1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 29 - The Return of the Queen
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 29 - The Return of the Queen

Written by supertoyantz on

Chapter 29 - The Return of the Queen.

Alas kwatro ng umaga.

Mulat na mulat ang mga mata ni Darius.

Hindi pa sya natutulog.

Di sya makatulog.

At talagang wala syang balak matulog.

Ito ang araw kung saan darating ang isang taong naging malaking parte ng kanyang nakaraan.

At maaari nyang sabihin na parte pa rin ito ng kanyang kasalukuyan at talagang wala syang pag aalinlangan na ipagsabi sa iba na nais nya itong maging parte ng kanyang hinaharap.

..

Nakaupo lamang si Darius sa kanyang kama.

Naka Indian sit at tulalang nakatitig sa cellphone na nasa kanyang harap.

Iphone 5, bagong bago.

Bilang sa kanyang mga daliri ang lamang contacts ng kanyang sim card.

Pero wala syang pake alam sa lahat ng iyon.

Nakatitig sya sa labing isang numero na gamit at nakalaan para sa iisang simcard lamang din.

At ang taong nag mamay ari ng mga numerong ito ay syang dahilan kung bakit sya tulala at puyat sa mga oras na ito.

..

Pero wala pa rin syang pake alam.

Nagtatalo ang kanyang isip.

O mas tamang sabihin na nagtatalo pa rin hanggang sa mga oras na ito ang kanyang isip sa pag pili sa dalawang options.

Tatawag ba sya o magtetext ?.

Mali, tatlo pala.

Tatawag, Magtetext , o hindi na lang.

Hindi nya alam kung sasagutin ba ni Ekang ang kanyang text o tawag.

Siguradong galit ito sa kanya.

Alam na nya ang dahilan.

Sinabi ni Krissing ang dahilang sinabi ni Ekang.

..

Dala ng nakapatinding frustration, sinabunutan ni Darius ang sarili.

"AaAarrrggghh !!!.. " sigaw nya.

Pero bigla din nyang tinakpan ang sariling bibig.

Baka magising ang mga tao sa kabilang kwarto.

Baka bigla na lamang syang sugurin ng ina at ama at magulat pa ang mga ito sa kanyang itsura.

..

"Oh Ekang, i'm so sorry. " ungol ni Tabar.

Kasalanan nya.

Nagdusa si Ekang sa ibang bansa na walang totoong kaibigan.

Akala ng dalaga ay initakwil na ito ng grupo, dahil sa kagagawan nya.

Well, sabi ni Romeo ay inisyal na reaksyon lamang daw iyon ng taong nagmamahal.

Nagselos sya dahil sa nakitang litrato ni Ekang kasama ang isang lalaki.

Sabi ni Krissing, kaibigan at pinsan daw ito ng kaklase ni Ekang.

..

Speaking of Krissing, maging ang dalaga ay inis sa kanya.

Di nya ito masisisi.

Dahil sa ginawa nyang pagtago ng mga contacts ni Ekang, naputol ang komunikasyon ng dalawa.

"Oh sheettt.. " inis na inumpog ni Tabar ang sarili sa kanyang kama.

Inis na inis talaga sya sa kanyang nagawa.

Kulang kulang tatlong taon.

Napakahabang panahon na naghirap ang kanyang minamahal sa isang bansang wala man lang itong kakilala kundi ang sariling ina.

Tatlong mahahabang taon ang sinadyang pinutol nyang putulin dahil sa maling akala.

At ito ang kanyang labis na pinagsisisihan.

Dahil sa inis, dinampot ni Darius ang isa nyang unan at ubod ng lakas na binato sa pinto.

Pero bigla itong bumukas.

Sapol sa mukha ang nilalang na papasok sana sa kanyang kwarto.

..

Napahiyaw si Tabar sa gulat.

"Waa , Sorry !. " hinging paumanhin nya at mabilis na bumaba mula sa kama.

Mabilis na binuksan ang ilaw ng kanyang kwarto at niyakap ang ama.

"S-sorry Dad. " natatawang sabi ni Tabar.

Napailing na lang si Denzel at kinotongan ang anak.

Kinalawit nya ito sa leeg gamit ang kanyang braso at hinatak papasok sa kwarto.

Sinipa nya pasara ang pinto.

..

Naupo ang mag ama sa kama.

"Anak, kanina ko pa naririnig na parang nababaliw ka. Aminin mo nga, baliw ka ba talaga o nasa pagitan pa lang ng matino at baliw ?. " tanong ni Denzel.

Natawa si Darius at biglang nilambing ang ama.

Nahintakutan si Denzel.

Mabilis nyang winaksi ang anak at lumayo ng kaunti.

"Nuong huli mong ginawa yang paglalambing na yan, nabilhan kita bigla ng iphone, ayan o. Tapos maglalambing ka na naman ?, Baka bigla na naman akong makagawa ng di ko gusto. " biro ni Denzel.

Napasimangot si Darius.

"Daddy naman, parang di ka nilalambing eh. " ungot nya.

Napangiti si Denzel.

"Di naman talaga, kapag may kailangan ka lang. " sabi nya.

Napangisi si Darius.

"Yeah Dad. " pag amin nya.

Mabilis na kumilos si Denzel at akmang aalis na ng kwarto ng anak.

Pero maagap na nahawakan ni Darius ang paa ng ama.

"Dad, di po ito gadget !. " sigaw nya.

Napatingin si Denzel sa anak.

"Ano ?, vacation trip para sa mga kaibigan mo?. Neknek nyo !, nung nakaraan galing kayo sa Hotel natin sa Boracay, wala daw kayong ginawa kundi mamboso ng ibang guests !. " inis na sermon nya.

Napabungisngis si Darius.

"Si Romeo ang may pasimuno, pero wala naman kaming nakita Daddy eh. " palusot nya.

Naningkit ang mga mata ni Denzel at kinurot sa suso ang anak.

"Loko talaga kayong apat eh no, eh kung di kayo napigilan ng security, malamang na nagreklamo yung mga binobosohan nyo. Masisira ang negosyo natin !. " gigil na sabi nya.

Napangiwi si Darius.

"A-aray Daddy, di na pooo.. " sabi nya.

Binitawan ni Denzel ang anak at tinabihan ito sa kama.

"Enough of jokes anak. Ano bang gumugulo sayo ?. " tanong nya.

Natahimik si Tabar.

Nakatitig lamang sya sa kawalan.

..

Inuga ni Denzel ang anak.

"Aba, malala nga to. " sabi nya sa sarili.

Tahimik lang si Darius na nag iisip kung paano sasabihin sa ama ang kanyang problema.

Pero nagulat sya ng biglang magsalita ito.

"Si Dannica ba ?. " tanong ni Denzel.

Tulalang napatingin si Darius sa ama.

"Weee, nanghuhula. " sabi nya.

Pero napangiti lang si Denzel.

"What about her anak ?. " tanong nya.

Natahimik ulit si Darius.

..

"Anak, I'm your father, I know by heart kung ano ang nararamdaman mo. " sabi ni Denzel.

Napangiti ng malungkot si Tabar.

Nagpasya syang ikwento sa ama ang kanyang nagawang kasalanan.

..

Ilang saglit lang.

Biglang kinotongan ni Denzel ang anak.

"Eh siraulo ka pala eh. Bakit mo nilihim sa iba? " tanong nya.

Napayuko si Tabar.

"K-kasalanan ko na nga eh. " pag amin nya.

Natameme din si Denzel.

Nagugulat sya sa nakikitang paghihirap ng anak.

Inakbayan nya ito at hinapit palapit sa kanya.

"Anak, minsan talaga sa buhay natin, nakakagawa tayo ng mga bagay na talagang pagsisisihan natin sa huli. " bungad nya.

Tahimik na nakinig si Tabar.

Nagpatuloy naman si Denzel sa pagsasalita.

"Sabi nila, nasa huli daw ang pagsisisi, well, totoo yon anak. Kaya maraming nasisirang relasyon, dahil sa maling akala ng tulad sayo. Sana tinanong mo muna si Dannica tungkol dyan bago ka gumawa ng hakbang. " pangaral ng ama.

Tumango si Darius.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Napangiti naman si Denzel.

"Tama anak, umiyak ka. Kasalanan mo eh, pero lagi mong tatandaan, na di pa huli ang lahat, laging may second chance. Humingi ka ng sorry sa kanya. Tapos ipakita mong nagsisisi ka na. Nakwento na ng Mom mo si Dannice sakin, sabi nya mabait na bata daw yon, kaya naniniwala akong mapapatawad ka nya. Or else. " pigil nya.

Napatingin si Darius sa ama.

"O-or else ?. " tanong nya.

Ngumiti si Denzel.

"Or else, luluhod ako sa harap nya, mapatawad ka lang ni Dannica. " seryosong sabi nya.

Natameme si Darius.

Ngumiti si Denzel at tinapik sa balikat ang anak.

"Sige na, matulog ka na at nanlalalim yang mga mata mo, halatang wala ka pang tulog. Ano na lang ang iisipin ni Dannica kung makikita ka nyang ganyan ?, Panget anak, dapat makita ka nyang poging pogi. Kaya kung ako sayo, matulog ka na dahil mamaya pa naman ang dating nya. " sabi ni Denzel.

Nagulat si Darius.

"P-paano nyo nalaman?. " tanong nya.

Napahinto si Denzel sa paglabas ng kwarto ng anak.

Nakangiti nyang nilingon si Darius.

"I am your Father, and at the same time, I am the King of Diamonds. Do not underestimate my capabilities young one." sabi ni Denzel sabay kindat.

Naiwang tulala si Tabar hanggang sa magsara na ang pinto ng kanyang silid.

..

Pagtalikod ni Denzel ay biglang may mga brasong yumakap sa kanya.

Mariing siniil ng halik ni Annette ang kabiyak.

"I heard it all. " nakangiting sabi nya.

Ngumiti din si Denzel at pinangko ang asawa.

Hinatid nya ito sa kanilang silid at marahang nilapag sa kama.

"Inlove na ang anak mo. " malamlam ang mga matang bunyag ng ama.

Natigilan si Annette.

"Oh, well, kaya nya kaya ng mag isa ?. " nag aalalang tanong nya.

Ngumiti si Denzel.

"Ikaw ang kanyang ina, dapat alam mo ang kakayahan ng anak mo. " sabi nya.

Pero napanguso lang si Annette.

"I know, pero ayaw kong makikitang nasasaktan sya. " sabi nya.

Hinalikan ni Denzel ang noo ng kabiyak.

"Kung kailangan nyang masaktan para matuto, why not?, kung kapalit naman nito ay tagumpay. Tandaan mo, ang DYAMANTE, hindi basta basta nadadampot, HINUHUKAY. Kailangang madumihan at masaktan ng mga kamay mo, para makita mo ito. " bulong nya.

Napangiti si Annette at kinulong ang mukha ng asawa.

Masuyo nya itong dinampian ng halik.

"I love you my King. " masuyong sabi nya.

Ngumiti si Denzel.

"And I love you too my Queen, maaga pa naman di ba?. " tanong nya.

Nagtaka si Annette.

"It's 4:30 in the morning, why ?. " tanong nya.

Ngumisi si Denzel at pinatay ang lampshade.

"Pwede pang umisa. " sabi nya at gigil na pinaliguan ng halik ang kabiyak.

Wala namang nagawa si Annette kundi pigilin ang pagtili.

..

Gabi.

Alumpihit si Tabar.

Kanina pa sila nakatambay sa arrival area ng airport.

Kasama nya ang tatlong alas pati na sina Krissing at Lelay.

Biglang nagsalita si Rhoi.

"Tangna mga pare, nakakita na ba kayo ng pinagpapawisang baboy ?. " natatawang tanong nya.

Napatingin ang lahat kay Darius.

Nag dirty finger lang ang binata.

Lumapit si Aldrin at sinalat ang leeg ng kaibigan.

"Whew, hayop !. Rom, anong tawag kapag lampas ng 45 degree ang body temperature mo ?. " biro nya.

Asar na inalis ni Darius ang kamay ng kaibigan at lumayo ng konti.

Pero dahil sa mababait ang mga kaibigan nya.

Sabay sabay itong lumapit at pinalibutan sya para asarin ng todo.

"Kung ako sayo, uuwi na ako. Tapos magkukulong na lang ako sa kwarto ko at magdadasal na sana, ibalik na ang nakaraan. " bulong ni Romeo sa tenga ni Darius.

"Oo nga pare, gusto mo ba ng blade?, pag utusan mo lang ako, ikukuha kita, baka gusto mo ng wakasan ang buhay mo. " sulsol ni Aldrin.

"Konting oras na lang. Hihihihi.. " sabi ni Rhoi at sabay sabay silang tumawa ng mahina.

Pero naging tawang demonyo ang dating nito sa tenga ni Tabar.

"AAahhh, layuan nyo akooo. " sigaw nya.

Nagtawanan ang tatlong alas.

Napatingin sa kanila ang ibang mga nag aabang din.

..

"8:25 naa, 10 more minutes, lalapag na ang eroplano ni Ekang. Anong gagawin mo ?.. " tanong ni Aldrin.

Nanginginig na naupo si Taba sa isang sulok.

Tahimik nyang tinitigan ang isang screen kung saan nakikita ang mga paparating at papaalis na eroplano.

Nakatitig sya sa isang specific na flight number.

Flight na kinabibilangan ni Ekang.

..

"Calling the attention of Darius Guzman, please leave the airport right now. " sabi ng boses.

"Yeah, Go home !. " dugtong pa ng boses.

Natigilan ang mga tao sa airport.

"That's right, and do your homework before you masturbate. " singit ng isang boses.

Biglang natawa ang mga tao sa narinig.

Nagulat si Tabar sa narinig.

Maging sina Krissing at Lelay ay nabigla.

"Hala, bakit kilala si Taba ?. " tanong ni Lelay.

"Ewan, ayos ah. Pinapaalis ka Tabar ?. " natatawang tanong ni Krissing.

Mabilis na hinanap ni Darius ang mga kaibigan.

"Tangna !, nasan na yung tatlo ?. " pasigaw na tanong nya.

Napalingon naman sa paligid ang dalawang babae.

Bigla din silang natawa ng hindi ito mahagilap.

"Naku, mukhang alam ko na kung sino yung mga nagsalita. " natatawang sabi ni Krissing.

Inis na tumayo si Darius at hinagilap ang mga kaibigan.

Pero di na nya kailangang maghanap dahil patakbong lumapit ang mga ito.

"Pare, ang init dito sa loob ng arrival, labas muna kame ha. " sabi ni Romeo at walang sabi sabing lumabas ng airport.

"Gago aircon dito !. " sigaw ni Darius.

Nakita nyang sumunod sina Aldrin at Rhoi na pigil ang pagtawa.

Lumapit sina Krissing at Lelay.

"San daw sila pupunta ?. " tanong ni Krissing.

Sumimangot si Darius.

"Sa impyerno, may meeting ata. " inis na sabi nya.

Natawa si Lelay pero may lumapit na security sa kanila.

"Ah pasensya na, may nakita ba kayong tumatakbong tatlong binata dito ?. " tanong ng guard.

Mabilis na umiling sina Lelay at Krissing pero lumapit si Tabar at tinuro ang direksyon na tinahanak nila Romeo.

"Dun po, pakihuli nyo na nga po at mga takas sa mental yung mga yun, lalo na yung nakaitim na T-Shirt. " sumbong ni Darius.

Tumango ang guard.

"Salamat iho. " paalam nito sabay alis at sumunod sa tatlong alas.

Nangamba naman si Lelay.

"Hala bakit mo sila tinuro Taba ?. " tanong nya.

Natawa si Krissing.

"Don't worry sis, walang mangyayari sa kanila. " tiwalang sabi nya.

Pero di pa natatapos ang sinasabi nya ay patakbong dumaan sa harap nila ang tatlo.

"Hi guys, " bati ni Rhoi sabay mabilis na sumunod kay Romeo.

Sa likod nila ay isang bungkos ng security guards .

"Hoy !. " sigaw ng isa pero mabilis na nagsuot ang tatlo sa maraming tao na nag aabang din ng mga mahal sa buhay.

..

Ilang saglit pa.

"Flight 072412 is now approaching. " sabi ng attendant.

Napalunok si Darius.

Nakangiting napatingin sina Lelay at Krissing sa binata.

"Dendendenden. " pananakot ni Krissing.

"Here she comes. " sabi ni Lelay.

Tumalikod si Darius at akmang lalabas na ng airport.

Pero mabilis na niyakap ni Krissing at Lelay ang mga braso nya para pigilan sya sa anumang binabalak na pagtakas.

Walang nagawa si Darius, kundi maghintay sa muli nilang pagkikita ni Ekang.

..

Ilang minuto ang lumipas.

Isa isang naglabasan ang mga tao galing sa nasabing flight.

Habang tumatagal, bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ni Darius.

Di nya inaalis ang tingin sa pinto kung saan lumalabas ang mga dumating na pasahero.

Maya maya ay biglang may nagsalita sa likod ng tenga nya.

"Kinakabahan. " boses ni Aldrin.

"Pinagpapawisan. " bulong ni Rhoi.

"Nalilibugan. " singit ni Romeo pero bigla din silang tumakbo dahil paparating na ang mga security guards na humahabol sa kanila.

Asar na pinabayaan na lang ni Darius ang pang aasar ng mga kaibigan at nagfocus sa paparating na si Ekang.

Hanggang sa maubos na ang mga pasaherong lumalabas.

..

"Hala, nasan na si sis? . " tanong ni Krissing.

"Wala ng lumalabas sis, parang wala ng tao. " sabi ni Lelay.

Nabitawan nila ang braso ni Darius at tumingin tingin.

Biglang tumunog ang cellphone ni Krissing.

Agad itong sinagot ng dalaga.

"Sis !. "sigaw ni Krissing.

Tumango tango ang dalaga at bigla itong nalungkot.

"Ayyy? , nacancel yung flight nyo ?.. Bukas pa kayo makakauwi ?. Kainis naman. Nandito na kami sa airport eh. " malungkot na sabi nya.

Bumagsak ang enerhiya ni Tabar sa narinig.

..

"Bukas ?. Sige, sunduin ka pa rin namin. " sabi ni Krissing.

Nalaglag ang mga blikat ni Tabar.

Tila nawalan sya ng buhay sa mga naririnig na pag uusap ng dalawang dalaga.

Hanggang sa ibaba na ni Krissing ang cellphone at malungkot na tumingin sa kanya.

"Bukas pa daw. " sabi ni Krissing.

Nakangiting tumango si Darius.

"Bakit daw sis ?. " tanong ni Lelay.

Pero di na nakasagot si Krissing.

Napanganga ito sa nakita.

Nagtaka si Lelay.

"Sis ?, bakit ? " tanong nya.

Dahan dahang tinuro ni Krissing ang likod ni Tabar.

Napatingin si Lelay sa direksyon nito at nagtaka.

"Sya na yan ?. " tanong ni Lelay.

Tumango si Krissing.

"Bakit parang anlayo sa description nyo?, sabi nyo average lang ang mukha nya? , tapos medyo kuba ?, eh model ata yan eh !. Sa kulot na hair lang kayo tumama pero look at her !, bagay na bagay sa kanya eh." tanong ni Lelay.

..

Nanigas si Darius.

Tumawa sya ng plastic.

"Wag nyo na akong lokohin." sabi nya.

Pero di nagsalita ang dalawang dalaga.

Makikita sa mga mata ng mga ito ang paghanga sa tinitingnan.

Napalunok si Darius.

"W-wag nyo nga akong biruin ng ganyan. " sabi nya.

Napatingin si Krissing sa binata.

"Bakit ka naman namin lolokohin ?, ayan si Ekang oh. " turo nya.

Pero di pa rin lumilingon si Tabar.

"Kwento mo sa pagong. " natatawang sabi nya.

Kumunot ang noo ni Lelay.

"Bakit ka ba ganyan ?, akala ko di ka nakatulog kakahintay kay Ekang ?, pero ngayong nandyan na sya sa likod mo at lilingon ka na lang. Di mo pa magawa. " sabi nya.

Natahimik si Darius.

Napangiti ng malungkot.

"Sige, kahit na alam kong bukas pa sya uuwi, kunwari naniniwala ako sa inyo. Tatalikod ako para matapos na ang kalokohan nyo. " sabi nya.

Pero bigla din syang nanigas ng may magsalita sa likod nya.

"Eh di lumingon ka. " boses ng babae.

..

Nagkatinginan sina Krissing at Lelay.

Nakangiti silang lumayo.

Naiwan si Darius na nakatalikod pa rin.

"E-ekang ?. " tanong nya.

Walang nagsalita.

Pinilit ni Tabar ang matawa.

"Haha, guni guni ko lang pala. Akala ko nasa likod lang kita. " sabi nya sabay dahan dahang tumalikod.

Pero halos mapaupo si Tabar dahil pagtalikod nya ay may nakatayong babae.

Sa sobrang lapit nito, halos mahalikan na ni Darius ang mapupula nitong mga labi.

Napaatras sya ng dalawang hakbang.

Marahan nyang pinagmasdan ang kaharap.

..

Maraming nabago.

Ang dating wala sa ayos na kulot na buhok, naging tila buhok ni barbie, itim nga lang pero may kaunting dilaw sa gitna.

Ang dating makapal na kilay, naging ahit at nagkaroon ng arko.

Ang dating baluktot na pagtayo, dahil sa dami ng librong laging dala, naging straight at parang nadagdagan ng tangkad.

Suma total.

Nabago ang pisikal na kaanyuan ni Ekang.

Lumabas ang totoong itsura.

Parang iba na ang kanyang kaharap.

Pero ng mapadako ang paningin ni Darius sa mga mata ni Dannica.

Nuon nya nakumpirma na ito nga ang dalaga.

Dahil ito ang mga mata na dati'y kinababaliwan nya pero hindi nya inamin kahit kanino.

..

Napalunok si Darius.

Mula ulo hanggang paa, walang duda, napakaganda ng nasa harap nya.

Napangisi si Ekang.

"Kamusta ?. " tanong nya.

Nagulat si Taba.

Naguumapaw ang confidence ni Ekang.

"A-ayos lang. I-kaw ?, nagbago ka. " halos bulong na sabi nya.

Natawa si Ekang.

"Anong nagbago ?." tanong nya at nakangiting tumalikod na.

..

Lumapit si Ekang sa dating kaibigan.

"Sis !. " sigaw nya at niyakap si Krissing.

Napatili naman si Krissia at gumanti ng yakap sa kaibigan.

"Eeeehh,, sis kamusta ka na!!, grabe !, di kita nakilala !. " sigaw ni Krissing.

Mahigpit silang nagyakap.

Nuon naalala ni Krissing si Lelay.

"Ay sis. si Hannah Lea, Lelay for short, Lelay, bff ko na nag paka american na, si Ekang, ay , sa states ka na nga pala nakatira so Dannica na. " pakilala nya.

Napangiti si Ekang.

"Hmm, it's okay sis, matagal na panahon na ring walang tumatawag sa akin na Ekang, and I must admint, namiss ko yon, helloo Lelay, ang ganda mo. Ikaw pala ang girlfriend ni Potpot." puri nya.

Ngumiti si Lelay at niyakap ang dalaga.

"Lalo ka na, akala ko talaga model eh. Yeah ako nga ang girlfriend ni Potpot. " nakangiting sabi nya.

Nagtawanan ang mga babae.

"Ay sis Mama ko, Ma, this is Krissia and Hannah, best friends. " pakilala ni Ekang.

Napangiti si Dulce at tinanggap ang pagmamano ng dalawa.

"Kamusta kayo ?. Salamat nga pala sa pagsundo mga iha. " nakangiting pasasalamat ng ina.

Ngumiti lamang sina Krissing at Lelay.

Nagtaka si Ekang.

"Teka teka, kung nandito si Darius, nasan yung tatlo ?. " tanong nya.

Pero di na nya kailangang ulitin ang kanyang sinabi dahil biglang may yumakap sa likod nya.

Napatili sya at tumawa ng malakas.

"Hahahaha, ibaba nyo nga ako !, nakikita panty ko !. " natatawang reklamo ni Ekang.

Binaba ni Rhoi ang dalaga at mabilis na niyakap.

"Welcome home sis. " bati ni Rhoi.

Gumanti ng yakap si Ekang.

"Where's Pot- " di pa sya natatapos ay mabilis na naman syang umangat sa ere.

Tawa ng tawa si Ekang.

Binaba na sya ni Aldrin at niyakap din.

"Kamusta ?. " tanong ni Potpot.

Niyakap ni Ekang si Aldrin.

"Okay na okay, lalo kayong pumopogi ah. Oops, sorry, kapag sinasabi ko nga pala ang pogi, may lumilitaw. " natatawang sabi ni Ekang.

Biglang may umakbay sa kanya.

Paglingon nya ay napatingala sya at natawa.

Hinalikan ni Ekang si Romeo sa pisngi.

Napangisi ang binata at nagmano sa nanay ni Ekang.

"Oh ?, ano pang ginagawa natin dito ?, magtititigan ?, kanina pa tayo inaantay sa bahay nyo Tita. " makapal ang mukhang sabi ni Romeo kay Dulce.

Nagtaka ang ina ni Ekang.

"A-anong meron sa bahay ?. " tanong nya.

Ngumisi ang lahat.

"Welcoming party po. " sabi ni Romeo at inalis ang pagkakaakbay kay Ekang.

Hinawakan ni Romeo ang kamay ni Dulce at inalalayan palabas ng airport.

Nilingon nya ang mga kaibigang sina Rhoi at Aldrin.

"Mga tol, yung bagahe, pakilagay na lang sa van para may silbi kayo ng konti. " sabi nya at tumawa ng malakas.

Napasimangot sina Rhoi at Aldrin pero wala silang nagawa kundi damputin na lang ang mga dalang bagahe ng mag ina.

Tumatawang yumakap naman si Lelay sa nobyong si Aldrin at sinabayan ito.

Ganun din ang ginawa ni Krissing, niyakap nya ang braso ni Rhoi na walang dala at inalalayan patungo sa kotse.

..

Naiwan si Ekang.

Sinulyapan nya si Darius na kanina pa tahimik sa likod.

"Oh, ?, anyare sayo ?. " tanong nya.

Malungkot na ngumiti si Tabar.

"K-kamusta na ?. " tanong nya.

Natigilan si Ekang sa tono ng pananalita ni Darius.

Tila malungkot ito.

Pero mabilis nyang binalik ang depensa.

"Sobrang okay, tara na ?. " aya nya.

Napangiti si Darius.

"N-na mis- " sabi nya pero naputol ito ng lumapit si Romeo.

..

"Ano?, dito na kayo maglalambingan ?. Hanep, subukan nyo kayang umuwi para naman mas masarap ang kamustahan ?. Hoy Ekang kanina pa kami dito, dahil sa baboy na to. Kaya parang awa nyo na, nagugutom na ako. " makaawa ni Romeo.

Natawa si Ekang at tumango.

Lumapit sya kay Darius at niyakap ang braso nito.

"Shall we ?. " tanong nya.

Nagulat si Tabar dahil nagbago na si Ekang.

Dati, hiyang hiya ito madikit lamang sa kanya.

Pero ngayon.

..

Lumapit si Romeo at tinulak ang dalawa.

"Gago, nandyan na yung mga guards ! " tili ni Romeo at tinulak sina Darius at Ekang.

Nagkatinginan na lang ang dalawa at mabilis na tumakbo patungo sa nakaabang na van.

Di na pinansin ang maraming gwardyang hinihingal na kakahanap sa kanila.

ITUTULOY !!!

More from supertoyantz

Related Stories

Filipino Sex Stories

Beyond Work (part 7)

Sandstorm91

Nagdaan ang mga araw sa buhay ko at patuloy ang aming trabaho sa proyekto. Nang minsang pauwi ako sa trabaho...

6 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Outreach Progam

sponky06

All the names of characters in this story were replaced to protect the privacy of the persons involved. Ako si...

8 minutes Read Time
Filipino Sex Stories

Percy

antoinette

Before Ron and Nathan came into my life, I had boyfriend named Percy. He was 26 and I was 21. That time...

5 minutes Read Time