1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 15
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 15

By el_nunal ·

"Kuya.. kuya , El, Kuya EL" ang mahinang boses na narinig ko habang may nararamdaman akong umaalog sa akin, nakita ko si Strawberry at agad akong umupo
"Anong oras ka uuwi?" tanong niya sa akin
"Anong oras na ba?" ang tanong ko sa kanya habang pupungos pungos pa
"Alas dose na, kain ka na muna" ang sabi niya sa akin, lumabas siya nang pinto at agad naman akong nagtungo sa banyo nang bahay nila at naghlamos. Nahihiya akong tignan siya nang diretso matapos ang nangyare kanina, napansin ko din naman na para siyang nahihiya, maulan pa din sa labas at malakas ang buhos nito
"Ang lakas nang ulan noh?" ang sabi niya sa akin habang kumakain kami nang niluto niyang scramble egg at ginisang sardinas.
Kinapa ko ang aking bulsa at hinde ko nakapa ang cellphone ko, agad ko siyang tinanong nang makasigurado ako na wala ito sa aking katawan
"Strawberry, may nakita ka bang cellphone na dala ko kanina?"
Tanong ko sa kanya
"Alam ko wala ka naman dala kanina, ano ba number mo??" tanong niya sa akin, pagkabigay ko nang number ay sinubukan niya itong tawagan
"Nagriring naman siya pero walang sumasagot, baka nandoon pa kina Bords yung cellphone mo"
"Siguro nga" ang sabi ko sa kanya. Matapos ay nabalot ulit nang katahimikan ang paligid naming habang kumakain kami, maya maya pa ay bigla siyang nagsalta
"Mahal mo no?"
"Huh?" ang nagtataka at medyo nabigla kong tanong sa kanya
"I mean, kung sino man ang iniisip mo kanina, mahal mo no?" ang sabi niya habang kumakain
"S-si..sigur..ro" ang nahihiya kong sabi sa kanya, hinde ko alam kung anong mukhang ihaharap sa babaeng iyon matapos kong gawin iyon sa kanya, hinde ko alam kung ako lang ba ang nagiisip nang ganito pero parang nainsulto ko ata siya sa aking ginawa kanina, I don't have the face value to deny such beauty as her in the first place, ayaw ko naman magpaliwanag sa kanya dahil baka iba pa ang isipin niya, napansin ko siyang ngumite sabay sabing
"Swerte niya naman, sana kung ganyan yung ex ko.... Hay... by the way, kalimutan mo na lang yung nangyare kanina, let's pretend na walang ganung nangyare" ang sabi niya sa akin, and I agree on what she said, siguro, kapwa lang kami nadala nang lungkot pero mabuti na lamang ay sisismulan pa lang ay naudlot na agad. Matapos naming kumain ay nagyosi kaming dalawa sa may pintuan nang kanyang bahay habang pinagmamasdan ang pagpatak nang ulan
"Pwede bang malaman, kung ano ba ang nangyare sa inyo nang iniisip mo kanina? Kung ok lang" ang tanong niya sa akin
"Ikaw na din ang nagsabi diba? Ilabas mo yan" ang natatawa pa niyang sabi at di ko din maiwasang matawa, do what you preach ika nga nila, kaya naman kinuwento ko sa kanya ang nangyare sa amin ni Eusha.
"Alam mo, wala ako masabi, grabe ka din pala, bakit mo naman ginawa yun?" ang tanong niya sa akin habang natatawa
"I really don't know, siguro, sinubukan ko lang talaga na gumamit nang iba para makalimutan siya, sinubukan na lang panindigan ang sinimulan ko kahit na alam kong sa umpisa pa lang mali naman, and sinusubukan kong ijusttify at bigyan nang rason ang ginawa ko na yun"
"Ipaglalaban mo pa din ba kuya kahit alam mo na sa sarili mo na malabo nang mangyare yan?"
Tanong niya sa akin
"Alam mo Strawberry, kahit na alam kong malabo, susubukan ko, kahit na ang chance ko eh mas malabo pa sa sabaw nang posit, sususbukan ko, siguro, yun din ang nangyare, I guess, I just grew tired of fucking things up, methaporically and physically" ang natatawa kong sabi sa kanya
"Lalim nun huh, pero, alam mo, kung sakali man, I'm wishing you the best of luck, nakakainget naman siya" ang sabi pa niya, napangite lang ako at hinimas ang ulo niya
"Sorry kanina huh"
"Wag ka na nga paulet ulet, ikaw kuya, di ko na nga lang iniiisip yun eh, pero I feel insulted huh" ang sabi niya sa akin, napakamot lang ako sa ulo at napangite
"But I did not believe that someone can still stop on the middle of that thing huh, totoo nga sinabi ni Bords, iba ka nga siguro"
Napangite lang ako sa kanyang sinabi, napansin ko na alas dose na nga halos pero wala pa din ang mama niya
"Nasaan pala si Mama mo?" tanong ko sa kanya.


"Ewan ko doon, malamang nandoon na naman yun sa binguhan o kaya naman nandoon na naman yun sa kinakasama niya dati" ang naiinis niyang sabi sa akin. Habang naguusap kami ay may biglang tumawag sa kanya at napansin ko na tumingin siya sa akin
"Oh nandito nga, wala! Tangek wala nga! Edi tanungin mo yan mamaya pagdating, hayop ka talaga, wala kasi payong alangan naman na pasugurin ko to sa ulan, daanan mo kaya dito? Gagu ka talaga, tang ina mo talaga" ang mga naririnig kong sabi ni Strawberry habang natatawa at mayamaya pa ay tinapos na niya ang tawag
"Si Bords hinahanap ka, tinanong kung nasa amin ka daw, sira ulong yun" ang natatawa pa niyang sabi sa akin
"Dadaan daw ba siya dito?" tanong ko sa kanya habang nagsisinde ulet nang yosi, inabutan ko sya at agad naman niya itong kinuha at tumango siya matapos
"Nandoon din daw kasi cellphone mo, naiwan mo daw, may tumatawag daw kanina pa" napaisip ako kung sino naman kaya ang tumatawag sa akin.
"Ilan nga pala kayo magkakapatid?" tanong niya sa akin
"Tatlo, ako ang bunso, dalawa kong kapatid nasa ibang bansa na" ang sabi ko sa kanya
"Ahh kaya naman pala kahit di ka na magwork eh sustentado ka pala noh? Sarap pala buhay mo noh?"
"Well, medyo, pero sa totoo lang di rin naman ako napapadalhan nang mga kapatid ko halos, si mama ko lang talaga nagpapadala sa akin"
"Ahh ganun ba? Bakit may mga pamilya na?"
"Oo ako na lang ang natitirang single sa kanila"
"Ahh ganun ba, kaya naman pala, bute at hinde ka nahihirapan?" tanong niya sa akin, sa totoo lang, nahihirapan na ako, pero, pinipilit ko na lang na hinde iyon isipin dahil iniisip ko na lang na mas malaki ang advantage nang nagsosolo kesa may nagsasaway sa iyo na mga kapatid at magulang. Pero di pa din talaga na maiiwasan na minsan, dinadalaw ka nang lungkot, knowing na paguwi mo sa bahay, wala nang sasalubong sa iyo, magaasikaso, maghahanda nang pagkain, magplaplantsa nangdamit, manenermon, yayakap, hahalik, kaya siguro, kahit hinde ko man aminin, gutom ako sa pagmamahal, pero minsan, toyo lang din siguro ako na pakawalan pa at sayangin ang mga taong nagoofer sa akin nito, pero tila ata lahat nang taong minamahal ko, iniiwan ako, nilalayuan ako, nilalayuan ko, hinde ko alam kung ako ba ang mali o sila, hinde ko din naman kasi malaman kung tama din ba ang mga nagiging desisyon ko sa buhay, mga bagay na pwede namang lusutan o iwasan pero pinipili ko pa ding gawin, mga bagay na pwede ko namang gawin pero hinde ko ginawa, napaisip ako at napatulala, what the hell am I doing in my life?
"El? Ok ka lang lang ba kuya el?" tanong ni Strawberry, marahil ay napansin niya ang biglang pagbabago nang aking mood, pinilit kong ngumite at sabay iling
"Ok lang ako, siguro nilamig lang ako, may bagyo ba at ang lakas naman nang ulan na to?" ang natatawang tanong ko sa kanya
"Hinde ko alang alam kasi wala naman akong nakita o napanuod sa tv na may bagyo eh"
Mayamaya pa ay may isang lalaking dumating na nakapayong, hinde ko agad nakita ang kanyang mukha dahil sa payong, pero nang nagsalita na ito ay agad ko nang nakilala na si Bords pala iyon.
"Oy ben, tara, kain muna tayo sa amin" ang aya niya sa akin
"Sige na kuya, salamat ha" ang sabi ni Straweberry sa akin, napansin ko ang mukha ni Bords na para bang inaasar si Straberry at kinurot siya nang babaeng yun
"Ikaw pa nga Bords!" ang naiinis na sabi ni Strawberry
"Aba wala ako sinasabi masyado kang guilty napaghahalata ka" ang pangaasar pa niya dito at napailing na lamang ako, sumukob na ako sa payong ni Bords sabay na kaming nagtungo sa kanya
"Ano pre nadale mo ba?" ang tanong ni Bords sa akin habang naglalakad kami
"Anong nadale?" ang tanong ko sa kanya, alam ko naman ang ibig niyang sabihin, painosente lang ang ginagawa kong tanungan sa kanya
"Ululin mo ko El, impossibleng di mo nadale yun gagu" ang natatawang sabi niya sa akin
"Pramis pre di ko nga dinale yun" ang sabi ko sa kanya
"Weh? Di inga? Kung ganun wala pala mahina ka pala" ang natatawang sabi niya sa akin. Medyo nakaramdam ako nang konting inis sa sinabi niya, medyo nagasgasan kasi ang ego ko sa sinasabi niya, hinde ko naman kasi ipagmalaki sa kanya na kahit hinde ko nadale si Strawberry, masasabi pa din na may nangyare sa amin, kaso, 1st base nga lang.
"Anong oras ka mauwi sa atin pre?" tanong niya sa akin nang makarating na kami sa kanila
"Di ko lang alam pre, bakit?"
"Sabay sana ako sa iyo eh, pinapauwi ako nang ate ko sa amin at may emergency daw"
"Edi larga na tayo" ang sabi ko sa kanya
"Gagu kumain muna tayo, maaga pa naman isa pa maulan pa oh, titigil naman siguro tong ulan na to mamaya eh, nga pala pre daming tumatawag sa iyo ah?" ang sabi niya sa akin habang inaabot niya ang cellphone ko
"Sinagot mo ba pre?" tanong ko sa kanya
"Hinde pre ah, hinde ko naman gawain yun, sana ba kung kakilala ko o binilin mo yung cp mo sa akin at sagutin ko edi sana kanina ko pa nakilala mga tumatawag sa iyo"
Agad kong tinignan kung sino sino ang tumawag, medyo madami nga ang miscall na natanggap ko, 17 miscalls at halos 20+ messages, karamihan ay sa mga number nah inde ko naman kilala, ang isa naman ay sa isang pamilyar na numero, kung hinde ako nagkakamali, number ito ni Eusha, meron ding mga messages mula sa numerong iyon sa inbox ko. Minabuti ko na munang hinde basahin ang mga ito, medyo lumilipad din ang isip ko at diwa at baka pagnabasa ko ang mga mensahe na iyon ay magkaroon na naman ako nang desisyon o reply na mula sa utak ko sa talampakan. Naghain si Bords nang mga natira niyang handa kagabi, ayaw ko man kumain sana ay nahiya ako na tanggihan siya, at isa pa, mayroon kasing spaghetti na tila kakaluto lang kaya naman hinde ko na naiwasan na kumain.
"Seryoso pre walang nangyari sa inyo ni Strawberry? Di mo sinibak? O di sa iyo nagpasibak? Alin bas a dalawa?" tanong niya muli sa akin habang natatawa
"Wala pre, nagpasama lang sa akin pauwi sa kanila kasi nga naiwan niya cellphone niya dito"
"Lanju oh, sige ganyan ka, pinagsisinungalingan mo ko" ang pangongonsensyang sabi niya sa akin
"Wala nga talaga pre, pramis, mamaga man itlog mo"
"Gagu! Sige malalaman ko din naman yan eh, kukulitin ko yun pagnakainom, napapaamin ko yun pag lasing eh"
"Naging kayo ba nung babae nay un?" tanong k okay Bords
"Parang ganun na din dati pre, pero hinde naman kami talaga naging kami, nagpadale lang talaga sa akin yan nung nakainom, yan yung mga tipo nang babaeng di mo pwede iharap sa altar pre at iiyak ka lang sa huli, pero kung tropa tropa wala akong masasabi diyan, mabait at maasikaso tska pagkailangan mo minsan nang tulong halimbawa sa handa handa o kaya pag may ipapaligpit ka text mo lang punta na yan"
Napangite lang ako habang nagkwekwento si Bords, medyo napaisip ako, at medyo di makapaniwala na naadig niya pala si Strawberry, at kung magusap sila ay parang wala lang, I guesss normal na lang to sa kanila, pero naiisip ko ang mga kaibigan ko sa aking lugar, malamang hinde sila ganun kaopen sa mga ganitong bagay, kung sabagay, hinde naman kasi talaga ganun tanggapin ang ganitong klaseng bagay lalo pa't mangyayare ito sa circle of friends nyo, nang mga sandaling iyon, napaisip ako kung nasa tamang grupo ba ako nang mga kaibigan, or tama pa ba na sila pa ang samahan ko? Mababait naman sila, at matitino, pero hinde ko maramdaman na sa kanila ang dating samahan na natutuwa ako, medyo naboboring na din kasi ako sa mga ginagawa naming na kung iisipin ay parang pambata na lang, pero maari din naman na ako lang din ang problema, in the first place, I choose to be on that group, para lang kalimutan ang mga bagay bagay ko sa nakaraan bago ko pa man sila makilala halos noong 2nd year highschool ako.
"Lalim nang iniisip mo ah?" biglang bati ni Bords sa akin, napangite lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain
"Pre ano maliligo ka ba?" tanong niya sa akin habang nililigpit na niya ang kinainan namin.
"Di na pre, sa bahay na lang ako maliligo, pabango na lang pwede na" ang sabi ko sa kanya at nagsinde ako nang yosi at pumwesto sa may pintuan nang bahay niya
"Nasaan na pala mga kasama mo?" tanong ko sa kanya
"Ayun, yung isa umalis kasama yung shota shotaan niya, yung isa naman nagpunta sandali sa work place namin, pinatawag kasi ng boss namin"
"Ahh... matagal na ba kayo nagbabanda?"
"Medyo, mga isang taon na din halos"
"Gf mo nga pala nasaan?"
"Ayun, nandoon sa totoo niyang BF" ang natatawang sabi niya. Natigilan ako at napailing, hinde ko inakala na third party lang pala tong kumag na to. Nilapitan niya ako at nagsindi din nang yosi
"Saya no? Di alam nang bf niya binebendeho na siya nang shota niya" ang sabi niya sa akin
"Di ka ba nakonsensya pre?" ang pabiro kong tanong sa kanya
"Pre, kaya nga sabi ko sa kanya hiwalayan na lang niya kung di naman niya mahal, eh mahal daw niya, sabi ko nga kung mahal mo eh bat ka nagpapakalkal sa akin? Wala daw kasi kwenta bf niya kaya ayun naghahanap nang iba"
"Pero di hinihiwalayan?"
"Eh siguro gawa din sa mapera yung lalake, teka may picture ako nun teka ha" umalis siya sandali at nang bumalik ay dala na ang kanyang cellphone at pinakita sa akin nang picture nang lalake
"Ano pre? Di ba mula ulo mukhang paa?" ang natatawang sabi niya sa akin at totoo naman ang sinasabi ni Bords dahil laking gwapo nga nang kaibigan ko na ito sa lalakeng kasama ng babaeng ito.
"Eh di na nga din daw yan masyadong tinatayuan kaya naiinis na din siya diyan" ang dugtong pa niya. Hinde ko alam kung hahanga ba ako sa gagong to o maiinis, kung sabagay, wala naman ako sa posisyon para manghusga sa kanya, isa pa, babae naman ang may gusto nito kaya hinde ko na din siya masisisi.
"Kaya nga ako, tinatawanan ko na lang yung mga lalakeng namromroblema sa babae, kasi sa panahon ngayon, mahirap na din magseryoso, kahit anong bait mo sa tao, kahit anong effort mo pre, wala pagnaisipan ka nila iwan, aalis na lang yan, kesyo ganito kesyo ganyan, kaya nga kung sino lumapet sa akin at magpapasibak, sibak agad, siguro talagang laro na laro na lang muna ako, bata pa naman ako eh, life starts at 30 nga daw diba? Kaya ikaw pre, kung may problema ka sa babae, kalimutan mo na, kung ayaw sa iyo ayaw, kung iniwan ka, hayaan mo, madaming puke sa paligid pre, wag mo aksayahin ang oras at panahon mo sa mga babaeng puro paasa, kasi sa huli nasaktan ka na nganga ka pa"
Hinde ko alam ang sasabihin sa mga sinabi ni Bords, marahil talagang binago siya nang panahon nang masaktan siya nang todo sa pagiwan sa kanya nang Gf niya mula noong High School sila, which I did not really expected dahil inakala ko na wala na silang hiwalayan lalo pa pagnaalala ko ang mga cheesy lines na sinasabi nila sa isa't isa. Siguro, talagang nagbabago lang ang lahat nang mga bagay bagay sa paglipas nang panahon, napansin ko din nga, na hinde na din katulad nang dati ang samahan naming magkakaibigan, siguro, parepareho lang kami nagbago, isa pang patunay nito, si Bords, na mula sa pagiging good boy, naging play boy na, ang kaibigan kong hinde makabasag pingan, ngayon ay panay na ata ang biyak nang kung sino sinong babae. Di ko din naman makita sa kanya na malungkot siya, o nakukunsensya, siguro, magaling lang talaga siyang magtago nang nararamdaman niya, o maari, sadyang naging manhid na lang siya sa mga ganitong klaseng bagay, iniisip ko tuloy, ano kaya ang pakiramdam nang nasa posisyon niya, pero hinde kaya ganun na din ako? Hinde ko pa lang talaga nakikita sa sarili ko ito, o papunta pa lang ako sa daan kung nasaan siya ngayon, kung ganun, should I stop? Should I back down na ba sa mga pilinaplano ko... what if, maiba naman ang storya sa gagawin ko, what if makuha ko nga ang hinahangad ko, what if... kung di ako sumuko, at ipaglaban si Eusha, magiging akin kaya siya?
"Pre, tulala ka? Ok ka lang ba?" biglang tanong ni Bords sa akin
"Wala pre, may iniisip lang" ang agad kong sabi sa kanya
"Ligo na ako, wag mo pagiisipin yun, kung ano man iniisip mo kaya mo yan, ikaw pa" ang sabi ni Bords sa akin at nagsimula na siyang magasikaso nang sarili habang ako naman ay muling nagsindi nang sigarilyo.
Trenta minutos din ang lumipas bago kami makaalis ni Bords sa bahay nila, dala naming ang ibang damit niya dahil ipapalaba na din daw niya ang ibang labahin niya sa kanila. Habang naglalakad kami panay ang kwento niya sa mga nararanasan niya sa bar na pinapasukan niya, mga babaeng nakikilala niya at nakakaone night stand niya, mga nakita na niyang artista sa personal na dumadaan at nagiinom sa bar na pinapasukan niya. Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento niya, hanggang sa isang tanong ang kinagulat ko na di ko inasahan na itatanong niya
"Nga pala pre, nakikta mo pa si ano" di man niya binanggit ang pangalan nito ay kilala ko na kung sino ang gutong kamustahin ni Bords, siguro, kahit papaano ay may natitira pang concern ito para dati niyang karelasyon.
"Hinde ko kas siya nakikita pre, sabi nila sa dorm na yun nagiistay kasi nagaaral ata yun, di ako sure kung saan, PUP ata siya ngayon o UP, kung di ako nagkakamali"
"Ganun ba, alam ko nga sa PUP o UP siya, nasabi kasi sa akin nang kaklase niya noon" ang sabi niya sa akin.
"Namiss mo noh?" ang pabiro kong tanong sa kanya
"Namiss kong ikama kamo" ang natatawang sabi niya sa akin.
"Alam mo ba pre, nung may nangyare nga sa amin, di ko alam at inasahan na ganun pala kagaling yung babae na yun" ang tatawang sabi niya sa akin. Napangite lang ako sa sinabi niya, di ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi niya. Hinde ko alam kung anong Segway ang gagawin sa usapan, kaya naman bigla ko na lang tinanong sa kanya kung
"Pre, nagalalaro ka pa ba nang dota?" tanong ko bigla sa kanya
"Di na pre, bihira na ako maglaro nang mga ganyan, pero pag nagkaayaan, naglaalro ako, ikaw ba sino ba ginagamit mong hero?" tanong niya sa akin
"Doom bringer, minsan si Scorpion king pero ang paborito ko ngayon si Anubarak at si Mortred"
"Ako pre Vengeful lang tska yung isa yung baboy ata yun o baka na may hawak na lampara"

"Si Barathrum pre" ang natatawang sabi ko sa kanya, matapos ay sumkay na kami sa dumaan na FX at nang makasakay na kami ay agad na akong tumungo, maging siya ay napansin ko din na yumuko at natulog.
Hinde ako masyadong komportable sa posisyon ko dahil nasa likod kami at nasa gitna ako, samantalang si Bords ay sa may dulo malapit sa upuan sa gitna nang upuan kaya naman ipit ako lalo pa't halimaw sa taba ang katabi ko, kaya naman naisipan ko na lamang tignan lahat nang mensaheng natanggap ko nang naiwan ko ang cellphone ko kanina. Ang unang limang mensahe ay mula sa numerong pinaniniwalaan kong galing kay Eusha
1st Message: Bakit ka pa ba nagparamdam?
2nd Message: Ano pa ba ang kailangan mo? Di pa ba ok sa iyo na nasaktan mo na ako noon?
3rd Message: Tang ina naman El, di mo ba ako papansin? Sumagot ka naman oh
4th Message: Sabagay diyan ka nga pala magaling, magpaasa at di mamansin, bakit pa ba hinde ako nasanay sa iyong gago ka
5th Message: Wag mo na akong guluhin pwede ba? Ang galing galing mo din eh noh?
Sa mga nabasa kong mensahe mula sa kanya, para bang may sumuntok bigla sa akin at nanakit ang dibdib ko, napabuntong hininga ako at nais ko sanang magreply, humingi nang pasensya subalit nabasa ko din ang isa sa mga text na tapos na pala ang unlitext and call ko, agad kong sinubukan na magbalance inquiry subalit walang signal ang cellphone ko, tinignan ko pa ang ibang mensahe, hinde ko alam kung kaninong numero ang ibang mensahe, pero sa pagkakasabi nang mga mensaheng ito, malamang ay si Jules ito dahil sa unang 2 mensahe pa lang ay halatang siya na iyon
1st Message: Hoy putragis kang lalake ka, kung pwede sana layuan mo na si TamTam, pwede bang wag ka na lang ulet manggulo sa buhay namin? Para kang kabute na susulpot tapos maninira nang buhay? Tarantado ka kung pwede sana pakamatay ka na lang
2nd Message: Alam mo bang ilang araw na naman nangpapakalasing itong pinsan ko dahil sa kagaguhan mo, at pati ang kaibigan ko dinamay mo sa kagaguhan mo, alam mo magkakaibigan tayo noon pero kung ganyan lang din naman ang gagawin mo sa pagbalik mo sa buhay naming pwede wag na lang, parang awa mo na umalis ka na lang, wag ka na lang ulet magparamdam katulad nang dati.
3rd Message: Ano nababakla ka na? Di ka sumasagot sa tawag ko? Sagutin mo magusap nga tayo nang personal
Kamot ulo lang ako sa mga nabasa ko, ganun siguro talaga kasama ang ginawa ko para pagsalitaan ni Jules nang ganun. Pero hinde ako pinanghinaan nang loob, inisip ko na lamang na isa ito sa mga balakid na kailangan kong lampasan, ngayon pa ba ako susuko kung kelan kahit papaano, nakakausap ko na si Eusha, may komunikasyon na kami, wala na akong sabit. Isa pa, siguro, kung maipapakita at maipaparamdam ko sa kanya na totoo naman na gusto ko siya, maaring mabago ko ang lahat, wala naman akong pakealam na kung mawala man sa buhay ko bilang kaibigan si Jules, ang mahalaga sa akin, maipaglaban ko at mapatunayan kay Eusha na sa oras na piliin niya ako ay hinde siya magsisisi.
"Pre, kita na lang tayo next time huh?" ang sabi ni Bords sa akin matapos na makarating kami sa babaan sa aming lugar, halos 3 oras din na biyahe iyon. Agad akong nagtungo sa malapit na tindahan at nagpaload, matapos ay agad na din akong umuwi sa bahay at naligo. Matapos ay muli akong nagmuni muni sandali sa may labas nang aking bahay habang nagsisigarilyo, pinagmamasdan ang mensahe ni Eusha habang binubura naman ang ibang mensahe na mula kay Jules. Sinave ko ang numero ni Eusha, at matapos ay nagiisip kung ano ba ang magandang sabihin, hinde ko alam ang mga tamang salitang ipapadala sa kanya, I need to convince her na totoo ako sa kanya at gusto ko talagang bumalik sa kanya. Nakaubos na ako nang dalawang stick nang yosi bago ako nakaisip nang sasabihin sa kanya.
"Eusha... pasensya na kung iniisip mo na nanggugulo lang ako, hindeko ko talaga alam na magiging ganito ang lahat, pwede mo ba akong bigyan nang pagkakataon para makabawi sa iyo?"
Pikit mata kung sinned ang mensahe na iyon sa kanya, napasinde na naman ako nang yosi habang naglalakad lakad sa loob nang aking bahay habang hinihintay siyang sumagot sa aking text. Di ako makapakale kakaisip kung sasagutin niya ba ang text ko, ano kaya ang sasabihin niya, ano kaya ang susunod kung sasabihin sa kanya, nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagmessage sa akin, at halos kainin ako nang kaba nang pangalan ni Eusha ang aking nakita.