LARAWAN 16

Filipino Sex Stories
21 minutes
Palinga-linga ang dilag sa paghahanap sa taong nagsauli sa kanya ng bracelet na kay tagal na niyang hinahanap. Kasama pa rin niya ang batang nagtataka din sa biglang pagkawala ng lalaking nagbigay ng pera sa kanya upang iabot ang bagay na iyon sa babae.

Napatitig si Trisha sa anino ng malaking puno. Para kasing sa likod niyon ay may taong nakatayo. Akma sana niyang iikutan ito upang tignan ngunit bigla ay may kamay na humawak sa kanyang braso.

"What happened Trisha?" nag-aalalang tanong ni Marco sa nobya.

Sumunod pala ito ng makapagpaalam sa mga kausap sa labas ng simbahan. Nagtataka sa pagdistansya ng kasintahan nang walang pasabi.

"Ah ano kase... may--" sagot nito habang nakaturo sa puno.

"Andito na pala sasakyan... lets go."

Di na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil inakay na ito ng alkalde palapit sa parating na sasakyang minamaneho ng isa sa kanyang mga bodyguard. Hindi na niya naikwento ang naganap kanina dahil pagkasakay nila ay naging abala naman si Marco sa mga tawag sa cellphone nito.

Nang maihatid sa bahay ay nagmamadaling bumaba ang dilag. Tangan ang bracelet ay agad siyang pumasok sa kanyang silid at tinungo ang aparador kung saan nakalagay ang lata ng biskwit na kanyang-pinakaiingatan.

Naupo siya sa kama at binuksan ang takip ng lata. At matapos ang matagal na panahon ay muli niyang inisa-isang tignan ang mumunting alaala ng kanyang kamusmusan.

************************

"Ayiiieeee!!! Sige diretso lang ang lakad Ishie... malapit ka na!" tili ni Janet sa kanyang bestfriend habang gina-guide ang dalagitang nakapiring na dahan-dahan sa paghakbang.

Kumakabog ang dibdib nito sa kaba dahil sa wakas ay makikilala na niya ang lalaking lihim na nagbibigay ng kung ano-ano sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Mga simpleng bagay na nagpapangiti sa kanya at nagpapakilig sa kanyang musmos na damdamin.

Halos lahat ng kanilang kaklase ay saksi sa nakakakilig na tagpong iyon. Naiinggit ang iba lalo na ang mga kababaihan ngunit lahat ay pawang masaya at excited para sa kanilang kaklase.

Napagkaisahan nilang i-set up si Ishie sa lugar na iyon sa hiling ng lalaking lihim na nagtatangi sa dilag. Nakatayo ang nag-aabang na binatilyo sa tabi ng malaking puno ng Acacia kung saan pinalamutian ng makukulay na papel na bulaklak ang duyan na nakasabit sa sanga niyon.

"AYAN NAAA! DALAWANG HAKBANG NA LAAANG!!"hiyawan ng mga kabataang nakapalibot at naghihintay na magka-daupang palad ang mga musmos na nagkaka-ibigan.

"STOOOPPPP!!!" sabay-sabay na hiyaw ng magkakaklase nang halos magkaharap na ang dalawa.

Nanlalamig si Ishie sa kaba. Sa wakas ay makikilala na niya ang lalaking laging nagbibigay saya sa kanyang damdamin at nagpaparamdam sa kanyang espesyal siya. Tila lumulutang siya sa ulap na isiping makikilala na niya kung sino ba talaga si 'Unseen'.

Napaigtad ang dalagita nang maramdamang dumampi ang dulo ng mga daliri ng binatilyo sa kanyang magkabilang tainga habang kinakalas nito ang panyong nakatakip sa kanyang mga mata.

Halos di humihinga ang lahat at tahimik na nakamasid sa dalawang teenager habang kinakalas ng lalaki ang piring. Lahat ay nakangiti at nag-aabang ng reaksyon ni Ishie kapag nahubad na nang tuluyan ang panyo.

Naramdaman ni Ishie ang pagluwag ng blindfold na nakatali sa kanyang ulo at ang unti-unting pagkahubad niyon. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at pinanatiling nakapikit ang mga mata kahit wala na ang kapirasong telang nakatabon sa kanyang paningin.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata habang nakatungo ang ulo. Laking gulat ng dalagita sa pagtingala nito dahil sa lalaking kanyang nasumpungan.

"Ha? I-kaw?!"

Namula ang matatambok na mga pisngi ni Ishie nang mapagtanto nito ang pagkakakilanlan ng kanyang lihim na tagahanga. Ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagpapahalaga sa kabila ng pagkakaroon niya ng mababang kumpiyansa sa sarili.

Sa wakas ay nalaman na niya kung sino ang pasikretong nagpaparating sa kanya ng mga simpleng bagay na sa tuwina'y nagbibigay sa kanya ng saya. Mga bagay na kanyang maingat na inipon at maya't mayang pinagmamasdan at binabasa upang muling sariwain ang kilig at kaligayahan na noon lang naranasan ng kanyang inosenteng puso.

"Haha... Oo... Ako nga."

Matamis ang ngiti ng binatilyo sa tila nagugulahang dalagita na para bang hindi pa rin makapaniwala na siya pala ang lalaking nagtatangi dito.

************************

"I LOVE YOU PAPA BILLY!! MARRY ME PAPA!!!" hiyaw ng maharot na baklang estudyante sa gitna ng dumadagundong na tilian at hiyawan sa gymnasium.

Hindi magkamayaw ang mga estudyante nang sa huling mga segundo ng laro ay mai-shoot ng binata ang bola na siyang ikinapanalo ng kanilang koponan. Panalo ang kanilang eskwelahan sa ginanap na finals ng liga ng basketball na sinalihan ng iba't ibang pampublikong high school sa kanilang bayan.

Ngayon lang nakuha ng kanilang paaralan ang kampyonato sa palarong iyon. Ibang klaseng husay sa paglalaro ang ipinamalas ng team captain ng kanilang varsity team. Nagawa nitong idikit ang kanilang score sa malaking lamang ng kalaban at sa dulo'y nagawa pang ipanalo ang laro. Kaya't di na rin nakapagtataka na ito ang hinirang na MVP sa ligang naganap.

Halos lahat yata ng kababaihang naroon sa gymnasium maging mga taga-ibang eskwelahan ay humanga sa binata at nag-aasam na makalapit at makipagkilala dito.

"Ang pogi talaga ni Billy syet!" wika ni Janet habang haltak-haltak ang manggas ni Ishie. Kasalukuyan na noong ginaganap ang awarding ng mga tropeyo at medalya para sa mga nagwaging koponan at manlalaro.

"Oo nga noh, siguro ang dami niyang girlfriend." wika naman ni Ishie sa kaibigan.

"Maraming nagkakandarapa pero hanggang ngayon wala pa rin daw nililigawan. Baka pihikan." sagot naman ni Janet.

"Oh kaya itigilan mo na yang kakailusyon mo noh at di natin yan ka-level hahaha!" pang-aasar ni Ishie kay Janet.

Sino nga ba naman siya para mapansin ng isang katulad ni Billy na campus heartthrob. Bukod sa malakas ang dating, isa ito sa mga iniidolong mag-aaral sa senior batch dahil sa angking husay nito sa larangan ng palakasan kasabay ng pagiging honor student kaya naman madami talagang kababaihan ang humahanga dito.

Isa lang naman siyang pangkaraniwang estudyante sa kanilang paaralan. Hindi naman siya pansinin at ni wala man lang ngang lalaking magkamaling kumausap sa kanya.

May angking simpleng kagandahan naman ang mestisahing dilag. Kung pagmamasdang mabuti ay napakaganda ng mapupungay na mga mata nito na itinatago lamang ng may kakapalan at di ayos na kilay. May maninipis na labing kahit di lagyan ng kolorete ay natural na mapula.

Yun nga lang may katabaan ito na kahit sa pagdadalaga ay tila bitbit pa din ang kanyang baby fats. Ito marahil ang dahilan kaya't walang nanliligaw dito.

Ngunit di naman iyon alintana ng simple at mahiyaing dalagita. Masaya na ito na ang tanging nakakasama ay ang magulo at makulit na si Janet.

Di siya nakakaramdam ng inggit sa ibang teenagers na mayroong mga nanliligaw at ang iba nga ay may mga kasintahan na. Kuntento na si Ishie sa simple niyang pangarap na dadating din ang lalaking nakalaan para sa kanya at mamahalin siya ng buo.

Tutal ay nasa second year pa lamang naman sila. Naisip niya na kapag tumuntong na sila ng 4th year, baka sakaling pumayat na siya non at may isa sigurong kagaya ni Billy na darating at magkakagusto din sa kanya.

'Arrrghh' reklamo ng kanyang isip. Hindi niya namamalayang pati pala siya ay nangangarap na din yatang mapansin ng binata. Inilayo niya ang kanyang atensiyon sa lalaki at baka maging isa pa siya sa mga nagpapantansiyang mapansin nito.

Matapos ang awarding ceremony, malikot ang mga mata ni Billy na parang may hinahanap sa kumpol ng mga estudyante. Di naman magkandaugaga sa pagbati at pagkamay ang mga sumasalubong sa kanya matapos bumaba ng stage upang tanggapin ang parangal na naigawad sa kanya.

Ngunit ang mga mata nito'y sumusuyod sa kapal ng mga taong nasa stadium. Nang sa wakas ay makita ang pakay ay pilit niyang isiningit ang katawan sa mga estudyanteng nakaupo sa bleachers upang marating ang pinakatuktok na hanay ng upuan kung saan niya natanaw ang kanyang hinahanap.

Parang natulala si Janet nang makitang papalapit ang campus crush sa kanilang direksiyon. Napalingon pa ito sa likod upang tignan kung mayroon pa bang ibang tao na nasa kanilang likuran ng kanyang bestfriend.Nakapangalumbaba naman si Ishie at nakatanaw sa gawing kaliwa ng court at pinagmamasdan ang kabilang koponan na nagbubunyi din sa pagkakakuha nila ng pangalawang pwesto sa ginanap na palaro.

Nang mapagtanto ni Janet na sila ang pupuntahan ni Billy ay marahan niyang niyuyog ang hita ng katabi. Nang di siya pansinin ng kaibigan ay natampal na nito ang tuhod ni Ishie na ikinagulat naman nito.

"Aray ano ba?!" Inis nitong binalingan si Janet na tulalang nakatingala.

"Hi"

Biglang lingon ni Ishie sa pinanggalingan ng tinig. Pati siya ay natulala nang makita ang lalaking nakatayo at matamis na nakangiti sa kanya.

Para silang nahipnotismong magkaibigan nang sandaling iyon. Takang-taka kung ano ang magtutulak sa League MVP na sadyain pa sila sa pinakatuktok ng stadium na iyon.

"Uhmm... Excuse me miss?" Napakaway pa ito ng kamay sa mga nakatulalang dalagita. Saka lamang natauhan ang magkaibigan nang muling magsalita ang binata.

"Pwedeng malaman name mo miss?" Nakatitig ito kay Ishie na di rin makapaniwala sa nakikita at sa pagtatanong pa ni Billy ng kanyang pangalan.

Nananaginip lang ba siya? Bakit nag-abala pa itong umakyat doon para lamang itanong ang kanyang pangalan? Sino ba siya? Sa dinami-rami ng estudyanteng babaeng naroon ay bakit siya pa? Ano meron? Kay daming tanong sa kanyang isip ngunit wala siyang mahanap na sagot.

"Uy!" siko ni Janet kay Ishie na tila natameme na at di makapagsalita.

"Miss... May nagpapatanong lang kase... Pwede bang malaman?" natatawang wika ni Billy.

Namula ang mukha ni Ishie at tila napahiya sa kanyang sarili nang marinig ang tunay na dahilan kung bakit ito lumapit. Ilang saglit din siyang naging ilusyunada, sa isip-isip niya.

"Hi Billy, I'm Janet." sabat ng kaibigan sabay hawi pa ng buhok nito sa likod ng tainga. "And siya naman si Ishie... I-S-H-I-E. Ishie." At ang atribidang kaibigan na nga ang sumagot sa tinatanong ng binata.

"Ah ok... Sige thanks Janet... and Ishie." ngiti nito sabay talikod na sa dalawa at nagmadaling bumaba na ulit upang balikan ang kanyang mga kasama sa team.

Sabay pang napalingon at nagkatinginan ang magkatabing dilag. Kapwa gulat na gulat sa nangyari at bakas ang kilig sa mga mukha.

"Oh tama na ilusyon... may nagpatanong lang daw ha!" saway ni Janet sa kaibigan na parang nahuhulaan na ang iniisip nito.

Sabay pang nagkatawanan ang dalawa na para bang kapwa din sila umasa na ang binata nga talaga ang may pakay kaya ito lumapit. Ngunit mas madaling paniwalaan na may iba nga lang nagpapatanong ng kanyang panagalan.Ngunit sino? At bakit?

Dito nag-umpisang makatanggap ng mga di inaasahang bagay ang dilag. Sa loob ng isang buwan pa lamang na lumipas ay kung ano-anong mga munting regalo ang lihim na ipinararating kay Ishie. Mga sariwang bulaklak, home-made cookies, chocolates, at kung ano-ano pa na may kalakip lagi na simpleng mensahe na nagpapangiti sa dilag.

Kadalasan ay iniiwan ang mga iyon sa kanyang upuan sa loob ng kanilang classroom sa tuwing sila ay magre-recess. Minsan naman ay iniiwan sa guwardiya ng kanilang paaralan na iaabot naman sa kanya sa pagpasok sa umaga.

Minsa'y isang DIY greeting card naman ang kanyang natanggap na may sketch ng bulaklak. Pagkabalik nila ni Janet galing recess ay nakita na lang niyang nakaipit iyon sa libro na iniwang niyang nakapatong sa armrest ng kanyang upuan.

"Pssstt!... Pabasa naman!" mahinang anas ni Janet sa kaibigan sapagkat nagsisimula na ang kanilang klase.

Muli lamang iyong inipit ni Ishie sa kanyang libro. Iniingatang huwag makita ng kanilang guro na nagsisimula nang magtalakay ng kanilang aralin. Palakad-lakad ito sa aisle sa pagitan ng mga upuan habang may tangan na libro.

Dahan-dahang binuklat ni Ishie ang pahina ng kanyang aklat kung saan naroon ang nakaipit na card mula sa kanyang secret admirer. Napangiti ang dalagita nang makita ang nakasulat dito.

Dear Ishie,

I like it when you smile... It's really cute.

-Unseen

Napangiti naman ng ubod ng tamis sa kawalan ang dalagita nang mabasa ang simpleng mensahe mula sa isang estranghero. Hangang-hanga siya sa ganda ng pagkaka-sketch nito sa bulaklak lalo na sa ganda nitong sumulat na pantay-pantay ang mga letra kahit walang guhit.

"TRISHA CRUZ!"

Nagulat ang dalaga sa matapang na tinig mula sa kanyang likuran. Kanina pa pala nakikita ng matandang dalagang maestra ang card na nakaipit sa libro at kanyang pasimpleng sinisilip.

Tumayo ito sa harapan ni Ishie. Nanlalaki ang butas ng ilong ng guro habang nakatingin sa kanyang nakabuklat nang libro. Kitang-kita nito na iba ang pinagkakaabalahan ng dilag imbis na ang kanilang aralin.

Agad nitong kinuha ang card na nakaipit at binasa nang malakas sa harap ng kanilang klase ang mensahe ng kanyang secret admirer. Nanliit ang dalagita sa pagkapahiya lalo na nang sabihan siya nitong kailangan niyang magtungo sa Guidance Office upang mapangaralan ang estudyante.

Nakabusangot ang dilag paglabas nito sa opisina ng kanilang guidance counselor. Mabuti at pinagsabihan lamang siya at hindi na ipinatawag pa ang kanyang magulang. Natatawa naman ang kaibigang si Janet nang sinalubong si Ishie at sabay na silang lumabas ng gate ng kanilang paaralan.

"Tawa ka pa diyan!" sita nito kay Janet.

Pigil na pigil ngunit napabunghalit ng tawa ang sinita. Ngayon lang kasi nagkaroon ng kaso ang kaibigan sa tinagal-tagal nilang magkaklase simula pa Grade 1 at di niya akalaing magiging sanhi pa ay ang love life nito.

"Kailangang makilala ko na si Unseen." sambit ni Ishie na tila isinisisi sa kanyang secret admirer ang kanyang pagkapahamak.

"Sige planuhin natin... Ganito ha... aagahan ko pumasok araw-araw para makita ko kung sino nag-aabot kay manong." ani ni Janet. Tinutukoy nito ang guwardya ng kanilang paaralan na hindi talaga nila mapaamin kung sino ang nagpapabigay ng mga regalo.

Halos araw-araw sa loob ng linggong iyon ay nagbantay si Janet sa tindahan sa tapat ng kanilang paaralan. Inabangan kung sino ang mag-aabot sa security guard ngunit bigo pa din siya. Dahil minsan ay sa uwian iyon iniaabot sa guwardiya kapag nakalabas na ng paaralan si Ishie, na saka naman nito iaabot sa dalagita kinaumagahan.

Sinabihan na din ni Ishie ang guwardya na hindi na niya tatanggapin ang ano mang bagay na galing sa pinagtatakpan nito. Kung siya nga lang ay ayaw na sana niyang kunin pa ang kahong iyon kundi nga lamang ang kaibigang si Janet ang umabot noon mula sa guwardiya.

"Sayang tong cookies ah... aba favorite ko to!"bulalas ng kaibigan

"Hmp! Bahala ka!" inis na sagot ni Ishie at tanging note lamang ang kanyang inabot at binasa.

Dear Ishie,

I'm Sorry...

-Unseen

Umirap lamang si Ishie nang mabasa ang maikling paghingi ng patawad ni 'Unseen'. Ngunit agad din naman niyang itinago ulit ang note nito at lihim na nagingiti. Nangangarap na makilala na ang lalaking nagpapatibok ng kanyang musmos na puso.

"Hoy Janet hati tayo dyan ha!" sita nito sa kaibigan na nauwi sa tawanan.

Palinga-lingang pumasok sa loob ng bakanteng classroom ang binatilyo. Hinanap niya agad ang upuan ni Ishie at inilabas ang kapirasong papel. Matapos iyong mailagay sa gamit ng dalagita ay kampanteng lumakad na palabas ng silid.

Ngunit laking gulat niya nang sa kanyang paglabas ay makita niya ang dalawang babae na nakasandal sa magkabilang gilid ng pinto. Tila inaabangan ng mga ito ang kanyang paglabas.

"Sabi ko na nga ba eh." wika ni Ishie sa nagulat na binata.

Namutla sa pagkagulat si Billy nang mahuli siya sa paglalagay ng card para sa dilag. Waring napipi ito at di na makapagsalita.

"My ghaaad!! Ikaw pala si Unseen?!!" tili naman ni Janet. "Imagine?!! Syet!" Pinaghalong gulat at kilig ang naramdaman nito nang malamang ang campus crush pala ang lihim na nagtatangi sa kanyang kaibigan.

Sa reaksyon ni Janet ay doon lang parang nakabawi si Billy. Inayos nito ang kanyang sarili at hinarap si Ishie.

"I'm sorry... teka nagkakamali kayo... ahh ano kase..." Tila naghahagilap ng sasabihin ang binata. "Hindi ako... may tinutulungan lang akong kaibigan... sa kanya galing lahat ng yan."

Napataas lang ang kilay ng dalawang dalagita sa sinabi ni Billy. Sa itsura nito ay para kasi itong daga na nahuli ng mga pusa sa kanyang lungga.

"AY SUUSSS! Kunwari ka pa eh huli ka na eh... AMININ!" muling panunukso ni Janet. Pilit naman siya pinipigilan ni Ishie dahil sa hiya din sa lalake.

Kasalukuyan na noong nagbabalikan ang ibang mga estudyante sa silid-aralang iyon dahil malapit nang matapos ang recess. Tila lalong nasukol ang binata dahil sa panunukso na rin ng mga kaklase ni Ishie na alam ang tungkol sa mga sweet messages na iniiwan para sa dalaga. Nag-init ang pakiramdam ng mukha ni Billy na tila napapahiya dahil lahat ay sa kanya nakatingin at parang nanunuya.

"Excuse me Ishie ha..." sabay ngiti nito ng mapakla sa dalagita.

"AKO?!" sabay turo ng hintuturo sa kanyang dibdib. "Nagpapatawa yata kayo... Ako magkakagusto kay Ms. Piggy?... Ayy este... Ishie pala? NO WAY!! Hahaha!" At sabay-sabay nagtawanan ang mga kaklase sa nakarinig na sinabi ni Billy.

Tila sinampal ang dalagita sa narinig. Bakit kailangan pa siyang laitin ng lalaking ito sa harap ng kanilang mga kaklase. Ano ba ang ginawa niya? Hindi naman siya ang nagbibintang dito kundi ang kaibigang si Janet.

Pigil ang luha ay biglang hinawi ni Ishie ang binata sa pinto at tumakbo papunta sa loob ng kanilang silid. Di na rin nito napigilang mapahagulgol sa kahihiyan at panlalait na inabot sa binata.

Alam naman niyang hindi siya kagandahan at hindi din siya sexy ngunit hindi naman siya kagaya ng iba na nagmamaganda pa sa kanilang campus. Alam niya kung saan siya lulugar.

Galit na itinulak ni Janet si Billy upang sundan ang kaibigang nakadukdok sa armrest ng upuan nito habang umiiyak.

Di agad nakaalis si Billy at sinilip pa ang dalagitang humahagulgol. Sising-sisi kung bakit niya iyon nasabi sa dilag. Hindi siya likas na mapanglait ngunit bakit niya nagawa iyon sa kaawa-awang babae. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito nang bigkasin niya ang panlalait na iyon.

Tila sinusundot ng kunsensiya ang kanyang budhi nang makita itong umiiyak. Napabuntong-hininga na lang ito at laglag ang balikat na lumayo.

Lumipas ang ilang linggo na wala nang dumating na anumang bagay o mensahe para kay Ishie. Natanggap na din ng dalagita na tapos na ang kanyang pag-iilusyon sa may lihim na nagtatangi sa kanya.

Di rin niya maintindihan kung si Billy nga kaya o may iba talagang nagpapabigay ng mga bagay para sa kanya. Ngunit tapos na at wala na din siyang pakialam kung sino man iyon.

Sa liit ng kanilang campus ay madalas pa rin silang magkasalubong ni Billy. Madalas din niya itong mahuling nakatingin sa kanya. Minsan ay tinangka pa nitong lumapit at kausapin siya yun nga lang ay umuwas siya dito.

Hanggang isang araw ay nakatanggap muli ang dalagita ng regalo na iniwan sa kanyang upuan. Isang kahon ng mamahaling imported na tsokolate at isang tangkay ng pulang rosas. Kalakip niyon ang maigsing mensahe na nakaprint sa maliit na papel na nagsasabing 'Sorry'.

Di naman iyon magawang tanggihan ng dalaga. Kahit papaano ay napawi niyon ang masakit na panlalait ni Billy sa kanya na sinikap na din niyang kalimutan. Mas isinaisip niya ang mga simpleng mensahe, drawings, bulaklak at lahat ng galing sa taong lihim na nagpapahalaga sa kanya kahit sino pa iyon.

Marami din ang nakakapansin na parang naging mas palaayos ang dalagita sa kanyang sarili. Dahil siguro ito sa kasiyahang hatid ng lalaking patuloy na nagbibigay ng ngiti sa kanya.

"Oh... para sayo daw." sambit ni Billy at inaabot nito ang isang pakete ulit ng tsokolate para kay Ishie nang minsang nasa labas na sila ng gate ng paaralan bago sila umuwi.

"Para daw di ka pumayat!" nangingising pahabol pa nito bago tumalikod palayo.

"Yiieee... Ayaw pa kasing umamin na siya si Unseen eh... hahaha" muling pang-aasar ni Janet kay Billy na napalingon sa dalawang magkaibigan.

"Ano ka ba!" sita ni Ishie sabay kurot sa kaibigan.

Tanggap na din nito na hindi si Billy ang kanyang secret admirer. Paano nga naman kasi magugustuhan ng isang senior na campus heartthrob ang isang simpleng sophomore na gaya niya gayong madaming kabatch si Billy na magaganda at dalagang-dalaga na.

Gayon pa man ay ipinagpapasalamat ni Ishie na si Billy ang nagsisilbing tulay ng kung sino man iyon na nagkakacrush sa kanya. Nagagawa na nga din niyang sagutin ang maiigsing mensahe nito na ipinaabot din niya kay Billy.

Ngumiti lamang ang binatilyo nang marinig ang sinabi ni Janet saka tuluyan nang umalis. Maya't maya pa nitong nililingon ang magkaibigan habang lumalakad ang mga ito palayo tungo sa kabilang direksyon pauwi sa kani-kanilang bahay.

Parang kay gaan ng kanyang pakiramadam at lalong napapalapit sa kanya ang dilag sa dalas ng kanilang paghaharap. Dinadaan na lamang niya ito sa mga birong alam niyang nasasakyan na ni Ishie.

Mga huling araw na ng klase at malapit na magtapos ang school year. Malapit na din ganapin ang Graduation Program para sa mga magtatapos sa sekondarya kung saan pararangalan din ang mga estudyanteng nagpakita ng academic excellence at kasama na doon si Billy.

"Ay Ishie!" pahabol na tawag ni Manong Guard sa dalagita isang umaga.

Napakunot ang noo ni Ishie dahil kung kailan nakalampas na siya sa gate ay saka pa siya tinawag ng guwardiya samantalang binati pa niya ito kanina bago siya makapasok. Lalo siyang nagtaka nang makitang may hawak na itong mga bulaklak na wala naman kanina.

Gayon pa man ay nakangiti siyang bumalik sa gate at tinanggap ang iniaabot nito. Napalinga siya sa paligid upang sipatin kung naroon pa ang nagpapabigay. Nang wala namang matanaw ay agad niyang hinanap ang mensaheng laging kalakip ng mga ipinaabot na regalo.

Ngunit tila wala yatang nailagay sa pagkakataong iyon. Sa halip na sulat ay may napansin siyang bagay na nakasabit sa mga sanga ng kumpol ng mga bulaklak.

Napangiti ang dalagita at agad niya iyong kinalas mula sa pagkakapulupot sa mga bulaklak. Napagtanto niyang isa pala iyong bead bracelet at nakaukit sa mga beads ang mga letrang bumubuo ng 'ILY ISHIE'.

Tuwang-tuwa ang dilag nang makita ang pulseras na iyon. Agad niya iyong isinuot at parang batang nagtatakbo upang ipakita sa kanyang kaibigan.

Maya-maya ay bumalik si Ishie sa guard house tangan ang kapirasong papel na may kalakip na mahalagang mensahe. Nakiusap siya sa guwardiya na iabot iyon kay 'Unseen' kapag nakita niya itong muli. Naiiling na lang ang mabait na guwardiya sa puppy love na kanyang namamalas at pumayag naman syempre sa hiling ng dalagita.

Naglalaman ang liham ng isang paanyaya para kay Unseen. Sa susunod na linggo kasi ay napagkasunduan nilang magkakaklase na mag-picnic sa paborito nilang pasyalan sa may tuktok ng burol.

Kasabay na rin sa potluck picnic na iyon ang simpleng pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan. Pinili niya ang lugar na iyon dahil simula pa lang pagkabata ay ipinapasyal na siya doon ng kanyang mga magulang dahil sa napakagandang tanawin kapag ikaw ay nasa itaas.

Nangiti lamang si Billy nang malamang niyaya na ni Ishie ang secret admirer nito na makipagkita at dumalo sa pag-celebrate ng kanilang klase ng pagtatapos ng school year kasabay ang kaarawan ng dalagita.

************************

Hindi pa din makapaniwala si Ishie kung sino ang lalaking nasa kanyang harapan. Tilian naman ang magkakaklase nang sa wakas ay makita na nito ang lalaking nasa likod ng mga sulat at mga bagay na ipinapabigay sa kanya.

"Kiss... Kiss!!" kantiyaw ng mga nasa paligid.

"Please... wag ka namang magbiro Billy oh..." Pigil ang nagbabadyang pagpatak ng luha ng dalagita na di malaman ang mararamdaman ngayong napagtantong ang campus crush nga pala talaga ang lihim na may pagtatangi sa kanya.

Umiling lamang ang binatilyo at nakangiting niyakap ang dilag. Hiyawan sa kilig ang lahat nang makita ang pagyakap nito sa dalagitang di pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

"Kiss... Kiss... Kiss!!!" muling hirit ng mga kaklase na mukhang pagbibigyan naman ni Billy nang hawakan nito ang magkabilang pisngi ni Ishie.

Lahat ay nag-aabang sa gagawin ng binata. Habang nakangiti at nakatitig sa mga mata ni Ishie ay dahan-dahan itong yumuko upang gawaran ng halik ang naghihintay na labi ng dalagita.

Ngunit bago pa lumapat ang labi ni Billy ay yumuko si Ishie at humahagikgik na umiwas. Ang halik na para sana sa kanyang inosenteng mga labi ay sa noo ng dilag sumayad at napakamot na lang ng ulo ang gwapong binatilyo.

"ANG DAYA NAMAAN!" hiyaw ng kaibigang si Janet.

"BOOOOO!!! CORNYYY!!" sabay-sabay na kantyaw naman ng ibang mga nakaabang.

Masayang pinagsaluhan ng magkakaklase at ng ilang kabatch ni Billy ang kanilang dalang mga pagkain. Hangang-hanga ang lahat sa ginawang paghahanda nito para sa kaarawan ng dalagita. Bukod kasi sa mga palamuting bulaklak sa may duyan ay nag-abala itong maghanda ng masasarap na pagkain para sa salu-salo.

"Uy tara... picture taking muna tayo!" aya ng isa nilang kaklase na may dalang digital camera.

Matapos magsipagkuha ng larawan sa mga nakalatag na sapin habang sila'y masayang nagsasalu-salo ay dumako naman sila sa duyan na inayusan ni Billy. Isa-isang nagsi-upo ang mga kababaihan upang magpakuha ng litrato sa duyang iyon.

"Oh kayo namang mag-darling... pwesto kayo dito..." tawag kila Ishie at Billy ng may hawak ng camera.

Hinila agad ni Billy si Ishie at pinaupo sa duyan ang dalagita habang nakatayo naman siya sa likod at hawak ang magkabilang lubid niyon.

"Ok... 1... 2... 3! Say cheese!"

Humiling si Billy ng isa pang shot sa may hawak ng camera. Balak niya sanang itaon na halikan sa pisngi ang dalagitang walang kaalam-alam kapag kukunan na sila ng litrato.

Ngunit hindi na iyon natuloy nang biglang nagsalita ang isang binatilyong nakatayo sa kanilang likuran.

"Billy... Ano to?!"

About paradoxxxx

u/paradoxxxx
paradoxxxx has nothing to say.

More from paradoxxxx

  • LARAWAN 12

    Filipino Sex Stories
    "ALBERTOOO!... ISHIEEE!!..." Kasabay ng pagtawag ng ale sa mga kasamang nasa loob ng bahay ay ang pagguhit ng matatalas na...
    41 minutes
  • LARAWAN 11

    Filipino Sex Stories
    "IKAW?" Kasunod ng sabay na pagbigkas ay muling katahimikan. Kapwa sila halos di makapaniwala kung totoo nga ba ang kanilang...
    26 minutes
  • LARAWAN 14

    Filipino Sex Stories
    Isang huling sulyap sa babaeng sinadyang saktan upang mas madali sa kanya ang lumisan. Ngunit sa kanyang pagtalikod, pakiramdam ni...
    26 minutes
  • LARAWAN 9

    Filipino Sex Stories
    Lumapit pa ng bahagya si Marco sa selda at matamang tinitigan ang anak na halos labindalawang taong niyang hindi nakita...
    15 minutes
  • Larawan 5

    Filipino Sex Stories
    "Ahh, Mrs. Diane Aguinaldo?... Ms. Diane... Ma'am pasok na daw po kayo sabi ni Doc." Marahang tumayo ang babae patungo...
    28 minutes
  • LARAWAN 15

    Filipino Sex Stories
    "Ano yan?!" s eryosong tanong ni Marco sa nagulat na dilag. Parang bata itong nagtago nang kung anong bagay sa...
    18 minutes
  • LARAWAN 16

    Filipino Sex Stories
    Palinga-linga ang dilag sa paghahanap sa taong nagsauli sa kanya ng bracelet na kay tagal na niyang hinahanap. Kasama pa...
    21 minutes
  • LARAWAN 13

    Filipino Sex Stories
    (Paki click na lang po "FOLLOW" sa profile ko then refresh the page para mabasa yung story. Salamat po.) ******************** Napahangos...
    19 minutes
  • LARAWAN 6

    Filipino Sex Stories
    "PUTANGINA!!!... TIRAHIN NYO NAAAA!" galit na galit na bulyaw ng anak ng kongresista na di pa rin nakakabangon buhat sa...
    23 minutes
  • LARAWAN 8

    Filipino Sex Stories
    "ISHIIIEEEE!!" " Uy... Uy... Pre gising! Kanina ka pa umuungol! Binabangungot ka yata!" tapik ni Jorge kay Daniel na natutulog sa...
    21 minutes

    Related Stories

    • Si Tisay

      Filipino Sex Stories
      .... dahil na rin siguro sa pagod ng pagkakantutan namin. Nagising na lang kami pareho nang may marinig kami na naglalakad...
      9 minutes
    • Sya Si Booba_4

      Filipino Sex Stories
      Sya si Booba - Part 4 PAUNAWA: Ang kwentong ito ay tunay na nangyari at ang mga pangalan ng taong involve...
      9 minutes
    • Red Strings - I

      Filipino Sex Stories
      *phone ringing* "Hello?" sabi ko "Jane?" that husky voice again. Bigla akong kinabahan, huminga muna ako ng malalim bago sumagot...
      14 minutes
    • Endless Lust 43

      Filipino Sex Stories
      Ilang araw ang lumipas. Nagstay muna si Tita Anne sa bahay ni Tita Joy habang hinihintay namin ang pag-uwi ni...
      8 minutes
    • "Read at your own RISK" . . . . . . . . . . . . . A/N: "umalingaw-ngaw ang nakakakilabot at nakabibingeng putok ng baril" Need ko pa po bang...
      10 minutes
    • Asawa ni First Mate

      Filipino Sex Stories
      ASAWA NI FIRST MATE Part 1 By Buyogan Base ito sa totoong kuwento ito ng isang lurker sa site na ito...
      5 minutes
    • Reunion With A Bang

      Filipino Sex Stories
      I'm back. It's been awhile since I last wrote and ang daming nangyari for the past year. I've had a...
      12 minutes