1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 5
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 5

By el_nunal ·

Napasilip ako noon sa bintana, at nagulat ako, hinde ko inasahan ang taong makikita ko nang sandaling iyon, si Jules. Napaatras ako noon sa bintana, at agad na pinatay ang dvd. Hinde ko alam noon kung pagbubuksan ko ba siya nang pinto. Muli ay kumatok siya
"Stella, nandyan ka ba? Stella?"
Hinde ko alam noon ang gagawin ko, kung pagbubuksan ko ba siya, o hinde ko na lang papansinin, subalit, nagulat na lamang ako nang
"El?! Ikaw ba yan?"
Wika ni Jules at bakas sa boses niya ang pagkagulat. Dahan dahan ko na noong binuksan ang pinto. Kita ko noon sa mukha ni Jules ang gulat, marahil ay hinde niya inaasahan na makikita niya ako nang araw na iyon. Kasunod noon ay napailing siya at pumasok siya sa loob
"Stella?"
Ang may kalakasang sabi ni Jules at pumasok sa kwarto ni Stella
"Nasaan si Stella?"
Ang tanong ni Jules sa akin na may pagkairita ang boses
"P-pumasok siya"
Hinipan ni Jules noon ang buhok niya noon na nakaharang sa bandang mata niya sabay upo noon sa may may sopa.
"May relasyon na ba kayo ni Stella?"
Sabay kuha noon ni Jules nang sigarilyo sa dala niya noong pouch sabay sindi nito. Nang mga sandaling iyon, umupo ako sa kabilang upuan noon,
at sinagot ko ang tanong niya
"Meron na,may relasyon na kami ni Stella"
"Mahal mo ba siya?"
At sa tanong niyang yun, animo'y pinalo ako nang dos por dos na kahoy sa aking dibdib, kakaibang bigat ang aking nadama, hinde ko baa lam kung bakit biglaan na lamang sumakit ang dibdib ko at tinamaan ako nang sobrang kaba. Marahil, alam ko sa sarili ko ang kasagutan, pero pinipilit ko lang labanan, at isa pa, isang maling sagot, at alam kong may mangyayaring di maganda.
"Sa tingin mo ba Jules hinde ko mahal si Stella?"
Ang tanong ko din noon kay Jules
"Malay ko, kaya nga kita tinatanong di ba?"
"Jules, bakit ba parang galit ka sa akin?"
"Di ba obvious? El Nunal, hay, alam mo, kaibigan na din kita eh, pero alam mo kasi, yung pagsulpot mo, lalo pa atang magpapagulo sa gulo na nang dalawang yun, tapos, nagtetext ka pa kay TamTam, ano ba yun? Sige nga, ano naman purpose nang pagtetext mo kay TamTam?"
"Gusto ko lang naman na makausap yung tao eh"
"Bakit? Anong meron? Alam mo ba kung gaano katagal nakamove on yung pinsan ko na yun? Tingin mo bakit niya pinatulan si Glen?"
Hinde ako nakaimik noon, alam ko naman kasi na noon, nagpaparamdam na sa akin si Eusha, ako lang talaga ang hinde pumapatol sa kanya, meron pa kasi ako noong ibang mahal, at mahal ko pa din hanggang ngayon, si Amanda, at si Charice, kumbaga, minahal niya ako nang mga panahong may mahal pa akong iba.
"El, please lang, pwede bang habang maaga pa, tapusin mo na kung anong meron kayo ng kaibigan ko, gagu ka din eh, sa dami naman nang babae sa mundo, bakit kaibigan ko pa? Alam mo ba yung parang nanalbahe ka pa? ha?!"
Ang inis at galit na sabi ni Jules noon, that time, hinde ako makakibo sa mga sinasabi niya, totoo naman ang sinasabi niya
"Pagmamahal ba yan o kalibugan lang? May pera ka naman, magpokpok ka nalang, madami naman diyan eh, bakit hinde na lang yun ang pagparausan mo nang kalibugan mo, kaibigan mo pa ang trip mo, ano yun, kwartahan mo din ba yang si Stella? Style mo din eh noh"
"Jules, wag ka naman magsalita nang ganyan"
"Bakit masakit? Ha?! Masakit?! Naku kayo talagang mga lalake, mga gago eh"
Tumayo noon si Jules at umalis na nang bahay ni Stella, hinde ko na din siya pinigilan noon dahil alam ko na galit siya sa akin, hinde din naman niya papakinggan ang sasabihin ko, subalit, ano pa nga ba ang sasabihin ko, may punto naman ang sinasabi niya sa akin. Muli akong nagsindi nang sigarilyo nang mga sandaling iyon, tumambay sandal sa labas nang pintuan para magpausok, sa bawat hithit, sa bawat buga na aking ginagawa, iniisip ko na lamang na mawawala din ang problemang to, matpos kong magsigarilyo ay nahiga na muna ako noon sa may sopa, inabot ang remote nang tv at nanuod na lang muna nang kung anong maaring mapanuod sa TV, Eat bulaga noon ang napili kong panoorin, yun lang kasi ang magandang panuorin nang mga oras na iyon. Hinde naman talaga ako nanunuod nang mga sandaling iyon, bagkus, ay iniisip ko, kung ano ba ang pinaggagawa ko, napatingin ako noon sa kisame, tumulala lang ako noon, at walang pumapasok sa isip ko, isang malalim na paghinga lang ang lagi kong nagagawa, muli kong inalala ang nakaraan, paano kaya, kung , si Eusha ang aking nagging girlfriend, ano na kaya ang nangyayare, kami pa din kaya hanggang ngayon, nagging masaya kaya ako sa piling niya, ano kaya ang nagging relasyon naming ni Charice kung si Eusha noon ang minahal ko, bakit ba si Eusha na naman ang iniisip ko, mga katanungan noon na bigla bigla na lang pumasok sa isip ko. Pinatay ko na muna noon ang telebisyon, at nanatili sa pagkakahiga sa sofa, ilang sandal pa ay hinde ko na Malayan na nakatulog na pala ako.
"Hooooyy!!! Mag nagteeexxxt!!!"
Isang boses nang bakla noon ang aking narinig, na siyang bumasag noon sa aking pagkakaidlip, nagulat ako dahil mula iyon sa loob nang bahay, agad akong napaupo noon at tinignan ang pinto nang bahay ni Stella subalit nakasarado naman ito at nakalock, muli ay narinig ko na naman ang boses na iyon at natunton ko ang pinagmulan nang tunog, sa sopa kung saan umupo kanina si Jules at doon ay nakita ako ang isang cellphone sa may gilid nang unan, marahil ay nalaglag ito nang hinde sadya kanina sa bag ni Jules. Kinuha ko ito at nakita na may apat nang mensahe ito, at medyo pinairal ko ang aking pagiging pakielamero at tinignan kung sino ba ang nag text noon, at isang pangalan noon ang aking nakita, "TAMTAM". Sa isip isip ko, ano kaya ang gagawin ko, bubuksan ko ba ang mensahe na iyon o hinde, matagal tagal din akong nagisip, nagsinde ako nang sigarilyo, at lumabas na muna ulet sandal sa pinto nang bahay ni Stella upang magisip kung ano ba ang gagawin kong aksyon, at bago pa maubos ang hinihithit kong yosi ay muli kong kinuha ang cellphone na naiwan ni Jules, at hinde ko ito binuksan, subalit, may mga nakita akong text mula kay Eusha noon, at yung mga nakabukas nang mensahe ang pinagbabasa ko, at hinde ko noon inasahan ang aking mababasa.
TEXT 1: Ju, nasaan ka? Pwede ka ba now? Kita tayo, di ko alam na makikita ko na naman siya, ang sakit ang sakit sakit Ju
TEXT2: Hinde ko alam Ju, nagulat din ako, hinde ko naman alam din na nandoon siya, kasama si Stella, bakit ba siya ganun Ju ang sakit talaga
TEXT3: Sinubukan ko naman Ju, pero di naman agad agad mawawala yun diba? Alam mo naman ang ginawa ko to get over him di ba? Pero di pa pala ako nakakamove on ang sakit, and why is he with her, bakit sa puta nay un pa siya sumama
Wala akong masabi sa aking nabasa, sa mga sinabi ni Eusha, napailing ako, marahil, gago na nga siguro ako para patulan si Stella, pero, meron na din naman siyang kasintahan, ayaw ko nang manggulo pa, ayaw ko nang magpunta pa sa dating lugar kung nasaan ako noong kami pa ni Kimberly, nang mga sandaling tanging hiram lamang ang sandaling nakukuha. Pero, alam ko na niloloko ko lang din ang sarili para sabihin na, hinde ako natutuwa sa nabasa ko, na may feelings pa din pala sa akin si Eusha all this time, pero, kailangan ko na muna siguro, hinde, kailangan ko na itatak sa isip ko, na nandito na si Stella, na handang mahalin ako at tanggapin ako. Dahil sa medyo masakit na din ang ulo ko sa kakaisip, sinubukan ko na munang ipikit ang aking mga mata dahil medyo mabigat na din ang mga ito at unti unti ay nagdilim na ang aking paningin.
"El. El"
Isang malambing na bosses noon ang narinig ko, kasunod ang isang mainit na dampi nang labi sa aking pisnge, pagmulat ko ay bumungad sa akin ang magandang mukha ni Stella, nagulat ako nang makita kong nakasando lang siya noon at shorts na pulang maikli, habang nakaupo noon sa tabi ko sa may sahig. Dahan dahan akong bumangon noon at naginat
"Kanina ka pa ba dito?"
tanong ko kay Stella habang nagiinat inat pa ako.
"Di naman kakarating ko lang, kumain ka na ba?"
"Ha?"
"May dala akong pagkain, tara, bangon na diyan"
At iniiabot niya sa akin ang kanyang kamy noon at inabot ko naman ito at hinila niya ako patayo. Medyo pupungos pungos pa ako nang mga sandaling iyon, at agad kong naamoy ang masarap na amoy nang pagkaing binili niya, litsong manok nang Andoks.
"Kumusta naman ang lakad mo?"
Tanong ko kay Stella habang kumakain kami.
"Ok naman everything turned out to be fine naman, sorry kung di kita naaya kanina na sumama sa akin huh, kumusta ka naman dito? May dumating ba?"
Hinde ako nakaimik agad sa tanong ni Stella, pinagiisipan ko pa kung sasabihin ko sa kanya ang pagdaan doon ni Jules o hinde, subalit hinde ko inaasahan na hinde ko na pala kailangan na sabihin pa sa kanya ito dahil ilang sandali pa ay bigla na lamang nagring ang cellphone na naiwan ni
Jules
"Alam ko yun, teka pumunta ba si Jules dito?"
Tanong ni Stella, sabay tungo sa sala at pagabalik niya ay may kausap na siya sa cellphone ni Jules, hinde ko maintindihan ang sinasabi ni Stella noon, lengwahe na naman nila ang gamit niya, subalit tila ba pakiramdam ko ay ako ang pinaguusapan nila dahil sa bawat salita ni Stella ay panay ang sulyap niya sa akin at sa tono nang pananalita niya ay tila ba inaaway niya ang nasa kabilang linya, ilang sandali pa ay binaba na niya ang cellphone at dahan dahan bumalik sa hapag kainan.
"O-ok ka lang ba Stella?"
Ang tanong ko sa kanya at agad ko siyang nilapitan at inalo nang mapansin ko na nangingilid ang luha niya noon.
,"W-wala to, ano bang ginawa ni Jules dito?"
"H-hinanap ka lang niya, tapos, umalis din"
"Wala na ba siyang nasabing iba sa iyo?"
Umiling lang ako noon, base sa kwento niya sa akin, maaring si Jules or si Eusha ang kausap niya nang mga sandaling iyon sa cellphone at ayaw ko nang sabihin pa ang sinabi sa akin ni Jules, may mga bagay din kasi na di na dapat sabihin pa para maiwasan pa na maging kumplikado ang isang bagay. Hinawakan ni Stella ang kamay ko at ngumiti
"Salamat at nandito ka"
Kasunod nito ay isang halik na mula sa kanya subalit hinde ko ba alam kung bakit pero merong iba sa halik niya, hinde ko alam kung iniisip ko lang ba iyon, isang ngite lang noon ang nagawa ko at inaya ko na siya muling kumain.
"Bukas ba uuwi ka na?"
Tanong ni Stella sa akin habang naghuhugas siya nang hugasan at ako naman ay nagwawalis walis sa sala.
"Oo, maglalaba na muna ako paguwi ko, tapos, ewan ko na kung ano gagawin ko, baka tumambay na lang muna ako sa computer shop, laro nang DOTA"

"Ang hilig mo talaga sa mga games games na yan noh?"
"Eh yun lang naman kasi ang libangan ko para mawala yung pagkaboring ko"
"Ever considered working El?"
Ang tanong ni Stella sa akin
"Well, wala pa ako sa mood magtrabaho, I guess, masasabi mong, ineenjoy ko lang siguro ang freedom na nakahilata ka lang, walang ginagawa, tapos magkakapera ka, I really envy people kasi na alam mo yun, walang ginawa sa buhay kung hinde gumastos lang, tambay dito, tambay doon, unlike before kasi, nagwork ako nang di ko naman gusto, natigil ako sa pagaaral, and prefer working, so its like im just giving myself a break sa lahat nang stress na napagdaanan ko noon, pero, I guess, magwowork din ako after a while"
"alam mo kasi, everyday, hinde ka naman bumabata El, you're getting older as day pass by, wag mong sayangin yang kabataan mo sa kakatambay lang, do something significant, something productive, bat di ka kaya magaral? For real, sayang kasi yung pera na ginagastos which is meant for studying, pero sabagay, alam na masarap nga magaral aralan, nagging ganyan din naman kami ni"
Natigilan noon si Stella sa pagsasalita, at pinagpatuloy na lamang ang paghuhugas, ngunit alam ko na naman noon ang kanyang sasabihin, marahil, ganun din sila ni Jules noong bata pa sila, at nang mga sandaling iyon, napaisip ako sa ako, tama ba, may patutunguhan nga ba ang relasyon naming ito ni Stella, marahil, gago nga ako tulad nang sabi sa akin ni Jules, pero hinde ko din naman kayang baliwalain pa ang pinapakitang pagmamahal sa akin ni Stella, isa pa, pinasok ko na ang bagay na ito, sinimulan ko na ito, kaya dapat panindigan ko na ito.
Matapos maghugas ni Stella nang pinagkainan naming ay agad na siyang pumasok nang kwarto
"Sunod ka na lang kung matutulog ka na din ha? Mauna na ako, medyo pagod din kasi ako eh"
Ang sabi ni Stella bago niya isara ang pinto nang kwarto niya. Agad din akong pumasok sa kwarto at nakita ko siya noon na naghuhubad nang suot niyang damit
"Matutulog ka na din ba? Sandali lang ha at "
Hinde ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad na sinunggaban ang malalambot na labi niya. Dahan dahan ko siyang hinalikan, at dahan dahang hinawakan ang dibdib niya, subalit napansin ko na hinawakan niya ang kamay ko na yon at inalis ang pagkakapatong ko dibdib niya at tulak niya ako
"Ano ba El, wag muna ngayon, pagod ako"
Nakaramdam ako nang hiya sa aking sarili nang sandaling iyon, dahan dahan akong umatras at tumalikod, subalit bago pa man ako makalabas nang pinto ay nagulat ako nang maramdaman ko na may kung anong dumiin na malambot at mainit sa aking likuran, kasunod noon ang pagyapos ni Stella sa akin
"S-sorry, wala lang ako sa mood para makipag "
"Tulog na lang tayo"
Ang sabi ko bigla noon kay Stella, dahan dahan ako humarap sa kanya at ngumite
"Di lang naman yun ang gusto ko sa iyo Stella, di naman kita pipilitin kung ayaw mo eh, gusto ko na din humiga, ano? Tulog na tayo?"
Ngumiti si Stella at biglang pinitik ang ilong ko
"Walang tooth brush tooth brush?"
Napangite ako noon at sabay kaming lumabas nang kwarto niya at nagsepilyo. Matapos ay muli na kaming bumalik sa kwarto niya at magkatabi na humiga sa kama.
"Stella,sorry ha?"
Ang sabi ko sa kanya habang hawak ang mukha niya't hinahawi ang hibla nang buhok sa mukha niya.
"Sorry? For what?"
"Kahit naman di mo sabihin Stella, alam ko na may problema at alam ko na isa ako sa mga problema mo na yan, alam ko na kahit hinde mo sabihin, mukhang gulo lang ang dinadala ko sa iyo, sorry if "
Natigilan ako nang bigla na lamang halikan ni Stella ang labi ko, at nilaro laro pa ang dila niya sa loob nang aking bibig at matapos nang ilang sandali nang palitan nang halik naming dalawa ay dahan dahan na niya itong tinigil sabay ngite
"Dami mong alam, tulog na tayo, ikaw talaga, maaga pa ako bukas"
At yumakap sa akin si Stella at pumikit, napangite na lamang ako at napailing, marahil ay ayaw niya talaga pagusapan iyon kaya naman niyakap ko na lang din siya at natulog.
"El, gising na"
Isang malambing na boses ang bumasag sa kasarapan nang aking tulog, boses ni Stella. Pagmulat nang mata ko ay nakita ko siya noon na nakasuot na nang palda subalit wala pang saplot ang kanyang ibabaw na bahagi maliban sa pulang bra na suot niya.
"A-anong oras na ba?"
"Mag aalasyete na, nagluto na ako nang agahan, uuwi ka na today diba?"
Tumango ako habang nagiinat inat pa.
"Kelan ka babalik dito?"
Ang tanong ni Stella sa akin habang nagsusuot nang panloob na damit at nang susuotin niyang long sleeve na polo.
"Ikaw, kelan mo ba ako gusting bumalik?"
Ang tanong ko sa kanya
"Any time, sandal ha"
May kinuha siya noon sa purse bag niya at inabot sa akin ang isang susi
"Duplicate nang bahay ko, ingatan mo yan huh"
"B-bakit mo ko binigyan nito Stella?"
Ngumiti sa akin si Stella at hinalikan ako sa noo
"Well, I trust you, thats why"
Hinde ko maipaliwanag ang kakaibang saya na naramdaman ko noon sa sinabi sa akin ni Stella, isang bagay kasi ang binigay niya sa akin na talaga namang nakakataba nang puso, iyon ay ang tiwala. Subalit habang nakatingin ako sa susing binigay niya sa akin, napaisip ako sa aking sarili, tama ba na tangapin ko ang tiwalang binibigay niya sa akin, ang susi na to ang nagrerepresenta nang pagpapaanyaya niya sa akin upang pumasok na ako nang tuluyan sa buhay niya, ngunit isang tanong ang tumimo sa aking isipan, handa na ba akong pumasok sa buhay ni Stella, handa na ba talaga ako, para maging kabiyak nang puso ni Stella.
"Huy! Tulala ka diyan?"
Ang biglang sabi ni Stella sa akin, sabay pitik sa noo ko at ngumite
"Kumain ka na, paligpit na lang nang higaan bago ka umuwi ha? Baka kasi mamayang gabi pa ako makauwi eh, text or tawag na lang ako sa iyo
mamaya ha?"
Sabi ni Stella habang naglalagay na noon nang lips stick sa kanyang labi, matapos ay hinalikan niya ang aking pisngi at diniin niya ang labi niya dito at nagiwan nang lip mark ito.
"Alis na ako babe ha, pakisarado na lang nang maayos tong yung pinto pagalis mo"
At matapos ay umalis na siya nang kanyang bahay. Ako naman ay tahimik na niligpit ang higaan bago kumain. Sa sala ako nagagahan habang nanunuod nang tv, at habang nanunuod ako, muli na naman ako napaisip, bakit ganun na lang siya magtiwala sa akin, tila ba, parang kilalang kilala na niya ako, hinde ba niya naisip, paano kung nakawan ko siya, paano kung gawan ko siya nang masama, natawa lang ako sa mga iniisip ko noon, pero, hinde ba parang ginagawan ko na din nang masama si Stella, ginagawa ko siyang panakip butas, escape route upang makalimutan ang babaeng iyon, ang babaeng hanggang ngayon ay gusto kong kalimutan, ngunit sino nga ba ang gusto kong kalimutan? Sino ba ang babaeng gumugulo sa isip ko, si Charice nga ba? O hinde kaya si Eusha? Isang malalim na buntong hininga lang ang tanging naisagot ko sa mga katanungang pumapasok sa isipan ko nang mga oras na iyon, nawalan na akong gumanang kumain noon at saglit na lumabas at tumingin sa paligid para maghanap nang aso o pusang gala na pwedeng kumain nang natira kong pagkain. Nakakita naman ako nang isang pusa na kahit pusakal ay tila ba maamo naman sa mga tao at tila ba alam na papakainin ko siya at agad na lumapit ito sa akin
"Ngiyaw! Ngiyaw!"
Ang sabi nito habang panay ang ikot ito sa binti ko at kayas nang ulo nito. Dahan dahan akong umupo at binigay dito ang pagkain. Matapos ay pumasok na ako sa loob nang bahay at hinugasan ang pinagkainan ko, nagligpit sa kwarto at naligo. Madali akong nagasikaso sa aking sarili noon, at agad na nagbihis. Panay ang lingat ko sa paligid sa paghahanap sa aking cellphone, hinde ko kasi matandaan kung nasaan ito, hinde ko kasi matandaan kung saan ko ba ito naipatong, maging ang cellphone na naiwan ni Jules ay wala, hinde ko din makita. Iniisip ko na maaring nadala ni Stella ang cellphone ni Jules pero di naman niya siguro madadala ang cellphone ko, siguro. Gusto ko na din muna umuwi noon dahil nga sa tambak na ang lalabhan ko na damit, at babalik naman ako sa bahay na ito kaya naman nagkibit balikat na lamang ako at maiging sinarado ang pinto at nagtungo na sa sakayan. Tahimik lamang akong naglalakad, may kainitan kasi ang umaga na iyon, at grabe pa ang usok nang mga sasakyang nagdadaanan sa abangan nang jeep. Panay din ang lingat ko sa paligid, nagaabang nang sasakyang jeep pauwi, pero bago pa ako makauwi ay kailangan ko munang magtungo sa Megamall dahil yun lang ang alam kung maaring kong sakyan pauwi sa amin. Makalipas ang halos kalahating oras nang paghihintay, sa wakas ay may nakita din akong sasakyang jeep na hinde puno katulad nang mga naunang nagdaang jeep. Agad akong umupo sa may dulong bahagi malapit sa babaan, at agad na sinanday ang aking likod upang makapagrelax, at di ko naiwasang mapatingin sa magkasintahang nakaupo sa may harapang upuan nang jeep, at bigla ko na lamang naalala ang isang tao nakakasama ko din noon sa parteng iyon nang sasakyan.
"Kumusta na kaya siya?"
Isang tanong ang tumimo sa isip ko, naalala ko din noon si Janette, ano kaya ang balita sa kanya, napatingin din ako sa isang nursing student na sumakay noon, at naalala si Lyka, wala na din kasi akong nagging balita sa mga taong ito, napakamot ako sa ulo at napangite
"Ano ba tong pinagiisip ko?"
Ang tanong ko sa aking sarili, nagbabalik tanaw na naman ako sa nakaraan, binaling ko na lamang noon ang tingin sa labas at nilabang ang sarili sa pagtingin sa mga sasakyang dumaan at nasa likuran nang sinasakyan kong jeep. Nakakaboring din kasi ang nasakyan ko dahil hinde ito patok na jeepney, at tila ba road trip ang ginagawa nang driver dahil sa bagal nang pagpapatakbo nito, madalas nga ay nagoovertake na ang mga sasakyang nasa likuran namin. At sa mga sasakyang dumadaan noon, isang sasakyan ang umagaw sa aking atensyon, kamukhang kamukha kasi ito nang sasakyang minamaneho noon ni Charice, at tila ba, sa isip ko, maaring siya ang nagmamaneho nang sasakyan na iyon pero hinde ko din naman makikita kung sino iyon dahil may tila itim na cover ang mga salamin ang sasakyan, hanggang sa makalagpas na ito sa jeep na sinasakyan ko ay
hinabol ko pa din ito nang tingin.
"Siya kaya, kumusta na?"
Ang tanong kong muli sa aking sarili, isang malalim muli na buntong hininga ang aking ginawa. Hinde ko napansin na malapit nap ala ako sa babaan, mabuti na lamang ay napansin ko ang pamilyar na building, Starmall sa kabilang kalsada at agad na akong bumaba sa jeep. Medyo tinamaan ako nang konting gutom at agad na nagtungo sa malapit na bilihan nang kwekkwek at agad na kumain, medyo adik din kasi ako sa kwek kwek, lalo pa kung ang sawsawan eh yung medyo matamis na sawsawan tapos hahaluan nang konting maanghang na suka, napaisip ako habang kumakain, titikim kaya nito si Stella? Hinde ko kasi alam kung kumakain ba siya nito o hinde, yung ibang tao kasi, medyo ayaw talaga sa street foods. Matapos kong kumain ay nagtungo na ako sa may Green Field, at dahan dahang naglalakad patungo sa sakayan nang jeep, medyo maaga pa naman noon kaya wala masyadong pila sa jeep, napansin ko din namna na wala pa din yung jeep pauwi sa lugar na tinitirhan ko kaya naman nagyosi muna ako at nagmuni muni. Napatingin ako sa isang pwesto kung saan, noon, ay mayroon akong isang taong kasama na minsan pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Isang malalim na hithit sabay buga sa hawak kong yosi, tingin sa kalangitan at napasabi ako sa aking sarili
"Nakikita mo ba ako diyan Amanda?"
Isang malungkot na hangin noon ang umihip sa aking katauhan, hinde ko kasi alam, kung ano ba ang mangyayare sa istorya nang buhay ko sa piling niya kung hinde agad siya kinuha nang Maykapal. Ano kaya ang nangyare kung, nagging successful ang opration niya, ano kaya kung agad niyang pinagamot ang sakit niya noon, mga tanong na sunod sunod kong naiisip habang humihithit nang sigarilyo. Dahan dahan akong umupo mula sa aking pagkakatayo sa malambot na damo na iyon, muli ay nilibot ang aking paningin, at napansin ko na noon na may jeep nang parating at naglagay nang sign board na siyang biyabiyahe kung saan ako nakatira. Dahan dahan akong tumayo at nagpagpag nang pwetan at agad nang nagtungo sa pilahan. Pagdating ko sa pilahan, hinde ko inakalang may makikita akong isang pamilyar na mukha
"Oy! Mr. El Nunal!"
Agad akong natigilan at napangite, medyo matagal tagal na din kasi nang huli ko siyang makita, pagpasok naming sa jeep ay agad niya akong pinatabi sa kanya
"Kumusta na?" sabay pingot sa aking tenga.