1. Home
  2. Stories
  3. Masaya - Part 13
xTorya

Masaya - Part 13

By el_nunal ·

"Tapos na?"
Ang sabi niya sa akin, tumabi na kasi ako sa kanya at humiga siya sa aking binte

"Hinde pa, mga 30 mins ko pang pakukuluin yan"

"Ahh... ligo ka bhebs, amoy alak ka din eh"

"Maya na, tinatamad pa ako eh"

"Sige na, maligo ka na bilis"

"Eh paano ako makakaalis eh nakahiga ka sa binte ko"
Natawa siya at bumangon, medyo nahiya naman ako sa sarili ko dahil nang inamoy ko ang sarili ko ay mashontot (mashontot – mabaho) na ako at babae pa ang nakapuna kaya naman naligo na ako. Hinde ko napansin na wala pala yung tuwalya ko sa banyo

"Kim, paabot naman nang tuwalya ok lang?"

"Ihh! Bahala ka! Lumabas ka dyan nang nakabold!"
Ang natatawang sabi niya sa akin

"Sige na Kim, baka maovercook yung niluluto ko"

"Di yan! Labas na! Mahihiya ka pa ba sa akin eh nakita't nasubo ko na nga yan!"
Ang natatwang sabi niya, natawa naman ako dahil totoo naman na wala na naman akong dapat pang itago ka sa kanya, she've seen it all, kaya naman sinakyan ko na lang ang trip niya at binuksan ang pinto nang banyo, at nagulat naman ako nang makita ko siyang nasa harapan na pala at dala ang tuwalya, nagkatitigan kami at biglang nagkatawanan, agad kong tinakpan ang aking Manoy at inabot ang tuwalyang hawak niya

"Loko loko ka talaga kahit kelan!"
Ang natatawang sabi niya sa akin. Tumalikod ako at agad na nagtapis

"Ang tambok talaga nang pwet mo! Bakit ba ang laki nang pwet mo! Sana akin na lang yang pwet mo!"
Ang sabi ni Kimberly, bumelat lang ako sa kanya at natawa, pero natatawa nga ako, bakit ba ang laki nang pwet ko, sana yung laki ko eh napunta sa tangkad, hinde sa puwetan, problema ko din to minsan sa paghahanap nang pantalon, o kaya minsan kapag sa jeep na siksikan, laki kasi eh, or sana doon na lang napunta kay Manoy, para Totoy Mola ang pangalan niya kaso hinde eh, talagang sa lobot (pwet) ko napunta. Paglabas ko nang cr ay pumasok sa loob nang banyo si Kimberly para umihi, natawa ako at nayamot nang konte dahil hinde niya sinasara ang pinto nang banyo

"Huy! Ano ka ba?! Isara mo nga yan!"

"Ok lang! Ikaw lang naman nandito eh!"

"Kahit na! Ikaw pa nga"

"Echosero! Lagot ka sa akin mamaya!"
Ang sabi niya sa akin, napailing lang ako habang nagbibihis sa kwarto, paglabas ko ay nagulat ako nang makita ko si Kimberly na nakabukas na ang butones nang polong suot niya at bahagyang litaw ang kanyang katawan at doon ko lamang napandin na wala pala siyang suot na bra. Nakangite siyang lumapit sa akin at dahan dahan akong nilapitan at matapos ay hinalikan ang aking mga labi, mayamaya pa ay nagulat ako nang may biglang sumigaw sa labas

"El Nunal!!! Nandyan ka ba?!"
Nagulat ako kung sino iyon, si Nikko, nataranta ako dahil baka makita niya kami ni Kimberly pero huli na pala dahil nasilip na pala niya kami, natawa din ako dahil nagpanik din si Kimberly at humiga bigla sa hinihigaan niyang foam at nagtalukbong nang kumot. Nakita ko ang reaksyon sa mukha ni Nikko na natatawang napapailing

"Sino yun?"

"Ano, ahh... ano, teka ano bang ginagawa mo dito?"
Ang natatawang tanong ko sa kanya, napangite lang siya at napailing

"Iba ka talaga, chicks yun ah, anyway, papasama sana ako sa iyo eh"

"Saan?"

"May bibilhin sana ako, kaso mukhang busy ka, ako na lang, magenjoy ka na muna dyan"
Nang paalis na si Nikko ay bigla ko siyang tinawag

"Nikko, sandali"
Nilapitan ko siya at inakbayan

"Wala kang nakita ha?"

"Wala akong nakitang babaeng maputi na tumakbo pahiga sa foam mo"
Natawa lang ako at tinapik niya ako sa balikat bago ako pumasok nang bahay.

"Sino yun?"
Ang natatawang sabi ni Kim

"Kaibigan ko si Nikko, yung naikwento ko sayong sea man, kakauwi lang din niya dito eh"

"Ahh... akala ko papasukin mo eh"

"Hinde naman siya tutuloy kahit papasukin ako at alam niya na may kasama ako eh"

"Bakit daw ba siya napunta?"

"Magpapasama sana"
Ang sagot ko sa kanya habang chinicheck kung luto na ang pagkain

"Luto na ba?"

"Ok na sana eh, kaso hinde pa"

"Ang tagal naman niyan"

"Siyrempre, para masaya"

"Nagugutom na ako eh"

"Pwede na naman to eh, ano kain ka na ba?"

"Oo, ikaw din kumain ka na, sabayan mo na ako"

"Pwede bang... isara mo muna yung damit mo?"
Ang sabi ko sa kanya, hinde ko kasi mapigilan ang aking sarili na mapatingin sa kanyang bahagyang sumisilay na suso. Ngumite lang siya at sinara ang dalwang buttones nito.

"Konti lang kanin ko ha?"
Ang sabi ni kimberly, pero natawa ako dahil matapos ko siyang takalan nang konting kanin ay naka ilang ulit siya nang round sa kanin

"Akala ko ba konti ka lang eh ikaw ata halos umubos nang sinaing ko?"
Ang natatawang sabi ko sa kanya

"Ang sarap eh! Masarap pala yung medyo maanghang na matamis"

"Ayos ba luto ko?"

"Oo, ako na maghuhugas ha?"

"Wag na, ako na, anong oras ka ba aalis?"
Tinignan lang ako ni Kimberly at nagulat ako nang bigla na lamang niya akong sabunutan sa patilya

"Aray! Bakit?!"

"Para kasing tanga eh! Bakit ba panay ang tanong mo sa akin kung anong oras ako aalis, aalis naman ako kapag kailangan ko nang umalis eh, nakakabadtrip ka naman eh"
Kumuha siya nang sigarilyo sa aking kaha at nagsindi nang sigarilyo matapos ay umupo sa foam at tumalikod sa akin. Dahan dahan ko siyang nilapitan at niyakap

"Sorry, wag ka nang mainis, ikaw lang naman inaalala ko, paano kung..."

"Magaway kami nung isa? Eh wala ka na dun! Isa p, ayawmo nun? Pag nagaway kami edi mas madami ang magiging oras ko sa iyo?"
Hinde ako nakaimik sa sinabi niya, hinde ko ba alam kung anong gagawin ko o sasabihin ko, nagtatalo kasi ang tama at mali sa utak ko nang mga sandaling iyon

"El Nunal, ano bang sabi ko sa iyo, di ba, pag tayo magkasama, tayo lang, isa pa, parehas naman tayo nageenjoy sa company nang isa't isa hinde ba? Ayaw mo ba sa akin?"

"Hinde ko alam... kasi... ewan ko ba"

"Alam ko naman na ayaw mo din naman akong umalis di ba?"
Ngumite lang ako sa kanya, hinde ko kasi alam kung bakit pero tama talaga siya, ayaw ko talaga siyang umalis nang mga sandaling iyon, gusto ko kasi siyang makasama

"Sorry na, hinde na ako magbabangit pa nang kahit ano o papaalisin ka, basta pag nagaaway kayo, labas na ako diyan ha?"

"Oo naman, isa pa, hinde naman malalaman to ni Reno eh, basta tandaan mo lang na kapag hinde ako nagtext sayo, kasama ko si Reno kaya wag kang tatawag sa akin, hintayin mo lang ako na tumawag sa iyo ha?"

"Opo na, pa sinde nga"
Ang sabi ko sa kanya at inabot niya sa akin ang sigarilyong sinindihan niya

"Anong oras ka ba aalis? Para lang alam ko ha? Hinde na kita pinapaalis"

"Well, depende... kung di mo ako papaalisin edi dito muna ako"

"Paano kung... magtext na si Reno sa iyo"

"Ewan ko... baka puntahan ko muna"

"G-ganun ba?"

"Kaya nga, sana, wag na tayong magtalo, ok?"

"Kami lang ba ni Reno ang ganito?"

"Ha?"

"I mean... kami lang ni Reno ang lalake sa buhay mo ngayon?"

"Oo, wala nang iba, kayo lang naman dalawa ang nakakapagpaligaya sa akin eh, pero sa kama, hinde ko alam kung lamang ka pa ba o baka may natutunan nang moves si Reno na bago"
Hinde ko alam kung bakit ba parang napakanormal lang sa kanya na sabihin iyon samantalanng ako eh para bang naiilang at naasar na hinde ko maipaliwanag ang nararamdaman.

"Huy, nakabusangot ka diyan? Binibiro lang kita ikaw pa nga, lahat na lang sineryoso mo sa sinabi ko"

"So hinde ka seryoso na kami lang"

"Hay nako, ewan ko sa iyo, matalino kang nunal ka, wag kang magtanga tangahan, alam mo naman siguro ang biro ko sa seryoso di ba?"

"Hinde"
Isang seryosong sagot ang nasabi ko sa kanya, nadama niya siguro na medyo inis ako, hinde ko na kasi alam talaga kung ano ba ang totoo o hinde sa mga sinasabi ni Kimberly, ako naman itong si tanga na nagtatanga tangahan pa, palibasa kasi, masaya ako sa sitwasyon ko ngayon

"El Nunal naman eh, wag ka ngang ganyan, hinde mo ba kayang magpanggap na lang na, kunwari wala pa ka pading alam? Sigurado naman hinde mo naman to matatanggihan di ba?"
Nagulat ako nang bigla niyang ibulatlat ang damit na suot niya at nilantad niya sa akin ang kanyang mga suso matapos ay muli itong tinakpan nang suot niyang damit

"Kita mo? Kung makatitig ka, hay nako, magenjoy na lang tayo, titigil naman ako kapag ok na ang lahat eh"

"Kapag ok na kayo ni Reno?"

"Ewan, edi pag hinde kami naging ok edi tayo na talaga, ayaw mo pa?"

"Kimberly naman, seyoso ako"

"Then wag kang magseryoso, ang mga nagseseryosong tao, madaling tumanda, hay ewan sayo El Nunal, wag ka na nga magpaka ewan diyan, lalayasan na kita"
Hinde ako nakakibo nang sinabi niya iyon, hinde ko maintindihan kung bakit ba hinahayaan ko lang na mangyare to, nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay at kausapin ako nang seryoso

"El Nunal, alam ko na alam mo na kailangan natin ang isa't isa, isa pa, hinde ba, parang ako pa nga ang luge sa sitwasyon na to? Isipin mo, libre kangkang ka na, di ba? At isa pa, aalagaan naman kita tulad nang isang kasintahan eh, isa pa, alam ko naman na we're both doing each other a favor am I right? Alam ko na ako lang naman sa ngayon ang kayang magpasaya sa puso mong sugatan"
Sa mga sinabi niyang iyon sa akin, napaisip ako, oo nga naman, parang hinde naman ako lalake nito, palay na ang lumalapit sa manok, magandang klase pa nang palay, marahil, talagang naghahanap nga ako nang taong magaalaga sa akin ang nakita ko ito sa katauhan ni Kimberly, hinalikan ko ang kamay niya na humahawak sa aking kamay

"Sorry, sige... I'll just go with the flow na lang"

"Wag kang magalala, hinde ko naman inaalis ang posibilidad na iwanan ko si Reno eh, kaya naman steady ka lang diyan ok?"
At binigyan niya ako nang isang mainit na halik, isang halik na alam ko na ngayon ay hiram ko lamang sa isang binata na nagngangalang Reno.
Hinde ko alam kung bakit ba, tila wala na akong madamang init sa halik na ginagawa sa akin ni kimberly, tila ba, libog na lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya, at aaminin ko naman na natutuwa talaga ako ng mga sandaling iyon, at nalilibugan sa aking nakikita, kahit sino naman lalake ay hinde tatange sa oras na pakitaan ka na nang hubad na katawan nang lalake, o marahil, isa lamang iyong palusot na pilit kong pinapasok sa aking isip. Dahan dahan ko siyang hinihiga noon sa foam habang naghahalikan kami. Dahan dahan kong inaalis ang nakatakip na polong suot niya at lumitaw sa akin ang mga suso ni Kimberly na talaga namang halata na ding libog na at handa na para banatan na magaganap, subalit pago pa dumampi ang aking mga labi sa kanyang suso, biglang tumunog ang kanyang cellphone, tila ba nabasag ang kung ano mang hipnotismo na umakit sa aming dalawa, dahan dahan siyang bumangon at inabot ang bag niya at kinuha ang cellphone niya

"Oh... Hon, napatawag ka? Ano? Bakit ka pa nagpunta dyan, sige sige, ha? Nasa bahay ako nang kaibigan, oo, sige sige... uuwi na ako, sige, sorry, hinde ko naman alam na..."
Bahagya siyang natigilan sa pagsasalita at tumingin sa akin, ako naman ay nakangite lamang at napapailing at tumayo sa aking kinauupuan

"Hon, ano tawagan na lang kita ha? Medyo choppy ka kasi eh ha? Text ka na lang, sige sige oo"
At binaba na niya ang tawag at bigla siyang humawak sa aking short

"Huy, ano, tuloy na natin?"

"Kim, sige na umuwi ka muna, nandoon na yung Reno di ba?"

"Oo, pero nandoon naman si Reggie eh, malilibang naman yun dun"
Nagulat ako nang malaman ko na nandoon si Reggie

"Hinde ka ba natatakot na sasabihin ni Reggie ang namamagitan sa atin?"

"Hinde noh! Tiwala naman ako sa babae na yun, isa pa, alam niya ang kalokohan na ginawa sa akin ni Reno, ano, tara?"

"Nawala na ako sa mood eh, sige na, umuwi ka na, isa pa, anong oras na din oh"

"Eto naman, ayaw mo ba?"

"Next time na lang"

"Arte mo!"
Tumayo siya at pumasok nag kwarto, ilang minuto ang lumipas ay lumabas na siyang nakabihis

"Alis na ako"
Ang sabi niya habang nakanguso, tumango lang ako at ngumite

"El Nunal naman eh, wag mo naman ako pahirapan"

"Ano ka ba, sige na nga, ok lang ako"

"Sure ka?"
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko si Kimberly, matapos ay hinalikan ko ang labi niyang noon ay mayroon na naman lipstick

"Oo, sige na, bukas ba pupunta ka dito?"

"Tetext na lang ako kung oo, pero baka hinde eh, kasi may pasok na ako kinabukasan, tatawagan kita, gusto mo, pumunta ka kina Auntie, gusto mo ba?"

"Eh paano kung pumunta si Reno?"

"Sabagay, basta wait ka na lang sa text ko... pasensya na nga pala ha?"
Matapos ay hinalikan niya ako bago siya umalis. Hindena siya nagpahatid sa akin at pinagmasdan na lamang siya na lumabas at sinilip hanggang sa makasakay siya. Isang malalim na buntong hininga lamang ang tangi kong nagawa, napailing ako at natawa, hinde ko inakala na, sa ikalawang pagkakataon, isa na naman akong dakilang kabit, third wheel, third party. Naalala ko tuloy bigla si Melisa, ang waitress na nakafling ko noong college ako, hinde ko alam na 31 years old na siya at may asawa, wala naman silang anak, hinde kasi sila magkaanak nang asawa nila, ang sabi niya noon sa akin, wala naman sa kanya ang problema dahil noon daw ay nabuntis na siya nang una niyang BF bago yung asawa niya, nakunan lamang siya, marhahil ay baog ang asawa niya at ito ang madalas nilang pagawayan. Napakamot na lamang ako sa ulo at nagsimulang magligpit, mayamaya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag, si Fae

"Oh napatawag ka?"

"Wala lang, wala magawa eh, si Macoy ba nakita mo?"

"Hinde eh"
Sakto namang daan noon nang isang motor na minamaneho ni Mcoy

"Ayun kadadaan lang, nakita ko na bakit?"

"Wala lang, hinde kasi sinasagot tawag ko, inaway ko"

"Ahh, baka naman tulog lang kaya hinde sinasagot"

"Letche siya"

"Oh, balita nga pala? Saan ka ba?"

"Kina Pauline kumakain, hinahanap ka nga tska si Nikko eh, nasaan ka daw, eto kausapin ka"
Nagulat ako nang bigla na lamang mamatay yung cellphone ko, toyo na talaga ang battery nito, kinuha ko ang charger at muling binuksan ito, subalit hinde na tumawag pa si Fae, nagtext na lamang ito

"Adik ka! Bat mo pinatayan si Pauline, nagtatampo sa iyo pag ako daw kinakausap mo"
Natawa lang ako, hinde ko naman kasi talaga iyon pinatay, pero hinde na ako nagsayang pa nang panahon upang ipaliwanag ito sa kanila, wala din kasi akong load nang mga sandaling iyon kaya naman hinde ko na lamang pinansin. Nahiga muna ako sandali sa sofa at nanuod nang TV, hinde ko namalayan na nakatulog na pala ako.
~Park car! This night life! This city light shines like diamonds! Our song plays on the radio! Ohh ohhh oohohoohh!!~ Nagising ako sa malakas na ringtone nang aking cellphone, nagulat din ako na medyo makulimlim, napansin ko din ang palabas sa T.V, TV Patrol na, pagtingin ko sa orasan ay alasais kinse na pala nang gabi, natawa ako dahil hinde ko inakala na makakatulog ako nang ganoon katagal. Mayamaya pa ay biglang may kumatok sa aking pintuan, si JanJan, nagulat ako dahil nagpunta siya sa aking bahay

"Oi! Nadalaw ka, halika tuloy"
Ang natatawang sabi ko sa kanya

"Oi Pre, patambay muna ha? Kasawa na sa shop eh"

"Walang hiya ka, pupunta pa naman ako doon tapos nandito ka?"

"Mamaya na tayo pumunta nang shop, dito muna tayo, oh bumili ka nga nang pagkain, tigisa tayo ha?"

"Anong pagkain?"

"Beef Budbud men!"
Natawa ako sa kanya, naalala ko kasi na noong tumatambay din siya sa bahay ko ay panay beef budbud ang madalas niyang kainin.

"Bili ka na din nang yosi natin alam ko naman na mas trip mo magyosi eh"
At nagtungo na ako sa bilihan, hinde ko inakala na maiisipan ni janjan na madalaw sa bahay. Pagkabalik ko sa bahay ay nakita ko siyang naglalaro nang PSP niya

"Oh, may ganyan ka pala"

"Matagal na gago! Hinde ko lang nilalabas"

"Ahh, kaya pala, anong laro yan?"

"Monster Hunter"

"Ahh, nilalaro din ni Mike yan di ba?"

"Oo, astig nga eh, nga pala nagpunta kanina doon si Nikko ah"

"Saan?"

"Sa Shop, hinahanap ka kaninang umaga, akala siguro doon ka natulog"

"Ahh sabi ko kasi sa kanya doon ako nakikitulog noon"

"Ahh, anong oras ka pupunta doon?"

"Mga 9 siguro, wala na din naman ako gagawin pagkatapos eh"

"Hon ano?!"

"Sige ba, para lang siyang DoTa eh no?"

"Mas trip ko pa din DoTa eh"

"Ahh, ako parang di na ata sanay magDota eh"

"Eh madalas pa din kami mag DoTa ni Joseph eh"

"Sabagay, mahusay talaga yung isang yun ano?"

"Oo nga eh, alam mo na ba na hiwalay na sila ni Chelsy?"

"Di nga?!"

"Naiipit nga ako sa dalawa eh, nakakatawang ewan"

"Madalas ka na sa kanila ah?"

"Eh masaya naman ako doon eh"

"Ahh ganun ba, ok naman ba sila kasama?"

"Oo naman, masaya, bwisit lang naman yung kapatid ni Joseph eh"

"Ahh kupal naman yun noon pa eh"

"Kupal nga, bute nga pala at nandito ka?"

"Eh nakatulog ako eh, dapat talaga eh... aalis ako at plano ko maglalaro sana sa shop"

"Edi mamaya pagkatapos nating kumain"

"Napupunta ka pa ba nang tambayan?"

"Hinde na, wala naman ako gagawin doon eh, maiinis lang ako, isa pa, mas ok na din na sa shop ako kesa sa doon, masaya pa"

"Palibasa libre kang nakakapaglaro eh"

"Ganoon talaga! Penge nga yosi"
Inabot ko sa kanya ang pinabili niyang yosi at binatuhan din ako nang isa

"Tara yosi muna tayo sa labas"
Habang nagyoyosi kami, hinde maiwasang itanong sa kanya

"JanJan, ayos ka lang ba talaga sa nangyare sa inyo ni Pauline?"

"Oo naman"
Ang nakangiteng sagot ni JanJan sa akin

"Hinde ka nasaktan?"

"Tatablan! Ano ka ba, isa pa meron naman bagong nagkakagusto sa akin eh, matino pa"

"Weh? Sino?"

"Basta! Makikita mo na lang, mamaya baka magpunta kami nang Tamayan, pupunta din doon sina Joseph eh"

"Ahh ganun ba, sige sige"
Hinde ko alam kung nagkukunwari lang ba siya na hinde nasaktan o siguro, nagchichill lang siya at mas nagfofocus na lang sa laro at ibang makabuluhang bagay kesa sa nangyare sa kanila ni Pauline, naiinget ako sa kanya dahil di tulad ko, na kahit anong pilit na ibaling nang husto ang isip at atensyon sa laro ay hinde ko na magawa katulad noong highschool pa ako, matanda na talaga ako, or siguro, hinde na lang talaga ako sanay na maglaro na lang na maglaro, gusto kong ibalik yung dating ako, yung dating ako na sa kaadikan sa laro tulad nang Ragnarok, DoTa ko lang dinadaan lahat nang sama nang loob ko sa mundo, kabiguan ko sa tuwing nababasted ako.

"Oi nga pala, kelan ka daw magbabayad nang utang?"
Tanong bigla sa akin ni JanJan

"Anong utang?"

"Gago! Yung huling laro mo doon, nakita ni Kupal eh, pinapasingil"

"Ahh, uu nga pala noh, may utang nga pala ako doon sa kupal na yun nung siya nagbabantay, taenang yan 50php lang eh, sige mamaya babayaran ko"

"Baka galit ka sa akin ha? Alam mo naman na balewala sa akin yun at kay Joseph, epal lang talaga yung kupal na yun"

"Oo naman wag kang magalala ako nang bahala, isa pa, utang ko yun eh"

"Nga pala, baka may inuman sa tambayan mamaya, baka nandoon din si Pauline, ayus lang ba yun?"

"Oo naman, wala na naman akng pake sa kanya eh"

"Weh?"

"Di wag kang maniwala"
Ang natatawang sabi niya. Habang naguusap kami ni JanJan ay may tumawag bigla sa aking phone, hinde registered ang number na ito sa phone book ko, napaisip ako kung sino ito, hinde ko muna iyon sinagot, ngunit sa ikalawang pagtawag nito ay sinubukan ko nang alamin kung sino iyon, pero hinde ko na pala dapat alamin pa dahil nabosesan ko na agad kung sino ang tumatawag sa akin.

"Oi Pauline! Napatawag ka?!"
Ang nakangiseng sabi ko habang nakatingin kay JanJan, halata sa mukha ni JanJan na hinde siya naniniwala at iniisip niya na Trolling mode lang ako (trolling mode – nanloloko o nagbibiro) kaya naman niloud speaker ko ang tawag

"Oi, punta ka dito, papainom daw si Mcoy"

"He! Kayo na lang maginom, alam mo naman na ayaw kong makainuman yan eh"

"Adjaw eto naman ah oh, pumunta ka na gago, nandito kami kina MikMik, inaantay ka na ni Fae"

"Ha? Wala pa ba diyan si Mcoy"

"Wala nga"

"Sige, pupunta ako mamaya maya"

"Ngayon na"

"Mamaya na nga!"

"Pupunta ka ha?!"

"Oo na, sige"
At pinatay ko ang phone

"Pupunta ka ba?"
Ang natatawang tanong ni JanJan sa akin

"ASA! Hinde ako pupunta doon kung makakasma ko lang yung isang yun ano"

"Asar ka din pala sa isang yun eh noh? May hidden agenda yung kupal na yun eh"
Ang sabi ni JanJan at natawa naman ako

"Asar ka pala sa tangkad na yun noh?"

"Medyo lang, angas kasi pero mabait naman, nakakasama namin ni Pauline yun eh"

"Sabagay, ako naman kasi hinde ko nakasama yun eh"
Kumuha ulet ako nang sigarilyo at sinindihan ito sinabi kong

"Nainis lang ako kasi niloko niya yung isa eh"

"Gwapo eh! Wala kang magagawa ganoon talaga!"
Ang natatawang sabi ni JanJan matapos ay bumalik na sa loob nang bahay at muling naglaro nang PSP, ako naman ay nagligpit nang aming kalat at nagayos na nang sarili.

"Akala ko nga pala nagtratrabaho na si Pauline?"
Ang biglang tanong ni JanJan

"Nake! Wala na daw pake?!"
Ang pangaasar ko sa kanya

"Gago! Nagtatanong lang, masama na ba magtanong?"

"Oo, bukas ata papasok na yun, ewan ko dun"

"Ahh yun ata yung sinasabi ni Fae na bukas aalis na muna siya at doon na muna sa kanila titira, magkaaway ata yung dalawa eh, si Fae at Pauline"

"Ewan ko dun sa mga yun, bahala sila, basta ako mananahimik lang ako"

"Type mo si Fae noh? Crush mo ba?"

"Oo, crush ko kaso wala hinde ako papasa sa isang yun kaya ok na din yung silay silay na lang"

"Weh?!"

"Di wag kang maniwala"

"Balita nga pala kay PYRAMEEEEED!!"

"Ha?"

"Nake! Hinde alam!"
Ang natatawang sabi niya sa akin, pero hinde ko talaga magets ang sinasabi niya, hinde ko alam kung ano yung Pyramid na sinasabi niya.

"Oi, tara na, magaals nuwebe na oh"
Ang sabi ko sa kanya

"Maya na, sandali na lang to, tapusin ko lang"

"Sige sige"
Ang sabi ko, nanuod muna ako sandali nang palabas sa T.V, sakto naman na nagpalabas ito nang isang matinong pelikula ni Bruce Lee, maging si JanJan ay napapanuod sa palabas. Natawa ako bigla nang sabihin niya sa akin na

"Oi?! Akala ko ba aalis tayo?!"

"Maya na, tapusin na natin to"
Ang sabi ko sa kanya at natawa siya, medyo napasarap na kasi ang upo ko sa sofa at tila ba may kung anong pwersa na humahatak sa akin para hinde na umalis, ang pwersa nang katamaran

"Ay pootaa!!!"
Biglang napamura si JanJan at nagulat naman ako

"Oh, bakit?"

"Tae! Nagtext sa akin yung tita ko, pinatay daw niya yung computer ko tae! Nagddl ako doon eh! Taenang yan! Nakakabwisit!"

"Putang ina ka! Akala ko naman kung ano!"
Ang natatawang sabi ko sa kanya

"Anong oras tayo aalis?"

"Mamaya na, mag—
" Pinagmasdan ko ang orasan sa cellphone ko at nagulat ako dahil alas onse na nang gabi iyon

"Shet, alas onse na pala"
Ang natatawa kong sabi kay JanJan

"Eh Gago ka eh! Kanina pa kita inaaya"

"Pakyu! Ako yung nagaaya sa iyo kanina eh!"
Natawa siya at dahan dahan nang tumayo

"Ano tatapusin pa ba natin yan?"

"Oo, matatapos na naman eh, si Chuck Noris na yung pinakita eh"

"Sa shop ka na ba didiretso"

"Baka, ewan, baka kanina pa sila tapos maginom doon eh"

"Sa shop ka na, akong bahala sa yo free time ka sa akin"

"Weh?"

"Akong bahala sa iyo! Basta doon ka lang matulog, taena kasi tong si Joseph eh, hinde daw siya sa shop matutulog at may inaasikaso"

"Ahh ganun ba? Sige sige"
Mayamaya pa ay may tumawag sa cellphone ni JanJan

"Oh, sige sige, pupunta na kami, sandali na lang to, tatapusin ko lang tong pinapanuod ko, sabihin mo sa kanya hintayin niya ako at pupunta ako, wala akong pake sa kanya basta pupunta ako"
Tumingin sa akin si JanJan at ngumite

"Great!"

"Bakit?"

"Basta napakagreat!"

"Ewan ko sayo!"
At natawa siya sa akin. Nang matapos na namin ang aming pinapanuod ay naghanda na kami upang umalis. Tinignan ko ang cellphone ko kung may mensahe pero walang nagtetext sa akin, hinde katulad ni JanJan na kanina pa pindot nang pindot sa cellphone niya

"Nake! Walang nagmamahal!"
Bigla niyang sabi sa akin at natawa lang ako

"Yabang palibasa may katext!"

"Talaga! Napakadami pa so great!"

"So saya!"
At nagtawanan kami, para kaming dalawang baliw na naguusap nang mga sandaling iyon, kahit na pinagtitinginan na kami nang mga tao sa jeep ay wala kaming pakielam. Mayamaya pa ay nakarating na din kami sa Tambayan, at nagulat ako na nandoon lahat nang mga naglalaro sa shop, yung mga kasama ko at kasabayan ko sa puyatan

"Oh, nandito na pala si JanJan eh, nasaan na ba yung naghahanap sa kanya kanina pa?"
Ang bati ni Joseph at inapiran naman nito, hinde kami masyadong close ni Joseph, siguro, kaya nga lang ako pinapansin at binabati nito dahil isa ako sa mga top player nang shop niya, hinde ko din naman kasi siya masyadong kinakausap, idol ko lang siya dahil sa galing niyang maglaro sa DoTa, hinde katulad ni JanJan na parang kami ni Mike kung magturingan, pero naiinget din ako sa kanila dahil, hinde na kami ganoon ka close ni Mike hinde katulad noon na single siya. Napansin ko ang isang table at nakita ko ang bag ni Lyn na ginagamit niya sa work pero wala sila doon, ang tanging nakita ko lamang na nandoon ay ang ate ni Pauline, ang boyfriend nito, at isang matabang lalakeng alam ko ay kabatch ko, kasma ang ibang lalake, maya maya pa ay may biglang bumati kay JanJan, at napalingon ako at nagulat ako sa aking nakita.
Isang maliit na babae, pero kahit na maliit ito, maganda siya, bilugan ang mata, cute ang mga ngite at may dimples pa, may kaputian at makinis kutis, medyo maganda siya pero lamang ang cuteness nang babaeng ito, at nagulat ako nang tawagin ito ni JanJan at inakbayan siya nito

"Nasaan ka ba? Kanina pa kita inaantay ah?"
Napangite ako nang makita ko ang babaeng iyon, mukhang ito at ang sinasabi sa akin ni JanJan na babae

"Oi Jeng! PDA aba!"
Pangaasar bigla noon ni Joseph na kakalabas lamang sa banyo

"PDA agad umakbay lang?!"
Ang sabi ng dalagang si Jeng, nakita ko na tila ba masaya si JanJan na kasama ang babaeng iyon, mukhang ok na pala isya

"Oi Nunal! Nandito ka pala? Libre aba!"
Ang sabi sa akin ni Joseph at nginitian ko lang sila

"Adik ka wala nga ako pera ngayon eh"

"Mukha! Mawalan na bangko wag ka lang!"
Ang natatawang sabi ni Joseph sa akin Mayamaya pa ay nakita ko na padating ang kapatid nitong kupal at medyo nabadtrip na ako kaya naman umiwas na ako, nagpaalam na muna ako kay JanJan na doon muna ako sa table kasama ang kapatid ni Pauline at tumango lang ito sa akin

"Oi! Nandito ka pala!"
A ng bati ng Bf ng ate ni Pauline

"Kararating lang"

"Naku, nasaan ka ba? Kanina ka pa nila hinahanap ah?"
Ang sabi nang ate ni Pauline

"Teka, wala ba pasok yun?"