1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 10 - Ekang..
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 10 - Ekang..

By supertoyantz ·

Chapter 10 - Ekang..

Drinking coffee while writing..

Perpect :)

Start

Napasimangot si Darius sa ginawa ng kaibigan..

"Konti na lang yun ah.. Bwisit ka talaga Rom !.. " gigil nyang bulong ..

Tumayo sya at dahan dahang lumapit sa pinto ng banyo..

Inangat nya ang kamao para kumatok pero sa huli ay pinigilan nya ang sarili..

Ano ang sasabihin nya kay Ekang?

Hanggang sa magdesisyon sya na ipaubaya na ito kay bahala na..

Inangat nyang muli ang kamay at dahan dahang kumatok..

Napaigtad si Ekang sa kabilang bahagi ng pinto..

Mabilis ang tibok ng puso nya dahil sa muntikan nilang pag iisang labi ni Darius..

Tila uhaw na uhaw sya..

"S-sino yan ?.. " tanong ni Ekang..

Natawa si Darius..

"Delivery po.. " biro nya.

Natawa din si Dannica ..

"Delivery ?, diretso hanggang kwarto ko ?.. " sagot nya..

Nagtawanan sila..

"Buksan mo na to Ekang.. " bulong ni Darius..

Natigilan sa pagtawa si Dannica..

Huminga sya ng malalim para payapain ang mabilis na tibok ng puso..

Pero ayaw nitong makisama.

Lalo pa itong nagwala..

Tila nais ng lumabas sa kinalalagyan..

"B-bakit ?.. " tanong ni Dannica..

Natahimik si Darius..

Bakit nga ba ?..

"Ano bang gagawin mo dyan ?.. Papasok ka ba ? " tanong nya..

Napaisip din si Dannica..

Kung di sya papasok ay siguradong mapapagalitan sya ng ina..

Sigurado namang isusumbong sya ng mga kasambahay..

"Labas ka na Ekang.. " muling pagtawag ni Darius..

Napahinga muli ng malalim si Ekang bago umalis sa pagkakasandal sa pinto.

Inalis nya ang pagkakalock at dahan dahang pinihit ang seradura..

Nagtama ang mga mata nila ng binatilyo..

Muli, hindi nila pareho alam ang damdaming lumulukod sa kanila..

Sa batang isip ay wala silang kayang ipangalan sa pakiramdam na iyon..

Ngumiti ng kimi si Darius at humakbang paatras , pabalik sa kama at muling naupo..

Napangiti din si Ekang..

Dahan dahan syang lumapit sa binatilyo at naupo sa tabi nito..

Tahimik silang nagpakiramdaman..

Ramdam nila ang malalim na paghinga ng bawat isa..

"P-papasok ka ba ?. " muling tanong ni Darius..

Napaisip si Dannica..

Sinulyapan nya ang binatilyo pero muli nya itong inalis dahil ramdam nya ang pamumula ng mga pisngi..

"D-di ko alam.. I-ikaw ?.. " tanong nya..

Nagkibit balikat si Darius..

Nag inat sya at binagsak ang kalahating katawan sa kama..

"Di ko din alam eh.. Tinatamad ako.. Masakit pa nga katawan ko.. " sabi nya..

Napatingin si Dannica..

"San ang masakit sayo Joweebee ?.. " nag aalalang tanong nya..

Napangiti si Darius..

"I'm fine.. Konting rest lang ito and I'm sure na back to normal na ko.. Wala naman sigurong broken bones eh.. " sabi nya..

Nagtitigan sila..

Muli na namang namayani ang katahimikan..

Hanggang sa nag-iwas ng tingin si Ekang ..

"Tinatamad ako pumasok.. " sabi nya..

Natahimik silang muli..

Ng makarinig ng pagkatok mula sa pinto..

Nataranta ang dalawa..

"Dannica, iha.. Late ka na.. " boses ni Aling Miding..

Nagpanic si Ekang..

"Hala.. Anong gagawin natin !.. " tarantang sabi nya..

Mabilis na tumakbo patunong banyo si Darius..

"Wag mong papuntahin dito ha !.. " impit na sigaw nya..

Tumango si Ekang..

Inayos nya ang sarili at lumapit sa pinto..

Nagpraktis sya ng ngiti bago ito binuksan.

"Good morning po .. " bati ni Ekang..

Napakunot noo ang kasambahay..

"Gandang umaga naman.. Late ka na o.. " puna nito..

Tumango si Ekang..

Mabilis na pinagana ang isip..

"W-wala po kaming pasok ngayon.. " pagsisinungaling nya.

Nagtaka ang kasambahay..

"H-ha ?.. Di nga ?.. Ows ?.. " biro nito..

Natawa si Ekang..

"Nanganak po yung Adviser namin.. Wala pa pong napiling papalit.. " bigla biglang pagsisinungaling nya..

Tumango tango si Aling Miding..

"Ah ganun ba ?.. Oh sige magpahinga ka na lang muna dyan.. Sasabihin ko na lang sa Mama mo kapag nagtanong.. " sabi nito..

Nanlaki ang mga mata ni Ekang..

"Ah wag na po .. Pwede po bang wag nyo na lang sabihin na di ako pumasok now ?.. " pacute na request nya..

Nagtaka ang kasambahay..

Pero napangiti sya ng mag beautiful eyes si Dannica..

"Kita mo tong batang to.. Nag pacute pa.. Hala sige.. Di ko na lang sasabihin na di ka pumasok kasi nanganak yung bakla nyong adviser. " kumindat pa si ALing Miding..

Napanganga si Ekang..

Oo nga pala..

Lalaki ang adviser nila..

Kasama nga pala si Aling Miding nung nagpa enroll sya kaya alam nitong bakla ang kanyang guro..

Napangiwi si Dannica..

Pero tinapik sya ni ALing Miding sa balikat..

"Tinatamad ka lang no ?.. O baka may iba ka pang problema iha ?.. Nandito lang ako kung kailangan mo ng mapagsasabihan .. " wika nito..

Natouch si Ekang..

Napangiti sya..

Wala sa loob na niyakap nya ang matandang katiwala..

"Mula sanggol ka pa.. Ako na ang nag - alaga sayo.. " sabi nito..

Tumango si Ekang..

"Kaya kahit papaano.. ALam ko na may nililihim ka.. Pero alam ko na wala akong karapatan na pang himasukan ka dahil amo kita samantalang katulong lang ninyo ako.. " sabi pa nito..

Napailing si Ekang.

Nilayo nya ang matanda at pinakatitigan..

"Hindi ko po kayo tinuring na iba Yaya.. Sa katunayan.. Para ko na po kayong lola.. " buong pagpapakumbabang sambit nya..

Napangiti ng matamis si Aling Miding at tumango ..

"Salamat naman kung ganon.. Talagang di ka na papasok ?.. Kukunin ko na yung mga labahan mo dyan.." sabi nito sabay dire diretsong pumasok sa kwarto..

Nataranta si Ekang..

Humarang sya sa daraanan ng matanda..

Nagtaka si Aling Miding sa inakto ng dalagita..

"Aba't bakit ba ?.. Ang gulo mo ngayong araw ha.. " sabi nya..

Napangiti ng pilit si Ekang..

"A-ako na po ang magbababa.. " sabi nya..

Napakunot ang noo ng matanda..

"Hmm.. Sige na nga.. Lilinisin ko na lang itong kwarto mo.. " sabi nya.

Pero mabilis na umiling si Dannica..

"Ako na po.. Para naman po matuto ako.. " sabi nya sabay ngiti..

Napangiti ang matanda..

Tumango sya at akmang lalabas ng may mahagip ang mga mata nya..

Nilapitan nya ito at dinampot..

"Bago cellphone mo iha ?.. " tanong ni ALing Miding.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang..

Mabilis syang tumakbo palapit sa kasambahay at inagaw ang cellphone..

"Ahaha.. Si Yaya.. Nakalimutan nyo na po ba yung CP Model ko ?.. " halos masamid samid na pagdadahilan nya..

Lalong kumunot ang noo ng matanda..

"Yan ba yon ?.. Parang mas malaki yan iha ?.. Tsaka di ba pink yun ?.. " tanong pa nito..

Umiling iling si Ekang..

Pero pareho silang natigilan ng makarinig ng pagbahing mula sa banyo.

Nanlaki ang mga mata ni Aling Miding.

"S-sino yon ?.. " tanong nito..

Mabilis na kumilos si Ekang at humarang sa pinto ng banyo.

"W-wala po .. Ako po yon.. Haching !.. " pilit syang bumahing para pagtakpan ang narinig nito..

Pero napailing si ALing Miding..

"Dannica iha, mukhang may tinatago ka ha.. " sabi nya..

Nagpanic si Ekang ng unti unting lumapit ang kasambahay..

"W-wag po.. " sabi nya..

Natawa si Aling Miding..

"Wala akong ginagawa sayo iha.. " natatawang sabi nito..

Pero parehas silang natigilan ng bumukas ang pinto..

"Wala na ba Ekang ?... Nagugutom na naman ako eh.." tanong ni Darius..

Napanganga si ALing Miding...

Si Ekang ay napatakip ng kamay sa kanyang mukha..

Natigilan din si Darius ng makita ang matanda..

"Ay sorry.. Isipin nyo na lang na di nyo ko nakita.. " sabi nya sabay muling sara ng pinto..

Sinulyapan ni Aling Miding si Ekang nakatakip ang mukha..

"S-sorry po.. " sabi ni Dannica..

Pero imbes na magalit..

Natawa na lang si Aling Miding...

.
"Oh ayan Darius iho.. Kain lang ng kain.. " alok ni ALing Miding..

Nakangiting tumango si Darius at nilantakan ang mga nakahain..

Nasa kabilang dulo sina Dannica at Cely..

Pinagmamasdan ang binatilyo na lumalamon.

Nakangiting tumabi si Aling Miding sa tabi ni Dannica..

"Nobyo mo ?.. " tanong ni Aling Miding..

Namula ang mga pisngi ni Ekang at nagkandailing..

"Friend po.. " pag amin nya..

Kinilig si Cely..

"Ay ate.. Ang pogi nyan.. " bulong nito..

Napangiti si Ekang..

"Pogi no ?.. " pag sang ayon nya..

Tumikhim si ALing Miding..

Natahimik ang dalawa..

"Ano bang ginagawa nyan dito ?.. " tanong nya..

Napahinga ng malalim si Ekang ay napangiti..

"Sorry po Yaya kung naglihim ako .. Sigurado kasing makakagalitan ako ni Mama kapag nalaman nya na nag uwi ako ng kaibigan dito sa bahay.. " pag amin ni Ekang..

"Lalo na at lalaki pa.. " dugtong ni ALing Miding..

Tumango si Ekang..

"Sorry po talaga.. " paghingi nya ng paumanhin.

Napatingin silang tatlo sa binatilyo na walang pake alam kahit na pinagtsitsismisan na..

Focused ito sa pag ubos sa mga nakahain..

"Uhm.. B-baka naman nagtabi kayong natulog kagabi ?. " alumpihit na tanong ni Aling Miding..

Nagkanda iling si Ekang..

"Sa guest room po sya natulog.. Talaga lang pong wala na kaming option kasi nawalan na sya ng malay.. " paglalahad nya..

Tumango tango ang matanda..

"Eh bakit ba kasi kayo napaaway ?. " tanong pa nito..

Ngumiti si Ekang.

Kinilig..

"Pinagtanggol nya ako Yaya.. Andami nyang kalaban.. Pero di sya natakot.. " bulong ni Dannica..

Kinilig din si Cely..

"Ay ang tapang pala nya ate.. " puna nito..

Tumang si Ekang..

Napangiti na din si Aling Miding..

Umangat ang mukha ni Darius..

"Ayaw nyo talagang kumain ?.. " tanong nya..

Natawa ang tatlo..

"Hiyang hiya naman kami sa pag aalok mo.. Eh halos 2 hotdog na lang natira oh.. " sabi ni Ekang at bigla syang natawa ng isaksak ni Darius sa bibig ang 2 hotdog..

..

Matapos ang kainan..

Dumiretso sina Darius at Dannica sa hardin kung saan pinaka paboritong lugar ng dalagita..

Tahimik silang naupo sa upuan at pinagmasdan ang malawak na hardin..

Puno ito ng iba't ibang uri ng mga bulaklak na hindi kayang pangalanan ni Darius..

Napatingin si Ekang sa binatilyo..

Napuno ng paghanga ang kanyang puso..

Ng tumunog ang cellphone nya..

Si Krissia ang nasa kabilang linya..

Agad itong sinagot ni Ekang at nagpasintabi kay Darius..

"Sis kamusta?.. " tanong ni Krissing..

Agad silang nagtilian dalawa..

Pero impit lang ang kay Ekang dahil ayaw nyang marinig ito ni Darius..

"Okay lang sis.. Kayo ?.. " tanong ni Ekang..

Natawa si Krissing..

"Eto.. Kagigising lang namin halos .. Papasok pa lang kami.. Yung tatlong alas nag si uwi na para maligo at magbihis.. Si Tabar?.. " tanong nya..

Ngumiti si Ekang at pasimpleng sinulyapan si Darius na nakapikit..

Tila ninanamnam ang masarap na dapyo ng hangin..

"Ayos lang.. Kakatapos lang din namin mag breakfast.. Late na ah.. Papasok pa kayo ?.. " tanong ni Dannica..

Natawa si Krissing..

"Ayos lang ma-late.. Kasama ko naman yung tatlo.. Alam mo namang batas yung mga yun eh.. " sabi nito..

Natawa sila pareho..

"Sis.. Naalala ko.. Di ba report nyo ngayon sa English ?.. " tanong ni Krissing..

Napahinto sa pagtawa si Ekang ng maalala ang subject..

"Oh my God. ! .. I forgot.. " sabi nya..

Napaisip sila pareho..

"Pasukan mo na lang siguro sis.. Iwan mo na lang dyan muna si Darius.. Tutal mukhang di na yan makakapasok.. " sabi ni Krissing..

Nalungkot si Ekang..

Tila ayaw nyang iwan ang binatilyo..

"P-pero sis.. Nakakahiya naman kung iiwan ko si Darius dito mag isa.. " sabi nya..

Pero biglang sumingit si Tabar..

"Sige na Ekang.. Ayos lang ako dito. " singit nya..

Nagulat si Dannica..

"Kanina mo pa kami naririnig ? .. " tanong nya..

Tumango si Darius at ngumiti..

Pakiramdam ni Ekang ay namula ang anit nya sa pagkapahiya..

Inirapan nya si Darius..

Natawa lang ang binatilyo at muling pumikit..

"Sige sis.. Ligo na ko.. " sabi nya..

Nagpaalam sila sa isa't isa ni Krissing bago pinatay ni Ekang ang phone at hinarap ang binatilyo..

"Dito ka lang ?.. " tanong ni Ekang..

"Ay hindi.. Duon ako.. " biro ni Darius..

Napasimangot si Ekang..

"Siraulo ka. Ano?, okay lang ba sayo na pumasok muna ako ?.. " tanong nya..

Tumango si Darius..

"Sure ka ?.. " pangungulit ni Ekang..

Ngumiti lang si Darius..

"Promise ?.." ulit ni Ekang..

Dumilat si Darius ..

"May pagkamakulit ka pala noh?.. Akala ko tahimik ka eh.. " puna nya..

Namula ang mga pisngi ni Ekang ay pumasok na ng bahay..

Ilang saglit pa..

Nakaligo na sya at nakasuot ng uniform..

Binalikan nya si Darius pero wala na ito sa hardin..

Nasalubong nya si Cely na may mga dalang maruruming damit..

"Si Darius ?.. " tanong ni Ekang..

"Nasa sala ate.. Nanunuod.. " sagot nito..

Tumango si Ekang at nagpasalamat bago tinungo ang salas..

Nakita nya ngang nanunuod si Darius..

"Joweebee.. Alis na muna ko.. Maya na lang ulit.. " sabi ni Ekang..

Tumango si Darius..

"Wala ba kayong action DVD dito ?.. Puro drama to ah. " reklamo nya..

Natawa si Ekang..

"Wala.. Nahahawa ka na kay Romeo.. Sige na .. Late na late na ko.. " sabi nya..

Akmang paalis na si Ekang ng magsalita ulit si Darius..

"Wala man lang goodbye kiss.. " biro nya..

Pero inirapan lang sya ng dalagita...

Abala sa panunuod si Darius ng may lumapit si Aling Miding..

May dala itong juice at sandwich..

Agad na dumampot si Darius ng isa at sinubo..

Natawa ang matandang kasambahay..

"Di ka rin matakaw eh no ?.. " biro nito..

Napangiti si Darius..

"Nahihiya nga po ako eh.. " biro din nya..

Lalong natawa ang matandang katulong..

"Nahihiya ka pa sa lagay na yan ?.. Hiyang hiya naman ako sa hiya mo.. " ganting biro nito..

Nagtawanan sila..

"Kamusta naman po kayo dito ?.. " tanong ni Darius..

Napangiti si Aling Miding..

Naupo sya sa tabi ng binatilyo..

"Ayos naman.. Mabait naman ang mag ina.. Kaya lang .. Medyo abala sa mga negosyo ang Mama ni Dannica kaya laging kaming 3 lang ang nandito.." bungad ni Aling Miding..

Napatango si Darius.

"Eh yung Father nya po ?.. Di ko pa kasi nakikita yun eh.. " tanong nya.

Natigilan si Aling Miding..

Napaisip kung may karapatan ba syang ikwento ang buhay ng mag anak.

Natahimik din si Darius..

"Ah.. Pasensya na po kung naging matanong ako.. Di nyo naman po siguro kailangang sagutin ang tinanong ko.. Nagtataka lang kasi ako, dahil sa tagal naming magkakilala ni Dannica, di ko pa nakita yung Papa nya.. " kwento nya..

Huminga ng malalim si Aling Miding..

"Di ko alam kung may karapatan akong ikwento ang buhay nila.. Pero siguro dapat mo na ding malaman.. Tutal sabi ni Dannica ay kaibigan ka naman daw nya.. Ngayon ko lang sya nakitang nagdala ng kaibigan dito.. At lalaki pa.. Ibig sabihin lang nuon ay may tiwala sya sayo.. " bundad nya..

Tahimik lang na nakinig si Darius..

"Mula pa pagkabata.. Iniwan na sina Danica ng Papa nya.. Sa di ko malamang dahilan.. Bigla na lamang nawala si Damian, yung papa ni Dannica.. Nagising na lang sya na nag iisa na .. Di mo naman maasahan ang Mama nya dahil sa pag alis ng Papa ni Dannica, naatang sa mga balikat ni Dulce ang mga negosyo ng pamilya.. Kaya limitado lamang ang oras na nakalaan para sa bata.. Kadalasan ay tahimik lamang syang nakaupo dun sa hardin.. Nakatanaw sa mga alagang orkidyas at rosas ng ama.. " kwento pa ni Aling Miding..

Nagulat si Darius sa narinig..

Ang akala nya nasa malayong lugar lang ang ama ni Ekang.. Yun pala ay talagang iniwan na sila nito..

"N-nasan na po yung Papa ni Dannica. ?.. " tanong nya..

Napangiti ng malungkot si Aling Miding..

"Walang nakakaalam.. Kung alam ko lang.. Ako na mismo ang pupunta sa kanya para sabihin na , "Hoy ! , may anak ka kaya !. " , pero wala din akong kaide ideya .. " aniya..

Maging si Darius ay nalungkot sa nalaman.

"Kaya pala lagi syang tahimik kahit sa klase.. Pero matalino po si Ekang.. " sabi nya..

Ngumiti si Aling Miding..

"Ekang ?.. " tanong nito..

Natawa si Darius..

"Ahaha.. Palayaw na binigay ko po sa kanya.. " kwento nya..

Tumango tango ang matandang katiwala..

"Malungkot ang naging pagkabata ni Dannica.. Mag isa syang naglalaro sa kwarto dahil ayaw syang palabasin ng ina.. Si Dulce naman ay walang oras sa anak... Kadalasan, tulog pa si Dannica kapag umaalis sya at tulog na ang bata kapag dumarating ito.. Ganun ng ganun ang naging buhay nila sa mga nakalipas na taon.. Kaya di ako nagtataka kung malayo ang loob ni Dannica sa ina.. Pero batid ko na nais nyang makalapit dito.. Nakikita ko minsan kay Dannica na gusto nyang mapansin sya ng ina.. Kaya kahit na sa batang edad.. Imbes na maglaro , sinimulan nyang magbasa at nag aral mag isa.. " malungkot ng kwento ni Aling Miding..

Naawa si Darius sa dalagita..

Masaya ang naging buhay bata nya kasama ng mga kapatid..

Bagama't nasa trabaho din ang kanyang mga magulang buong maghapon.. Hindi ito nakakalimot na ipasyal sya linggo linggo kung saan saan...

Twing araw ng linggo ay lagi silang nagsisimba magkakasama..

Kaya matatag ang kanilang pamilya..

Di tulad ng pinagdaanan ni Ekang..

Bigla bigla din..

Nainis si Darius sa sarili..

Lagi nyang inaapi at inaasar si Ekang samantalang ito pala ang nararanasan nito kapag nasa bahay..

Tumiim ang kanyang mga bagang..

Marami syang bagong nalaman tungkol sa dalagita..

"Mukhang tama naman si Dannica..Mabuti kang kaibigan Darius.. " biglang banat ni Aling Miding..

Natawa si Darius..

"Di nyo po alam ang sinasabi nyo.. " biro nya..

Natawa din si Aling Miding sabay iling..

"Alam ko ang sinasabi ko.. Kilala ko na si Dannica mula pa pagkabata kaya alam kong malaki ang tiwala nya sayo.. May hiling ako sayo iho.. Sana wag mo akong biguin.. " sambit ng matandang kasambahay..

Natahimik si Darius at tinitigan ang mga mata ng matandang katiwala sabay buong tiwalang tumango..

"Ano po yon ?.. " tanong nya.

"Alagaan mo ang alaga ko.. Wag mo syang hayaang masaktan ng iba.. " buong pusong sabi nito..

Natigilan si Darius..

Nais nyang tumawa at magbiro..

Pero di nya malaman kung bakit tila bukas ang kanyang sistema na tanggapin ang inuutos nito..

Hanggang sa natagpuan na lamang nya ang sarili na unti unting tumatago sa matanda..

"Makakaasa po kayo Yaya.. " determinadong sagot ni Darius.

ITUTULOY !!!