1. Home
  2. Stories
  3. Phone Call Chapter 35 - Friends
Lagablab

Phone Call Chapter 35 - Friends

By supertoyantz ·

Chapter 35 - Friends


Malamig na simoy na hangin.Kahali halinang tunog mula sa asul na karagatan ang agad na nakaagaw ng kanyang pansin.

Kapayapaan.Tahimik ang paligid.
Tanging ang pag alon lamang mula sa dagat at manaka nakang huni ng ibon ang maririnig mo.
Napakagaan ng pakiramdam ni Ronron.
Di nya alam kung bakit sya narito ngunit sapat na ang nararamdaman nyang kapanatagan para itaboy ang katanungang iyon.
Hanggang sa may mahagip ang kanyang mga mata.
Napangiti sya ng makita ang isang babaeng nakatayo di kalayuan.
Tinatangay ng hangin ang mahaba nitong buhok.
Kahit nakatalikod, batid nya ang pagkakakilanlan ng dalaga.
Agad syang tumayo mula sa pagkakaupo sa buhanginan at marahang pinagpag ang pwet.
Humakbang palapit sa babae, kipkip ang matamis na ngiti.
Binuka ang bibig para bigkasin ang pagkasabik, ngunit inunahan sya nito.


"You're in danger. " sambit nya.


Natigilan si Ronron.


Nawala ang ngiti at napalitan ng pagkunot ng noo.


"H-ha ? Anong ibig mong sabihin ? " tanong nya.


Yumuko ang babae.
Tinuloy ng binata ang paglapit at pumwesto sa harap nito.
Gamit ang kanang kamay, hinawakan nya ang baba at marahang inangat ang mukha.
Tumambad kay Ronron ang maamong mukha ni Angel.
Bagama't kapansin pansin ang kaputlaan ng kutis , hindi maitatagong napakaganda ng babae.
Hinaplos ng awa ang binata ng mapansin ang paglandas ng masanagang luha mula sa mga mata nito.
Agad nyang inangat ang kamay.
"Hey, why are you crying ? " tanong nya.
Nagbaling ng tingin ang dalaga.
"Go away. You're in danger. " sagot nito.
Kumunot ang noo ni Ronron.
"Nakakatampo ka naman. Bihira na lang tayong magkita, pinapaalis mo pa ko. " wika nya
Napatingin sa kanya si Angel.
"H-hindi sa ganon. I just want you to be safe. They're bad. All of them. " sambit nito.
Naguluhan si Ronron sa narinig.
Akmang magsasalita pa sana sya ng makarinig ng bulungan.
Hinanap nya ng pinagmulan ng boses.
Ngunit wala syang mahagilap.
"S-sino yon ? " tanong nya sa dalaga.
Pero paglingon nya ay wala na syang kasama.
Nataranta si Ronron at mabilis na ginala ang tingin sa paligid.
"A-angel ? " pabulong na tanong nya.
Hanggang sa muli na naman syang makarinig ng bulungan.
Nanlaki ang mga mata nya ng mapatingin sa dagat.
Ang kaninang payapa at tahimik na karagatan ay tila nagiging mabangis.
Unti unting tumataas ang mga alon nito.
Hanggang sa tuluyan ng lumaki.
Napaatras si Ronron.
Ngunit sa malas, napatid sya sa sariling mga paa at napaupo sa buhanginan.
Pinilit nyang tumayo, pero sa di maipaliwanag ng dahilan tila napako na sya sa kinalalagyan.
Wala na syang nagawa kundi pagmasdan na lamang ang napakalaking alon na unti unting sumasakop sa buong paligid.
Sa huling sandali, ngalan ni Angel ang huli nyang nabigkas.


. . . . .
Napabalikwas si Ronron ng bangon ng maramdaman ang pagsampal ng malamig na tubig sa kanyang mukha.
Sunod sunod syang napaubo pagkuwa'y hinabol ang hininga.
Nakarinig sya ng pagtawa sa paligid.
Mabilis nyang ginala ang paningin ngunit sa malas ay kadiliman ang sumalubong sa kanya.
Batid nyang nakapiring ang kanyang mga mata sa oras na iyon.
Sinubukan nyang igalaw ang mga kamay, pero tulad ng kinatatakutan, nakatali ang mga ito.
Mabilis nyang binalikan ang nakaraan.
Hanggang sa pagpalo ng kung sino sa kanyang ulo.
Sa pagkakaalala sa naganap, sumirit ang sakit sa sistema ni Ronron, ngunit tiniis nya ito.
Naalala na nya ang nangyari.
Muli syang nakarinig ng pagtawa.
Tumiim ang bagang ng mabosesan si Earl.
"Earl. Hindi ko akalaing gagawin mo to. " mahina ngunit galit nma wika ni Ronron.
Nahinto ang pagtawa.
Nakiramdam sya.
Hanggang sa biglang nawala ang takip sa kanyang mga mata.
Napapikit si Ronron sa liwanag na nagmumula sa bintana.
Mabilis nyang ginala ang paningin at tumambad sa kanya ang nakangising mukha ni Earl.
"Hi. " tanging sabi nito.
Napatiim bagang si Ronron.
Akmang tatayo sya ngunit biglang may nagdiin sa kanyang mga balikat dahilan para mapakao sya sa pagkakaupo.
Pilinit nyang lumingon pero mabilis na hinawakan ni Earl ang kanyang mukha at sinampal.
"Ang likot likot mo. Stay put ka nga lang. " sambit nito.
Nayanig ang pagkatao ni Ronron.
Ramdam nya ang pamumuo ng dugo sa kanyang mga labi ngunit sinikap nya paring ngumisi.
"Bakla. Nananampal ka. " pang aasar nya.
Wala pang ilang saglit, dumapo na ang kamao ni Earl sa kanyang mukha.
Halos mawalan sya ng ulirat.
Akmang babagsak na sya sa sahig ngunit sinalo sya ng nilalang na nasa likod nya at muling inupo.
Di pa sya nakakabawi, sumirit muli ang sakit ng sikmuraan ni Earl sa sikmura.
. . . . .
Lantang gulay si Ronron.
Sa tanang buhay nya, hindi pa sya nakakaranas ng ganitong sakit.
Kanina pa nya nais panawan ng ulira't ngunit sa tuwina'y ginigising sya ng tao sa kanyang likod.
Pilit man nyang pinalalakas ang loob, unti unti na nyang nararamdaman ang pagguho ng kumpyansa.
Takot at sakit.
Di nya akalaing mararanasan ang ganitong tadhana.
Bagama't batid nyang delikado ang kanyang pinuntahan, tila ngayon lamang nya ito tuluyang naunawaan.
. . . . .
Sa nanlalabong paningin, nakita ni Ronron ang pag - alis ng lalaki sa kanyang likod.
Hinarap nito si Earl at tila nagtalo ang dalawa.
Umiling iling ang binata.
Pagkuwa'y tinapunan sya ng tingin.
Pilit na inaninag ni Ronron ang lalaki ngunit dahil sa pawis at sakit na nararamdaman, bigo syang masilayan ang mukha nito.
Hanggang sa marinig nya ang pagbukas ng pinto.
May pumasok na kung sino.
Pinilit nyang idilat ang mga mata.
Ngunit sadyang malakas ang hatak ng kadiliman at tuluyan na syang dinala sa kung saan.
. . . . .
Nagising si Ronron sa marahang pagdampi ng malamig na bagay sa kanyang bibig.
Pagdilat nya ay napakunot ang kanyang noo.
"I-irish ? " tanong nya.
Ngumiti ng kimi ang dalaga.
Hindi ito nagsalita, bagkus ay muling dinampian ng bimpo ang kanyang pisngi.
Napangiwi si Ronron.
Bagama't masakit, pilit nya itong binalewala at sinikap na maupo.
Napasandal sya sa pader.
Huminga ng malalim at tinitigan ang dalaga sa kanyang harap.
"Irish. A-anong nangyari ? Kamusta ka na ? " tanong nya.
Nag iwas ng tingin ang dalaga.
Akmang tatayo ito ngunit mabilis ding tumayo si Ronron.
Dahil sa sakit at pagkabilg, na out of balance sya dahilan para bumagsak sya sahig.
Napatili ng mahina si Irish.
Agad nyang binatawan ang bimpo at agad na dinaluhan ang binata.
"W-wag ka muna kasing mag kikilos. Di mo pa kaya eh. " pagalit na sabi nito.
Sa mabagal na kilos, muling napasandal sa pader si Ronron at kinalma ang sarili.
Pinakatitigan nya ang dalaga.
Agad naman itong nag iwas ng tingin.
"K-kanina, bago ako mawalan ng malay, nakita ko kayo ni Jam na binubuhat ng dalawang lalaki. Kamusta ka na ? Ayos ka lang ba ? " tanong nya.
Napakagat labi si Irish.
Akmang tatayo sya ngunit muling nagsalita si Ronron.
"Mag iingat ka Irish. Si Earl ang may pakana ng lahat. Wag kang matakot. Sigurado akong maliligtas din tayo. " wika nya.
Napatingin si Irish sa binata.
"W-what do you mean ? " tanong nya.
Pinilit ni Ronron ang ngumiti.
"My friends are coming. Alam ko, di nila ako pababayaan. " sagot nya.
Kumunot ang noo ni Irish.
"F-friends ? Sinong kaibigan ? " tanong nitong muli.
Napangiting muli si Ronron at pinikit ang mga mata.
Pero maya maya ay muli syang napadilat.
"Nasan si Jam ? Ay bakit di ka nakatali ? " tanong nya.
Napalunok si Irish.
Akmang magsasalita pa ito ng biglang bumukas ang pinto at iluwa si Earl.
. . . . .
Pinilit ni Ronron tumayo, pero dahil sa panggugulping natamo, bigo syang buhatin ang sarili.
Naramdaman nya ang paghawak ni Irish sa kanyang braso.
Napatingin sya sa dalaga.
Umiling ito at sumenyas na wag na nyang pilitin pang lumaban.
Bagama't naguguluhan, tumango na lang si Ronron at binalingan si Earl na nakapamaywang sa harap nila.
. . . . .
"Wow, mukhang okay ka na ah. Ang daldal mo kasi eh. Sorry pare ah. " paghinging paumanhin ni Earl ngunit kita sa mukha nito na hindi ito nagsisisi.
Napatiim bagang si Ronron.
Pilit nyang inangat ang kamay at hinarang kay Irish.
"Pare, parang awa mo na. Ako na lang ang saktan nyo, palayain nyo na sina Irish. Maawa kayo sa kanila, wala silang kasalanan dito. " pagtatanggol nya sa dalaga.
Nagulat ang dalawa sa narinig..
Napayuko si Irish.
Tumawa lang si Earl.
"Really ? Sa itsura mong yan, nakuha mo pang ipagtanggol si I ? Wow, bilib din ako sayo. Well, sige, di ko na sya idadamay para sayo. " sabi nya.
Bagama't nagtataka, napahinga ng maluwang si Ronron.
"S-salamat. " bulong nya.
Hinatak ni Earl ang isang upuan ang naupo di kalayuan.
Bakas sa mukha nito ang pagkaaliw.
"Well, di naman ako ganun kasama. Saka, di ko naman talaga kailangang idamay si Irish eh. " wika nito.
Napakunot ang noo ni Ronron.
"A-anong ibig mong sabihin ? "tanong nya.
Ngumisi si Earl at nagkibit balikat.
"Irish, ikaw nga magpaliwanag. Baka di maniwala sakin yan eh. " sabi nito.
. . . . .
Takang napatingin si Ronron sa dalaga.
Hinawakan ni Irish ang kamay nya at marahang hinawi.
Tumayo ito at nagtungo sa isang parte ng bahay.
Duon lamang napagtanto ni Ronron na nasa kubo sila ng Nirvana.
Kasalukuyan syang nakaupo sa kama at nakatali ang paa sa gilid.
Maya maya ay bumalik si Irish. Dala ang isang mangkok at isang baso ng tubig.
Nilapag nito sa tabi nya at napahinga ng malalim.
"K-kumain ka na. " bulong ni Irish.
Naguluhan si Ronron.
Paano pa nakuhang magluto ng dalaga sa ganitong klase ng sitwasyon ?
Maliban na lang kung.
Nanlaki ang kanyang mga mata at dahan dahang tumingin sa dalaga.
"D-don't tell me. " wika nya.
Nag iwas ng tingin si Irish.
Marahang nilapag ang hawak na plato at nagtungo sa tabi ng bintana.
Napabungisngis si Earl.
"Ako na nga ulit, exciting kasi yung mga ganitong eksena eh. Yung akala mong kakampi mo, sya pala talaga yung kaaway mo. " wika nito.
Lalong naguluhan si Ronron. Napatingin sya kay Irish at di makapaniwalang nagtanong.
"I, totoo ba ? K-kasabwat ka ni Earl ? " tanong nya.

Lumingon ang dalaga at nasa gilid ng mga mata ang luha.
Marahan syang tumango.

Tila gumuho ang mundo ni Ronron.
"W-why ? B-bakit nyo nagawa to ? " tanong nya.
Sumingit si Earl.
"Alam mo pare, okay na sana ang lahat eh. Wala sanang problema kung di ka dumating. Kung di ka nakialam. Sabi ko na eh. Unang kita ko pa lang sayo, alam kong wala kang gagawing maganda. Ayaw lang maniwala nung tatlo eh. " sabi nya.
Napakunot noo si Ronron.
"T-tatlo ? You mean, kayong apat ang may pakana ang ng nangyari kay Angel ? Tang ina ! Ang sasama nyo! " umahon ang galit sa kanyang puso.
Naiiyak na sumingit si Irish.
"It was an accident! " sigaw nya.
Napailing si Ronron.
"Aksidente! Matapos nyong pagplanuhang patayin si Angel ? Akala ko matino ka, kayo ni Jam. Tinuring nya kayong kaibigan. Mga wala kayong kwenta! " ganting sigaw nya sa natitirang lakas.
Napahagulgol si Irish.
Tumayo si Earl at inundayan ng suntok sa panga si Ronron.
Dahil sa lakas, nawalan sya ng balanse at natumba.
Agad naman syang tinayo ng binata at hinawakan sa baba.
Pilit na tinitigan.
"Wala kang alam. Wag kang magsalita kapag wala ka sa pinangyarihan. Sa tingin mo, di namin pinagsisisihan ang nagawa namin ? Dayo ka lang! Pero dahil sa nalalaman mo, di ka na makakauwi sa inyo. " nanlilisik ang mga matang sabi nito.
Nahindik si Ronron.
Tila ibang Earl na ang kaharap nya ngayon.
Para itong sinaniban ng kung sino at ito na ang nakikipag usap sa kanya.
Akmang magsasalita pa sana sya ng biglang bumukas ang pinto.
Niluwa nito ang kanina pa nya hinahanap, si Jam.
Saglit lang na napatingin sa kanya ang dalaga bago hinawakan sa balikat si Earl.
"T-tawag ka sa labas. " sabi nito.
Paradag na binitawan ni Earl si Ronron.
"Kayo na muna ang bahala dyan. Hoy Irish, stop crying. Wala ng magagawa yang pag iyak mo. Nangyari na ang nangyari at lahat tayo damay dito. Malulusutan din natin to tulad ng dati. " wika nya.
Ngunit di pa rin tumigil sa paghagulgol ang dalaga.
Asar na napamura si Earl at padabog na sinara ang pinto.
. . . . .
Napatingin si Jam sa binata.
Hinaplos ng awa ang kanyang puso ngunit batid nyang wala syang kontrol sa mga sitwasyon.
Kinuha na lamang nya ng bimbong kanina lamang ay pinanghahaplos ni Irish at muli itong pinunasan.
Sa nanlalabong paningin, tinitigan ni Ronron sa mga mata ang dalaga.
"W-why ? " mahinang wika nya.
Napalunok si Jam.
Walang boses na namutawi sa kanyang mga bibig.
Tanging ang paghikbi lamang ni Irish ang maririnig sa silid.
Muli nyang nilublob sa tubig ang bimpo at pagkuwa'y tinutok sa sugat ng binata.
Ngunit umiwas si Ronron.
Napabuntong hininga si Jam at nilapag na ang bimpo sa isang tabi.
Dinaluhan nya ang kaibigang umiiyak at pilit pinatahan.
Unti unti namang napanatag si Irish.
Inupo nya sa gilid ng kama ang dalaga at tinitigan si Ronron.
"Sa maniwala ka o hindi, aksidente ang lahat. " wika nya.
Napaismid si Ronron.
"Okay. " tanging nasabi nya.
Nagkibit balikat si Jam.
"Alam ko, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Pero sa tingin ko, dapat mong malaman ang buong kwento. " sabi nya.
Di nagsalita si Ronron.
Ito ang matagal na nyang gustong malaman.
May mga ideya na sya kung anong nangyari ngunit walang wala sa isip nya na lahat ng kaibigan ni Angel ay may kinalaman.
Hanggang sa mapabungong hininga si Jam at nagsimulang mag kwento.
"Nagsimula ang lahat ng makatanggap kami ng tawag mula kay Angel. " panimula nya.
Bagama't nananakit ang katawan, pinili ni Ronron ang makinig.


ITUTULOY !!!