1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 15 - Joker's Rebirth..
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 15 - Joker's Rebirth..

By supertoyantz ·

Chapter 15 - Joker's Rebirth..

Tanghali..

Mainit at maalinsangan.

Kasalukuyang nakaupo sa gutter ng kalsada ang apat na alas..

Pinagmamasdan ang tahimik na kalye at mangilan ngilan na pagparoo't parito ng mga sasakyan..

"Para kayong mga pulube ah.. " natatawang sabi ni Denzel..

Wapakels ang mga alas..

Tinatamad sila pare pareho kaya nagkasundo na lamang silang maupo..

..

Lumapit si Nestor sa kaibigang si Denzel..

"Pare, anong oras ba darating ?.. " bulong nya.

"Maya maya pare, sinundo na nina Primo at Vincent sa talyer.. " ganting bulong ni Denzel.

Muli nilang pinagmasdan ang kwadro alas na tila wala ng lakas para ipagpatuloy ang buhay..

..

Ilang saglit ang lumipas..

May pumaradang kotse sa tapat ng Kwadro Alas..

Muntik muntikanan na silang mahagip kaya napatalon silang apat paatras..

"Whoaaa !.. Muntik na tayo ah.. " sigaw ni Romeo..

Bumungisngis ang sina Denzel at Nestor di kalayuan..

"Pare.. Ang panget nga.. Ahahaha.. tanggapin kaya nila ?. " tanong ni Nestor..

Nagkibit balikat si Denzel.

"Ewan ko.. AHaha.. " natatawang sabi nya.

..

Inis na pinagkakatok ng kwadro alas ang bulok na kotse..

"Hoy !.. Muntik mo ng mabawasan ang lahi ng mga gwapo ah.. Bumaba ka nga dyan !.. " sigaw ni Rhoi..

Pero napanganga sya ng bumukas ang bintana at masilayan ang sariling ama na nakangisi sa loob..

"Dad ?.. " di makapaniwalang tanong ni Rhoi..

Bumukas na rin ang drivers seat at niluwa si Primo na tawa ng tawa..

"Langya.. Ang bibilis ng reflexes nyo ah.. Biruin nyo, ang layo ng inabot ng talon nyo.. Infairness nakakamangha, akala namin mapapatanga na lang kayo bigla eh.." tawa ng tawang sabi nya..

Sumimangot si Romeo at nilapitan ang ama..

"Ano na namang pakulo ito Attorney ?.. " sabi nya.

Inakbayan ni Primo ang anak at tinawag ang mga kaibigan..

Nagsilapitan ang kanina pa nanunuod na sina Nestor at Denzel..

Pinalibutan nila ang bulok na kotse..

"Ayan ang regalo namin sa inyo, late na nga lang kasi high school na kayo.. dapat nung graduation nyo nung elementary yan eh.. Kaso nagkaproblema sa makina.. " sabi ni Primo..

Napangiwi ang apat na alas..

"Saang junk shop nyo ninakaw yan Daddy ?.. " tanong ni Rhoi sa ama.. Pero kinotongan lang sya nito..

Napailing ang mga ama..

"Mga bata pa talaga kayo.. " naiiling na sabi ni Denzel.

Nacurious ang apat na alas.

Lumapit si Vincent sa hood at binuksan ito.

Tumambad sa kanila ang bagong bagong mga spare parts..

"Ayan.. Puro brand new ang mga laman nyan, lalo na yung makina dahil galing pang japan yan.. " pang uuto ni Primo..

Unti unti ng namamangha ang kwadro alas..

"Pangit ang panlabas nyan dahil alam naming magugulo kayo.. So binibigay na namin yan sa inyo bilang regalo sa pagiging magkakaibigan ninyo.. " sabi ni Denzel.

Napapangiti na ang kwadro alas sa mga naririnig.,.

"You mean Tay, sa amin ng apat ang kotseng ito ?. " tanong ni Romeo.

Tumango si Primo..

"Inyong inyo.. " sabi nya.

Nagkatinginan ang apat na alas..

"Ano pang hinihintay nyo ?.. Pinturahan nyo na.. " utos ni Nestor..

Nagkatinginan ang mga alas..

"Wala kaming pang paint tito.. " sabi ni Rhoi.

Binuksan ni Vincent ang compartment..

"Syempre alam na namin ang mga hahanapin nyo.. ANo pang silbi at naging tatay nyo kami ?.. " nakangiting sabi nya..

Todo ngisi na ang kwadro alas.

Di makapaniwala sa regalo ng mga ama..

"Ano pang hinihintay nyo ?.. Pasko ?.. Hala sugod !.. " sigaw ni Primo at biglang bumaklas sa pagkakaakbay nya si Romeo para dumampot ng spray..

Tarantang sumunod ang tatlo pang alas.

Wala ng nagawa ang mga ama kundi tumawa..

"Tara inuman na mga pare.. !.. " sabi ni Primo at dumiretso sila sa bakuran nila para panuorin ang pagpintura ng mga anak sa bagong bulok na kotse..

..

"Tol ano bang kulay yan ?.. Para tayong magiging karo nyang kapag purong itim ang gagawin mo .. " reklamo ni Darius kay Romeo..

Hawak ni Romeo ang itim na spray para simulan na ang pagpintura pero pinigilan sya ng kaibigan..

Nakarinig sila ng wisik galing sa spray at pagtingin nila ay abala na sina Aldrin at Rhoi sa pagpipintura sa kawatan ng kotse.

Asul kay Rhoi at Dilaw kay Aldrin..

Hawak ni Darius ang pulang spray at gumaya na rin sya.

Sumunod na rin si Romeo..

..

Di kalayuan..

Tawa ng tawa ang mga tatay sa ginagawa ng mga anak nila..

"Kita nyo, naging rainbow na yung kotse.. " turo ni Vincent sabay tagay ng alak..

Tumango ang iba..

"Pareng Primo, Pareng Vincent kamusta ang makina.? .. Akala ko ba nagtitipid kayo ?.. " sabi ni Denzel..

Natigil ang tawanan.

Nagkatinginan sina Vincent at Primo sabay biglang bumunghalit muli ng tawa..

Nacurious sina Nestor at Denzel.

"Share share din.. " biro ni Nestor..

Nagsalin ng alak si Primo at tinungga ito.

Pagkatapos ay muling tumawa..

"Pinalinisan lang namin sa mekaniko yung makina nyan, tulad ng kotse.. Matanda na rin yan eh.. Ahaha.. " natatawang sabi nya..

Nagtawanan sila..

"Teka sino bang marunong magmaneho sa kanila ?. " tanong ni Nestor..

"Si Rhoi ko , tinuruan ko na yan last year pa.. " sagot ni Vincent..

"Pati si Darius.. Kaso konti pa lang alam nya.. Pero pwede na, wag lang mag highway kasi kakabahan pa yan for sure.. " singit ni Denzel..

"Si Aldrin ko naman, motor ang kayang imaneho.. " sabat ni Nestor..

Napakamot si Primo sa ulo..

"Si Romeo.. Babae lang ang kayang asikasuhin eh.. " natatawang sabi nya at sabay sabay silang tumawa..

"Kanino pa ba magmamana insan ?.. " biglang singit ng isang boses..

Pagtingin nila ay napahiyaw sila sa tuwa ng makita sina Gustavo at Rigor..

"Oh nasan si Danilo pare ?.. " tanong ni Primo kay RIgor..

"Nandun, tinatalakan ng nanay nya... Di nadiligan yung orchids, ayun.. Nanguluntoy .. Para ng matandang wala ng lakas makipag toott toottt.. " biro ng kapre..

Nagtawanan sila..

Napatingin sa apat na alas na nagkakagulo sa isang kotse.

"Oh ano na naman yan ?.. T-teka.. Ayan na ba yung getaway vehicle na narecover namin nung isang linggo ?.. bakit nyo binigay agad sa mga bata eh di pa nga narereport sa headquarters namin yan eh.." tanong ni Gustavo..

Natawa ang mga tatay..

"Di na naman makikilala yan for sure.. Kita nyo ginagawa nila oh.. Naku, wala na.. Tingnan nyo mga parekoy.. Kawawa na talaga yung kotse o.. " natatawang sabi ni Primo..

Pagtingin nila ay di nila maiwasan ang matawa dahil paikot ikot ang kwadro alas para mag wisik ng pintura..

Ang kinalabasan, parang naging abstract ng kung sinong bobong pintor ang katawan ng kotse..

Pati gulong ay may mga talsik ng pintura..

..

Maya maya ay lumapit ang mga alas na puno na rin ng pintura sa katawan.

"Dad, ubos na pintura eh.. " sabi ni Romeo.

Natawa si Primo.

"Halata nga.. Mukhang pati kayo naligo na rin ng pintura.. " sabi nya..

Nagtawanan silang lahat.

"Oh paano.. Sa inyo na yang kotse na yan.. Yan ang opisyal at kauna unahang gamit ninyong apat.. Kaya siguro naman ay makakaasa kaming aalagaan nyo yan tulad ng pag aalaga ninyo sa pagkakaibigan nyo.. " pangaral ng lasing na si Primo.

Tumango ang apat na alas..

Nakangiti..

"May naisip na ba kayong pangalan ?.. " tanong ni Vincent..

Nagkatitigan ang kwadro alas ..

Nag iisip.

Ng biglang mapangisi at sabay sabay na nagsabi..

"Joker !.. " sabay sabay na sagot ng Kwadro Alas..

ITUTULOY !!!