1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 21 - Just Married
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 21 - Just Married

By supertoyantz ·

Chapter 21 - Just Married

Biyernes ng umaga.

Abala ang mga estudyante para sa mangyayaring foundation week ng eskwelahan.

Paroo't parito ang mga kabataan. Kanya kanya ng gagawin.

..

Bawat section ay may naka assign na booth.

Kung anu anong pakulo.

..

Abala sa pagkaklase ang section kampupot.

Nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang adviser nila na si Mrs. Pugoy, nang biglang umungol si Romeo.

Napatingin ang lahat sa kanya pati na ang guro.

"What is it this time Romeo ?. " tanong nito.

Ngumiti ang binatilyo at siniko ang kaibigang si Darius.

"Oh bakit ako ?. Ikaw itong kanina pa ungot ng ungot saken eh. " reklamo nya.

Kumunot ang noo ng guro.

"Come on kids, sabihin nyo na ang kailangan nyo para makapag proceed na tayo sa lesson. " sabi nito.

Ngumiti si Romeo.

"Wala po ma'am, ngayon lang po namin talaga napatunayan ang isang bagay. " sabi nya.

Lalong kumunot ang noo ng teacher.

"Anu yon ?. " tanong nito.

Siniko ni Romeo si Darius at napangiwi ang binatilyo.

"Na napakasipag nyo po ma'am. Yan po ang sabi ni Romeo kanina pa." pag amin ni Darius.

Napa "awwwww" ang bugong klase.

Natouched ang guro at ngumiti ng kimi.

"Thank you Romeo. " sabi nito at muling nagsulat sa board.

Pero ilang saglit lang ay muli nyang sinulyapan ang kwadro alas.

"Oh come on, what's the catch ?. " natatawang tanong ng guro.

Napangisi sina Aldrin.

Nginuso ang labas ng binata.

Napatingin naman ang ibang mga estudyante.

"Ano ba kasi yon ? . " tanong ng guro.

Nagkatinginan ang kwadro alas.

Tinapik ni Romeo si Darius para ito na ang magsabi.

"Wala po ma'am. Napansin lang naman namin na sa sobrang sipag nyo, nakaligtaan nyo na ang gagawin natin sa foundation day. " sabi ni Darius.

Natahimik ang lahat.

Kumunot ang noo ng guro at napatingin rin sa labas.

Kita nya na may nag seset up na ng mga booth sa school ground.

Nuon nya naalala ang nalalapit na kaarawan ng eskwelahan at eto sya, nagtuturo pa rin.

Di nya maiwasang mapangiti.

Bilang pagsuko.

Sinara ng guro ang hawak na libro at binaba ang chalk sa mesa.

"How inconsederate of me naman. Oo nga pala, foundation day na ng school sa monday at heto ako, tinuturuan pa rin kayo. Sorry guys, it's just that I love teaching you. Lahat kasi kayo madaling maka unawa sa mga gusto kong ituro at lahat kayo ay mukhang mga interesado. Sorry, pagpasensyahan nyo na at tumatanda na si Ma'am. " drama ni Mrs. Pugoy.

"Okay lang po yun Ma'am." sagot ng isang kaklase nila.

Huminga ng malalim ang guro.

"So, what do you want to do?. Anong theme ng booth natin ?. Ikaw Romeo ?.. Bilang president ng section na ito, anong magandang gawin ?. " tanong nya.

"Kabaret." mabilis na sagot ni Romeo.

Nagulat ang lahat.

Sumabog sa tawa ang tatlong alas.

Nakatikim ng batok si Romeo mula kay Krissing at Ekang.

"Joke lang, mag memeeting po kame ma'am." sabi ng binatilyo.

Tumango ang guro at sinimulan ng ligpitin ang mga gamit.

"If you need something, puntahan nyo na lang ako sa faculty okay ?. " bilin nya.

"Yeeeessss Maaaaaammm.. " halos sabay sabay na sagot ng mga estudyante.

Humabol pa si Romeo.

"Ma'am, sa naiisip ko, mukhang kakailanganin namin ng malaking pondo. Pwede ho bang mag down na kayo kahit 5 thousand lang ?. " tanong nya.

Pero natatawang piningot lang ni Mrs. Pugoy ang binatilyo.

"Ikaw monggoloid ka, kelan ka ba titino ?. Hala at ayusin mong mabuti yang mga kaklase mo. Wag nyong ipapahiya ang section natin, may tiwala ako sa inyo. " kumindat pa ang guro bago tuluyang umalis.

..

Pumwesto si Romeo sa mesa ng guro at tumayo na parang si Hitler.

"Sinong may naiisip na plano ?.. concept ng booth ?. " tanong nya.

Kanya kanya silang isip.

"Tol, horoscope, di ba halos lahat gustong malaman ang kapalaran natin ?. " suggestion ni Rhoi.

"Ngeks, anung kikitain natin dyan ?, at paano tayo manghuhula ?. " tanong ni Aldrin.

Nag isip pa sila.

"Magbenta na lang tayo ng desserts ano sa tingin nyo ?. " suhestyon ni Darius.

Hinimas ni Romeo ang baba.

"Alam mo utol Darius, magtataka talaga ako kung hindi ka mag susuggest ng pagkain. Good idea. Wala na ba ?. sang ayon ba kayo sa desserts na lang ang ibenta natin ?. " tanong nya.

Nagkatinginan sina Ekang at Krissing.

Parang iisa ang iniisip..

"Sis, naalala mo yung pinanuod natin na Runaway Bride ?. " pabulong na tanong ni Ekang.

Tumango si Krissing.

"Don't tell me. " putol nya.

Mabilis na tumango si Ekang at bigla silang nagtilian.

Nagulat ang lahat.

"Okay , 2 na po sa mga kaklase natin ang bumigay ang katinuan sa pag iisip ng konsepto ng booth. Pakilabas na lang yang dalawang yan para di na makahawa pa ng iba. " biro ni Romeo.

Inirapan lang sya ng dalawang dalagita.

Lumapit si Ekang kay Darius at bumulong.

Palihim na kinilig ang lahat at pinagmasdan lang ang dalawa sa ginagawa nila.

"Oh tapos ?. PBB Teens na lang hanggang mamaya ?. " pang aasar ni Romeo.

Nagtawanan ang mga kaklase nila.

..

Nang masabi ni Ekang ang plano ay ngumiti si Tabar.

"Pwede nga yon Ekang. " sabi nya.

"See ?. Sabihin mo na dun sa monggoloid na president natin. " biro ni Ekang at nagtawanan sila.

"Bango mo. " bulong ni Darius.

Namula ang mga pisngi ni Dannica at masuyong kinurot ang binatilyo.

Umepal si Aldrin.

"Ganito rin yung pinapanuod ni Mommy sa hapon. Yung puro halikan at yakapan. Kaya rin pala nitong dalawang to eh, makapanuod nga. " biro nya.

Nagtawanan ang mga magkakaklase.

Tumayo na si Darius at lumapit kaibigan.

"Tol, nag suggesst yung dalawa. " sabi ni Darius.

Kumunot ang noo ni Romeo.

"Ano naman daw ?. " tanong nya.

Binulong ni Darius sa kaibigan ang sinabi ni Ekang.

Tulala si Romeo matapos ang pagsasalin ng impormasyon.

Napatingin sya kina Ekang at Krissing na ngiting ngiti.

Nagtaka ang lahat kung bakit tahimik si Romeo.

Kinalabit sya ni Darius.

"Tol, anyare ?. " tanong nya.

Tumingin si Romeo kay Darius at lumunok.

"Wala naman tol, di ko lang mapaniwalaan ang isang bagay. " sabi nya.

Nacurious ang lahat.

"Bakit tol ?. " tanong ni Rhoi.

Tinuro ni Romeo ang upuan ni Darius.

"Mula dyan, naglakbay ka pa patungo sa kinaroroonan ko. Para lamang sabihin na ang ganda ni Ekang ?. " biglang banat ni Romeo.

..

Natahimik ang lahat.

Maya maya ay biglang nag hiyawan at inulan ng tukso sina Darius at Dannica.

Pinagsusuntok ni Tabar sa braso si Romeo.

Tawa sya ng tawa.

"Haha, langya ka, akala ko kung ano na. Siraulo !. " sigaw ni Darius sabay tawa.

Natatawang umiwas din si Romeo.

"Ano ba yung binulong ni Ekang ? Natatae na daw sya ?. " biro pa ni Romeo.

Namula ang mga pisngi ni Dannica at sinugod nya rin si Romeo.

Nakorner ang binatilyo at wala na syang nagawa kundi tumawa na lang.

..

Ilang minuto ang lumipas.

Nakahinga na ng maayos ang lahat.

Inakbayan ni Romeo sina Darius at Dannica.

"Sige, maganda ang suggestion nila. Tutal sila ang nakaisip. Ipapaubaya ko na dito sa nakakadiring magsyotang ito ang concept ng booth. " sabi nya sabay balik sa upuan.

..

Nacurious ang lahat.

Ngumiti si Dannica kay Romeo.

"Thanks. " sabi nya.

Nagthumbs up si Romeo at umupo na sa pwesto nya.

..

"Yun nga classmates, wedding booth talaga yung sinabi ko kay Darius. Eh nahihiya naman akong mag suggest kaya pinasabi ko na lang sa kanya. Eh anong magagawa ko kung may siraulo tayong mga kaklase dito sa katauhan ng apat na monggoloid ?. " banat ni Ekang.

Nagtawanan ang lahat.

Napaisip sa ideya ni Dannica.

"Mukhang maganda nga yan Dannica, maraming magjowa dyan sa tabi tabi kaya for sure mag ki-click yung wedding booth na gagawin natin. " sabi ng isang babae nilang classmate.

Ngumisi si Darius at pasimpleng siniko si Ekang.

Tumingin ang dalagita.

"Oh ?. " tanong nya.

Namula ang mga pisngi ni Tabar.

"G-gusto ko sanang i-try yon kung sakali. " bulong nya.

Natulala si Ekang.

Umahon ang selos sa kanyang sistema sa ideyang ikakasal si Darius sa ibang babae.

Kahit pa sabihing kunwari lang naman.

"A-ah ganun ba ?. S-sige. Ikaw bahala. " ganting bulong nya.

Ngumiti si Darius.

Di pa rin sya mapakali.

Muli nyang kinalabit si Ekang.

"K-kailangan pa ba ng singsing ? . " tanong nya.

Lalong nagselos si Dannica sa isiping mag eeffort pa talaga si Tabar para maging makatotohanan ang kasal kasalang iyon.

Dahil sa sinabi ng binatilyo.

Namuo ang inis sa loob ni Ekang.

"Ewan ko sayo !, kung gusto mo ipanotaryo mo pa !." gigil na bulong nya.

Nagulat si Tabar.

Nagtaka sa inaasal ng dalagita.

"B-bakit parang galit ka ? . " tanong nya.

Pero di na sya kinibo ni Ekang.

..

Lumipas ang mga araw.

Kahit sabado ay pumasok ang section kamputot para ayusin ang booth nila.

Puro reklamo lamang ang inabot ng kwaro alas sa mga kaklase.

Wala kasi silang ginawa kundi magharutan sa buong school.

Habulan dito at kiliitan duon ang inaatupag nila kaya wala talaga silang naiambag para sa design ng booth.

..

Dumating ang araw ng lunes.

Foundation day ng school at excited ang lahat para sa mga mangyayari.

May mga bandang dadalo para mag concert sa school nila.

Pero higit sa lahat.

Ang naging highlights ng kaganapan ay ang booth na pinaghirapang gawin ng mga estudyante.

Kapansin pansin ang wedding booth na ginawa ng section kampupot.

Umaga pang ay di na magkanda ugaga sina Ekang sa paglilitsta ng mga pangalan ng mga nais magpakasal ng kunwarian.

Dahil ginawa nilang makatotohanan ang kasal.

Dapat bawat partner ay may tig isang saksi.

Isa para sa groom at isa para sa bride.

May bonus parang singsing ang mga kinakasal na pinag ambagan ng buong section sa pangunguna ni Tabar.

..

Ayos na ang lahat.

Bumalik na ang nagastos nila sa unang araw pa lang ng foundation.

..

Araw ng miyerkules.

Ikatlong araw ng okasyon ng magreklamo ang apat na alas.

Lumapit sila sa mga kaklase para magpulong.

"Guys, I think mahina ang kita ng booth natin. " saad ni Romeo.

Nagtawanan ang lahat.

Paano nga ba naman magiging mahina eh halos kahalati na ng school ay sa kanila nagpalista.

Punong puno ang logbook nila hanggang sa biyernes, huling araw ng foundation.

"Ano bang sinasabi nyo ?. " tanong ni Ekang.

Lumapit si Darius.

"Tama sya Ekang, pansin namin na konti pa lang ang kinikita natin. " sabi nya.

"Huh?. Okay ka lang joweebee ?.. Look mo yung bowl natin oh ?. Dalawa na yan !, punong puno na ng pera oh. Tapos sasabihin mo na mahina ang kita natin ?. Eh bakit yung ibang booth ba dinudumog ?. " katwiran nya.

Pero umiling lang ang kwadro alas.

"May naisip kaming mas malakas na kita. " sabi ni Aldrin.

"Yeah, for sure papatok to, di namin kailangan ng malaking puhunan. Basta kami na ang bahala. " sabi ni Rhoi.

Nagkatinginan ang mga kaklase nila.

Umalis ang kwadro alas.

Maaga silang umuwi ng araw na iyon sa di malamang dahilan.

..

Kinabukasan.

Maagang nagising si Ekang.

Mabilis syang naligo at nabihis.

Excited na naman sya sa pagsalubong ng bagong araw.

Sakay na sya ng van nila ng makatanggap ng text mula sa kaibigang si Krissia.

Binabasa pa lang nya ang text ng biglang magring ang phone.

"Oh sis ?. Napatawag ka ?. " takang tanong ni Ekang.

Tumili si Krissia sa kabilang linya.

"Hala napano ka ?. " natatawang tanong ni Ekang.

"Nasan ka na ? . Bilisan mo !!!!. " sigaw ni Krissing.

Nilayo ni Ekang ang phone sa tenga nya dahil sa lakas ng boses ng kaibigan.

Ng humupa na ang pagsigaw nito.

Muli nyang tinanong ang dalagita.

"Bakit ba kasi ?.. Medyo malapit na ko, bumili lang ako ng tinapay. " sabi ni Ekang.

"Basta !, bilisan mo at siguradong magugulat ka sa makikita mo !. " sigaw pa ni Krissing at binaba na nito ang phone.

Napailing si Ekang.

Kumagat sa tinapay na binili habang iniisip kung ano kaya ang nangyari sa kaibigan.

..

"Salamat po manong. " pasasalamat ni Ekang sa driver sa paghatid sa kanya.

Ngumiti lamang ito at nagsimula ng paandarin ang kotse.

Hinatid nya ng tanaw ang sasakyan nila.

Bigla syang nakarinig ng tili.

"Sissss !!!!.. " boses ni Krissing.

Tarantang napalingon si Ekang.

"Anyare sis ?. Kanina ka pa ah ?. " tanong nya.

Di maintindihan ni Krissing kung tatawa o iiyak.

Hingal nyang niyakap ang kaibigan.

Nang makabawi ng lakas, hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito at pinakatitigan sa mga mata.

"Kahit anong mangyari, wag kang tatawa. Pigilin mo ring mag collapse sa makikita mo, baka magalit sila !. " hinihingal na sabi nya.

Hindi maintindihan ni Ekang ang nangyayari pero nagawa nya pang tumango.

"S-sige. " sagot nya.

Hinawakan ni Krissing ang kamay ng kaibigan at sinamahan papasok ng school.

Sa malayo pa lang.

Kita na ni Ekang na parang may nag iba sa booth nila.

Oh hindi ang booth ang nag iba, may katabi na silang booth.

Tinuro ni Ekang ang napansin pero nanatiling tikom ang mga bibig ni Krissing.

..

Habang papalapit pa sila.

Lalong luminaw sa paningin ni Ekang ang titulo ng booth.

Nanlaki ang mga mata nya.

"Kwadro Alas for Hire !. " sigaw ni Ekang .

Saglit syang natulala.

Pinasadahan nya ang maliit na booth sa tabi ng wedding booth nila.

May nakapaskil na papel sa gilid.

Nilapitan nya ito at binasa.

"Ano to?. Hawak sa kamay = 20 pesos, Akbay = 50 pesos, Yakap = 80 pesos, Halik = 100 pesos, Pa-picture = 200 pesos, at Lahat ng nabanggit = 300 pesos ?. " wala sa loob na basa nya.

Tila tumigil sa pag function ang utak ni Ekang.

Di nya alam kung tatawa ba o mag wawalk-out sa nabasa.

Pero di na nya talaga kayang pigilan pa.

Sumabog si Ekang sa tawa.

Maya maya gumaya sa kanya ang mga kaklase nya pati na si Krissing.

Buong section kampupot ay halos maglumpasay sa kakatawa sa ginawa ng Kwadro Alas.

..

Takang naglabasan ang apat na binatilyo mula sa loob ng booth.

"Ano bang tinatawanan nyo ?. " tanong ni Romeo.

Natahimik ang lahat maliban kina Krissing at Dannica.

Lalo silang nagtawanan ng makita ang itsura ng apat na binatilyo.

Si Darius nakasuout ng amerikana.

Si Rhoi nakasuot ng barong tagalog.

Si Aldrin nakasuot ng business attire, long sleeves na pink at slacks na itim.

At si Romeo ay naka itim na suit na may kurbata.

Lahat naka business attire na animo dadalo sa pagpupulong sa senado.

..

Napasimangot ang tatlong alas at sinakal si Romeo.

"Sinabi ko na nga ba. Tatawanan nila tayo !. " sigaw ni Darius.

Tawa ng tawa ang mga nagdadaan.

"Ano ba kayo !, nandito na tayo eh, panindigan na natin. " reklamo ni Romeo.

Wala nga silang nagawa kundi panindigan na ang pinasok na gusot.

Dinadaan daanan lang sila ng tao.

..

Palihim na nagtatawanan ang mga kaklase nila sa kabilang booth.

Di malaman kung maaawa ba o tatawa sa apat na alas.

Lumapit si Krissing at Ekang para alukin ng pagkain ang apat.

"Oh, mukhang malakas ang booth nyo at nakalimutan nyong lunch na. " natatawang biro ni Ekang.

Mabilis na inabot ng apat na alas ang mga pagkain.

Habang ngumunguya ay tiwala pa rin sila.

"Kaya to, syempre nahihiya lang yang mga yan. Pasasan ba't may lalapit din sa atin. " lakas loob na sabi ni Darius.

Napahagikgik na lang si Ekang.

..

Lumipas ang maghapon.

Tanging mga bading ang naging customer nila.

Ni hindi pa umaabot sa 30 pesos ang kinikinita ng kwadro alas.

"Langyang buhay to, isa na nga lang yung customer natin, bading pa. Kulang pa yung bayad. 27.50 ampota. Ano to ?. " reklamo ni Darius.

Maging si Romeo ay natatawa na rin dahil sa kinahinatnan.

Di nya na naitago ang pagtawa.

"Hahahahaha.. Di ko akalain na magagawa natin to.. Nakakahiya.. " sigaw ni Romeo.

Nahawa na rin ang mga kapatid na at maging ang mga ito ay tumawa na rin.

"Well, charge it to experience, at least we tried our best para maging unique. " sabi ni Rhoi.

"Tama ka tol, ang mahalaga nito, di tayo nag iwanan. Pero kahit na ganun, mukha ka pa ring congressman sa suot mo, hiyang hiya kami sayo congressman Rhoi. " natatawang biro ni Aldrin.

Masaya silang nagkukulitan ng may lumapit na isang grupo ng mga bading.

Mabilis na nag ayos ang kwadro alas sa pag aakalang customers ang mga ito.

"Sige, ampopogi nyo kaya magbabayad kami. May barya ba kayo sa 1 thousand ?. " tanong ng bakla.

Mabilis silang naghalungkat.

"Wala tol, puro isang libo din pera ko. " bulong ni Darius.

Napaisip sila.

"Sige, mamaya na muna bayad, picture na lang muna. " sabi ni Romeo.

Game na game na nag pose ang mga bakla.

May payakap yakap pa sila sa kwadro alas.

..

Natatawa naman sa gilid ang mga kaklase nila pero di sila makapaniwala na may kakagat sa pakana ng mga ito.

Nang matapos ang picture taking.

Inabot ng bakla ang isang libo kay Darius..

"Sukli namin. Pakibilisan na lang kasi para ma-upload ko na agad sa FB itong pictures natin. " kinikilig na sabi nito.

Natulala ang kwadro alas.

"W-wag . " sabi ni Darius.

Pero umiling ang mga bakla.

"Wala sa deal ang hindi pwedeng ipost sa social networking sites ang mga pictures na makukuha na kasama kayo, eto na ang bayad namin. " sabi pa nito.

Binalewala na lang ito ng kwadro alas at naghalungkat ng panukli.

Ngunit wala talaga silang mapabaryahan.

Ayaw naman silang baryahan ng mga kaklase kaya nagpasya silang palitan na lang ito sa faculty.

"Oops, di naman kami papayag nyan, eh kung di na kayo bumalik ?. ganito na lang , kanina sabi ni Poging Darius dito na may 1thousand sya, yun na lang ang baryahan nyo. Maghihintay kami dito. " sabi ng leader ng mga bakla.

Tumango ang apat na alas at mabilis na nagpapalit..

Ilang minuto ang lumipas.

Bumalik sila sa booth at naabutan nilang nagtatawanan ang mga kaklase nila.

"Nasan na yung mga bading ?. " tanong ni Tabar.

Pero walang sumagot.

Nanlulumong napaupo na lang ang kwadro alas.

Walang magawa kundi ngumuyngoy sa harap ng booth nila.

..

Huling araw ng foundation day.

Puno pa rin ang wedding booth ng section kampupot.

Tinibag na ng kwadro alas ang booth nila at nagdesisyong tumulong na lamang sa wedding booth.

Si Romeo ang nagsilbing pari.

Si Rhoi ang naggigitara para sa background.

Si Aldrin ang kumukuha ng pictures.

Habang si Darius ang nakatoka sa bayad at listahan.

..

Hapon ng araw na iyon.

Kaaalis lang ng huling partner.

Binibilang na nina Ekang at Krissing ang benta.

.

Lumapit si Darius sa mga kapatid at sinabi ang kanina nya pa binabalak.

Napangiti ang tatlong alas.

Pumayag.

Lumakas ang loob ni Tabar kaya ng makitang wala ng ginagawa ang mga kaklase nya.

Nilapitan nya ang mga ito at biglang lumuhod sa harap ni Ekang.

Naghiyawan ang mga taong nakakita.

Maging ang mga kalapit na booth ay kinilig at nanuod na lang sa mga mangyayari pa.

..

"A-ano to Joweebee? ." kinakabahang tanong ni Ekang.

Kinapa ni Darius ang bulsa at nilabas ang singsing na binili nya nuong isang linggo pa.

Nagulat si Ekang.

Di sya makapagsalita.

"Will you marry me ?.. " sigaw ni Darius.

Naghiyawan muli ang lahat.

Nais nilang maglapitan ngunit humarang ang tatlong alas.

"Dyan na lang kayo, makikisiksik pa eh. " sabi ni Romeo.

Walang nagawa ang ibang estudyante kundi panuorin sa malayo ang biglaang proposal ng isa sa mga miyembro ng kwadro alas.

..

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Ekang.

Sinipa sipa nya si Darius para itago ang kilig.

"Ano ba to ?, nakakahiya kaya !, tumayo ka na dyan !. " bulong ni Ekang.

Pero muling inulit ni Darius ang sinabi nya.

"Dannica !, will you marry me ?.. " sigaw ni Darius.

Hiyawan na naman.

Napalunok si Ekang.

Tumingin sa napakaraming tao na kumakapal pa.

Wala syang nagawa kundi tumango.

Nakangising tumayo si Darius at hinawakan ang isang kamay ng dalagita.

Dahan dahan nyang sinuot ang singsing na binili nya.

"Perfect. " bulong ni Darius.

Napangiti sya sa perpektong tambalan ng singsing at daliri ng dalagita.

Tinitigan nya sa mukha si Dannica.

"Come on, naghihintay na si Father. " sabi ni Darius.

Tila robot na naging sunud sunuran lamang si Ekang.

Manhid ang kanyang utak para makapag isip pa sa ganitong sitwasyon.

..

Dahan dahan silang naglakad palapit kay Romeo.

Lalo syang napapikit ng pumainlanlang ang isang malamyos na musika sa saliw ng pag awit ni Krissing.

Ngumiti sya sa kanyang kaibigan at nagpasalamat ng lihim.

"This is a set up. " nasabi ni Ekang.

Natawa si Darius.

"I know, I'm sorry. Hindi dahil sa hindi ko gusto ang ideyang pakasal sa'yo. Nag sosorry ako para sa set up na ito. Pero nagpaalam ako sa'yo nung isang linggo, kung naaalala mo. " sabi nya.

Napaisip si Dannica.

Ngumiti.

"I thought sa ibang babae ka magpapakasal. " sabi nya.

"Kaya ba tinarayan mo ako ?. Kasi nagseselos ka ?. " banat ni Darius.

Di sumagot si Ekang.

Eksaktong lumapit na sila kay Romeo.

..

Hininaan ni Krissing ang pag awit para bigyang daan ang pagsasalita ng nagsisilbing pari nila.

Tininang ni Romeo ang dalawa.

"I know this is just for fun, but my Good God, you two look perfect. I hope you will be a true couple someday. " panimula nya.

Napangiti sina Darius at Dannica.

"Well, pare, you may now kiss your bride. " banat nya.

Nagtawanan ang lahat.

"Tol naman, dun muna tayo sa simula. " sabi ni Darius.

Napangiti si Ekang.

Di nya na kailangang sabihin na kinikilig sya.

Sobra sobrang ligaya na ang nararamdaman nya kaya kahit siguro sabihan sya ng mga pangit na salita, ngingiti at ngingiti pa rin sya.

"Sorry.. Haha.. Sige, ikaw babae, tinatanggap mo ba ang baboy na ito ?. Sa hirap at ginhawa ? Sa sakit at kalusugan, sa tulugan at kainan, hanggang kamatayan ?. " sabi ni Romeo.

Napangiti ng matamis si Ekang.

"O-opo . " sagot nya.

Kinilig ang lahat.

"Ikaw lalakeng mataba, malibog at sobrang landi. Tinatanggap mo ba ang mabait at magandang binibini na ito ?, sa hirap at ginhawa?, sa sakit at kalusugan ?, kahit na ubusan ka pa ng pagkain ?. hanggang kamatayan ?. " tanong ni Romeo kay Darius.

Saglit na nag isip si Tabar.

"Kasama talaga yung uubusan ako ng pagkain ?. " biro nya.

Nakatikim sya ng pinong kurot mula kay Ekang.

Natawa si Darius at mabilis na tumango.

"Yes Father libog." sagot nya.

Umepal si Aldrin.

"Akala ko ako ang mahal mo ?. " banat nya sa tabi.

Nagtawanan ang mga tao.

"Tol, kabit ka na lang. " singit ni Rhoi.

..

Muling nagtuloy ang kasal.

"Sa bisa ng kapangyarihang iginawad sa akin ng teacher natin, ano nga ulit tagalog ng pronounce ?, ay oo nga pala. ipinapahayag ko na ang dalawang kabataang ito, edad katorse. Batang bata, sariwa at may gatas pa sa mga labi, na kasal na. Pasensya na sa mga nag aabang ng kissing scene. May MTRCB pong nanunuod sa gilid kaya bawal pa tayo dyan..Magsihayo kayo at dagdagan ang bilang ng mga kabataang napariwara ng maaga. " banat ni Romeo.

Naghiyawan ang mga tao.

Lahat nagbunyi sa naganap na kunwaring kasal sa pagitan nina Darius at Dannica.

Magkaholding hands sila habang nagpapasalamat sa mga nakinig at nanuod.

"Your ring. " bulong ni Darius.

Sinulyapan ito ni Ekang.

Maging sya ay namangha sa pagtama ng sikat ng araw sa mga maliliit na batong nakapalibot dito.

"It's beautiful. Ibabalik ko rin ito mamaya. " sabi nya.

Ngumiti si Darius.

"Ang sabi ko, your ring. Meaning, sayo yan. " sabi nya.

Napangiti si Dannica.

"Thank you. Wala man lang akong binigay sayo. Di ko naman kasi aka- " sabi nya ngunit nilagay ni Darius ang daliri sa kanyang mga labi.

"Bagay sayo yan, one day, bibigyan kita ng totoong singsing para gamitin sa ating kasal. " bulong nya.

Nagtama ang mga mata nila.

Unti unting naglapit ang mga mukha.

Napapikit na si Ekang.

Handa na para lasapin ang unang halik mula sa kanyang pinakamamahal.

..

Napalunok si Darius.

Kitang kita nya ang mapupulang labi ng dalagita.

Amoy nya ang mabango nitong hinginga.

Konting distansya na lang ang pagitan ng mga labi nila.

Napapikit na rin sya para damahin ang unang halik.

..

Nang biglang may kumislap sa tabi nila.

Agad silang napalingon.

Kita nila ang tatlong alas kasama ni Krissing.

Hawak ni Romeo ang camera at pinagkokotongan sya ng mga kaibigan.

"Sabi sayo teka lang !, hintayin mo munang mag kiss sila bago mo pindutin !, wala ka talaga sa timing kahit kelan !. " sigaw ni Krissing.

Natawa si Romeo.

"S-sorry, ninerbyos ako, first time kong makakita ng kissing scene. " katwiran nya.

Pero nakatikim na sya ng kurot mula kay Krissia.

..

Napangiti na lang sina Darius at Dannica.

Sanay na sanay na sila sa mga kaibigan.

Sa mga kalokohan at kadramahan.

Magkahawak kamay nilang pinuntahan ang booth para ligpitin.

Habang naglilinis.

Di nila maiwasang mag sulyapan sa isa't isa.

Sabay ngiti ng matamis.

"Sayang. " bulong ni Ekang.

"Konti pa. Makukuha ko rin ang first kiss ko kay Ekang. " sabi ni Darius sa sarili.

Itinaas ni Ekang ang daliri para ipakita kay Tabar ang singsing.

Ngumiti silang dalawa.

"Just Married. " sabay na bulong nila.

ITUTULOY !!!