1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 28 - I Love Tabar !
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 28 - I Love Tabar !

By supertoyantz ·

Chapter 28 - I Love Tabar !

Lumipas ang ilang taon.

Paulit ulit lamang ang naging routine ni Ekang.

Bahay, eskwela, mall at dorm.

Sa apat na lugar na ito sya madalas makita.

At sa apat na lugar na ito, madalas ay sya lamang mag isa.

Halos hindi na namalayan ni Ekang ang paglipas ng mga araw.

..

Pagtuntong ni Ekang ng kolehiyo, kinailangan nyang mamuhay mag isa at umupa ng dorm.

Nuong una ay nagdalawang isip sya dahil nag iisa na lamang ang kanyang ina sa bahay, iiwan nya pa.

Pero iginiit ni Dulce na kailangan nyang mamuhay ng inidipendent.

Twing holidays, umuuwi si Ekang sa bahay ng kanyang ina.

Hindi nya pinalalampas ang araw na ito para makapag bonding sila.

Kadalasan ay pareho lamang ang kanilang paksa, pero hindi nagrereklamo si Ekang.

Ang mahalaga ay nagkakausap pa sila ng ina di tulad ng ibang mga kaklase nya.

"How's the studies?. " tanong ni Dulce.

Nagkibit balikat lamang si Ekang.

"Fine. " maiksing sagot nya.

Nakiramdam ang ina.

Tinapos nila ang pagkain na hindi na nasundan pa ang kanilang pag uusap.

..

Gabi.

Abala sa paglilinis ng kuko si Ekang ng makarinig ng mga katok.

"Come in Ma. " sabi nya.

Alam naman nyang ang ina ang nasa likod ng pinto.

Dadalawa lamang sila sa bahay.

..

Dahan dahang bumukas ang pinto.

Pumasok si Dulce at muli itong sinara.

Saglit nyang pinagmasdan ang kanyang anak.

"Busy ?. " tanong ni Dulce.

Umiling si Ekang.

Napatingin sya sa ina at nagtaka ng makitang may hawak itong kahon.

"Not really, what's that Ma ? . " tanong nya.

..

Ngumiti lamang si Dulce at lumapit sa anak.

Naupo sya sa dulo ng kama at nilapag ang hawak na kahon.

Kumunot ang noo ni Ekang.

"Ano yan Ma ?. " inulit nya ang tanong.

"Open it. " utos ni Dulce.

Tahimik na sumunod ang dalaga.

Inalis nya ang takip ng kahon at tumambad sa kanya ang isang magarang damit.

"Para san to Ma ?. " tanong ni Ekang.

Ngumiti si Dulce.

"Isukat mo nga anak. " sabi nya.

Ngumiti din si Ekang.

Nilabas nya ang damit sa kahon at bumaba sa kama.

Inalis nya ang kanyang suot na damit, tanging tinira ang mga panloob bago muling sinuot ang binigay na damit ng ina.

..

Humarap si Ekang sa harap ng kanyang lize size mirror.

Humanga sa kanyang nakita.

"Ang ganda nito Ma. " sabi nya.

Napangiti si Dulce.

Maging sya ay mapigilang humanga sa kanyang nakikita.

Kasyang kasya sa katawan ni Ekang ang gown.

Tumayo si Dulce at nilapitan ang anak.

Binistahan nya ito ng malapitan.

"Bagay na bagay sa'yo anak. Sa iyo na yan ." humahangang sabi nya.

Niyakap nya ang dalaga at hinalikan ito sa pisngi.

..

Nagtaka si Ekang kung saan galing ang damit at kung bakit sya binigyan ng ina ng damit.

"Ma, saan po ito galing ?, at saan ko naman po ito gagamitin?. Pang debut lang to eh. " sabi nya.

Pero natigilan si Ekang.

Unti unting napangiti.

"Don't tell me ito ang gagamitin ko sa debut ko ?. " tanong nya.

Napangiti si Dulce.

"Yes. " sabi nya.

Natawa bigla si Ekang.

"Mama, alam mo namang nasa states tayo !, sa Pilipinas lang po ginaganap ang debut !. " giit nya.

Lumuwang ang ngiti ni Dulce.

Iniba ang usapan.

"Matulog ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas. " sabi nya.

Nagtaka si Ekang.

"Ma !, saan po ba ito galing ? . " tanong nya.

Napahinto sa paglabas ng pinto si Dulce.

Muli nyang pinagmasdan ang anak.

"Kamukhang kamukha kita nuong dalaga pa ako. Galing yan sa pinakamamahal kong lalaki. " yun lang at sinara na nito ang pinto.

Naiwan si Ekang na nakanganga at di makapaniwala.

Kung hindi sya nagkakamali, galing ang gown na ito sa kanyang ama.

..

Muling lumipas ang mga araw.

Kasalukuyang nasa library si Ekang.

Nasa harap nya ang kanyang laptop at nagsesearch ng kung ano ano sa google ng biglang may sumagi sa kanyang isip.

Nanginginig ang kanyang mga kamay na nagtype at nag log in sa facebook.

Kung hindi sya nagkakamali, may mga sariling account ang dati nyang mga kaibigan sa Pilipinas.

Napahinga ng malalim si Ekang.

Mabagal na tinype ang pangalang hinding hindi nya maaaring kalimutan.

"Darius Guzman. " wala sa loob na nausal ni Ekang.

Nakalagay na ang pangalan ni Tabar.

Napapikit sya ng hindi nya pa pinipindot ang enter button ay naglabasan na ang mga may pangalang Darius Guzman sa search.

Nanginginig ang kamay na kinapa ni Ekang ang backspace sa kanyang laptop para burahin ang naisulat na pangalan.

Napahinga sya ng malalim.

Unti unting bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"All this years, parehas pa rin ang epekto mo sa akin Tabar !. " inis na sabi ni Ekang.

Asar nyang niligpit ang mga gamit at lumabas na sa library.

Hindi na nya napansin ang pagtawag ng mga kaklase, diretso na syang naglakad pabalik sa kanyang dorm.

..

Madalas sa ganitong gabi.

Maraming estudyante ang wala pa sa kani kanilang mga dorm.

Kabi kabilang parties ang pinupuntahan ng mga ito na parte ng aktibidades ng mga fraternities at sororities.

Ilang beses ng naimbitahan si Ekang, pero matigas ang pagtanggi nya sa mga ganitong bagay.

Madalas nga lamang syang nabibiktima ng bullying pero hindi sya pumapatol.

Itinuturing na lamang nya itong parte ng pamumuhay.

..

Tahimik ang gabi.

Hindi mapakali si Ekang sa kanyang higaan.

Nitong mga nakaraang araw ay naging busy sya sa pag attend ng iba't ibang meetings para sa mga clubs na sinalihan.

Nais nyang sumali sa dance club pero tinatantya nya pa ang schedule.

Baka mabawasan ang oras nya para sa pag aaral.

Ayaw nyang madissappoint ang ina.

..

Inis na bumangon si Ekang.

Wala ang kanyang room mate na si Ashley.

Kabilang ito sa isang sorority kaya madalas ay hindi na ito umuuwi kapag ganitong oras.

Solong solo nya ang room pero wala naman syang magawa.

Tinungo ni Ekang ang mini ref nilang mag kaibigan.

Nag halungkat ng makakakain at napangiti ng makakita ng mansanas.

Kay Ashley ito sigurado sya pero wala syang pakealam.

Kinuha ni Ekang ang mansanas at nilabas ang pitsel ng tubig.

Muli syang nagbalik sa kanyang kama, marahang nilantakan ang mansanas.

Nangangalahti na si Ekang ng mahagip ng kanyang mga mata ang laptop.

Kinuha nya ito at binuksan.

"Hmm, ano bang magandang laro ngayon. " sabi nya sa sarili.

Kadalasan ay naglalaro lamang si Ekang ng mga facebook apps kapag walang ginagawa.

Ilang saglit lang , enjoy na syang naglalaro ng tetris.

Pero may limit ang paglalaro nya.

"Kaasar !, wala ng energy !. " inis na sabi ni Ekang.

Asar na sumandal si Ekang sa headrest ng kama.

Bigla syang natawa sa sarili ng mapagmasdan ang sitwasyon.

"Nerd na nerd ang dating ko ha. " natatawang puna nya.

Paano ba naman, halos lahat ng kabataan ay abala kung paano pupuntahan ang kabi kabilang social parties samantalang eto sya, nag iisa sa kwarto, naglalaro ng tetris.

Napangisi na lang si Ekang.

"Wapakels. " biglang sabi nya.

Binalot si Ekang ng matinding lungkot.

Naalala nya ang mga dating kaibigan.

"Hayyyy, musta na kaya sila ?, naaalala pa kaya nila ako ?" tanong nya sa sarili.

Napatingin si Ekang sa kanyang laptop.

"Silip lang naman sa mga pictures nila. " sabi nya.

Muling sinearch ni Ekang ang mga kaibigan.

Pero sa halip na si Tabar, si Krissing na lang ang naisip nyang bisitahin.

..

Napangiti si Ekang ng makita ang dating kaibigan na itinuring nyang lampas pa sa kapatid.

"Gumanda si sis Krissing. " puri nya.

Totoo iyon, half body picture ni Krissing ang tinitignan ni Ekang at namamangha sya sa ganda ng kaibigan.

"Grabeee, kakatibo. Wala naman sigurong mawawala kung i-add ko sya. " biro nya.

Pinindot ni Ekang ang photos ng kaibigan at biglang natigilan ng makita ang isang larawan.

"K-kwadro Alas. " wala sa loob na usal ni Ekang.

Kasalukuyan nyang tinititigan ang litrato ng apat na binata.

Apat na Gwapong binata.

Kita sa litrato ang angas ng aura ng mga ito.

"Gumwapo silang lalo. " puri ni Ekang.

Isa isa nyang tinitigan ang mga muka ng apat na alas.

Hanggang sa mapako ang mga mata nya sa partikular na binata.

"Lalo kang pumogi, papansinin mo pa kaya ako ?. " bulong ni Ekang.

Wala sa loob na nagtype si Ekang.

Sinulat nya ang pangalan ni Tabar at ang unang lumabas ay mabilis nyang ki-nlick.

Napanganga si Ekang ng makita ang profile picture ni Tabar.

"T-tsinelas. " mahinang sabi nya.

Biglang napangiti si Ekang.

Ang ngiti ay napalitan ng pagtawa hanggang sa napunta sa pag iyak.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"I love this slipper, I wonder where's the other pair. " basa nya sa caption ng larawan.

Lalong naluha si Ekang.

"Nasa akin yung isa tabar !, hindi mo lang alam pero iningat ingatan ko ng sobra yon !. " naiiyak na sigaw nya.

Wala syang pakealam kung may makarinig.

"I Love you Tabar !!!!! " sigaw ni Ekang.

Akala nya nabaon na sa limot ang kanyang nararamdaman.

Pero ng makita ang mukha ng binata, tila nagbalik lahat ang kanyang pag-ibig para dito.

Pinagsawa ni Ekang ang sarili sa pagtitig ng mukha ng binata.

Tutal wala syang kasama sa kwarto, binuhos na ni Ekang ang kanina pa pinipigilang emosyon.

Para syang tanga na lumuluha habang nag ba-browse ng pictures ni Darius.

..

Muling gumulong ang mga araw.

Katatapos lamang ng klase ni Ekang at pauwi na sya sa kanyang dorm.

Pagbukas nya ng pinto ay bigla syang nagulat ng makita ang ina kausap ang kaibigang si Ashley.

"M-ma ?. " tanong nya.

Napangiti si Dulce.

"Excuse me iha. " paalam nya kay Ashley.

"It's okay Tita, usap muna kayo. " paalam naman ng dalaga.

Lumabas ng kwarto si Ashley para bigyang privacy ang mag ina.

Sinara ni Ekang ang pinto at nilapag ang mga gamit sa mesa.

Tinabihan nya ang ina na nakaupo sa kanyang kama.

"Nabisita ka Ma ?. " tanong nya.

Ngumiti si Dulce.

Ginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

Tumango tango.

"Hmm, okay naman pala itong room nyo, pero hindi ka ba nasisikipan dito ?. Kanina ko pa hinahanap ang banyo, bakit parang wala ?. " tanong ni Dulce.

Natawa si Ekang.

"It's Co-Ed Ma, dito sa dorm, nasa labas ang CR ng mga dormies. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Dulce.

"Whaaat ?, eh kung may mamboso sa'yo ?, O kaya bigla kang pasukin ? Parang di ata pwede yon anak !. " reklamo nya.

Pinigil ni Ekang ang paghihisterical ng ina.

"It's okay Ma, medyo secured naman ang Comfort Rooms dito. " pang aalo ni Ekang.

Hindi na lamang nya sinabi na iisa lang ang banyo ng mga lalaki at babae dahil siguradong maghihisterya ito.

Napahinga ng malalim si Dulce at pinagmasdan ang anak.

"Baka masyado mong inaabuso ang sarili mo sa pag aaral ?, sabi ni Ashley ni hindi ka na daw sumasamang mamasyal sa kanya, lagi ka daw nagkukulong dito sa room nyo ?." nag aalalang tanong ng ina.

Ngumiti naman si Ekang at niyakap si Dulce.

"I'm okay Ma, paminsan minsan eh lumalabas po ako. Pero mas feel ko talaga dito sa room at magbawi ng tulog. " palusot nya.

Naniwala naman si Dulce.

"Kamusta ka na ba? enjoy ka ba dito ?. " tanong nya.

Tumango si Ekang.

Ayaw nyang ikwento ang kahungkagan nya dahil siguradong mag aalala ito.

..

"Gusto mo bang dito na talaga tumira anak ?. " biglang tanong ni Dulce.

Nagulat si Ekang.

Mabilis syang nag isip ng isasagot.

Ayaw nyang tumira dito sa Amerika pero naalala nya ang sulat ng kanyang ama.

Pinilit ni Ekang na paganahin ang isip pero tila naging blangko sya sa ilang minuto.

Napangiti si Dulce.

"Mukhang di mo alam ang isasagot mo. Kung gusto mo , tulungan kita sa pagdedesisyon. " nakangiting sabi nya.

..

Nagtaka si Ekang sa kinikilos ng ina.

Tila masaya ito.

"Ano ba yon Ma?. " tanong nya.

Ngumiti lang si Dulce.

"Hmm, tutal malapit na ang debut mo, naisip ko lang na sa Pilipinas ito ganapin. " biglang sabi nya.

Napanganga si Ekang.

Saglit na huminto ang kanyang sistema sa sinabi ng ina.

"P-pero Ma, it's six weeks from now !. " histerikal na sigaw nya.

Natawa si Dulce.

"Alam ko, malilimutan ko ba ang birthday mo, don't worry. Pinaayos ko na kay Miding ang lahat sa bahay natin sa Pinas, pero konti pa lang ang invited. Ikaw na ang bahalang magdagdag. " sabi nya.

"P-pero ni wala pa po akong ticket !. " sigaw nyang muli.

Lalong natawa ang ina.

Binuksan ni Dulce ang bag na dala at nilabas ang dalawang plane ticket.

Isa para sa kanya at isa para sa anak.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang sa nakita.

"D-di ka naman prepared Ma ?. " pabirong sabi nya pero tila manhid talaga ang kanyang sistema.

Natawa lang si Dulce at niyakap ang anak.

"I know how you missed your friends anak, naririnig kitang nagsasalita kapag natutulog ka. " sabi nya.

Natahimik lang si Ekang at nagsimulang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata.

Gumanti sya ng yakap sa ina ng mas mahigpit.

"T-thank you Ma, you're the best !. " puri ni Ekang.

Ngumiti lamang si Dulce.

Pero kumunot ang noo nito.

"Teka anak, sino ba si Darius ?, yun kasi ang lagi mong binabanggit kapag natutulog ka eh. " tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang at lalong niyakap ang kanyang ina.

"I love you Ma !, you're the best. " pag iwas na puri ni Ekang.

Di nya naitago ang malawak na ngiti sa napipintong pagkikita nila ng kanyang dating mga kaibigan.

At ng kanyang dating minamahal.

..

Lumipas ang mga araw.

Dalawang linggo bago ang nakatakdang pag uwi ni Ekang sa Pilipinas.

Naging abala sya nitong mga nakaraang araw dahil sa pag aasikaso ng kanyang bakasyon.

Buti na lamang at malapit na rin ang end of semester kaya medyo mahaba ang nai-apply nyang bakasyon sa kanilang Dean.

Excited na umuwi si Ekang sa bahay nila ng kanyang ina.

Naabutan nya itong nagluluto ng hapunan.

Nagulat si Ekang.

"Wow Ma !, nagluluto ka na ?. " tanong nya.

Ngumiti si Dulce at tila nahiya.

"Nagpapractice lang anak. " sabi nya.

Natuwa si Ekang at kumuha ng kutsara. Tinikman nya ang nilulutong sinigang ng ina.

"Hmm, grabeee, practice ba to ?, eh halos singsarap na ng luto ni Nanay Miding ah !. " puri nya.

Namula ang mga pisngi ni Dulce at pinalo ang pwet ng anak.

"Hala at magbihis ka na nga !, magpahinga ka muna sa kwarto mo at tatawagin na lang kita kapag dinner na. " taboy nya.

Napangiti lang si Ekang at hinalikan ang pisngi ng ina.

Diretso sya sa dati nyang kwarto at binagsak ang katawan sa kama.

"Haaayyyy.. Excited Much !. " sigaw ni Ekang.

Di pa sya inaantok.

Nuon nya naalala ang kaibigang si Krissing.

Nitong mga nakaraang araw ay naging constant ang pagpapalitan nila ng mensahe ng dalaga.

Hindi pala sya nakalimutan ng mga ito, nagkataon lang na hindi nito alam ang kontak nya.

Nuong una ay si Krissing pa nga ang nagtatampo sa kanya dahil hindi daw sya nagpadala ng mga contacts.

Pero nagkaliwanagan na sila ng kaibigan.

At ito ang kanyang tenga at mga mata sa ginagawang aktibidades ng kwadro alas, lalo na ang ace of diamonds.

..

Excited na binuksan ni Ekang ang phone at natawa ng makita ang sandamakmak na mensahe mula kay Krissing.

Natawa sya.

Pero naisip nyang hindi sasapat ang text lamang, kaya imbes na tumipa ng reply sa kaibigan, pinindot ni Ekang ang call button.

Ngunit biglang nag check operator.

Natawa si Ekang dahil hindi nga pala sya nakapag reload.

Naisip nyang gamitin ang sa ina.

"Maaa !!, nasan yung roaming mo ?. " sigaw ni Ekang sa bukana ng hagdan.

Sumilip si Dulce.

"Nandun sa drawer anak, oy wag mong ubusin yung load at wala na akong peso. Puro dollars na ang pera ko dito. " reklamo nya.

Humagikgik si Ekang at nagmamadaling tumakbo patungo sa kwarto ng ina.

Agad nyang hinalungkat ang drawer na tinuro nito at napatili ng makita ang hinahanap.

Di-nial ni Ekang ang number ni Krissing.

Ilang rings ang lumipas bago may sumagot.

Dahil sa sobrang kasabikan, tumalon si Ekang sa kama ng ina at tumili ng pagkalakas lakas.

"Aaaaaahhh...Sis !...Finally..Im going home !..." sigaw nya.

Pero walang sumagot.

Nagtaka si Ekang pero bigla nyang naalala na iba nga pala ang gamit nya.

"Oy sis..Ay oo nga pala..Bagong number ko..Roaming..Sis si Dannica to !.." muling syang tumili.

Pero wala pa ring sumasagot.

Pinakiramdaman ni Ekang ang background ng kausap.

Tila nagkakasiyahan duon base sa mga ingay at iba't ibang usapan na naririnig nya.

"Sis?..Anong nangyari sayo?.. " takang tanong ng babae sa kabilang linya..

Biglang may nagsalita.

"E-ekang ?. " boses lalaki.

Maraming taon na ang lumipas.

Pero hinding hindi kayang malimutan ni Ekang ang boses na ito.

Napanganga sya at biglang nanginig.

Dahil sa pagkabigla, napindot ni Ekang ang end call button.

..

Ilang saglit ding natulala si Ekang bago nabitawan ang cellphone.

Napatitig sya dito at unti unting napasimangot.

"Humanda ka sakin Tabar !, dahil sa ginawa mo!, ilang taon akong naging zombie dito. " inis na sabi nya at padabog na lumabas sa kwarto ng ina.

Bumalik sya sa sariling kwarto at nilabas ang isang kahon sa pinakailalim ng kanyang kama.

Binuksan nya ito at nilabas ang isang piraso ng lumang tsinelas.

Wala sa loob na napangiti si Ekang.

"Pero kahit na ganon, Namimiss pa rin kita. " sabi nya sarili.

Lalong nanabik sa nalalapit na pag uwi.

ITUTULOY !!!