1. Home
  2. Stories
  3. The Girl Next Room
Lagablab

The Girl Next Room

Written by supertoyantz on

The Girl Next Room

Original Story

by

TOYANTZ

"Boy.. Gising..." said the bus conductor..

I thought it was heaven.. Beautiful girl is sweetly smiling at me.. She was so pretty, my heart was pounding so fast..

"Langyang to..Hoy !.." sabi ng konduktor..

Yes.. I was the sweetest smile i saw..

Pero di ko maintindihan kung bakit tila naglalaho na ang pinakamaamong mukha na nakita ko..

Isang malakas na dagundong ang gumising sa aking diwa..

Gulatantang akong napabangon at tumingin sa paligid..

There was no girl..

Only a frown face of an ugly man .. He was about to slap me... Or should I say he was about to slap me again..

"M-manong, baket ho?.." I asked..

"Nagtanong ka pa.. Kita mo ba na ikaw na lang ang nandito?.. Bumaba ka na boy at gagarahe na kame.." He scold..

Then turned around..

Nuong una di ko alam ang dapat kong isipin..Parang di pa nagfufunction ang utak ko..

"Ano di ka ba talaga tatayo?.." asar na tanong ng lalake..

I rapidly collected my things before he comes again..

Nagmamadali akong bumaba sa pinto.

Nakaabang pa ang konduktor..

"Wala ka na bang naiwan ?.." he asked.. Half smiling..

I feel relieved.. I thought he's mad..

"W-wala na po manong.. " I replied..

He closed the door and headed towards the canteen..

Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid..

Unfamiliar things..Unfamiliar faces.

Hi.. My name is Matt.. Short for Matthew.. I came straight from province of Cagayan Valley.. I a'm 19 Yeards Old... I came here to visit my aunt.. She's living somewhere here in Quezon City..

I don't know what's happening.. My Aunt knew that I'm coming this day..She even texted my Mom that she will wait for me here..This is my first time here in Manila..

Sigh.

Kipkip ang mga dala kong pang pasalubong at mga damit.. Naupo ako sa waiting lounge ng bus station..Marami rami pa rin ang tao kahit na madaling araw na..Paroo't parito ang mga pasahero..Yung iba ay natutulog na sa kanilang upuan..

Niyakap ko ang aking mga dala.. Bago pumikit..

Muli ko na naman nakita ang magandang babae sa aking panaginip..Parang may sinasabi syang kung ano.. Pero di ko naman maintindihan. Gusto kong lumapit.. Nilakad ko ang maliit na distansya naming dalawa.. Pero parang kulang pa.. Sinubukan kong tumakbo.. Pero nakapagtatakang di man lang ako makalapit sa kanya.. Hanggang sa lumindol ang paligid.. Nawala ang babae..

"Matt.. Hoy Matt.." said the voice..

I slowly opened my eyes and find where it came from..I saw the familiar face of my Aunt.. She's smiling at me..

"Pasensya na at nahuli kami ng dating ha?.. Nakatulog eh.." she said..

I nod..

"Insan !.." another voice at her back..

I looked..It's Rodrigo.. My Aunt's eldest son.. She has 2 children.. Both boys..

"Kuya.." masiglang bati ko..

Nagtapikan kami sa balikat..

"Si Roger?.." i asked about his younger brother...

"Andon na sa bahay.. Tulog yun.." he said..

"Kaya tumataba eh.." biro ko...

Kuya Rod laughed on what I said..True, Roger was only 12 years old.. Hes fat..Oops.. Magagalit nga pala sya kapag tinawag ko syang mataba.. He prefer to be called "chubby" ..

"Oh sya sya.. Tama na munang kamustahan.. Baka abutan tayo ng traffic.." said my Aunt..

Tumango ako..

"Tyang.. Eto po mga bigay ni Inay.." I said.. Giving her all the Pasalubongs my Mom prepared..

My Aunt gleamed with joy.. Both of them love to eat vegetables.. My mom knew it..

"Nakow.. Di talaga nakakalimot yang Nanay mo.. Salamat naman iho...Hoy Rod ano pang ginagawa mo ?.. Mag abang ka na ng Taxi.." sabi ni Tyang..

Dali dali namang tumawag ng Taxi si Insan Rod..

After an hour.. The taxi stopped infront of two storey house.. It's huge..

Maswerte talaga sila Tyang.. Nakapangasawa sya ng Seaman.. Taon taon kung bumaba ang asawa nya sa barko galing sa iba't ibang bansa.. Marami itong pasalubong, yun ang kwento sa akin ni Kuya Rod kapag napapasyal sila sa amin twing umuuwi ang Daddy nya..

Nakakainggit din minsan.. Pero alam ko naman ang limitasyon ko... Batid kong nagsisikap din naman sila Inay at Itay kahit pa sabihing di kami nakakariwasa sa buhay.

"Ihatid mo na sya dun sa pangatlong kwarto Rodrigo.." bilin ni Tyang...

Kuya Rod nodded.. He opened the gate..

"Kuya.. Anlaki ng bahay nyo.." puri ko..

Di ko alam kung kelan nila pinataasan ang bahay nila.. Ang alam ko isang palapag lamang ito nuong huling punta ko.. Well, that was 10 years ago I guess.. Asensado na talaga sila..

Kuya Rod just smiled at me.. Dala ang mga iba kong gamit.. He walk towards to a door..Pagbukas nya ng pinto ay nagtaka ako..Why stairs?..

"Bakit hagdan agad kuya?..." i asked..

"Eh kasi.. Apartment na itong ginawa namin ni Inay.. Para dagdag kita.." he replied..

Napatango tango ako.. I was a genuis idea.. Sa panahon ngayon.. You need to be practical..

We headed upstairs.. The stairs were made of wood.. So every steps we made was making noise..It's fun.. But a little bit of eeky..

Narating namin ang ikalawang palapag..Malinis naman.. Maayos at maganda ang tanawin..May parang hallway..

"Magkano ang upa dito kuya?.." tanong ko..

Kuya Rod laughed..

"Oy syempre di ka namin pagbabayarin no.." he said..

"Alam ko.. Tanong lang.. Ako pa lang ba ang tao dito sa taas?.." I asked him..

Umiling si Kuya Rod..He pointed the room before my room..

"May pamilya dyan.. Tapos dun sa unang kwarto.. Magkakaklase .. Dalawang bading.." he laughed when he said the word..

Natawa din ako sa sinabi nya..

"Kaya ikaw.. Wag kang lalabas labas dito sa gabi kasi may mga nakabantay dyan sa first room.." natatawang pananakot nya.

Umiling lang ako.. Sinuksok ni Kuya Rod ang hawak nyang susi sabay bukas ng pinto..

It was dark inside.. Kinapa ni Kuya Rod ang gilid ng pinto.. Looking for something.. Then it "Click." ... The lights turned on..

"Okay ba?.." he asked..

My eyes widened with joy..The room is as big as our house..Napatingin ako kay Kuya Rod.

"Dito ako kuya?.." tanong ko..

Tumango si Kuya Rod.. Sabay tapik sa balikat ko..

"Oh.. Sanayin mo ng sarili mo.. Baba na ko.. Papasok pa ako sa trabaho e." sabi nya..

Naalala ko..

"Ay kuya.." pero pinigilan ni Kuya Rod ang sasabihin ko..

"Oo .. Sige apply kita don.. Bukas malamang magsimula ka na.. Bago ako umalis akina resume' mo.." sabi nya.

Natuwa ako sa sinabi ni Kuya Rod..

"Thanks talaga kuya.. Salamat.. Malaking tulong yan.. Mag eenroll na din ako.." i said..

"Teka may pera ka ba?.." tanong nya..

Tumango ako.. Nahihiya naman akong manghingi sa kanila..Bago ako umalis ay pinabaunan ako ni Inay ng limang libo.. Pang allowance ko na daw.. Nakakahiya kung sila pa ang gagastos ng mga luho ko..

Umalis si Kuya Rod ilang saglit lang..

Sinara ko ang pinto at dumiretso sa maliit na kama ..Malambot.. Agad akong nahiga.. Ramdam ko ang pagod ...

Gusto ko sanang matulog.. Pero alam kong di pa pwede.. Muli akong tumayo..Isa isa ko ng inayos ang mga gamit ko.. Nilipat ko ito sa maliit na drawer sa tabi ng kama ko..

Ng maayos na ang lahat.. Bumaba ako.. Napansin ko ang isang bata na lumabas dun sa katabi kong kwarto.

"Good morning ho.. " sabi ko sa kasunod na babae..

AGad namang ngumiti ang babae sa akin..

"Ay good morning din.. Ikaw siguro yung pamangkin ni Aling Rowena?.. " shed said... Ang tinutukoy ang si Tyang ..

Tumango ako sabay ngiti..

"Ang cute ho.. Anak nyo po?.." tanong ko sabay nguso sa bata.

Ngumiti sya..Tumango.. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila...

"Ay.. Ako nga pala si Shiela.. At ito naman ang asawa kong si Melvin.. So ikaw pala ang titira dyan sa katabi naming kwarto.. " tanong nya..

Tumango ako..

"Opo.. Ako po si Matt.." sabi ko ..

Ngumiti ang mag asawa.. Kinarga ni Kuya Melvin ang anak nya..

"Oh pano Matt.. Pasok na ako..Ihahatid ko muna sila Misis sa nanay nya.. Dyan lang sa sunod na kanto.." paalam nila..

Ngumiti ako..Sumabay na ako sa kanila sa pagbaba..

Naghiwalay kami sa gate.. Dumiretso sila sa labas samantalang ako ay umikot patungo kina Tyang..

Nasalubong ko pa si Insan Rod.

"Kuya.." bati ko..

Nagulat sya.. Ngumiti.. Bihis na si Kuya .. Naka pang opisina na sya..

"Oy.. Yan na ba yung resume mo?.. Akina.. Traffic na naman to.." sabi nya..

Agad kong binigay ang resume ko.. Di na nya ito tinignan.. Tinapik nya lang ako sa balikat bago nagmamadaling lumabas ng gate..Kibit balikat lang ako sabay diretso ng pasok sa bahay nila para mag almusal.. Mag eenroll pa ako..

Days past.. I slowly enjoy the life here in Manila.. Parang napakabilis ng oras.. Natanggap na din ako sa trabaho na pinapasukan ni Kuya Rod bilang manager ng isang fast food resto.. Nakuha ako bilang crew ..Pang umaga ang schedule ko sa trabaho.. Kaya pang gabi ang kinuha ko para sa school..

8-5 PM ang pasok ko sa trabaho .. Tapos 7- 10 PM naman sa eskwela.. At first syempre nahihirapan ako sa schedule ko. Hanggang sa nagamay ko na rin pati na ng katawan ko ang pagod..

I also met the two gays in the first room.. They are both bubble and funny type of person.. As expected sa mga bading.. They are kind too.. Like me.. They're both studying and working at the same time.. Minsan sabay pa kaming pumapasok sa umaga..But that was so often..Masyado silang maagang pumapasok.. Malayo daw kasi ang work nila.. Bandang makati pa ata.. Ako naman ay dyan lang sa Quezon Ave..Isang sakay lang ako..

Mabilis na lumipas ang panahon..

Patapos na ang first semester sa pinapasukan ko.. So far.. Magaganda naman ang nakukuha kong grades.. Kahit hirap at hapit ang schedule ko.. I managed to have time for reviewing my lessons.. Iniipon ko din ang kalahati ng sahod ko.. The other half were given to the province..

I enjoyed my life.. I feel contented.. Well, dati.. When Kuya Rod asked me this question.

We have the same day off..Sinadya ni Kuya Rod para daw makapag bonding kami..

It was saturay evening.. Nag iinuman kami sa tapat ng bahay nila..Day off namin bukas at wala akong pasok sa school..

Pabalik balik si Roger na dumadampot ng pulutan namin..

"Tol.. Anong balita sa inyo ni Shane?.." tanog ni Kuya..

Shocked.. I slowly put down the glass of wine..Smiled at Kuya Rod..

"Okay lang ..Pinili nya yon eh.." sabi ko..

Ang tinutukoy ko ay si Shane.. 3 years Girlfriend ko.. Akala ko kami na habang buhay.. Pero nagulat na lang ako isang araw .. Nakita ko syang nakikipaghalikan sa ibang lalake.. Sobrang sakit .. Kala ko mamamatay na ako.. Pero nagising na lang ako isang araw na pinapangaralan ni Inay.. Sabi nya.. Kung di daw kami ang para sa isa't isa.. Di daw talaga kami magkakatuluyan.. May nakatadhana daw para sa akin..

"Aaminin ko kuya.. Yun nangyari sa amin ang isa sa mga dahilan kung bakit dito ko pinili na tapusin ang pag aaral ko.. Lagi lagi ko silang nakikita.. " sabi ko..

Mukhang umeepekto na ang alak.. Nag iinit na ang mga mata ko.. Muli na namang nanariwa ang sakit na dinulot ni Shane..

Tinapik ni Kuya Rod ang balikat ko.. Muli na namang lumabas si Roger para dumampot ng pulutan.. Natawa na lang kaming pareho..

"Makakakita ka din ng para sayo.." sabi nya..

I just smiled at him.. I hope so..

"Oy tama na yan.. Di porke wala kayong pasok dalawa bukas magpapakasawa na kayo dyan sa alak..Alas dose na oh.. Ikaw Roger .. Ang lakas mo talaga sa puyatang bata ka.. " saway ni Tita..

Napangiti na lang kami sa isa't isa ni Kuya Rod..

"Oh Roger.. Kainin mo ng lahat yan.." natatawang sabi ko..

Agad nilantakan ni Roger ang natirang pulutan.

"Tulog na ko kuya.." sabi ko sabay hikad.

Nagpaalam ako sa kanila.. Sabay akyat sa hagdan.. Eto na naman ang pakiramdam.. Sa tuwing umuuwi ako galing sa eskwela.. Kapag nadadaan ako sa makipot na hagdan na ito.. At kapag umaapak ako sa kahoy na baitang ... Parang may kung anong kakila kilabot na magaganap..

Nagmamadali akong umakyat.. Tahimik na ang dalawang kwarto..

Mukhang nagpapahinga na rin sila..

Tahimik akong naglakad patungo sa tapat ng pinto ko..Nilabas ko ang susi.. Natawa pa ako ng di ko ito maisuksok..

"Yun !.. Shoot.." hagikgik ko..

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng may maaninag ako sa dulong pasilyo...

Nanlaki ang mga mata ko.. Yung babae sa panaginip ko.. !..

Kinurap kurap ko pa at kinusot kusot ang aking mga mata..

Di ako maaaring magkamali..

Sya nga !..

Nakatayo sya .. Nakaharap sa bakal na balustre at nakatingin sa daanan..Nakahawak sya sa bakal at tinatangay ng hangin ang mahaba nyang buhok..

Nakanganga lang ako..

Tumingin sa akin ang babae.. Kumunot ang noo.. Sabay ngiti ng matamis.

Pakiramdam ko tumalon ang puso ko .. Napakaganda.. Perpekto..

"Kamusta .." mala anghel na boses ang lumabas sa maliliit na labi nya.

Kailangan ko pang tumawa para pagtakpan ang kahihiyan.. Nakanganga pala ako..

Di ko na tinuloy ang pagpasok sa kwarto.. Lumapit ako sa babae..

"K-kamusta.." bati ko..

Ngumiti na naman sya ng matamis..Lumabas ang puti at pantay pantay na ipin..

"Bago ka dito?.." tanong nya.

Tumango ako.. Nanginginig ang aking panga..

Tumingin ako sa maamo nyang mukha.. Sa pagtama ng liwanag ng buwan.. PAkiramdam ko pinana ako ni Kupido.. Napakabilis ng takbo ng puso ko..

"M-medyo..." sabi ko..

Ako naman ang nagtaka..Halos mag aapat na buwan na ako dito sa apartment ni Tyang.. Di ko pa nakikita ang babaeng ito..

"Parang di kita nakikita?.." tanong ko..

She smiled.. I gasp..

"Ah.. Kasi lagi akong ganitong oras lumalabas.." sabi nya..

Nangiti ako..Napatango tango..

"Bakit may work ka na din?.. " tanong ko ulit..

Ngumiti lang sya..

Tunaw na naman ang puso ko..

"Ay.. !.. Matthew nga pala.." pakilala ko..

Nilahad naman nya agad ang palad nya.. Napapikit ako ng magdampi ang mga kamay namin.. May malamig na pakiramdam akong naramdaman.. Haha.. Nanlalamig kasi ako..Yun siguro ang dahilan..

"Kristina.." sabi nya..

Kinilig ako sa ngiti ni Kristina..Para talaga syang anghel.. Bestida ang suot na hapit sa katawan... Kaakit akit talaga..

Tahimik lamang kaming nagkwentuhan ni Kristina.. Puro lang naman sa side ko ang pinag uusapan namin.. Naiintindihan ko sya dahil baka nahihiya sya.

Alas kwatro na ng magpasya kaming maghiwalay.. Pumasok na si Kristina sa pang apat na kwarto.. Sabay pa kaming nakangiti..

Ang sarap ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon.. Parang nawala ang hinanakit ko tungkol kay Shane.. Ito siguro ang tinatawag na love at first sight..

Di ko na nagawang magpalit ng damit.. Nakahiga ako sa kama.. Nakangiti .. Nasa isip ang maamong mukha ni Kristina.. Dala ko sya hanggang sa pagtulog..

Isang linggo ang matuling lumipas.. Gabi gabi kaming magkasama ni Kristina.. Laging alas dose hanggang alas kwatro kami nagkikita.. Kadalasan. .. Kapag maaga akong nakakauwi galing eskwela.. Naliligo pa ako .. PAra pagsapit ng pagkikita namin.. Mabango naman ako..

Laging nakangiti si Kristina .. Napakaganda nya talaga.. Para akong baliw sa mga oras na di ko sya nakakasama..

Gusto kong laging hilahin ang oras para lamang mag alas dose na..

Isang araw nagalit sa akin si Kuya Rod..

"Ano bang nangyayari sayo Matt?.. Lagi ka na lang parang walang sigla dito sa trabaho..?.. Wag naman ganyan insan.. Di porke pinsan kita mag gaganyan ka na .. Masisisante tayo nyan eh.." reklamo ni Insan..

Nagsintir ang kalooban ko.. Pero tama sya.. Sa dalas ng pagkikita namin ni Kristina..Halos wala na akong tulog.. Nahulog na ang katawan ko.. Nangayayat na din ako .. Kahit sa eskwela.. Nakakatulog ako.. Nagsisimula na ding bumaba ang grades ko..

Tinapik ako ni Kuya Rod sa balikat..

"Magpahinga ka muna insan.. Kung may problema ka.. Wag kang mahihiyang sabihin sa akin.. Sa amin ni Mommy.. Pamilya tayo di ba?.." masuyong sbi nya..

Tumango ako..

Patuloy ang ganitong sistema.. Alas kwatro na ako nakakatulog.. Hanggang isang araw.. Tinablan na ako ng sakit.. Di ako nakapasok sa eskwela at trabaho.. Ayos lang daw sabi ni Kuya Rod..

Sa mga panahong may sakit ako.. Di ko nakikita si Kristina..

Nagtatampo na ako sa kanya.. Sabagay, siguro di nya alam na may sakit ako..

Gabi na nuon.. Alas dose.. Sinilip ko ang pwesto ni Kristina sa hallway..

Wala pa rin sya..

Hanggang sa nainip na ako.. Kinatok ko ang pang apat na kwarto.. Nakailang katok na din ako pero wala pa ring sumasagot..

Nagtataka na talaga ako.. Bumaba ako at nagtungo kina Tyang.. Mabigat na talaga ang pakiramdam ko..

Malamang na mabinat ako dito sa ginagawa ko.. Malamig ang simoy ng hangin.. Tinahak ko ang hagdan .. Nilabanan ko ang takot..

Kinatok ko ang pinto nina Tyang..

Pupungas pungas na lumabas si Insan Rod..

Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa akin..

"Putsa !.. Anong ginagawa mo sa sarili mo Matt?.." sigaw nya.

Nanlalanta na ang katawan ko..

"Kuya.. Nasan na sila Kristina?.." tanong ko..

Nawala ang antok ni Kuya Rod sa tanong ko.. Nagtaka sya..Nagbukas ang ilaw sa likod ni Kuya.. Sumilip si Tyang naka roba pa at halatang kagigising din lang.. Nagulat din ito sa itsura ko..

"Dyos miyo Matt.. Anong nangyari sayo?.. Bakit ka pa bumaba?.." tanong nya..

Napangiti na lang ako..

"Okay lang po ako Tyang..Tatanungin ko lang kung umalis ba sila Kristina ?.. Kelan pa ho?.." tanong ko.

Nagkatinginan ang mag ina..

"S-sinong Kristina insan?.." tanong ni Kuya Rod.

Natawa ako.. Nagbibiro lang siguro sila..

"Kuya naman eh.. Sige na.. Sabi mo mag girlfriend na ako para di ko na iniisip si Shane.. Eto na kuya.. Nahanap ko na ang babaeng gusto ko.. Sige na kuya.. Nasan ba sila?.. Nag outing ba?.. " nanghihina na talaga ako..

Muli silang nagkatinginan..

Unti unti na akong naaasar sa arte nila..

"Kuya naman eh.. Nahihilo na ako.. NAsan na ba kase sila?.." medyo tumaas na ang boses ko.

"S-sino bang Kristina yon iho?.." tanong ni Tyang..

Duon ako nagalit..

"Bakit ba kasi tinatago nyo sya?.. Para sasabihin nyo lang na di nyo alam.. Tapos . !.." sigaw ko.

Akmang babalik na ako sa kwarto ko ng hawakan ni Kuya Rod ang braso ko..

Pumiglas ako..

"I-insan.. S-sino kamo hinahanap mo?.." tanong ni Kuya Rod..

Kahit naiinis.. Pasigaw kong sinabi sa kanya ang pangalan ng babaeng sa tingin ko ay iniibig ko na.

"Kristina !.." mataas ang boses na sabi ko.

Napalunok ang mag ina..

"S-saan mo sya kamo nakita?.." tanong muli ni Insan Rod.

Napatirik ang mga mata ko sa inis..

"Sa pang apat na kwarto.. Bakit ba parang nagtataka kayo?.." inis kong tanong.

Muli silang nagkatinginan..

Tuluyan na akong naasar.. Aalis na sana ako ng magulat ako sa sinabi ni Tyang.

"P-pero Matt iho.. Walang pang apat na kwarto.." mahinang sabi nya.

Natawa ako..

"Oh come on Tyang.. Joker ka na din ah.. " sabi ko..

Pero di sila natawa.

"Anong walang pang apat na kwarto?.. Di ba kuya tinuro mo pa nga sakin yon?.." tanong ko kay Insan Rod.

Tumango sya.

"Oo insan .. Pero tama si Inay.. Walang pang apat na kwarto.. Kasi tambakan lang yon ng mga lumang gamit namin.. Nandun yung hinahanap mong bike natin .. Lahat ng mga di na kailangang gamit .. Duon tinatambak.. Kaya imposibleng may pang apat na kwartong paupahan.. " sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ko.

"Anong tingin nyo sakin ?.. Nababaliw na?.. " sigaw ko.

Nagkatinginan lang sila..

Sobrang galit ko na sa kanila...

Tinakbo ko ang hagdan.. Pinaglabanan ko ang pagkahapo at pagod na nararamdaman ko dala ng sakit ko..

Nilampasan ko ang nakabukas kong kwarto..

Dumiretso ako sa dulo ng pasilyo kung saan nandun ang kwartong nakita kong pinasukan ni Kristina..

Hinawakan ko ang door knob..

Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko..

Pinaghalong pagod at kaba.. Napapikit pa ako..

Sana tama ako.. SAna mali sila.. Sana biro lang nila yon..

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob.

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin na di ko alam kung saan nagmula..

Madilim sa paligid..

Nagbaka sakali akong pareho ng posisyon ng switch sa kwarto ko ang switch ng ilaw sa kwartong ito... Tama.. Pagkapa ko sa gilid.. Nakapa ko ang switch ng ilaw..

Tinipon ko ang lahat ng lakas ng loob bago pinindot ang switch.

Bumaha ang liwanag sa kwarto..

Napangiti ako..

Kwarto nga..

Tama ako.. Binibiro lang ako nila Kuya at Tyang..

Dahan dahan akong pumasok..

Hanggang sa makarating ako sa upuan na nakapwesto sa gitna ng kwarto.. Nakapagtataka.. Bakit nakahambalang ang upuan na ito..

Napansin ko ang kapirason papel sa upuan.. Sulat pala...

Mabilisan kong pinasadahan ang nakasulat..

Ilang sandali ang lumipas.. Nasa kalagitnaan na ako ng pakiramdam ko manlaki ang ulo ko.. Di ito basta ordinaryong sulat lamang..

Kundi isang SUICIDE NOTE !..

Mabilis kong nilipat ang mga mata ko sa pinakadulo ng papel.. Lalong nanlaki ang ulo mga mata ko ng mabasa ko ang pangalan ni Kristina..

Namamaalam ang dalaga sa sulat.. Iniwan daw sya ng nobyo nya ng malaman nitong nagdadalang tao sya...

Tulala lamang ako.. Di makapaniwala.. Kumurap kurap ang ilaw..

Gumapang na ang takot sa katawan ko..

Nilamukos ko ang papel sabay pihit pabalik sa pinto..

Pero palapit pa lamang ako ng bigla itong magsara...

Umihip ang malamig na simoy ng hangin..

Namatay ang ilaw.. Napaupo ako sa sahig sa sobrang takot...

Wala na akong makita...

Pumikit ako ng mariin at nanalangin na sana bumalik na ang ilaw...

Mukhang dininig naman ang panalangin ko dahil ilang saglit lang ay nanumbalik na ang ilaw sa kwarto..

Dahan dahan akong dumilat..

Pero ang inaasam ko ay syang naging sumpa sa akin..

Sana di ko na lang inasam na magkailaw ulit..

Tama pala sila Kuya at TYang ....

Totoong bodega na lang ang pang apat na kwarto..

Pero may dapat silang idagdag..

Nuon ko nalaman ang silbi ng upuan..

Sa itaas nito ay may nakasabit na katawan ng isang babae..

Si Kristina..

Duguan..

Dilat ang mata na nakabigti at nakatingin sa direksyon ko..

Putlang putla ang mukha nya..

Gusto kong sumigaw.. Pero walang boses na namutawi sa mga labi ko..

Hanggang sa gumalaw si Kristina..

Inalis ang pagkakabitin ng lubid sa leeg nya..

Dahan dahang bumaba sa upuan ..

Dahan dahan ding lumapit sa akin..

Di ko maipikit ang aking mga mata...

PAra na akong bato na nakaupo..

Nuon ko lamang naamoy ang umaalingasaw na baho ni Kristina.....

Dahan dahan syang tumabi sa akin sabay pinalibot ang puting braso..

Napangiti sya..

Napangiti din ako..

Duon na ako tinakasan ng katinuan...

End...

More from supertoyantz

Related Stories

Lagablab

LIMANG ALAS TATLONG SANTO

fullhouse

Admins, request to post pulot story, for holy week lang naman. Mukhan walang mag post ng erotic this week. LIMANG...

9 minutes Read Time
Lagablab

The Girl Next Room

supertoyantz

The Girl Next Room Original Story by TOYANTZ "Boy.. Gising..." said the bus conductor.. I thought it was heaven.. Beautiful...

18 minutes Read Time