1. Home
  2. Stories
  3. The Unfaithful - II
PSErotica

The Unfaithful - II

By Boyong Sabayton ·

By: Boyong

Kinaumagahan ay nagising ako ng bandang 4:30am. Gusto ko pa sanang ituloy ang tulog ko kaso nawala ang antok ko nang maalalang lunes nga pala ngayon at may pasok na ulit. Haaay! Wala na ang aking asawa sa tabi ko noong bumangon ako. Nagluluto na siguro ng almusal sa isip isip ko.

Pagkabangon ay bumaba ako upang pumunta sa kusina, nadatnan kong nagluluto ang aking asawa. Pati si Chris ay naroon na din. Nagtitimpla ito ng kape.

"Good Morning sa inyo. Anong niluluto mo dyan Mahal?" Pagbungad ko naman sa kanila na parang ikinagulat ni Chris. Hindi ko naman pinansin ito.

"Good Morning pare. Lika kape tayo." Sambit naman ni Chris.

"Itlog at tocino Mahal. Eto oh. Kain na kayo." Si Misis habang hinahain nito ang mga niluto niya para sa agahan.

Pansin kong namumula ang aking Misis. Kapansin pansin rin ang malalim na paghinga nito.

"Mahal. Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit parang namumutla ka?" Pag aalala kong sabi sa kanya.

"Kasi Mahal.. Ahh. Ehhh.." Nauutal na sabi ni Misis nang biglang sumabat ang kaibigan niyang si Chris.

"Pansin ko rin nga pare. Tingin ko ay napagod sya sa pamamasyal kagabi. Pinayuhan ko nga siyang huwag na munang pumasok sa trabaho ngayong araw para makapagpahinga naman siya maghapon. Diba Tel?" Sabay wika nito habang nag-aalalang nakatingin sa Misis ko.

"Hmmm. Tingin ko ay huwag ka na munang pumasok sa trabaho ngayong araw Mahal. Magpahinga ka na muna dito sa bahay." Payo ko naman sa aking Asawa.

"Si-sige Mahal. Maraming Salamat sa pag-aalala. Babalik muna ako sa kwarto natin para matulog muli." Ani Misis habang naglalakad ito palabas ng kusina. Hindi naman nakaligtas sakin ang paghabol ng tingin ni Chris sa pwet at kurba ng aking Asawa habang naglalakad. Pero hindi ko na pinansin iyon.

Sabay kaming kumain ni Chris. Nang matapos ako ay ibinilin ko na lamang sa kanya na iwan ang pinagkainan sa lababo, kumuha ako ng gamot sa fridge at maligamgam na tubig upang may mainom ang Misis ko. Naabutan ko itong nakahiga habang tulala sa kisame.

"Ay. Ikaw pala yan Mahal. Ang sama ng pakiramdam ko talaga. Hindi ka pa ba maliligo? Alas singko y medya na. Baka maabutan ka ng trapik niyan." Pag aalala naman ni Misis nang mapansing naka pantulog pa rin ako.

"Dinala ko lamang sa iyo itong gamot mo para hindi ka na babangon pa mamaya. Sige. Maliligo muna akong mabilis ha." Sagot ko naman habang naghuhubad at tuluyan nang pumasok sa banyo sa kwarto namin upang maligo.

Matapos akong maligo ay nakita ko si Misis na natutulog. Masama nga yata ang pakiramdam sa isip isip ko. Tuloy tuloy naman ako sa pagbibihis at pag aayos ng aking sarili.
Nang ako'y handa na at naicheck na dala ko na ang aking mga kailangang gamit sa pagpasok ay nagpaalam na ako sa aking Asawa.

"Pagaling ka Mahal ha. Iloveyou." Bulong ko dito sabay halik sa kanyang labi.

Bumaba na ako upang magpaalam na rin kay Chris. Naabutan ko itong nagwawalis ng sahig.

"Naku pare. Hindi mo na kailangang gawin yan. Bisita ka namin dito ni Misis. Nakakahiya naman sa iyo." Nahihiya at gulat kong sabi.

"Okay lang yun pare. Hehe. Para naman makabawi ako sa pagmamagandang loob niyo sakin na patuluyin ako sandali dito. Yung mga hugasin sa lababo ay nahugasan ko na rin." Sambit nito habang inaayos ang sofa para malinis ang kalat sa ilalim nito.

"Ganun ba pare. Kung magpupumilit ka ay di na kita pipigilan pa. Salamat rin sa iyo. Oh paano pare. Aalis na ako at baka ma trapik pa ako sa Guadalupe. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay if you don't mind." Wika ko.

"Wala yun pare. Ako nang bahala dito sa bahay. Ilo-lock ko rin ang buong bahay mamaya pag alis ko para maghanap ng trabaho. Hehe." Masigla niyang sagot.

"Goodluck pare! Wag mauutal sa mga presentations Hehe." At tuluyan na akong sumakay sa aking kotse at umalis. Mabait naman pala ang kaibigan ni Misis kahit medyo parang manyakis ito. Sa isip isip ko habang nagda-drive ako.

Nang makarating ako sa opisina ay sinabi sakin ng aking team na may aayusin daw kaming network doon sa isang building. Agad naming tinungo iyon at sa kabutihang palad nama'y natapos namin agad ang nakatakda naming gawin. Pagkabalik namin sa main office ay natuwa si boss. Nagprisinta pa itong manlilibre ng tanghalian para sa team namin. Agad itong nagpa deliver sa isang fastfood chain.
by:Boyong

Nang matapos ang lunch break ay ipina document lang sa amin ang aming ginawang task kanina at kami'y pina uwi na ni Boss.

"Ayos. Maaalagaan ko ang aking Asawa." Sa isip isip ko.
Matapos ang ilang kwentuhan sa aking team at kaopisina ay nagsi uwian na kaming lahat. Ang iba ay nagyaya sa kanilang pupuntahan pero di ko na ito pinaunlakan dahil masama ang pakiramdam ng aking asawa.

Pasado alas dos na ng hapon nang ako'y makarating sa bahay. Hindi na ako bumusina pa pagka park ng kotse at baka maistorbo ko lamang ang tulog ng aking asawa. Naka lock ang pinto ng main door, buti na lamang at may nakatagong susi sa ilalim ng doormat namin at ako'y pumasok.

Kapansin pansing malinis at tahimik ang buong bahay. Tumuloy muna ako sa kusina upang uminom ng tubig. Pagka inom ay umakyat na ako sa itaas, habang palapit ng palapit ako sa kwarto ay palakas ng palakas ang naririnig kong ungol. Sa paglapit ko ay unti unti kong nakikilala ang pamilyar na naririnig ko mula sa kwarto naming mag-asawa...

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako habang maingat na humahakbang palapit sa pintuan ng kwarto namin...

Salamat po sa feedbacks. Medyo matatagalan po ang part 3 kasi busy pa this weeks. Hehe. Mabuhay ang mga Cisco dyan! :)