Ang natatawang sabi ni Fae. Napangite lang ako, mabuti na din na kahit papaano, kahit hinde inaasahan, may bisita akong biglang sumulpot, kahit papaano, may kasama ako, pero tila ba inakala ni Fae na nakaistorbo lang siya at bago ako makalabas nang bahay ay hinabol niya ako at hinawakan sa balikat
"Uy, ok ka lang ba? Galit ka ba na bigla kaming pumunta na walang paalam?"
"Adik! Hinde ah, may iniisip lang kasi ako eh"
"Asus! Mukha mo! Baka nagagalit ka ha"
"Hinde nga kakulet, siya bili na ako"
At nagtungo na ako sa bilihan. Madaling araw pa lang kasi kaya naman halos sarado pa lahat nang tindahan, kahit papaano ay may mabibilhan naman at matapos kong bilhin lahat nang kailangan ko ay naglakad na ako pauwi nang bahay. Pagdating ko sa bahay ay di ko nakita si Fae at ang tanging naiwan sa bahay ay si Maja at nagulat ako nang makita ko na nakashort lang siya na suot niya kanina at walang pangitaas na suot maliban sa itim na bra niya. Napansin ko agad ang makinis na katawan niya, sexy siya, at naaliw ako sa nakita kong tattoo sa kanyang likuran, Chinese letters ito at astig itong tignan sa kanya. Kumatok ako sa pintuan parang ipaalam na may taong papasok
"Bhe ikaw ba yan?"
Ang tanong ni Maja at nagulat ako nang tumayo pa siya sa pinto na tanging bra lamang ang suot na pangitaas. Kasunod noon ay nakita ko din si Fae na pumunta kung saan
xtorya.wapka.me "Oh, bakit di ka pumasok?"
Ang natatawang tanong ni Fae
"Kasi ano eh"
Ang nahihiyang sagot ko sa kanya at natawa siya nang makita niya si Maja na nakabra lang sabay sabing
"Uy, mag t-shirt ka nga, wala tayo sa bahay ko adik ka talaga beh, di tuloy makapasok si El"
At narinig ko na natawa siya sabay sabing www.xtorya.tk
"Ay, kala ko di maiilang si kuya, sorry, shy type pala si kuya"
Napangite lang ako at napakamot sa ulo, hinde naman kasi sa shy type, sadyang ayaw ko lang na mapatingin sa kanya lagi lalo pa't bisita,hinde naman ako magpapakahipokrito para sa bihin na hinde ako titigasan sa babaeng yun lalo pa nang makita ko na maganda pala siya pag walang make up, at kahawig pa niya nang bahagya si Shaina Magdayao.
Tahimik lang akong nagluto nang fried rice na may halong hotdog, itlog, ham, green peace at corn, habang sila naman ay masayang nagtsitsismisan habang shumashot. Mamaya pa ay narinig ko na lang na may nagtanong mula sa aking tagiliran
"Ang bango naman niya, chef ka ba kuya?"
Ang tanog niya sa aking habang nakatingin sa niluluto ko. Tahimik lang ako na kumuha nang kutsara, kumuha nang sinasangag kong kanin at sinubuan siya. Natawa ako sa pamimilog nang mata niya sabay hampas sa akin
"Shet kuya ang sarap naman niyan, ok na yan wag ka na magluto nang ulam"
Ang natatawang sabi niya sa akin. Kahit papaano ay napangite ako, kasunod nito ay inabutan ako ni Fae nang shot
"Patikim nga El"
Ang sabi ni Fae at sinubuan ko din siya
"Oo nga, wag mo na lutuin yang tocino, mamaya na lang yan, ok na yan tara"
Matapos kong maluto iyon ay agad ko na silang pinaghain, napansin nang dalawan a hinde ako kumuha sa aking niluto at agad silang nagtanong
"Oh, bat di ka kumain?"
"Oo nga kuya, kain ka na, sabayan mo kami"
Tumango lang ako at ngumite sabay shot
"Ay, si kuya oh, maya na yang shot na yan, kain muna tayo, huy bhe!"
Ang sabi ni Maja sabay tingin kay Fae, natawa naman ako nang biglang kumuha si Fae nang plato at sinandukan ako nang pagkain
"Gusto kasi niya pinaghahanda, sipain kita eh"
Ang pabirong sabi ni Fae at natawa ako
"Hinde naman sa ganun kasi – "
"Kasi nilagyan mo nang gayuma? Jowk!"
Ang biglang sabad ni Maja sabay tawa
"Hinde naman, kasi ganito talaga ako, most of the time, pag may pinagluluto ako, tinitikman ko, so, sa kakatikim ko, nabusog na din ako"
"Weeeeh?!!"
Ang duet na sabi nang dalawang iyon at nagkatawanan kami
"Kuya bakit tahimik ka kanina pa? Ano yan pamisterious epek?"
Ang tanong ni Maja sa akin habang sumasandok na siya nang ikalawang round nang pagkain
"Hinde naman, may iniisip lang kasi ako"
"Sus! Babae?"
Ang tanong ni Fae. Tanging ngite lang ang nasagot ko at natawa silang dalawa
"Hay naku kuya, ishot at ikain mo na lang yan, wala naman mangyayari kung iisipin mo lang lagi yan at mamromroblema ka lang"
Natatawa lang ako nang sandaling iyon, makulit kasi tong kasama ni Fae, maliban sa maganda na friendly pa, di ko namalayan na nakatingin pala sa akin si Fae habang nakatitig kay Maja
Huy! Matunaw yan! May babalikan pa na jowa yan!"
Ang natatawang sabi ni Fae, ganun din si Maja na tila ba nagulat na nakatingin pala ako sa kanya
"Kasi, iniisip ko parang may kamukha siyang artista eh"
"Sino? Shaina Magdayao ba?"
Ang tanong ni Fae at napatango ako
"Madami nga nagsasabi niyan sa kanya"
"Kaso, wag masyado makapal make up, natatabunan yung ganda eh"
Ang dugtong ko at natawa si Maja
"Ay, mukhang kafem ata si Kuya"
Ang natatawang sabi niya at nagkatawanan sila ni Fae
"Hinde naman sa ganun kasi – "
"Woooo!! Kuya wag ka nang magpaliwanag! Amoy na kita!"
Ang sabing muli nito at natawan a lang ako. It was a good thing na naligaw silang dalawan ang oras na iyon sa akin bahay, somehow, I feel happy with some company, nakatulong din para maalis yung isip ko sa nangyari nang araw na iyon. Matapo nilang kumain ay agad ko nang niligpit at hinugasan ang kainan at pinagpatuloy ang pagshoshot namin. Napansin naming sa labas na maguumaga na, maingay na sa labas at maririnig na din ang mga lakad nang taong nagsisipaghandaan nang magsipasok.

xtorya.wapka.me "Uy, matulog na tayo"
Ang aya ni Maja at matapos naming maubos ang shinashot naming alak ay agad ko nang nilabas ang kutson sa kwarto at inilatag sa sala.
"Ay dito pala tayo sa sala matutulog, nice, kakatakot kasi itsura nang kwarto mo kuya"
Ang sabi ni Maja habang nakaupo sa may kusina habang nagsisigarilyo
"Malamok kasi doon, isa pa, medyo may amoy doon sa kwarto gawa nitong kalapit na kainan"
"Ay may kainan pala dito"
"Oo, itong kabilang pader, kainan yan"
"Ahh, edi diyan ka na pala kumakain?"
"Hinde, di naman kasi masarap mga luto diyan tapos isang beses bumili ako nang menudo diyan, panis na, nagalit pa yung pinagbilhan ko, di daw sira binebenta nila na menudo, nagalit kasi may umorder that time, apat na order ata yun, nung narinig yung reklamo ko, di na kinuha, kaya nagalit"
"Eh gago pala sila eh, magbebenta nang panis, sana pinabarangay mo"
"Naku, karama na din yang di sila nabentahan nung araw nay un, oh ayan tapos na, kalabitin mo na yang taba na yan, baka makatulog nang bonga yan diyan sasakit leeg niyan"
Ang sabi ko kay Maja habang tinuturo si Fae na nakatulog na sa may upuan. Kinalibit niya ang kaibigan at agad nang humiga doon si Fae, matapos ay tinabihan ni Maja ang kaibigan.
"Ikaw kuya saan ka matutulog?"
"Di pa naman ako inaantok eh, sige na, patayin ko na ilaw ha"
Pagkapatay ko nang ilaw ay binalot muli nang dilim ang bahay ko na iyon, pero kahit papaano ay aninag mo na ang loob dahil sa medyo maliwanag na sa labas. Tumambay muna ako sa labas nang bahay habang nagsisigarilyo, pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa kalsada, mga estudyante na papasok na skwela, mga taong papasok na sa kanilang trabaho, medyo nalungkot ako, dahil tila ba, ganitong eksena din ang aking huling nakita, kasabay noon ay isang tawag ang aking natangap, tinignan ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa, walang mensahe o miscall, I was expecting to see Stella's text, hinde ko alam kung bakit bigla kong naisip at hinanap yun. Napabuntung hininga ako sabay sinde ulet nang yosi, napailing sa aking iniisip sabay sabi sa sariling
"Bobo mo, wag mo nang isipin, tapos na, wag nang gumawa pa nang problema"
Para akong tangang kinakausap ang sarili, kasi naman ay para bang gusto kong balikan si Stella, pero, para saan? Para saktan lang ulet siya? Isang bagay ang pilit ko na lang sinaksak sa aking isipan,
"Atleast, now, Malaya ka na, at wala ka nang maapakan na tao, pwede ka nang dumiskarte kay Eusha"
Subalit natigilan ako sa aking iniisip, WALA NGA BA AKONG MATATAPAKAN NA IBANG TAO?, nawala sa isip ko na may karelasyon na si Eusha, kahit na sinabi na niya sa akin na hinde na siya maligaya sa piling ni Glen, hinde pa rin nagbabago ang katotohanang sila pa din. Kamot ulo sabay sipa noon sa pader ang aking ginawa dahil sa inis, napaisip kung tama ba talaga ang ginawa ko.
Psst! Huy! Kuya! Penge yosi!"
Ang tawag sa akin ni Maja mula sa pinto nang aking bahay. Di ko alam na gising pa siya. Agad akong lumapit sa kanya at inabutan nang sigarilyo. Kinuha niya ang yosi sa aking labi at humits dito matapos ay tska sinindihan ang yosi na hiningi niya sa akin
"Anong ginagawa mo? Mukhang problemado ka na sobra ah?"
Ang tanong niya sa akin
"Wala, medyo may iniisip lang"
"Hay naku kuya, kung ako sa iyo ilabas mo na yang dinidibdib mo, baka matulad ka doon kay bhe na din a nakakapagisip nang maayos"
Natawa lang ako, alam ko din kasi ang kasalukuyang nangyayari sa buhay ni Fae, pero, pakiramdam ko na kasi, I don't have any rights now para magpayo sa kanya dahil ginawa ko din ang ginagawa nang kanyang karelasyon ngayon, nawalan na ako nang karapatan na mangaral sa mga bagay na hinde ko naman ginagawa, do what you preach, ika nga nila.
"ano ba kasi problema mo? Babae nga ba?"
Ang tanong muli ni Maja sa akin, umupo ako malapit sa kinakatayuan niya at doon kinuwento ang nangyari sa akin at kay Stella.
"Ang bad mo pala kuya, pero atleast, di ba, hinde mo na siya pinahirapan pa at sinasaktan ngayon? Wag kang manghinayang o isipin na guluhin pa kaya siya, doon ka na lang sa isang girl na sinasabi mo, kasi yun naman ang mahal mo di ba? Besides, kung babalikan mo yung girl na yun, tingin mo ba maniniwala pa yun na mahal mo siya? Wag ganun kuya, wag ka na tumulad sa bf nung isang yun"
Sabay nguso kay Fae habang natutulog. Tatango tango lang ako sa sinasabi nang babaeng ito, kung sabagay, may punto siya, siguro nga, mas ok kung si Eusha na lang ang paglaanan ko nang pagmamahal ko, pero, may boyfriend siya, at napakaawkward naman kung kakabreak lang naming ni Stella ay agad na akong susungab nang pagkakataon kay Eusha. Matapos naming magusap nang babaeng iyon ay kapwa na kami nakadama nang antok, muli siyang tumabi sa kaibigan at ako naman ay sa sofa na nakatulog.
"El.. El"
Ang mahinang boses na aking narinig, naramdaman ko din na may kumakalabit sa akin. Pagmulat ko nang mata ay bahagyang madilim pa din ang paligid, napatingin ako sa orasan at mag aalas tres na nang hapon, at napagtanto ko na umuulan pala nang marinig ko ang mga patak nang ulan sa bubong nang aking bahay. Ginigising ako ni Fae at nakita ko sila na nakaayos na
"Alis na kami, pero baka mamaya bumalik kami, aalis ka ba mamaya?"
Ang tanong ni Fae sa akin. Umiling ako habang naguunat
"Pasok na kayo sa work?"
Ang tanong ko sa kanya.
"Ay hinde, may pupuntahan lang kami" www.xtorya.tk
Pagkasabi ni Fae noon ay nakarinig ako nang dalawang motor sa labas nang aking bahay, nandoon na ang kanyang BF at marahil ay isa pa sa mga tropa nito ang kasama na may motor. Nagpaalam na sila sa akin at umalis. Ako naman ay muling humilata at pansamantalang tumulala sa kisame, lumilipad ang utak at iniisip kung ano ba ang gagawin nang araw na iyon. Tinatamad akong maglaro nang dota o LoL, ayaw ko din naman gumala dahil wala naman akong gagalaan, hinde ko naman trip uminom na magisa lang at medyo hilo pa nga ako dahil sa inuman naming kaninang madaling araw. Napatingin ako sa aking phone, chineck kung may load ba ako, hinde ko kasi matandaan kung nagpaload ba ako o hinde. Habang naghihintay ako nang reply mula sa network ay biglang may tumawag sa akin, at di ko inasahan na tatawagan niya ako. Agad akong bumangon sa pagkakahiga at agad na sinagot ang tawag na iyon.

"Hello, napatawag ka?"