1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 10 - Step Back
Lagablab

Phone Call Chapter 10 - Step Back

By supertoyantz ·

Chapter 10 - Step Back

"A-anong gagawin natin pare ? " tanong ni Ronron.

Napahinga ng malalim si Romeo.

Kasalukuyan silang nasa hardin at nagmimireyenda.

"First, you have to accept the fact na wala na si Angel. Duon mo lamang magagawang makapag isip. " sabi nya.

Natahimik si Ronron.

Kinapa nya ang sarili at inalam ang totoong nararamdaman.

Bagama't masakit, alam nyang tama ang kaibigan sa sinabi nito.

Ngunit tila may parte ng kanyang pagkatao ang ayaw sumuko.

..

"Ayos lang ba kayo mga iho ? " tanong ni Angelo mula sa bungad ng hardin.

Napatingin ang dalawang binata at sabay na tumango.

"We're fine Tito. Salamat po ulit sa pagtanggap. At medyo pasensya na po kanina. " sabi ni Romeo.

Ngumiti si Angelo at lumapit sa dalawa.

"No. Don't mind it. Actually, masaya ako dahil sa loob ng isang taon, may nakakaalala pa pala sa anak ko. Masayahing bata yang si Angel. Pero pihikan pagdating sa kaibigan. Hindi sya yung tipong happy go luck na tulad ng iba. She knows her boundaries and limits. Kinda spoiled but I must say na mabait na bata ang anak ko. " kwento ng ama.

Naupo ito sa bakal na upuan.

Nahihiyang napayuko ang binata.

Natawa si Angelo at inakbayan si Ronron.

Tumikhim ang binata at napangiti ng kimi.

"P-pasensya na po sa inasal ko kanina. H-hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at nagawa ko ang mga bagay na iyon. " hinging paumanhin nya.

Nakakaunawang napangiti si Angelo.

"I told you, don't mind it. " sabi nya.

Maging si Romeo at naupo sa upuan.

"Tito, naalala ko kanina na sinabi nyong anniversary ni Angel tomorrow. Is that true ? " tanong nya.

Napatingin si Angelo sa binata at marahang tumango.

"Yes, first. Balak ko sanang maghanda at baka sakaling dumating ang mga kaibigan nya, pero my wife insisted that it was supposed to be private. Just the three of us. " malungkot na sabi nya.

Nakiramdaman ang dalawang binata.

"Tito, is Tita Paloma okay ? Mag isa lang sya sa kwarto nya. " nag aalalang sabi ni Ronron.

Tumango si Angelo.

"She liked it alone. Ever since our daughter d-died err, naging tahimik na sya at mapag isa. Sinisisi nya kasi ang sarili nya sa paglisan ng anak namin . " sagot nya.

Nagkatinginan ang dalawang binata.

Nanatiling tahimik si Romeo.

Ngunit di napigilan ni Ronron na isaboses ang mga tanong sa kanyang isipan.

"B-bakit po ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Angelo.

Malungkot na ngumiti at pinagmasdan ang cake ng dalawa.

"Ayaw mo ng strawberry cake Romeo ? " tanong nya.

Umiling si Romeo.

"Not really, nalilibugan kasi ako kapag nakakain ng sobrang tamis. " sabat nya.

Natigilan si Angelo at pagkuwa'y biglang tumawa.

"Joker ka talaga. " sabi nya pero bigla syang natigilan ng makitang seryoso ang dalawa.

"He's not joking. " sabat ni Ronron.

Napanganga si Angelo.

"B-baka may sakit ka ? " tanong nya.

Umiling si Romeo.

"Wala po, mataas lang ang libido ko at mabilis akong maapektuhan ng mga ganyang pagkain. Anyway, bakit po sinisisi ni Tita ang sarili nya sa pagkama- , paglisan ni Angel ? " tanong nya.

Bumuntong hininga si Angelo.

"Hindi ko talaga alam kung bakit pakiramdam ko ay dapat akong magtiwala sa inyong dalawa. Pero ewan ko ba, parang matagal ko na kayong kilala. " sabi nya.

Napangisi ang dalawa.

"Well, they called it coincidence. " sabi ni Ronron.

Umepal si Romeo.

"On the contrary, it's not coincidence. It's faith. Gusto ni Angel na magpunta ka dito pare, hindi ko pa alam sa ngayon ang dahilan pero sigurado akong may kinalaman sya dito. Sa maniwala kayo o hindi pero no choice kayo kundi maniwala. At sa tingin ko, hindi pa dito natatapos ang pagpaparamdaman nya sayo. " sabi nya.

Natigilan si Ronron.

Bagama't alam nyang sa puso nya ay mahal nya ang kasintahan, parang hindi nya na kakayaning magpakita pa itong muli.

..

Napabaling ang tingin ni Angelo sa kay Ronron.

Di nya maiwasang mainggit sa binata at mukhang napansin ito ni Romeo.

"Tito ? " tanong nya.

Napangiti ng kimi si Angelo.

"I envy you. Buti ka pa, pinagpaparamdaman nya. Samantalang kami ng Mommy nya, nganga. " biro nya.

Natawa sila pero bigla ring sumeryoso.

"Maybe she can't. Or may plano pa sya. Baka kayo ang finale. " biro ni Romeo.

Napangiti na lamang si Angelo.

Saglit silang natahimik.

Hanggang sa ungkatin ni Ronron ang dahilan ng pagkamatay ng dalaga.

"A-alam ko paulit ulit na ako Tito, p-pero ano po ba talaga ang nangyari kay Angel ? " tanong nya.

Sa pagkakataong ito ay mas malalim na buntong hininga ang pinakawalang ng ama ng dalaga.

"It's been a year since I talked like this. Kadalasan ay puro tango at ngiti lang ang sinasagot ko sa mga nagtatanong na kakilala. Pero mukhang dumating na ang panahon na kailangan kong ilabas ito . " garalgal na boses ni Angelo.

Nagulat sina Ronron at Romeo ng biglang lumuha ang lalaki.

Matikas at matayog, larawang ng karangyaan at may lalaking marami ng napatunayan.

Ngunit eto, nasa harap ang isang lalaking hindi nangingiming magpakita ng kahinaan.

O masasabi nga bang kahinaan ang ginagawa nitong paglalabas ng mga naipong emosyon sa loob ng isang taon.

"I r-really really love my family. S-sila ang kayamanan ko sa mundo. Marami akong pinagdaanan para makarating ako kung nasaan ako ngayon, at si Paloma ang naging katuwang ko. Mayaman ang pamilya ni Paloma samantalang galing lang ako sa average na pamilya. Pero hindi naging hadlang ang estado namin sa buhay para mahalin nya ako. Mahal na mahal ko sya kaya nagsikap ako at ginawa ko ang lahat para kahit paano ay mapantayan ko ang kaginhawaang nakasanayan nya. " kwento nya.

Matamang nakinig ang dalawa.

Hindi sila nag abalang mag salita dahil pakiramdam nya ay nakikinig sila ng isang magandang love story.

"Sa awa ng Diyos, nagbunga ang pagsisikap naming mag asawa. Sumugal ako sa negosyo at umasenso ito. Magkatuwang kami ni Paloma sa pagpapalaki ng negosyo namin kaya hindi kami agad nagkaanak. Pero dumating sa punto na naisip namin na wala kaming pagpapasahan ng mga pinaghirapan namin sa buhay kaya nag pasya kaming mag karoon na ng supling. " napangiti si Angelo.

Tila muli nitong nilalakbay ang kahapon.

"Dumating si Angel sa buhay namin. Masagana na kami sa materyal na bagay at tanging anak na lamang ang kulang. Pero naging maselan ang pagbubuntis ni Paloma. Kailangan nyang huminto sa pagtuwang sa akin sa negosyo dahil masyadong maraming stress at problema ang kinakaharap namin. Dagdag pa na nagkaroon ng krisis sa ekonomiya kaya nagpasya kaming sa bahay na lang sya at ako na ang bahala. Pero ito ang naging mitsa ng di namin pagkakaunawang mag asawa. Isinilang nya si Angel. Ang pinakamahalaga naming kayamanan. " dagdag pa ng lalaki.

Nagkatinginan sina Romeo at Ronron pero nanatili silang tahimik at nakikinig.

"Naisip kong ibigay sa kanya ang lahat. Kaya lalo akong nagsikap sa paghahanapbuhay. Ito ang naging dahilan kaya kami laging nagtatalong mag asawa. Nawala sa isip ko na nakikita pala ito ng aming anak. Pero sa kabila nito, hindi sya nanumbat at nanatiling malambing. Masayahin. Maraming panahon akong nasayang bago ko napansin na may mag ina pala akong nangangailangan ng atensyon ko. Isang araw, nagpasya akong tumigil na sa pagpapayaman at harapin ang aking mag ina. P-pero kung kailan naman nakakabawi na kami. S-saka naman sya kinuha. " biglang nabasag ang boses ni Angelo.

Napayuko ang lalaki at pasimpleng nagpunas ng mga luha.

Ngunit nakita ito ng dalawang binata.

Nakakaunawang hinaplos ni Ronron ang likod ng lalaki.

"Angel really loves you Tito. " sabi nya.

Napangiti si Angelo ng kimi.

"Yes, and I really love her too. But it's too late say that now. " sabi nya.

Natahimik lamang sila at pinabayaang ibuhos ng lalaki ang mga emosyong naimbak sa puso nito sa matagal na panahon.

Umiyak ito ng umiyak.

Walang nagsasalita at iginalang nila ang pagdadalamhati ng isang ama.

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto, kusang huminto ang lalaki at inayos ang sarili.

"You better rest. We we're celebrating Angel's Anniversary tomorrow. Maaga tayong pupunta sa kanya. " sabi nya.

Saglit na nagpaalam si Angelo at pumasok na sa loob ng tahanan.

Naiwang tahimik ang dalawa.

May kanya kanyang iniisip.

..

Gabi.

Patulog na sana ang dalawa ng makaramdam si Ronron ng pamimigat ng pantog.

"Pare, ihi lang ako. " paalam nya.

Ngumisi si Romeo.

"Sige, sana bosohan ka ni Angel. " biro nya.

Ngunit tila hindi natuwa si Ronron.

"Hindi na ako natatakot pare. Gusto ko syang makita kahit ilang ulit pa. " lakas loob na sabi nya.

Biglang namatay ang ilaw.

Napatalon si Ronron pabalik sa kama at niyakap ang kaibigan.

Saglit lang ay muling bumalik ang kuryente.

Napalunok si Ronron at dahan dahang lumayo kay Romeo.

"N-nagulat lang ako. " palusot nya.

"Kwento mo sa ipis. " natatawang sabi ni Romeo.

Natawa din si Ronron.

Kinalma nya ang sarili at pumasok sa loob ng banyo.

Nagmamadaling umihi at naglinis ng katawan.

Ilang saglit lang ay presko na ang pakiramdam ng binata.

Muli syang lumabas ng banyo at nakita nya si Romeo na naghahanda na para matulog.

Napailing si Ronron at nilapitan ang kaibigan.

Pinagmasdan nya itong matulog.

"Pare, ganyan ka ba talaga bago matulog ? Sandamukal na unan ? " tanong ni Ronron.

"Oo, hindi ako makatulog kapag konti lang ang unan ko. Sa bahay, anim ang unan ko. Pero hindi naman nakakagulat yon eh. " sabi ni Romeo.

Tumango tango si Ronron.

"Oo nga, pero penge naman ako ng unan. " sabi nya.

Natawa si Romeo at inabot ang dalawa.

Pero may napuna pa si Ronron.

"Bakit ganyan ? " tanong nya.

"Ewan ko ba, bata pa lang ako ganito na daw akong matulog sabi ni Mommy. " sabi ni Romeo sa ilalim ng unan.

Namangha si Ronron.

Dalawang unan ang nakapatong sa mukha ni Romeo at tanging ilong at bibig lamang ang nakalabas.

"Di ka nahihirapan pare ? Bakit may unan ka sa ulo ? " tanong nya.

"Ewan ko nga, tang ina mo rin eh. Kung gusto mo, gumaya ka, tatakpan ko pati ilong mo. " asar na sabi ni Romeo.

Natawa si Ronron.

"Napaka bad mo. Masyadong mainitin ang ulo mo pare. " sabi nya at nagtungo sa bintana para sana isarsa ang kurtina.

Pero natigilang ang binata ng may mapansing kakaiba.

Tinawag nya ang kaibigan.

"Pare, teka mamaya ka na matulog. Saglit lang. " tawag nya.

Asar na inalis ni Romeo ang nakatakip na unan sa mukha.

"Bwisit ka, lumalakas na talaga ang loob mo. Una ginising mo ko sa gitna ng pagtulog ko, ngayon pinipigilan mo kong matulog ? " galit na sabi nya.

Napangiwi si Ronron.

"P-pare naman. Sabing si Totoy ang nagpagising sayo. Sige na kasi tingnan mo na to. " pangungulit nya.

Tumiim ang mga bagang ni Romeo at asar na tumayo.

Lumapit sya sa kaibigan para tingnan ang tinuturo nito.

"Ano ba yon ? " tanong ni Romeo.

"Ayun pare, yung babae. Late na pero nandyan pa sya. " turo ni Ronron.

Natigilan si Romeo ng makita ang tinuturo ng kaibigan.

"T-teka, yan yung nakita ko kanina. Nakalimutan ko lang itanong kay Tito Angelo. Hmm. Gusto mo bang puntahan natin ? " tanong nya.

Napatingin si Ronron sa kaibigan.

"L-lalabas tayo ? " tanong nya.

"Gago, alangan na magteleport tayo papunta dyan. " pang aasar ni Romeo.

Natawa si Ronron.

Pero bigla syang natahimik.

"B-baka sarado na yung gate. Baka pagkamalan tayong magnanakaw pare. " takot na sabi nya.

Napahinga ng malalim si Romeo at muling bumalik sa kama.

"You have to folloy your guts pare. Instinct ang magtuturo sayo para mag imbestiga at malaman ang mga nagtatagong katotohanan. Bulilit ka pa pagdating sa imbestigasyon pero hindi pa naman huli ang lahat. Bukas, sigurado akong may magpupunta may kinalaman sa kaso. Kaya matulog na tayo. Hayaan mo na yang babaeng yan, tutal ay mukhang wala kang bayag para puntahan sya. " seryosong sabi ni Romeo at tinakpan na ang mukha para matulog.

Natulala si Ronron.

Nais nyang mainsulto dahil direkta syang sinasabihan ng duwag ng kaibigan.

Ngunit napaisip din sya bigla at kinapa ang sarili.

Natatakot sya.

Pero batid nyang lampas pa sa pisikal na takot ang nararamdaman nya.

Natatakot sya na baka hindi nya kayang haraping ang mga malalaman oras na pilitin nyang hanapan ng sagot ang mga sagot sa kanyang napakaraming tanong.

..

Napahinga ng malalim si Ronron.

Muli nyang sinulyapan ang pwesto ng babae.

Nanduon pa rin ito at tila wala pang balak pumasok sa loob ng bahay.

Nais nya itong puntahan.

Parang may bumubulong sa kanyang may malalaman syang impormasyon sa babaeng iyon.

Pero paano nya haharapin ang takot ?

Napalunok ang binata.

Hanggang sa magpasya syang isara na lamang ang kurtina.

Marahan syang naupo sa kama.

Napatingin sya sa kaibigan.

"P-pare. Sa tingin mo ba, duwag ako ? " tanong ni Ronron.

"Oo. " diretsong sagot ni Romeo kahit na may takip ang mukha nito.

"A-anong dapat kong gawin ? " tanong ni Ronron.

"Mag masturbate. " muling sagot ni Romeo.

Napangiti ng kimi si Ronron.

"Seryoso ako pare, tulungan mo ko. " sabi nya.

Ilang saglit na natahimik si Romeo bago nagsalita.

"Tulad ng sinabi ko kanina, may dahilan kung bakit ka nandito. Pero mukhang babalewalain mo yon at magpapatangay na lang sa agos. Alam mo pare, para malutas mo ang isang problema, dapat mo munang tanggapin na problema nga sya. Duon ka lamang magsisimulang makapag isip ng tamang solusyon. Pero syempre, hindi yon sapat. Matuto kang mag step back. " sabi nya.

Nagtaka si Ronron.

"S-step back ? " tanong nya.

"Step back, umatras ka ng isang hakbang pare. Para mas makita mo ng malaki ang larawan. Wag kang makipagsiksikan sa gitna. Matuto kang magmasid sa likod. Sa pwest mong yon, makikita mo ang mga nasa paligid. Maraming lalabas na katanungan pero wag kang malito, sa bawat tanong ay may nakalaang kasagutan. Nasa sayo na nga lang yan kung paano mo sya hahanapin. Kapag sa tingin mo kulang pa ang ginawa mong pag atras, isang hakbang paatras pa. Hanggang sa tingin mo nasagot na ang lahat ng tanong mo. " pangaral ni Romeo.

Unti unting napangiti si Ronron.

"Grabe. Di ko akalain na ganito ka kagaling pare. Nakakagulat at medyo nakakatulala. Ayoko mang magmukang bakla pero humahanga ako sayo. " sabi nya.

Pero nagulat si Ronron ng biglang mag dirty finger ang kaibigan.

"Pakyu ka. " sabi ni Romeo.

Natawa na lang si Ronron.

Pero biglang sumeryoso si Romeo at inalis ang unan sa mukha.

"Payo lang, dahan dahan sa pag atras. " banta nya.

Napalunok si Ronron at nakaramdam ng kaunting kaba.

"B-bakit pare ? " tanong nya.

"B-baka makatapak ka ng tae. Di mo pa alam. " seryosong sabi ni Romeo.

Natulala si Ronron.

Pero bigla silang natawa pareho.

"Hayup ka, akala ko kung ano na. " natatawang sabi ni Ronron.

Ngumiti si Romeo at muling nagtakip ng unan sa mukha.

"Step back and follow your instincts. Konting payo mula sa Maestro. " nakangiting sabi nya.

Napangiti din si Ronron.

Kinapa nya ang sarili at muling tumayo para silipin ang babae sa kabilang bahay.

Tulad ng inaasahan, nanduon pa rin ito at mukhang umiiyak.

Nagpasya ang binata.

Nilakasan nya ang loob at hinamig ang sarili.

"Pare, nandun pa rin sya. " sabi ni Ronron.

Pero di na nagsalita si Romeo.

Napangiti si Ronron, mukhang nakatulog na ang Maestro nya.

Kailangan nyang magpasya sa sarili.

Huminga sya ng malalim at tahimik na lumabas ng kwarto.

..

Ilang saglit lang, inalis ni Romeo ang unan sa mukha at sinulyapan ang paglabas ng kaibigan.

Dahan dahan syang ngumiti.

Pero mabilis din itong nawala ng may maalala.

"Fuck !, di ko napanuod yung My Husband's Lover !. " bulalas ng binata.