1. Home
  2. Stories
  3. Lagaslas... ( Part One )
Lagablab

Lagaslas... ( Part One )

By wish_trish ·
" Lagaslas... " ( Part One ) "Tabo?" "Oo tabo... 'yan ang gamit po dito. Kung hindi niyo po napapansin, liblib na lugar ito. Walang shower, walang tissue, walang kuryente. Ang tubig dyan sa barriles ay salok pa mula sa ilog sa baba ng bundok... so paki tipid, dahil mahirap mag igib. Ngayon, kung hindi ka maka ligo gamit ang tabo... dumiretso ka na lang sa ilog, at dun ka mag tampisaw." Sabi sa akin ni ma'am Edna, isang matandang nurse na unang dumating sa site kung saan kami may medical/relief operations. "Ah eh, diretso na lang po ako sa ilog ate Edz, kakahiya namang gamitin ang tubig dyan. Baka maaksaya lang sa akin." Sagot ko sa matandang dalaga. "Ikaw ang bahala miss sosi... ingat ka lang pag punta sa ilog, madaming linta dun." At tuluyan na itong tumalikod upang pumasok sa aming maliit na barong barong kung saan ang mga babaeng volunteers at duktor na babae ay naka tira panandalian. Naiwan akong hindi makapag desisyon kung ano ang gagawin ko nang dumating ang isang medyo chubby na lalake at may dala itong isang timba. "Maliligo ka ba?" Tanong nito na naka ngiti sa akin. "Hindi, mag iinternet ako... ayan nga o, may dala akong sabon, shampoo, at panghilod. Mag iinternet ako, mag iinternet." Patuya kong sabi dito. "Sungit naman nito. Nag tatanong lang po, kasi kung maliligo ka babalik na lang ako mamaya. Pauunahin ko na nga po kayo, pag sungitan niyo pa ba ako." Sabi ng lalake na nag umpisang umalis. "Uy, teka. Sorry na. Hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko, kaya medyo na balingan kita ng init ng ulo. Sorry na po mamang pogi." Humarap itong muli sa akin na may ngiti ang mukha. "Naks, at dahil tinawag mo akong pogi, tutulungan kita sa pag dedesisyon mo. Ano ba ang pinag iisipan natin?" Tanong nito sa akin. "Eh eto eh." At inabot ko ang plastic na tabong kulay orange sa kanya. "O, tabo... anong problema dito?" "Ah eh, hindi ako marunong gumamit niyan... baka maaksaya ko ang tubig sa barriles." "Sus, 'yun lang, eh 'di iigib uli ako para syo. Problema ba 'yun?" Sagot nito na mabilis sa aking problema. "Naku, 'wag naman, malayo pa daw ang ilog, kakahiya naman sa iyo. Ayoko naman nun." Nag kakamot sa batok na sagot ko sa kanya. "Hmmmm, may solusyon ako dyan. Dito ako sa labas ng plywood, tungtong lang ako sa karton na ito, ako magbubuhos syo, 'wag kang mag alala... hindi kita sisilipan. Isasara ko ang mga mata ko para wala akong makita. O, ano, ok ba?" Tuwang tuwa akong pumayag sa suhestyon ng lalake sa kadahilanang nangangati na ako sa pawis at alikabok kaya't gusto ko nang maligo. Isinampay ko ang aking tapis sa may gilid ng plywood, at tumingala ako sa lalakeng ang kamay lang ang naka pasok sa loob ng makeshift na paliguan. "Game!" Sabi ko, at agad kumilos ang kamay ng lalake upang sumalok ng tubig at ibinuhos iyon malapit sa may dinding na plywood. "Urong ka pa, masyadong malayo, 'yung plywood ang nabubuhusan." "Asan ba? 'Di ko matantya." At dumungaw ito sa loob ng paliguan. "Uy, bawal 'yan... masama. Sige ka magkaka kuliti ka." Panakot ko dito. "Nurse ako miss, sa tinagal tagal kong nurse lahat ng 'yan nakita ko na... bale wala 'yan sa akin. Walang malisya kumbaga. O hala, lumapit ka at bubuhusan kita uli." At nag patuloy ang aming paliligo. "Kiskisin mo maigi sa may singit, para malinis ng husto." Utos nito sa akin, na siya namang sinunod ko. Bumikaka ako ng husto at ginamit ang aking loofa upang mahugasan ng maigi ang balat ko sa may pagitan ng aking mga hita. "Ay, teka saglit, mag aahit pa ako. Intay lang." Sabi ko dito, at inumpisahan kong ahitin ang aking buhok sa ibabaw ng matambok kong kaselanan. "Anak ng bote ng aspirin, at nakuha mo pang mag ahit. Miss, walang titingin niyan, puro mga mahihirap na tao ang naka paligid syo... hindi nila papansinin kung ahit ang vagina mo, o makapal ang pubic hair mo." Tumatawang sagot nito. "Excuse me lang mister, pero hindi dahil mga mabababang uri ng tao ang kasalamuha ko ay magiging astang sangano o salaula na ako.... ginagawa ko to para maging malinis sa katawan ko, at hindi para sa kahit na kaninong tao. Buhos!" Utos ko dito na medyo nayamot.