1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 11
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 11

By el_nunal ·

Mustre pre? Busy ka ba?"
Tanong ni Bords sa akin
"Hinde naman bakit?"
"Tara punta ka dito sa bahay"
Aya ni Bords sa akin
"Saan?"
"Dito sa may Pasay pre"
"Saan diyan? Di ko pa naman napupuntahan yung bahay mo at anong meron?"
"Birthday ko pre! Tara! Madami akong bisitang chicks!"
Natawa ako sa kanya sabay bati
"Happy birthday nga pala, di naman ako busy pero di ko alam kung saan yan eh?"
"Basta sakay ka lang sa may MRT papuntang north tapos kita tayo sa may jolibee doon"
"Anong oras ba yan? Medyo matagal tagal ang biyahe ko eh"
"Hinde ngayon pre, bukas punta ka mga hapon, kasi may pasok ako ngayon"
"Ahh ganun ba, sige sige, mga anong oras ba?"
"Kahit mga alasingko o alasais, basta punta ka doon, tapos text mo ko pag nandoon ka na"
"Sige sige"
"Baka Indian ka ha"
"Pinoy ako tanga"
At nagkatawanan kaming dalawa, matapos ay binaba na niya ang tawag at ako naman ay muling tumunganga at tumingin sa kisame, siguro, kailangan ko na muna na maglilo sa pakikipagrelasyon at enjoyin na lang siguro muna na single ako, isa pa, yung taong gusto ko din naman talagang mahalin eh may karelasyon pa. Inipon ko ang aking lakas at nagasikaso na nang sarili, naligo, sepilyo, nagbihis nang maayos at nagtungo sa computer shop upang patayin muna ang oras sa paglalaro. Pagdating ko sa computer shop na aking tinatambayan ay agad akong umupo sa bakanteng pwesto at nagsimula nang maglaro magisa. Halos apat na oras din akong naglaro bago ubusin ang isa pang oras na natitira sa limang oras na inupahan ko sa computer sa pagtingin tingin sa mga videos sa YouTube, mga status sa facebook nang mga random na kaibigan na inaadd ko at nagaadd sa akin dahil sa mga laro.

Chicneck ko din ang aking email, napansin ko ang napakadaming mga spam messages at notification, at iniisa isa ko silang idelete hanggang sa may makita akong isang mensahe, isang linggo na ang nakaraan nang ito ay maipadala sa akin, email mula kay Charice
~ [email protected]

Hey, kumusta ka na? How's life there in the Philippines? It's been a while since we last spoke, I tried calling your number but it seems like you don't use that number anymore. It's been a while na din since I opened this email, well, as you know, I am busy being a full time mom, so somehow, medyo ok na din ako, anyway, I hope you would reply on me on this message, kabwanan ko na next month, it's a baby girl by the way. And one more thing, I might come home for a while in the Philipines this coming September 2012, hoping to see you around, our family is the one assigned for our yearly family gathering, so I will be going home and might be around there during the holidays, but I am not that sure if September or October, anyway, take care, I miss you ~

Nang mabasa ko ito, hinde ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako, o malulungkot, napatayo ako sa aking kinauupuan at nagyosi sa labas. It's been how many months, Nov of 2010, at ngayon ay 3rd week na nang June going July, napailing ako at napangite w w w. xtorya . tk
"I guess, I am a father"
Ang sabi ko sa aking sarili, at tila ba may kakaibang bagay ang namutawi sa akin, isang bagay na hinde ko inakala na maiisip ko, sino kaya ang kamukha niya? I was smiling and hoping na hinde ako dahil kawawa naman ang bata, kababaeng tao at magiging kamukha ko, I hope, magmana kay Cha, kahit yung tangkad na lang sa akin, or kahit sa nanay niya, cute naman kasi tignan ang babaeng di ganun kalakihan, pero, kung sakali man, sana, sakanya mapunta yung genes nang aking tatay na mula pa sa blood line nang mga Espanyol, di man kasi halata sa akin, sa mga kapatid ko, sa ate ko, at sa kuya ko, kita ang genes nang tatay ko na may dugong espanyol, mula sa aking lolo o abuelo, biruan nga noon naming magkakapatid eh ampon lang ako, kasi, si ate maganda, si kuya pogi, pagdating sa akin latak, sabi kasi nila, pinagbuntis daw ako sa sama nang loob, unexpected pregnancy nga kung tawagin nang iba. Di naman maitatangi na anak ako nang tatay ko dahil kamukha ko talaga ang tatay ko maliban lang sa noo at sa nunal, sabi kasi ni Mama noon, pinaglihi daw ako sa pansit na madaming paminta, di naman ako nagpapaniwala sa mga pamahiin na yan sa pagbubuntis pero natatawa lang ako realizing na yes, madami nga akong nunal, kahit si Manoy meron, pero naipon ang pinamalaking paminta sa mukha ko, sa dami dami ba naman kasi nang lugar na paglalagyan nang nunal ko, sa mukha pa, ok lang sana kung sa noo, astig pa, parang third eye lang, draw drawingan ko na lang, or kahit sana sa tagong parts nang katawan ko pero, wala eh, mapagbiro talaga ang tadhana at doon nilagay ang itim na binhi.
Isang bagay pa ang bigla kong naisip, next year, uuwi pala siya nang pinas, matagal pa kahit papaano, pero, makikipagkita ba ako sa kanya? Kasama kaya yung anak naming sa paguwi niya? Kasama ba niya ang asawa niya? Anong irereply ko sa mensahe niya?
Natawa na lang ako bigla sa mga naiisip ko, at di ko alam na nandoon pala si Mike at si JanJan na halos sabay lang dumating. Nakauniporme si Mike samantalang si JanJan ay nakasando lamang at shorts

Oh para kang baliw na tatawa tawa diyan?"
Ang tanong ni Mike sa akin
"Lalaro? Game?"
Ang tanong ni JanJan sa akin at nagextend ako nang oras upang makasama sila sa paglalaro. Nakaramdam ako nang tawag nang kalikasan at agad akong nagtungo sa banyo. Pagbalik ko ay nakita ko si JanJan na nakatingin sa aking email, alam ko na kasi na ang gagawin sana niya eh iistatus sa FB ko na
~bading po ako pramis!~
Tumingin siya sa akin at ngumite

Xtorya "Wow! It's a girl huh!"
Ang natatawang asar sa akin ni JanJan. Di ito narinig ni Mike dahil abala siya sa panunuod nang kung ano mang anime iyon. Napangise lang ako at nagsenyas sa kanya na wag maingay. Nakadalawang game din kami nang DOTA at nagyosi kaming tatlo sa labas.
"So daddy ano nang balak natin?"
Ang nangaasar na tanong ni JanJan habang tumatawa, samantalang si Mike naman ay tila walang ideya sa pinaguusapan namin. Natatawal ang ako at sinuntok nang pabiro si JanJan sa braso. Pabalik na sana ako para sa ikatlong game naming nang biglang magring ang cellphone ko. Hinde rehistrado ang numero na tumatawag sa akin. Sinagot ko ito at pinakingan kung sino iyon
"Hoy El nasaan ka na?"
Tanong sa akin nang isang babaeng hinde ko matandaan ang boses
"Sino to?"
Ang tanong ko. Nakatingin sa akin si Mike noon at tila ba pinapakinggan kung sino iyon.
"Adik! Si Maja to! Nasaan ka? Uwi ka na!"
Nagulat ako nang suntukin ako ni Mike nang pabiro sa bewan
"Putang ina! Aadig na naman si Gago ang puta!"
Ang natatawang sabi pa niya. Natawa lang ako at binaba na ang tawag.
"hoy hoy hoy! Saan pupunta si Daddy mole?"
Ang natatawang tanong ni JanJan sa akin at kay Mike
"May nagpapauwi na babae! Amputa! Woooo! Magkakaids ka na gagoo!!"
Ang pangaasar ni Mike noon habang pinipigilan ako na umalis
"Last game huy!"
Ang sabi din ni JanJan at hinaharangan ang pinto. Ako naman ay tatawa tawa lang at di nagpapigil sa dalawa
"Woo! Ganyan ka El! Pagbabae talaga! Wooo!"
Ang pahabol na asar ni Mike at natawa lang ako, sabay para nang tricycle pauwi pagkatapos kong magbayad nang renta sa computer. Sa biyahe, muling tumawag sa akin si Maja
"uy! Nasaan ka na?"
Ang tanong niya sa akin na tila ba naiihi o natatae na hinde ko maintindihan, nakakatawa kasi ang boses niya.
"Pauwi na, natatae ka ba?"
"OO!"
At hinde ko mapigilang humalakhak sa kanyang sinabi.
"Si Fae nasaan?"
"Susunod na din daw siya, may pinuntahan lang sila sandali nang lalake niya"

"Ah ganun ba? Malapit na ako"
Binaba ko na ang tawag at nakita ko nga si Maja na magisa lang. Nang nakita niya ako ay binigyan niya ako nang isang magandang ngite sabay sabing
"Hay sa wakas! Dali! Lalabas na!"
Ang sabi niya at hinde ko na naman muli napigilan ang aking sarili na matawa. Pagbukas ko nang pinto ay agad na siyang nagtungo sa banyo. Nagulat ako nang makita ko na hinde na niya sinara ang pinto nang banyo at narinig ko na ang ingay nang ihi niya. Hinde na lang muna ako pumasok at nagyosi sandali sa labas nang bahay. Habang nakatayo sa labas ay may nagpadala sa akin nang text message, si Bords
"Oi Pre punta ka ha?"
Hinde ko naman siya mareplyan dahil wala naman akong load. Iniisip ko ba kung magpapaload ako ngayon o bukas na lang. Tumawag bigla si Fae sa akin at nagtanong
"Oi, nasaan na yung friend ko?"
"Ayun nasa loob jumejebs daw"
"Oo nga daw, uy, gusto mo ba nang pagkain? Libre ko?"
"Nasaan ba kayo?"
"Sa Tapsihan ni Mang Kardo"
"Saan yan?"
"Di ko alam kung saan to eh, pero masarap, sige bilhan kita nang tapsilog"
www.xtorya.tk
"Fae, paloadan mo din nga ako"
"Magkano?"
"Kahit mga 30 or 50 lang, bayaran na lang kita dito pagpunta mo dito"
At binaba na ni Fae ang tawag, at ilang minute lang ay natanggap ko na ang load na pinadala niya. Agad naman akong nagreply kay Bords
"Sige pre, basta mga hapon siguro ako pupunta doon sa meeting place natin"
"Sige sige aasahan ko yan ha"
"Magdadala ba ako nang alak?"
"Wag na pre, madaming sponsor, basta punta ka na lang, baka kulangin sa mga mandirigma eh"
Ang reply niya sa akin, natawa lang ako at magrereply pa sana ako nang may tumawag ulit sa akin, si Pauline.
"Oi nasaan ka?"
Tanong niya sa akin, at sa boses niya, tila ba nakainom na naman siya
"Sa bahay bakit?"
"Punta ka dito sa tambayan now na"
Ang sabi niya sa akin. Narinig ko din ang ibang kainuman niya, at ang boses ni Mike at Lyn na tila ba may pinagtatalunan habang tumatawa. Sa isip ko, mukhang masaya sila doon, gusto ko sanang pumunta pero may bisita ako, kaya naman nagpalusot na lang ako sa kanya
"Hinde ako pwede eh, kasi may bisita ako"
"Ay ganyan ka na pala, iniiwanan mo na ko men!"
Ang pangongonsensya sa akin ni Pauline. Sasagot pa sana ako nang biglang malobat ang phone ko, natawa ako at napaisip ako bigla
"Save by the low batt"
Sinilip ko kung nasa labas na ba nang banyo si Maja at nakita ko siya na nagbubutones pa lang nang suot niyang super mini jean shorts. Iniisip ko kung pupunta ba ako sa tambayan, o magstay na lang dito sa bahay.
"Nasaan na daw si Fae?"
Tanong sa akin ni Maja nang pumasok na ako sa loob nang aking bahay
"Papunta na daw dito, saan ba kayo galing?"
"Sa birthday nang tropa nang bf niya, eh nailang naman ako kasi ako at si Fae lang ang babae doon, katakot pa itsura nung mga tropa nang bf niya, mga mukhang hinde gagawa nang maganda eh"
Natawa ako sa pagkakasabi ni Maja na tila ba takot at diring diri sa mga nakitang tao sa pinuntahan nila.
"Ang hard mo naman teh, baka hinde naman sila masasama"
"Eh kahit na, nakakailang pa din, dalawa lang kaming babae sa inuman, mamaya pagnalasing ako at si Fae eh kung ano gawin sa amin"
"Mababait naman mga tao dito, wag kang matakot sa mga yun, isa pa, hinde naman gagawa nang ganun yung mga yun dahil mapapahiya sila sa kaibigan nila"
"Naku! Mahirap na magtiwala noh, may experience na kasi ako sa ganyan kaya ayaw ko na maulit"
Natahimik lang ako nang sinabi niya iyon, gumana ang malikhaing imahinasyon at marahil, naharas na si Maja minsan sa isang inuman na ganun ang set up. Hinde naman kasi bago ang ganun kaso, isang babae, nahaharas o nagagahasa sa isang inuman lalo pa't nagiisa lang na babae na dayo pa ang naroon. Hinde na ako nagtanong pa at iniba na lang ang usapan
"Ano ba work mo? Kasama mo ba sa work si Fae?" www.xtorya.tk
"Ah hinde, magkaibigan lang kami, di kami magkasama sa work, ang alam ko di naman nagwowork ngayon si Fae eh"
"Ahh, kala ko nagwowork yung bruhilda na yun"
"Eh ikaw ba? Working? O student?"
Dakilang tambay"
"Sarap nang buhay niyong dalawa ni Fae ah, patambay tambay na lang, magisa ka lang ba dito? Nasaan mga parents mo?"
"Mama ko nasa ibang bansa, tatay ko, ano ah... nakikipaglaro na nang poker kay Lucifer"
Natawa lang si Maja at mukhang nagets niya naman ang sinabi ko
"Hula ko broken family kayo noh?"
Ang tanong niya sa akin
"Oo, berigud tatay ko eh"
"Ah, kaya pala, tatay nyo din nagloko?"
"bakit din? You mean?"
"Oo, broken family din ako galing, kaya nga ako nagloko noon sa pagaaral eh, mga 12 years old sila naghiwalay, kaw ba?"
"Bata pa ako, mga 4 or 3 years old ata ako noon nung iniwan din kami nang tatay kong magaling"
"Ilan ba kapatid mo?"
"Bale tatlo, dalawang legal, isang anak sa labas, pero di pa ako sure kung yun lang kapatid ko"
Natawa si Maja, napangite siya at nagsinde nang sigarilyo sabay sabing
"Parehas lang pala tayo nang pamilya eh, kaya pala magaan loob ko sayo, meron pala tayong similarities kahit papaano"
"Eh teka, diba sabi mo may BF ka? Alam ba niya na kasama mo si Fae na naggala kayo dito?"
"Hinde, siyempre noh, minsan kailangan din may tinatago ka sa BF mo and besides, kilala naman niya ako na kahit saan ako magpunta, di naman ako lalandi sa iba noh, siya pa nga tong minsan nahuhulihan ko nang mga katext na ibang babae eh"
Ang natatawang sabi niya. Habang naguusap kami ay biglang dumating si Fae na dala ang mga binili niyang pagkain
"Uy El, wala daw Globe doon sa dinaanan ko eh, ito na lang muna gamitin mo, tawagan mo na lang kung sino tatawagan mo"
Ang sabi niya sa akin at kinuha ang cellphone sa dala dala niyang bag.
"Oh, nasaan na sila?"
Ang sabi ni Maja na tila ba naiinis kay Fae
"Wala na, kaw naman, nakikipagkilala lang yung mga yun sayo sinungitan mo agad"
"Eh nakakainis naman kasi noh, kala mo close kung makahawak eh"
Ang natatawang sabi ni Maja na may halong inis, may pagsarcastic pa nga niyang sinabi na
"Akala mo naman kasi ang pogi niya eh"
Natawa lang si Fae, nilinga ko ang labas at nagtaka ako dahil magisa lang siya na bumalik
"Kala ko kasama mo bf mo?"
Tanong ko kay Fae habang hinahain ang pagkain na binili niya
"Ah umuwi na, may pasok pa daw siya bukas eh, pero daanan daw ako dito bukas, aalis ka ba?"
Tanong niya sa akin matapos abutin ang pagkain na hinain ko
"Bukas oo, pero hapon pa naman"
"Saan ka punta kuya?"
Tanong ni Maja sa akin
"Pasay"
"Oh bhe may kasabay na pala ako paguwi eh"
"Sana ka ba?"
Tanong ko kay Maja
"Novaliches pa, pero may dadaanan din ako sa Pasay, pero hinde pa kasi nagtetext eh"
"Bf mo?"
Tanong ni Fae
"Oo, sabi niya doon daw kami magkita pero di pa din siya sure, baka sa Mega lang din kami muna magkita"
Tumingin sa akin si Maja at muling nagtanong
"Anong oras ka ba aalis kuya?"
"Mga 5 or 6 siguro bakit?"
"Ay, dip ala tayo magsasabay, mga 1pm kasi aalis na ako at 3pm kami magkikita nang bf ko"
"Edi sabay na tayo umuwi"
Ang sabi ni Fae.
"Uy, El, natawagan mo nab a tatawagan mo?"
Ang tanong ni Fae sa akin, natawa ako dahil nawala na sa isip ko na kontakin si Bords, kinuha ko ulet ang phone ni Fae sa pinagpatungan ko at kinuha ang cellphone sa aking bulsa, matapos ay tinawagan ko na si Bords subalit nakapatay ang cellphone niya, kaya naman nagsend na lang ako nang message sa kanya. Matapos nito ay sinauli ko na kay Fae ang cellphone niya, matapos ay tinapos na naming ang pagkain. Nakahiga na kami, si Fae at si Maja ay kapwa tulog na, ako naman ay hinde pa dapuan nang antok, kung sabagay, hapon na din naman ako gumising, at nasanay na ang katawan ko na mga bandang alas tres hanggang alas kwatro nag madaling araw dapuan nang antok. Naisip ko muli si Charice, at muling inisip ang magiging anak namin, at isang bagay ang aking naisip, isang bagay na tila ba, noon, hinde sumagi sa akin isipan, maipagmamalaki kaya ako nang aking anak paglaki niya? Dapat pa ba, na maging dahilan ang aming anak, para muli akong bumalik sa buhay ni Charice, pero, hinde kaya, magugulo ko lang ang tahimik na buhay na maibibigay ng bagong asawa ni Charice sa kanila? Hinde ko naman kaya na ibigay ang mga bagay na kayang ibigay nang asawa ni Charice, at isa pa, hinde naman pocket book or fairytale ang buhay ko na mabubuhay ko sila sa kapangyarihan nang pagibig, hinde lang naman talaga pagibig ang kailangan sa isang pamilya, oo, malaking factor ang pagmamahalan sa pamilya, pero, di lang naman yun ang kailangan hinde ba? Bahay, trabaho, pera, ito ang tatlong bagay na kailangan na meron ka bago ka makapagtaguyod nang isang pamilya. Kahit nga yung simpleng pakikipag boyfriend –girlfriend na nga lang eh laging may involve na pera, pag magdadate kayo, kakain sa labas, manunuod nang sine, bibile nang mga regalo sa isa't isa, o kahit yung tipong mamasahe ka lang papunta sa kasintahan mo, at isa pa, hinde ba mas maganda yung tipong may trabaho ka para kahit papaano ay may ipagmamalaki ka sa kanila na galing sa sarili mong bulsa ang pera na iyon. Natawa ako bigla, nagiisip ako nang mga ganitong bagay, pero eto din naman ako, isang dakilang tambay. Napailing ako at pinilit na lang matulog, nakakaramdam na naman kasi ako nang lungkot dahil sa pinagiisip ko.
"El"
Nagulat ako nang may narinig akong tumawag sa akin mula sa labas nang aking bahay, at kilala ko ang boses na iyon. Agad akong bumangon upang siguraduhin kung niloloko ba ako nang tenga ko, pero hinde, hinde nga ako nagkamali, at napansin ko na umiiyak siya. Lumapit siya sa akin at yumakap. Hinde ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya dahil di ko inasahan na pupunta sa bahay.