1. Home
  2. Stories
  3. Vet Log... ( Part Two )
Lagablab

Vet Log... ( Part Two )

By wish_trish ·
" Vet Log... " ( Part Two ) Sssspt! Sssspt! Inisprayan ng lalake ang batok ng pusa. Matapos nito ay ang kabilang kamay naman niya ang nag pupunas ng bulak dito. Sumasama ang putik, nanuyong dugo, at dumi sa bulak habang ang sugat ay 'di pa rin masyadong makita. "Mukhang madumi ang isang ito ah. Saan mo ba napulot ito?" Tanong ng lalake habang nakayuko at pinagmamasdan nang maigi ang batok ng hawak kong hayop. "Sa basurahan po, nakita ko lang kanina nung nagtapon ako ng basura. Taga dyan lang kami sa baba po." Sagot ko dito. "Wag mo na akong pino po, pinapatanda mo naman ako niyan eh. Christian ang pangalan ko, ikaw ano?" Tanong nito sa akin nang naka ngiti. "Trisha po. Ah eh, Trisha." Gumalaw ang kuting sa aking dibdib at napunta sa manipis kong puting t-shirt ang klarong likido. Naramdaman ko ang malamig na gamot sa aking kaliwang nipple at naalala kong wala akong suot na bra sa ilalim. "O, hawakan mo ng maigi, masasayang ang gamot eh." Saway sa akin ng lalake. Pinunasan niya ang batok muli ng pusa, pero sa pagkakataong ito ay tumatama sa nipple kong nabasa ang likod ng kanyang mga daliri. Halos himatayin ako sa hiya ng maramdaman ko ang mabilis na paninigas ng kaliwang utong ko. "Sabi mo sa baba ka lang nakatira? So malapit lang pala kayo dito sa klinika." Kinakausap ako ng lalake habang nakatitig siya sa hawak kong pusa. "Ahhh oo, dyan ako nangungupahan kina Aling Meg." "Ah talaga, kilala ko si Aling Meg, kumare siya nung isang tiya ko. Ikumusta mo ako sa kanya pag uwi mo ha?" Parang mas lumapit pa ang mukha ng lalake sa dibdib ko, hindi ko sigurado kung para makita nang maigi ang kuting sa aking mga braso, o dahil halos kita na ang mala rosas kong utong mula sa nabasang t-shirt ko. Inalis ng lalake ang kanyang suot na plastic gloves, nag hugas sya ng kamay sa maliit na lababo, at nag alcohol bago kumuha ng gunting, blade, at electric shaver sa drawer sa ilalim ng operating table. Nang lumapit siyang muli ay tangan na niya ang gunting, at inumpisahan niyang bawasan ang buhok ng pusa sa may bandang batok nito. "Kelangan makita natin ang sugat, kelangan ko ma-rule out ang possibility ng internal hemmorage. Baka kasi isa sa mga vital organs niya ay na puncture ng kagat. Kailangan mo hawakan ng maigi, baka iba ang magupit ko." Naka ngiting sabi ng lalake, bago siya nag umpisang yumuko, at gupitin ang balahibong malago sa batok na bahagi ng kuting sa aking mga braso. Nagdidikit ang balahibo ng pusa, maliban sa ito'y nabasa ng peroxide at anti-bac spray, ay may naka kapit pa ring mga dumi rito kung kaya't hirap ang lalakeng tuluyang ma gupit ang buhok. Kumilos bigla ang pusa, at dumulas ang pag gupit ng lalake. Ang manipis na t-shirt ko ay bahagyang nabutas malapit sa may kaliwang utong ko. Kung kanina ay aninag lang ang mala rosas kong utong, ngayon ay pakonti konti na itong lumalabas sa butas na gawa ng dumulas na gunting. "Ayan! Sabi ko na kasi eh. Muntik nang pati ikaw masugatan ko. Paki check nga kung na gupit ko ang balat mo?" Nagkakamot ng ulo na sabi ng lalake. Inilayo ko bahagya ang pusa, at ininspeksyon ang aking t-shirt na napunit. Sa pagkakayakap ko sa basang hayop, ay lumawak na pala ang basang bahagi ng aking suot na manipis na tela, at ngayon nga ay buong dibdib ko ang aninag na sa paningin ng lalake sa aking harapan. Hinila ko palayo ang t-shirt kong puti, may kalakihan ang butas, kita na ang mamulamulang palibot ng aking utong, at napansin ko ang pag dila ng lalake sa kanyang mga labi na parang natatakam ito sa kanyang nakikita. "Mukhang 'di naman ako nasugat Christian. Napunit lang ang tela, pero 'di umabot sa balat ko. May extra shirt ka ba dyan, o kahit ano to cover myself?" Tanong ko sa lalake. "Naku wala Trisha eh, sabi ko nga sa iyo, marumi na 'yung hinubad kong uniporme, at 'di ko naman mapagamit sweats ko syo kasi pag nadumihan 'yun wala na akong gagamitin pauwi." "Ok lang, pasensya na rin. Sige, tuloy na natin ang pag gamot sa pusa." Naka ngiti kong sabi habang inaakap muli ang pusa, at naka titig sa isang parang apron na plastic na naka sabit malapit sa may kurtina. Nagtataka man kung bat 'di ipinagamit iyon sa akin ay nanahimik na lamang ako para matapos na ang gamutan agad sa pusa at nang maiuwi ko na ito. Nagsimulang yumuko uli ang lalake, ngunit malikot ang mga mata nito. Kapansin pansin na hindi lamang sa batok at leeg ng ginugupitang pusa ang kanyang mga titig nakatuon, paminsan minsan ay kung saan saan pa ito gumagala. Nang mabawasan niyang konti gamit ang gunting, kinuha naman niya ang shaver upang panipisin pa lalo ang matigas na buhok ng pusa, at nang matapos iyon ay isinunod niya ang blade upang ahitin ng tuluyan ang anumang natititarang buhok sa batok at leeg ng pusa. "O, Hawakan mo, baka lalong masugat 'yan. Ako pa sisihin mo." Paalala sa akin ng lalake ng nag umpisa na namang magpumiglas ang kuting. Inakap ko nang mas mahigpit ang pusa, at naramdaman ko ang mainit at malapad na likod ng kamay ni Christian habang mabagal, at banayad nitong inaahit ang batok ng kuting. Napa singhap ako sa kiliti na dala ng kanyang mabalahibong kamay sa naka labas kong utong mula sa nabutas na t-shirt.