1. Home
  2. Stories
  3. Rated R II Stories 4
Lagablab

Rated R II Stories 4

By Hunter ·

Rated R II Stories 4: Incubus Punishment

alas otso ng umaga ng gisingin ako ni leah dahil narin sa eto ang bilin ko sa kanya sabado ngayong araw at ngayon araw din na eto ko makikita ang mukha ng hayop na bumaboy kay camila ng personal.

agad akong naligo at pag tapos kung naligo ay nakahanda na ang pag kain namin ni leah napawi ng kaunti ang aking nararamdaman na galit dahil sa magandang ngiti ni leah.

matapos kumain ay agad akong nag bihis ng kulay puting t-shirt na gaya ng sinuot ko kahapon ay may inverted na cross eto sa likod.

alas onse ay dumating na ang sasakyan kung saan naka sakay si camila at ng marinig iyon ni leah ay masaya syang nag paalam at hinatid pa nya ako pa palabas ng bahay.

"bye laz ingat ka wag kang papagutom uwi ka rin ng maaga okay" bilis sakin ni leah na nag papa ngiti naman kay JP na parang ng aasar.

"yes yes luto ka ng masarap na ulam mamaya may iniwanan akong pera alam muna kung nasan diba?" sagot ko kay leah na nakangiting tumango at ng makasakay na ako ng sasakyan ay nakangiti paring pumasok sa loob ng bahay.

"anong nakakatawa JP?" tanong ko kay jp dahil tumatawa eto habang nag mamaniho.


"wala naman laz ngayon ko lang nalaman na ang ganda pala ng gf mo kayo na ba ni leah?" tanong nito sakin habang nag mamaniho natawa ako sa tinanong ni jp dahil ni sa hinagap ko ay di ko naisip na gawing gf si leah dahil ayoko syang saktan.

"okay sabi mo yan" nakangiti parin si jp na pinag patuloy na ang pag mamaniho dito napansin ko na tahimik si Camila.

"

oh camila bakit tahimik ka?" tanong ko kay camila hindi nya ako sinagot kaya naman hinawakan ko sya sa baba at inangat ang mukha pra tumingin sya sakin.

"nag seselos ka ba kay leah?" seryosong tanong ko kay camila at nakita ko sa mata nya ang takot ng makita nyang seryoso ako at kitang kita ko kahit di sya sumagot ay nag seselos sya.

"wala kang dapat ipag selos hindi ko girlfriend si leah at isa pa wala akong girlfriend alam ng lahat ng kapatid mo yan kahit itanong mo pa kay JP" sinabi ko kay camila at dahil sa narinig nya ay huminga ng malalim at napa buntong hininga si camila.

"pero bakit mo ako inano nung initiation?" tanong sakin ni camila alam kung nag tataka sya pero hindi ko na kailangang sumagot dahil si jp na ang sumagot para sakin.


"kaya ka nya ginalaw ay part yun ng initiation its a sign na tinatanggap ka ng incubus bilang isang kapatid ako nga ang hirap nung sumali ako si mabell at si emma ang nag initiate sakin and i need to satisfy the two of them" sagot ni jp na may ngiti sa kanyang mukha dahil kitang kita ko ng araw na yun ay halos mabalis si jp sa sarap kasabay ni mabell at emma.

naging tahimik ang loob ng kotse at naka idlip na pala si camila suot nya ang kuwentas at hikaw na inverted cross na nag pangiti sakin.

isang oras ang lumipas at nakarating na kami sa pinag usapang lugar at doon naka tayo si naomi at nag aantay saming pag dating.

"Handa na ang lahat sa loob kayo nalang ang inaantay" salubong sakin ni naomi ng makababa kami ng kotse, pag dating palang namin ay alam na ni naomi at jp na masama na ang timpla ko dahil sa nanlilisik na ang mata ko.

"Mabuti naman tara na camila at may pakikilala ako sayong tao" pag aya ko kay camila sa loob ng building kung saan nandun ang tanod na bumaboy sa kanya.

"ikaw hayop ka!" Galit na sigaw ni camila ng makita ang tanod na nakatali sa upuan wala etong kahit na anung sugat dahil eto ang bilin ko sa lalaking dumukot sa kanya.

"So ikaw pala ang hayop na bumaboy kay camila" nakangiti kong tanong sa tanod at kita ko na walang bakas ng takot sa mukha ng tanod.

"Nasarapan naman ang putang yan ah nung mga sumunod na araw!" Sigaw ng tanod sakin kaya naman hindi na ako nakapag pigil at sinuntok ko ang mukha nya.

isa suntok lang ay pumutok na ang kanyang nguso dahil sa lakas ng suntok na tinamo nya mula sakin.

"ilang beses?" tanong ko sa tanod na ngayon ay nag sisimula ng matakot at kahit si camila ay nakaramdam narin ng takot alam ko dahil may salamin sa likod ng tanod kita ko ang takot sa mukha ni camila.

"interesado ka ba" nakangiting sinabi ng tanod na sinagot ko ng isang malakas na suntok at sinundan pa ulit ng mas malakas na suntok at isa pa.

"wag kang mag sasalita kung hindi mo sasagutin ang tanong ko!" matapos kong suntokin ang tanod aalis na sana si camila ng awatin sya ni naomi.

"wag kang kukurap ginagawa eto ni laz para sayo" sinabi sa kanya ni naomi kaya naman muling humarap si camila at nilakasan nya ang loob para panoorin ang ginagawa ko.

"tatanungin kita ulit ilang beses?" muli kung tinanong sa tanod na ngayon ay takot na takot at naihi na sa kanyang short.

"apat na beses" umiiyak na sagot ng tanod sa tanong ko tinignan ko si camila para siguraduhin kung totoo ang sinabi ng tanod na apat na beses lang.

tumango si camila kaya naman muli akong humarap sa duguang tanod dahil meron pa akong gustong malaman.

"saan mo inilabas?" tanong ko sa tanod alam kung alam nya na pag hindi nya sumagot ay masasaktan sya pero ang hindi nya alam ay depende sa sagot nya ang dadanasin nya.

"sa loob" umiiyak na sagot ng tanod sakin at dahil sa sagot nyang yun ay nag pantig ang tenga ko dahil sa pag iyak ni camila at mukhang napansin eto ni JP kaya mabilis nya akong inawat ng lalapitan ko ang tanod.

"laz hindi dapat ikaw ang gumawa nyan alam mo kung sino ang dapat mag pataw ng dapat mang yari sa kanya" sinabi sakin ni JP sabay tingin kay camila nakuha ko ang ibig sabihin ni JP kaya agad kung nilapitan si camila.

"camila anung gusto mong mang yari sa hayop na yan?" nakangiting tanong ko kay camila para hindi sya matakot sakin.

napangiti ako sa sinagot ni camila walang dalawang isip na sinagot nito na mamatay ang gusto nyang mangyari sa tanod.

"manong alam mo ba kung anong ibig sabihin ng dalawang itim na kandila sa may pintuan" tanong ko sa tanong na umiling lang bilang sagot sa tanong ko.

"puwest malalaman mo rin" lumakad ako papunta sa pintuan at nakita ni naomi na sinindihan ko ang kandila sa kanan kaya alam nya ang naging kahilingan ni camila.

bago lumabas si camila at naomi ay kitang kita ko na sinindihan ni naomi ang kandila sa kaliwa at sinara na ng lalaki sa loob ang pintuan.

"teka teka anong gagawin mo skin?" ang huling salitang nasabi ng tanod bago sya tuluyang tinapos ng lalaki apat na tama ng baril sa ulo gaya ng apat na beses na pag halay nya kay camila.

"nagutom ako dun ah kain tayo saan nyo gusto?" nakangiti kung tanong kay camila at naomi at halatang nag tataka pa si camila dahil kanina lang ay parang isang demonyo ang kaharap nya ngayon ay ibang lazaros na ang kasama nya.

"sige sa food court nalang tayong apat kumain" nakangiting sagot ni JP sakin habang nag papalit ako ng damit dahil natalsikan ng dugo ng tanod ang damit ko.

sinuot ko ang kulay puting t-shirt at kulay itim na long slevee na may inverted cross sa likod at tinupi ko eto hanggang siko.

"salamat laz salamat sa lahat ng ginawa mo" pasalamat sakin ni camila matapos akong mag bihis.

"hindi ganyan mag pasalamat ang isang succubus" nakangiti kung sinabi kay camila na talagang nag taka si camila.

"pano ba?" tanong sakin ni camila at sinagot ko sya ng isang halik sa kanyang labi isang mainit na halik na tumagal ng halos tatlong minuto.

"ganun mag pasalamat ang isang succubus my little succubus" nakangiti kung sinabi kay camila at halata sa mukha ni camila na nag init sya at tinablan sa binigyan kung halik.

itutuloy...