1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 1 - Ron
Lagablab

Phone Call Chapter 1 - Ron

By supertoyantz ·

Chapter 1 - Ron

"Ronald Abaño !, tulala ka na naman. " sigaw ng teacher.

Nagtawanan ang buong klase.

Maging ang katabi ni Ron na si Aldrin ng Kwadro Alas ay di mapigilan ang matawa dahil sa sinabi ng guro.

"Ma'am, inlove ata eh. Pagbigyan nyo na. " biro ni Aldrin.

Lalong nagtawanan ang mga kaklase nila.

Hindi magawang mapikon ni Ronron.

Kaibigan nya si Aldrin at isa pa, kahit anong gawin nya, hindi nya kayang upakan ang katabi.

Batid nya ang kinabibilangan nitong grupo. Ang Kwadro Alas.

Binubuo ng apat na binata.

Lahat gwapo at mayayaman.

Bukod pa sa saksakan ng kulit at angas.

Pero batid nyang hindi masama ang ugali ng apat na ito.

Napatunayan na nya ang pakikisama ng apat na alas kaya dinaan na lang sa tawa ni Ron ang biro ng kaibigan.

Kasalanan naman nya kung bakit sya pinagtatawanan.

Natulala na naman sya.

Napapahinga ng malalim si Ron at tumayo.

"S-sorry po Ma'am. Ano nga po ulit yung tanong nyo ?" tanong nya.

Pero ngumiti lang ang mabait na guro.

"Wala akong tanong Ronald. It's okay, just stay focused sa lessons at magtatampo na ako. Ganun na ba kaboring ang klase ko ?" tanong nito.

Umiling si Ron at muling naupo.

"No ma'am, di na po mauulit. May iniisip lang po ako. Sorry po talaga. " pag hingi nya ng paumanhin.

Tumango ang guro at nagpatuloy na sa klase.

Sinikap makinig ni Ronron kahit ang isip ay okupado.

..

Hapon.

Katatapos lang ng klase ng binata.

Abala sya sa pagsusulat ng mga takdang aralin ng makarinig ng malakas na pagtawag mula sa pinto.

"Pot !. " sigaw ng babae.

Paglingon nya ay di nya maiwasang mamangha sa kagandahang bumungad sa kanya.

Pumasok ang magandang babae at naupo sa mismong harap ni Ron.

Napayuko ang binata.

Muli nyang pinagpatuloy ang pagsusulat habang manaka nakang nakikinig sa pag uusap ng magsyota sa tabi nya.

"Pot, nandun na sila sa baba. Tayo na lang ang kulang. " sabi ng babae.

Sumagot ang katabi ni Ron na si Aldrin.

"Sige, tapusin ko lang itong pagsusulat ko ng assignment. Saglit na lang to heart. " sabi nya.

"Okay. " sagot ng babae.

Naunang matapos si Ron.

Sinilid nya sa bag ang notebook at nag inat.

"Hi Ron, kamusta ka na?" tanong ni Lelay.

Ngumiti si Ron.

"Okay lang naman. Ikaw ?. " balik tanong nya.

Nagkibit balikat si Lelay.

"Eto, kakatapos lang naming mag quiz kanina. Ay Heart, yung book about sa philosopy peram naman. " sabi nya.

"Sinoli ko na kay Rom. Mamaya hiramin natin. Oy Ron, bakit ka ba tulala kanina ?" tanong ni Aldrin.

Napangiti si Ron.

"Oo nga eh. May iniisip lang ako. " sagot nya.

Napangisi si Aldrin.

"Chicks ? Hanep, mukhang nagbunga rin ang pagka adik mo sa mga clan ah. " biro nito.

Natawa si Ron.

"Di tol, di ko sya sa clan nakilala. Nag quit na ako sa mga clan ko, ambilis makaubos ng load eh. " sagot nya.

Natawa ang magsyota.

"Eh kamusta na kayo ni May ? " tanong ni Aldrin.

Natigilan si Ron at napabuntong hininga.

"Ayun, sila pa rin. " malungkot na sagot nya.

Sa pagkakabanggit ng kaibigan sa pangalan ng dating girlfriend nya ay muling nanariwa kay Ronron ang sakit na naidulot nito.

Nakilala nya ito sa isang text clan na nasearch nya sa facebook.

Mabait at mahinhin magsalita ang babae.

Tumagal sila ng halos tatlong buwan pero nagmukha lamang pala syang tanga ng malaman nyang may boyfriend itong iba.

Ang masakit pa, hindi lamang isa, tatlo silang pinagsabay sabay ng babae kaya talagang pakiramdam nya ay nayurakan ang kanyang pakalalake.

Naramdaman nyang hinawakan ni Lelay ang balikat nya.

"Aww, wag kang malungkot Ron. Malay mo, may makilala kang bago. Ay teka Heart, si Cynthia kaya ipakilala natin sa kanya ?" tanong ni Lelay.

Umiling si Aldrin at sinilid ang mga gamit sa bag.

"Wag na Heart, magugulpi lang tong si Ronron, parang amasona ang babaeng yon eh. Saka di sila bagay, masyadong happy go lucky yung kaibigan mong yon eh itong isang to may sariling kumbento sa bahay nila. " biro ng binata.

Natawa sina Lelay at Ronron.

"Grabe, kumbento talaga ? Di lang talaga ako mahilig lumabas . Ang sarap kayang mag hayahay sa bahay. " sagot ni Ron.

Napaismid si Aldrin.

"Ulol ! Ang sabihin mo, lately ka na lang nagkulong sa kwarto mo. Nung nagbreak kayo ni May. " bigkas nya.

Natigilan si Ron.

Sinaway ni Lelay ang syota.

"Sshh, heart naman. Napaka mean mo. " sabi nya.

Muling umismid si Aldrin.

"Sus, alam naman nya ang ugali ko. Gusto ko lang na mapabuti sya. Nung ipakausap pa lang nya sakin si May cellphone, ramdam ko na agad na may something sa babaeng yon. Sabi ko maging mapagmatyag sya. Eh hindi pa rin ako pinakinggan, ayan tuloy. Broken hearted ang gago. " sabi nya at tumayo na.

Pinalo ni Lelay ang braso ng boyfriend pagkatapos ay binalingan si Ron.

"Sama ka sa amin Ron gusto mo ? Mag cocomputer lang naman kami eh. " sabi nya.

Napaisip si Ron.

"Kumpleto ba kayo ? Kasama ba si Romeo ?" tanong nya.

Tumango ang magboyfriend.

"Natural. Bakit natatakot ka ? Natatakot kang makarinig ng katakut takot na panlalait ?" nakangising sabi ni Aldrin.

Kinurot ni Lelay ang binata.

"Stop it heart, tara na Ron. Don't worry about Romeo, basta wag mo na lang ikwento yung story nyo ni May. " palakas loob na sabi nya.

Pero tumawa si Aldrin.

"Too late my queen, naichismis ko na. " sabi nya.

Napanganga si Lelay at pinagkukurot ang katipan.

Napayuko na lang si Ron at napasimangot.

"Syempre biro lang. " bawi ni Aldrin at tinapik sa balikat si Ronron.

..

Nagsisigawan ang apat na alas sa computer shop habang naglalaro ng dota.

Kasali si Ronron, pero dahil sa hindi sya gaanong marunong, naging mahirap para sa kanya ang makipagsabayan sa apat na alas.

Kapwa nila mga estudyante ang kalaban nila pero sa ibang paaralan.

Lagi na lang syang namamatay pero sa huli ay sila ang nagtagumpay na manalo.

"Wooo ! " sigaw nina Lelay, Ekang at Krissing.

Para silang may cheering squad sa katauhan ng tatlong dalaga.

Dagdag pa ang makulit na bulilit na si Chichi.

"Go kuya Rom !. Wooo . Weee, 200 baon ko bukas ! balik ulit kayo mga kuya ha ? Tapos bigyan nyo ulit kami ng pera. " sigaw ng bata.

Natawa si Eric, ang may ari ng computer shop na naging kaibigan na rin nya dahil sa paminsan minsang pagsama nya sa apat na alas.

Sabay sabay na tumayo ang limang estudyante na mula sa sikat at ekslusibong paaralan.

Malungkot nitong inabot kay Chichi ang pustang pera, pagkatapos ay nagbayad ng rent.

"Salamat mga tol, bukas ulit ?" tanong ni Eric.

Umiling ang isang estudyante.

"Daya nyo kuya, di nyo sinabi na malalakas pala kalaban namin. " sabi nito.

Natawa si Eric.

"Di yan malalakas, nadala lang kayo ng cheering squad nila. Sa susunod magdala din kayo ng sa inyo. " biro nito.

Malungkot na ngumiti ang mga estudyante bago isa isang lumabas ng shop.

Binilang ni Chichi ang pera at agad na hiniwalay ang pusta nya.

"200 for me, bahala na kayo dyan . " sabi ni Chichi sabay abot kay Rhoi ng pera.

Nagtawanan ang apat na alas.

"Bayaran nyo muna si Eric tapos yung sukli ipang miryenda na lang natin. " sabi ni Darius.

Lalong natuwa si Chichi.

"Hoy gago yung pusta ni Ronron. " sabi ni Aldrin.

Umiling si Ron.

"Di na, ambag nyo na lang din sa miryenda. Nagutom ako don ah. " sabi nya.

Nagtawanan sila.

Nuon napansin ni Lelay ang binata.

"Ay oo nga pala, sis Ekang. Single pa ba si Cely ? " tanong nya.

Napaisip si Ekang na girlfriend ni Darius.

"Uhm, di ko sure sis. Bakit ? " tanong ni Ekang.

Sinulyapan ni Lelay si Ron.

"Eh kasi si Ron, naghahanap ng girlfriend. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ron.

"Hala !, sus si Lelay. Wag kang maniwala dyan Ekang. " tanggi nya.

Dahil sa sinabi ng dalaga, napunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

"Bakit sis ? anong meron sa kanya ? " tanong ni Krissing.

Napangisi si Lelay.

"Ron, ituring mo kaming mga tapat mong kaibigan. Para din sayo itong gagawin namin. Ayaw naming malungkot ka. Di mo deserve ang tratuhin ng ganun. " sabi nya.

Napasimangot na lang si Ronron.

Tinapik sya sa balikat ni Aldrin.

"Pre, wag ka ng umangal pa. Kung kami nga hindi makaporma sa mga yan, ikaw pa ? Hayaan mo sila. Magsasawa din yang mga yan . '" bulong nya.

Tumango na lang si Ronron.

Maya maya ay bumalik na si Eric dala ang miryenda nila.

Tuloy pa rin sa pagpaplano ang tatlong dalaga.

Ilang sandali lang ay napalingon mga ito sa kanya.

"Ron, kwento mo nga yung nangyari sa inyo ni May. " untag ni Lelay.

Natigilan si Ronron.

Inawat ni Aldrin ang kasintahan.

"Heart, wag muna ngayon. Syempre sariwa pa sa kanya yung mga nangyari . " sabi nya.

Umismid si Lelay.

"Sus ! Kanina ikaw itong asar ng asar sa kanya. Tapos ngayon sasabihin mong wag muna ? Ang gulo mo koya. " sabi nya.

Natawa si Aldrin at niyakap ang girlfriend.

"Ang akin lang, syempre nahihiya yan. Hindi pa nyang gaanong close ang tropa kaya hinay hinay lang. Broken hearted yung tao eh. " sabi nya.

Tumango si Lelay.

"That's what I'm trying to say kanina. Wag syang mahiya sa tropa kasi para lang tayong magkakapatid dito. Right guys ?" tanong nya.

Tumango ang iba.

Pero sumingit si Romeo.

"Huhulaan ko, nahuli mong nanlalalaki ang syota mo. Kung hindi sa text, sa facebook. " hula nya.

Natulala si Ron.

Maging sina Aldrin at Lelay ay nagkatinginan.

"Sinabi mo sa kanya Heart ?" pabulong na tanong ni Lelay.

Umiling si Aldrin.

"I swear, wala pa akong pinagkukwentuhan bukod sayo. " sabi nya.

Napatingin sila kay Ronron.

Napahinga ng malalim ang binata at nagbukas ng FB Account.

Inayos nya ang privacy settings ng account nya at inalis ang naka block na user.

"Eto sya mga pare. " sabi ni Ron.

Pinagkumpulan ng mga babae ang monitor nya.

"Infairness, maganda naman . " sabi ni Krissing.

"Yeah, at mukhang mayaman. " puna ni Ekang.

"Grabe, married na sila ? Congrats kamo kuya, attend tayo sa libing nila. " sabi ni Chichi.

Nagtawanan ang mga alas pati na si Eric.

Maging si Ron ay di maiwasang matawa sa sinabi ng dalagita.

"Yan ba yung pinalit nya sayo ? Patingin nga Ron, click mo. " utos ni Lelay.

Sinunod ni Ronron ang sinabi ng dalaga.

Pinindot nya ang pangalang nakasunod sa "Married " status ng ex - girlfriend nya at napunta sila sa FB Account ng lalaking pinalit nito sa kanya.

Ang mga lalaki naman ang lumapit at nakiusyoso maliban kay Romeo.

"Tangina, lamang lang sayo ng ilang paligo yan pre. " sabi ni Rhoi.

"Oo nga, pero infairness, ang kinis ha. " puna ni Darius.

"Gago photoshop lang yan. " wika ni Aldrin.

Sumingit si Eric.

"Patingin nga, may katwiran naman . " biro nya.

Napasimagot si Ronron at binalik na sa sariling profile.

"Saan mo ba sya nakilala ? " tanong ni Romeo.

Natigilan sina Lelay at Aldrin.

Maging si Ronron ay di nakapagsalita.

..

"Hoy gago, saan mo sya nakilala ? " ulit ni Romeo.

Napahinga ng malalim si Ron bago sumagot.

"S-sa FB lang pre. " sabi nya.

Natawa ng sarkastiko si Romeo.

"Tapos nagkakaganyan ka ? Baliw ka ba ? " tanong nya.

Sumingit si Lelay.

"Kahit na saan nya pa nakilala yung girl, di pa rin sapat na reason yon para lokohin sya. " sagot nya.

Sumang ayon ang mga babae.

Pero umepal pa si Romeo.

"Granted, hindi masusukat sa haba o ikli ng pagkakakilanlan ang relasyon. Pero hindi mo din dapat binigay ang buong pagtitiwala mo ng agad agad lalo na at mukhang hanggang text at calls lang naman talaga kayo. " sabi nya.

Nagtaka ang iba.

"Paano mo naman nalaman na text and calls lang sila ? " tanong ni Rhoi.

"Simple, taga Visayas yung girl tapos taga Manila si Ronron . Don't tell me isa sa inyo ang nakipagkita na ? " tanong ni Romeo.

Natahimik ang lahat.

Nagtaka sila kung paanong nalaman ni Romeo ang lugar ng babae ng hindi tumatayo sa upuan nito.

"Paano mo nalaman kung taga saan sya ? " sinaboses ni Ronron ang tanong ng lahat.

Nagkibit balikat si Romeo at nginuso ang sariling monitor.

Lumapit sa kanya ang tatlong alas.

"Simple, friend ko si Ronron, tapos sinearch ko yung mga may pangalang May sa friends nya. Presto, may tatlong lumabas, pero yung dalawa eh isang bata at isang matanda. Kaya sigurado akong itong May na ito ang naging syota nya. " paliwanag ni Romeo.

Napatango tango ang ilan.

Napahinga ng malalim si Ronron.

"Actually, nandito sya sa Manila. Yung last na pag uusap namin and that was a month ago, sabi nya eh luluwas daw sya kasi dito sa mag aaral. " malungkot na sabi nya.

Tumango ang iba.

"Eh kelan kayo nagbreak ? " tanong ni Eric.

Napaisip si Ronron.

"Two months ago. " sagot nya.

"Sinong nakipag break ? Ikaw o sya ? At paano ka nya pinagpalit ? " tanong ni Darius.

Muling napabuntong hininga si Ronron.

"Sya ang nakipag break, hindi ko alam ang dahilan nung una. Sa Clan ko lang kasi sya nakilala. Pinsan nya yung nagsabi sa akin na niloloko lang daw ako ni May. Syempre di ako naniwala agad. Tinanong ko si May ng pasimple about dun sa sinumbong ng pinsan nya. Ayun, nagalit sa akin. Sinumbatan pa ako ng walang tiwala. Nahiya naman ako kaya kinalimutan ko na yung issue. Until one day, may tumawag sa akin na guy, tigilan ko na daw ang pag tetext at pagtawag sa syota nya. Tinanong ko kung sino, si May nga daw. Nagulat ako tapos tinanong ko yung name nya. Sinabi nya tapos tinanong ko rin kay May yung tungkol sa guy. Pero sinigawan ako at nakipagbreak na sa akin ng walang sapat na dahilan. " sabi nya.

Nagkatinginan ang mga babae.

"Awww, ang bad nya. Dapat sa kanya kalbuhin ! . " gigil na sabi ni Chichi.

Walang tumutol.

"Bakit ka kasi nagtatyagang maghanap ng kapalaran sa Text Clan ? Wala ka bang kaibigan ? Loner ka ? " tanong ni Romeo.

Natawa ang tatlong alas at nafocus ang atensyon kay Ronron.

"Meron naman kahit papaano. Pero ewan ko ba, nakakaadik eh ang pagtetext eh. " pabirong sabi nya pero ramdam ng iba na pinipilit lamang nyang tumawa.

Natahimik ang lahat.

Napangiti ng malungkot si Ronron.

"Actually guys, sabihin nyo ng tanga ako. Pero nag iipon na ako ng pera para pangbili ng ticket papuntang Cebu. Ang tanga ko no ? " natatawang sabi nya.

Lalong naawa ang mga babae sa binata.

"Buti na lang nalaman mo agad na niloloko ka lang nya. Kung hindi sayang yung ticket. " sabi ni Rhoi.

"Tindi mo pre. " tanging nasabi ni Darius.

Napangiti ng malungkot si Ronron at nagbrowse browse na lang sa internet.

"Kumain na nga kayo. " sabi ni Eric at nagsimula ng kumain ang iba.

..

Maggagabi na ng magpasyang umuwi ang kwadro alas pati na ang mga kasama nilang babae.

Sumabay na si Ronron sa mga ito patungo sa sakayan.

Malapit lamang ang subdivision ng apat na alas kaya naglalakad lamang ang mga ito.

"So paano, dito na ako. Bukas na lang mga pre. " paalam ni Ronron.

Isang jeep pa ang kailangan nyang sakyan bago makauwi.

Bago umalis ang jeep, lumapit si Romeo sa bintana.

"Pre, makinig ka. Minsan lang akong magsasalita about sa kakornihan mo kaya gusto kong itatak mo sa kukote mo ang bawat detalyeng lalabas sa bibig ko. " bulong ni Romeo.

Nagulat si Ronron pero agad syang tumango.

Sinulyapan ni Romeo ang mga kaibigan.

"Tingnan mo sila, masasaya silang tingnan di ba? " tanong nya.

Napatingin si Ronron sa tatlong alas kasama ang mga nobya nito.

Tumango sya at muling binalingan si Romeo.

"Anong meron sa kanila ? " tanong nya.

Seryosong tumitig si Romeo sa mga mata nya.

"Sa larangan ng Pagmamahal, kadalasan nagiging hangal ka. Kaya minsan magugulat ka, makakagawa ka ng mga bagay na hindi mo aakaling magagawa mo pala. Hindi mo na iniisip ang sitwasyon basta ang alam mo lang at nakatatak sa isip mo, umiibig ka. Kaya hindi na ako nagulat nung sabihin mo kaninang muntik ka ng makabili ng plane ticket papuntang Cebu. I admired you for that. Pero take note pare. Wag kang magsisi sa mga failures mo tungkol sa pag ibig. Gamitin mo ang karanasan mong ito para mas maintindihan pa ang partner mo. Kung sakaling nagkamali sa previous mong relasyon, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para wag ng maulit yon. Ganun kasimple. Konting payo lang pare, para sa susunod mong kakornihan. Medyo armado ka na. " kumindat si Romeo bago umalis.

Naiwan si Ronron na nakanganga.

Umanda na ang jeep.

Di nya maiwasang mapailing.

Sa apat na alas, si Romeo ang iniiwasan nya dahil kalat sa buong campus ang sama ng ugali nito lalo na sa kababaihan.

Pero di nya akalain na may tinatago pala itong kabaitan.

Napahinga ng malalim si Ronron.

Unti unti syang napangiti dahil sa gaan ng pakiramdam nya.

Sa tagal ng panahon, nagawa nyang ikwento ang pinakamalungkot na bahagi ng lovelife nya.

At di nya akalaing sa Kwadro Alas pa.

Maging sa mga magulang ay iniwasan ni Ronron ang magkwento.

Masarap pala ang pakiramdam na may kaibigan kang maaasahan sa oras ng pangangailangan.

"Manong para ho. " sabi ni Ronron.

Tila nakalutang sya sa alapaap.

Para syang nabunutan ng tinik.

Matagal din syang umiwas sa mga babae.

Pero ngayon, handa na sya para makipag kaibigang muli.

Speaking of friend.

Nilabas ni Ronron ang cellphone ng kapatid na si Ran at dinial ang nag iisang numero dito.

Pero nagtaka sya ng ayaw mag connect ng tawag.

"Bakit ayaw ? Hmm, baka wala ng load ? " tanong nya sa sarili habang naglalakad pauwi.

Hanggang sa magsawa, muling ibinulsa ni Ronron ang lumang cellphone ng kapatid at naisip na sa bahay na lamang tawagan ang bagong kaibigan.

"Wait for me my Angel. Mag uusap ulit tayo mamaya. " masayang sabi nya at tila batang patalon talon pa habang tinatahak ang daan pauwi.