1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 30 - Ms. Understanding
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 30 - Ms. Understanding

By supertoyantz ·

Chapter 30 - Ms.Understanding

( Libreng Droga )

Inuga ni Alona ang anak..

"Anak kakain na.." masuyong gising ng ina.

Nagulat sya ng makitang basa ang paligid ng mga mata ng anak..

Nakaramdam ng awa ang ina ..

Batid nyang may pinagdadaanang problema ang anak at ang kasintahan nito.. Ayaw nya namang makialam..

Napabuntong hininga si Alona at muling inuga ang anak..

"Anak.." lambing ni Alona.

Umungol si Aldrin..

Dahan dahang nagmulat ng mga mata.

"Angel ka ba?.." biro ng binata..

Napahagikgik ang ina..

"Anak... Kain na tayo.. " aya ng ina..

Nag inat ang binata sabay dahan dahang bumangon..

"What time is it Mom?.." tanong ni Aldrin..

"It's past seven na anak.." sabi ng ina..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin.

"Holy cow !.. Sorry mom.. Sa labas na lang po ako kakain..May lakad po ako.." nagmadali si Aldrin na tumakbo sa banyo..

Nagtaka si Alona..

Hinintay nyang makalabas ang anak..

Hinalungkat nya ang drawer ng anak para maghanap ng gagamitin nito..

Habang naghahanap ng briefs , may nakapa syang matigas na bagay sa bandang ilalim ng mga damit..

Hinugot nya ito at napakunot noo sya ng makita ang brown na kahon..

Binuksan nya ito..Muli syang nagtaka.. Kwintas na gawa sa sinulid..Hinawakan nya ang papel na nakasabit... Napangiti sya ng mabasa ang pangalan ni Lelay.

Agad na binalik ng ina ang kahon at humugot na ng brief..

Saglit lang naman ang tinagal ni Aldrin sa paliligo..

Malamig kasi ang tubig..

Nakatapis ng twalya, patingkayad syang lumabas ng banyo..

NAabutan nya ang ina na tinitiklop ang ginamit nyang kumot sa pagtulog..

Natawa ang ina..

"Hala.. wala ka pa ata sampung minuto ah.." pang aasar ni Alona..

Natawa naman ang binata ..

"Mom, bihis lang po ako.. " sabi ni Aldrin..

Napabungisngis ang ina..

"Naks.. Dati nagpapabihis ka ah.." biro ni Alona..

Nagtawanan ang mag nanay..

Palabas na si Alona ng may maalala..

"Anak.. may Pera ka pa ba?.." masuyong tanong ng ina.

Tumango ang anak sabay thumbs up..

Isasara na lang sana ni Alona ang pinto ng muling may maalala..

"Anak.. Walang perpektong relasyon.. Minsan talaga, kailangan mong masaktan para malaman mo ang kahalagahan kung paano ang magmahal.. Syempre naranasan mo na ang masugatan ang puso mo.. Natural, kung mahal mo ang partner mo.. Di mo hahayaang maranasan nya ang mga naranasan mo.. Give and Take ang relasyon anak.. Dapat matuto kang magbigay ng di umaasa ng may matatanggap ka..Ganyan ang wagas na pag ibig.. Di na kita masyadong napapagsabihan kasi alam kong matalino kang bata.. Anyway.. May isashare ako sayo kung maaga kang makakauwi.. It's all about Hannah's Mother.. and family.." kumindat pa ang ina..

Natouch si Aldrin..

Nakangiti pa rin sya kahit na nakaalis na ang ina.

Madalian lang syang nagbihis.

Pagbaba nya naabutan nyang kumakain ang pamilya nya..

Isa isa nya itong pinaghahalikan..

"Aba.. Ang bango ng anak ko ah.." puri ni Nestor.

Niliyad ni Aldrin ang dibdib.

.

"Pawis lang yan Dad.." pagyayabang nya.

Nagtawanan ang mag ama.

"Ang sangsang ng perfume mo kuya.. " pang aasar ni Aly pero napatili ito ng agawin ni Aldrin ang ulam na manok..

Natawa ang ina..

"San ang lakad anak?.." tanong ni Nestor.

Ngumiti ang binata .. Pero di ito umabot sa tenga nya..

Napansin ito ni Alona pero tahimik lang syang sumusubo.

"Date dad.. Have to go.. Baka sabihin late comer ako.." sabi ni Aldrin sabay mabilis na dinampot ang ulam ng bunso...

Gigil na gigil si Alyssa..

"Anong oras ang Date nyo anak?.." nakangiting tanong ng ina..

Napatingin si Aldrin sa relos sabay nanlalaki ang mga matang tumakbo papuntang pinto..

"7:00 Mom !.." sigaw nya..

Narinig na lang nila ang pagbukas-sara ng gate..

Napatingin ang ama sa sariling relo..

"7:45.. Di pa daw sya late.." naiiling na sabi ng ama..

Nagtawanan ang pamilya at muling pinagpatuloy ang pagkain..

Hingal si Aldrin na dumating sa park..

Agad nyang naaninag si Bea na nakatingin sa kawalan..

Naguilty ang binata .. Dahan dahan nyang nilapitan ang dalaga at pumwesto sa likuran nito..

Tinakpan nya ang mga mata nito at nag boses engkanto..

"Anong ginagawa mo dito babae?.." boses engkanto na sabi ni Aldrin..

Napabungisngis si Bea..

"Naghihintay lang po ng ka date.." pagsasakay ng dalaga..

Napangiti si Aldrin..

"Eh anong oras na.. Mukhang di na sya dadating.." boses engkanto pa din..

"Kahit na.. Maghihintay pa rin ako.." determinadong sabi ni Bea..

Lalong na guilty si Aldrin..

Tinanggal nya ang kamay sabay tumabi kay Bea sa bench..

"S-sorry.. Nakatulog ako.." pagdadahilan ng binata..

Napangiti ng matamis ang dalaga..

"Its ok.. Kahit abutin ka pa ng alas dose.. Hihintayin kita.." sabi pa ni Bea..

Napangiti ng malungkot si Aldrin..

"Eh kung 12:01?.." biro ng binata..

Napabungisngis ang dalaga..

"Ah ibang usapan na yon. !" biro din ni Bea..

Nagtawanan sila..

Tumayo si Aldrin at pinagpag ang pwet... Inabot nya ang palad sa dalaga..

"Let's go." aya ng binata..

Maluwang ang pag ngiti ni Bea sabay abot sa palad ni Aldrin..

Nagkatitigan pa sila..

Magkahawak kamay nilang nilakad ang dati nilang pinagkakainan..

Same spot..Umorder si Aldrin..

Habang sinasabi sa waiter ang order.. Nakatitig lang si Bea sa binata..

Miss na nya ito. Aminado syang kasalanan nya kung bakit sila naghiwalay kaya hanggat kaya pa nya.. Babawi sya..

Nakaalis na ang waiter at napatingin si Aldrin sa dalaga..

Automatikong lalong naging matamis ang ngiti ni Bea..

"Parang nakaglue yung ngiti mo ah.." biro ni Aldrin..

Natawa ng mahina ang dalaga..

"Ofcourse.. I am with someone so special to me.." sabi ni Bea..

Napangiti din si Aldrin..

"That's my line.. 2 years ago.." sabi ng binata..

Nagkatitigan sila.

"Yes.. I remember it all.." sabi ng dalaga..

Katahimikan..

"Then why you left me?.." mahinang tanong ni Aldrin..

Kumalat ang lungkot sa mukha ni Bea..

Eksaktong dumating ang waiter..Nagpasalamat ng lihim ang dalaga..

Tulad ng dati.. Maasikaso sa pagkain si Bea.. Panay ang subo nito sa binata.. Malambing ito nuon pa pero parang lalo itong naging malambing..

Pag tinitigan nya naman ito.. Laging matamis na ngiti ang isasalubong sa kanya..

Napapangiti na lang din si Aldrin ng wala sa oras..

Pilit nyang pinakikiramdaman ang sariling damdamin..

Sa mga oras na ito.. Parang nais nyang malipat ang feelings nya kay Hannah papunta kay Bea.. Masakit ang loob nya sa kasintahan..

"Anung dessert?.." nakangiting tanong ni Aldrin..

Napalabi ang dalaga.. Nilagay ang hintuturo sa kanang sentido.. Mannerism nito pag nagiisip.. Cute na cute si Aldrin dito nuon.. Hanggang ngayon..

Di nya mapigilan ang mapangiti..

"Ayaw ko dito.. Dun tayo sa resto nyo.." nakangiting sabi ng dalaga..

Natawa si Aldrin.

"It's past 9 na .. Alam mong 9 magsasara yung resto.. Then babyahe pa tayo so baka si Manong Gibo na lang madatnan natin.." sabi ni Aldrin na ang tinutukoy ay ang loyal nilang security guard sa panggabi..

Natawa din ang dalaga..

Napatingin sya sa paligid..Parang nakakita ng kung ano, bigla itong nagtuturo..

"Ayun ayun !..Balot !.." impit na sigaw ng dalaga..

Natawa si Aldrin.. Tumango tango..

"Okay okay.. Let's go?.." aya ni Aldrin..

Tumango ang dalaga at inabot ang nakalahad na palad ng binata...

Palabas na sila ng muling bumalik si Aldrin sabay nag iwan ng bayad..

Bungisngis si Bea..

"Kaw ha.. Mag 1,2,3 ka na naman ..Para kang si Romeo eh.." biro ni Bea..

Natawa si Aldrin..

Inakay nya ang dalaga papunta sa malapit na park sabay nilapitan ang tindero ng balut..

Napasinghap si Bea ng makitang napakagwapo ng tindero ng balut.. Nanlalaki naman ang mga mata ni Aldrin..

"I-ikaw?.." sabi ng binata.

Ngumiti ang tindero.

"Yup.. Sideline sir.." sabi ng tindero.

Napatango si Aldrin...

Humigpit ang kapit ni Bea sa braso ng binata dahil parang tumatagos ang tingin ng tindero ng balut sa katawan nya..

"Pre dalawa... " sabi ni Aldrin..

Agad na kumuha ang tindero ng dalawang balut.. Natawa pa si Aldrin dahil nakasupot na ito agad..Pati sawsawan ready na..

"Hanep.. Parang alam mong darating kame ah.." biro ni Aldrin..

Tahimik lang si Bea..

Natawa naman ang tindero..

"Tae ka.. Syempre dapat prepared ako... Sige na.. Layas na kayo.. Dun oh.. May nakita akong bakanteng bench don.. Shoo.." pagtataboy ng tindero..

Nagtawanan ang dalawang binata..Inabutan ni Aldrin ng pera ang tindero pero tumanggi ito..

"Libre na pre.. Schoolmate tayo eh.." palusot ng tindero..

Napangiti si Aldrin..

"Salamat ha.. Syangapala pre.. Aldrin.. And this is Bea.." pakilala ni Aldrin..

Napangiti ang tindero .. Inabot ang sariling palad sa binata..

"Totoy na lang pre.. Wag mo ng tawanan .. Alam kong pangit.." nakangiwing pakilala ng tindero..

Napahalakhak bigla si Bea..

"Ngek.. Ang pogi tapos panget ng name.." biglang banat nya..

Napakamot si Totoy sa batok..

"Hala layas !.. Sabi na eh..Dun na nga kayo at magparami.." biro ni Totoy..

Natawa si Aldrin.. Nag blush naman si Bea..

Pabirong tinapik ni Totoy ang balikat ni Aldrin..

"Sige na pre.. " paalam ng binata..

Nauna na si Bea sa bench na tinuro ni Totoy...

Tatalikod na lang sana si Aldrin ng muli nyang lingunin si Totoy..

Kataka takang nakatitig lang din ito sa kanya.. Nakangiti..

"Pare.. Mag ikot ikot ka para kumita ka.. Hindi yung nandito ka lang.." biro ni Aldrin..

Natatawang tumango si Totoy..

Pero bigla itong sumeryoso..

"You don't know what your doing pare.. You were meant to hurt each other.. If I were you... I will stop the moment na makauwi kayong dalawa ngayong gabi.. Past is past and you have your present.. You have to believe in her.. You have to love her.. And you have to trust her.. If a relationship loses trusts, then there is no true love in it.. And when there is no true love, therefore, I can say that there is no relationship either.. Learn how to trust your partner.. " nakangiting bilin ni Totoy..

Napanganga si Aldrin..Nilingon nya si Bea na kampanteng nakaupo at nilalantakan ang balut..

Muli nyang nilingon si Totoy..

"Are you talking to her?.." tinuro ni Aldrin si Bea...

Ngumiti si Totoy sabay umiling..

"Kilala mo kung sino ang tinutukoy ko pare.. Wag kang mag tanga tangahan.. Wag mong gamiting dahilan ang isang masakit na pangyayari para saktan din sya.. " pangaral pa ni Totoy..

Lalong nalito si Aldrin.. Di nya maintindihan ang kalahati ng sinabi nito..

"Wala akong balak saktan si Lelay.." bulong nya..

Pero tumawa si Aldrin..

"Pero nasaktan na sya.. Alam ko ring nasaktan ka.." sabi ni Totoy..

Lalong naguluhan si Aldrin..

"Nasaktan sya?.. How?.. Eh ako nga yung nasaktan nung nakita ko sila ni Estong !.." pilit kinokontrol ni Aldrin ang emosyon pero parang ilog itong umaagos..

Nagseryoso ulit si Totoy..

"Sinong may kasalanan?.." nakangising tanong ni Totoy..

Nakaramdam ng galit si Aldrin..

"Ako pa?.. Ako pa ang may kasalanan.?.. Kung magaling ka.. Simpleng aritmetik lang yun eh.. " singhal ni Aldrin..

Ngumisi si Totoy..

"Nagtanong ka ba?.. " banat nito..

Napanganga si Aldrin.. Pahiya sya pero gusto nyang ipinpoint na sya ang nasaktan..

"Wag mo kasing ingudngod sa kanya na nasaktan ka.. Sinasampal mo sa mukha nya ikaw ang niloko?.." banat pa ni Totoy..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin..

Tumawa ng parang baliw si Totoy..

Napatingin si Aldrin.. Nangingilid na naman ang luha sa kanyang mga mata..Ayaw man nyang aminin pero tama ang lahat ng sinabi ng kaharap..

Tinapik ni Totoy ang balikat ni Aldrin..

"We will see each other soon.. Yung mga sinabi ko.. Ituring mong guide yon.. Wag mong masyadong seryosohin kasi nabasa ko lang sa magazine yon pre.. Dun ka na sa chix mo.. Naubos na nya yung balot o.. " biro ni Totoy..

Natawa ng mahina si Aldrin..

Nagpasalamat sya sa tindero ng balut sabay nilapitan ang dalaga..

Tama si Totoy.. Last na yung balut na nilalantakan ni Bea..

"Ay.. Sorry Al.. Ang sarap eh.. Parang ibang klaseng balut to.. " nahihiyang sabi ng dalaga..

Natawa si Aldrin..

"Sige bibili pa ko.." sabi nya..

Paglingon nya nagtaka sya dahil wala na si Totoy..

Nagkibit balikat na lang ang binata at tinabihan ang dalaga..

Lumabas sa CR ng restaurant si Hannah..

Nilapitan nya ang kaibigan na si Cynthia na abala sa pagkain..

Pasalampak na naupo ang dalaga sa tapat ng kaibigan..

NAtawa si Cynthia sa reaksyon ng mukha ni Hannah..

"Oy... Para kang natalo sa sugal ah.. Sabi ko nga sayon.. Baka naiwan mo sa kotse ni Estong.." sabi ng dalaga..

Napalabi si Hannah.. Tama nga siguro ang kaibigan..

"Ang huli kong naaalala.. Im trying to make contact to Potpot eh.. Nasa kotse lang ako ni Estong habang dial ng dial... Ewan ko ba.. May sira ata yung phone ko .. Di ko na makontak si Potpot lately.. Papalitan ko na nga..Hmmp !.." asar na sabi ni Hannah..

"Tawagan mo si Estong oh.." inabot ni Cynthia ang sariling cellphone kay Hannah..

Napasimangot si Hannah..

"Di ko kabisado number ng kolokoy na yon.. Pero baka nga naiwan ko yung phone ko sa car nya.. Hay nako.. Baka tawag na ng tawag si Potpot eh.. Kainis kasi !..ang tanga ko !.." sabi ng dalaga..

Nagpapapadyak pa sya sa sahig..

Natawa si Cynthia at mabilis na inubos ang pagkain..

Uminom lang ng pineapple juice..

"Hoy babae.. Di mo na naubos yang carbo mo.." sabi ni Cynthia..

Napanguso si Hannah..

"Sa bahay na lang ako kakain sis.. Inis na ko.. Si Lolo uwian natin ng pasalubong.. " sabi ng dalaga..

Napangiti si Cynthia..

Magkahawak kamay silang lumabas ng magarang restaurant sa loob ng mall..

Naglakad lakad ang dalawa..

Nag iisip at tumitingin tingin sa paligid ng maaaring ipang pasalubong sa Lolo nila..

"Ay wala dito..Dun tayo sa park.. Bili tayo fishballs.." yaya ni Hannah..

Tumango si Cynthia..

Naglakad lakad sila.. Sa malas.. Walang makitang fishballs ang dalawa..

"Kainis.. Dapat meron dito eh.. Alam ko meron dito .." sabi ni Hannah..

Natawa si Cynthia..

"Ayun sis.. Yun na lang kaya?.." turo ni Cynthia..

Napalingon si Hannah.. Napangiti din ang dalaga..

"Ay pwede yan.. Magugustuhan ni Lolo yang isaw isaw.. Dali sis habang wala pang tao.. Mamaya maglalabasan na yung employees ng mall , for sure dudumugin yan.." excited na sabi ni Hannah..

Nilapitan nila ang tindero ng isaw ..

"Manong.. Alin po pinakamasarap?.." tanong ni Cynthia..

Natawa ang tindero.. Nag alis ito ng suot na bull cap..

Napanganga ang dalawang dalaga.. Nagkatinginan pa sila...

"Lahat yan masarap.. Alangan namang laitin ko tinda ko?.. Heller?.." biro ng tindero..

Natawa ang dalawa..

Di maalis ni Cynthia ang tingin sa tindero.. Pasimple na syang kinurot ni Hannah..

"Hoy sis.. Halos maglaway ka na ah.." biro ni Hannah..

Napahiya naman si Cynthia.

"Oy bibili ba kayo?.. Better buy now or else di na kayo makakapili kasi maglalabasan na yung mga nag tatrabaho sa mall..Pati dun sa katabing call center building.." sabi ng tindero..

Parang nagising sa pagkakatulog si Cynthia at pacute na nag tuturo..

"Ito sis.. Tsaka ito.. Eto mukang masarap.." halos ituro na nito ang lahat..

Natawa si Hannah pati yung tindero..

"Eh kung iplastik ko na lahat ?.." biro nung tindero..

Nahiya naman si Cynthia..

"Eto naman .. Buti nga marami kaming bumili eh.. " taray ng dalaga..

Napabungisngis si Hannah..

"Baket nagrereklamo ba ko?.. At tsaka.. Kaya mo bang kainin yung ulo ng manok?.." parang naghahamon na sabi ng tindero..

Napalabi ang dalaga.. Si Hannah di napigilan ang pagtawa..

"Sige na.. Alin ba dyan pinakamasarap?.." tanong ni Hannah..

Sinalang ng tindero ang pinakamasarap nyang tinda..

Pinaypayan ito at pinahiran ng mantika..

Nanuod naman ang dalawang dalaga..

Mula sa kung saan naglabas ang tindero ng dalawang upuan.

"Oh.. Baka sabihin nyo di ako gentleman.." biro ng tindero..

Natawa ang dalawang dalaga at tinanggap ang upuan..

Habang pinapanuod nila ang pag iihaw ng tindero pasimple nilang tinitigan ang mukha nito..

"Gwapo no?.." bulong ni Cynthia..

Napahagikgik si Hannah..

"Ikaw basta gwapo ang bilis ng radar mo.. Pero in fairness naman .. Totoong gwapo nga.. Pwedeng mag commercial model yan eh.. O kaya artista.." bulong din ni Hannah..

Napatingin ang tindero..

"Bubuyog ba kayo?.. Kayo kayo lang nag kukwentuhan.. Share share din.." biro ng tindero..

Natawa ang dalawang dalaga..

"Anung name mo?.." tanong ni Cynthia..

Nakurot ni Hannah ang kaibigan ng palihim.. Pero di nagpatinag si Cynthia..

Napangiti at parang nahiya ang tindero..

"Pwera lait..?.." parang nahihiyang sabi nito..

Nagkatinginan ang dalawang dalaga.. Sabay pang tumango..

Bumuntong hininga ang tindero..

"T-Totoy.." mahinang sabi nito..

Natulala ang dalawang dalaga.. Pagkuwa'y sumabog bigla sa tawa..

Nilakasan ni Totoy ang pag paypay dahilan para lumaki ang usok..

Natatawang lumayo ang dalawang dalaga..

"Aahahaha... Akala ko naman Mark o kaya John.." pang aasar ni Hannah..

"Pwede ngang Peter o kay Dwight. Pwede ding Jake or Paul.. Pero Totoy?.. " dagdag pang aalas ni Cynthia..

Nagtawanan ang dalawang dalaga na parang wala ng bukas..

Nakasimangot si Totoy na pinapunta sa dalawang dalaga ang usok..

Tawa ng tawa sina Hannah na umiiwas...

"Sorry.. Joke lang .. Ito naman.. " pigil ni Hannah ang pagtawa..

"Sorry na Totoy Putotoy.." lalong silang nagtawanan sa sinabi ni Cynthia..

Napakamot na lang si Totoy..

Ilang saglit pa humupa na din ang tawa..Muling naupo ang dalawang dalaga..

Binalot na ni Totoy ang inihaw nya sabay abot kay Hannah..

"Oh.. Pati sawsawan andyan na.. Specially made by Totoy Putotoy.." pagsakay ni Totoy sa dalawa..

Bungisngis na naman sila..

Naglabas ng pera si Hannah pero tinanggihan ni Totoy..

"No thanks.. Bwena mano ko tapos magaganda pa.. Mukhang mauubos ang tinda ko ngayong gabi.. Hmm.. Balik kayo ha.." nakangiting sabi ni Totoy..

Ngumiti ang dalawa.. Nilabas ni Hannah ang isa sa mga nilutong isaw sabay inabot kay Totoy..

"Oh.. Tikman mo niluto mo.. Baka may gayuma.. " biro ni Hannah..

Nagtawanan sila.. Inisang subo lang ni Totoy ang isaw.. Natawa na naman ang dalawa..

"Lakas lumamon ni Totoy Putotoy ah.. San kaya napupunta yung kinain mo?.." landi ni Cynthia..

Napangisi si Totoy sabay yumuko at nilingon ang Putotoy nya..

Nag blush ang dalawang dalaga..

"Sa legs ko.. Kita nyo ang haba ng legs ko.. Oh anong iniisip nyo?.." biro ni Totoy..

Nagbungisngis na naman sila..

"Sige na.. Uwi na kayo kasi gumagabi na oh.." pagtataboy ni Totoy..

Ngumiti ang dalawa at nagpasalamat sa tindero ng isaw..

Habang nag aabang ng taxi.. Sinitsitan ni Totoy si Hannah..

Lumingon ang dalaga..

Pinalapit ni Totoy si Hannah at pinagsabihan..

"Yo?.." pakwela ni Hannah..

Natawa si Totoy pero bigla ding nagseryoso..

"In a relationship.. There should be no secrets.. Dapat iniisip mo din ang mararamdaman ng partner mo.. " biglang sabi ni Totoy..

Napakunot noo si Hannah..

"What?.." tanong nya..

Natawa si Totoy..

"Wala.. Just remember this..The End Does not Justify the Means.." seryosong sabi ni Totoy..

Napahawak si Hannah sa bibig nya..

Diyata't alam ng tindero ang pinagdadaanan nila ni Potpot?..

Magtatanong pa sana si Hannah pero tinawag na sya ni Cynthia..

"Sis.. Come here na.. Baka mainip si Manong Driver.. " sabi ni Cynthia..

Paglingon ni Hannah nasa loob na ang kaibigan.. Dali dali syang lumapit at pumasok sa loob..

"Bye bye Totoy Putotoy !.." biro ni Cynthia..

Kumaway lang ang tindero ng isaw..

Nakatitig si Hannah kay Totoy at talagang nagtataka..

Ilang minuto..

Nagtaka sila ng biglang ihinto ng driver ang taxi nito sa tabi ng park..

"Saglit lang mga miss.. Tawag ng kalikasan.. Di ko na kayang pigilan.. " banat ng driver..

Natawa si Cynthia..

"Bilisan nyo manong baka lumabas na !.." pang aasar pa nya..

Natawa ang driver.. Dali dali itong lumabas para maghanap ng pwedeng jinggelan..

Habang nag hihintay.. Di maiwasan ng dalawa ng mag kwentuhan.. Nagtatawanan sila..

Di sinasadyang napadako ang tingin ni Hannah sa dalawang nakatalikod na magkasintahan .. Nakaupo ang mga ito sa bench..

Nainggit si Hannah.. Namimiss na nya si Potpot.. Tama ang sinabi ni Totoy.. Dapat di sya nag sikreto.. Kailangan nyang bumawi sa kasintahan.. By hook or by crook !.. Tatawagan nya ang nobyo mamayang gabi..

Eksaktong bumalik ang driver..

"Phew.. Success.. Sorry mga miss.." pasintabi ng driver..

"Oks lang manong.." sabi ni Cynthia..

Ngumiti lang si Hannah..

Muling umandar ang taxi..

Nakatitig pa din si Hannah sa magkasintahan ng tumayo ang babae at malambing na hinatak ang kamay ng lalake..

Napangiti si Hannah.. Pero nabura ang ngiti nya ng makita ang mukha ng lalake..

"Potpot.." bulong ni Hannah..

Kita nyang malambing na tumakbo ang babae.. Napakamot ang ulo ng lalake pero hinabol nya naman din..

Parang piniga ang puso ni Hannah..

Tulala syang nakatingin sa dalawang nilalang na masayang nag hahabulan..

Kwento lang ng kwento si Cynthia..

Di nya napansin na halos manigas na si Hannah sa tabi nya.

Pakiramdam ni Hannah nabiyak sa dalawa ang puso nya..

Parang tinusok ng libu libong aspile..Tapos nilagyan ng alkohol..

"Tapos yung nga sis.. Sabi ko sayo maganda yung dress eh.. Dapat binili mo na kasi parang limited edition na ata.. Ahaha.. Pero ayaw ko ng kulay eh.." sabi ni Cynthia..

Napatigil sya ng mapansing tahimik lang ang kaibigan sa tabi nya..

"Sis?.. Huy !.. " untag ni Cynthia..

Biglang humagulgol si Hannah at niyakap ang kaibigan..

Gulat na gulat si Cynthia..

"Hala.. Napano ka?.." tanong ni Cynthia..

Pati ang driver concern na nagtanong..

"Bakit miss?.. " tanong nito..

Nagkibit balikat lang si Cynthia..

"Sis.. Uwi na tayo.. " sabi ni Hannah sa pagitan ng paghagulgol..

Tumango si Cynthia..

Batid nyang wala syang magagawa para magkwento ang kaibigan..

"Sige na po manong.. Diretso na po tayo.." malungkot na sabi ni Cynthia..

Niyakap nya ng mahigpit ang kaibigan..

Sa pamamagitan man lang nito.. Maramdaman ni Hannah na nandito lang sya..

Tumango din ang driver..

Tahimik nilang tinahak ang daan pauwi sa bahay ng mga Montefalco..

Tanging hikbi at iyak ni Hannah ang naririnig nila..

ITUTULOY !!!