Sexcapades Ni Nars (Part 2)

Filipino Sex Stories
2 minutes
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination.Any resemblanceto actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Sabay na kaming nag out ni Doc. Medyo nahihiya ako sa kanya. Siyempre, first time kong ihatid ng lalaking doctor sa bahay namin.

Nagmadali siyang pumunta sa sasakyan niya para pagbuksan ako ng pinto. Medyo kinilig naman ako sa ginawa niya, napaka gentleman. Gentle din kaya sya sa kama? Napaisip ako.

Magkalapit lang kmi ng bahay ni Doc. Along the way lang yung village namin. Habang nasa biyahe kami, ang dami niyang kwento about sa med school. Napaka daldal ng lalaking 'to. First time ko syang nakitang ganito. Pag sa ER tahimik lang siyang nagse-cellphone pag walang pasyente.

Nung malapit na kami sa village namin, biglang nagsalita uli si Doc. "Kailan ang next duty mo?"

"Sa isang araw po, Doc. Morning shift po ako." Sagot ko tapos nginitian ko siya.

"Naku, sayang. Pang gabi ako nun. Di bale, subukan kong makipagpalit kay Doc ****." Nginitian din ako ni Doc. Grabe tong lalaking to. Nakakakilig ngumiti. Parang nang aakit.

"Bakit ka naman makikipagpalit, Doc?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto kasi kita..." nag pause siya nag ilang segundo, tapos nagpahabol na "Gusto kitang kasama sa duty." Ngumiti uli ng napakatamis.

Kinilig naman ako kay Doc. Parang kinikiliti ang pagkababae ko sa sinabi nya. Pero syempre, di ko pinahalata. Tumawa na lang ako.

Dumating na ako sa bahay. Nagpaalam na ako kay doc at nagpasalamat sa paghatid. Nung bubuksan ko na ang pintuan, bigla niyang hinatak ang braso ko. Napalingon ako sa kanya at nagkatitigan kami.

Nagulat na lamang ako nang dumampi ang labi nya sa labi ko. Di ako nakapalag. Napakabilis ng pangyayari.

Nang matauhan ako after 5 seconds (hahahaha oo nabilang ko), kumalas ako sa pagkakahawak niya sakin. Di kami nagkibuang dalawa. Nakaupo lang kami sa kotse niya na nakapark sa may gate namin. Di ako makagalaw sa upuan, siya din.

Tahimik. Radio lang ang maingay. Siguro mga limang minuto kaming walang imikan.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung galit ba ako, or kinilig, hindi ko alam. Napakabilis kasi ng pangyayari talaga.

Nang mahimasmasan ako, nagsalita ako. "Uhmm, Doc.. Baba na po ako. Salamat sa paghatid." Yun na lang ang nasabi ko, hindi ko na sya hinintay magsalita. Binuksan ko ang pintuan at dali-daling bumaba ng sasakyan. Dumirecho ako sa may gate namin at nag doorbell. Hindi na ako lumingon pa. Hindi pa din pinapaandar ni Doc ang sasakyan niya. Inantay niya akong makapasok bago siya umalis.

Pagdating ko sa loob ng bahay, dali dali akong nagtungo sa banyo namin upang maligo.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gulong gulo isip ko. Feeling teenager na first time makaranas ng halik. Basta, gulong gulo ako.

Pag akyat ko sa kwarto ko, biglang narinig ko ang phone ko na tumunog. May nag text pala. Si Doc pala yun....

Itutuloy...

About lennie_papaya

u/lennie_papaya
lennie_papaya has nothing to say.

More from lennie_papaya

  • Sexcapades Ni Nars (Part 2)

    Filipino Sex Stories
    This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination.Any...
    2 minutes
  • Sexcapades Ni Nars (Part 3)

    Filipino Sex Stories
    This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination.Any...
    3 minutes
  • Sexcapades Ni Nars (Part 1)

    Filipino Sex Stories
    Disclaimer!!!! This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination...
    4 minutes

    Related Stories