1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 32 - Twist
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 32 - Twist

By supertoyantz ·

Chapter 32 - Twist

( TOYANTZ ! - The Drug Lord )

Alumpihit ang isang babae na buksan ang pinto ng isang sikat na kapehan.

Atras abante sya kung papasok ba sya o hinde..

Saglit pa muna syang nagtago sa tabi..

Muli nyang sinilip ang binatang katagpo na halatang inip na din na naghihintay..

Sumimsim ito ng mamahaling kape .. Inis na binaba ang baso at tinapik tapik ang mesa..

Patingin tingin pa ito sa mamahaling relos..

Huminga ng malalim ang babae..

Kailangan nyang panindigan ang pagpunta..

Oo nga at matagal nya ng hinahanap ang lalaking ito..

Galit sya sa nagawa nito sa pamilya nila..

Sa huli ay muling bumuntong hininga ang babae..

Pilit pinatatag ang loob at pinangibabaw ang galit na nararamdaman..

Determinado hinawakan ang seradura ng salamin na pinto ng mamahaling kapehan at buo ang loob na pumasok..

Palingon lingon ang lalake kaya di kataka takang makita agad sya nito..

Nagsalubong agad ang mga kilay nito at nagtagis ang mga bagang..

"Fuck !.. Your damn late !." singhal ng lalake..

Nagkibit balikat ang babae at kampanteng naupo sa katapat na silya..

Tinitigan nya ang lalaking kaharap..

Gwapo.. Mayaman..

Delikadong kumbinasyon.. Kahit sinong babae ay mahuhulog dito..

Pero saksakan ng sama ang ugali nito..

Tila nahiya ang lalaki sa paraan ng pagtingin ng babae..

Napabaling ang tingin nito sa paligid at lihim na napamura..

"What you want to order?." tanong ng lalake..

Umiling ang babae ..

"Don't bother.. Anyway I'm not hungry.." walang ngiting bigkas ng babae..

Tumango ang lalake at tinawag ang waiter..

"Clean this mess.." utos nya..

Nagtagis ng bagang ang waiter..

Napatingin ang babae sa nasabing waiter.. Nanlaki ang mga mata nya ng makilala ito..

"R-rhoi?.." mahinang tanong ng babae..

Ngumiti lang ang waiter at tumango..

Nang matapos ang paglilinis, binuksan ng babae ang sukbit na envelope at naglabas ng mga papeles..

"What is that?.." tanong ng lalake..

Walang reaksyon ang babae at isa isa nyang hinatag sa harap ng lalake ang mga dalang dokumento..

"Read it.." seryosong sabi ng babae..

Inis man, sinimulang isa isahin ng lalake ang mga papel na dala ng babae..

Napakunot noo sya..

"Ano to?.. Kontrata?.. Are you crazy?.." tanong ng lalake..

Ngumisi ang babae at sumandal sa upuan..

Tinitigan nya ang lalake na kunot na kunot ang noo..

"Yan lang ang panlaban ko sayo.. Di kami ganun kayaman.. Yagit kami kung ikukumpara sa inyo pero kung meron nyan.. Kahit anong yaman mo.. Di ka makakatakbo.. Kailangan mong panagutan ang bata.." matigas na sabi ng babae..

Napamura ng lihim ang lalake..

Nagliliyab ang mga mata nyang tinitigan ang mga papeles at ang babae..

"Fine fine.. Just do me this favor and I will do what this fucking contract says." maasim na sabi ng lalake..

Napangisi na naman ang babae..

NAglabas sya ng ballpen..

"Sign.. " utos nya..

Labag man sa loob.. Isa isang pinirmahan ng lalake ang mga papeles..

Matapos nito at pabagsak nyang nilapag ang ballpen..

"Happy?.. Now , ako naman.." sabi ng lalake..

Ngumisi ang babae at napatango..

Isa isa nyang pinagbabalik sa envelope ang mga dokumento..

Ang lalake naman ang naglabas mula sa wallet ng litrato..

Napakunot noo ang babae..

"Whats that?.." tanong nya..

"Photo.. Stupid.." singhal ng lalake..

Malakas ang pagkakasabi nya kaya medyo nahiya ang babae at napatingin sa paligid..

Nakahinga sya ng maluwag ng mapansing kokonti lang ang tao sa nasabing kapehan..

"Di mo ba alam ang salitang hiya?.." tanong ng babae..

Winasiwas lang ng lalake ang kamay nito..

Tinulak nya palapit sa babae ang nasabing litrato..

Dinampot naman ito ng babae at tinitigan..

"The girl named Hannah.. And yung kaholding hands nyang guy... Thats Aldrin.. I don't know the surname, that's not important anyway..may gusto akong ipagawa sayo.." bungad ng lalake..

Nanlaki ang mga mata ng babae..Napansin naman ito ng lalake..

"Why?.. You know them?.." tanong nya..

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng babae..Napailing ito..

"Nope.. Gwapo yung guy.. And the girl is so pretty.. " puri nya..

Umasim ang mukha ng lalake..

"I know.. Pero di ko sinabing purihin mo yung lalake.. Anyway.. That girl is my fiancee.." biglang banat ng lalake..

Nagulat man.. Pilit tinago ng babae ang reaksyon nya.. Tumitig sya sa lalakeng kaharap at tumawa na parang nang iinsulto..

"Naiputan ka?.. How sad.. Good to you.." pang aasar ng babae.

Napamura ang lalake..

"Wala kang pakelam.. Ang ipagagawa ko sayo ang intindihin mo.. I wan't to get rid of that guy.." sabi ng lalake..

Napakunot noo ang babae..

"Why?.. If fiancee mo sya tulad ng sinasabi mo.. Eh di may karapatan ka.. Bakit kelangan mo pang mag-utos?.." nang iinis na tanong ng babae..

Nagsalubong ang kilay ng lalake..

"I won't answer you.. Di ko kailangang magpaliwanag sayo.. Ang mahalaga, gawin mo ang lahat para mag hiwalay sila.. Understood?.. " giit ng lalake..

Napaisip ang babae.. Di nya kaya.. Kilalang kilala nya ang nasabing lalake sa larawan..

"Di mo kaya?.." naninigurong sabi ng lalake..

"Pano kung tumanggi ako?.." nanunubok na tanong ng babae..

Nahampas ng lalake ang mesa..

Agad napatingin ang isang customer sa di kalayuan..

Napalapit si Rhoi at inawat ang lalake..

"Sir.. Baka naman po masira nyo yung mesa.." mahinahong awat ni Rhoi.

Dinuro ng lalake ang binata..

"You son of a bitch.. How dare you to mess with me.. Baket?.. Sahuran ka lang dito ah?.. Magkano ba sahod mo?.. Babayaran ko buong taon mo dito.. And kung inaalala mo itong mesa na to.. Gusto mong bilhan ko pa ng isandaang piraso ang pipitsuging cafeteria nyo?.. Get lost you stupid asshole.." singhal ng lalake..

Nag-alala ang babae para sa dating kaibigan..

Pero namangha sya dahil parang ni hindi man lang ito nasindak..

"Ah ganun ba sir?.. Eh kung ganun po.. OKs lang pala kahit wasakin nyo na itong mga mesa dito.. Pero kahit wag nyo na po bayaran.. Bale tatabla na lang po ako para sa may ari nitong store.." nakangiting sabi ni Rhoi..

Napakunot noo ang lalake pero napabungisngis ang babae..

Isa nga pala sa kilalang basagulero ang waiter na ito..

Ang Ace of Clubs..

"What do you mean tabla?.." tanong ng lalake..

Nagulat ang babae ng itayo ng binata ang lalake gamit ang kwelyo nito..

Nagbago ang ekspresyon ng lalake at biglang naging parang mabangis na hayop..

Nilapit nya sa mukha nya ang mukha ng lalake..

"Kada isang mesa na mawawasak nyo sir.. Isang parte ng katawan nyo ang lalagyan ko ng pasa.. Tabla na tayo kapag ganun sir..Okay lang na matanggal ako dito.. Di naman tayo magkakilala.. Ano deal?.." galit na sabi ni Rhoi..

Nasindak ang lalake pero naawat na ng mga kasamahan at guard ang binata..

Nilayo nila ang kasama nila at pinunta sa isang gilid ng coffe shop..

"Pare naman.. Baka madamay kame sayo eh.." sabi ng kapwa waiter..

Huminga ng malalim si Rhoi at ngumiti sa kasama..

"Sorry pare..Maangas eh.. Porke mayaman, akala mo kung sino... Pero parang namumukhaan ko yung lalake eh.." napaisip si Rhoi..

Natawa na lang sila ang kapwa waiter at bumalik na sa loob para magtrabaho..

Tumayo sa gilid si Rhoi at pinagmasdan ang lalake at babaeng nag uusap..

Ilang saglit lang ay nagpaalam na ang lalake .. Tinitigan muna nito ang nakaaway na waiter at inis na umalis..

"Don't come back again sir.." pang aasar ni Rhoi..

Napabungisngis si Bea..

Nilapitan naman ng binata ang dalaga at kinumusta..

"Oy.. Long time no look.." bati ni Rhoi..

Ngumiti si Bea at tinapik ang pisngi ng binata..

"Ikaw.. Di ka pa rin nagbabago.. Takaw gulo .. Manang mana ka sa mga kapatid mong mga alas.." lambing ni Bea..

Natawa si Rhoi ..

"Anyway.. Anu bang pinag usapan nyo non?.." tanong ng binata..

Ngumiti si Bea at napatingin sa labas ng salaming dingding..

"You don't have to know Clubs.." malungkot na sabi ng dalaga.

Natahimik naman si Rhoi..Napangiti dahil sa ginamit na pagtawag sa kanya ni Bea.. Ganito talaga ang pagtawag ng dalaga sa kanilang apat.. Spade kay Romeo, Diamonds kay Darius, Hearts kay Aldrin at Clubs ang kanya..

"You know, di man ako singgwapo ni Romeo..... Di man ako tulad ni Darius na maraming pera.. Di din ako tulad ni Aldrin na magaling mag kwenta.. May Nhyn naman ako..Haha.. Joke lang..Pero there is one thing I can assure you.. We all know how to listen.. And when we listen.. We don't just use our ears.. We also use this and this." tinuro ni Rhoi ang ulo at kaliwang dibdib..

Napabungisngis si Bea..

"Emo ka din tulad ni Aldrin?.." tanong ng dalaga..

NAtawa sila pareho..

"Well.. Lahat naman tayo may emotional sides..Syempre kahit anong tatag mo.. Dumarating din sa puntong natatalo ng puso mo ang lohikal na pag iisip mo.. Pero di porke emotional ka.. Mahina ka.. Sabi nga di ba.. Katakot takot na tapang ang kailangan mo para maamin mo sa sarili mong naduduwag ka.." nakangiting paliwanag ni Rhoi..

Natawa si Bea..

"Romeo ?.. Ikaw ba yan?.. " biro nya..

Tumawa din si Rhoi..

"Wala naman mabuting nagagawa yong ungas na yon kundi mangurakot.." biro ng binata..

"At mambabae.. " pahabol pa nya..

Napaismid si Bea..

"Baket?.. Di ka babaero ?.." nakataas ang kilay na sabi nya..

Natutop ni Rhoi ang bibig..

"Inosente ako.. Laking kumbento ako binibini.. Di ko alam yang mga sinasabi mo.." nanlalaki ang mga matang sabi ni Rhoi..

Natawa si Bea at hinampas ang braso ng binata..

"Ahaha.. Sus.. Si Aldrin lang matino sa inyo.." sabi ng dalaga..

Napangiti na lang si Rhoi..

"Syempre.. Ex mo yon eh kaya bias ka.." biro nya..

Natahimik si Bea..

"Alam mong hindi naging kame.." malungkot na sabi ni Bea..

"Aba.. Malay ko sa inyo.." natatawang banat ni Rhoi..

Napahagikgik si Bea ..

"No.. That's true.. Kahit itanong mo pa sa kanya.. Although.. I really like Aldrin.. A lot.." mahinang pag amin ng dalaga..

Napangiti si Rhoi.

"Then , I hope you won't mind me asking.. Why you left us?.. I mean.. Bakit mo sya iniwan?.?.." tanong ng binata..

Natigil sa pagtawa si Bea at malungkot na tumingin sa labas..

"There are some things that should remain secret Rhoi.. Hindi ito kasama sa adventures nyong apat.. Come on.. Grow up.." pangaral ni Bea..

Natawa si Rhoi..

"Kung makapagsalita ka.. PArang ang layo ng agwat ng age natin... Your just 19 years old Bea.." natatawang banat ng binata..

"I know.. Pero madami ng dumaan sa buhay ko na alam kong di nyo maiintindihan.. Kahit gaano kayo katalinong apat.. " mahinang sabi ni Bea..

Natahimik si Rhoi..

Napatingin sa nakasabit na wall clock..

"Come on.. Treat kita..Off ko na eh.." nakangiting sabi ng binata..

Ngumiti din si Bea..May naalala..

"Yan ang gusto ko sa inyo except for Romeo.. " natatawang banat ng dalaga..

Natawa din si Rhoi..

"Kuripot. !.." sabay nilang pang aasar sa walang malay na binata..

Nagtawanan sila..

"Mukhang tinutupad mo pa rin ang sinumpaan mo kay Krissing ha.. I admire you for that.. " nakangiting sabi ni Bea..

Napangiti din si Rhoi at napakamot sa batok..

"I know medyo childish sya.. PEro eto lang ang kaya kong gawin since nag aaral pa ako.. " nahihiyang banat ng binata..

"Uy ayos nga eh.. Nakakainggit ang babaitang yon.. She has you.. Eh ako.." malungkot na sabi ng dalaga..

"Hey.. Don't say that.. Makakatagpo ka din ng nararapat sayo.. Eventually.. Mamemeet mo din sya.. Wag kang mawalan ng pag asa.. Come on.. Para namang hindi ikaw yan..Cheer up !.." paalala ni Rhoi.

Napangiti ang dalaga..

"Okay kuya.. Ayaw ko dito.. Gusto ko ng tapsilog.." natawa ang dalaga sa sinabi nya..

Tumango si Rhoi at hinagis sa kasama ang suot na uniporme..

"Pare paki time out na lang ako ah.. Salamat.. Yung uniform ko tupiin mo.. Ikaw ang tutupiin ko bukas kapag magusot yan.." biro ni Rhoi..

Natawa ang dalaga at kumapit pa sya sa braso ng binata..

Gabi..

Sa bahay ng mga Villarama..

"And I love you so much much much.." hinalik halikan pa ni Aldrin ang cellphone..

Bungisngis si Hannah sa kabilang linya..

"Love you too much much much my heart.." lambing ng dalaga..

Kinilig na parang bulate si Aldrin..

"Muah muah .. Sup sup.." biro ng binata..

Natawa lalo ang dalaga..

"Yuck.. Term mo naman heart.." reklamo nya..

"Ay sorry heart.. Muah muah Tsup tsup.." pagbawi ng binata..

Nagtawanan sila..

"Buhbye.." lambing ng dalaga..

"Buhbye.." sagot ng binata..

"Love yah.." ganti ng dalaga..

"love yah ta.." landi ni Aldrin..

"Mamimiss kita.." lambing ni Hannah..

"Miss na kita ngayon pa lang.." bawi ni Aldrin..

Nagtawanan sila..

Biglang pumasok si Alyssa..

"Kadiri kuya.. Kailan kayo matatapos sa pag buhbye?.." pang aasar ng bunso..

Inirapan lang ni Aldrin ang kapatid..

Natawa si Hannah sa kabila..

"Hi sis !.." sigaw nya..

Inagaw ng bunso ang cellphone sa kuya nya..

"Hi ate.. yung pangako mo po.." ungot ng bunso..

Kumunot noo si Aldrin..

"Ano yon?.." tanong nya..

"Wala ka pake kuya.." irap ng bunso.

Inagaw nya bigla ang cellphone sa kapatid.

"Kuya !.. Di pa kami tapos mag talk eh.." nakangusong reklamo ng kapatid.

"Ikaw ang nang agaw.. Dun ka na nga.. Mag hanap ka ng kausap mo.. Eto ang piso.." biro ni Aldrin..

Inis na umalis si Alyssa..

"Moomm !!.. Si kuyaaaaa !." sigaw ng bunso..

Agad sinara ng binata ang pinto ng kwarto..

"Hello heart.." tawag ng binata..

"Yes Heart.." sagot ng dalaga..

"Ano yung pinangako mo kay Aly?.." tanong ni Aldrin..

Bungisngis si Hannah..

"Wala mahal.. Nanghihingi sya ng kikay kit.." sabi ng dalaga..

"Hala mahal.. WAg mo muna sya bigyan.. Baka maagang mag landi !.." awat ng binata.

Natawa ang dalaga..

"Bakit heart?.. Malandi ba ako?.." tampong tanong ng dalaga..

"Ofcourse not.. !.. Pero syempre.. 14 pa lang sya.. Di pa sya pwede mag lipstick lipstick.." sabi ng binata..

Natawa naman ang kasintahan sa kabilang linya..

"Ah ok.." tanging nasabi lang ni Hannah..

Umismid si Aldrin..

"Sus.. If I know.. Bibigyan mo parin sya.." sabi ng binata..

Napabungisngis si Hannah..

"Isa lang heart.. Don't worry.. Ako na lang mag paparemind sa kanya na bata pa sya.. " sabi ng dalaga..

"Kaw bahala heart.. Alam mong ikaw ang idol nitong kapatid ko.." sabi ng binata..

Natawa ang dalaga..

"Okay heart.. Kain na tayo?.." tanong ni Hannah..

"Okay okay.. Buhbye.." paalam ni Aldrin..

"Buhbye.." sagot ni Hannah..

"Love you.." sabi ng binata..

"Love you too.." sagot naman ng dalaga..

"I will miss you.." pang uuto ng binata..

"Miss na kita.." sabi ng dalaga..

Nagtawanan silang dalawa..

"Di na tayo talaga matatapos nito.." sabi ni Hannah..

Napatango si Aldrin at natawa..

"Sige na Heart.. Baba mo na.." sabi ng binata..

"Ikaw na.." ungot ng dalaga..

"Kaw na heart.. GO .!." udyok ng binata..

"Pleaaaseeee?.." lambing ng dalaga..

Nanginig si Aldrin sa kilig..

"Okay para fair.. Sabay tayo.." sabi ng binata..

"Okay okay..bilang tayo ng up to 3 okay?." sabi ng dalaga..

"Okay.. 1, 2, 3.." sabay nilang bigkas...

Pero walang nagpatay ng cellphone..

"Daya !.." sabay pa nilang sabi..

Nagtawanan ang dalawa..

"Sige na kasi Heart.. Ikaw na mag baba ng phone.." ungot ni Hannah..

"Hayz.. Alam mo.. Be fair naman kasi.." sabi ng binata..

"Baket ?.." tanong ng dalaga..

"Wag kang gagamit ng ganyang tono.." sabi ni Aldrin..

"Baket?.." nagtaka ang dalaga..

"Basta.. Kasi kapag nagiging malambing na boses mo.. Para na akong robot na walang alam gawin kundi ang sumang ayon sa lahat ng mga gusto mo.. Wag ganon mahal.. Be fair.. " tampo ng binata..

Kinilig hanggang ribs ang dalaga..Nagpaikot ikot sya sa kama..

"EEeeeee... Heart I love you talaga.. Sige po.. Basta ibaba mo na ha?.." sabi ng dalaga..

"Ok ok .. I love you.." sabi ng binata..

"Love you so much.." bawi ng dalaga..

"Mamimiss kita.." banat ng binata..

Biglang napahalakhak ang dalaga..

"Mamimiss din kita at ibaba mo na ang phone kung ayaw mong umulit ulit tayo.." natatawang sbi ng dalaga..

Natawa na din si Aldrin..

"Okay okay.. Basta.. Mahal kita.. No matter what.. Bye.. Tawag ako ulit maya okay?.." sabi ng binata.

"Okay my Heart.. Buhbye.. Mahal din kita.. Muah !.." sagot ni Hannah..

Di na nakasagot si Aldrin ..Nanigas na lang sya sa kilig..

Sabay nilang pinindot ang end call..

Napatihaya sa kama si Aldrin at tinitigan ang kisame.. Para syang lango sa alak.. High na high ang pakiramdam nya..

Biglang nag ring ang phone ng binata..

Di na nya tiningnan kung sino ang tumatawag..

"Tsk.. Yes my Heart?.. Miss mo na ako agad?.. I love you !.." banat ng binata..

Walang sumagot sa kabilang linya..

Nagtaka si Aldrin ..

"Hi.." biglang nagsalita ang nasa kabila..

Nagulat ang binata at agad na tiningnan ang caller..

"Uy Bea.. Sorry.." hinging pasensya ng binata..

Natawa si Bea sa kabilang linya..

"It's okay.. Anyway .. Musta ka na?.." tanong ng dalaga..

"Uhm.. How can I say this.. Very Happy?.." nakangiting sabi ng binata..

Natahimik ang dalaga..

"Uy dyan ka pa?.." tanong ni Aldrin..

"Ay oo .. Well, Good for you.." sabi ng dalaga..

Nahimigan ni Aldrin ang lungkot sa boses ni Bea..

"Hey.. Bakit ka ganyan?.." tanong ng binata...

Bumuntong hininga si Bea..

"Hay.. S-sorry.. Sorry talaga.." sabi ng dalaga..

Nagtaka naman si Aldrin..

"Bakit ka nag sosorry?.. Huy.. Para kang praning.." sabi ng binata..

Natawa si Bea ng mahina..

"Miss na kita.." sagot bigla ng dalaga..

Nanigas si Aldrin..

"Ah.. Ganun ba?.." walang masabi ang binata..

Natawa si Bea ng mahina at muling bumuntong hininga..

"May s-sabihin ako sayo.." sabi ng dalaga..

"Ok game.." sabi ng binata..

Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila..

"B.." lambing ni Aldrin..

Napangiti si Bea..

"I miss that.. Namiss ko yang pagtawag mo .." mahinang sabi ng dalaga..

"Haha.. Okay..Ano ba yon?.. Need help?.. Makikinig ako.." sabi ng binata..

"Okay okay.. First of all.. I'm sorry sa pag iwan ko sayo.." sabi ng dalaga..

Napabuntong hininga ang binata at ngumiti..

"Well, di ko naman itatangging sobrang nasaktan ako nuon.. Akala ko masaya tayo.. Akala ko kuntento ka na sa akin .. Pero nagulat na lang ako one day.. Wala ka na. " di na naitago ng binata ang lungkot..

"Sorry talaga.. May nangyari eh.." malungkot na sabi ng dalaga..

"I saw you sa Computer Shop malapit sa amin.. You we're with someone.. " sabi ng binata..

Nagulat ang dalaga..

"You saw us?.. Pero don't worry.. Thats my couz.." nakangiting sabi ni Bea..

Pahiya si Aldrin..

"Selos ka?.." landi ng dalaga..

Natawa naman ang binata..

"Oo .. Aaminin ko.. Mamatay matay ako non.. Pero nuon yon.. " sabi nya..

Natahimik si Bea..

"Bakit ngayon?.. Ay oo nga pala.. May girlfriend ka na.." sabi na lang ng dalaga..

Napakunoot noo si Aldrin..

"Paano mo nalaman?.." tanong nya..

Natawa si Bea..

"Doesnt matter.. You love her?.." tanong nya..

Tumango si Aldrin..

"Very.. Childhood friend ko sya.." proud na kwento ni Aldrin..

Lalong nalungkot si Bea..

"So talagang pinagtagpo kayo ng destiny.. Sweet naman.." tanging nasabi lang nya..

Napangiti si Aldrin..

"Siguro nga.. Well.. Enough of us.. Anong sasabihin mo nga pala?.. Kung may problem ka.. Sabihin mo na.. Naging friends din naman tayo di bA?.." nakangiting tanong ng binata..

Bumuntong hininga na naman si Bea...

Di na nya mabilang kung nakailang buntong hininga na sya sa araw na ito...

Nag simula ng pumatak ang mga luha sa mata ng dalaga..

Pilit nyang tinago ito sa kausap na binata..

"Hey.. Ano ba yon?.." lambing ni Aldrin..

Napangiti si Bea ng malungkot..

Muli nyang pinatigas ang loob ng maalala ang sanggol..

"Remember nung nagpunta tayo sa resto nyo to celebrate my graduation?.." kwento ng dalaga..

Napaisip si Aldrin..

Bigla syang natawa..

"Haha.. That was the first time na uminom ako ng wine.. Ay.. Lahat pala kami.. First timers namin.. Teka.. Ikaw din eh. !.." nakangiting naalala ni Aldrin ang mga pangyayari..

Di natawa ang dalaga..

"Yes.. I admit .. That was my first to drink wine.. Pero naaalala mo ba after nuon?.." tanong ni Bea..

Napaisip muli si Aldrin..

Kumunot ang noo nya at napahawak sa baba..

"Ang pagkakaalam ko.. Nagising na lang ako sa condo mo.. Di ba .. Lahat naman kami nakatulog sa condo mo di ba?.. Kasama pa nga si Krissing eh at Ekang eh.." naalala na ng binata ang mga pangyayari..

Katahimikan..

"Oy.." untag ng binata..

Tumikhim si Bea.

"Saan ka nagising?.. I mean.. San ka nakahiga pagkagising mo?.." tanong ng dalaga..

Napaisip muli ang binata..

"Hmm.. Ang pag kakaalala ko.. Sa guest room ng condo mo.. Kasi nga ako lang yung nakaabot.. Bagsak yung tatlo sa salas .." natatawang kwento ng binata..

Tumango ang dalaga kahit di nya nakikita ang kausap..

"Thats it.. Thats the reason kung bakit ako nawala.." biglang sabi ng dalaga..

Natahimik si Aldrin..

"Anong kinalaman non?.." nagtatakang tanong nya..

Katahimikan..

Nakaramdam na ng kakaiba ang binata..

Parang may mali..

Parang may sasabihin ang dalaga na di nya magugustuhan..

"Bea.. Don't talk in riddles.. Tell it straight to me.. What are you trying to say..?.." seryosong tanong ni Aldrin..

Natahimik ulit ang dalaga..

"Bea !.." impit na sigaw ng binata..

Garalgal na ang boses ni Bea ng magsalita..

"Don't you remember the red stain in your blanket when you woke up?.." biglang tanong ni Bea..

Napakunot noo si Aldrin..

"Yea, I remember that.. Di ba sabi mo hotsauce yon nung binili ni Darius at Romeo na pizza?.." tanong ng binata..

"It's not !.. Thats blood !.." sigaw ni Bea..

Napaiyak bigla ang dalaga sa kabilang linya..

Nagulat si Aldrin..

"W-what?.. How?.. Paanong naging dugo yon?.. Kanino?.." sunod sunod na tanong ng binata..

"Remember when we met sa bus?.." umiiyak na tanong ni Bea..

Natakot na si Aldrin...

"Please.. Before we continue this talking.. Stop crying !.." pag awat ni Aldrin..

Pero tumanggi ang dalaga..

"Don't mind me.. Just answer my questions.." singhal ng dalaga..

Natameme si Aldrin.. Napalunok..

"O-okay.." mahinang sagot nya..

Huminga ng malalim si Bea..

"Yung batang hawak ko.." bungad ng dalaga..

"A-ano ang tungkol sa kanya?.." tanong ng binata..

"Di ba gusto mong malaman kung bakit nawala ako ng mahigit dalawang taon?.." tanong ng dalaga..

Pero parang ayaw ng malaman ni Aldrin ang kasagutan..

"Di ba?.." untag ng dalaga..

Napalunok muli si Aldrin..

"Y-yes.." mahinang tanong nya..

Marahas na nagpunas ng luha si Bea sa kabilang linya..

"Remember the blood stain in your blanket when you woke up?.. That's mine.. May nangyari sa atin nuong gabing yon.. Oo .. Aaminin ko.. Pinasok kita.. Masyado kitang mahal.. Dagdagan pa ng alak.. Kaya naglakas loob ako.. Di ako nagsisisi.. Ikaw ang nakauna sa akin Al.." dire diretsong pahayag ni Bea.

Tulala si Aldrin..

Wala syang masabi..

Ni hindi nya mahanap ang boses..

Nakanganga lang sya at nanlalaki ang mga mata..

"And the baby na karga ko nung nagkita tayo sa bus.. Thats my daughter.. And gusto kong malaman mo na anak mo din sya.. Oo Al.. Nagbunga ang nangyari sa atin nuon.. Natakot ako sa maaaring maging reaksyon mo kaya nawala na lang akong bigla.. The moment na nalaman kong buntis ako.. Natakot ako.. Kaya sorry kung nagtago ako sayo.. Yung ang dahilan kaya iniwan kita bigla.. Now that you know.. Nasagot ko na ang tanong mo.. " naiiyak na bulalas ni Bea..

Parang huminto ang mundo ni Aldrin..

Nagpanting na ata ang tenga nya dahil pakiramdam nya mali ang naririnig nya..

Wala ng boses na lumalabas sa bibig nya..

Wala din naman syang salitang kaya sabihin sa mga oras na iyon..

"I have you daughter Al.. Now that you know.. Gusto kong panagutan mo sya.. " mahinang sabi ni Bea sabay biglang binaba ang telepono..

Nabagsak ni Aldrin ang sariling cellphone..

Buti na lang sa kama ito bumagsak at hindi dumulas sa sahig..

Pero kahit siguro magkabasag basag ang cellphone nya.. Di nya ito mapapansin dahil sa sobrang pagkabigla..

Kahit ata hagisan sya ng granada sa harap ay no comment lang sya..

Walang boses na namuwati sa bibig ng binata..

Parang biglang sumakit ang ulo nya..

Tulala lang syang nakatitig sa cellphone..

Kung totoo man ang sinasabi ng dalaga..

Paano na si Hannah?.. Paano na ang sinumpaan nila?..

At isa pa.. Bata pa sya.. Handa na ba syang salubungin ang responsibilidad ng pagiging ama.?..

Paano nya sasabihin sa mga magulang , kaibigan at higit sa lahat ay kay Lelay?..

Tulala ang binata na muling humiga..

Nakatitig sya sa kisame ..

Di alam ang iisipin..

Di alam ang gagawin..

ITUTULOY !!!