1. Home
  2. Stories
  3. Payo at opinyon
PSErotica

Payo at opinyon

By mamerto ·

Ang aking ilalahad sa inyo ay mga tutoong pangyayari, ayon sa nagkwento sa akin, hangad ko na sana ay maisalaysay ko ito sa inyo ng walang labis walang kulang ng tamang tama lang para maunawaan nyong mabuti ang naging kalagayan ng nagkwento nito

Nagsimula ito isang araw habang ako ay nagpapahinga sa bahay dahil sa walang pasok sa trabaho, ay may naging bisita ako isa ito sa mga kasamahan ko sa trabaho pero gusto kong linawin na siya ay hindi ko ka grupo ni hindi siya kasama doon sa grupo ko na umi-inom araw araw pagkatapos ng trabaho nagkikita lang kami sa lugar na aming parehong pinagtratrabahuhan kaya nga nagulat ako ng dalawin niya ako sa aming bahay itatago ko na lamang siya sa pangalang Jun

Me: may kailangan ka ba at sinadya mo pa ako dito sa bahay namin
Jun: meron sana pwede bang makapasok

Pinapasok ko siya at noon ko napansin yung mga bitbit nya

Me: ano maipaglilingkod ko sa iyo
Jun: may ihihingi lang sana ako sa iyo ng payo
Me: sa loob loob ko " langya, magiging tagapayo pa ako" he he he he..ano yon
Jun: heto nga pala yung iba para sa inyo ulam heto alam ko marami kang stock dyan kaya ito na lang ang dinala ko

Nakita ko ng buksan niya yung mga dala dala nya garlic crab bicol express tapa at sisig yung dalawan supot na sabi niya ay ulam daw nakita kong fried chicken at chopsuy

Me: bakit ang dami dami mo namang dala ano ba okasyon
Jun: wala naman masarap kasing magipag-kwentuhan at uminom pag maraming pulutan
Me: sige upo ka muna tatawagin ko lang ang aking asawa

Ng lumabas ang aking asawa ay pinakilala ko si Jun dito at sinabi kong may mga dala dala itong pagkain at ipinaalam ko na din sa kanya na magkaka-inuman kami

Erika: hello Jun ang dami mo namang dala kami dapat ang magpapakain sa iyo dahil bisita ka nakakahiya tuloy
Jun: ok lang po yon Mrs matapos itong tumayo ng pumasok si Erika sa sala mula sa kusina
Erika: dito ka na kumain salo salo na tayo
Jun: wag na po tapos na kayo na lang
Erika: sige na wag ka ng mahiya saluhan mo kami dito sa mga dala mo

Para hindi na sila magpilitan pa ay hinila ko na si Jun patungo sa kusina at doon kami ay nagsalo-salo sa dala niyang pagkain matapos kumain ay doon na kami sa sala nagbukas na ako ng malamig at nagsimula na kaming uminom

Jun: pasensya ka na kung nakaka-abala ko
Me: hindi..ok lang wala naman akong gagawin
Jun: bihira ko na kasi ikaw makitang kasa-kasama ng ka grupo mong umiinom araw araw
Me: ah yun ba ha ha ha ha hindi na kasi ako ganun ngayon
Jun: oo nga di tulad nung mga ka grupo mo wala yatang sawa sa pag-inom ang mga yon
Me: alam mo naman sanay na kasi sila sa ganoong pamumuhay
Jun: eh bakit ka nga ba hindi na kasama nila
Me: yun ba ang sinadya mo dito ang tanungin ako tungkol doon
Jun: hindi naman curious lang kasi ako matagal tagal na din naman ako sa kumpanyang yon at sa natatandaan ko kahit nung bago pa lang ako doon ay nakikita ko na ang grupo nyo kayo yung laging masaya parang mga walang problema at nakikita ko yon araw araw..
Me: sila na lang ngayon ako matagal tagal na ding humintong sumama sa kanila
Jun: pwede ko bang malaman
Me: yun ba talaga ang sadya mo ang alamin kung bakit hindi na ako sumasama sa kanila
Jun: hindi naman kaya lang, nagtataka din ako ang tagal tagal nyong magkakasama tuwing uwian happy happy kayo tapos bigla kang nawala
Me: mahabang istorya gusto mo ba yun ang pag-usapan natin

Uulitin ko sa mga mambabasa nitong story na ito first time ko lang naka-usap itong taong ito kahit na iisa lang ang kompanyang aming pinapasukan oo kilala ko siya pero yun lang kilala dahil nagkikita kami sa lugar ng aming trabaho

Jun: eh..wag na lang sige ikaw ano ba ang gusto mong pag-usapan natin
Me: langya ako tinanong eh siya ang pumunta sa amin sa loob loob ko lang teka mabuti pa magbukas pa ako ng malamig

Tumayo na ako at nagtuloy sa kusina para kumuha ng malamig nakita ko ang aking magandang asawa na abala sa pagliligpit ng aming pinagkainan

Erika: pagkatapos nito doon na lang ako sa kwarto ha..papahinga na lang ako
Me: sige..
Erika: matatagalan ba kayo
Me: hindi ko alam
Erika: bakit ba yan nagpunta dito
Me: ewan ko sige pag nalaman ko sasabihin ko sa yo he he he he

Isang pinong pinong kurot ang sinukli sa akin ng aking asawa sabay kindat ng isang mata nito

Erika: wag kang masayadong magpakalasing ha
Me: oo nagsisimula pa lang naman kami sige lalabas na ako..

Paglabas ko eksaktong paubos na yung ini-inom na beer ni Jun

Jun: kung wala na..papabili pa ako
Me: ha ha ha ha ha..ikaw talaga parang hindi mo alam yung gimik ng grupo namin
Jun: alam ko kaya lang baka ubos na pinaaalam ko lang sa iyo na papabili pa ako
Me: o sige ano ba talaga ang sadya mo sa akin
Jun: pwede mamaya na lang ng konti parang hindi ko pa kayang sabihin
Me: pare kung uutang ka pina-uuna ko na sa iyo yung asawa ko ang humahawak ng pera sa kanya ka dapat umutang

Nanlaki ang mga mata ni Jun medyo parang napahiya

Me: hoy binibiro lang kita alam ko namang hindi utang ang pinunta mo dito
Jun: ha ha ha ha nabigla lang ako sa biro mo
Me: sige musta na pamilya mo ilan na ba ang anak mo si Mrs. musta ano trabaho

Dito siya patang natigilan matagal bago siya nakasagot pakiramdam ko ay parang may biglang bumara sa kanyang lalamunan kinailangan pa niyang umubo ng kaunti para paluwangin yung kanyang lalamunan nakita ko ding parang may nangingilid na luha sa kanyang mga mata sa loob loob ko "mukhang mabigat na problema ang dala dala nito"

Me: pare hindi ka na kumibo
Jun: hhhrrrrmm dalawa ang anak ko isang babae isang lalaki 5 at 3 years old sila lalaki yung panganay si Mrs. Ko naman ay nagtatrabaho sa isang multinational company bale executive secretary siya 6 years na kaming mag asawa
Me: buti pa kayo kumpleto na may 1 girl at 1 boy na kayong anak kami ng asawa ko ayaw pang bigyan eh yung sinasabi nilang Obando yung mag aalay ng itlog .at yung Maria Clara sinayawan na namin yon
Jun: pare baka Santa Clara ang ibig mong sabihin Maria Clara nasa Noli Me Tangere yon ni Jose Rizal
Me: ay oo nga pala ha ha ha ha ha
Jun: ha ha ha ha ha

Katahimikan parang may nagdaang anghel .

Jun: pare yung mga ikukuwento ko sa iyo ikaw at ako lang ang makaka-alam pwede ba pangako mo
Me: pare, kung may papatayin ka wag mo ng sabihin sa akin ayokong malaman kung may babae ka naman lalong lalong ayokong malaman ha ha ha ha ha
Jun: ha ha ha ha ha pero walang biro pwede ba tayong dalawa lang talaga ang makaka-alam nito

Nakita kong seryoso na siya kaya

Me: sige pangako tayong dalawa lang
Jun: ikaw lang ang pagsasabihan ko nito at the same time hihingi ako ng payo kung halimbawa sa iyo mangyari ito anong gagawin mo

Parang bigla akong nakaramdam ng kaba mukhang mabigat nga ang problema nito

Me: teka muna bakit naman ako ang napili mo yung mga kumpare mo..barkada mo kamag-anak mo sana sa kanila ka humingi ng payo mas kilala ka nila at sa palagay ko ay mas makapagbibigay sila ng magandang opinion kaysa sa akin
Jun: hindi ikaw talaga ang alam kong makakatulong sa akin
Me: o sige shoot ano ba ang problema mo pare
Jun: pare..paki bukas pa nga ubos na ito sabay angat ng basyong bote ng beer nya

Tumayo ako at kumuha ulit pero ngayon ay tig dalawang bote na ang kinuha ko inabot ko sa kanya yung isa malamig na malamig yon matapos niyang tumungga ay

Jun: pare may tulo ako
Me: ha

Matagal medyo matagal bago ko parang naintindihan yung kanyang sinabi "may tulo siya" eh bakit sa akin pumunta dapat sa doctor sa loob loob ko lang

Me: pare pa doctor ka madaling gamutin yan ngayon saka ang alam ko bawal sa may ganyang sakit ang uminom ng beer kaya nga naalala kong bigla yung iba kong mga kainuman dati pag nagkwento ng tungkol sa mga beer house at mga babae doon na nailalabas yung mga may "bar fine" sabi nila pag umiinom daw ng beer yung ilalabas mo mas malamang walang tulo yon sagot ko naman oo nga walang tulo yon may HIV naman he he he he he
Jun: hindi pare walang halong biro may tulo nga ako..
Me: wala ding halong biro tigilan na natin ang pag-inom at bawal na bawal ito sa sakit mo tapos kung gusto mo sasamahan kita sa doctor para magamot ka
Jun: yung tungkol nga dito ang itatanong ko sana sa iyo
Me: pare..diretsahan ha ako wala pa akong experience sa ganyang sakit yung sinasabi ko sa iyo ay base lang sa mga nadidinig kong kwento kung akala mo ay dahil ka grupo ako ng mga yon sa inuman lang ako kasama ng mga yon pag nag beer house na sila umuuwi na ako kaya yung tulo wala akong alam talaga dyan
Jun: hindi yung tungkol sa tulo ang itatanong ko sa iyo
Me: eh ano pagamot ka muna pare tama na itong inuman natin
Jun: hindi magaling na ako mga 2 weeks na akong magaling ito nga yung ihihingi ko ng opinion mo
Me: ang alin
Jun: paano ako nagkaroon ng tulo
Me: siguro yung inilabas mong babae mayroon kaya nahawa ka
Jun: pare yun nga ang hindi ko maintindihan
Me: bakit
Jun: ako kahit minsan ba nakita mong uminom o nakipag-inuman after ng trabaho natin
Me: wag ka sanang magagalit ha pero parang wala ka ngang kabarkada sa trabaho eh nakikita kita matapos ng trabaho mo ay umu-uwi ka na agad ikaw ang nauuna lagi sa service eh
Jun: pare yun nga ito ang mabigat kong problema

Nakita kong maluha luha na siya
Me: ibig mong sabihin wala kang ibang nakaka alam mo na na ibang babae eh paano ka nagkaroon ng ganyang sakit
Jun: pare yun ang hangang ngayon ay hindi ko maubos maisip
Me: ibig mong sabihin si Mrs. Mo lang ang iyong .naku pare wala akong ibang ibig sabihin ha
Jun: ok lang alam ko naman eh para na nga akong mababaliw kakaisip dito
Me: nung magpa doctor ka ano sabi ng doctor sa sakit mo positive bang tulo baka naman urinary tract infection lang yung tinatawag nilang UTI
Jun: hindi pare para makasiguro pina "swab" ng doctor
Me: paano ba nagsimula yon
Jun: una parang makati yung akin yun mismong daanan ng ihi tapos makaraan ang ilang araw may nararamdaman akong parang lumalabas sa kanya hindi ko nga pinansin nung una akala ko yung tinatawag na premature ejaculation kasi maputi din yun bang parang lumalabas pag nakikipagtalik tayo tapos nung bandang huli madilaw na ito at nung amuyin ko iba na ang amoy mabaho yun doon na ako nagpunta sa doctor para magpatingin
Me: ano naman ang sabi ng doctor
Jun: tinanong ako kung may asawa na ako tapos ay tinanong kung naglabas daw ba ako ng babae
Me: anong sinabi mo
Jun: pare nagsinungaling ako sabi ko oo minsan kakong nalasing ako naglabas ako ng babae pero hindi tutoo yon hu hu huh u

Umiiyak na ngayon sa harapan ko si Jun parang bigla kong naramdaman ang bigat ng problemang kanyang dinadala ibig sabihin nahawa siya ng tulo mula sa kanya mismong asawa

Itutuloy