1. Home
  2. Stories
  3. The Slutty Stepmom - Kabanata 5 - 7
Filipino Sex Stories

The Slutty Stepmom - Kabanata 5 - 7

By watchingoverme ·
KABANATA 5

LEAH's POV

Nandito kami ngayon sa isang kainan sa loob ng resort. Nagla-lunch. Grabe! Bored na bored ako. Napakadaldal nitong si Abner. Puro kwento noong buhay niya ng kabataan. Nakakaumay.

Kasama namin ngayon ang mga anak niyang sina Alice, Paeng, at Lulu. Kararating lang ni Lulu. Na-traffic daw. Hindi kasama ang asawa. Asawa na lang niya ang hindi ko pa nami-meet. Isa na lang talagang milagro kung pati siya ay may asawang gwapo tulad ng kapatid niyang si Alice. Losyang itong manamit kaya malamang baduy din ang asawa niyo. 'Yong tipong hindi mo bibigyan ng second look. In short, pangit.

Nabubwisit pa ko sa ingay ni Debbie na kumain. No doubt kaya mataba ay parang patay-gutom kung kumain. Kadiri. Ang nakakabuwisit pa ay nagtatawanan sila ng gwapong si Paeng. Ang asawa niyang si Paeng na siyang stepson ko. Kainis. Hindi sila bagay. Kahit galit ako kay Paeng ay nakakaramdam ako ng inggit sa kanyang asawa.

Ako itong maganda at sexy pero tigang na tigang at hindi nadidiligan gabi-gabi. Argh! Buwisit talaga.

Napatingin ako kina Alice at Leandro. Gotcha! Nakatingin sa nag-aalsahang dibdib ko si Leandro. Nakaka-turn on talaga ang pagiging pilyo nito. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin. Imbes na ma-guilty siya dahil nahuli ko siyang malagkit na nakatingin sa suso ko ay ngumisi pa ang mokong. Sabay higop ng sabaw.

Kanina pa kami ganito ni Leandro. Malagkit na tinitingnan ang isa't isa. Kanina pa nga ko basa dahil sa mga titig niya. Pero nag-iingat din kami dahil baka mahalata kami nina Abner at Alice. Mahirap na.

Panigurado akong isa lang ang nasa isip naming dalawa. 'Yon ay kung paano pumuslit at masolo namin ang isa't isa. Grabe. Ang landi-landi ko talaga. Isipin ko pa lang na magsi-sex kami ng asawa ng isa sa mga buwisit kong babaeng anak-anakan ay parang naglalawa na ang kepyas ko. Masarap ang thrill.

Kailangang masolo ko si Leandro...

----------

HENRY's POV

Sinigurado kong naibilin ko na lahat sa mga tao ko sa shop ang mga dapat gawin sa mga susunod na araw habang wala ako rito. Sasamahan ko kasi ang asawa kong si Lulu sa reunion na in-organize ng biyenan ko sa isang resort. Ginawa ito ng bayaw ko para mas lalong maging close ang mga anak niya sa bago niyang asawa.

Ang stepmom ng asawa ko na hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon. Simula nang makilala ito ng asawa ko ay wala ng sinabing maganda ang asawa ko tungkol sa babaeng ito. Sinabi niyang gold-digger ito at tanging pera lang ng pamilya nila ang kailangan ng babaeng ito.

Sinabi rin ng asawa ko na sa edad na twenty-one ng babae ay malabong magkagusto ito sa ama nila triple ang tanda rito. Ginamit lamang daw nito ang ganda at katawan para maakit ang biyenan ko.

Well, hindi ko masisisi ang matanda dahil matagal nang namatay ang asawa nito. Bago ko pa man makilala si Lulu ay wala na ang ina nito.

Maski ako ay maghahanap ng kalinga ng babae kung matagal nang walang mag-aasikaso sa pangangailangan ko. Buti na lang ay lagi akong pinagbibigyan ng asawa ko kapag umuungot ako sa kanyang mag-sex kami. Missionary style palagi. Kahit pa higit sa missionary style ang gusto ko ay okay na rin dahil nagagawa pa rin niya ang obligasyon niya bilang asawa ko.

Pero aaminin kong nabibitin ako. Kaya nanonood ako ng mga porn videos online. Kasama ko ang aking palad sa pagpapaligaya sa aking sarili. Ini-imagine ko na ginagawa sa akin ng asawa ko ang mga bagay na ginagawa ng mga babaeng nasa porn videos na pinapanood ko. Mga bagay na sa panaginip at pantasya ko lamang mararanasan. Pero nirerespeto ko ang asawa ko sa kanyang mga desisyon dahil mahal ko siya.

Pinaglaban ko si Lulu mula sa kanyang matapobreng ama. Nagsikap ako para patunayang kaya kong buhayin ang ang kanyang anak. Nakapagpatayo ako ng furniture shop para sa mga taong gustong magpagawa ng mga furniture na may kakaibang disenyo. Nagpi-paint din ako na binibenta ko sa tamang halaga. Masasabi kong kumikita ang shop ko na higit pa sa kung ano ang kailangan namin ni Lulu.

Kumukuha rin ako ng mga larawan ng mga nakikita kong magagandang tanawin. Masasabi kong isa akong nature lover at masaya ako kapag kumukuha ako ng larawan ng ating kalikasan.

Alam kong suportado ako ng asawa ko sa aking mga ginagawa kaya lalo ko siyang minamahal.

----------

LEAH's POV

Naramdaman ko ang pares ng bisig na pumulupot sa aking baywang.

Leah: Akala ko hindi ka na aakyat.

Nakikita ko mula rito sa bintana ng aming hotel room ni Abner ang pagligo niya sa dagat kasama ang kanyang mga anak. Kasama ko naman dito sa aming kwarto si Leandro.

Leandro: Pwede ba 'yon? Eh, kanina mo pa ko pinapasabik.

Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking tainga na nagpakiliti sa akin.

Leah: Nasaan ang asawa ko?

Leandro: Dito. Nakayakap sa 'yo. Honeymoon na tayo, babe.

Kinagat niya ang aking kanang tainga.

Leah: Mmm...

Tok! Tok!

Shit! Istorbo!

Si Debbie pala ang kumakatok at hinahanap na raw ako ng asawa ko.

Shit!

Leah: Si-sige. Susunod na ko.

Bumulong ako kay Leandro na nakapasok na ang kanang kamay sa loob ng panty ko.

Leah: Mmm.. Mamaya na natin ituloy. Baka maghinala sila?

Leandro: Putang tabachoy 'yan. Istorbo! Shit. Sige. Mauna ka nang lumabas bago ko.

Naramdaman ko pa ang pagpisil ni Leandro sa puwit ko.

----------

Kinagabihan...

Shit! Tinulugan naman ako ni Tanda. Buwisit! Hindi na nga kami nakakita ulit ng tiyempo ni Leandro ay hindi pa pala ko makakatikim ng titi ngayong gabi.

Bababa na lang ako sa dalampasigan para magpahangin dahil nabubuwisit ako.

Pagbaba ko sa reception area ng hotel ay may nakita akong lalaki na tingin ko ay hulog ng langit. Oh my gosh. Ang gwapo niya! Kausap niya ang isa sa mga receptionist at mukhang may tinatanong siya rito.

Ang ganda ng katawan niya na hulmadong-hulmado sa suot niyang T-shirt. Sexy. Ang firm ng puwit niya sa suot na pantalon. Ang sarap pisilin. At ang bukol niya sa harap ay parang nag-aanyaya na tikman ito.

Ngumiti siya sa receptionist matapos kausapin ito. Ang gwapo niya talaga. Pero hindi siya 'yong tipo ng lalaking gwapong-gwapo sa sarili kaya lalo siyang gumugwapo. Tinungo niya ang elevator. Hindi na ko nagpatumpik-tumpik at sumunod sa loob. Nagulat pa siya pagpasok ko, pero ngumiti rin siya uli. Pumuwesto ako sa gilid niya. Saka ko lang naalala na naka-bathrobe ako at sa ilalim nito ay ang suot kong nighties.

Nang sumara ang elevator ay langhap na langhap ko ang pinaghalong pabango niya at natural na amoy ng lalaki. Ganoon na lang ang pagpipigil ko na hindi siya rape-in sa loob ng elevator.

Pareho kami ng binabaang floor at hindi ko lubos akalain na roon siya sa pintong iyon papasok.

No... This is not happening...

----------

KABANATA 6

LEAH's POV

Buwisit!

Anong ginagawa ng gwapong lalaking 'yon sa kwarto ni Lulu? Don't tell me 'yon ang asawa niya. Argh! Kainis! Bakit ang gugwapo ng mga asawa nila ng ate Alice niya? Ano bang ginagawa nila at nabibiyayaan sila ng mga gwapong lalaki? Samantalang ako na maganda at sexy ay nagtitiis sa matandang hukluban na asawa ko.

Ang sarap manakit ng tao.

Oh, well. Choice ko naman kung bakit asawa ko ngayon si Abner. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na mayroong asawa sina Alice at Lulu na mga lalaking biyaya ng langit. Naiinis ako. Naaasar ako!

Tiningnan ko ang asawa kong mahimbing na natutulog sa kama. Kaunting tiis pa. Kakayanin ko ito. Masisira ko rin ang pamilyang ito. Kailangan kong mag-focus sa totoong misyon ko kung bakit nandito ako ngayon sa kinalalagyan ko. Kailangan kong makaganti sa mga sakit at pagdurusang dinanas ko dahil sa pamilyang ito.

Pinatay nila ang lalaking mahal ko.

----------

Kinabukasan...

Tama nga ang hinala ko. Asawa nga ni Lulu ang hot na lalaking nakita ko kagabi. Si Henry. May-ari siya ng isang furniture shop at isa rin siyang artist. Hobby niya ang photography.

Kung oobserbahan ko ang bawat kilos ng mga taong ito ay mukhang hindi maganda ang relasyon ng asawa ko sa dalawa niyang lalaking manugang. Siguro ay dahil hindi ka-level ng estado niya ang estado ng mga ito sa buhay. Kung tama ang hinala ko, pwede kong magamit ang bagay na 'yon para sa pagsira ko ng pamilyang ito.

Leah: So, asawa ko, anong agenda natin today? Since kumpleto na tayo, umpisahan na nating kilalanin ang bawat isa ng mas mabuti.

Isa-isa kong tinitigan ang mga hilaw kong anak at ang mga hilaw kong manugang.

Grabe kung makakapit si Alice sa asawa niya. Parang linta. Oh, well. Hindi ko siya masisisi. Kanina pa kasi malagkit ang tingin ng mister niya sa akin.

Alam kong nabitin si Leandro kahapon. Maski naman ako. Pero mukhang masarap tuksuhin itong si Leandro. Patakamin. At kapag takam na takam na, doon ko siya gagamitin para masira ang pamilya niya.

Si Paeng ay masama pa rin ang tingin sa akin, as usual. Pero bagay ang nagsusungit kay Paeng. Lalo siyang nagiging hot sa paningin ko.

Si Debbie ay masyadong feeling close. Laging nakangiti sa akin. Siguro ay gusto niya talagang maging maayos ang relasyon ng pamilyang ito. Pero halata namang napipilitan lang siya at nakikipagplastikan sa akin.

Si Lulu ay masyadong tahimik. Siguro ay pinapakiramdaman ako. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napaka-plain niya. Ano ba ang nagustuhan ni Henry sa kanya? Oo. Maganda siya. Pero hindi agaw-pansin tulad ng ganda ko. Simple lang siyang mag-ayos. Hindi rin siya sexy tulad ko. Manang siya at losyang.

Nang si Henry ang titigan ko ay talaga namang naglapot ang loob ng hiyas ko. Saan ba galing ang lalaking ito at parang hinulog mula sa langit para pagsawaan ng aking mga mata, labi, mga kamay, at ng aking masabaw na tahong.

Ang mahirap kay Henry ay hindi siya makaramdam. Basa na ko sa kanya pero siya ay parang wala lang. Tuloy-tuloy siya sa pagsubo ng kanyang almusal habang nakikinig sa usapan namin. Hindi man lang niya tinangkang bosohan ang dibdib ko. Ni titigan ako ng malagkit ay hindi niya ginawa. Hindi katulad ni Leandro na kung titigan ako ay para akong isang masarap na pagkain.

Argh! Leche kasi si Lulu!

Kung wala rito si Lulu ay malamang nakipaglandian na itong si Henry sa akin. Hindi uubra sa akin itong pande-deadma niya. Mas lalo lang akong nagnanais na matikman siya dahil sa pagiging hard-to-get niya. Hindi ba niya alam na sa bawat kilos niya ay gwapo siya? Na naglalawa ako dahil sa kakisigan niya. Isa siyang masarap na putahe sa aking paningin. Gusto kong matikman ang lahat sa kanya.

Abner: Gusto ko sanang mag-ikot-ikot tayo rito sa resort. Mag-banana boat tayo pagkatapos. Basta gamitin natin lahat ng amenities ng hotel at resort para makapag-bonding tayong lahat.

Ewww! Makikipagplastikan talaga ko sa mga ito. Kadiri talaga. Kay Henry ko lang naman gustong maging close.

Leah: That sounds so great, asawa ko. Ngayon ay may pagkakataon na talaga kong mas makilala pa ang mga anak ko.

Yuck! Nakakasuka!

Debbie: Buti na lang talaga at naisipan niyo ang ganitong bagay, Papa. At least matatapos na ang hidwaan sa pagitan ng bawat isa.

Ewan ko sa 'yo. Tabachoy!

Paeng: Gusto niyo bang mag-billiard tayo, Papa? Isama natin sina Leandro at Henry.

Napaangat ang ulo ni Henry mula sa pagngasab ng alimangong nakahain sa harap nito. Napakasarap tingnan ng labi nitong may sabaw-sabaw pa. Ang sarap sipsipin mula sa labi nito.

Henry: Gusto ko 'yan, bayaw. Sama ka, Honey.

Hinawakan nito ang kaliwang kamay ni Lulu at hinalikan.

Lulu: Amoy-ulam na 'yang kamay ko, Hon. Hindi ka man lang nagpunas ng kamay at bibig.

Biglang na-conscious si Henry at nagpunas ng labing tatawa-tawa.

Henry: Okay na, Hon. Kiss muna ko.

Tinampal ng mahina ni Lulu ang kaliwang pisngi ni Henry.

Lulu: Mag-toothbrush ka muna.

Nagtawanan silang lahat. Syempre kailangan ko ring tumawa. Pero sa loob-loob ko ay corny pala itong dalawang ito. Oh, well. At least gwapo si Henry. Pero itong si Lulu ay nakakainis. Ang sarap burahin ng ngiti sa labi niya.

----------

Kinahapunan...

Nakahiga ako sa lounge chair sa tabi ng pool habang masayang nagkukwentuhan sa katabing table ang dalawa kong anak na babae at ang babae kong manugang. Nakakasuka talaga.

Katatapos lang namin mag-swimming at ngayon ay nagpapahinga kami. Nagkukunwari akong tulog habang nakikinig sa kanila.

Debbie: So, how's your married life, Lulu? Nagbabalak na ba kayong magkaroon ng anak ni Henry.

Lulu: Oo. Nasa plano namin 'yon. Gustung-gusto na naming magka-baby.

Alice: Inaaraw-araw niyo ba, sis?

Lulu: Gusto nga ni Henry araw-araw, pero hindi ko talaga kaya. Mahirap magkaroon ng asawang masyadong mahilig.

Nagtawanan ang tatlong buwisit.

Hmmm... So sexually active pala si Henry. Hindi pala ko mahihirapang akitin siya. Oo. Tama ang nabasa niyo. Aakitin ko siya. At magtatagumpay ako.

----------

PAENG's POV

Kanina ko pa napapansing panay ang tanong nitong si Leandro kay Papa tungkol kay Leah. Bakit ba masyado siyang interesado sa stepmother ko?

Leandro: Ano ba ang dating trabaho ni Leah...I mean ni Mama Leah, Papa?

Abner: Dati siyang modelo ng isang modeling agency na pagmamay-ari ng mga Montecillo. Nakilala ko siya sa isang event na in-organize ng office namin at doon kami nagkapalagayan ng loob. Pero pinatigil ko na siya sa pagmo-model. Sabi ko ay kung gusto niyang maging model ulit, dapat mag-pose na lang siya sa harap ng camera at dapat kilala ko ang photographer.

Umakbay si Leandro kay Henry.

Leandro: Tamang-tama pala. Photographer itong si bayaw.

Inalis ni Henry ang bisig ni Leandro na nakapatong sa balikat niya.

Henry: Kalikasan ang kinukuhanan ko. Hindi tao.

Leandro: Sino ba nagsabing ikaw? Ako naman ang kukuha. Kailangan ko lang ng sideline. Tuturuan mo lang ako. Okay ba 'yon, Papa?

Napailing ako. Ano kaya ang pinaplano nitong si Leandro? Wala akong tiwala sa kanya.

----------

KABANATA 7

THIRD PERSON POV

Kanina pa napapansin ni Abner na parang interesadong-interesado ang kanyang manugang na si Leandro sa asawa niyang si Leah. Simula pa nang mapangasawa ito ng kanyang anak na si Alice ay wala na siyang tiwala sa lalaki. Wala kasi itong permanenteng trabaho at may balita siyang babaero ito bago makilala ang kanyang anak.

Ngayon ay wala pa rin siyang tiwala rito. Nakikisama lang talaga siya para sa kanyang anak na si Alice. Habang nabubuhay siya ay gusto niyang mapalapit muli sa kanyang mga anak tulad noong nabubuhay pa ang kanyang unang asawa.

Maski ang asawa ni Lulu ay hindi niya rin gusto para sa anak niya. Pero nakita niya ang pagsisikap ng lalaki at ngayon ay mayroon na itong sariling furniture shop. Inani ni Henry ang kanyang respeto.

Pero itong si Leandro ay sadyang walang balak magbago at ayusin ang buhay nito. Wala itong kwenta. Ngayon pa ay iniisip nitong maging photographer ng asawa niya kung halimbawang bumalik ito sa pagmomodelo.

Abner: Mas mabuti siguro kung ibang photographer na lang ang kukunin ko para sa asawa ko. Mas okay na ang professional.

Naringgan ni Leandro ang sarkasmo sa tinig ng biyenan.

Gago 'to, ah. Sige. Laitin mo lang ako, tanda. Pero matitikman ko rin ang asawa mong adik sa bayag.

'Yan ang tumatakbo sa isip ni Leandro.

Leandro: Kayong bahala, Papa. Pero bigyan niyo naman po sana ako ng chance para patunayan sa inyo ang sarili ko.

Umasim ang mukha ng matanda.

Abner: Alam kong kaya mo, Leandro. May tiwala ako sa 'yo.

Labas sa ilong na sabi ng matanda.

----------

LEAH's POV

Nakikipagkwentuhan na ko ngayon sa dalawa kong anak na babae at sa aking manugang na babae.

Leah: Kailan niyo balak magkaanak ni Paeng, Debbie?

Nakita kong lumungkot ang mata ni Debbie. Bakit kaya? Hindi kaya baog siya?

Debbie: Wa-wala akong kakayahang magbuntis, Mama.

Hay naku. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tinatawag na "Mama". Sa amin kasing apat ay ako ang pinakabata.

Leah: Oh. I'm sorry, Debbie.

Syempre hindi talaga ako sincere. Pakialam ko naman. Mabuti nga 'yon para mapadali ang pang-aakit kay Paeng. Kayang-kaya kong bigyan ng anak si Paeng.

Debbie: It's okay, Mama.

Naiiyak na ang boses nito. Hinimas-himas ni Lulu ang likod nito. Iniba ko ang topic.

Leah: So, ano ang mga pinagkakaabalahan niyo sa buhay? Pasensya na kayo. Noong mga panahon kasi na may gap pa tayo sa isa't isa ay hindi ako nagkaroon ng interest na alamin ang mga buhay niyo. I'm sorry for that.

Bait-baitan na naman ako. Buwisit!

Alice: It's okay, Mama. May pwesto ako sa palengke. Si Leandro kung anu-anong raket niyon.

Oo. Para babae ang niraraket.

Debbie: Isa akong chef sa isang restaurant. Minsan lang akong pumasok dahil kamag-anak ko ang isa sa mga may-ari ng restaurant na pinapasukan ko. It's more like of a hobby for me.

Kaya ka pala mataba. Haha!

Lulu: Housewife ako. Ayaw na ayaw ni Henry na nagtatrabaho ako. Talagang pinatunayan niya kay Papa na kaya niya kong buhayin sa sarili niyang sikap. Proud na proud ako sa asawa ko.

Ideal man talaga si Henry.

Leah: Ano bang trabaho ng asawa mo if you don't mind?

Lulu: Naku, marami. May-ari siya ng isang furniture shop. May limang tao siya na tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga furniture. Nagpi-paint din siya na binibenta niya sa murang halaga. Photographer din siya minsan. Pero parang hobby lang niya 'yon. Mga nature ang madalas niyang kinukuhanan. Kapag may nagkagusto sa mga kuha niya at gusto itong bilhin ay binibenta niya sa murang halaga.

Oh. Photographer. May naisip na naman akong kapilyahan.

Leah: Wow. Alam niyo ba na rati akong model. Pinahinto lang ako ng Papa niyo, pero sinabi niya na kung hanapin ulit ng katawan ko ang pagmomodelo ay pwedeng-pwede akong bumalik. Tingin ko ay pwede kong maging photographer si Henry, Lulu. Malaki ang maitutulong niya sa pagbabalik ko sa mundo ng modeling.

Parang biglang hindi naging komportable si Lulu sa ideya na sinabi ko.

Lulu: Okay naman, Mama, ka-kaso hindi naman tao ang kinukuhanan niya ng larawan kundi...

Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang pagsasalita.

Leah: What if kailangan lang pala ni Hendy ng tamang muse para mabago naman ang subject ng mga kinukuhanan niyang larawan? What do you think, Lulu?

Lulu: I-itatanong ko sa kanya, Mama.

Tumawa ako.

Leah: Don't worry. Wala pa naman akong balak sa ngayon. Malay mo habang-buhay na kong hindi bumalik sa pagmo-model. We'll never know.

----------

LEANDRO's POV

Shit! Ang sikip ng puki ng babaeng kinakantot ko ngayon na parang aso. Nakita ko lang ang babae kanina malapit sa bar ng hotel. Isang tinginan lang at alam ko na kung ano ang gusto niya.

Babae: Yeah! That's it! Fuck me harder, baby!

Lalo ko pang binilisan ang pag-ayuda sa basang-basang hiyas ng babae habang nakadiin ang kanang palad ko sa ulo niya na nakasubsob sa kama.

Salitan ko namang pinapalo ang dalawang puwit niya gamit ang kaliwa kong kamay.

Leandro: Ito ba ang gusto mo, ha? Puta ka! Napakalandi mo para magpakantot sa lalaking may asawa na.

Lalo ko pang binilisan ang pagkantot sa babae. Sagad na sagad ang dulo ng alaga ko sa kaloob-looban ng kanyang pagkababae.

Palakas nang palakas din ang ungol ng babae.

Babae: Hmmm... Yes! Faster! Deeper! Make me cum, baby! I need it! I need it! Yes!

Leandro: Malapit na ko, baby. Ito na! Ito naaaaa!

Ilan pang sagad-sagadang ulos sa loob ng babae ang ginawa ko bago sabay kaming nilabasan. Bagsak ang katawan namin sa kama.

Putang Abner 'yan. Hindi ko masolo si Leah kaya kung sinu-sino na lang kinakantot ko.

----------

LEAH's POV

Kitang-kita ko mula rito sa aming kwarto ni Abner sa hotel ang lalaking pinagpapantasyahan ko sa tabi ng pool. Mag-isa lang ito. Walang kasama. Nakita ko ang paglusong niya sa pool. Batak na batak ang mga muscles nito sa likod at braso habang lumalangoy. Napakasarap niyang pagmasdan. Nararamdaman kong namamasa ang aking pagkababae.

Nang siya ay umahon mula sa pool ay lalo akong humanga sa kanyang katawan na basang-basa ng tubig. Masarap titigan ang malapad nitong dibdib. Ang flat nitong tiyan na walang taba at may kaunting abs. Mapapansin din ang natural na bukol sa swimming trunks na suot nito.

Isang salita ang pwedeng gamiting description sa kanya. Gifted.

Nag-angat siya ng tingin. Marahil ay naramdaman nito na may nakatingin sa kanya. Hindi ako sigurado kung nakikita niya ko sa bintana na nakasilip. Pero hindi ako umalis sa aking pwesto. Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang siya ang unang mag-iwas ng tingin. Kinuha ang tuwalya sa lounge chair at pumasok sa shower room.

Mapapasaakin ka rin.

----------

THIRD PERSON POV

Isang lalaki ang nagpaparaos sa loob ng shower room. Mabilis na pagja-jakol ang ginagawa nito sa ilalim ng dutsa habang nakasandal sa tiled wall. Napapatingala sa sarap na nararamdaman habang umuungol na kaylakas.

Lalaki: Aaahhh! Fuck! Shit!

Ilang minuto pa ang lumipas bago nanginginig na nilabasan ng napakaraming malagkit at mainit ba likido ang lalaki.

Nasarapan sa ginawang pagja-jakol.

----------

to be continued...