1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 10 - Boom !
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 10 - Boom !

By supertoyantz ·

Chapter 10 - BOOM !

Masayang nagising si Hannah..

Tila kay gaan ng kanyang pakiramdam..

Nakangiti syang bumangon at sinulyapan ang alarm clock sa table sa tabi nya..

"Naunahan kita.." nakangiting biro ng dalaga..

Nag-inat sya ng mga braso at nag strech..

Lumapit sya sa binata at binaba ang blinds..

Madilim dilim pa sa labas..

"Morning world.. !.." bati ng dalaga..

Ngiti pa rin..

Masaya sya...Obvious naman..

Pumwesto ang dalaga sa harap ng kanyang life sized mirror..

"Morning.. Lelay.." bigkas ni Hannah sabay hagikgik..

Nag pose pa sya..

"Morning .. Lelay.." boses lalake naman..

Muling bumungisngis si Hannah..

Kinindatan nya ang sariling repleksyon sa salamin at nagtungo na sa banyo..

Bigla syang napasigaw..

"Nakalimutan ko undies kila Potpot !!.." sigaw nya.

Pagkalipas ng 1 kalahating oras ay bumaba na sya..

Nagulat pa ang yaya nya ng makita ang dalaga..

"Hoy.. Anung nakain mo?... 1 hour pa bago ka dapat magising ah?.." bungad ni Yaya.

Ngumiti lang ang dalaga at naupo na sa mesa sa kusina..

"Yaya .. Whats for breakfast?.." tanong ng dalaga..

"Ha?.. Wala pa eh.. Di ko naman alam na magigising ka ng ganitong kaaga.. Teka.. Bakit ganyan ang suot mo?.." tanong ng yaya..

NApangiti na naman ang dalaga..

"Baket po?.." tanong nya..

"Kitams?.. Ang ganda ganda mo talaga kapag nag aayos ka..Bagay sayo yang bestida.." nakangiting puna ng yaya..

LAlong lumawak ang ngiti ni Hannah..

"Ay pero bakit naka bota ka?.. Hala.. Anu yan?.." puna nito sa suot boots ng dalaga.

"Trending to yaya.." kindat ng dalaga..

Kumunot ang noo ng yaya pero napailing na lang..

"Hala.. Eto ang almusal ko.. Sinangag at daing lang to..Kumakain ka ba nito?." tanong ng yaya sa dalaga..

"Ofcourse yaya.. " tila natakam si Hannah..

Hinandaan ni Yaya ng pagkain ang dalaga .. Halos maglaway si Hannah..

"Hala..Dahan dahan at baka tumaba ka.." puna nito..

"Wapakels yaya... Sarap sarap eh.. From now on heavy meals lagi ang breakfast ko.. Minsan lang po akong humiling.." sabi ng dalaga sa pagitan ng pagsubo..

"Oo na, oo na... Tumawag ang nanay mo kahapon.." sabi ni Yaya..

"Po?.. Anu pong sinabi?.." tanong ng dalaga.

"Syempre nagtanong kung nasaang lupalop ka.. Di ko naman masabi dahil di ko rin alam..Teka nasan ka bang bata ka kagabi ha?.." tanong ni Yaya..

Muling naalala ni Hannah ang mga pangyayari..

Napasimangot sya ng maalala ang kaibigang si Cynthia pero agad ding napalitan ng ngiti dahil kay Aldrin..

"Sa schoolmate ko po... Nag sleep over ako.. Tatawag sana ako pero nalowbat cp ko.. Di ko naman kabisado numbers dito eh..." palusot ni Hannah..

Kinagat naman ito ng Yaya nya..

Matapos kumain ay ay nagselpilyo ang dalaga at nagpaalam na sa yaya nya..

"Oy.. Ang aga pa o.. Diyos ko iha.... 9AM ang pasok mo ... 6:25AM pa lang !.." paalala ni Yaya ..

NAtigilan ang dalaga at napatingin sa sariling relos..

Oo nga..

Maaga pa sya.. Halos tatlong oras..

Pero wapakels..

"Okay lang yaya.. Mag rereview na lang po ako.." sambit ng dalaga at hinalikan na sa pisngi ang yaya nya..

Napapailing naman ang matandang katiwala..

Abala sa paghuhugas ng kotse ang driver nila.. Nagulat ito ng makita ang ayos ng dalaga..

"Hanep.. Eh kung ganyan ka ng ganyan eh di hakot na naman ang mga manliligaw mo?.." nakangiting sabi ng driver..

"Si kuya talaga.. Okay na po ba yang kotse?.. Parang feel ko pong mamasyal muna saglit.." nakangiti pa rin ang dalaga..

Tila naka dikit na ang pisngi nya at ayaw ng bumalik sa dati..

"Aba oo naman.. Binanlawan ko lang ito kasi di nga nagagamit eh. Wala lang akong magawa.. Hintayin mo ako't magpapalit lang ako ng damit.." sabi ng driver sabay takbo papasok..

Ilang minuto lang ay nakaayos na ito at inaya na ang dalaga...

Binuksan ang pinto sa likod pero umiling si Hannah..

"Kuya.. Dito ako sa harap.." sabi nya..

"Ha?... Bahala ka na nga ... Batang ito.." tumatawa ang matandang driver..

Pumasok na silang dalawa sa kotse at binuhay na ng driver ang makina.. Bumusina ito ng ilang beses at tarantang lumabas ang yaya ni Hannah..

"Aysus.. Akala ko naman kung anu na Berto.. Teka.. Hannah ikaw ba yan?.. Himala at nagkotse ka ?.." tanong ni Yaya..

"Aysus na matandang ito.. Pagbuksan mo na nga kami ng gate at baka magbago pa ang isip nitong batang ito.. Hala.. Move away.." pa kengkoy ng driver..

Tumatawa lang ang dalaga ..

Iiling iling na binuksan ng yaya ang gate at masayang kumaway sa alaga nya at inirapan ang driver..

Sa bahay ni Aldrin ay paikot ikot lang sya sa kama..Kanina pa sya gising at nakatitig lang sya sa kisame..

Kanina pa nababanat ang pisngi nya dahil sa kangingiti ..

"I miss you already na.." bulong nya at tumitig sa kisame..

Iisang babae ang laman ng isip nya..

"Anu kaya ang ginagawa mo?..Malamang tulog pa sya.. Malamang nag hihilik... Ahihihi.." tawa ni Aldrin sa sarili..

Di na sya makatulog talaga kaya nagpasya na syang maligo at maghanda sa pagpasok..

Nagulat pa si Alona ng makita ang anak na nagtitimpla ng kape sa mesa..

"Aba... Tinalo mo pa ako ah... Anung nakain mo at ang aga mong nagising?..Super early bird ka na anak.." biro ni Alona sa anak..

"Wala pa nga po akong nakakain Mom eh.. Kaya kape kape muna.." sagot ng binata..

Tumawa lang ang ina at nagsalin na rin ng kape..

Pero biglang nagseryoso si Alona at tumitig sa anak..

"Anak.. " seryosong sabi ni Alona.

"Mom.." sagot ni Aldrin..

"Kape ka ba?..." tanong ng ina..

Nagtaka ang binata at nagsalubong ang kilay?..

"Baket?.." tanong nya..

"Kasi , ang english ng kotse ay car.. !. BOOM !.." sigaw ni Alona at nakipaghigh five sa anak..

Natulala si Aldrin at napatigil ang paghigop sa kape... Bigla syang tumawa at halos masamid samid na sya sa init nito.. Tila may pumasok pa sa ilong nya pero tawa pa rin sya ng tawa..

"Hanep Mom.. Pumipick-up ka?... Wahahaahaha.." tawa ng tawa ang binata..

"Eh napanuod namin ni Aly kagabi.. Wait mo Daddy mo.." tawa din ng tawa ang ina..

Masaya silang kumain mag ina ng maramdaman nila ang pagpasok ng Padre de Pamilya..

Napatingin ang mag ina at natigil ang kwentuhan..

Seryosong seryoso ang mukha ni Nestor ...

"Loves.. Penge naman ng coffee.." lambing nya sa asawa at naupo sa upuan nya..

"Morning Dad.." bati ni Aldrin sa ama..

Pero di sya nito sinagot..

Nagtaka ang binata ..

Tumikhim si Nestor at tinitigan ang anak..

"Anak.." seryosong sabi nya..

"Dad.." binaba ni Aldrin ang kape.. Natuto na sya.. Hinanda ang sarili..

Huminga ng malalim ang Ama at napatingin sa Kabiyak na seryoso ding nakatingin sa kanya..Muli nyang binalik ang tingin sa anak..

"Computer ka ba?.." banat ng tatay..

Napakapit ang anak sa mesa at seryosong tumitig sa ama..

"Baket?.." tanong nya..

"Kasi..Mataas na ang gasolina ngayon..." banat ni Nestor..

Biglang napapalo sa lamesa si ALona..

"Gets ko yan DAd !.." sigaw nito at tinuro ang dibdib at sabay turo sa asawa..

Naghigh five ang mag asawa..

"BOOM !.." sabay nilang bigkas..

Napatingala si Aldrin at napanganga..

"Diyos ko po.. Nawa'y wag akong magmana sa dalawang ito.." dalangin nya pero binatukan sya ng nanay nya..

Sa eskwela .. Dumiretso agad si Hannah sa kubo..Namangha ang dalaga dahil tapos na nga ito..

May nakapaskil na Private Property sa harap at napatili ang dalaga..

Nagtatalon sya at tumakbo sa loob..

Lalong namangha ang dalaga ng makita ang layout ng loob ng kubo..

Kumletos rekados..

MAy Computer.. TV, Component at Mini Ref..

May malaking mesa sa gitna at napapalibutan ito ng apat na nagtataasang upuan..

Bawat upuan at may tatak ng apat na alas sa sandalan..

Heart, Diamond, Clubs at Spade.

Napangiti ang dalaga sa elegance at kaastigan ng loob...

"Cool.. Bilib na talaga ako sa mokong na yon.." hangang hanga sya..

Napatitig sya sa apat na tila upuan ng mga hari..

"San kaya kay Potpot dito?.." tanong ng dalaga..

Nag mini mini mayni mo..

Bumagsak sa upuan na may korteng puso ang nakatatak sa sandalan..

Napangiti ang dalaga at naupo..

Napapikit sya sa kalambutan at pagiging komportable ng pakiramdam..

"Ay.. anu to?.." tanong ng dalaga..

Nakita nyang may parang kambyo sa gilid ng upuan at ng hatakin nya ito ay napahiyaw sya..

Biglang umatras ang upuan at tila naging kama..

Tawa ng tawa ang dalaga..

"Azzteeeeg..." tili ni Hannah..

Papasok pa lang ng eskwela si Aldrin... Napapailing pa rin sya at tila tumatayo ang balahibo sa nangyari kaninang almusal sa pagitan ng kanyang mga magulang..

Hindi ito tumigil sa kakapickup sa harapan nya kaya wala na lang syang nagawa kundi tumawa ng tumawa..

Ang sakit sakit ng panga nya kanina..

Sinulyapan ng binata ang relos at napangiti..

"Sa kakaisip ko sayo ... Ang aga aga kong pumasok.. " biro ng binata at tinahak na ang daan patungo sa kubo..

Napangiti sya ng maluwang na makita ang resulta ng pinagsama sama nilang ideya ng mga kaibigan nya..

Ang kubo ng mga alas...

Tila nag aanyaya ito ng kahit na sino upang pag pahingahan..

Pero eksklusibo lang ito para sa kanilang apat.. At para sa kanilang mga reyna..

Napangiti na naman ang binata ng maalala ang reyna..

Hannah..

Kinilig ang binata at nagmadali ng pumunta sa kubo..

Papasok na sya ng mapatda..

NAsa loob ang laman ng isip nya..

Nagulat si Hannah ng biglang may lumitaw sa pinto..

Ang kanina pang laman ng isip nya..

Tulala din si Aldrin na nakatitig lang kay Hannah..

Bigla, sabay silang nagbaling ng tingin sa labas..

Mahabang katahimikan ang naganap..

Ilang saglit pa ay tumikhim si Aldrin..

"Aga ah.." bati nya sa dalaga..

"Oo eh..Can't sleep.." biro ng dalaga..

"Ako rin.. " sabi ni Aldrin..

Napangiti silang sabay at nagkatitigan..

"I miss you.." bulong ni Aldrin..

Tila naging musika ito sa pandinig ni Hannah..

"I m-miss you too.." bawi ni Hannah sabay tingin sa labas..

Tumawa ng mahina si Aldrin at dumiretso sa ref..

"Langya.. Wala pa palang laman.." sabi nya.

"Ang ganda nito.. Salamat at may pribilehiyo akong makapasok dito.." sabi ni Hannah.

"Ofcourse.. Because your one of the owner of this house..." nakangiting sabi ni Aldrin..

Namula ang dalaga sa pagkakatitig ng binata..

"Your so beautiful.." bati ni Aldrin sa dalaga..

Tila naging bato naman si Hannah at napatayo..

"Ah.. What time ang pasok mo?.." tanong ni Hannah..

Tumawa ng mahina ang binata ..

"9.." sabi niya..

NAtawa naman ang dalaga at tiningnan ang orasan...

"Its only 7:30 Am..Wow so early?.." tanong ng dalaga..

"Told ya.. Can't sleep.. Im thinking of someone.." titig ni Aldrin kay Hannah..

Parang dinaanan ng sangkaterbang langgam ang katawan ni Hannah.

"Huuss." sambit nya..

Natawa silang pareho at napangiti sa isa't isa..

"Kaw?.. Oras ng pasok mo?.." tanong ng binata kahit alam nya naman..

"9: AM sharp.." nakangiting sabi ni Hannah..

Nagkatitigan sila at sabay na tumawa ng malakas..

Napuna ni Aldrin ang pwesto na napili ni Hannah..

"Bakit ka dyan umupo?.." malungkot na sabi ng binata..

Nataranta ang dalaga..

"Ay.. Di ba sayo to?.. Sorry.. Ewan ko.. Parang instinct na lang na umupo ako dito..Sorry talaga.. SAn ba upuan mo?.." tanong ni Hannah..

Malungkot na lumakad si Aldrin papunta sa upuan na may tatak na clubs.. Nanlaki ang mga mata ni Hannah.

"Sorry.. Dyan ka ba?.." tanong ng dalaga..

Ngumiti ang binata at tumawa ng malakas..

"Hinde noh.. Si Rhoi dito.. Yang Diamond ay kay Darius at alam naman nating Spade si Romeo dahil masama ugali non.." tawa ng tawa si Aldrin pero pinagpapalo sya ni Hannah..

"So tama ako.." nakangiti at tila proud na sabi ni Hannah..

"Yeah.. Nakapagtataka.. Apat lang kaming nakakaalam ng ibig sabihin ng apat na tatak ng alas para sa amin.. Pero paano mong nahulaan?.." tanong ng binata..

"Wala.. Pumikit lang ako tapos dinala na ako ng mga paa ko dito.. TAma ako.. Tama ang paa ko.." sabi ni Hannah sabay tawa..

"Ay mali.. Tama ang isip ko pala.. Diniktahan nya ang paa ko .." dagdag ni Hannah..

"Di kaya puso mo ang nagdikta sa utak mo na diktahan ang paa mo na dalhin ka dito?.." nakangiting paliwanag ni Aldrin..

Biglang nag blush ang dalaga at kinurot ang binata..

"Ikaw ha.." sabi ng dalaga..

Nagkatitigan sila at nagtawanan..

Naupo sa trono nya si Aldrin at nagdekwatro... Umastang parang konde..

Namangha naman si Hannah sa angas ng itsura ni Potpot..

"Ang angas mo .. " sigaw ni Hannah..

Tumawa naman ang binata .. Tinapik nya ang malapad na arm chair..

Napatigil si Hannah sa pagtawa at tinitigan ang binata..

"Baket?.." tanong ng dalaga..

"Your my queen.." bulong ng binata..

Lalong namula ang dalaga..

"And your my king?." tanong ni Hannah..

"No.. Im your Ace.. Your servant and the one who lov-" pinutol ni Aldrin ang sasabihin at tila nasamid..

"My what?.. " ngiting ngiti si Hannah.

"Secret.." kindat ni Aldrin..

Tawa ng tawa ang dalawa.

Lumapit ang dalaga at naupo sa tabi ng binata..

"Ang aztig talaga nito.. PAra akong VIP dito.." humahangang sabi ni Hannah..

"Masanay ka na.." nakangiting sabi ng binata..

Nagkatitigan sila at muling nag ngitian..

Tila naging napakabagal ng oras sa piling ng dalawa..

Simpleng usapan pero tila naging napakagaan at napakatamis ng paligid..

Ilang oras pa at biglang tumunog ang bell..

Biglang napamura ang ng marahan si Aldrin gayun din si Hannah..

Tila nagising sa malalim na panaginip ang dalawa at tarantang naghiwalay ..

Sabay silang lumabas ng kubo at tumigil sa mismong harap..

Nagpakiramdaman sila..

Ilang saglit na katahimikan at binasag ito ni Aldrin.

"Hannah." seryosong tanong ng binata..

"Yes.?.." nakangiting tanong ng dalaga..

"Magnanakaw ka.." sumbat ng binata..

Nabigla ang dalaga .. Tila kinurot ang puso nya..

"B-baket?.." halos maiyak ang dalaga sa masakit na sinabi ng binata..

"Because you stole my heart.." malakas na sabi ni Aldrin..

Biglang tila tumigil ang pagtibok ng puso ng dalaga.. Namuo ang mga luha sa mga mata nya at napatakip sya sa bibig nya...

Nagkatitigan lang sila ng binata...

Tila mabagal na gumalaw ang oras..

"A-aldrin.." tanging nasabi ni Hannah.

PEro biglang may humiyaw sa likod..

"Gets namin yan Boy Pickup !.." sigaw ni Darius..

"BOOM !!!.." sabay sabay na sigaw ni Darius, Rhoi at Romeo..

Nagkatawanan ang apat na magkakaibigan..

Si Hannah at tila tulala pa rin .. Pinagmamasdan ang pagkukulitan ng apat na poging..

Biglang may kumapit sa braso nya..

Paglingon nya ay ang nakangiting mukha ni Krissia ang nasilayan nya..

"Hay nako.. Masanay ka na.. Ako nga halos manhid na sa kalokohan nyang mga yan.." nakangiting sabi ni Krissia..

Tulala pa rin si Hannah pero bigla na rin syang sumabog sa katatawa..

"Hala.. Ngayon mo lang na digest?.." biro ni Krissia..

"They're all cute.." nakangiting sabi ni Hannah..

"Yeah.. But also arrogant and stubborn.. Pero lahat sila may busilak na puso.." nakangiti ring sabi ni Krissia..

Napatitig si Hannah kay Aldrin na kausap ang mga kaibigan nito at tawa ng tawa..

Napatingin din sa kanya ang binata at ngumiti..

"Gets ko na!.." nakangiting bulong ng dalaga..

"Buti nga nandito ka na.. May katulong na akong magsaway sa mga pasaway na yan.." nakasimangot na sabi ni Krissia..

NAgtawanan ang dalawang dalaga at lumapit sa mga lalake..

Muling nagkatitigan sina Aldrin at Hannah..

"Boom !.." bulong ni Hannah sa tenga ni Aldrin..

Ngumiti naman ng maluwang ang binata..

Boom !..


ITUTULOY !!!