1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 4 - Ampalaya
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 4 - Ampalaya

By supertoyantz ·

Chapter 4 - Ampalaya

Para sa mga taong takot humarap sa hamon ng buhay.

Wala naman akong masyadong maipapayo dahil unang una, bata pa ako..

Pero di naman porke bata ay wala ng karapatang magsalita..

Aminado ako na wala pa akong experience sa mga mabibigat na pasanin sa buhay..

Pero naniniwala ako na hindi ka susubukin ng Panginoon kung hindi mo kaya..

Minsan, darating ang oras na kailangan nating harapin ang pinakamapapait na yugto ng ating buhay..

Pero tulad ng dati ko ng sinasabi..

Kailangan nating Madapa.. Para malaman natin kung paano Tumayo..

Sa lahat ng nakikibaka sa laro na kung tawagin ay "Buhay" ..

Wag nyo lang pong kalimutang Manalangin at Tumawag sa KANYA..

Magpasalamat sa lahat ng biyaya ..

Maspasalamat sa lahat ng hirap.

Lahat ng natatanggap nyo ay dapat nyong ipagpasalamat..

Salamat sa lahat ng nananatiling LOYALISTA ni Toyantz..

Nawa'y dumami pa kayo..

P.S.

Hati ang pakiramdam ko habang ginagawa ko ang Chapter na ito..

Kahit sinong manunulat na tanungin nyo ay pareho siguro ang reaksyon..

Subukan nyong magsulat ng may nakakandong sa inyo..

( QoS )

Oh shet..

Phew..

Anyway..

Enjoy :)

kasi ako Enjoy eh .. :D

-tOyantz..

Chapter 4 - Ampalaya

Nagising si Dannica sa ingay ng kung sino sa labas ng pinto nya..

Aandap andap pa ang kanyang kamalayan.

"For God's Sake Dannica wake up !.. " sigaw ng nasa labas.

Napabalikwas ng bangon ang dalagita..

Kahit kagigising lang..

Mabilis na gumapang ang takot sa kanyang sistema..

Kilala nya ang may ari ng boses..

Kilalang kilala nya..

Walang iba kundi ang kanyang ina..

"S-saglit lang po.. " nagmamadaling bumaba mula sa kama si Dannica..

Mabilis nyang nilakad ang pinto...

Hawak ang serdadura, huminga ng malalim si Dannica..

Bago nya binuksan ang pinto..

Pumikit muna sya ng mariin at nanalangin na sana, wag sya nito kagalitan..

Dahan dahang binuksan ni Dannica ang pinto..

Tama ang hinala nya na ang ina ang nasa kabila nito..

Naiilang na tinitigan ni Dannica ang ina..

"It's already 7 in the morning and what are you doing ?.. You're still here ?.. " nakataas ang isang kilay na tanong nito..

Napayuko si Dannica..

"S-sorry Mom.. " mahinang sagot nya..

Napaismid ang babae..

"Eat your breakfast now.. " malamig na utos nito..

Tumango si Dannica.

"H-how bout you Mom ?.. Have you eaten ?.. " tanong nya..

Nagbabaka sakaling makakasabay nya ito..

Matagal bago nakasagot ang ina ni Dannica..

"Sa labas na lang ako kakain.. Sige na.. I'm going.. " paalam nito..

Tumango si Dannica ng mabagal..

Narinig nya pa ang yabag ng ina pababa ng hagdan.

Malungkot syang bumalik ng kwarto at marahang sinara ang pinto.

Tiningnan nya ang buong silid..

Larawan ng karangyaan ng kanilang pamilya..

Pero di nya maintindihan ang kanyang nararamdaman..

Parang may malaking butas ang kanyang pagkatao..

Hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam..

Naglakad sya patungo sa kama..

Yumuko at may kung anong hinugot sa ilalim nito..

Isang kahon..

Dahan dahan nyang binuksan..

Tumambad sa kanya ang mga luma nyang abubot..

May isang pirasong tsinelas ang narito..

Napangiti ang dalagita..

Hinding hindi nya malilimutan kung kanino ang nasabing tsinelas..

School..

Nakasuot ng shades si Romeo..

Halos magkandaduling na sya sa mga dumadaang babae sa harapan..

Siniko sya ng katabing si Rhoi at tinuro ang isang parte ng school..

"Building B.. Thrid Floor..There was Phenelope.." sabi nito..

Tumango si Romeo..

"Covered Court.. 10 o'clock.. " sabi ni Aldrin..

Mabilis silang lumingon.

"Candice.." sabay sabay na sabi nina Rhoi at Aldrin..

Tumango muli si Romeo..

"Front gate.. 12 o' clock.. " mahinang sabi ni Darius..

Napangisi ng lihim si Romeo..

"Ano yon tol ?.. Anong coordinates ?.. " tanong ni Rhoi..

Tiningnan nila ang kaibigan..

Pero mabilis itong nag iwas ng tingin..

"Ano daw ?.. " tanong ni Aldrin..

Nagkibit balikat si Rhoi..

"Ay.. Sinong may assignment sa Math ?.. Pakopya.. " biglang iniba ni Darius ang topic..

"Oo nga pala.. Potek.. I almost forgot.. Tara na.. Kopya tayo kay Ekang.. " banat ni Rhoi..

"Wala pa si Ekang pare.. Kakagulat nga eh.. Bihira lang malate yon.. " sabi ni Aldrin..

Napatingin sila kay Darius..

"O baket sakin kayo nakatingin ? .. " tanong nya..

Ngumisi ang dalawa..

"Baka napuyat tol.. Siguro magkatext kayo ?.. " tanong ni Rhoi..

"Baka callmates tol ?.. Oh shet.. " biro ni Aldrin..

Napangiwi si Darius..

"Tangna nyo.. Andami daming chix na pwedeng itukso sakin.. Si Ekang pa talaga.. " tanggi nya..

Nagtawanan sila..

"Baket ?.. Maganda naman si Ekang ha ?.. " tukso ni Rhoi..

"And matagal na nating napapansin na may gusto sya sayo.. Di ba nung kinder pa lang tayo mahilig na syang mag didikit kay Darius ?.. " tanong ni Aldrin sa lahat..

Nanatiling tahimik si Romeo..

Napansin siya ng tatlo..

"Oy.. Para kang namaligno dyan ah.. " untag ni Darius..

Umiling si Romeo..

"Don't mind me tol.. " iling nya.

Nagkatinginan ang tatlo..

"Ano na ?.. Since na wala pa si Ekang.. Kay Krissing na lang tayo mangopya.." aya ni Rhoi..

Sumang ayon ang tatlo..

"Ikaw Rom ?.. " tanong ni Darius..

Umiling ang binatilyo..

"Sige sunod na ko.. Actually may inutusan na akong gumawa ng assignment ko.. " nakangising sabi ni Romeo..

Napangisi din ang tatlo..

"Tangna.. Like a boss talaga.. Nuknukan ka ng kapal tol.. Bahala ka.. Basta kame gagawa.. Sana mazero ka gago.. " pang aasar ni Aldrin..

Ngumisi lang si Romeo at binigyan ng dirty finger ang mga kaibigan na ikinatawa lang ng mga ito..

Hinatid nya ng tanaw ang tatlo na naglakad patungo sa classroom nila..

Ng makitang nakapasok na ang tatlo.. Huminga ng malalim si Romeo at nagsalita..

"Come out Ekang.. Alam kong nandyan ka .. " pagtawag nya..

Nanigas si Ekang sa pinagtataguan..

Kakamot kamot syang lumabas at nilapitan ang binatilyo..

"Hanep talaga pang amoy mo Rom.." biro nya..

Pero di natawa si Romeo..

"I know masakit ang mga narinig mo.. Ako na ang humihingi ng pasensya sayo.. " sabi nya..

Ngumiti si Ekang..

"A-alam ko naman ang stand ko sa kanya nuon pa.. Sadya lang akong makulit.. Kasi.. Kasi.. " di na matuloy tuloy ang dahilan..

"Because you love him.. I knew that 4 years ago.. " nakangiting sabi nya..

Napangiti ng malungkot si Ekang..

Tinabihan nya ang binatilyo at tumingin sa malayo..

"Don't be like that.. What did I say to you ?.. " sabi ni Romeo..

Huminga ng malalim si Ekang..

"Na huwag mawawalan ng Pag- Asa hangga't humihinga.. " sagot nya..

Ngumiti si Romeo at nag thumbs up sa kaibigan..

"Alam ko naman yan Rom.. Di ko yan nakakalimutan.. Pero syempre.. There were times that I feel so ugly.. Lalo na kapag kay Darius mismo nagsasabi.. Tell me Rom.. Ganun ba talaga ako kapangit ?.. " naiiyak na sabi nya..

Hindi tumingin si Romeo..

Nainis si Ekang..

"See ?.. Even you .. Romeo the Demon.. Even you don't want to look at me.. " mahinang sabi nya..

Natawa si Romeo..

"Demon talaga ?.. " tanong nya..

Tumango si Ekang..

"Yes.. You are super duper bad.. " nakaingos na sabi nya..

Ni hindi naapektuhan ang binatilyo..

"Well.. Siguro nga devil ako.. " sabi lang nya..

Humikbi si Ekang..

"Tell me.. Since na ikaw ang babaero sa lahat.. Tell me.. Paano ba ako magugustuhan ni Darius ?.. " desperadang tanong nya..

Natahimik si Romeo.

Ilang minuto ang lumipas..

Nainis na naman si Ekang..

"Fine !.. Kung ayaw mo akong tingnan !.. Kung ayaw mo kong kausapin !.. Eh di wag !.. " taray nya sabay akmang tatayo ng magsalita ang kaibigan..

Tinaas ni Romeo ang mga paa sa railings na bakal..

"I don't want to look at you.. Because I'm scared that if I do that... Magkagusto ako sayo na lampas bilang kapatid.. " seryosong sabi nya..

Nanigas si Ekang..Pero saglit lang.. Natawa sya sa sinabi ng binata..

"Kita mo to.. Bolero ka talaga.. Pati ako pinapakitaan mo ng talent mo.. " tumawa sya ng peke..

Pero di sumagot si Romeo..

Dahan dahang tumingin ang binatilyo sa mga mata ni Ekang..

"I'm not joking.. Ayaw kong magsalita ng tapos.. Masyadong sagrado sa akin ang Pagkakaibigan at bilang pinakapogi sa Kwadro Alas.. Tungkulin kong ipatupad ang Sagrado din naming patakaran.. Walang Talo talo.. " tiim bagang na sabi nya..

Natawa si Ekang..

"Sus.. At bakit naman daw na kung magkakagusto ka sa akin .. Sino naman ang masasagasaan mo aber ?.. " tanong nya..

Muling tumingin si Romeo sa ground ng eskwelahan..

Kita nya ang mga nagmamadaling estudyante sa ibaba..

"Don't act as if you don't know whom I'm talking about.. " sabi nya..

Natahimik si Ekang..

"S-si Tabar.. " inatake sya ng sangkatutak na kilig.. Pero di pa rin sya makapaniwala..

"I neither confirm nor deny.. It's your job to find out.. Wag nyo kong idamay sa love life nyo kasi nandidiri ako sa PBB Teens.." tila kinikilabutang sabi nya..

Napangiti si Ekang..

Kinurot nya ang matangos na ilong ni Romeo..

Napangiwi ang kaibigan at tinabig ang kamay nya..

Lalong natawa si Ekang..

"Thank you.. " taos pusong sabi nya..

Pero nagulat sya ng kurutin ni Romeo ang pisngi nya..

"Don't be someone.. Just be yourself.. Remember that.. " sabi ng binatilyo..

Eksaktong tumunog ang bell..

Tumayo na si Ekang at inaya ang kaibigan pero umiling ito..

"Hoy Bell na !.. " sabi nya..

Nagkibit balikat si Romeo..

"Kiber !.. 5 minutes pa.. Ineenjoy ko pa ang magandang umaga.. " nag inhale , exhale ang binatilyo..

Natawa si Ekang at piningot sa tenga ang kaibigan..

"Tara na.. " sabi nya..

Napangiwi si Romeo sa sakit..

Wala syang magawa kundi sumunod sa dalagita dahil kapag pumalag sya ay lalo lang nitong hinihigpitan ang pagpingot sa kanya..

Recess..

Mabilis na tumayo si Darius..

Wala ng nagulat..

Sa lahat naman talaga..

Si Darius ang nagsisilbing alarm clock nila tuwing recess..

Mabilis nitong inimis ang mga gamit at tiningnan ang mga kaibigan..

"Ano na ?.. Ambabagal nyo.. Tapos magrereklamo kayong puno yung canteen ?.. " panenermon nya..

Natawa na lang ang mga kaibigan nya..

Sa canteen..

Tulad ng dati..

Sina Darius, Ekang at Krissia ang taga pila..

Habang sina Rhoi , Aldrin at Romeo ay nakaupo na sa pwesto nila na sadyang nakalaan para lamang sa kanila..

Maraming estudyante ang naiinggit sa Kwadro Alas..

Marami ring naaasar..

Lalo na mga kapwa lalake dahil nahahatak nila ang halos pinakamagagandang babae ng campus..

Sa sitwasyon naman nila Krissia at Dannica..

Marami rin ang insecure sa kanila..

Bakit nga naman..

Kaibigan nito ang apat na binatilyo..

Sila lamang ang nakakalapit sa apat kaya talagang inggit na inggit ang iba..

Isa na si Randy Gubaton sa haters ng Kwadro Alas..

Galit sya..

Partikular na kay Darius dahil bali balita na malapit ito sa kanyang iniibig..

Si Dannica..

2 taon na nyang iniibig ang dalagita..

Nangako sya sa sarili na bago matapos ang taon ay ipagtatapat nya kay Dannica ang nararamdaman..

Pero nuon yon..

Nuong wala pang issue tungkol sa dalawa..

Ngayong kalat na ang balita..

Lalong nabuhay ang pagnanasa syang mapasagot ito..

Lahat ng makakaya nya ay gagawin nya..

Lahat ng paraan ay susubukan nya mapasagot lamang ang dalagita..

Tulad ngayon..

Kasalukuyan syang nasa likod ni Darius..

Nakapila sila sa counter..

Rinig nya ang pagtatawanan ng mga ito.

"Sis.. Try mo yung talong.. " biro ni Krissing..

Namula ang mga pisngi ni Ekang..

Natawa si Darius..

"Masyadong malaki yan Kris.. Ahaha.. " biro nya..

Napaubo si Ekang at pinalo ang braso ng binatilyo..

"Sira ulo.. Ayaw ko nyan sis.. Malaki.. " banat ni Dannica..

Lalo silang nagtawanan..

"Ay eto saging.. " landi ni Darius..

Natawa ang dalawang babae..

"Sige sige.. " pagsakay ni Krissia..

Napatingin si Ekang sa platito ng Ampalaya..

"Masarap ba yan Joweebee ?.. " tanong nya kay Darius..

Tiningnan ni Darius ang tinuturo ng dalagita..

Ng makita ang ampalaya ay napangiwi sya at tila nandidiring napailing..

"Yucks.. Ewwwness.. Ampait nyan sis." landi nya..

Natawa ang dalawang babae..

Pero napangisi si Darius..

"Bigay natin kay Rom.." sabi nya..

Napangisi din ang dalawa..

"Sige.. " sabay nilang sabi..

Matamang nakikinig si Randy sa likod ni Darius..

Nais nyang sipain ang binatilyo sa malanding pakikipag usap nito sa minamahal nya..

Pero nagbago ang isip nya dahil kilala ang Kwadro Alas sa pakikipag away..

Di rin sya sigurado kung mananalo sya sa binatilyo ..

Kaya nagpasya na lang syang kimkimin ang sama ng loob..

Nagkasya na lamang syang sulyapan ang minamahal sa maliit nilang distansya.

"You're so near my Love.. Yet so far.. Pero di na yan magtatagal.. We will live happily ever after.. " nangangarap na sabi nya sa isip..

Matapos bumili ng pagkain ay isa isang itong inilapag nina Darius sa mesa..

Nagkatinginan pa silang tatlo nila Ekang at Krissing ng makita ang isang platito ng ampalaya..

Tahimik silang nagsimulang kumain.

Ilang saglit..

Napansin ni Romeo ang Ampalaya..

Walang gumagalaw dito..

"Kanino ba yang Ginisang Ampalaya ?.. " tanong nya..

Nagkibit balikat ang lahat..

Pinigil ng tatlo ang tawa..

"Sinong nag order nyan ?.. " tanong ni Romeo..

Umiling sina Darius..

"Malay ko tol.. Wala naman kaming biniling Ampalaya di ba Ekang ?.. " tanong nya.

Tumango ang dalagita..

"Yes Joweebee.. " malambing nyang sagot..

Saglit silang nagtitigan ng magsalita si Krissing..

"Tapon na lang natin.. " sabi nya..

Pero umawat si Romeo..

"Sige ako na kakain.. Sa susunod wag kayong bibili kapag di nyo gusto.. Nagsasayang lang kayo ng pera at pagkain eh.. " sabi nya..

Pinagmasdan nila ang kaibigan..

Napalunok pa ito at napapikit ng sumayad sa lalamunan ang mapait na Ampalaya..

Napanganga ang tatlo..

"Kinain mo talaga ?.. " namamanghang tanong ni Ekang..

Tumango si Romeo..

Nagtaka...

"Bakit naman hinde eh pagkain yan ?.. " tanong nya..

Muling kumutsara at sumubo..

"Azteegg.. " sabi ni Darius..

"Di pangit yung lasa ?. " tanong ni Krissing..

Umiling si Romeo at muling kumutsara..

Nainggit sina Aldrin at Rhoi kaya pati sila ay gumaya sa kaibigan..

Tulad ng inaasahan..

Napangiwi ang mga ito..

"Nguyain nyo tol.. Mapait yan pero masasanay din kayo.. " payo ni Romeo..

Tumango ang dalawa..

Hanggang sa napansin nilang malapit ng maubos ang pagkain..

Napangiti si Romeo sa tatlo..

"You three set me up.. Akala nyo di ko kakainin ?.. " tanong nya..

Napangiwi sina Darius..

"M-masarap ?.. " tanong nya sabay kutsara sa amplaya..

Napalunok pa sya sabay dahan dahang sinubo..

Tulad uli ng inaasahan..

Halos masuka si Darius.

Pero di nya ito niluwa .. Bagkos pilit nya itong nilunok tanda ng kagandahang asal na tinuro ng magulang..

Nagkatinginan sina Dannica at Krissia..

"Ano sis ?.. " tanong ni Ekang.

Napalunok din si Krissing..

"Sige.. Try natin .. " sabi nya sabay mabilis na tumusok ng isang piraso ng ampalaya..

Sinubo nya ito at nginuya.. Napangiwi sya sa lasa.. Pero tulad ng iba.. Di nya ito niluwa..

Konti nalang ang natira..

Tinulak ni Romeo ang platito kay Ekang..

Nakatingin sa kanya ang lahat..

"You know Ekang.. Marami kang matutunan dyan sa pagkain ng Ampalaya.. " kwento ni Romeo..

Napatingin ang lahat..

"Ano yon tol ?.. " tanong ni Rhoi..

Ngumisi si Romeo at tinuro ang platito .

"Ubusin mo muna Ekang.. Be fair.. " sabi nya..

Napatingin muli sa kanya ang lahat..

"Fine fine.. " sabi nya sabay tinuhog lahat ng natitirang ampalaya..

Mabilis nya itong sinubo at nginuya..

Matapos lunukin ay nagsalin sya ng tubig at mabilis na lumagok..

"Yehey !.. " nagdiwang silang dalawa ni Krissing..

Napangiti si Romeo..

"Ano yung aral sa simpleng pagkain ng ampalaya tol ?.. " tanong ni Aldrin..

Nilagok ni Romeo ang tubig sa baso nya at nag inat.

"Busog much.. Anyway.. Sabi kasi ito ni Dad saken.. " sabi nya..

Nakinig ang lahat..

"Sabi ni Dad.. Kapag ang isang tao daw ay sinusubok ng Panginoon.. Kadalasan ay sumusuko sya.. Hindi na nya binibigyan ng pagkakataon ang sarili nya na harapin at subukan ang Paghamon na ito..Yun ang kadalasang nagiging sanhi kung kaya maraming tao ang nawawalan ng pag asa kapag dumarating sa buhay nila ang isang mabigat na suliranin.. Dapat daw matutunan natin na kapag Sinubukan tayo ng Lumikha.. Magpasalamat tayo..Matuto tayong magalak kasi sa dinami dami ng tao na ginawa nya dito sa Lupa.. Tayo pa ang binigyan nya ng paghamon.. Meaning, malaki ang tiwala nya sa atin na malalampasan natin ito.. Kapag mabigat ang Problemang dinadanas mo.. Mas mataas ang kumpyansya nyang kaya mong lampasan yon.. " litanya ni Romeo..

Natahimik ang lahat..

Kanya kanyang isip ng maaaring itanong sa kaibigan..

"Eh paano kung sumuko na agad sa simula pa lang kasi sa tingin nya masyadong mahirap yung Challenge ?.. " tanong ni Rhoi..

Nagkibit balikat si Romeo..

"Nakakalungkot.. Ganito lang yan... Kunwari ako yung Student tapos ikaw ang Teacher ko... Ilang taon mo kong tinuruan.. Sinalin mong lahat ng nalalaman mo sa akin.. Tinanggap kong lahat.. Dumating yung time na nagkaroon ng Quiz Bee.. Isa ako sa mga naging kandidato para lumaban.. Pero sa di inaasahang pagkakataon..Tumanggi ako.. Ng tanungin mo kung ano ang dahilan.. Sinabi ko sayong natatakot ako na matalo.. Anong mararamdaman nyo ?.. " tanong nya sa mga kaibigan..

Nagkatinginan ang mga ito..

"Masasaktan.." sagot ni Aldrin..

"Malulungkot.. " sagot ni Darius..

"Madidismaya.. " sagot ni Rhoi..

Tumango si Romeo..

"Ganyan din ang mararamdaman ng Panginoon kung sakaling umatras ka sa binibigay nyang hamon.. Nakakalungkot, Masakit at Nakakadismaya.. Binigyan ka nya ng sasapat para paglabanan ang mga Hamon ng Buhay.. Pero umatras ka..Di ba masakit ?.. " tanong ng kaibigan..

Tumango ang lahat..

Walang kumontra..

"Ano naman konek ng Ampalaya ?.. " tanong ni Ekang..

Ngumiti si Romeo..

"Sa lahat ng malalampasan mong mahihirap na pagsubok.. Darating ang biyaya.. Sa likod ng mga ulap nagtatago ang sikat ng araw.. Pagkatapos ng ulan, lilitaw ang bahaghari..Kasunod ng Pagdapa ang Pagbangon.. Tulad ng Ampalaya.. Mapait pero masunstansya... Parang buhay.. Mahirap.. Pero kapag pinaglabanan mo tulad ng pagkain sa ampalaya.. Darating yung Vitamins.. Yun ay yung mga Biyaya.. Gets nyo ?.. " nakangiting tanong nya sabay tayo..

Napangiti ang lahat..

Napatango sila at isa isang sumunod sa kaibigan..

Lahat ng sinabi ni Romeo ay kanilang sinapuso at tinandaan..

ITUTULOY !!!

SUPORTAHAN ang KAPWA PINOY !

Ako si TOYANTZ Sampu ng KWADRO ALAS FAMILY..

Saludo kami sa lahat ng PILIPINONG SUMASABAK sa mahihirap na DAGOK ng BUHAY pero nananatiling NAKATAYO , TAAS NOO at SUMASAYAW NG GANGNAM !!..