1. Home
  2. Stories
  3. Sana'y Di Na Lang - Part 1
xTorya

Sana'y Di Na Lang - Part 1

By el_nunal ·

Tahimik akong nagbiyabiyahe pauwi noon sa amin, tatlong araw na din ang lumipas nang nangyari yun, isang pagpapaalam sa isang taong naging parte na nang buhay ko, tahimik lang ako noon nakikinig sa radyo, nang biglang may tumawag sa akin, si Charice "Hello, kumusta lakad mo?" "Ok lang... kahit papano "Bakit parang malungkot ka?

Ang tanong ni Charice sa akinAko? Malungkot? Hinde ah Common, you can't fool me, I do know when a person is upset just by listening to their voice, I'm a call center agent before di ba? Something happened?

"Wala, siguro, hinde lang maganda ang gising ko"

"Siguro, I guess I'm just jumping to conclusion... anyway, punta ka naman sa house later ok? Sabay na ba tayo papasok?"

"Hinde, magpapatulong lang sana ako sa iyo, ok lang ba?"

"Sure."

"Sige, inom ka nang energy drink paguwe mo sa inyo ha? Wala ka kasing energy kausap eh, sige, bye love you"

At binaba na ni Charice ang tawag, bigla kong naisip na siguro, tama nga siya, dapat ay maging maligaya na ako ngayon at meron na akong minamahal, kaya naman, sinubukan ko nang aliwin at pasayahin ang aking sarili, paguwi ko noon sa amin ay agad akong dumiretso sa isang computer shop na madalas ko noon tambayan at doon muna nagpalipas nang oras bago umuwi, yun lang kasi ang shop na alam ko na bukas hanggang madaling araw, nakauwi ako noon sa amin bandang alas singko Oh pre, tara laro ang aya sa akin noon nang bantay nang shop, kaibigan ko din kasi noon ang bantay nang shop noon, si JanJan "Sige, matagal tagal na din akong di nakakalaro eh at naglaro muna kami noon nang DOTA, medyo mapurol na ako maglaro noon kaya naman ako ang parang nagpatalo noon sa amin naging tampulan nang asaran "Walangya ka, pakain ka El Nunal"

"Sorry naman at matagal na ako di nakakapaglaro, hayaan nyo magprapractice ulet ako at matapos nang aming asaran ay nagsigarilyo muna kami sa labas noon at nagusapusap"

"Ikaw, kumusta naman kayo nang bespren ko?ang tanong ko noon kay JanJan Ok naman, kaya lang lakas toyo din yang kaibigan mo eh, inaaway ako eh alam nya naman kung nasaan ako "Sakyan mo na lang, mahal mo naman eh at natawa siya noon "Eh ikaw kamusta ka naman sa trabaho mo?

"Ok naman, eto kahit papaano eh ok naman ang sahod "Mahirap ba magcall center? Di naman, sakto lang, basta marunong ka lang magingles at magsalita nang maayos sa kausap mo sa telepono pwede na yun "Ahh... gusto ko sana subukan eh

Madali lang, try mo kasi, puro ka kasi DOTA eh tinignan ko ang orasan sa loob nang shop at mag aalas otso na pala kaya naman nagpaalam na ako sa kanya at umuwi na sa amin.Pagdating ko sa bahay ay agad na akong natulog, hinde ko noon inabutan ang ate ko sa bahay, siguro ay umuwi siya nang Pampanga noon. Paggising ko ay ala singko imedya na noon nang hapon, saktong gising ko ay tumawag naman sa akin si Charice "Hello El Nunal, nasaan ka? Sa bahay, kakagising ko lang ang sabi ko sa kanya noon at nagiinat pa at humihikab Ahh, ganun ba, halata nga eh, punta ka nang bahay bago mag seven or eight, ha? Oo nga pala no, ano ba yang papagawa mo sa akin? Basta, punta ka na lang dito ha?

"Sige Ingat sa biyahe, love you "Love you din" at nang nasa kondisyon na ako ay naligo na ako noon at nagbihis at umalis na agad papunta kina Charice. Naghintay ako noon nang masasakyang jeep, nang may isang motor ang biglang tumigil sa aking harapan noon na may nakasakay na dalawang tao "El Nunal! Saan ka pupunta?"

Ang sabi nang nakaangkas sa motor, at boses babae ito kaya lamang ay hinde ko makilala kung sino dahil naiba ang boses nito, nakasara kasi ang protective glass ng helmet na suot nito, nakatingin lang ako sa kanila noon, hanggang sa alisin nito ang suot niyang helmet, at lumugay noon ang mahabang buhok nito, at doon ay nakilala ko na siya "Oi! Ikaw pala"

"Papasok ka na ba?ang tanong ni Irika sa akin Oo eh, sino yang kasama mo? ang tanong ko sa kanya habang nginunguso ko ito "Ah... si Ryan, boyfriend ko, yung sea man at inangat nito ang suot niyang helmet at nakipagkilala sa akin Pre, Ryan nga pala malaki ang pangangatawan nito, halatang batak sa trabaho sa barkong sinasakyan niya, at kung titignan mo siya ay para siyang mananapak na lang pero sadyang ganun lang pala ang mukha niya, mukha naman kasi itong mabait at mahiyain pa, nakipagkamay siya sa akin at walang wala ang kamay ko sa kamay niya, ang laki, parang kamay nang basketbolista El Nunal pre, saan ba kayo pupunta? "Kakain lang kami ni Irika sa bayan, eh pinapadaanan ka niya, tatanungin kung gusto mo daw sumama?"

"Sige pre kayo na lang, may pasok pa ako eh, isa pa, di pa naman ako gutom, makakaistorbo lang din ako sa inyo kaya kayo na lang Ano Irika tara na ba? ang tanong nang lalake habang si Irika naman ay nakatingin sa akin at inirapan ako Tara na nga ang sabi nito at muling sinuot ang helmet niya at umandar na sila paalis, natatawa ako noon, hinde ko alam kung nantritrip na naman si Irika o hinde, pero hinde ko na lang ito pinansin at sumakay na sa jeep. Habang nasa sasakyan ay tinext ko na si Charice at pinaalam na papunta na ako, at pinagmasdan ang mga bagay bagay sa paligid. Bigla akong nakatanggap nang text mula sa mga kaibigan ko

Message 1"Hoy EL Nunal, bukas birthday mo na ah?! Anong plano?
Message 2"Oi Bukas, wag ka nang pumasok magcelebrate tayo nang birthday mo, di na nagpapakita sa amin ah?"
Message 3 "Hoy! Pumunta ka sa LP sa sabado, celebrate natin birthday mo"

Kaya naman tinext ko sila na sa sabado na lang kami magkita kita at meron pa akong pasok nang araw na iyon, sabado kasi noon ang restday ko, dapat kasi ay irerequest ko na restday ko kinabukasan kaya lang ay madami palang que calls nang araw na iyon kaya naman wala akong choice kung hinde tanggapin ang Sabado bilang rest day ko. Pagdating ko sa may Crossing ay agad na akong umakyat at pumila para bumile nang ticket para sa tren. Sa pila ay bigla kong napansin ang isang babaeng nasa bandang unahan ko noon, at parang kilala ko ito kaya naman, nilapitan ko ito para makumpirma, hinde nga ako nagkamali, si Jessa nga iyon Oi!

"Oi! "Ang aga mo El Nunal ah, saan ka pupunta? Sa kaibigan lang, ikaw? "Sa work na natin, may gagawin pa kasi ako doon eh, si Ms. Kaye kasi, may nagreklamo daw sa akin na customer, mali daw yung information na nasabi ko sa customer, kaya pakikingan nila yung call, confident naman ako na hinde ako mali eh, isa pa, sadyang mahina lang talaga pumick up yung nakausap ko noon, matanda na kasi eh Ganyan talaga minsan, may mga customer na ang hirap kausap akala mo hinde makaintindi o hinde ka lang talaga iniintinde Kakastress nga eh, teka, sabay ko na ticket mo, doon ka din naman sa Ayala di ba? "Libre mo ba ako? at hinde siya nagsalita noon at inabot na lang sa akin ang ticket at sabay na kaming sumakay noon sa tren, napansin ko ang suot niya noon na longsleeves na turtle neck, at nakasuot siya noon nang ipit n may desenyong sumbrero sa itaas at nakasuot lang siya noon nang miniskirt

"Oh bakit? ang tanong bigla sa akin ni Jessa, napansin niya pala ako na nakatingin ako sa kanya"

"Wala, ang cute mo lang kasi sa itsura mo "

"Ganun? Nilibre lang kita nang ticket cute na ako sa paningin mo, adik to at pagdating namin sa station ay naghiwalay na kami nang dinanaan"

"Sige, kita na lang tayo sa work" ang sabi niya sa akin at nauna na siya sa aking bumaba sa may hagdan, ako naman, ay tinext ulit si Charice, tinext ko na din si Eusha noon para tignan kung nakapasok na ba siya, hinde pa din siya pumapasok nitong nakaraang dalawang araw. Tumawag noon sa akin si Charice Saan ka na? "Sa may MRT Station sa Ayala "Hintayin mo na ako dyan, sabay na tayo "Nasaan ka? Sa may SM Ayala lang, palabas na ako bumaba ako noon at tinatanaw ang mga taong lumalabas noon at nakita ko siya noon na may dala dalang mga groceries at may dala pa siyang nasa may paper bags, agad ko siyang nilapitan noon at kinuha ang mabibigat na dala niya "Sana nagpasama ka manlang sa Yaya Ida mo, sana hinde ka nahihirapan"Ano ka ba, kaya ko naman eh, tara, taxi na tayo "Di mo ba dala sa sakyan mo? Hinde ko pa nakukuha kay Ryan yung susi eh, nawala sa isip ko "Oo nga pala, si Sir Ryan eh nasa pang umagang shift ngayon kasi nagseseminar nga pala siya"

"Oo nga eh, di ba? Eh hinde ko naman mapuntahan sa bahay nila at hinde ko naman alam ang bahay niyang nilipatan sa may Pasig"Ahh.. ganun ba? at tumawag na kami noon nang taxi at sumakay, pagdating namin sa kanila ay sinalubong kami noon ni Yaya Ida at tinulungan kami sa mga dala namin, pagpasok ko nang bahay ay nagulat ako dahil may mga pagkaing nakahanda sa may sala nang bahay niya Aba, sinong bisita mo? Mukhang sosyal ah ang biro ko sa kanya at ngumiti siya sa akin at hinalikan ako bigla sa pisngi Advance Happy Birthday Ibig sabihin... naghanda ka para sa akin, kaya mo ako pinapapunta nang maaga? Oo, biro lang yung magpapatulong ako sa iyo dito sa bahay, gusto lang kitang isurprised niyakap ko siya noon at hinalikan din sa pisngi

"Salamat, salamat talaga, ngayon lang may naghandang babae para sa kaarawan ko, siyempre di na kasama nanay at ate ko dun ha

"Ok lang yun, ano ka ba, isa pa,may gusto din sana akong sabihin sa iyo..Ano yun?Kumain na muna tayo at habang kumakain kami noon ay hinanap ko ang anak niya Saan nga pala ang anak mo? "Natutulog sa taas, napagod sa school activities niya kanina eh"

"Ahh... kaya pala, teka, ano ba yung gusto mong pagusapan natin? "Kasi... di ba... bigla kong naisip eh... parang ang bilis natin, parang kelan lang nagkakilala tayo, tapos, may ganun agad, di ba? napaisip ako sa sinasabi ni Charice noon sa akin, napansin ko nga na ang bilis namin, at isa pa, hinde ko pa naririnig na sinabi niya na girlfriend ko na siya at boyfriend na niya ako "Oo nga noh, parang, hinde manlang ata kita niligawan, pero ok na din yun "What do you mean? ang tanong ni Charice sa akin habang nakangiti

Kasi di na kaya uso ngayon ang ligaw ligaw, pampatagol lang yun sa process nang relasyon eh Sabagay, di na naman tayo mga bata para magpa tweetums diba? tumabi siya sa akin at binaba ang kinakain niya, at nang akmang hahalikan na niya ako ay may biglang nagdorbell sa bahay, tumayo si Charice noon at sinilip kung sino iyon at pinapasok ito. "Hey, nadalaw ka sa bahay?

Sir Ryan, ikaw pala ang bati ko noon sa kanya at inakbayan ako nito So, you choose your house as a venue for his birthday huh?ang sabi ni Sir Ryan noon kay Charice at inakbayan niya din noon si Charice, matangkad kasi si Ryan kaya naman para kaming mga kapatid lang niya at nakikain siya sa amin I'm sorry El Nunal but we can't move your restday tommorow, madami kasing calls this weekdays eh, pasensya na ha "Ok lang po ser, kayo naman, inisip ko lang naman kung pwede eh, kaso di pala hahahaHey El Nunal, sana, wag kang aabuso ha, wag lalaki ang ulo, if we're doing this kind of favor sa iyo "Opo sir, di naman po ako nakakalimot nag posisyon ko eh "Well, I'm just reminding you, kasi yung iba, alam mo naman porke't close na nila yung mataas sa kumpanya eh, kung umasta eh, akala mo eh kalevel lang nila yung tao

"Nagsalita ang bakla! ang biglang sabi ni Charice at nagtawanan sila noon, kung iisipin ko nga naman, ang swerte ko at ang bait ni Sir Ryan sa akin, at siyempre, naging shota ko ang supervisor ko noon, kaya lang, hinde pa naman sinasabi ni Charice noon na boyfriend na niya ako, baka ako lang ang nagaasume noon at mapahiya pa ako "Eto nga pala yung susi mo, yung car mo, nandoon sa parking lot, walangya ka, next time, kung hinde mo kaya, wag ka nang iinom nang ganoon ha? ang sabi ni Ryan kay Charice "Thanks!!! Kaya love na love kita eh at niyakap siya ni Charice"IHH!! BAKLA!!! YUNG SUSO MO NAMAN!!! DUMIDIIN KADIRI

Ang sabi ni Ryan habang tinutulak si Charice at tila ba lalo pang dinidinan ni Charice ang yakap niya kay Ryan, natatawa ako noon, halatang bading na bading si Ryan noon "Ito naman, hug lang naman yun eh, gusto mo halikan kita? ang pabirong sabi ni Charice "Ay Bakla subukan mo! At paduduguin ko yang nguso mong maganda! ang sabi ni Ryan noon at di ko maiwasan matawa

"Si El Nunal na lang yakapin at halikan mo! Wag na ako! ang sabi ni Ryan habang pilit inaabot ni Charice noon nang halik si Ryan, hanggang sa natumba noon si Ryan at pinaghahalikan ni Charice noon si Ryan sa labi

"IIH!!!! CHAA!!! ANO KA BA!!! IIHH!!! KADIRI!!! ang sabi ni Ryan at nilubayan na ni Charice si Ryan na tawa nang tawa

"Bakla ka, wag kang lalapit sa akin sasabunutan talaga kita! ang sabi ni Ryan habang pinapagpagan ang sarili at pinupunasan ang labi niya noon nang panyo "Gagawin kitang lalake, ayaw mo noon? "Bruha! Wala ng pagasa! Luka luka ka talaga! at tumabi noon sa akin si Charice at tinignan ko, nagulat ako noon at nakatingin siya sa akin noon na para bang may gustong sabihin "Bakit ano yun?"

Ang sabi ko kay Charice Love you! ang bigla niyang sinabi at niyakap din ako, at dumiin ang dibdib niya sa akin at hinalikhalikan ang aking pisngi "Wag kang magseselos kay Ryan ha? Biruan lang namin yun"Letcheng biro yun! Kadiri!"

Ang biglang sabat ni Ryan at binato niya nang panyo si Charice, samantalang si Charice naman ay tawa lang noon nang tawa "Huy, El Nunal, wag kang magseselos sa akin ha? Yang babaeng yan eh sadyang manghaharas lang talaga nang mga baklang tulad ko! Ugali na niya yan kahit noon highschool pa lang kami! "Huy!!! Grabe ka naman! ang natatawang sabi ni Charice "Nako, bantayan mo yang si Cha, at pagnakakita nang bakla yan, ewan ko, tignan mo, pagtritripan niya yun, meron kasi yang boyfriend dati akala niya lalake, tapos nalaman niya na bading pala!""Hooy!!! Ikaw talaga!!! Sabi mo di mo ipagsasabi yun!!!""Eh ano naman?! Hinde niya naman kilala yun eh, ikaw talaga, nga pala, anong oras na? pagtingin namin sa orasan ay magaalas dose na

"Huy El Nunal, mauna ka na, pumasok ka na at baka malate ka pa, sabay na tayo, si Cha eh mamaya pa ang pasok niyan, o sasabay ka na ba sa amin bakla? "Sige mauna na kayo, magliligpit pa ako "Sige, tara na El Nunal at nang paalis na kami noon ni Sir Ryan ay hinawakan bigla ni Charice ang aking kamay at nang humarap ako ay hinalikan niya ako noon, nagpalitan kami noon nang halik "Hapy birthday ulit" at umalis na kami noon ni Sir Ryan at sumakay sa dalang oto ni Ryan

Napakadaming tawag noon ang dumadating sa akin, hinde ko alam kung bakit pero para bang ako lang ang tumatanggap noon nang tawag, mabuti na lamang at mga minor lamang ang mga concerns and inquiries ang aking nakukuha noon, at kakaunti ang mga reklamo talaga na kailangan kong iresolba o ipasa sa ibang mas mataas na lebel na agent noon, pagkatapos, sa wakas ay nagbreaktime din kami, bago ako noon lumabas nang floor ay bigla akong tinawag nang isa sa mga kasama kateam ko noon "El Nunal, sandali lang, sabi ni Sir Ryan, eh pumunta ka daw muna sa conference room kaya naman pumunta ako noon sa may conference room, at pagpunta ko doon ay nagulat ako"HAPPY BIRTHDAY!!!" nandoon pala lahat nang mga kateam ko noon at maging si Sir Ryan, at may dala pa silang cake noon, masaya kong sinalubong ang birthday ko na kasama ang mga taong ngayon ko lang halos nakilala, pero, masaya na din, kaya lang, meron akong taong hinahanap noon, pero wala siya, si Charice, tinext ko siya noon pero hinde siya sumasagot sa akin, siguro ay hinde pa siya noon nakakapasok, matapos naming kumain ay nagbalikan na kami sa station namin, ilang oras pa ang lumipas ay natapos na din ang aking shift, pumunta ako noon sa may canteen, at nagpahinga na muna. Habang nakaupo ay may nagtakip nang aking mata

"Sino to?"Ang tanong ko noon "Hulaan mo ang sabi nito, at nagulat ako nang makita ko si Eusha "Oh! Ayus ka na?" "Oo ok na ako"

"Teka ang aga mo naman, pumasok ka ba? "Hinde, maaga lang ako pumunta para ipasa sa nurse yung medical certificate ko, ifoforward na lang nila sa work force para daw maclear ang pagpasok ko, teka nga palaat may kinuha siya sa bag na dala niya, isang regalo, maliit lang itong kahon na nakabalot sa pulang gift wrapper at inabot niya sa akin ito"Happy birthday nga pala"Salamat, ano to?"Edi buksan moMaya na lang para surprise May lakad ba ngayon? ang tanong ni Eusha sa akin "Wala naman, hinde ko lang alam kung meron, bakit? Ayain sana kitang kumain, treat ko, birthday mo naman eh "Ok lang... saan mo ba ako i tretreat?"Kaw saan mo ba gusto?"Uhm... sandali, alam ko na kung saan, may naalala ako bigla, di ba di pa kita natretreat, sa pustahan natin, tara, sa Ssbaro tayo,

Ako ang magtretreat sa iyo! at pumunta na kami noon sa may Ssbaro, hinde naman ganoon kadami ang kumakain nang mga oras na iyon kaya naman madali lang kaming nakaorder noon, naghanap na din kami nang mauupuan habang naghihintay kaming maluto ang aming order "Wala ka bang balak ngayong birthday mo? Uhmm... matulog?"Ang boring naman nang birthday mo! Gala tayo? "Wag na, ano ka ba, ikaw talaga mukha kang gala mamaya mabinat ka niyan eh "Eto naman, magaling na nga ako oh! "Eh pag nabinat ka, ikaw talagaat ilang sandali pa ay dumating na ang inorder naming Mauubos kaya natin to?ang tanong sa akin ni Eusha "Oo naman, lakas mong kumain eh! "Ay Hayop! Di naman ako malakas kumain eh! pero nang nagsimula na kaming kumain, tahimik lang akong pinagmamasdan ang pagkain niya, at sa walang slice nang pizza, tatlo lang ang nakain ko at ang iba ay sa kanya, bigla ko siyang inasar noon nang kinakain na niya at mauubos ang huling hiwa nang pizza "Ehem!! Ehem!! akala ko ba hinde ka malakas kumain"

"Ang sarap eh, magkano ba to? at tinuro ko sa kanya ang presyo nang kinain naming "Ano?! Ang mahal naman?! "Ok lang yun, masarap naman eh, diba? "Tutal, isa pa, sagot mo naman diba?! ang tawa niyang sabi sa akin, nang matapos na kaming kumain noon, ay lumabas na kami at naglakad lakad "Saan ka na pupunta niyan? ang tanong ko sa kanya "Di ko alam, siguro, uuwi na lang ako"

Hatid na ba kita? "Wag na ok lang ako, ano ka banagulat ako nang bigla na lamang may bumanga sa akin, nagulat ako nang lumingon ako sa likod para makita kung sino ito "Uy..Sup El Nunal" ang bati sa akin ni Mac "Ok lang "Who's that pretty lady beside you? Your friend? ang tanong sa akin ni Mac at sabay nilapitan si Eusha "Miss, Mac nga pala, kaibigan nang girlfriend ni El Nunal at inabot ang kamay ni Eusha at hinalikan ito "Ano ba yan, may kiss agad? ang sabi ni Eusha na natatawa at nagulat sa ginawa noon ni Mac

"By the way, can we talk, in private? ang tanong sa akin ni Mac "Would that be ok miss? ang tanong din ni Mac kay Eusha

"Ok lang... ok lang, sige, EL Nunal, mauna na ako at nauna nang umalis si Eusha at ako naman ay inaya ni Mac sa sasakyan niya"Kelan pa kayo? ang tanong ni Mac sa akin habang nasa biyahe kami "Nino?Ni Charmaine, meron pa bang iba? ang nakangiting tanong sa akin ni Mac Wala na, si Cha lang talaga ang girlfriend ko ngayon Kelan pa kayo? Kelan mo pa girlfriend si Charmaine?

"Kelan lang, almost a week pa lang...bakit? "Wala lang, I'm just curious, would you like some coffee? at pumarada kami noon sa Starbucks, umorder siya noon samantalang ako naman ay naghihintay sa upuan habang tinetext si Charice na hanggang sa mga sandaling iyon ay hinde sumasagot, iniisip ko na siguro ay lo bat lang siya o kaya naman ay tulog"So, you mean, hinde pa pala kayo lubos na magkakilala no? "Parang ganun na nga, bakit? May dapat ba akong malaman? ang tanong ko sa kanya na medyo pabalang at para bang nangilag bigla si Mac noon "Don't get the wrong idea ok, I'm not here para siraan siya or anything like that, I'm just asking this because, gusto kong makilala ang maswerteng lalakeng girlfriend ngayon ng kababata ko, ikaw naman, init agad nang ulo eh Sorry Mac kung medyo nagtaas ako ng boses, akala ko kasi, kung ano na eh "Mac! El Nunal! bigla kong narinig ang boses ni Charice noon na may daladalang paper bags, at nang makarating na siya sa aming inuupan ay hinalikan niya ako at si Mac sa pisngi Ikaw talaga, so you do bring him here ang sabi ni Charice at niyakap ako "Ha? So ibig sabihin. "Yup! Pinahanap kita kay Mac, sabi ko kasi sa kanya, in case na makita ka niya sa labas eh isama ka dito, sorry ha, hinde ako makareply sa mga texts mo, may sira ata tong phone ko eh, hinde makasend nang messages, palaging message sending failed tinawagan ko na nga yung customer service nila eh kaso, wala pa din "Ahh... kaya pala" "By the way.. at may kinuha si Charice noon sa paper bag na dala niya, isang polong itim "Happy birthday! Alam kong favorite mo suotin eh polo at mahilig ka sa black na kulay kaya eto naisip kong iregalo sa iyo"Salamat, di mo na naman kailangan magregalo sa akin eh "Ano ka ba? ok lang yun, oi Mac anong oras na? "Well, quarter to seven na "Ay shocks! Tara na, baka malate pa ako sa appointment ko at mainit yung client ko, El Nunal, kita na lang tayo mamaya ha?"

"Sige... sasabay ka ba sa kanya? "Oo, may problema kasi sasakyan ko eh, sige ha bye at hinalikan niya ako sa labi, at nang paalis na siya ay hinawakan ko ang kamay niyaBakit? "Ingat ha. at tumayo ako muli siyang hinalikan "Ok, ikaw din ingat ka pauwi at pinagmasdan ko siya habang palayo, hanggang sa makaalis na sila ni Mac "Sir eto na po yung order nyo at iniwanan na nang lalake ang inorder na kape ni Mac, natawa ako bigla dahil hinde manlang nakahigop kahit konti si Mac sa inorder niya na kape, kaya naman pinatake out ko na lang ang dalawang kape at inuwi sa amin.

"Ate oh, pasalubong ko ang sabi ko at inabot ko sa kanya ang kape "Ano ba yan, bunso, magkakape ka nalang mamahalin pa, pwede ka naman bumili nang mumurahin ah "Ate, libre lang yan "Weh?! Bunso, hinde porke kumikita ka na nang malake eh grabe ka na gumastos, aba bunso, hinde pa tayo bayad sa utang "Ate naman, wag mo naman ako sermonanan kahit ngayon lang oh, birthday ko naman eh "Kasi naman bunso, di mo naman kasi kailangan gumastos nang malaki para lang sa kape "Ate, libre nga lang yan, matutulog na ako ha at natulog na lang ako noon, medyo nabadtrip ako kasi naman imbes na simpleng salamat na lang ang sasabihin sa akin ay kung ano ano pa ang sinasasabi at para bang ayaw pa akong paniwalaan na hinde naman ako gumastos nang ganoon kalaki para lang sa kape, napasama pa ata ang pagiisip ko noon na maguwi nang pasalubong sa kanya. Pagkagising ko noon ay hapon na, tinignan ko ang aking cellphone at napakadami kong mensahe noon, at halos lahat ay puro bati lamang nang Happy Birthday maliban sa isang mensahe galing sa isang hinde ko kilalang numero

Message "Hoy, pede ka ba ngayon? Kita nga tayo sa Robinson Galleria" nagisip ako kung sino iyon, kaya nag - miss call ako sa numerong iyon, at ilang sandali pa ay nagtext ulit ito at nagpakilala"Si Stella to, ano may ginagawa ka ba?Wala naman, bakit anong meron?" "Basta, pwede ka ba? "Anong oras ba?" "Ngayon na, hintayin kita dito "Halos dalawang oras ang biyahe ko papunta diyan sigurado ka? Oo naman, kasama ko naman si Eusha eh at bumangon na ako noon at naligo, magaala una na noon nang umalis ako sa bahay, nasalubong ko noon ang ate ko sa daan"O, saan ka pupunta? ang tanong sa akin nang ate ko "May pupuntahan lang ako, diretso na din ako pasok"EL Nunal, Happy Birthday nga pala isang boses ang narinig ko sa likuran ko "Bunso, sino yan? at pagharap ko..

Pauline?! Bat nandito ka? at niyakap niya ako noon Ate si Pauline nga pala, kaibigan ko kaibigan ko si Pauline dito sa amin, noong malapit kami noon sa kanila nakatira, madalas kaming tumatambay sa bahay nitong babaeng ito, at si Pauline ang bespren kong babae at ang girlfriend nang kaibigan ko na si JanJan "Nagparebond ako,tignan mo oh! at parang baliw na inikot ikot ang ulo niya at tawa kami nang tawa noon nang ate ko "Tigilan mo na nga yan, nakakahiya"Aba, bakit ako mahihiya, kahit na nakakahiya ang ginagawa ko, maganda pa din ako! Di ba nga ate? at inapiran ni Pauline ang ate ko "Saan ka pupunta?" ang tanong bigla sa akin ni Pauline

"Dyan lang" "Dyan lang eh bat nakabihis ka? Makikipagdate ka lang ata eh"Hinde, may sasamahan lang ako" "Utot mo El Nunal! Uy, sa Sabado ha, wag kang mawawala ha, ikaw ang rason kung bakit kami naghahanda doon Ano bang meron? "Ah tila tanga ata to eh, celebration nang birthday mo! Di ba nga?!Ay oo nga pala noh? "Ay El Nunal, may dadalhin akong babae doon, nakilala ko siya, friend ko siya, maganda! "Weh? "Ahh, sige, pustahan ano? Pag nagandahan ka sa kanya, anong gagawin mo? "Eh di nagandahan ano pa ba? at may dumaan na na jeep noon kaya naman sumakay na ako

"Sige, sa Sabado na lang ang sigaw ko noon habang nakasilip sa bintana nang jeep. Tinext ko si Charice noon, nagpaalam ako sa kanya na ako ay luluwas, hinde ko na hinintay pa ang text niya sa akin dahil sa alam ko na sira nga ang phone niya, tinext ko din si Eusha at Stella at pinaalam na nakasakay na ako, matapos noon ay naidlip na muna, nagising ako nang marinig ko na nagriring ang aking cellphone "Hello? "Oi El Nunal, nasaan ka na? "Oh Stella, nasa biyahe pa ako, teka, nasa Rosario na ako, malapit na"

"Ahh ganun ba, sige, text ka lang ha, sa Megamall na lang tayo magkita, sandali, kausapin ka daw ni Eusha ilang sandali pa ay boses na ni Eusha ang narinig ko "Nasaan ka na? "Sa may Rosario na ako, ano bang meron? "Basta, punta ka na lang dito, ok? "Sige sige at binababa na nila ang tawag,mabuti na lamang at hinde noon trapik, at ilang minuto pa ay nakarating na ako sa Megamall, at tinext ko na noon si Eusha at Stella "Magkita tayo sa food court, kumakain kami ni Eusha dito at pagpunta ko noon sa food court ay kumayaw noon sa akin si Eusha at pinuntahan ko sila doon, napansin ko na meron isang regalo sa ibabaw nang mesa "Regalo ni Stella, tska Peace offering niya na din daw ang sabi ni Eusha sa akin at si Stella mismo ang nagabot sa akin nang regalong iyon "Ayan ha, quits na tayo, happy birthday nga pala at sinuntok niya ang braso ko noon bilang pagbati, napansin ko ang cute nang suot nang magkaibigan, magkaterno sila nang suot na blouse, kulay blue ito at nakasuot si Eusha nang skinny jeans at si Stella naman ay may kaiklang shorts na maong, napansin ko din ang kagandahan ni Stella kaya biniro ko siya noon "Ang ganda mo naman, nakakainlove ka

"Gagu! ang nakangiting sagot sa akin ni Stella na parang natuwa sa aking sinabi umupo ko sa tabi ni Eusha noon at tinanong sila "Ano bang meron at pinapunta niyo pa ako dito? Dahil diyan sa regalo ang sabi ni Eusha at lumapit sa akin si Eusha at binulong bigla na "At gusto ka daw makadate ni Stella nahihiya lang tinignan ko si Eusha at napangiti "Di nga?!ang sabi ko sa kanya at tumango tango si Eusha noon habang nakangiti, si Stella naman ay abala noon sa pagkain, o nagkukunwari lang na walang pake noon, sinubukan kong tanungin si Stella kung totoo iyon kaya lang ay hinde ko magawa dahil mamaya ay binibiro lang ako ni Eusha at suntukin ako nang kaibigan niya, kaya naman pinakiramdaman ko na lang muna ang babaeng iyon, nagulat ako nang biglang magpaalam sa amin si Eusha

"El Nunal, Stella, may bibilhin lang ako sandali ha, dyan muna kayo at umalis noon si Eusha at naiwan kami noon ni Stella, hinde kami noon nagkikibuan, medyo nailang na ako noon sa katahimikan kaya naman ako na ang unang nagsalita, pero wala ako noon maisip na maitanong o maging topic nang usapan namin, bigla ko na lamang naitanong "Anong kulay nang bra mo? at para bang nagulat si Stella "HA?! BAKIT MO TINATANONG? ang may kalakasang sabi ni Stella noon at medyo pinagtinginan kami nang mga tao Hinde yun ang itatanong ko, sorry talaga, ang itatanong ko sana kung anong kulay ang paborito mo? Sorry talaga habang hiyang hiya ako noon sa aking nasabi, hinde ko talaga alam nang mga sandaling iyon kung bakit iyon ang naitanong ko"B-blue..."

Ang sagot sa akin ni Stella habang natatawa sa aking sinabi "Seryoso ka bang nagkamali ka lang?ang tanong sa akin ni Stella noon

"Oo, promise, di ko talaga sadya"Bakit ba kasi yun ang pumasok sa isip mo? "Hinde ko nga din alam eh, minsan talaga, gago ako magisip eh, sensya na ha Halata nga at ngumiti noon si Stella, ang ganda niya pala lalo pag ngumingiti Ano bang regalo mo? ang tanong ko sa kanya Eh di buksan mo at nang binuksan ako ay nagulat ako sa akin nakita

Agad ko itong itinago habang si Stella naman ay nakangiti at para bang natuwa sa naging reaksyon ko sa aking nakita "Kanino to?!" ang nakangiting tanong ko sa kanya "Amoyin mo nang malaman mo ang pabirong sagot sa akin ni Stella, nagulat ako nang ipaamoy niya sa akin ang isang panyo, mabango ito, kinuha ko ang regalo at bahagya itong binuksan para maamoy din ito at nagulat ako dahil halos kaparehas lang nang amoy nang bra na iyon ang amoy nang panyo, napatingin ako kay Stella at nakangiti siya sa akin "Bakit naman ito ang regalong binigay mo sa akin, nakakatawa ka naman, anong gagawin ko sa bra mo? "Tungak! Hinde akin yan! Bat ko naman ibibigay yung bra ko sa iyo! Gagu ka talaga Ha? So ibig sabihin, hinde sa iyo ito... kanino? "Kay Eusha, kinuha ko kanina sa bahay nila, ayos ba? "Adik ka! ang sabi ko sa kanya at nagkatawanan kami noon, hinde ko akalain na may kapilyahan pala itong si

Stella "Ayaw mo pa?" "Adik ka Stella! Alam ba ni Eusha to? Hinde, pati din sana siya isusurprise ko eh, kaso umalis naman si Tamtam, well, anyway, thanks ha "Saan?" "Well, for the effort of coming here, hinde ko akalain na pupunta ka talaga eh

Well, boring kasi sa bahay, wala naman ako gagawin doon, and besides, I wanted to go here and kill some time, nagkataon naman na nandito pala kayo, kaya pumunta na din ako"I see, may... ano ka na ba? "Ano? at parang nagaalinlangan na magtanong noon si Stella, uminom siya nang ice tea bago niya tuluyang sinabi sa akin "May girlfriend ka na ba? O Boyfriend? napangiti ako sa tanong Niya "Bakit naman pati boyfriend tinatanong mo, malamang wala, pero girlfriend meron "Siyempre, mabuti na nagsisigurado, sa dami nang bakla ngayon hinde mo alam kung sino na ang straight o hinde... matagal na ba kayo? "Halos, magiisang buwan na, bakit? Wala lang iniisip ko kasi, baka naman hinde mo talaga gusto yung girl, at napipilitan ka lang di ba? "Ako pa magiging choosy? Sa mukha kung ito

Wala naman masama sa mukha mo ah? Medyo napalaki lang talaga ang nunal mo sa mukha eh, pero ok ka naman Weh? Kung liligawan ba kita kunwari, sasagutin mo ba ako? "Bakit hinde?! at bigla kaming natigilan sa paguusap namin, nagulat ako noon, inaasahan ko kasi na kabaligtaran ang isasagot niya sa sinabi niya sa akin, si Stella naman ay para bang nabigla din, mukhang totoo nga ang sinasabi sa akin ni Eusha "Ku..kunwari lang naman yun eh! Di ba? ang biglang sabi ni Stella at nakakatuwa siya dahil sa mestisa siya, pansin na pansin mo na nagblublush siya at nakakatuwa siyang tignan, hinde ko maiwasang mapangiti "Bakit ka ngumingiti? ang medyo asar na sabi ni Stella sa akin habang kinukurot kurot ako noon "Ang cute mo pala pagnahihiya ka, nagblublush ka, para kang kamatis ohkumuha si Stella nang salamin sa bag niya at nang tinignan niya ang sarili niya sa salamin ay napangiti siya at biglang napatungo "Ano ba to... nakakahiya!!"Ang sabi ni Stella na bahagyang natatawa"Alam mo ba, ngayon lang ulit ako namula nang ganito sa harap nang ibang tao ang sabi niya sa akin at tumingin siya sa akin habang nakangit

"Paano kung halimbawa... pumayag ako na maging girlfriend mo, papatulan mo ba ako? Kunwari lang naman eh napangiti ako sa tanong ni Stella,kung paano niya ito sabihin ay seryoso siya pero kunwari lang ito "Stella, napakasinungaling ko naman kung sasabihin kung hinde, di ba? Sino bang hinde magkakagusto sa isang Stella na katulad mo? Maganda, sexy, maputi, makinis, aba, tipikal na pangarap ng bawat kalalakihan, so bakit hinde ako papatol sa iyo di ba? Ano bang unang impresyon mo sa akin? natawa ako bigla sa tanong niya, naalala ko kasi ang sipang binigay niya sa akin sa bahay ni Eusha, hinde ko alam kung yun ba ang sasabihin ko, mukha kasing seryoso siya sa mga tinatanong niya sa akin nang mga sandaling iyon "Well, maalalahanin at mataray"

"Bakit naman mataray? Mukha ba talaga akong mataray? Well, sabi mo naman kasi, first impression di ba? So nasabi kong maalalahanin ka kasi, naalala mo nung una tayong nagkita, ako naalala ko yun bigla siyang napangiti at kinurot ako noon

"Wag mo na isali yun "Bakit hinde, it only shows that you cared that much for Eusha, halos hinde talaga ako noon makahinga sa sipa mo eh, grabe, iniisip ko kung yung eggs ko kaya ang tinamaan noon, buhay pa kaya ako noon at tumawa siya noon nang tumawa

"Hay... no wonder" "No wonder ang alin?" "Why Tamtam is so attached to you, masaya ka palang kasama, pasensya na talaga kung noong una, pinagduduhan kita ha, kasi naman, sa panahon ngayon, grabe, seryoso may girlfriend ka na?

"Oo, walang halong joke yun ha "Sayang naman... Bakit? Wala! Sandali munti ko nang makalimutan"

At may kinuha si Stella noon sa dala niyang shoulder bag, isang maliit din na box, halos kasing laki lang nang regalong binigay sa akin ni Eusha na hinde ko pa din nabubuksan at nasa bag na dala, natuwa ako kasi halos parehas lang sila nang itsura, mula sa laki, kulay at paraan nang pagkakabalot, para bang iisa lang ang gumawa o iisa lang ang tindahang binilhan nila noon

"Ano ba to? Mamaya kung ano nanaman to ha "Hinde, matino na yan, yan talaga, ang peace offering ko sa iyo, pasensya talaga ha "Ilang beses ka na nagsosory, ok na yun, may regalo pa, ayos ah, ano ba to? "Buksan mo kasi nang malaman mo at hikaw ang laman nito galing sa Silver Works Salamat ha, kaso, wala pa naman butas ang tenga ko eh "Ahh, ganun ba? Sandali at tumabi sa akin si Stella, kinuha ang hikaw, inalis ang pakaw nitoAko na lang magbubutas sa iyo nito "Teka, marunong ka ba?

"Ano ka ba, ako kaya nagbubutas nang tenga sa aming magkakaibigan, kahit Tamtam ako ang nagbutas nang tenga at labi niya eh"

"Masakit ba yan? "Hinde, parang kagat lang nang langgam at lintek na kagat nang langgam yan, kasing laki ba iyon nang pusa, dahil ang sakit pala paghinde di baril ang ginagamit na pambutas sa tenga at mano mano mo lamang itong ginagawa, matapos ang ilang sandali nang sakit ay nabutas din ang isa sa mga tenga ko at doon niya nilagay ang hikaw "Walangya sa langgam ah?"

Ang sabi ko sa kanya, nagulat ako nang pinunasan niya ang aking tenga at may dugo ito

"Ang kunat nang tenga mo, di pala pwedeng basta basta butasin, mabuti na lang at nabutas, kung nagkataon, balewala yung sakit na naramdaman mo, patingin nga? at ngumiti siya sa akin Bagay pala sa iyo may hikaw eh nagtaka ako nang ang tagal lumingon ni Stella, para bang may tinitignan siya noon, at mayamaya pa ay tumabi siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin "Stella? ang tanong ko sa kanya "Halikan mo ko, bilis! nagulat ako sa sinabi niya at mas nagulat ako sa mga sumunod na nangyari

Hey there, kumusta na babe? ang tanong bigla nang isang matangkad na lalake kay Stella, mukhang hinde siya purong Pinoy, gawa na din sa itsura, tangkad niya at kulay, maging ang tabas nang mukha niya parang taga ibang bansa, mukha siyang Braziliano

"What the hell are you doing here? ang sagot ni Stella na may halong pagtataray "Well, I'm just wandering around, who is he? Mr replacement? "It's none of your business ok? at nagulat ako nang bigla akong halikan noon ni Stella, at saktong dating din noon ni Eusha na para bang nagulat sa nangyari"He's my boyfriend ok so get the hell out here, and don't you dare ever show your face to me again lumapit noon sa amin ang guard na noon ay rumoronda sa may foodcourt at inusisa kami noon, medyo pinagtitinginan na naman kasi kami nang tao, pero hinde katulad kanina, medyo iskandaloso na ang mga nangyayari, at umalis na noon ang lalake matapos kaming lapitan nang sekyu"Fine.. fine... I'm just checking out if you're ok, and I guess I don't need to worry anymore, besides, don't think that I'm still after you, bye ang sabi nito na para bang nangaasar pa, at nang makalayo na nang tuluyan ang lalake ay agad nilapitan ni Eusha si Stella, bumalik noon si Stella sa inuupaan niya kanina at biglang na lamang itong natuliro "Sino yun Stella? ang tanong ni Eusha kay Stella habang hawak nito ang kamay nang kaibigan, pero hinde sumagot si Stella, kumuha siya noon nang panyo sa bag niya at tinakpan ang mga mata, halatang umiiyak noon si Stella "Sorry El Nunal ha" ang biglang sabi ni Stella noon at natawa

"Nahilakan pa tuloy kita nang wala sa oras, gusto ko lang kasi ipakita sa hayup na yun na hinde ako apektado sa hiwalayan naming

"Sino ba yun Stella? ang sabi ni Eusha habang niyakakap si Stella"Wala yun Tamtam, isa lang sa mga lalakeng inakala ko ok, di pala"

"Yun ba si Edrian? "Oo "Boyfriend mo ba yun? ang tanong ko kay Stella "Actually, kalive in ko na yung lalake na yun, halos isang taon na kami nagsasama sa Aklan, the reason why I go here eh dahil sa mga rumor na sinasabi sa akin noon ni Jules at ni Sarah, na meron daw ibang karelasyon yung gago na yun dito sa Manila, ayun, nahuli ko pa sila sa kama magkasama habang nagbabanatan, nakakainsulto lang eh... sana ba kung mas maganda ang pinalit sa akin kaya lang, putragis sa pinalit sa akin, mukhang pokpok na, ang panget pa, hay, sa lahat nang makikita ko ngayon bakit yung gago na yun pa

"Bhe wag ka nang umiyak, wag mong iyakan ang mga lalakeng ganun, walang kwenta kung iiyak ka dahil lang sa mga ganung klaseng tao, hayaan mo na siya "Ok na ko Tamtam, wag kang magalala, uwi na muna ako ha, medyo hinde maganda pakiramdam ko at umalis na noon si Stella, hinde na noon sinundan ni Eusha ang kaibigan, kaya nagtanong ako sa kanya "Hinde mo ba siya sasamahan? Ayaw niya talaga kasi na meron nadadamay sa personal na problema niya, matatag siyang tao El Nunal, wag kang magalala, isa pa, nagsasabi naman siya pag gusto niya nang kasama, ganyan na talaga siya simula noong bata pa kami, sinosolo lagi ang problema niya, gusto niya kasi, siya lang ang reresolba sa personal na problema niya Ganun ba? "Pasensya na sa nangyari ha?

Ano nang balak mo? ang tanong ni Eusha sa akin, nawala sa isip ko noon ang regalong binigay sa akin ni Stella at nakita ito ni Eusha "Ano ba yung regalo ni Stella sa iyo at nang makita niya ito ay tumingin siya sa akin at kinurot kurot din ako habang natatawa

"Si Stella nagbigay niyan, bat pati ako nadamay! ang sabi ko sa kanya habang tumatawa Kaya pala sabi niya sa akin, magugulat daw ako sa regalo niya sa iyo Pinaamoy niya pa nga sa akin yan eh "Inamoy mo naman?!Bakit hinde?"Manyak ka talagang hayup ka at pinagpapalo ako ni Eusha noon habang tumatawa, kinuha niya ito at nilagay sa dala niyang bag

"Iuuwi ko to ha?! Huy! Regalo ko na yan ah? ang pabiro kong sabi kay Eusha "Che! Manahimik ka nga! Gagu ang sabi niya, at habang nagbibiruan kami ni Eusha ay may tumawag bigla sa akin, hinde ko alam kung kaninong number iyon, number lang kasi ang lumalabas "Hello, sino to? "El Nunal Charice to "Oh, napatawag ka? "Nasaan ka?" "Sa Megamall, natanggap mo ba mga text ko? "Oo, pinapaayos ko yung phone ko ngayon, nakitawag lang ako, kasama ko si Mac, last meeting ko na to tapos, ok lang ba, magkita tayo after two hours

"Saan? "Dyan na lang din, papahatid na lang ako kay Mac dyan ok? "Sige... ingat kayo ha "Tetext kita gamit ulit tong number na to pag malapit na ako Sige sige "Love you, happy birthday ulet "Love you too, salamat "Si Mam Cha ba yun?

Ang tanong ni Eusha sa akin Oo, kita daw kami after two hours, anong gagawin ko sa dalawang oras nang paghihintay? "Tara "Saan? "Sa bahay na lang namin tayo tumambay, gusto mo? "Ok lang ba? Oo naman ano ka ba, isa pa nandoon din si Jules, hinde na naman pumasok sa trabaho, sira ulo talaga yun eh biglang may tumawag noon kay Eusha "Speaking, tumatawag siya oh"At sinagot ito ni EushaOh, sige, pupunta kami ni El Nunal diyan, birthday niya ngayon, Ha? Ewan ko lang, gagi kakagaling ko lang sa sakit diba? Adik ka, sige sige "Anong sabi nang insan mo? "Inom daw ba tayo? "Ha? Naku, wag, may pasok pa ako mamaya, ikaw ba wala?"

"Meron pero hinde ako papasok ngayon, di ba nagabot nga lang ako nang MedCert sa nurse, bukas pa ako makakapasok "Ahh.. teka, ikaw kelan ang rest day mo? "Lunes ikaw? Sabado Ay ganun, sayang naman, akala ko parehas tayo nang restday, ano, tara na? "Walang inom ha? hinde sumagot si Eusha noon at umalis na kami at sumakay na pauwi sa bahay nila, pagdating namin sa bahay ni Eusha, nakita ko si Jules noon na nakasuot lamang nang sando at short na maikli habang nakatayo sa hagdan at para bang may kausap

Sa telepono"Sino yan? ang tanong ni EushaSi Stella, nandito na pala siya sa Manila, Oh, eto umuwi na, ha? Pupunta ka ba dito? Sige sige, magdala ka na din nang pulutan at nang ibaba ni Jules ang phone ay binati ako nito "Happy birthday El Nunal, inom tayo ha! "Kasi Jules, may pasok pa ako mamaya eh "Eh di konti lang inumin mo, para hinde ka malasing, tapos maligo ka na lang dito bago ka pumasok di ba? "Oo nga El Nunal, birthday mo naman eh napakamot na lamang ako sa ulo at hinde na pumalag pa, hinde ko talaga matanggihan ang alak, lalo na kung ang nagaaya pa sa akin uminom ay dalawang magandang dilag. Ilang sandali pa ay naglabas nang alak si Jules, at agad akong tinagayan "Oh, kailangan, isang baso sa may birthday!"

"Sandali ha, ang dami naman nito, baka.. "Sige na, alam ko naman kaya mo yan, mahina ka ba?" ang angas sa akin ni Jules, kaya naman, nilaklak ko ang isang baso nang Emperador noon, at himala noon na hinde manlang ako naduwal, siguro, dahil na din sa kakakain ko lamang noon kaya hinde ito itinangi nang katawan ko, hinde ko namalayan noon na naubos namin ang isang litro nang Emperador sa loob lamang nang kalahating oras, at ano pa bang aasahan ko, ayun at tinamaan ako noon, dalawa lang kasi kaming umiinom noon, si Eusha kasi ay hinde namin pinapainom dahil kakagaling lang niya sa sakit "Alam mo El Nunal, meron akong sasabihin sa iyo "Ano yun? "Nakilala na ba niya si Stella, Tamtam?"

"Kasama nga namin kanina eh "Naku! Isa pa yung tomador, kung ako malakas na maginom, ayun, halimaw!"

Ang sabi ni Jules at lumapit siya sa akin, nagulat ako nang bigla niya akong kagatin noon sa aking balikat, napapikit na lamang ako noon sa sakit, hinde ko din kasi siya masaway, medyo may tama na kasi ako at hinde na makakilos nang maayos, nilapitan kami noon ni Eusha at sinaway si Jules sa pagkagat sa akin "Ikaw naman Tamtam, wag kang maggagalit, nilalambing ko lang tong pare ko di ba nga pare!" at inapiran ako noon ni Jules sabay hawak nang madiin sa aking kamay "Jules, umayos ka nga, ikaw talaga, sabi ko kasi sa iyo, kumain ka muna eh, ayan, tinamaan ka tuloy agad"Eh antagal ni Lala eh, nasaan na ba yun?"

"Tao po?"Isang boses ang aming narinig sa labas at pagsilip ni Jules ay agad niya itong sinabihan "Tara pasok ka!at nagulat ako nang makita ko kung sino ang pumasok noon sa pinto Hi sabay ang bati sa amin noon ni Stella habang niyayakap siya ni Jules. Nakasuot na siya noon nang pantalon, skinny jeans na kulay brown, yung pangibabaw na suot niya ay ganoon pa din, meron din siyang dalang tatlong supot noon na may lamang manok at isang kahon na tila ang laman ay alak. Kinuha ni Eusha ang dalahin ni Stella dahil ayaw noon bitiwan ni Jules si Stella.

"Tara na, sali ka na sa amin ni El Nunal Stella, para mabawasan yang stress sa katawan mo at hinila ni Jules si Stella at pinaupo, matapos noon ay tinabihan niya ito "Ikaw Eusha? Ayaw mo ba sumali? ang aya ni Stella kay Eusha pero ngumiti lang ito at umiling

"Naku! Wag mo na ayain yang si Tamtam at nagiinarte, ayaw uminom, eh di ba naman dati, kahit may sakit tayo eh umiinom pa din tayo, pampawala nga nang sakit to eh at natawa noon si Eusha habang nilalagay niya ang dalang manok ni Stella sa isang lalagyan, matapos noon ay umupo siya sa tabi ko noon "Sasali ka ba sa amin? ang tanong ko sa kanya

"Tangek hinde, makikikain lang ako, di nga ako pwede at umiinom ako nang gamot, meron naman next time eh di ba? "Ano ba yung iniinom mong gamot? ang tanong ni Stella at inabot ni Eusha ang gamot na nasa isang plastic na malapit noon sa inuupan niya"Ahh... oo nga, wag ka muna uminom, sayang naman, anong oras pa kayo dito?" "Halos isang oras na "Ahh... ganun ba tumingin noon sa akin si Stella at sinuntok ako sa braso habang nakangiti siya "Sorry ha "Saan? ang tanong ko sa kanya "Dun sa kanina "Anong kanina? ang tanong ni Jules sabay tagay ng alak "Yung tinext ko sa iyo kanina "Ah... doon kay...""Oo, penge nga ako

"Oi Tamtam, ikaw na nga maging tangera namin, hinde ka naman iinom diba?at inabot ni Jules ang bote nang alak kay Eusha, inabutan niya noon si Stella "Ano ba to, ang baba naman, dagdagan mo kaya, akin na ganito ang tagay mo sa akin ha?

At nagulat ako nang makita ko na halos kalahati nang baso ang nilagay ni Stella na alak, halos kaparehas ng tinagay namin ni Jules noong unang kalahating minuto, binabaan na kasi namin ang tagay dahil mauubos na ang alak na iniinum namin bago dumating si Stella, ilang sandali pa ay shinot na ito ni Stella Mukhang mapapalaban ka sa mga tomadora namin ah ang bulong sa akin ni Eusha habang nakangit "Ang lakas naman niya uminom "Sabi ko nga sa iyo, mas malakas si Stella kesa kay Jules pagdating sa inuman nang alak hinde ko na noon namalayan ang oras, napansin ko na lamang na madilim na noon ng napatingin ako sa labas nang bintana, nagyosi ako noon at napansin ko na madami na ding tao ang para bang umuuwi na o galing sa trabaho at nagsisiuwian na, bumalik ako

Noon sa aking inuupuan at muli akong tumagay "El Nunal, anong oras ka aalis? ang tanong ni Eusha sa akin, bigla akong napatingin noon sa orasan, malapit na pala mag ala syete noon nang gabi, kaya naman tumayo ako noon upang magayos na nang sarili

"Hoy! Saan ka pupunta?!" ang tanong ni Jules sa akin at biglang hinawakan ang dulo nang damit ko "Oo nga? Saan ka pupunta?"

Sabi ni din ni Stella at hinawakan naman ang tela nang pantalon ko "May pasok pa ako "Anong oras pa naman yun?! Maaga pa, tara, shot pa ang sabi ni Jules habang pilit akong inuupo "Next time na lang ulit, magagalit kasi boss ko eh at pilit ko noong inaalis ang pagkakakapit noon ni Jules sa polo ko "Ok, sige, kung, maalis mo yung kapit ni Stella sa pantalon mo ang biglang sabi ni Jules habang nakangiti, pagtingin ko kay Stella ay nakangiti din ito habang nakakakapit siya sa pantalon ko, si Eusha naman ay nakangiti lamang na nanood habang nilalantakan ang manok

"Pag ako nakawala dito aalis na ako, ok na yun? Oo, pero, pag hinde mo naalis ang kapit ni Stella, magiisa pa tayo, sagot mo "Bat ako? Birthday ko nga di ba? Dapat libre nyo "Hinde kasama to, pustahan natin to eh "Sige sige, game ha? at walang sabi sabi ay hinakbang ko ang aking paa at bahagyang natangay si Stella sa hakbang ko noon, medyo natumba siya sa pagkakaupo pero, nagulat ako dahil hinde siya nakabitaw sa aking pantalon, nakangiti pa siya noon habang tumatawa, sinubukan kong tangalin ito nang sapilitan gamit ang kamay ko pero sadyang malakas ang kapit ni Stella dito, sinubukan ko na siyang kilitiin noon pero hinde siya tinatablan

"Ano El Nunal suko ka na na? ang tanong ni Jules sa akin, "Last five minutes, dapat before seven wala na siya sa pagkakapit sa pantalon mo ha? "Ang daya naman ang sabi ko sa kanya habang pinipilit ko pa ding alisin ang kamay ni Stella sa pagkakakapit sa pantalon ko "Ganun talaga, sandali lang naman natin mauubos yung alak na ipapabili namin sa iyo eh hinde ko alam kung sadyang may tama lang ba ako o sadyang ang lakas lang talaga nang kapit nang babae na ito, wala na akong maisip noon na ibang gawin kundi ang takutin si Stella "Stella, pag hinde mo ako binitawan, hahalikan kita Wehh? ang sabi bigla nilang tatlo habang tumatawa

"Kaya mo ba? ang sabi ni Stella habang nakangiti at mahigpit pa din na nakakapit sa pantalon ko "Pano pag nagawa ko? ang natatawa kong sabi noon sa kanya "Ginagawa!!! Wala!!! Ginagawa!! ang pambubuyo ni Jules noon, si Eusha naman ay para bang nakiki cheer pa "Stella, eto na, hahalikan na kita ang sabi ko kay Stella habang nakatingin sa kanya na natatawa "Kaya mo nga ba? Hinde mo magagawa yan ang sabi ni Stella "Ah ganun? ang sabi ko at ilang sandali pa ay biglang natahimik noon si Jules at si Eusha"El Nunal...."

"Sir eto na po change nyo"Ang sabi sakin nang kahera, bumili kasi ako noon nang mouth wash at pabango, para maalis ang amoy ng alak sa akin, nagpahing muna ako noon sandali, bukod sa medyo masakit pa ang ulo ko ay masakit din ang aking pisngi dahil sa sampal na nakuha ko kanina "Nasaan ka na? Sensya na kanina ha isang text na nabasa ko galing kay Eusha, hinde ko muna siya noon sinagot at nagmunimuni sandali at inalala ang mga nangyari kanina "El Nunal..."

Ang sabi noon ni Jules at natigilan, maging si Eusha ay natigilan din sa nangyari, bumitaw noon sa pagkakakapit sa aking pantalon noon si Stella, habang nang mga sandaling iyon ay magkalapat ang aming mga labi, hinalikan ko talaga noon si Stella, hinde ko alam kung bakit ko yun ginawa, siguro ay sadyang nahumaling ako sa kanyang alindog nang mga sandaling iyon, samahan mo pa nang alak sa katawan at pambubuyo ni Jules, nagulat ako nang gumanti noon nang halik si Stella, magaling at masarap siyang humalik, halatang madami na siyang karanasan sa bagay na iyon, ngunit matapos ang paghahalikan namin ay sinundan niya ito nang isang malakas na sampal na nagpamanhid noon sa akin mukha, at bigla siyang tumayo noon at lumabas ng pinto, agad hinabol ni Jules ang kaibigan, samantalang si Eusha ay lumapit sa akin habang nakangiti, nagulat ako nang bigla niya din akong sampalin "Bat mo naman ginawa yun? ang sabi niya at kitang kita sa mukha niya ang pagkadismaya noon sa akin, hinde ko na nagawa pang magpaliwanag noon sa kanya, hinde ko alam kung anong sasabihin ko "El Nunal naman, alam mo ba yung ginawa mo?" "Oo"

"Di ka pa naman lasing di ba? Nakakausap pa naman kita ng maayos, at alam kong hinde ka naman malalasing lang sa dalawang bote eh, kaya wag mong sabihing dahil lasing ka, kaya mo ginawa yun, hinde porke't type ka nang kaibigan ko, gagawin mo na sa kanya yun.. "Kasi.." sinampal ulit ako noon ni Eusha at lumabas upang tignan ang kaibigan, narinig ko silang naguusap noon sa kanilang lengwahe, sumilip ako noon at nakita ko na para bang pinapagalitan ni Eusha at ni Jules si Stella na noon ay umiiyak, umakyat noon si Jules at kinausap ako "Pasensya na ha, sige umalis ka na, baka malate ka pa sa pupuntahan mo, next time na lang tayo maginom

At umalis na ako noon, habang bumababa ako ay nakatingin noon sa akin si Stella, habang hinahagod ni Eusha ang likod ni Stella na umiiyak, mukhang hinde naman galit si Stella noon, kalungkutan ang nabakas ko noon sa kanyang mga mata, pangungulila at pagkalito, nang medyo nakalayo na ako ay naghanap ako noon nang lugar na pwedeng sukahan at doon ay pinilit ko ang aking sarili na sumuka upang mawala na ang epekto nang alak sa akin o kahit mabawasan lang, nang makasuka na ako ay agad akong pumunta noon sa 711 upang bumili nang inumin, naamoy ko ang sarili ko na amoy alak kaya bumili na din ako nang pabango at mouth wash.

"Ano ba naman kasi ang ginawa ko, hay... buset ang sabi ko noon sa sarili ko, at nang medyo umayos na ang pakiramdam ko ay sumakay na ako noon nang jeep, maya maya pa ay may biglang may tumawag sa akin, numerong ginamit noon ni Charice, bigla kong naalala, makikipagkita nga pala ako noon kay Charice noon, hinde ko alam kung sasagutin ko ba iyon o hinde, iniisip ko kasi na baka galit na galit si Charice sa kabilang linya dahil, halos limang oras na ang nakalipas, hinde na ako nakabalik sa pinagusapan namin, iniisip ko sana na magsinungaling kaya lang, baka mas lumala pa ang sitwasyon kaya naman inipon ko noon ang lakas nang loob ko noon at sinagot ang tawag

"He..hell...o "Is this El Nunal? nagulat ako at boses nang lalake ang narinig ko "Sino to?

"Si Mac to, pasensya na ha at ngayon lang ako tumawag, di kita naitext kanina, Charmaine told me to inform you na hinde daw siya makakasunod kasi may emergency meeting daw sa company kaya nagmamadali siya noon, pasensya na ha, naghintay ka ba kanina?

Biglang lumuwag ang aking dibdib noon at nawala ang kaba na noon ay halos sakalin na ako "Hi..hinde.. hinde! ok lang, actually inisip ko naman kasi na baka hinde din siya makapunta eh, kasi, ano, matagal tagal na din ako naghintay doon

"Pasensya na talaga ha "Ok lang Mac, wag mo nang isipin yun, nasan na ba si Cha? Kanina pa umalis, pero alam ko nasa work nyo na siya, nasan ka? Ok na yung phone niya, meron lang pinalitan sa piyesa, ikaw na lang magabot, right now nasa may Megamall ako, sa may Cyberzone, kita na lang tayo Sige at dinaanan ko si Mac doon, nakita ko siya na may kausap siya sa phone niya noon

"Yes Lola, opo, kanina magkasama kami, uhm... yes we do talked about it, pero, Lola, I guess she will refuse it, uhm... sige Lola... bye po, Sorry about that, so here inabot sa akin ni Mac ang phone ni Charice "You look drunk, nakainom ka ba? ang tanong sa akin ni Mac "Halata ba? ang tanong ko sa kanya at inamoy amoy ang sarili ko "Medyo, namumula ka kasi eh, pero, don't worry, hinde ka naman amoy alak, by the way Happy Birthday nga pala, hatid na kita sa work nyo

"Ok lang ba? "Sure, makabawi lang at hinatid ako noon ni Mac, sa biyahe, bigla niya akong inanong "Mahal mo ba talaga si Charmaine?" "Oo naman, bakit mo naman naitanong?" "Kaya mo bang ipaglaban ang kababata kong yun? "Saan? Oo naman... bakit? Ano bang sinasabi mo? medyo naguluhan ako noon sa sinasabi niya "Well... sa lahat nang maaring mangyari? hinde ako noon nakapagsalita, ilang sandali lang pa ay nakarating na kami sa work place ko Salamat Mac ang sabi ko sa kanya, nang aalis na ako ay bigla niya ako noon tinawag "Pre lumingon ako sa kanya noon "Panindigan mo yang sinabi mo ha, sige, happy birthday ulet

At umalis na siya noon, nagtataka pa din ako sa sinasabi ni Mac, hinde ko kasi magets ang mga sinasabi niya noon, pumasok na ako noon, magaalas nuwebe kwarenta y medya na noon, meron pa akong dalawang oras na natitira bago ako pumasok noon, alas dose kasi ang pasok ko noon, ilang sandali pa ay may natanggap akong text galing kay Eusha "El Nunal, sorry kanina kung nagalit ako, sorry, nabigla lang ako, wag ka na magtampo napangiti ako noon, akala ko kasi ay nagalit noon si Eusha, nagulat lang pala siya noon sinagot ko siya noon "Wag kang magalala, hinde ako nagagalit o nagtatampo, tama lang naman ang ginawa mo eh, sorry ha

"Nakausap ko na si Stella, hinde din naman siya nagalit, sadyang nagulat lang talaga kami noon sa nangyari, hinde naman kasi naman lahay inaasahan na gagawin mo yun eh "Hahaha, ganun ba? Sorry ha, kulet nyo din kasi eh, ako naman nagpabuyo, hahaha "Manyakis ka din kasi gagu! "I know, lalake ako eh "Sorry ulet ha, parang ang panget tuloy nang birthday mo, nasira ba namen?

"Hinde ah, ok nga eh, something interesting happened in my birthday, that's new, dati kasi kung hinde uulan eh may bagyo, ngayon, masayang ewan hahaha lakas nang sampal nyo, ang saki "Ano pa aasahan mo kay Stella, ikaw naman ang OA mo, mahina lang naman sampal ko sa iyo ah, isa pa, kung sakali man na malakas ang sampal ko hinde yun tatalab sa iyo "Ha? Bakit naman? Eh ang sakit nga nang dalawa kung pisngi "Utot! Sa KAPAL NANG MUKHA MO? tatalab ba yun? Hahahaha joke "Nakauwi na ba si Stella?

"Hinde pa, dito natulog sa bahay, katabi si Jules, tulog silang dalawa, alam mo ba pagalis mo, nagtawanan na silang dalawa"

"Ganun? Bakit daw? "Nagdrama queen si Stella tapos nagalit din daw ako eh, hinde ko alam, gustong gusto pala nang gaga na yun yung ginawa mo, ayan tuloy ako pa ang lumabas na masama, kasi sinabihan nila ako, bakit daw ako nagalit, si Jules din, natawa, kasi pinaalis ka niya kasi baka daw kung anong gawin ko sa iyo" nakangiti ako noon habang nagtetext, nagulat ako nang may biglang magtakip nang mata ko noon Sino to? hinde siya nagsasalita nung una, nagulat ako nang bigla niya na lamang sabihin na

"Nakainom ka no? at inalis niya ang mga kamay niya sa mata ko, nabigla ako nang makita ko kung sino ito"Jessa... ikaw pala"

"Bakit parang nagulat ka? ang tanong ni Jessa, ang ganda niya sa suot niya noon, Japanese style yung damit niya at nakasuot siya nang mahabang medyas, at meron pa siyang suot na head band noon na may desenyo sungay nang demonyo noon na umiilaw, at umupo sa tabi ko Wala... aga mo ah Wala na magalaan eh, isa pa, tinatamad na din ako pumunta kung saan saan, kaya dito na lang ako, teka at may kinuha siya sa dala niya noon na shoulder bag "Happy Birthday nga pala, hinde kita nabati eh"

"Salamat, ang kulit naman nang itsura mo Nabili ko lang sa labas, ang cute eh, bagay ba? Lahat naman nang isuot mo bagay eh Bat amoy alak ka Amoy pa din ba? "Sa malayo hinde, pero nung nilapitan kita amoy pa din eh "Hinde pala tumalab yung pabango nagulat ako ng isprayan ako niya ako nang pabango noon "Ayan, mabango ka na, buti hinde ka naamoy nung guard, kung nagkataon nareport ka nyan, or kung hinde ka man mareport eh hinde ka papasukin

"Hinde naman ako lumapet sa guard eh, may kausap pa kasi, pinakita ko lang yung ID ko para hinde na ako tanungin tapos pinakita ko laman nang bag ko yun na Tamad din pala ang mga guard dito eh no? Ayus nga eh, kung masipag yun eh di nayari ako "Sabagay"

"Jessa... mabuti hinde mo na ako iniiwasan ang tanong ko sa kanya at para bang nabigla siya sa aking tinanong noon, ngumiti siya at sinabi "Ayaw mo ba noon? Gusto mo ba hinde na naman kita pansinin? Wag, ok na yung ok tayo, hinde nagiiwasan, medyo nahihirapan din kasi ako eh Sorry ha, kung ganun ang inasta ko nitong nakaraang araw "Ok lang... naintindihan ko naman eh

"Manlibre ka naman! Birthday mo eh! Ikaw nga dapat manlibre eh, kasi birthday ko nga di ba? "Ganun? Ano bang gusto mo? Ikaw, libre mo naman eh Wait tumayo siya noon at pumunta sa may bilihan nang pagkain, pagbalik niya ay may dala na siyang spaghetti, softdrinks at cup cake "Eto, buti naman at may spaghetti dun, bagay sa okasyon natawa ako noon sa kanya at hinimas ang ulo

"Salamat ha, di ko akalain na seseryosohin mo yung sinabi ko "Yun nga ang mali ko eh, di ko alam kung bakit ko bigla noon sineryoso ang nangyari sa bahay "Ha?"Wala! Sabi ko kainin mo na yan "Ikaw? "Busog pa ako, kakain ko lang eh Hati tayo gusto mo "Kulang pa ata sa iyo yan eh "Yung cup cake kunin mo, sige na, hinde ko naman mauubos yan eh kinuha niya noon ang cup cake at kumain kaming dalawa "May girlfriend ka ba? ang biglang tanong sa akin ni Jessa,muntikan ko na noon mailuwa ang kinakain ko noon at natawa sa tanong niya

"Meron, bakit? "Dito din ba sa work natin o sa inyo?" "Di...to.. Anong team? Teka, si Reynalee ba? Yung nagawol?"
Ay hinde... hinde yun.. Eh bat sabi nila, yun daw? Aha! Kaya siguro umalis yun kasi nakipagbreak siya sa iyo no? "Kabaligtaran"

"You mean, ikaw pa ang nakipaghiwalay? "Oo "Wow! Kapal! hahaha ikaw na! Ganun talaga ang sabi ko habang nagyayabang noon kay Jessa at natawa siya noon "Seryoso. "Oo nga Teka... parang... ang ikli naman ata nang relationship nyo? Siguro, nakuha mo na ang habol mo sa kanya no? ang natatawa niyang sabi sa akin " Hinde naman sa ganun, kaya lang, sinubukan ko naman eh, kaya lang, the feeling is not mutual, kesa naman lokohin ko pa siya, edi sinabi ko na wala naman akong feeling sa kanya

Sabagay, mas ok na nga yun, so, wala ka na palang girlfriend? Meron nga Sino naman? si Eusha? "Hinde ah! Kaibigan ko lang yun, close lang talaga kami kaya minsan napagiisipan kami nang iba na magkarelasyon Weh?! Hinde nga? Oo nga, promise, hinde talaga kami "Eh sino nga ba? "Bakit mo ba gusto mo malaman? Wala lang, nacucurious lang naman ako Well... kasi... medyo kumplikado kasi eh "Ha? Bakit naman? "Kasi... paano ko ba sasabihin to.. nangako kasi ako eh, na hinde muna namin ipapaalam sa iba na meron kaming relasyon"Ganun?" "Oo... siguro in time malalaman mo din "Bakit hinde pa pwede ngayon? dumantay siya noon sa akin

"Kelan rest day mo? ang tanong niya sa akin "Bukas, bali mamaya pala, bakit? Same pala tayo, gala tayo bukas? "Ha? Saan naman? "Ikaw? Saan mo ba gusto gumala? Di ko lang alam kasi kung pwede ako bukas eh, may lakad kasi ako eh, tapos may inuman pa ako pupuntahan sa amin, celebration daw nang birthday ko sabi nang mga kaibigan ko, eh hinde naman ako makahinde kasi, una sa lahat, sagot naman nila, pangalawa, minsan lang kami magkita nang mga yun simula nang magwork ako

"Ay ganun ba, sayang naman Next time na lang siguro, next week? Yun pa din ba rest day mo? "Di ko alam, alam ko kasi magrerequest ka pa sa HR at work force para makuha mo yung gusto mong rest day eh Oo nga eh, magfifile ka pa "Paalam ko na lang siguro sa iyo, magkikita't magkikita naman tayo eh, di ba? Ok sige... "Anong oras na ba? ang tanong ko kay Jessa noon "Mag teten twenty pa lang "Tagal pa pala Amoy alak ka pa din, hahaha pabango ka nga ulit oh at inisprayan ako ulit ni Jessa noon, hinde sadyang nalagyan ako noon sa mata "Aray.... aray... nalagyan ako sa mata" dali dali itong tinignan ni Jessa "Ay sorry! Di ko sadyan, sorry Ok lang at parang napapayakap noon sa akin si Jessa, bumabangga banga pa sa akin noon ang dibdib niya, hinawakan niya noon ang mukha ko

"Ok lang ako, Jessa Sure ka ha? "Oo, ok na ako binitawan niya noon ang pagkakakapit sa akin, at ngumiti, at grabe, ang ganda niya talaga, hinde ko din naiwasang tumingin sa mga labi niya Bakit? ang tanong niya sa akin noon Wawwala... wala kumagat siya noon sa cup cake na binigay ko sa kanya at meron naiwang konting tsokolate sa may labi niya at parang hinde niya ito namalayan nagulat ako nang sinubuan niya ako noon Wait ang sabi niya at nagulat ako nang pahiran niya ang tsokolate sa may labi ko noon at isinubo niya ito at ngumiti sa akin "Kanina ka pa ba dito? isang boses ang narinig ko sa likuran naming

Mam Cha, o..opo..."Tinignan niya noon si Jessa "Did you have the phone? I'll be needing it later" kinuha ko sa bag ko ang phone niya at inabot sa kanya "Is it ok now? "Yes Mam Cha nagulat ako noon nang biglang kumapit si Jessa noon sa braso ko, nagulat ako dahil sa harapan ni Charice ay ginawa niya yun, nagulat ako nang biglang sabihin ni Charice na "El Nunal, after your shift... kita tayo mamaya ok?"

At ngumiti siya at hinde ko inaasahan na magagawa niya akong halikan noon, kahit sa pisngi niya lang ako noon hinalikan, pero, sa harap nang ibang agents noon, hinayag niya na meron kaming ibang relasyon bukod sa emplayado at boss niya, nagulat din noon si Jessa at mas nagulat pa ako nang punasan ni Charice ang tsokolate sa may labi ni Jessa at sinubo ito "You got some chocolate smudged on your lips, hope you don't mind at naglakad siya paalis noon, naramdaman ko na biglang dumiin ang kapit ni Jessa sa akin noon "Don't tell me. ang sabi ni Jessa habang nakatingin sa akin, tanging ngiti lamang ang naitugon ko kay Jessa noon, bigla siyang bumitaw noon sa pagkakakapit sa akin at umupo

"So you mean... you... and Mam Cha... my God... so... rumors are true Ha? "Di mo ba alam... higher agents and even our team leader's talking about the both of you, I don't believe it... El Nunal... are you out of your mind? ang sabi sa akin ni Jessa, kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Jessa, napansin ko din na para bang pinagbubulungan ako noon nang mga tao noon sa canteen "See? Sabi sa iyo eh... naku El Nunal... alam mo sana yang pinapasok mong gulo... grabe... nakakagulat to... never in my life... na nashock ako like this. hinde makapaniwala si Jessa sa nalaman niya, hanggang sa pumunta na kami sa aming stations, nagulat ako sa mga tingin noon sa akin nang ibang agents, yung iba ay tinatapik pa ako sa aking balikat, hanggang sa lapitan ako ni Sir Ryan noon, pinindot niya noon ang Aux 6 (buton na pipindutin mo para magkaroon ka nang break para kausapin ka o i coach nang team leader or higher) sa aking Avaya at pinapunta ako sa may conference room, nagulat ako dahil hinde siya nagsasalita at sumesenyas lang na sumunod ako sa kanya, pagpunta ko noon sa conference room ay nagulat ako nang makita ko doon si Charice

"What the hell's wrong with you guys? ang tanong sa amin ni Sir Ryan "Ryan, ano ba to? ang sabi ni Charice noon na nakangiti pa habang pinagmamasdan ang halatang nagaalala na si Sir Ryan "Cha, are you insane? What the hell is that? Do you really need to do that in a public place, inside the company's premises? Cha naman, ano bang pumasok sa isip mo? Ikaw naman bata ka, inaya mo ba si Cha na gawin yun? Ryan Stop this, he's not at fault here, ako ang kusang gumawa noon, naimbyerna lang ako sa babaeng kasama niya eh "So you act like a teen ager? Cha, what kind of petty excuse is that? Just because you got jealous you decided to show them that this guy belongs to you?"

"OO! What's wrong with that? Let them know, besides, I'm already pissed off with the rumors that keep on spreading, non sense gossips, lahat na lang ng samahan kong lalake, meron ganito, meron ganyan, now, that I already have a man that I love, I think it's time to end those rumors, cause they're not rumors no more, besides, I'm not the only one who's doing this, baka isa isahin ko sila dito, baka mawalan silang lahat nang trabaho, subukan lang nila, don't they dare test my patient cause all this time, nagpipigil ako, nagbubulagbulagan sa mga nakikita at napupuna ko, pero this time, try me ang galit na sabi ni Charice, niyakap bigla ni Ryan si Charice"Easy ka lang bakla, puso mo "Ikaw kasi eh! Ikaw nga bumalik ka na pwesto mo ang sabi sa akin ni Charice noon habang pumapatak ang luha niya, at nagmadali akong lumabas noon, pagbalik ko sa aking station ay agad ko nang sinimulan ang aking trabaho, nilapitan ako nang teammates ko noon at kinamusta ako at tinanong kung bakit ako pinatawag sa conference room at kinausap nang team leader namin pero ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila, nung break time namin ay lumabas ako, hinde ako noon sa canteen kumain, ang tanong ko sa kanya at inabot ang pagkain niya Hinde ka ba... galit sa akin? ngumiti ako sa kanya, hinalikan ko ang malambot niyang labi "Cha, bat naman ako magagalit, kung nakita ko naman na pinagtatangol ako at pinaglalaban nang girlfriend ko, alam mo ba, ikaw na ata ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa birthday ko ang sabi ko sa kanya, ngumiti siya sa akin at gumanti din nang halik "Lasang manok labi mo ang sabi ko sa kanya at nagkatawanan na kami noon at masayang kumain "Umamin ka sa akin... uminom ka no? "Oo... naaya eh... ok lang ba?

"Oo naman... meron pa ba ako dapat malaman? hinugot ko ang lakas nang loob ko at pinagtapat sa kanya lahat nang nangyari sa akin sa inumang pinuntahan ko noon, at habang kinukwento ko ito sa kanya, ang inaasahang kong reaksyon noon sa kanya ay magagalit siya at susuyuin siya pagkatapos pero taliwas ito sa akin inaasahan, nakangiti pa siya at natatawa sa mga sinasabi ko "Di ka ba nagagalit? "Bakit naman? Remember what you asked me yesterday? "Na? "Ang bilis natin? Di ba?"

"Oo "Well... you're wrong... that time, nang tinanong mo ako... what I mean nung tinatanong mo ako... actually, hinde pa naman tayo eh... di ba? Kahit na... meron nang nangyari sa atin... you still think na "Oo naman, ano ka ba, naginit lang naman ako that time, kaya naman, alam mo, pero, it's a natural thing, people do sometimes have sex with someone they just met before,and besides,gusto mo naman ako, gusto naman kita, so ok na yun, or sa America lang yun at natawa siya noon hinawakan niya ang aking mga kamay noon at tinuloy ang kanyang sinasabi

" Anyway, what I'm trying to say is, that time, you are still free, no obligations, and you can still date or meet any girl you want... that time, but now, I am telling you this... I am now your girlfriend, so simula ngayon.. sinalat niya ang aking labi noon at hinalikan "Promise me that those lips won't be kissed by anyone else... ok? at gumanti na ako noon nang halik sa kanya Pangako "Wag kang

Magalala... hinde naman ako selosa o kung ano pa naman... basta, let them know kung ano ang limitation nila, ikaw din,I hope you do know your limitations,sabihin mo lang sa akin kung may lakad ka, o nakauwi ka, o may kasama ka, ok lang sa akin, I want to have a smooth and chill relationship,kahit sino pa yang kasama mo ok lang sa akin, as long as, magkaibigan lang kayo,siyempre without benifit ha?!, pagkakatiwalaan kita ok? Minsan lang ako magtiwala, kailangan ingatan mo to... kasi... sa oras na masira mo to... hinde mo to maibabalik, kahit lumuha ka nang dugo... o kahit sungkitin mo pa ang mga butuin sa lahat nang dako nang universe, o kahit pumiti ang uwak o lumipad ang baboy o elepante o kung ano mang lumipad, ok? Ok... sumira sa pangako... kakain nang isang libong karayom Ano ka bata? ang biglang sabi ni Charice noon habang tumatawa, hinalikan niya ako noon sa noo "Pangako, ang sumira ay kakain nang isang libong karayom at nang araw na din na yun, naging girlfriend ko na si Charice, ang isa sa pinakamasayang araw nang buhay ko. Pagkatapos nang shift ko noon, ay nagpaalam na ako sa kanya, gusto ko man siya ihatid pauwi sa kanila ay hinde na niya kailangan dahil, maayos na ang sasakyan niya noon, kaya naman hinatid ko na lamang siya sa may parking lot "Hinde ka pa ba sasabay? ang tanong niya sa akin "Hinde na, meron pa akong kailangang asikasuhin "Ok, enjoy your rest day at hinalikan niya ako noon at nagdrive na palayo, pinanood ko ito hanggang sa hinde ko na ito matanaw, kinuha ko ang phone ko noon at nagtext"Kita tayo mamaya"
Magaala una na nang tanghali noon, medyo makulimlim ang kalangitan at tila ba nagbabadyang umulan, nakatangap ako noon nang text mula kay Jessa "Nasaan ka na? sinagot ko siya agad noon Sa may Merlaco na, medyo matrapik lang malapit na ako "Kita tayo sa may food court ha "Sige at makalipas ang kalahating oras ay nakarating na din ako sa Megamall noon, hinanap ko si Jessa at agad kong napansin ang kanyang kagandahan noon, simple lang ang suot niya noon, sleeveless na pink t shirt , skinny jeans at nakasuot nang shades, kinawayan niya ako noon at agad ko siyang nilapitan "Kumain ka na ba?

Ang tanong niya sa akin "Oo, kumain na ako, ikaw? "Tapos na, so... ano, saan tayo? "Ikaw, kung saan mo gusto doon tayo at nagsimula na kaming maglibot libot sa mall noon, at ang pangakarinwang ginagawa talaga nang babae, magwindow shopping, magsukat nang mga damit, tumingin tingin sa mga naka sale na phones at magtry nang kung ano anong make up "Are you ok?"

Ang tanong ni Jessa sa akin, mukhang napansin niya na napapagod na ako that time, nagulat naman kasi ako sa babae na ito, parang walang kapaguran sa paglilibot, totoo siguro na pagnageenjoy ka sa isang bagay, hinde mo nararamdaman ang pagod, umupo na muna kami noon sa isang upuan doon at nagpahinga "Ok ka lang ba? Pasensya na ha, ikaw naman kasi eh, puro ako lang nang ako, ikaw wala ka bang gustong puntahan?"

"Wala, ok na ako na sinasamahan kita dito, wala naman kasi magandang pelikula ngayon, kaya ok na din to, atleast, nagkakaidea ako kung saan bibili nang mga pambabaeng bagay, may ideya na ako kung saan ako dederetso para sa mga ok na damit, make up, cellphone at kung ano ano pa Sorry ha, kung ikaw pa ang inaya ko, hinde ba magagalit si "Don't worry alam na niya, hinde naman siya selosa eh "Eh bakit niya ginawa yun kagabi? Sige nga?"

"Well, I guess to stop the rumor, after all, mas ok na din yung hinde na siya pinaguusapan nang patalikod, di lang naman kami ang magkasintahan sa loob kung nagkataon eh "Meron pa bang iba? Siguro oo, kasi kung paano siya magsalita kagabe eh Nagalit ba siya sa akin? Hinde, nagkataon lang talaga siguro na ikaw ang kasama ko noon, kahit siguro wala akong kasama, gagawin niya yun "Ahh... ganun ba..Wala bang nanliligaw sa iyo? ang tanong ko bigla kay Jessa "Meron naman "Oh, so... what happened? Di mo ba type?"

"Di naman sa ganun, kaya lang kasi, parang, hinde sila seryoso eh Bakit? What do you mean hinde seryoso? "Kasi parang, naglalaro lang sila eh, susuyuin ka nang konte tapos, malalaman mo na lang meron na silang ibang nililigawan pero nililigawan ka din nila, ang panget kasi tignan diba? Kasi, kung may manliligaw man sa akin, gusto ko yung ako lang ang liligawan at walang kasabay, ano ako fall back pag binusted nang isa, ako pangalawa, never! Sabi nga ni Mommy, never let yourself be an option tama naman diba?"

"Sabagay Kain tayo? "Saan?

"Ikaw naman magisip lagi na lang ako eh Nakita ko bigla ang isang kainan na madalas ko noon makita na icommercial sa TV, ang Tokyo Tokyo "Masarap kaya dun? "Di ko alam, di pa naman ako nakakakain doon eh "Gusto mo i try? "Ok lang, libre mo naman eh "Ang daya mo naman, pagod na nga ako sa pagsama sa iyo eh "Kasalanan ko ba na mahina ka"

"Ang sama mo pala, tsk tsk "Tara na nga, nagugutom na ako eh at doon nga kami kumain, di ko inakala na marunong mag chop stick si Jessa "Ang galing mo naman, marunong ka nyan "Siyempre, mahilig kaya ako sa mga Japanese food, kaya lang di ko dito kumakain nang ganito eh, sa mga Japanese restaurants talaga Oh? Ako naman, trip ko lang tikman, masarap ba yung Sushi at wasabe?"

"Well yung Sushi depende sa pagkakaserve, depende din sa isda, kung sariwa o medyo hinde na, yung wasabe maaanghang lang yun na paste na kulay green" "Ahh... ganun pala, eh yung kim chi? "Korean food naman yun eh, adik to teka ano ba yung inorder mo para sa atin "Beef Misono with Prawn and Vegetable "Masarap ba yun? "Ewan ko dito, sa Little Tokyo kasi oo eh, yun na madalas inoorder namin ni Papa, at medyo mas mahal dun kesa dito

"Ha? So ibig sabihin mura pa 500+ doon? "Oo, kasi masarap naman talaga eh, at hinde ka manghihinayang sa ibabayad mo "Sabagay, hinde naman ako nanghihinayang sa ibabayad ko kung ok naman at natuwa ako at nang dumating na ang inorder namin ay kumain na kami noon at nagusap tungkol sa mga make up, sapatos, at damit, halos lahat, puro pambabae, mabuti na din yun kahit papano, isa kasi ito sa mga kailangan ko talagang malaman nang malaman ko kung ano ang dapat kong ibigay sa mga babae kong kaibigan, pinagusapan din namin ang mga naging nakakaasar at nakakatuwang mga caller sa amin, tinignan ko noon ang aking cellphone at mag aalasais na pala noon, kasabay nito ay ang sunod sunod na dating nang mga mensahe, tinignan ko ang oras nang mga text sa akin at delay ang oras nang pagdating halos yung iba ay kalahating oras, ang iba naman ay halos bente hanggang kinse minuto ang delay

"Sira din ba network coverage nang sim mo? "Hinde naman, kaya lang ang hirap magsend, laging resend at ang lumalabas "Akin delay mga messages eh, tignan mo oh, yung iba kanina pang five nang hapon karamihan naman nang mensaheng nakuha noon ay galing sa mga kaibigan ko sa amin, halos lahat iisa ang mensahe "El Nunal Inuman mamaya sa LP nang 8:00 pm may bisita ka daw na pandangal natatawa ako sa mga sinasabi nila, kahit ang bespren ko na si Pauline ay may nabangit sa akin na meron daw siyang dadalhin na magandang kaibigan, gusto ko siya makita dahil pag sinabi nang bespren ko na babae na maganda, maganda talaga, halos dalawang biyahe ang gugulin ko biyahe pauwe,kaya naisip ko na sakto lang pala ang oras nang dating ko pag umuwi na ako noon, meron din akong narecieve na text noon kay Charice at Eusha
Eusha Gandang hapon, ano gawa mo?
Charice2 Musta na? Tulog na muna ako ha, ingat sa gala, text mo ko pagnakauwi ka na ingat, love you

Nagtext ako noon kay Charice at Eusha, matapos naming kumain ay nagaya na ako noon na umuwi "Oo nga pala, may lakad ka pa no? "Oo eh, sige ha, salamat "Salamat din, ingat at umalis na ako noon at sumakay na nang FX pauwi sa amin, sa pila nang FX nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin "Huy!" ang bati nito sa akin "Oh, ikaw pala!"

"Saan ka galing?" ang tanong sa akin noon ni JanJan na may dala dala pang paper bag noon "Gumala, pauwi na nga ako eh ,ikaw saan ka galing? Ano yang laman nang dala mong paper bag? "Bumili nang Jacket" "Patingin nga at pinakita niya sa akin ito habang pinagmamalaki "TRIBAL TOH! ang sabi pa niya na may halong pangaasar at pagyayabang "Gago punitin ko yan eh"Ang sabi ko sa kanya nang pabiro "Pasukat nga"

Binigay niya iyon sa akin at sinukat ko Pre salamat sa regalo ha "Huy anong regalo? Gagu! si Pauline nga di ko mabilan nang regalo ikaw pa Ang sama nitong kaibigan na to "Masama talaga ako at binalik ko na sa kanya ang jaket niya "Balita ko, magkaaway daw kayo ah? "Hayaan mo siya, toyo yun eh Sabagay, lakas tama nga yung babae na yun, teka, punta ka ba sa LP mamaya? "Di eh, may gagawin pa kasi ako, bumili din kasi ako nang piyesa nang computer, aayusin ko computer ko eh "Ahh ganun ba" "Sunod na lang ako Ayan na naman tayo sa sunod na lang ako eh Basta susunod ako Sigurado ka ha? Oo, sige susunod ako, bukas hahahaha "Bahala ka, di na tayo bate"

"E di hinde hahahaha at makalipas ang ilang sandali pa ay nakasakay na kami noon nang FX, at sa loob ay parang hinde na kami magkakilala at hinde na nagpansinan, gusto kasi namin noon matulog kaya naman di na muna kami nagkwentuhan nang kung ano ano at ilang sandali pa ay nakatulog na kami "Huy, El Nunal, nandito na tayo"

Ang sabi sa akin ni Jan Jan habang kinakalabit ako, pagtingin ko sa oras ay eksaktong alas nuwebe na nang gabi, sa may babaan kami noon nakababa, sakto lang dahil ilang lakad lang ang layo nito sa tatambayan ko noon, La Plaza. Pagdating ko doon ay nakita ko agad ang grupo nang mga kaibigan ko, sila yung mga kaibigan ko na simula noong highschool kami ay magkakatropa na "Ayan na pala si birthday boy eh! ang sabi nang may ari nang LP noon, at lahat sila ay binati ako, nagulat ako na meron na sila noon iniinom "Pre sagot daw ni Alvin yung mga naunang iinumin natin tapos, yung iba daw sagot mo na"

"Ang daya, akala ko pa naman libre nyo "Next week daw ulet "Di lang ako sure eh ang sabi ko sa kanila "Belated Happy Birthday ang sabi ni Pauline sa akin at niyakap ako niya ako "Teka? Nasaan na yung sinasabi mong magandang bisita? "Ay meron pang pinuntahang iba eh, pero pupunta daw siya dito, wait nyo lang" "Pag yan panget Pauline, ay pota, sisipain kita ang sabi noon ni James, isa sa mga kaibigan ko Pustahan? ang hamon ni Pauline kay James at pumayag naman si James dito. Sinumulan na namin noon ang inuman, medyo pagod pa ako noon pero ok pa ang pakiramdam ko noon, halos nakalahati na namin noon ang isang case nang Red Horse Litro, pero hinde pa din dumadating ang sinasabing bisita noon ni Pauline "Kumusta ka naman sa work mo?"

Ang tanong noon ni Pauline sa akin, hinde na kasi nagkakatext noon, halos buong kaibigan ko, hinde ko na naitetext, kasi naman, kung kelan sila tulog, doon ako gising, at kung kelang naman ako tulog, doon naman sila gising, nakakatuwang isipin, minsan pagpapasok na ako, makikita ko ang ibang tao na pauwi na, at pag pauwi na ako, sila naman ay papasok pa lang, mahirap ang ganung buhay, lalo na kung hinde ka nasanay na ganon, mahgirap talaga ang social life sa isang call center agent, kaya naman sinasamantala ko na noon ang rest day ko nang araw na iyon dahil alam ko kinabukasan ay may pasok na naman ako

"Ok lang naman, eto, kahit papaano, nakakabayad na sa utang "Magkano pa ba ang babayaran mo? "Di ko pa alam eh, basta ang alam ko nabawasan na yun habang naguusap kami noon ni Pauline ay may biglang tumawag sa kanya "Hoy Fae, nasaan ka na? Oo, nandito na yung manlilibre! Ay tamaa!!! Ano na? Anong petsa na teh? Oo, sama mo, wala naman kaso yun, kaibigan din naman nila yan eh, Oo, ako lang naman may problema eh oo, tama, sige, bilisan nyo aba" at nang ibaba na ni Pauline ang phone ay tinanong ko siya noon

"Sino yun? "Yung bisita mo nga "UY!!! El Nunal Belated Happy Birthday at kasunod noon ay isang yakap mula sa isa pa naming kaibigan, si Lyn, galing din kasi siya noon nang trabaho at kakauwi lang din, umupo ito sa tabi ni Khael, isa din sa mga kaibigan ko, mayamaya pa ay dumating na din si Michael Jan, ang bespren kong lalake, ang nakakaalam halos lahat nang problema at kabulastugan ko, ang kaklase ko noong highschool, umupo ito sa tabi ni Alvin at pinagtripan, nakakaaliw lang tignan noon ang mga kaibigan ko, palibasa hinde ko na sila noon madalas makita, bukod sa may kalayuan na ang bahay ko sa kanila ay hinde din naman ako masyadong makasama noon sa inuman session, natutuwa ako noon dahil kahit hinde na kami halos nagkakasama sama, matibay pa din ang aming samahan

"Huy Pauline nasaan yung kaibigan mo na sinasabi? ang tanong ni Lyn Papunta na daw, kasama si Mcoy "Eh di ba, pupunta din si Aki? Yun nga pinoproblema ko eh ang sabi ni Pauline Eh si Jan Jan, susunod ba? ang sabi ni Lyn noon kay Pauline na may halong pangaasar pa noon Ewan ko sa gago na yun, kanina ko pa pinapapunta, may ginagawa daw siya ilang sandali pa ay may narinig kami noon na motor papunta sa amin, mayamaya pa ay tumigil ito sa tapat namin, lulan ang isang matangkad at may kaputiang babae na may suot na helmet at lalakeng nakasuot noon ng asul na jacket "Ayan na pala sila eh ang sabi ni Lyn noon habang nakatingin kay Pauline. Hinde ako makapagsalita noon, hinde rin ako makakomento dahil wala akong ideya sa pinaguusapan nila, umalis na muna ako noon at bumuli nang sigarilyo sa malapit na parke sa amin, sinamahan ko noon ni Khael "Yun na kaya yung bisitang pinagmamalaki sa atin ni Pauline? "Ewan ko, si Mcoy yung nakamotor no? "Oo ata, ewan, nakahelmet eh, sira sira ka talaga "Uu nga no at pagkabili ko noon nang sigarilyo ay bumalik na kami, nagulat ako nang may nakita na akong nakaupong babae sa inuupan kong silya, nang nilapitan ko ito ay bigla akong nilingon nito, tinuturo kasi ako noon ni Pauline "Sino to? ang tanong ko sa kanila

"Oi... happy birthday... El Nunal tama?" ang bati sa akin nang babaeng iyon, sa unang tingin, ang mukha niya ay may hawig sa isang sikat na artista, si Angel Locsin, nakakuha nang atensyon ko noon sa babaeng ito ay hinde ang malaki niyang boobs o ang sexy niyang katawan, kundi ang mukha niya, lalo na ang mga mata na tila ba nangungusap at nangaakit, dahil siguro iyon sa paraan nang pagkakamake up niya sa kanyanga mukha, at ang suot niya noon na gree na contact lens, bagay kasi ito sa kanya

"Saan nyo ba nakita tong basura na to? ang sabi ko noon sa kanila nang pabiro at natawa siya noon "Hinde biro lang, ano nga palang pangalan mo? "Fae... Carol Fae bigla akong kinalabit noon ni Pauline "Anong masasabi mo? Ganda no? Kamukha ni Angel Locsin di ba? "Pwede na ang sabi ko noon habang nakangiti "Girlfriend yan ni Mcoy eh nagulat ako noon sa sinabi ni Pauline "Ha? Di ba ang GF niyan si ano bigla akong hinataw noon ni Pauline at sinenyasan ako na wag maingay "Ok lang teh ano ba, alam ko na no, sinabi na sa akin ni Mcoy ang sabi ni Fae noon

"Paano ba yan James, panalo ako sa pustahan napatingin ako noon sa kay James at natatawa ako dahil hinde siya noon nagsasalita, nangyayari lang iyon sa kanya sa tuwing may kaharap siyang magandang babae, kaya alam ko na maganda nga ang babaeng ito, hinde lang sa mga mata ko, ganun din sa mata nang mga kaibigan ko doon Umiinom ba to? ang tanong ko noon kay Pauline "Oo, kaya nga dumayo pa yan, para lang sa alak eh" ang sabi ni Pauline at tumawa silang dalawa ni Fae napansin ko, ang ayos niya, kilos, at pananalita ay parang hawig sa mga kilos ni Charice kaya naman bigla ko siyang tinanong "Fae, taga Makati ka no? "Paano mo nalaman?" ang tanong ni Fae sa akin "Kasi, sa Makati lang naman ako nakakakita nang ganyang way nang pagkilos pananalita at pagaayos sa sarili, parang laging may importanteng meeting na pupuntahan"

"Bakit importante naman tong pinuntahan niya ah ang pagtatangol noon ni Pauline sa kaibigang dinala "Tara Chixs ko, pakilala kita sa mga kaibigan ko ang biglang sabi ni Mcoy "Sige ang sabi ni Fae "Mcoy, shot naman muna kayo ang sabi ni Lyn noon habang inaabutan nang tigisang baso nang beer ang dalawa pero kapwa sila tumangi "Babalik kami dito Lyn"

Ang sabi noon ni Mcoy at sumakay ulit sila nang motor at umalis Ikaw talaga El Nunal, babangitin mo pa si Aki "Eh totoo naman talagang GF ni Mcoy si Aki di ba? "Wala na yun" "Ha?" at habang naguusap kami noon ay nagulat ako nang mula sa kawalan ay sumulpot si Aki, nursing student siya at nagduty siya noon "Oi El Nunal, Happy Birthday"

Ang bati sa akin ni Aki at nagulat kami nang kumuha siya nang isang litrong Red Horse at nagsolo sa isang table, at para bang gusto niya talagang magpakalasing, sinamahan muna nang dalawa naming kaibigang babae si Aki, hinde ko noon nauunawaan ang sitwasyon, pero hinde na ako nakielam pa sa kanila at hinayaan na lang sila doon at nagpakalulong ako noon sa alak, nakaubos kami noon nang siyam na litro nang Red Horse, ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang hilo at nakatulog na ako, nagising na lamang ako sa ingay at kwentuhan nila, nagulat ako at nasa paahan ko noon si Fae at pinagmamasdan ako "Ok ka lang kuya?

Ang tanong sa akin nito "Oi El Nunal sayang, sana nakita mo may nag palit anyo kanina ang kwento noon sa akin ni James "Sino? "Si Aki, nagbasag nang pitsyel at metro nang Meralco "Nasaan na? "Inuwi na, nag hyper ventilate kasi eh "Ahh... bakit? "Wala El Nunal, kadiri ka, nagsuka ka kaya ang sabi bigla ni Pauline noon, napansin ko nga na tila may tuyong suka sa aking braso noon "Nake, nakakahiya ka kay Fae, panay pa naman ang pagmamalaki ko sa iyo na kaya mong makipagsabayan sa kanya"

"Hinde naman kasi ako nakatulog nang maayos, tapos, pagod pa ako, anong aasahan mo wala ako sa condition di ba alam mo yun?" ang sabi ko kay Fae at ngumiti lang ang babae sa akin, tinignan ko ang oras noon at magaalas tres y medya na pala nang madaling araw, kaya naman nagbill out na ako at nagulat ako sa laki nang binayaran ko, hinde na ako nagreklamo noon, binayaran ko na lamang at nagmadaling umuwi, iniwanan ko na sila doon dahil alam ko naman na kaya na nila ang sarili nila, pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako nang kama at natulog, nakakahilo man ang gabing iyon, masaya naman ako dahil kasama ko noon na nagdiwang nang aking pahabol na selebrasyon sa aking kaarawan ang aking mga kaibigan.
Naging maganda din ang takbo nang pagtratrabaho ko noon, naging maayos at madali na para sa akin ang mga tawag na natatangap ko, kahit ang pinakamahirap na tawag noon ay nahahawakan ko na kahit papano, at minsan ay nareresolbo ko pa ang problema nila, naging madalas na din ang paglabas labas namin noon ni Charice sa tuwing breaktime at uwian, pagwala akong pasok, sinasamahan ko siya noon sa mga lakad niya, sa mga meeting niya sa mga kliyente niya, at pagdadala nang ibang mga materyales o sample product na ipapabenta sa amin nang mga clienteng nakukuha niya noon para maginvest sa kumpanya,sa lumipas na dalawang buwan ay maayos naman ang takbo nang aming relasyon, ngunit tulad nga nang sinasabi nila there's nothing permanent in this world, no consistent, the only thing that is consistent is change .

Ikatlong linggo noon nang Disyembre, habang nagpapasa ako nang mga dokyumento sa aming HR, nilapitan ko noon ni Charice

"El Nunal, sumama ka sa akin mamaya sa bahay ha, may pupuntahan tayom rest day mo naman bukas di ba? "OO Cha, saan ba tayo pupunta? Basta sumama ka na lang ok? at nang uwian na namin ay hintay ko siya noon sa labas nang kumpanyan, ilang sandali pa ay lumabas na siya noon at pumunta na kami nang parking lot at sumakay na kanyang sasakyan at umuwi sandali sa kanila, nagulat ako nang bigla akong tanggalan ng polo noon ni Charice at sinuotan niya ako nang mas maayos at mas magandang tignan na Polo, maging ang sapatos ko noon ay pinalitan niya din, kaya naman nagtanong ako "Saan ba talaga tayo pupunta at kailangan mukha akong Presidente nang kumpanya"

"Sa Reunion naming "Ha? Teka.... bakit mo naman ako isasama eh family reunion nyo pala yun "Lola wanted to see you, she might be a bight strict and very observant, pero wag ka sanang matataranta, just be yourself ok? Ayan, mas mukhang tao na ngayon ang boypren ko ang sabi ni Charice at hinalikan ako sa pisngi, humarap ko noon sa salamin at hinde ko nga akalain na magmumukha akong kagagalang galang na lalake "Ang pogi ko ba Cha? ang tanong ko sa kanya habang ngasasign nang pogi

"Hinde ka gwapo wag kang magfeeling "Ang sama mo pa nga, ikaw lagi kitang sinasabihan nang ang ganda ganda mo ako hinde mo pa ata ako nababating ang gwapo ko Eh kasi alam ko naman na maganda ako, ikaw, maganda ka ba? "Adik, ano ok na? "Tara, your neat tidy na sa mata ni Lola at muli kaming sumakay sa sasakyan niya at nagtungo sa di kalayuang bahay, halos 20 minutos lang kami nagbiyahe noon, sa daan ay meron na akong nakitang mga naggagandahan sasakyan, at madami akong nakitang mga babae doon, halos lahat ay kamaganak noon ni Charice, hinde na ako nagtaka kung bakit maganda si Charice, halos lahat kasi nang pinsan niya mga tiyahin ay magaganda, walang patapon, lahat kain, at pagbaba namin noon nang sasakyan ay agad kaming sinalubong nang mga pinsan

"Ate Charmaine ang bati noon sa kanya nang bata "Mabuti at nandito ka na " isang boses ang narinig namin noon habang nagpapahinga kami Nakatingin sa amin ang matandang iyon, at may kapit kapit pa siyang pamaypay noon, kitang kita ang ayos nang matanda na hinde siya pangkaraniwang mamayan, sa suot pa lang niya noon na damit, na para bang hinabi yari sa mamahaling hibla na nakukuha sa Pinya, at ang kwintas niya na alam mong tunay, maging ang hikaw nito at daliri ay hinde nawalan nang kumikinang na alahas, may sing sing sa kaliwa at kanang pala sinsingan ang matanda, isang ginto at isang para bang napapaligiran nang diamante, at ang bracelet niya ay yari din sa ginto, nilapitan ito ni Charice at hinalikan

"Welcome home Lola "How are you Iha? Are you doing well here sa Pinas Charmaine? Ok naman po ako Lola, don't worry about me nagulat ako nang marinig ko na Lola pala ni Charice ang kaharap kong matandang babae, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "Who is this man beside you? Your personal driver? House boy? Lola, don't be ridiculous, he's my boyfriend "Iha, you never fail to amuse me, my dear sweet Charmain, really, who is he

"He is my boyfriend Lola "Are you serious? may kataasan ang boses niya nang mga sandaling iyon at binuksan ang hawak niyang pamaypay at mabilis na pinaypay sa sarili, halatang nairita at naasar ito sa kanyang narinig "Lola Maria, what's the matter? isang magandang babaeng mestisa na nakasuot noon kulay indigong damit at cream white na pantalon ang lumapit sa matanda

"Pagsabihan mo nga yang pinsan mo, nagsisimula na naman gumawa nang sakit nang ulo tumingin noon sa amin ang magandang babaeng iyon, inalayayan niya papasok noon ang matanda sa loob nang malaking bahay "Charmaine, di ko ata ako nagustuhan nang Lola mo ah... ikaw na lang kaya ang sabi ko sa kanya, ramdam ko kasi na ayaw noon sa akin nang matanda

"Akong bahala sa iyo, isa pa, baka may jetlag lang si Lola, kakainform lang din kasi sa akin na pumunta ako dito dahil nandito daw sa bahay ni Tito si Lola, tara na kahit nagdadalawang isip ako noon ay pumasok ako noon sa bahay, at napakaelegante nang loob nang bahay, mula sa kisame na meron 4 na chandelier at ang tiles nang sahig, ang ganda, halatang mamahalin, samahan mo pa nang mga para bang pinasadyang mga desinyo sa mga pader, isama mo pa ang mga upuan ding parang yari sa mamahaling kahoy tulad nang Narra. Nakaagaw din nang aking atensyon ang mga taong kaswal na kaswal kung makipagusap, ang mga hawak nila sa baso nila ay talaga namang may arte. may nakataas pa ang hinliit habang hawak ang baso, ang iba naman ay may hawak na kupita na marahang inikot ikot o hinahalo ang lamang alak sa loob, sa itsura lang din nang lagayan nang alak ay mukhang mamahalin ito, maging ang mga table cover ay sadyang napakaganda, lahat ata nang makita ko, maging ang mga kasauotan doon nang mga babae at lalake, bata at matanda ay mamahalin, at ang mga cellphone nila, sadya naman talagang nasa uso, ultimong bata, may cellphone, nakaramdam ako noon nang hiya, at para bang nanigas noon ang aking katawan, para bang ang katawan ko na mismo ang nagsasabing hinde ako nababagay sa ganitong klaseng lugar, hinde ako maaring makisalamuha sa tulad nila "El Nunal... ayus ka lang?"

Ang tanong ni Charice sa akin "Wag kang matakot, halika"

Hinawakan noon ni Charice ang kamay ko at pumasok kami noon na magkahawak ang aming mga kamay, at tulad nga nang tumatakbo noon sa aking isip, pagtitinginan kami nang mga tao, mabuti na lamang at isang pamilyar na mukha ang nakita noon, si Mac,kausap ang babaeng lumapit noon kanina sa matanda. nilapitan kami noon ni Mac at binat "Glad you could make it, the two of you ang sabi nito sa amin

"Kumain na ba kayo?ang tanong niya sa amin "Tara, kain tayo ang aya sa akin ni Charice habang paalis kami, narinig ko ang sinabi noon ng mistisang babaeng iyon "Kahit kelan talaga, si Charmaine eh pasaway, palibasa at paborito ni Lola eh napalingon ako noon sa kanya at tumingin siya sa akin at agad din pinutol ang titig sa akin "Cha... sa tingin ko talaga hinde magandang ideya ang pagpunta ko dito

"Ano ka ba, wag mo na lang kasi silang pansinin, patay malisya ka na lang, wag kang magalala, hinde naman kita papabayaan dito eh at habang kumukha ako noon nang pagkain, ay may biglang nagsalitang lalake, ang gara nang porma niya, at makisig din ang itsura "Ok, welcome to my beloved relatives, today we are gathered here, because our Lola Maria just came home here, after 9 long years, kaya lang, she won't be staying here with us for a long time, babalik din siya after 4 months, kaya naman ,let's give her a toas, for Lola Maria! "For Lola Maria

At uminom sila noon nang alak at nagpalakpakan paglabas nang matanda habang kumakain kami, lumapit bigla sa amin ang babaeng mistisang nakita ko Charmaine, what are you trying to do? Kill Lola Maria at this instance? "Suzzete, don't exaggerate ok? I'm just here, with my boyfriend, we just came here to see lola and eat, after that, aalis na kami "As if Lola will let you go "What's your name? Ay sandali, baka hinde mo kasi naintindihan eh, ano bang pangalan mo? nagulat ako noon sa sinabi nang babaeng iyon, mukhang kung anong ganda ng mukha niya, yun naman ang panget nang loob niya, sasagutin ko na sana siya nang biglang sumabat noon si Charice

"Suzzete, for your information, he's one of the top agent of our company, international account, in which they spoke in English every day for eight hours for 6 days, so I guess, either you ask him in English or Filipino, he can understand, besides, he is not obligated to answer that question "Are you trying to cover up for him, don't tell me that you are inlove with this guy?"

"Yeah, so what about it? "Charmaine... don't abuse LoLa Maria just because your he apple of her eyes, fruits do rot, don't wait for that moment to happened tumayo noon si Suzzete at muli akong tinignan muli mula ulo hanggang paa " No wonder that happened to you before" at umalis na ito "Pasensya ka na ha, intrimitida lang talaga yung pinsan ko na yun"

"Charmaine, ano kumusta isang boses ang nagsalita sa likod namin
Napalingon ako noon dahil ang ganda nang boses nang nagsalita, at kung ano ang ganda nang boses niya ay siya din namang ganda at amo nang mukha niya, at niyakap ito agad ni Charice "Theresa glad you could make it, buti nakauwi kayo dito galing Mindoro"

"Alam mo naman si Mommy, always present sa mga ganito, since may business si Daddy sa UK, ako na muna sumama, besides, I wanted to see you as well. sino yang kasama mo? "Ahh Theresa, si EL Nunal nga pala, El Nunal ang pinakamamahal at paborito kong pinsan, si Theresa at kinamayan ako nang dalaga, halos magkamukha sila ni Charice, yun nga lang, mas maliit ang mukha nito kaysa kay Charice at mas maganda siya kay Charice, mukha din siyang simple at hinde matapobre tulad ni Charice, umupo siya sa tabi namin noon at nagkwentuhan sila noon ni Charice, ako naman ay nanahimik lamang at nagoobserba sa mga nangyayari sa paligid, napansin ko na ang iba sa kanila ay hinde talaga maiwasang tumingin kung nasaan kami ni Charice nakapwesto, hanggang sa nagsimula nang magsalita ang Lola ni Charice

"Thank you for your warm welcome, it's been 9 years since I left in the Philippines to assist my daughter and son - in - law para tulungan sila sa problema niya,financial, emotional and in physical aspects, sa awa nang Diyos, nakarocover ang magasawa, nasalba ang kumpanya at umasenso pa, at sa wakas ay nahilom na din ang sugat nang nakaraan, na noon ay pinilit kong ayusin, alam naman natin ang pinagdaanan nang aking pamilya, malalaking dagok na sabay sabay tumama sa amin, salamat din sa tulong niyo at naisalba natin sila, ngunit sana naman, sana, ay wala nang maulit pa sa mga problemang iyon, hinde ba, Charmaine?"

Nagulat ako noon nang tawagin niya ang pangalan ni Charice, samantalang si Charice naman ay walang kibong tumayo noon"Ate Charmaine... ang sabi noon ni Theresa habang kapit ang kamay nang pinsan, may isang matabang babae noon ang lumapit at hinila palayo si Theresa noon kay Charice "Anong masasabi mahal kong Apo? inabutan siya nang mike nang isa sa mga pinsan niya noon, at lahat ay nakatingin sa kanya

"Lola Maria, tama naman po ang lahat nang sinabi niyo... pero... hinde po ba, nagsimula lang din naman ang problema dahil sa inyo? lahat nang nandoon ay parang nagulat sa sinabi ni Charice, may mga lumapit pa noon na matatanda sa kanya at kinausap si Charice "Roman, Leah, Arrni, Armelio, Lucile, wag nyong pagsabihan ang apo ko, pakingan natin ang sinasabi niya, sige Iha, continue"

Ang sabi nang Lola niya "Lola, stop this ang sabi nang ibang mga babaeng lumalapit sa kanya nguniti hinde ito pinapansin nang matanda "So... why speechless, anong nangyari sa iyo? Bakit natikom ang bibig mo? Charmaine? Hello? Charmaine Bethina ---, I'm talking to you, aren't I?"