1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 31 - Ganun Lang?
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 31 - Ganun Lang?

By supertoyantz ·

Chapter 31 - Ganun Lang?.

( TOYANTZ - Certified Druglord )

Di pa na kakapagbayad sa taxi, agad binuksan ni Hannah ang pinto..

Dire diretso syang pumasok sa loob ng bahay ..

Napabuntong hininga na lang si Cynthia ..

"Manong, magkano po?.." tanong ng dalaga..

"265 iha.. Sige 250 na lang.." nakangiting sabi ng driver..

Napangiti ng malungkot ang dalaga at inabot ang bayad..

"Salamat po manong.." sabi ng dalaga..

Ngumiti lang ang driver at pinaandar na ang taxi nya..

Tahimik na pumasok si Cynthia.. Marahan nya ding sinara ang gate...

Iniwasan ni Hannah ang may makakita sa kanya..

Nakayuko syang pumasok at pasimpleng umakyat sa kwarto..

Tutop ang bibig.. Agad binuksan ng dalaga ang pinto sabay marahas itong sinara..

Di pa sya nakakaabot sa kama..

Nalaglag na naman ang pinipigilan nyang luha..

Pagpasok ni Cynthia.. Nagmano lang sya sa Lolo na nasa sala..

NAgtaka ito..

"Oh.. Nasan si Hannah iha?.. Bakit ikaw lang?.." takang tanong ng Lolo..

Ngumiti ng malungkot si Cynthia..

"M-masakit po ata ang tyan Lo.. Eto nga po pala.. Binili ni Hannah para daw po sa inyo.." sabi ng dalaga..

Napangiti ang Lolo bagamat bakas ang pag aalala sa mukha.

Tinanggap nya ang binigay ng dalaga..

"Is she okay?.. Kumain na ba kayo?.." tanong ng matanda..

Napatango si Cynthia..

"Opo Lo.. Akyat na po ako Lo.. Kayo din po.. " sabi ng dalaga..

Ngumiti ang Lolo..

"Mauna ka na apo.. Tatapusin ko lang itong Lie to me..Saling !.. Pakilagay naman ito sa platito.." tinawag ng Lolo si Yaya.

Natawa ang dalaga .. Humalik sya sa pisngi ng matanda at tinahak ang hagdan..

Nais nyang katukin ang kaibigan.. Tulungan ito sa kung anuman ang problema nito.. Kahit man lang sa ganitong paraan ay makabawi sya sa kabaitan ng kaibigan..

Kumatok si Cynthia..

"Sis.. Nandito lang ako.. " mahinang pagtawag ni Cynthia..

Walang sumagot..

Muling kumatok ang dalaga..

"Sis.. " untag nya..

Napahinga ng malalim si Cynthia..

Malungkot syang lumakad palayo.. Papasok na sana sya sa katabing kwarto ng marinig ang mahinang pag click ng doorknob..

Dali daling binuksan ni Cynthia ang pinto ng kwarto ni Hannah para kamustahin ang kaibigan..

Kadiliman ang sumalubong sa dalaga..

Agad nyang kinapa ang ilaw at bumaha ng liwanag sa kwarto..

Nakita nya si Hannah na nakasandal sa headboard at yakap ang dalawang tuhod..

Pumasok si Cynthia.. Dahan dahang sinara ang pinto..

Tahimik syang tumabi sa kaibigan at niyakap ito..

Parang nakakita ng kakampi.. Niyakap ni Hannah ang kaibigan..

Tahimik syang lumuha sa dibdib nito..

Hinaplos naman ni Cynthia ang buhok ni Hannah..

Maging sya ay napapaiyak na din kahit di nya alam ang naging sanhi kung bakit nagdurusa ang kaibigan..

Lumipas ang ilang minutong tahimik na pag iyak ni Hannah..

Kumalas sya sa pagyakap..

"S-sorry.." sabi ni Hannah..

Natawa si Cynthia at inakbayan ang kaibigan..

"Sus.. It's okay.. Were sisters na nga di ba?.." sabi ni Cynthia..

Napangiti si Hannah.. Pero ni hindi ito umabot sa magagandang mata nya..

Masuyong pinunasan ni Cynthia ang luha sa pisngi ng dalaga..

"You can tell me.. I know wala sa character ko pero I know how to listen naman.. Try me sis.. Sabi nga nila.. Mas madali daw mag subside ang sakit if you tell it to someone.. Well, in this case.. Ako na lang muna.. Sige na .." pang eengganyo ni Cynthia..

Napangiti si Hannah.. Sumandal sya sa headboard at huminga ng malalim..

Napakasakit pa rin ang pakiramdam nya..

Muling niyakap ng dalaga ang dalawang tuhod ..

"Remember Aldrin?.." mahinang bungad ng dalaga..

Napangiti si Cynthia at tumango..

"Yung hero mo?.. yung nag save sayo sa kasamaan namin ni Jim sa bar?.. Sorry about that ngapala sis.. Pag naaalala ko yon.. Nanliliit ako sa hiya..." mahinang sabi ni Cynthia..

Ngumiti si Hannah at umiling..

"It's okay sis.. Anyway..Kung di nangyari yon.. Di ako mapapalapit ng husto sa mga alas.. Especially kay Potpot.." nakangiting sabi ni Hannah bagamat di ito umaabot sa mga mata nya..

Natahimik silang dalawa..

"So.. What about him?.." untag ni Cynthia.

Napabuntong hininga na naman si Hannah ..

"Ayun.. Naging kami.. That was the happiest day of my life.. " kwento ni Hannah..

Kinilig si Cynthia..

"Oh.. yun naman pala eh.. Bakit ka sad?.." tanong nya..

Ngumiti si Hannah.. Malungkot at tila walang buhay na ngiti..

"Lately... Nagiging spikey na ang relationship namin.. Bago pa lang kame pero sobrang dami ng troubles at obstacles.. Parang ayaw ng tadhana na magkatuluyan kami.. " malungkot na kwento ni Hannah..

Parang nanlumo din ang pakiramdam ni Cynthia..Pero di nya ito pinahalata sa kaibigan..Baka lalo lang ma depressed si Hannah..

"Cheer up !.. Natural lang yan.. You are in a relationship.. Makakatagpo talaga kayo ng mga pagsubok.. It will make your relationship stronger.. " payo ni Cynthia..

Lalong niyakap ni Hannah ang dalawang tuhod nya..

"Pero sobrang hirap ng mga pagsubok.. Parang anytime.. M-mawawala na si Potpot sa akin.. Iniisip ko pa lang.. Sobrang sakit na.. " naiiyak na naman na sabi ni Hannah..

Awang awa si Cynthia na niyakap ang kaibigan..

"That's love sis.. Eventually, you will experience things that will challenge your love..your faith.. your trust.. Kailangan nyong magtulungan to overcome those challenges and win together.. " pangaral ni Cynthia..

Natawa si Hannah..

"Ha !.. Don't laugh !.. Im serious.. You have to do something to win him back.. Teka.. Nawala na ba talaga sya?.. Baka naman it's your fault?.." naninigurong sabi ni Cynthia..

Natameme si Hannah.. Napanguso..

"I know.. Maybe may kasalanan din ako.. Pero masyado naman atang maliit yon para ganthinan nya ako.. " nakalabing sabi ni Hannah..

Si Cynthia naman ang natawa..

"Ano ba kasi yan?.. Naloloka na ako ah.." inis na sabi ng dalaga..

Napanguso lang si Hannah..

"Ayun.. Nakita nya kasi kaming magkasama ni Estong.." mahinang kwento ng dalaga..

Natapik ni Cynthia ang noo..

"Hala.. !.. Kung ako si Aldrin .. Baka sinapak ko na si Stefen.. Bakit naman kasi magkasama kayo?.." tanong ni Cynthia..

Napalabi si Cynthia..Batid nyang kasalanan nya din..

"Sabi nya hahatid nya lang ako sa school.. Syempre pumayag ako kasi libre pamasahe eh.. " sabi ng dalaga..

Di alam ni Cynthia kung matatawa sya o maiinis sa kaibigan..

"Sira ka din eh.. Ayan .. Sa pagiging kuripot mo .. nagkagulo gulo na.. Mag sorry ka sis..Explain to him na di mo ginusto yon.." sita ni Cynthia..

Tahimik lang si Hannah..Muli nyang naalala ang nakitang kaganapan kanina sa park..Parang muling hiniwa ng libu libong blade ang puso nya sa tuwing sumasagi sa isip ang ang nakita..

"Nakita ko din sya.. Kasama nya yung dati nyang nililigawan.. Ang sweet nila.." maasim na sabi ni Hannah..

Natahimik si Cynthia..

"Yon ba yung reason kung bakit ka biglang umiyak kanina?.. Muntik na akong maloka kung alam mo lang.." biro ni Cynthia..

Biglang sumigaw si Hannah..

"Waaaaaaa !!!!.." sigaw ng dalaga.

Nagulat si Cynthia at biglang tumawa..

"Hala.. Yan ang nangyayari kapag inlove?.. Parang nagdududa na ako sayo sis ah.. Parang iba na yan.." natatawang sabi ni Cynthia..

Sinabunutan ni Hannah ang sarili..Tatawa tawang inawat naman sya ni Cynthia..

"Oy oy.. Wag kang mag collapse.. Hold on to your sanity sis.. Wag mong bibitawan ang lubid ng pagiging normal.. Ahaha.." pinigilan ni Cynthia ang braso ng kaibigan..

Biglang tumawa si Hannah..

Lalo lang silang nagulo at humagalpak ng tawa..

After 5 minutes.. Humupa na rin ang tawa ni Hannah.. Pinunasan nya ang mga luha..

"Phew.. I need that laugh. Thank you sis.." niyakap ni Hannah ang kaibigan..

Napangiti si Cynthia..

"Wala naman akong ginawa.. Ito naman.. Wala yon.." sabi ng dalaga..

"Kahit na.. Yung presence mo lang dito sa tabi ko... Sobra sobra na.. Thank you talaga.. Okay na ako.. Pero.." napalabi si Hannah..

Nagkalas sila ng yakap..

"Pero?.." tanong ni Cynthia..

"Di ko alam ang gagawin ko.." sabi ni Hannah..

Napaisip din si Cynthia..

"Hmm.. Dapat tanungin mo muna sya.. Magkaliwanagan na kayo.. Para mawala na yung ms.understanding dahil sa ms.communication nyo.. " napangiti pa si Cynthia sa kaibigan..

Ngumiti si Hannah at muling niyakap si Cynthia..

"Wow sis.. Galing mo ha.. Iba na talaga pag expert.. Hmm.. " biro ni Hannah..

Natawa din si Cynthia..

"Loka.. Well.. Let's say na marami lang akong alam pagdating dyan.. Hmm.." landi ni Cynthia..

Nagtawanan silang muli..

"Sleep na tayo sis.. Salamat.. Dito ka na matulog ha?.." lambing ni Hannah..

"Sure.. Ikaw pa.. Sige bihis lang ako.. Ikaw rin.. Wag ka na umiyak at pumapanget ka.. Sige ka.. Pag pumangit ka baka lalo kang ipagpalit ni Potpot.." banta ni Cynthia..

Dali daling tumakbo si Hannah sa banyo..

Tumawa lang si Cynthia at nagpunta sa sariling kwarto para magbihis ng pantulog..

Late ng nakauwi si Aldrin.. Hinatid nya pa si Bea sa bahay nito ..

Tuwang tuwa ang dalaga sa naganap nilang date..

Nakaramdam din naman ng tuwa si Aldrin pero di nya maintindihan ang sarili..

Parang may nagawa syang mali..

Mali nga sigurong nakipag date sya sa iba habang sila pa ni Hannah..

Malungkot na pumasok ang binata sa bahay.. Gamit ang sariling susi. Binuksan nya ang nakalock na pinto..

Pagkasara ay muli nyang dinouble check ang mga binata at backdoor sa kusina..

Nang makumpirmang nakasara ang lahat.. Pinatay ng binata ang mga ilaw at umakyat na sa kwarto.. Sinilip nya ang kapatid..

Napangiti sya ng maaninag na yakap nito ang malaking teddy bear na regalo nya..

Marahang sinara ng binata ang pinto .. Pumasok na sa sariling kwarto...

Di na nya nagawang magpalit ng damit.. Bagsak agad sya sa kama.. Parang hapung hapo ang pakiramdam nya..

Hinugot nya ang cellphone at lalong nanlumo ng walang makita text galing sa nobya..

Nagtagis ang mga bagang ni Aldrin..

Marahas syang napabuga ng hangin at pabagsak na nilapag ang cellphone sa table sa tabi ng kama nya..

Nakatitig sa kisame ang binata..

Naglalaro sa isip ang magandang mukha ni Hannah.. Naisip nya rin si Bea..

Di nya maiwasan ang ipagkumpara ang dalawang dalaga..

Pantay sa panlabas na anyo ang dalawa.. Parehas maganda, maputi at talagang kaakit akit..

Sa ugali, parehas din halos.. Mas malambing lang si Bea pero iba ang pakiramdam nya kapag si Hannah ang naglalambing sa kanya..

Napangiti ng di sinasadya ang binata ng maisip ang mga katangian na minahal nya sa nobya.. Halos buong pagkatao nito ay maluwag nyang tinanggap ng walang pag aalinlangan..

Mula ulo hanggang kuko sa paa.. Mahal nya si Hannah... Walang duda..

Ng maalala ang kasintahan ay muling sumagi sa isip ang nakitang tagpo kanina sa jeep..

Parang nilatigo ng ilang ulit ang puso ni Aldrin..

Napakasakit pa rin ang pakiramdam kahit na pilit nyang sinasabi sa isip na wag ng isipin pa ito..

Sa mga ganitong pagkakataon..

Parang walang kalaban laban ang isip nya.. Literal na dinomina ng puso nya ang kanyang pag iisip..

NAngingibabaw ang emosyon sa pagkatao nya kaya talagang napakasakit ng pakiramdam nya habang muling sinasariwa ang nakita nya..

Pumatak ang isang luha sa mata ni Aldrin..

Marahas nya itong pinahid at mariing pinikit ang mga mata..

Tinakpan nya ang mukha ang unan..

Kahit anong waksi nya.. Pilit na sumisingit sa isip nya ang nakangiting mukha ni Hannah..

"Aaaaahhh !!!!!!.." sigaw ni Aldrin..

Pinilit nya ang sarili na matulog.. Pero mukhang nakikipag asaran pa sa kanya ang antok..

Sa huli.. Sumuko sa pag iisip si Aldrin ng mga masasamang pangitain at hinayaan na naman ang sarili na mangarap kasama ang nobya..

"Last na siguro to.. Sana mapanaginipan kita heart." bulong ni Aldrin..

Sa wakas.. Naging mabait din sa kanya ang antok at dinapuan na din sya..Kampi kay Hannah ang antok..Napaismid si Aldrin at natulog na lang..

Umaga..

Maagang pumasok si Hannah..

Tulog pa ang kaibigan nya kaya di na nya ito inistorbo..

Pinasok nya ang kwarto ng Lolo at kahit tulog .. Hinalikan nya ito sa pisngi..

Sanay sa maagang paggising ang Lolo .. Pero dahil sa Yaya nya.. Natutong matulog ang matanda dahil sa pag aabang ng mga telenobela..

Napabungisngis si Hannah.. Tahimik syang lumabas sa kwarto ng Lolo..

Agad nyang hinanap ang yaya at nagpahain ng almusal..

Mabilis nya itong inubos..

Tila wala namang napansin na kakaiba ang yaya..

Hinalikan din ni Hannah sa pisngi ang yaya at mabilis na lumabas..Nagpahatid na lang sya kay Mang Bert..

Tahimik si Hannah sa daan..

Di na rin nakipagkwentuhan si Mang Bert.. Nasa isip na baka masama ang gising ng alaga..

Pagdating sa gate ng university..

"Salamat po Tatay Bert.." paalam ni Hannah..

Ngumiti ang matanda..

Tinahak ni Hannah ang kwarto ni Aldrin..

Sinuyod ng mata ang kwarto..

Pero bigo sya..

Nakita nya si Jasmine.. Lakas loob na nagbilin..

"Hey.. If ever na dumating yung boyfriend ko.. Paki sabi naman na sunduin nya ko before lunch..Okay?.. Thank you ha.. " mabilis na sabi ni Hannah..

Di na nakapagsalita si Jasmine..

Napatango na lang sya sa dalaga..

Tahimik na bumalik si Hannah sa sariling room at naiinip na hinintay ang pagsapit ng tanghalian..

Late ng nagising si Aldrin..

Pero di masarap na panaginip ang dahilan.. Bangungot ang dating sa kanya ng napanaginipan..

"Tsk.. Grabe.. Parang totoo.. " asar na sabi ng binata..

Gigil syang naligo at pilit na di sinusulyapan ang relo..

Mabilisan lang syang nagbihis at tinahak ang daan sa kusina..

Naabutan nya ang nanay na naghahanda ng mesa..

Humalik sya sa pisngi nito at naghugas ng kamay..

"Late ka na anak.." paalala ni Alona..

Napangiwi si Aldrin..

"Siguro 10 minutes lang Mom.. Ngayon lang naman... Si Romeo nga 15 minutes na lang patapos na yung klase bago pumasok.. " sabi ng binata..

Agad na nagpalaman ng sandwich at sumandok ng sinangag..

Natawa si Alona...

"Oh tapos gagayahin mo.. Nagtataka na ako dyan sa kaibigan mo ha.. Laging late tapos bihira pang pumasok sabi mo.. Pero bakit pumapasa?.. Wag mong sabihin na ginagamit nya ang power ng Dad nya?.." nakataas ang kilay na tanong ng ina..

Umiling si Aldrin.. Sa pagitan ng pagsubo sinagot nya ang ina.

"Nope Mom.. Actually.. Nagtataka din ako.. Pero alam kong ayaw na ayaw ni Romeo na ikakabit sa pangalan nya ang pangalan ng daddy nya.. Sabi nga nya gusto nyang lumaban ng patas.. Pero yaan nyo mom .. Tatanungin ko yung mga prof nya one time kung tinatakot sila ni Romeo.. " biro ni Aldrin..

Nagtawanan silang mag ina..

Biglang may naalala ang binata..

"Mom.. Sabi nyo last night my sasabihin ka about Hannah and our family.. What was that?.." tanong ng anak..

Sasagot na sana ang ina pero biglang nakarinig sila ng atungal..

Napatakbo ang mag ina sa kwarto ni Alyssa..

"Moooommmmm !!!.." palahaw ng dalagita..

Nataranta ang mag ina..

"Why iha?.." agad na tanong ni Alona..

Lumabas si Alyssa sa banyo pero napatili ito ng makita ang kapatid..

"Si kuyaa !!!.. Out !!!.." utos ng dalagita..

Nagtaka si Aldrin..

Lalapit sana sya pero lalong tumili si Alyssa..

Humahangos na dumating ang tatay..

Nakapajama pa ito at may shaving cream ang baba..

"Why?.." tarantang tanong ni Nestor..

Lalapit din sana sya sa mag ina pero lalong nagpalahaw si Alyssa..

Natatawang lumapit si Alona sa mag ama nya..

"Out daw.. Utos ng prinsesa.." sabi ng ina..

Kunot noong lumabas ng kwarto ang mag ama..

NAgkatinginan at nagkibit balikat ng sabay..

"Pasok na ko Dad.." paalam ni Aldrin..

Tinapik ng ama ang balikat ng anak..

"Sige na.. Late ka na oh.. Baka mag cutting ka na naman.." biro ng ama..

Sumimangot ang anak..

"Dad.. Never akong nag cut ng class.. You know that.." sabi ni Aldrin..

Umirap ang binata sa ama..

Tumawa lang si Nestor at muling pumasok sa kwarto para tapusin ang pag aahit..

NAgmamadali naman pumasok si Aldrin..

PAgdating sa klase.. Naunahan nya lang ng konti ang guro sa pagpasok.. Nakangiti pa nyang binati ito.. Inirapan lang din sya ng guro..

Natawa lang si Aldrin at tumabi kay Jasmine..

Mabilis na lumipas ang oras..

Gigil na si Aldrin na makita ang nobya.. Aminin man nya o hindi..

Kahit na di sya kinokontak nito..

Sa wakas narinig na ni Aldrin ang bell..

Agad nyang niligpit ang gamit.. Palabas na sya ng tawagin ni Jasmine..

"Hey.. Sabi nga pala ng sigang girlfriend mo.. Sunduin mo daw sya sa room nya.." nakasimangot na sabi ng dalaga..

Natawa si Aldrin ng malakas .. Napatingin sa kanya ang mga classmates nya pero wapakels lang ang binata..

Nag flying kiss pa sya kay Jasmine at bumarurot palabas .. Pinuntahan ang dalaga ..

Pero nagtaka sya dahil wala na halos tao..

Kinorner ni Aldrin ang isang kaklase nito at pinaulanan ng tanong..

"Si Hannah?.. Bakit walng tao?.. Anung oras kayo pinalabas.?.. Teka.. Bakit ang panget mo?.." sunod sunod na tanong ni Aldrin..

Bigla syang kinurot sa utong ni Marla..

"Eh kung sabunutan kita?.. Tse !. " inirapan lang sya ng bakla..

Tawa ng tawa si Aldrin at hinabol si Marla..

"Teka lang.. Biro lang eh.. Actually gumaganda ka lately.. Bagay sayo yung highlights in fairness.." pang uuto ng binata..

Napangiti ang bakla at parang nahiya..

Nagpavirgin effect..

"Really?.. Sabi ko na eh.. Thank you.." sabi ng bakla..

Napangiti din si Aldrin.

"Nasan si Hannah?.. " tanong nya.

Napaisip ang bakla..

"Ah.. Maaga kasi kaming na dismiss since wala na namang gagawin kasi kakatapos lang ng exam namin kahapon.. So malamang na nasa tambayan nyo yon o di kaya sinundo na naman nung Stefen ata.. " sabi ni Marla..

Napasimangot si Aldrin..

Walang sabi sabing humarurot papuntang hagdan...

"Thank you ha?.. Hiyang hiya naman ako sayo.." taray ni Marla..

Pero wapakels ang binata ..

Pagdating sa kubo..

Naaninag ni Aldrin ang dalaga..

Kumabog ang dibdib nya at tila nabahag ang buntot..

Pumihit sya pabalik pero sinitsitan na sya ni Hannah..

Napangiwi si Aldrin..

Kiming ngumiti...

Nakasimangot si Hannah at nakahalukipkip na nakatanaw sa bintana..

"Oh.. Anung ginagawa mo dyan?.." taray ng dalaga..

Napangiti si Aldrin..

"Aakyat sana ako ng ligaw.. Maaari ba binibini?.." patawa ni Aldrin..

Kinilig si Hannah..

Pero di sya nagpahalata..

"Di pwede.. Dyan ka manligaw.." pagtataray muli ni Hannah..

Napangiwi si Aldrin..

May naalala ..

"Teka.. Dapat ako yung galit ah.." nakasimangot na sabi ng binata..

Natameme ang dalaga..

Naging apologetic ang mukha..

Tahimik nilang tinitigan ang isa't isa sa distansya..

Tumikhim si Aldrin..

"Ang sakit non kung alam mo lang.." mahinang sabi ng binata..

Pero naabot ito ng pandinig ng dalaga..

"I know.. And I'm sorry.. I'm sorry Pot.. Kung hahayaan mo akong mag explain.. Sana makinig ka.." naiiyak na sabi ng dalaga..

Napangiti ng malungkot si Aldrin..

Tumango sya..

Natuwa naman ang dalaga at akmang lalabas na para salubungin ng yakap ang nobyo pero pinigilan sya ng binata..

"Hep. !.. Dyan ka sa loob mag explain.. Naririnig ko naman eh.." harot ni Aldrin..

Napasimangot si Hannah..

Nagtaray..

"Aba.. Inuutusan mo ko?.." taray ni Hannah..

Tiklop si Aldrin..

"Sige na.. Maraming nakakarinig oh.. Dami na natin audience.. PAgbigyan mo na ako.. Kunwari matapang ako.." mahinang pakiusap ng binata..

Pinigilan ni Hannah ang matawa..

Nilingon ang paligid .. Parang nais nyang mahiya dahil tama ang binata.. Kumakapal na ang bilang ng taong nanunuod sa kanila..

Tinatagan ng dalaga ang loob at kinapalan ang mukha..

Tinanguan nya ang binata..

"Sorry Pot.. Aksidente lang ang pagkikita namin.. Si Cynthia.. Nakita ko na sya.. Inampon sya ni Lolo kasi nalaman naming ampon din pala sya.. Yun yung reason kaya this past few days naging busy ako.. I want to surprise you kaya naglihim ako.. Pero eto nga ang nangyari.. Nagkalabuan tayo.. Im so sorry POt.. Yung nakita mong magkasama kami na kumakain.. Nagutom kasi ako.. Sa isip isip ko.. Libre na food... Libre pa pamasahe.. Sorry talaga.. Pero walang meaning yon.. " paliwanag ng dalaga..

Pinigilan ng binata ang matawa sa dahilan ng nobya..

"Kuripot.." sigaw nya..

Nagtaray si Hannah.

"Maganda naman.." landi ng dalaga..

Nagtawanan sila..

Pati crowd..

Pero di sila pinansin ng mga bida..

Nagkatitigan ulit sila..

"Ikaw.. May kasalanan ka din saken.." sumbat ng dalaga..

Napakunot noo si Aldrin..

"Huh?.. Ano naman daw?.." tanong nya..

Napasimangot si Hannah..

Umatake na naman ang saket pero pilit nya itong pinaglabanan.. Kailangan nyang pakinggan at paniwalaan ang magiging dahilan ni Aldrin..

"I saw you with Bea sa park.. Sweet huh.. With mathing holding hands while running.. Sus.. " nagseselos na sabi ng dalaga..

Natawa si Aldrin..

Pero nahinto sya ng may lumipad na unan..

Sapul sa mukha ang binata..

Si Hannah ang may sala..

Tawanan ang crowd.. Nabugbog ang bidang lalake..

"Tawa ka pa?.." inis na sabi ni Hannah..

Kinilig si Aldrin .. Tinago nya ang ngiti dahil baka ang sarili na nyang trono ang lumipad patungo sa kanya..

Pinilit pakalmahin ni Aldrin ang sarili.. Talagang mabilis na mabilis ang tibok ng puso nya .. Hindi dahil sa kaba pero dahil sa saya.. Maliwanag na walang kasalanan si Hannah..

Tsaka na ang detalye.. Ang mahalaga malaman ng minamahal na wala ding meaning ang pagkikita nila ni Bea.

Ngumiti sya.. Akmang mambabato na naman si Hannah pero inawat sya ng binata.

"Hep !.. Maubos na yung unan dyan eh.. Bago ka mag huramentado.. Pakinggan mo muna ako my queen.. Inaamin kong nagkasala ako sayo ng ayain ko si Bea na lumabas.. Oo, ako ang nag aya.. Pero bunsod lang ito ng sakit na dinulot ng mga nakita ko sa inyo ni Estonggoloid.. Sorry my queen.. Di kami naging sweet.. Well, sort of.." landi ni Aldrin..

Pero kahit anong bilis.. Mas mabilis na lumipad ang unan patungos sa kanya..

Sapul na naman sya sa mukha..

Tawanan ulit ang crowd.

Napailing na lang ang binata..

"Tse !.. Sort of ka pa?.. " taray ni Hannah..

"Biro lang po.. Pero tulad mo.. Walang meaning yon.. Nag selos lang talaga ako kaya naaya ko sya na mamasyal.. Wala naman kaming nagawa.. Naupo lang kami sa park tapos nagkwentuhan konti.. Yun lang.. Wag ka na magalit aking reyna.." lambing ni Aldrin..

Napanguso si Hannah..

Akmang lalapit si Aldrin pero pinigilan sya ng dalaga..

"Hep !.. Pinatawad na kita?.." mataray na sabi ni Hannah..

Napakamot sa batok si Aldrin..

"Anu ba yan.. Sige anong gagawin ko?.." hamon ng binata..

Napangiti ng lihim ang dalaga..

"Hmm.. Mahal mo ba ko?.." tanong ni Hannah..

"Oo !.." walang gatol na sigaw ni Aldrin..

Napahiyaw ang crowd..

Parang tumatakbo sa pagkakonsehal na inawat ni Aldrin ang kanyang mga supporters.

Natawa si Hannah..

"Gaano mo ko kamahal?.." tanong ng dalaga..

"Hep !.. Ako muna.. Mahal mo ba ako.?.." tanong ng binata.

Nag blush ang dalaga..

"Sobra !.." sigaw ni Hannah..

Lalong nagwala ang crowd..

Muling pinayapa ng bida ang mga audience.

"Oh next question.. Gaano mo ko kamahal?.." tanong ni Hannah..

Ngumiti si Aldrin..

Tinuro ang lupa.. At muling tinuro ang langit..

"Mula dito sa tinutuntungan ko.. Hanggang sa naaabot ng mata mo kapag nakatingin ka sa langit.. Tapos pabalik sa lupa.. Time 100.. Then multiply by 50 tapos squared it by 500.. Bale.. Hmm.. Teka.. Yung sagot lagyan mo pa ng exponent na to the 10 power.. " sagot ni Aldrin..

Kinilig ng sobra si Hannah..

Di na sya nahiyang ngumiti na kita ang gums..

Naghiyawan ang crowd.. Muli, inawat sila ng bidang lalake..

"Same question.. Gaano mo ko kamahal?.." tanong ni Aldrin..

Ngumiti si Hannah.. Bagamat nahihiya.. Tinuro nya ang sariling puso..

"Sorry.. Pero hanggat tumitibok ito.. Di ko pa masasagot ang tanong mo kasi di ko pa nacocompute.. Pasensya na heart." landi ni Hannah..

Nagwala na ang crowd..

Wala ng halos nakapag lunch.. Nanuod na lang sa libreng tagalog romance..

Ngumiti si Aldrin..

Nilingon ang mga supporters at kumaway na parang nagwagi na sa eleksyon..

"See guys?.. Mahal ako ng babaeng ito.. At ang babaeng ito ay mahal na mahal ko din.. Take note.. Pakilagay sa mga nagsusulat ng mga diaries dyan.. Ako si Aldrin Villarama... Ace of Hearts.. Napatunayan ko sa inyo na mahal ako ng Queen of Hearts na si Hannah Montefalco.. Aztig no?.. Salamat sa pagsuporta." sigaw ni Aldrin sa fans.

Naghiyawan lang ito..

Natawa si Hannah at sinitsitan ang nobyo..

Lumingon si Aldrin..

"Lika na dito.. Nagugutom na ako.. " sabi ni Hannah..

Ngumiti ang binata at sinugod ang nobya..

Pagpasok pa lang ay sinunggaban na nya ang maliit at mapulang labi ng kasintahan.. Buong pagmamahal namang tinugon ni Hannah ang halik ng nobyo ng may katumbas na init..

Lalong naghiyawan ang crowd..

Nahinto sa malaswang eksena sina Hannah at Aldrin ..Tiningnan nila ang mga fans na nagkalat at kinawayan ng binata..

"Thanks .. Bukas ulit.. Same time.. Same channel.. " biro nya pero napingot na sya ng nobya..

Muli nilang nilasap ang tamis ng pagiisang labi..

Sa crowd.. Nakanganga lang sina Romeo, Darius at Rhoi..

"Ganun lang?.. Di man lang nag away?.. Akala ko pa naman may mangyayaring suntukan at sabunutan..Kala ko dadanak ng dugo.." biro ni Romeo.

Nagtawanan sila..

"Oo nga pare.. Kadiri kamo.. PDA.. Yuck.." sabi ni Rhoi..

"Pero infairness.. Kumita ang palabas nila.. Box office pa.. Rom.. Dali !.." suhestyon ni Darius..

Na gets naman ito ni Romeo at naglabas ng panyo ang tatlong alas..

Kanya kanya silang pwesto at nagsimulang maningil..

"Oh oh.. Wala ng libre sa mundo ngayon.. Akala nyo libre yang palabas na yan.?.. Neknek nyo.. Hala.. Limang piso.. Hoy !.. Tatakas ka?.. Tado ka?. Matapos kang kiligin ng sagad sa buto sisibat ka nalang?.. " naningil na si Romeo sa gitna..

"Dito dito lang.. Barya barya sa tanghali.. Good.. Oops.. Bente.. Walang panukli... Keep the change.. Next.. Wag ka na makulet.. Bente lang eh.. Sige na.. Libre ka na bukas.." si Rhoi ang sa bandang gilid..

"Nice nice.. Thank you.. Opo opo.. Bale bukas baka magsuntukan naman sila.. Tama po.. Syempre pagtapos ng love.. Dapat aksyon naman .. Then makakakita din tayo ng konting horror.. Tapos sexscene siguro kung papayag manager nung bidang babae. Tama po.. Bale kaladkarin kasi yung bidang lalake kaya okay lang na mabilad ang katawan nya sa mga mata ng audience.. Tama po.. Sige po.. Salamat.. Oops.. Wag kang tatakas ungas ka.. Good.. 5 pesos.. " sabi ni Darius..

Nasialisan ang crowd .. Naasar sa tatlong alas na biglang naningil..

Nakangisi na parang demonyo ang tatlo..

"Pare.. Aztig.. Buti bati na kayo.. " sabi ni Rhoi..

Pasimple nilang tinago ang nalikom na pera..

"Oo nga eh.. Di ko matiis.. Sinagot ko na ulit.." biro ni Aldrin pero kinurot sya ng nobya..

Nagtawanan ang tatlong alas.

"Pare ano yung ginagawa nyo?.." tanong ni Aldrin..

Napaubo ang tatlo..

"Ah.. Wala yon.. Parang nagpapasalamat lang kami sa pagtangkilik ng pelikulang pilipino.. Wag mo intindihin yon.. Ang mahalaga.. Maayos na kayo ni Lelay.. Sige.. Magparami na kayo.. Sa susunod pakakabitan ko na ng lapel yung damit nyo para mas maraming makarinig sa madamdamin nyong kakornihan.." kwento ni Romeo..

Nagtawanan lang sila..

Nauna ng magpunta ang magkasintahan sa canteen..

Naiwan ang tatlong alas at pasimpleng binilang ang nalikom na pera galing sa sindikato..

"Wahihi.. Ayos na negosyo to.. Bukas lagyan natin ng malaswang eksena para mas tumabo tayo sa takilya.." biro ni Romeo..

Nag apir silang tatlo..

Biglang may bumatok sa kanila..

Automatikong lumabas ang fighting aura ng tatlo pero nanliit sila ng makita ang nakapameywang na si Krissia..

Nakataas ang dalawang kilay nito..

Biglang nilahad ng dalaga ang palad..

"Akina yan.." taray ni Krissia..

Nagkatinginan ang tatlo..

"Alin?.." painosenteng tanong ni Rhoi pero tinaas ni Krissia ang isang kilay..

"Bigay mo na Rom.." tupi si Rhoi..

Natawa si Darius pero pati sya siningil ni Krissia..

"Tatlo kayo.. Yang nasingil nyo ang ipambabayad natin sa kakainin natin ngayon.. Di na kayo nahiya.. PAti yung dalawa pinagkakitaan nyo.. Hala.. Akina.. Oops.. Romeo.. Wag mong bawasan .. Nakikita ko kamay mo.." banta ni Krissia..

Napakamot sa batok ang tatlo at labag sa loob na inabot ang mga pera sa dalaga..

Binilang ni Krissia ang pera..

"Aba... Umabot ng 1 thousand?.. Ayos ah.. Sige ako manager ni Hannah.. Bwahahaha !.." tumawa na parang demonyita si Krissia..

Nagpunta ang dalaga sa canteen na hawak ang pera..

Tulala ang tatlo.

Nagkatinginan sila..

"Ganun lang?.." sabi ni Romeo.

Nagkabit balikat lang ang dalawa at sumunod na sa dalaga..

"Bilisan mo Rom at baka di ka masabit sa libre gago.." banta ni Rhoi..

Tumakbo si Romeo at humabol sa mga kaibigan..

ITUTULOY !!!