1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 37 - LEAPOT !
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 37 - LEAPOT !

By supertoyantz ·

Chapter 37- LEAPOT !


Tahimik na umibis mula sa sasakyan ang apat na alas kasama si Hannah.

Ramdam nila pare pareho ang nakaambang kaguluhan na maaaring maganap.

Humigpit ang kapit ni Hannah sa braso ng kasintahan.

Nagkatinginan ang apat na alas.

"Guys, before anything else. Wag ka ng epal Rom. Alam ko ayaw mo sa emo at madamdaming pag uusap. Pero hayaan mo muna akong makatapos. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagawa ninyo. Kung di dahil sa inyo, malamang na nabuwag na ang relasyon namin ni Hannah. Marami akong natutunan sa bawat araw na nagdaan. Maraming salamat." nakangiting pahayag ni Aldrin.

Nag thumbs ang tatlong alas sa kanya.

Napatingin sila sa mansyon.

Simbulo ng karangyaan ng pamilya Montefalco.

Napabuntong hininga si Hannah.

Mahal na mahal nya ang pamilya nya.. Ni sa isip, di nya mailarawan ang sarili na sinusuway ang mga ito.

Pero kailangan nyang manindigan.

Nakasalalay sa desisyon nya ang kaligayahan nila ni Aldrin.

Lalo nyang hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ng nobyo.

Tila humihingi ng lakas and at the same time ay pinapasa naman nya ang kanya.

Napatingin si Aldrin sa kasintahan.

Napuno ng pagmamahal ang puso nya.

Di nya akalain na maaaring maramdaman ng isang partikular na nilalang ang ganitong damdamin..

Napakalakas na hatak ng emosyon .. Pinupuno nito ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao.

Ngumiti si Hannah..

"I love you Heart.. No matter what. " bulong ni Aldrin.

Nagblush si Hannah..

Walang salitang kayang mamutawi sa kanyang bibig sa mga oras na iyon..

Tumingkayad sya at masuyong dinampian ng halik ang pinakamamahal na nobyo.

Batid nyang di nya kayang isatinig ang nararamdaman.. Kaya sa pamamagitan na lamang ng halik, maipadama nya sa nobyo ang kasagutan sa sinabi nito..

Napangiti lalo ng maluwang si Aldrin..

Kung ganito ba naman ang kailangan mong ipaglaban..

Sa tingin nya ay kakayanin nya ang lahat..

Tumikhim si Romeo.

Nag inat ang tatlong alas..

Nagkatinginan sila at nagkangitian..

"Mga tol.. Walang iwanan.." nakangiting sabi ni Romeo.

"Yeah !.." sabay na sabi nina Rhoi at Darius..

Ngumiti ng matamis sina Hannah at Aldrin..

Nilingon nila ang malaking mansyon..

Naunang pumasok si Romeo pero bigla din syang tumigil..

"You should come first.. Para di kami masabihan ng tresspassing.." biro ni ROmeo kay Hannah..

Bungisngis ang dalaga ..

Inalis nya ang pagkakakapit sa braso ng nobyo at nilipat ito sa kaliwang kamay nito..Napangiti ng maluwang si Aldrin at humigpit din ang pagkakahawak nya sa kamay ng katipan..

Tahimik nilang binagtas ang malawak na entrada ng hasyend..

Napakunot noo na ang dalaga..

"Why heart..?.." tanong ni Aldrin.

Huminto si Hannah sa bukana ng hagdan .

Nilingon nya ang kapaligiran..Muling kumunot ang kanyang noo.

"Something's wrong..." bulong nya..

Tumango sina Romeo..

"Yeah.. Di ganito katahimik dito.. Parang walang katao tao.." bigkas ni Rhoi..

Napatingin sila sa paligid..

"Keep going.. I smell something's fishy going on.." utos ni Romeo..

Tumango ang lahat..

Marahan silang umakyat sa hagdan at binuksan ang front door.

Agad napahigpit ang paghawak ng magkasintahan sa kamay ng isa't isa..

Unang bungad sa kanila ay ang seryosong mukha ng Lolo ni Hannah na nakaupo sa isang mataas na silya ..Nakadekwatro at nakahawak ang isang kamay sa baba..

"Sit.." malamig na utos ng Lolo..

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan..

Napalunok si ALdrin ..

Dahan dahan silang naupo sa katapat na sofa..Niyakap ni Hannah ang braso ng kasintahan..

Sumunod sina Rhoi at Darius..

Pero tumanggi si ROmeo..

"Masyado na akong nabugbog sa pagkakaupo.. I prefer to stand.." paliwanag ng binata..

Tumango ang Lolo..

Muling bumaling ang tingin nya sa magkayakap na kasintahan..

Pilit na ikinukubli ang emosyon sa mukha..

Seryoso..

"Now..That all the mess was finally over..Gusto kong magpasalamat sa inyo.. Kwadro Alas.. Sa pangangalaga sa apo ko.." bungad ng Lolo..

Napangiti ang tatlong alas..

Seryoso si Aldrin na nakipagtitigan sa Lolo..

"You don't have to thank me sir.. It's a called duty... Not me.. But my Heart told me na alagaan sya.. " paliwanag ni Aldrin..

Tumango ng marahan ang Lolo..

Pinitik nito ang kamay..

Nagkatinginan ang apat na alas..

Biglang lumabas si Elena..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah at akmang sasalubungin ang ina..

Pero nagtaka sya .. Maging ito ay seryoso ang pagkakatingin sa kanya..

"N-nay?.." impit na sabi ni Hannah..

Napangiti ng malungkot si Elena..

Naupo ito malapit sa trono ng Lolo..

Seryoso at mukhang malungkot..

"Nuon..Mayroon akong isang matalik na kaibigan..Halos kapatid na ang turingan namin sa isa't isa..Tulad ninyong apat..Habang nasa kalagitnaan ng labanan..Nakabuo kami ng isang pangako..Sumumpa kami na kung sakaling matakasan namin ang karit ni kamatayan.. Ipagkakasundo namin ang aming mga anak..Bilang tanda ng walang hanggang koneksyon sa isa't isa..Ayaw kong sirain ang pangakong yon.. Pinagkasundo ko ang nag iisa kong anak na babae..Ito'y walang iba kundi ang iyong ina Hannah..Si Elena.. Pero sa kasamaang palad..Tumakas sya..Nagalit ako..Natural na reaksyon para sa isang ama na sinuway ng kanyang anak..Hinanap ko sya..Pero natagpuan kong masaya na syang namumuhay sa piling ng isang magsasaka..Payak at simpleng pamumuhay..Kung di ka kakahig, di ka tutuka..Kabaligtaran ng dapat ay dinaranas nya sa piling ng anak ng matalik kong kaibigan..Akala ko maaari pa..Pinlano ko silang mag hiwalay.. Pero nalaman kong nag dadalang tao na ang aking unica hija... At ikaw nga iyon apo.." kwento ng Lolo..

Nakinig ang lahat sa bagong kwento..

Kapwa walang salitang namutawi sa bibig ng apat na alas maging kay Hannah..

Akala nila Trip trip lang ang nais na gawin ng Lolo pero nabigla sila sa nalamang may pinag ugatan pala ang lahat..

Lalong humigpit ang kapit ni Hannah sa braso ng kasintahan..

"Sa nakikita ko.. Mukhang masaya ka naman apo ko.." malungkot ang pagkakangiti ng Lolo..

Tumango tango si Hannah..

Ayaw man nya, di na nya napigilan ang pag agos ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata..

Parang nahuhulaan na nya ang nais iparating ng Lolo..

"Masyadong mabigat para sa aming matatanda ang pangakong binitawan apo ko..Gusto kong ipaunawa sa inyo ang sitwasyon ko..Oo, kasalanan ko ang lahat..Pero gusto kong iparating sa inyo na wala akong balak sirain ang pangakong iyon.." matigas bigla ang pagkakasabi ng Lolo..

Nahindik ang magkasintahan..

Pati ang tatlong alas ay nakaramdam ng di maipaliwanag na inis ..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah..

"L-lolo.." mahinang sabi ng dalaga..

Tumango ang Lolo..

"Kailangan makasal kayo ng apo ng matalik kong kaibigan .. Di ka na makatatanggi ..Wala kang karapatang tumanggi.." madiin ang mga salitang lumabas sa Lolo..

Napatayo na ang magkasintahan..

Napatingin si Hannah sa ina na tahimik lamang na nakayuko sa isang tabi.

"N-nay?..W-wala po ba kayong gagawin?..Nay!.. Ayaw ko po !.." sigaw ni Hannah..

Tumitig ang kanyang ina..Nagulat pa si Hannah ng makitang luhaan na ito..

"P-patawarin mo ako anak..Sundin mo na lamang ang Lolo..Tama na ang pagsuway natin sa kanya.." mahinang sabi ni Elena..

Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah..

Umagos na ang luha sa kanyang mga mata..

Nag kandailing iling sya ..

Hinarang ni Aldrin ang katawan sa nobya at matatag na nakipagtitigan sa Lolo..

"Hindi po ako papayag !.." matigas na sabi ng binata..

Napangisi ang matanda..

"At ano naman sa tingin mo ang magagawa mo?.." hamon nito sa binata..

Napalunok si Aldrin..

Batid nya ang bigat ng konsekwensya na maaari nilang harapin..

"Sa nakaamba nyong pagsuway sa nais ko.. Daranasin nyo din ang hirap na dinanas ng ina mo Hannah.. Oo nga, nabuhay sila..Pero bago iyon.. Naghirap muna sila..Iyon ang gusto kong isiksik sa utak ninyong dalawa..Oras na suwayin ninyo ang nais ko.. Aalisan kita ng karapatan sa mana..Lahat lahat..Mamumuhay kayong wala ni isang singko sa bulsa.. Kakayanin nyo ba? " muling hamon ng Lolo..

Nagkatinginan sina Hannah at Aldrin..

Yumakap ang dalaga sa nobyo..

"Handa akong maghirap Pot.." bulong ni Hannah..

Napaismid ang Lolo..

"Kung makasarili ka Aldrin..Humayo kayo..Iparanas mo kay Hannah ang hirap ng buhay..Di porke may kaya ang pamilya nyo, masusustentuhan mo na ang pang araw araw nyang pangangailangan.. At ganun ka ba inutil para umasa na lamang sa mga magulang mo?.." maasim na sabi ng Lolo..

Napaisip si Aldrin..

Masuyo nyang tiningnan ang kasintahan..

Masakit sa kanya ang mawalay dito ngunit sa gagawin nila..Mararanasan ni Hannah ang hirap na di nya nakasanayan..Kahit sya..Pero handa syang harapin ito alang alang sa dalaga..Pero si Hannah..Maatim nya bang makitang nag hihirap ang kasintahan dahil sa pareho nilang pagsuway?..

Di nagsalita ng ilang minuto si Aldrin..

Nakatitig lamang sya kay Hannah..

Naglalakbay ang diwa nya at isip sa maaaring maganap sa hinaharap..

Niyakap ng mahigpit ni Hannah ang kasintahan..

"Pot.." bulong nya..

Ngumiti ng malungkot si Aldrin..

Hinaplos nya ang pisngi ng nobya at tiningala sa kanya..

"Heart..Maaaring mawala sa atin ang lahat.." malungkot na sabi ni Aldrin..

Tumango si Hannah..Luhaan..

"Alam ko..Pero tanggap ko na..Basta kasama kita..Sapat na yon..Magkasama tayong haharap sa future natin..Basta magkasama tayo.." mahinang sabi ni Hannah..

Ngumiti ng malungkot si Aldrin..

Marahan nyang pinunasan ang luha sa mga mata ng dalaga..

"Ako din..Handa akong sumugal ..Basta wag ka lamang nilang kunin sa akin.." masayang sabi ni Aldrin..

Ngumiti si Hannah..Di nya mapigilan ang bugso ng damdamin..Tumingkayad sya at pinalibot sa leeg ng kasintahan ang dalawa nyang braso..

Sinakop ng mga labi ni Aldrin ang malalambot na labi ng dalaga..

Wala na silang pakialam sa paligid..

Ang mahalaga..Maipadama nila sa isa't isa ang masidhing damdamin na hirap silang pangalanan..

Ilang segundo din halos nag dikit ang kanilang mga labi.

Tumikhim ang Lolo..

Nagkalas ang magkasintahan at matatag na tumitig sa matanda.

"Ano na?.." untag nito..

"Wala na po kaming pakialam sa yaman.." sabi ni Hannah..

Tumango tango ang matanda.

"Handa po kaming maghirap..Basta magkasama lamang kami.." sabi naman ni Aldrin..

Lalong tumango tango ang Lolo..

"Pre..Nandito din kame.." biglang singit ni Romeo..

Napangiti ang magkasintahan..

"Alam ko.." sabi ni Aldrin..

Ngumiti ng maluwang ang Lolo pero agad nya din itong tinago.

Tumikhim syang muli..

"Kung yan na ang pasya ninyo..Sige..Pero nais ko munang tawagin ang matalik kong kaibigan..Ufo..Lekat ka..Lumabas ka na dyan.." sigaw ng Lolo..

Napakunot noo ang mga magkakaibigan.


Sa isang parte ng bahay..Tatawa tawang lumabas ang isang matanda ..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin ng makilala ang sariling abuelo..

"Pops?..".. sigaw ni ALdrin..

Napahagikgik ang matanda at tumabi sa bestfriend nya..

Naghigh five ang mga ito..

"Whats the meaning of this?.." tulalang tanong ni Aldrin..

Lalong nag bungisngis ang dalawang matanda..

Pero di pa pala tapos..

Isa isang naglabasan ang mga nanay at tatay nila.

Hawak ni Nestor ang isang video camera at tumatawang lumapit sa magkasintahan..

"Hayup ang drama nyo anak..Bebenta ito sa mga sawa na sa buhay at gusto ng mag suicide..Kadiri kayo.." pang aasar ni Nestor..

Tawa ng tawa ang mga tatay nila..

Lahat sila nag si upo sa mahabang sofa..

Litong lito ang kwadro alas pati na si Hannah..

Lalo silang nagulat ng mula naman sa likod..

Nagsilabasan sina Krissia, Bea, Cynthia, Khena at Hazel.. Lahat tawa din ng tawa...

"Anak ng bakang bakla..Na youscoop tayo pre !" sigaw ni Romeo..

Lalong nagtawanan ang lahat..

Napaupo ang magsintahan at di pa rin makapaniwala sa kaguluhang nangyayari..


Tumigil sa paglalandian ang dalawang lolo at umayos ng upo..

"Apo..Tulad ng kwento ko..Ito ang bestfriend ko.. Si Arnulfo..Ufo for short.." pakilala ng Lolo ni Hannah.

Napanganga sina Hannah at Aldrin..

"P-pops?..Anong trip to?.." untag ng binata..

Bungisngis ang lolo..

"Eh ito ang trip nitong matandang to..Ayos naman di ba?..Oh anak nakunan mo ba ang nakapandidiring kakornihan ng anak mo?.." sabi ni Lolo Ufo..

Nagthumbs up si Nestor sa ama..

Napahalakhak sina Elena at ALona sa isang tabi..

"Mom?..Kasabwat ka din nila?.." ungol ni Aldrin..

Tumango ang ina at hinawakan ang kaibigang si Elena...

"Pati ikaw Naynay?.." tili ni Hannah..

Lalo silang nagtawanan ..

Di maipinta ang itsura ng apat na alas pati na si Hannah..

"Tulad sana ng napagkasunduan..Balak naming ipakasal sina Nestor at Elena nuon..Pero tumakas si Elena..Ayos din naman..Dahil kung di dahil sa pagsuway nya..Di kayo lalabas dalawa.." bungad ng Lolo ni Hannah..

Di na maiwasang mapangiti nina Hannah at Aldrin..

"Pero mukhang ayaw naman ninyong sundin ang kasunduan..Kaya sige..Wala ng kasunduan na magaganap.." landi ng Lolo ni Aldrin..

Napatayo si Aldrin at tumawa..

"Ituloy ang kasunduan !..Bwahahahaha!.." sigaw nya.

Halakhakan ang lahat..

May bumusina sa labas..

Pumasok sina Tatay Bert at Mang Jack..Kasama ang mga asawa ng dalawang matanda..

"Tatay..Nandito na yung mga pagkain..Ano?..Nagkaalaman na ba?.." tanong ng Lola ni Hannah.

Napaungol ang magkasintahan..

"Hayup sa setup pre..Nakakaasar na nakakatuwa..Pero asar pa rin eh.." reklamo ni Romeo..

Lalong nagkagulo at umugong ang tawanan..

Inayos na nila ang mga pagkain na inorder..

Nagkaroon ng maliit na salu salo sa bakuran ng mga Montefalco..

Sa mahabang mesa..Magkatabing nakaupo ang dalawang matanda..

Masayang masaya sila na pinagmamasdan ang kanilang mga apo na maglakit na nakatitig sa isa't isa.


Tumawa si Ufo..

"Parekoy..Mukhang oks na oks na mga apo natin ah.." biro ng Lolo ni Aldrin..

Tumawa ang Lolo ni Hannah.

"Oo nga eh..Biruin mo nga naman, ang tindi din magbiro ng tadhana eh no..Sablay tayo sa mga anak natin..Sa apo pala tayo babawi.." nakangiting sabi nito..

TUmango ang Lolo ni ALdrin pero bigla itong natahimik.

"Ano na nangyari sa mga apo ni Isidor?.." tanong ng Lolo Ufo..Ang tinutukoy ay si Estong at Steve..

Lumatay ang lungkot sa mukha ng Lolo ni HAnnah..

"Nakakulong sila parekoy..Ayaw ko sana eh..Baka magtampo si Isidor at bisitahin tayo.." biro nito..

Natawa ng mahina ang Lolo ni Aldrin.

"Mauunawaan tayo ni Isidor..Batid nyang wala tayong masamang intensyon sa mga apo nya..Nais lamang natin silang matuto..Malay mo..Magbago ang dalawang yon..Panagutan ni Steve ang anak nya..At si Stefen..Makakakita din sya ng mamahalin nya.. Matututo din sila...Mabait si Isidor parekoy..At di magbubunga ng santol ang mangga.." paliwanag ni Lolo Ufo..

Tumango ang Lolo ni Hannah..

"Tama ka parekoy..Kung nakikita man tayo ni Isidor..Para sa kanya ang unang tagay !.." sabi ng Lolo ni Hannah.

Nagpingkian ang kanilang mga baso na may lamang lambanog..

Inisang lagok ang lamang alak..

Unang natapos sa paglagok si Lolo Ufo at tumawa sa bestfriend nya..

"Lekat na..Tumatanda ka na parekoy..Mahina ka na sa lambanog..Redhorse na ata tinitira mo eh.."pang aasar nya..

Umismid ang Lolo..

"Palibhasa wala na yung dati mong tagayan..Mas maliit ng di hamak yang baso mo kesa sa baso ko..Nasan na ba kasi yung baso mo parekoy?.." asar na sabi ng Lolo ni Hannah..

Tumawa ng malandi si Lolo Ufo..

"Wag ka ng mangatwiran parekoy..Pero infairness, pumuputi ka ah.." landi ng Lolo Ufo..

Napangisi ang Lolo ni Hannah..

"Hiyang pare..Nag lolotion na din ako tulad ni misis..Pati yung padala ni Elena na glutatayon ba yon.." nilahad pa ng Lolo ni Hannah ang maputing braso..

Nacurious naman ang Lolo ni Aldrin..Nainggit..

"Oh?.. Ang bangis mo parekoy..Kung kelan ka tumanda ..Tsaka ka nagpapaputi..Pero teka..ano ba yong glutatayon?..".. tanong nito..

Bungisngis si Alona sa gilid kasama si Elena..

"Parekoy..Bigyan kita..Parang tabletas..Pero maliit lang..Bigyan kita mamaya.." sabi ng Lolo ni Aldrin..

Napatango ang Lolo Ufo..

Bigla itong naglabas ng cellphone..

Nanlaki naman ang mga mata ng Lolo ni Hannah..

"Anak ng pating..!.." sigaw nito..

Napangisi ang Lolo ni Aldrin at binida ang bagong cellphone..

"Kita mo to parekoy.. May bluetooth yan.. tapos laos na yang papindot pindot mo sa keypad.. Eto na uso.. Touchscreen ang tawag dito..Bangis no..Andaming laro parekoy..May Angry birds pa..Bwahaha..Laos ang glutatayon mo.." pang aasar ng Lolo ni Aldrin..

Nagsintir ang Lolo ni Hannah..Sinitsitan nito ang anak na si Elena..

Pinigilan ng nanay ni Hannah ang tumawa ..

Lumapit sya sa dalawang matanda..

"Ano po yon Tay?.." tanong nito..

Tinuro nito ang bagong cellphone ng bestfriend nya..

"Anak..Wala ka bang uwing telepono para sa tatay mo?.." nagtatampong tanong ng Lolo ni Hannah..

Di na napigilan ni Elena ang tumawa..

Sumabog na sya at halos mahimatay sya sa sobrang halakhak..

Napasimangot ang Lolo ni Hannah..

"Aahahahahaha..Grabe..Di ako makamove on sa inyo...Ahahaha..Dami kong tawa talaga..Mga 17 siguro..Ahahahahaha.." tawa ng tawa si Elena.

Kailangan pa syang alalayan ni ALona at muling paupuin sa tabi nito..

Napangisi si Lolo Ufo at hinawak hawakan ang bagong cellphone...Inamoy amoy pa ang cellphone nya at halos maduling na ang Lolo ni Hannah sa inggit..

"Ang bangis parekoy..Grabe..Pwede kong gamiting alarm ito sa umaga..Grabeee.." landi ng Lolo ni Aldrin..

Nanlaki ang mga mata ng Lolo ni Hannah..

"Pwedeng alarm?..Yung sakin may flashlight lang eh..Kainis ka!.." binatukan bigla ng Lolo ni Hannah ang Lolo ni Aldrin.

Tawa ng tawa ang dalawang matanda...

"Palaro ako parekoy.." ungot ng Lolo ni Hannah..

Biglang napatingin sa paligid ang Lolo ni Aldrin at bumulong sa bestfriend nya.

"Parekoy..Wag ka na maadik sa laro sa cellphone ..May peysbuk ito.." bulong ng Lolo ni Aldrin..

Nanlaki lalo ang mga mata ng Lolo ni Hannah..

"Say whaaatttt?.." sigaw nito..

Pero tinakpan ng Lolo ni Aldrin ang bibig ng kaibigan..

"Putris ka parekoy..Wag kang maingay.. Di ba may peysbuk ka na?.. Dali..Pasok mo.. May tuturo akong PAGE.. Ay dyos ko parekoy..Ang daming chikababes na halos wala ng damit..Maglalaway ka talaga..Nuong kapanahunan natin, makita mo lang ang hita.. Pakakasalan mo na..Ngayon kahit kasingit singitan parekoy..Nakow talaga..Baka atakehin ka sa puso parekoy.." iiling iling na pinaglaway pa ng Lolo ni Aldrin ang kaibigan nya..

Pasimple silang nag facebook dalawa..

Nanlaki ang mga mata ng dalawang matanda sa baong posts ng isang kilalang adult page..

"G-grabe parekoy..A-ang t-tambok.." bulong ng Lolo ni Hannah..

"Sssh..Parekoy..Madami pa yan..Nakarami na nga ako eh..Yung iba pasimple kong tinago sa memory..Mamaya pasahan ko yung cellphone mo..Scandal pa parekoy.." nang iinggit na sabi ng Lolo ni Aldrin..

Natahimik ang dalawang matanda..

Napapapikit pa sila kapag nakakakita ng malalaswang larawan ng mga babae sa facebook..

Nasa kalagitnaan sila ng pag bobrowse ng biglang mauntog ang ulo nila sa isa't isa..

Galit na nilingon ng dalawang matanda ang may sala kung bakit sila nauntog sa isa't isa pero halos malaglag sila sa upuan ng makita ang nakasimangot na mukha ng dalawang Lola..

"Ano yan?.. " nakataas ang kilay na tanong ng Lola ni Hannah..

Napahawak sa puso ang Lola ni Hannah at nagkandailing..

Pingot agad ang Lolo ni Aldrin..

Tawa ng tawa ang mga nanay at tatay nila sa dalawang Lolo..


Pati kwadro alas di mapigilan ang tumawa sa matatanda..

"Problema non?.." tanong ni Darius..

Nagkibit balikat lang sina Rhoi..

Kinalabit ni Hannah ang kasintahan at nginuso ang daan papuntang ilog..

Napangisi si Aldrin..Pasimpleng tumayo ang mag kasintahan at tumakas papunta sa ilog kung saan nila nalamang ang katauhan ng isa't isa..

Tahimik lang sila habang naglalakad..

Naupo sa damuhan si Aldrin at nilatag ang panyo sa tabi nya..

Nakangiting naupo si Hannah sa tabi ng nobyo at humilig sa balikat nito..

Pinagmasdan nila ang papalubog na araw..

Masayang masaya ang pakiramdam nila..


"Heart.." bulong ni Aldrin..

Napalingon si Hannah..

Nagkatitigan sila..

Napuno ng pagmamahal ang puso ng dalawang nilalang..

DI nila kayang pangalanan ang damdaming sumasakop sa pagkatao nila..

Wala silang nais gawin sa mga oras na iyon kundi ipadama ang pagmamahal sa isa't isa..

Dahan dahang naglapit ang mga mukha nila..

Napapikit pareho sa intensidad na sumalubong sa pagdadampi ng kanilang mga labi..

Masuyo ang paghalik na ginagawa ni Potpot sa kasintahan...Walang pagmamadali..

Batid nyang hawak na nila ang oras at tadhana..

Wala ng hadlang pa..At kung meron man..Magkasama nilang haharapin ni Lelay ang hadlang..

Tumulo ang luha sa mga mata ni Lelay..

Di nya maintindihan pero napakasaya nya.

Kinulong ni Potpot sa dalawang kamay ang mukha ng kasintahan at pinagdiinan pa ang halik..

Binuka ni Lelay ang bibig at pinapasok ang dila ng nobyo..

Napasinghap pa sya sa panibagong sipa ng damdamin na bumalot sa pagkatao nya..

Pinalibot nya ang mga braso sa leeg ng kasintahan at lalong pinagdiinan ito palapit sa kanya..

Matagal silang naghalikan.. Masarap at di maipaliwanag ang nararamdaman nila..


Sa di kalayuan..Nakakubli si Romeo..

Nakangisi ang binata at pasimpleng nirerecord ang mga pangyayari gamit ang videocam ng tatay ni Aldrin..

Napag utusan lang sya..

Pero kahit siguro di sya utusan, ganito pa rin ang gagawin nya..

Bungisngis ang binata..

Masyado ng matagal ang paglalabing labing ng dalawa..

Baka mauwi na sa pag gawa ng bata..

Kailangan na nyang mamagitan..

Pinatay ni Romeo ang videocam at akmang lalabas na sa pinagtataguan ng may humawak sa braso nya..

Paglingon nya ay nanlaki ang mga mata nya at agad na napaupo sa damuhan..

Sisigaw sana ang binata pero kataka takang walang boses na lumabas mula sa kanyang bibig..

Lalo syang inalihan ng takot para sa kaharap..

Sumenyas si Totoy na wag matakot..

Napatango si Romeo kahit kabaliktaran ang nararamdaman nya..Sobrang kabog ng dibdib nya..

Hinatak ni Totoy papunta sa malayo ang binata..

Kung saan kita nila ang magkasintahan at ang mga nagkakasiyahan..

"Wag ka ng manggulo..ANg KJ mo din eh.." bungad ni Totoy..

Umungol si Romeo at natuwa sya ng may lumabas ng boses sa bibig nya..

"S-sino ka ba talaga?.." tanong ng binata..

Napangiti si Totoy at inakbayan si Romeo.

"Ako at ikaw ay iisa.. Wag ka ng magtanong..Di ka ba masaya sa kinahinatnan ng mga kaibigan mo?.." tanong ng binata..

Napangiti na din si Romeo..Binalingan nya ng tingin ang magkasintahan na magkayakap na lamang..

"Masayang masaya.." sabi nya..

Ngumiti si Totoy at tumalikod..

Napatingin si Romeo..

"San ka pupunta?..Ayaw mo bang kumain?..Daming food o.." alok ng binata..

Pero tumanggi si Totoy..

"Kayo na lang...May lakad pa ako...Ngapala..Good job.." sabi nito..

Nagtaka naman si Romeo..

"Good Job for what?.." takang tanong nya..

Ngumiti si Totoy..

"For taking care of your brothers..Wag kang magbabago ..Tandaan mo..Ako at Ikaw ay iisa..Di mo man maunawaan ngayon..Pero batid kong mauunawaan mo din yan pagdating ng hinaharap...Anyway..May partner ka na ba sa book 4?.." tanong nito..

Umiling si Romeo..

"Wala pa..Wala pa akong mapili.." sabi lang nya..

Ngumisi si Totoy..

"Ah ganun ba?.. Sige..Alis na ko..." sabi nito..

Tumango si Romeo at tumalikod na din..

Pero bigla syang may naalala..

"Ngapala pre.." sabi ni ROmeo pero nanlaki ang mga mata nya..

Napatingin sya sa langit ng makarinig ng pagaspas ng kung ano..

Halos mapaupo si Romeo ng makita ang pagkalaki laking puting pakpak paakyat sa itaas..

Di nakapagsalita si Romeo..

Biglang may umihip na malamig na hangin at napalunok ang binata..

Umariba sya ng takbo sa takot..


Nakangiting muling tumayo ang magkasintahan at bumalik sa kasiyahan..

Batid nila ang damdamin nila sa isa't isa ay pang matagalan na..O baka nga pang habang buhay na..

Magkasama nilang haharapin ang bawat pagsubok na maaaring dumating at humarang sa relasyon nila..

Pero di sila nangangamba..Hawak nila ang puso ng isa't isa..

Kasama ang di matitibag na barkada at pamilya..

Wala na silang hahanapin pa..

Nagkatitigan ang magkasintahan at ngumiti sa isa't isa..

"I love you..." bulong ni Potpot.

Nilabas nya ang kwintas na matagal na rin nyang pinanghawakan ..

Naluha si Lelay ng makilala ang sinulid na ginawa nya para sa kababata..

Di na ito kasya sa leeg ni Potpot..

Nangamba silang baka maputol ang sinulid kaya muli itong sinilid ng binata at binulsa..

Hinimas ni Lelay ang kwintas na bigay ng kasintahan..

Napangiti silang muli sa isa't isa..

Nagdampi ang mga labi..

Pero agad ding naghiwalay ng mapadaan sa kanila si Romeo na animoy nakakita ng multo..

Napatingin sa isa't isa ang magkasintahan..

"Baliw o.." turo ni Aldrin kay ROmeo..

Natawa si Hannah at niyakap ang nobyo..

Sabay silang bumalik sa pamilya nila..

End !..