1. Home
  2. Stories
  3. Pagbangon: Book 1 - Chapter 8: The Fall
Pinoy Tambay

Pagbangon: Book 1 - Chapter 8: The Fall

By shane317 ·

Natapos ko din ang kontrata ko at pauwi na ako ng pilipinas. Maluha- luha ako habang pinapakinggan ko ang awitin ni Fredie Aguilar na pasko ang damdamin. Bali Dec na kasi ako umuwi dahil nag-extend ako ng 5 months. Hindi ko pinaalam ang aking pag-uwi. Susorpresahin kita at ikukulong kita ng isang linggo sa kuarto lang. Hahaha sabik na sabik na ako sayo honey. Humanda ka sabi ko sa isip-isip ko habang nagplaplano kung anong style na romansa ang ipapasalubong ko sa kanya. "Sandali lang. Nanjan na. Buksan mo nga yon sandali." narinig kong sinabi ni Alma. Diyatat may kasama sya. Sino naman kaya ito nasa isip ko habang sabik na sabik na makita sya.


"Sino ka" ang tanong ng lalaking nakatapis ng tuwalya na nakakumot ang noo. "sino yan... Haa...Ace honey am sorry magpapaliwanag ako...Diyos ko...huhuhu" biglang yumakap sa akin si Alma na kaagad umiyak. Nakatapis rin ng maiksing tuwalya at kita ang pwet. Pero hindi ako tinigasan sa nakita kong kaseksihan nya bagkus umurong ang aking libog dahil sa galit nang mapagtanto ko ang sitwasyon.


"Umalis ka na sigaw ni Alma sa lalaki." at dali- daling nagbihis ang lalaki at napaupo na lang ako sa upuan na parang nawalan ng ulirat. Ang tagal kong nagtiis sa hirap ng Saudi, sobrang init, sobrang lamig, sobrang higpit, sobrang homesick. Tapos ito ang madadatnan ko tang- inang buhay to. Napakasakit naman ng birong ito. Gusto kong pumatay ng tao. Pero hindi ako papayag na madumihan ang kamay sa mga taong walang kwenta. "Sandali pare, halika wag kang matakot. Ito o pare pinaglumaan ko yan kunin mo sayang din yan." at hinablot ko patayo si Alma na umiiyak na nakayakap sa mga paa ko at itinulak ko sa kanya.


"Ace please mag-usap naman tayo. Please sorry hindi ko sinasadya Ace mahal na mahal kita please soorrryyy." nagmamakaawa si Alma parang gusto kong sumuko pero sobrang sakit ng ginawa nya.


Itinulak ko pasara ang pintuan at sumandal ako. Tumulo ang luha ko pero hindi ko na pinakinggan ang pagmamakaawa ni Alma hanggang tumahimik na sa labas. Nakatulog ako sa pintuan at ng magkamalay akoy mataas na ang araw. Nakaramdam ako ng gutom. Lumabas ako at bumili ng de lata at alak. Agad akong tumungga sa bote at kalahati agad. Isang tungga pa at ubos ang laman. Binuksan ko ang isa pa at ganun din ang ginawa ko. Hanggang hindi ko na alam kung ilang bote ang naubos ko.


Paggising ko masakit na masakit ang ulo ko at may babaeng nakaupo sa tabi ng kama nakatulog si Alma. Hinaplos ko ang ulo nya at tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa banyo at nagkulong ako doon. Napakarami kong binuong pangarap para sa aming dalawa. Minahal ko sya ng higit pa kay Melanie. Tapos ito igaganti nya sa akin.


Lumabas ako. Deretso sa tindahan. Alak ulit this time isang carton ang binili ko. Shit ang dami kong pera kahit ubusin ko ang tindang alak dito sabi ko sa isip ko. "Ace tama na yan please. Mag-usap naman tayo o. Sige na please nagmamakaawa ako sayo hon please." Hindi ko sya pinansin. Bagkus ay uminom ako ng uminom.


"hik...uhmuwi kha nha...hinahanhap kha nha ng boyfriend mong bhakla...khung ghusto mo magshunthukhan kami at ikaw ang premyo sa mananalo...." Gusto ko syang saktan pero hindi ko magawa. Ah tunay ngang mahal ko ang babaeng ito. Pero hanggang doon na lang muna kami. Ayaw ko na masyado akong nasaktan.


Kinaladkad ko sya at inihatid ko sya sa bahay nila. "hik.... Oi biyenan kong hilaw hehehe.... Isasauli ko na tong anhak niyo. Putang ina nagpakahirap ako para sa aming dhlhawa. Anhong kasalanan kho ha. Hehehe....putang ina namang thalahgah eh. Huhuhu..." patuloy akong umiiyak noon at hindi ko na namalayan kong paano ako nakauwi.


Pagkagising ko alak pa rin ang inatupag ko at isang araw nagising na lamang akong sobrang sakit ng tyan ko at ulo ko. Ng tumingin ako sa paligid ko ay puro puting pintura ang nakikita. Nakaupo ang kapatid ko sa habang nagbabasa ng kung ano. "Gretch nasan ako?" Tanong ko sa kanya at agd syang lumapit sa akin at niyakap ako.


"Kuya ilang araw kang tulog eh kaya dinala ka namin ni nanay dito. Buti nasabi ng kapitbahay nyo dumating ka na pala." paliwanag sa akin ng nakababata kong kapatid.


Nagkaulcer pala ako dahil sa ilang araw na puro alak ang laman ng tiyan ko. Hinahanap ko ang presensya ni Alma pero hindi sya dumalaw man lang sa ospital.


"Nandito sya kahapon pero umalis din agad siguro nahihiya sa amin. Sorry kuya hindi namin ipinaalam ha ayaw kasi naming manghimasok eh. Pero alam mo pinagsabihan ko sya noon. Ang akala ko din kasi tsismis lang. Dahil sabi nya hindi totoo at mahal na mahal ka nya. Yon pala hayop na babaeng yon. Kuya marami naman jan diba. May Crush pa nga sayo yong classmate ni Sheryl eh. Nakilala ko noon si Cathy. Mas maganda pa yon noh." Mahabang sabi ng kapatid ko na nginitian ko lang.


Bale anim na araw ako sa ospital bago nakalabas. Umuwi muna ako sa amin at nagpagaling sa ulcer ko. Pagkalipas ng dalawang buwan dumalaw ako sa bahay nila Alma upang makipag-usap ng maayos upang walang maging problema sa mga darating na araw dahil sa ayaw at gusto mo magkababaryo pa rin kayo sabi ng nanay ko. Nandoon ang tatay at nanay nya at binigyan kami ng tsansa na makapag-usap.


"kumusta? Pumunta ako dito para sana dito at iniabot ko ang dalawang piraso ng wedding ring na binili ko pa sa Saudi. Yan sana ang sorpresa ko sayo. Pakasalan ka agad katulad ng napag-usapan natin noon. Pero it seems na hindi mo na ako nahintay. Sobrang tagal naman kasi ng two years ano? Tang-ina ako nga natiis ko sa kabila ng hirap doon. Tanging ang pag-ibig mo ang nagpalakas sa aking loob na peke palang pag- ibig"ang sabi ko na agad niyang tinutulan.


"Hindi totoo yan ikaw ang first boyfriend ko mahal ma mahal kita higit sa buhay ko. Ace natukso lang ako. Patawarin mo ako please mahal na mahal kita. Huhuhuhu. "umiiyak na paliwanag nya sa akin.


"Okay na Alma, pinatawad na kita. Sa susunod na buwan aalis na ulit ako. Hindi na sana pero wala naman akong mapapala dito diba. Wala namang naghintay sa akin. Bakasakaling pagbalik ko dito magaling na ako. Sana maging maligaya ka sa kanya. Suutin nyo yan pagkasal nyo." sabi ko sa kanya na hindi ko na napigilan pa ang lumuha at umiyak talaga ako pati na rin sya. Nag-iyakan kami, ako dahil sa sakit na dulot nya sya eqan ko hindi ko na inalam pa at wala na rin akong pakialam pa.


"Ace ikaw ang gusto mong mapangasawa. Paano na tayo Ace please naman sana Ace mahal kita sana alam mo yan." ang pagsusumamo nya sa akin.


"Alma wala ng tayo. Kayo ang meron ha. Sure naman ako Alma, ako mahal talaga kita pero masisisi mo ba ako kung magduda ako sa sinasabi mong pag-ibig na yan. Alma makinig ka sana. Aalis ako may kontrata ako sa Africa-Madagascar. Isang taon pagbalik ko at dalaga ka pa, itago mo ang sing-sing na yan at tayong dalawa ang gagamit pangako yan."hinalikan ko sya sa pisngi at nagpaalam na ako sa kanya.


Totoo sa damdamin ko ang sinabi ko sa kanya. Mahal ko nga sya kasi. Ewan ang tanga ko talaga. O sadyang ganun talaga ang pag-ibig nagbibigay ng pagkakataon. Ang sabi nila when something falls, it decreases in amount, value or strength.pero sa pag-ibig hindi yata applicable. Hahaha. Eventually, nagpakasal din sila. Sinulat sa akin ni Alma. Buntis na daw kasi sya. Five months ko pa lang noon sa africa. Iniyakan ko ang bagay na iyon pero ganun talaga if you love someone you gotta learn to let go sabi nga nila. Ayaw din naman daw nyang ipalaglag ang bata at dagdagan lang ang kasalanan niya. Nag sorry sya dahil sa pangalawang pagkakataon ay binigo daw nya ako. Mahal namahal kita at walang makakapalit sa pwesto mo sa puso ko. Sabi pa nya na iniyakan ko na lang lahat. Well, life must go on