1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 16
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 16

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 16

Kinabukasan..

Pangalawang laban na nina Zack..

Sa paaralan nila ang venue ng laro..

Kanina pa sya pabalik balik sa locker nila ng mga team mates..

Kasama ang mga kakampi sa team..

Natatawang sinaway sya ng kaibigang si Denzel..

"Anu ka ba pare?.. Para kang inahing manok na di makapangitlog ah.." biro nya..

Natawa si Zack.. Tumabi sa kaibigan..

"Wag mo na nga akong pansinin .." reklamo nya..

"Pwede ba naman kitang di mapansin .. Eh kanina ka pa palakad lakad dyan sa harap ko.." puna ng kaibigan..

Ngumiti na parang nahihiya si Zack..

"W-wala pare." kaila nya..

Pero inakbayan sya ni Denzel..

"Tell me pare.. It's Sab right?.. " sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..Umiling iling sya..

Lalo lamang natawa si Denzel sa itsura ng kaibigan..

"Hay nako..Para namang di kaibigan ang turing mo saken eh.." kunwaring nagtatampong sabi ni Denzel..

Napakamot si Zack sa batok..

"D-di naman sa ganon pare.." mahinang sabi nya..

"So ano bang problema mo?.. Panget yang ganyang malapit ng magsimula yung game natin tapos parang may iniisip ka pang iba.." sabi ni Denzel..

Napangiti si Zack..

"Don't worry pare.. Maaasahan mo parin ako.. I swear.." sabi nya..

Nagtawanan silang dalawa ng pumasok si Rigor na masama ang hilatsa ng mukha..

Mabilis itong naupo sa tapat ng magkaibigan..

"Oy pare..Ang aga aga ang panget mo.." biro ni Denzel..

Natawa sina Rigor at Zack..

"Gago.." sabi na lang ni Rigor..

Bumuntong hininga ang kapre..

Nagkatinginan sina Zack at Denzel..

"Problema pare?.." tanong ni Zack..

Umiling si Rigor..

"Wala pare.." sabi nya..

"Grabe..Parang di naman kaibigan ang turing mo samin eh.." sabi ni Zack..

Bigla syang binatukan ni Denzel..

"Gaya gaya pota..Kanina lang yan yung sinabi ko sayo..Di mo man lang inenglish...." nakasimangot na sabi nya..

Natawa si Zack..

Muling bumuntong hininga si Rigor..

"Pare.. Mamaya kapag naglaro tayo.. Baka puro hingang malalim ang gawin mo.." natatawang biro ni Denzel..

Napangiti ng malungkot si Rigor..

Di ito umabot sa kanyang mga mata kaya napansin ng dalawa na talagang may problema ang bago nilang kaibigan..

"Tell us pare..Tutal may 20 minutes pa bago ang start ng game..Sabihin mo na..Kung talagang tinuturing mo kaming kaibigan.." sabi ni Zack..

Tumango tango si Denzel..

"Yeah, Zack was right.. If you really think that we're friends.. Then, you should tell us whats bothering you..Friends do tell each others problems.. For us to know it and if it's possible.. We can make a solution for it.." sabi nya..

Napasimangot si Rigor..

"Translate..Dugo ilong.." sabi nya..

Nagtawanan sina Zack at Denzel..

"Ichismis mo na.. Yun ang ibig sabihin nun.." sabi ni Zack.

Napangiti si Rigor.

"Hmm..Tutal, kanina pa ako halos mabaliw baliw sa bahay..Mas mabuti pa sigurong sabihin ko na sa inyo..Ganito kasi yun mga tol.." bungad nya..

Matamang nakinig ang dalawa..

"May kakilala ako..Kababata ko sya. Kapitbahay..Putsa pare..Ang ganda ng wangkata.. Dabest talaga..Kaso olats eh.." sabi ng kapre..

Nagkatinginan sina Zack at Denzel..

Biglang tumayo si Rigor at pinagsisipa ang locker..

"Hoy gago..Babayaran mo yan.." sabi ni Denzel..

Natakot naman magbayad si Rigor kaya tinigil nya na ang pagbunton ng inis sa kawawang locker..

"Oh anong problema bakit olats?.." tanong ni Zack..

Muling naupo ang malaking binata..

Buntong hininga ng malalim..

"Dyahe pare..Iba ang gusto nya eh.." nahihiyang sabi nito..

Nagtinginan na naman sina Zack at Denzel..Bago bumunghalit ng tawa..

Asar na pinag untog ni Rigor ang mga kaibigan..

"Kita nyo !.. Sabi na eh..Sabi na eh !.. Pagtatawanan nyo lang ako !.." sigaw nya..

Tumigil sa pagtawa ang dalawa..

"Buti ka nga pare..Maliligawan mo sya kahit anong oras mo gustuhin..Samantalang ako..Kapag gumawa ako ng hakbang patungkol sa nararamdaman ko sa taong gusto ko..Siguradong magkakagulo..Bantay salakay ang magiging labas ko..Mahirap ang sitwasyon ko sayo pare.." malungkot na sabi ni Zack..

Tinabihan sya ni Rigor sabay inakbayan..

"Parang nahuhulaan ko na yan pare..Balita ko yung kasama nating mag ama kahapon..Yung naghatid sa inyo dito mula sa kalabang school.. Yun yung gusto mo no?.. Ang ganda non pare ah.." sabi ni Rigor..

Malungkot na tumango si Zack..

"Sabagay pare..Mahirap nga ang sitwasyon mo..Kasi konting paramdam mo sa kanya..Magiging desperado ka..Lahat ng galaw mo iisipin nila na nananamantala ka ..Baka nga isipin pa non na binibosohan mo sya habang naliligo sya.." sabi ng kapre..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

"Tado !.. Hinding hindi ko gagawin yon !..." sigaw nya..

Natawa si Rigor..

"Biro lang pare..Pero tingnan mo ang magandang bahagi ng kwento mo..Nakikita mo sya araw araw..Samantalang ako..Minsan lang lumabas ng bahay yung gusto ko..Tapos kada labas nya pa..May sumusundong de kotse..Olats pare eh..Bisekleta nga wala ako.." malungkot na sabi nito..

Nagkatitigan ang dalawang sawimpalad..

Pareho sila halos ng problema ..

Kapwa nila di masabi ang nilalaman ng kanilang mga puso..

Nagyakap ang dalawang binata..

"Lakasan mo ang loob mo pare..May awa ang Diyos.." bulong ni Rigor..

Tumango si Zack..

"Ikaw din pare..Tatagan mo ang loob mo..Malay mo..Sa isang pagsulyap nya..Malaman nya na may isang Rigor syang kapitbahay na nag aabang ng kanyang pag ngiti..Malalaman din nya ang importansya mo pare..Tiwala lang.." bulong nya..

Tumango din si Rigor..

Ilang sandali din silang nagyakap ng biglang may bumatok sa kanila pareho..

Taranta silang naghiwalay..

Nagkahiyaan ang dalawang binata..

"Tangna nyo..Ang lalaswa nyo..Dito pa kayo nagyakap..Sana naghalikan na din kayo para kumpleto na ang kahalayan nyong dalawa..Pwe !.." nandidiring sabi ni Denzel..

Nagtawanan ang dalawa..

Ilang saglit pa ay pumasok na ang iba nilang members..Kasunod nito si Coach Splostra na medyo nakasimangot..

"Assemble !.." utos nito..

Mabilis na nagtipon ang lahat..

Isa isang tinitigan ni Spolstra ang lahat ng kanyang mga players..

"Sinong kulang ?.. " tanong nya..

Nagkatinginan sila..

"Wala na po coach.." si Denzel ang sumagot bilang Team Captain..

Tumango tango si Spolstra..Nakasimangot pa rin..

Nagtataka naman ang ibang players ..

"S-sir..Masama gising?.." naglakas loob magtanong ang isa..

Nagsalubong ang mga kilay ng Coach..

"Paggising ko..May kung anong bagay ang nasa gilid ng labi ko..Akala ko kung ano..Natikman ko pa sya.. Putsa.. Tae pala ng butiki !..Oh sige subukan nyong tumawa !.. Ngayon mo sa akin sabihin kung dapat bang ngumiti ako?.." nagtitimpi sa pagsigaw ang coach..

Nagkatinginan ang mga players...Napaatras ang naglakas loob na magtanong..Umiling iling..

Natatakot ang iba na tumawa .. Pero biglang bumunghalit ng tawa si Denzel..Sinabayan sya ni Zack at Rigor.

"Ahahaha..Ang sarap ng breakfast nyo Coach !.." sigaw ni Denzel.

Asar na pinagkukurot ni Spolstra ang mga tumatawang players nya..Pati yung takot na tumawa ay bigla na lang din natawa ..

Ilang minuto din ang lumipas bago nawala ang pagtawa ng mga players..

Nakangiti na si Spolstra..

"Tangna nyo..Kung sa inyo mangyari yon..Malamang na mag suicide na kayo..Putsa..Nakatatlong ulit ata ako ng sepilyo nun ah..Parang nalalasahan ko pa.. Sheeet...Ayaw ko ng isipin.." nandidiring sabi ng Coach..

Hagikgikan na naman ang mga players..

Napangiti na lang si Spolstra..

"Anyway.. At least nasabi ko na din..Kahit sa Uncle ko di ko nasabi eh..So..Sino ba sa inyo ang nakakakilala ng magiging kalaban natin for this day?.. " tanong nya sa mga players..

Umiling ang ilan..Kibit balikat si Denzel..

"Lekat na..Wala man lang nag research?..Sus ang tatamad nyo..Anyway.. Ever heard of the name, Stiker?.." tanong pa ni Spolstra..

Kibit balikat sina Rigor, Denzel at Zack..Bago lang sila sa team..Wala silang alam sa mga sikat na players ng highschool..

Pero may umepal na matagal na sa school varsity..

Napalunok pa ito..Pandagdag suspense..Isa isang tinignan ang mga kakampi..Bago muling tumingin sa coach..

"S-striker ng National Science High School Sir?.." tanong nya..

Napangiti si Spolstra..

"Magaling magaling..Dahil dyan, ikaw ang maglilinis ng locker mamaya.." sabi nya..

Napasimangot ang binatang nagsiwalat ng sikreto ng "Striker"..

Nagtawanan ang iba nyang kasama..

Nacurios sina Zack..

"Coach..Anong meron dun?..Di ba pang matatalino yung school na yon?.. " tanong nya..

Tumango si Spolstra..

"Yeah, and dahil sa wala kang kamuwang muwang iho..Hayaan mong ikwento ng mabait mong kakampi ang buong detalye.." utos nya...

Napatingin ang lahat sa naatasang magsiwalat ng chismis..

Lumunok muna ng laway ang binatang may buhok na parang ligaw na damo..Tayo tayo ito..

Pasuspense na tiningnan ang mga kasama ..Pero binatukan sya ni Denzel..

"Oh sige..Bitinin mo kame.." binantaan nya ng kamao si boy oasis..

Napakamot ito at nagsimulang magkwento..

"Ang alam ko don...Second place sila last year.. Scoring machine daw ang tawag sa kanya nun..Kaya striker dahil whenever he holds the ball.. He always strikes and throw it kahit nasaan sya nakapwesto..Ang alam ko pa..Sya ang highest scorer nuon..I think that's 37 points.." nananakot na sabi nito..

Tumikhim ang Coach..

"Actually..Nabeat na nya ang sariling record .. He scored 41 points during their match sa kalabang school sa first eliminations..That game was completely a massacre..102- 62 ang score.." napapailing na sabi ni Spolstra..

Nagkatinginan ang lahat ng players..

Natakot sila..

Kahit si Rigor na mahilig makipag away ay nakaramdam ng di maipaliwanag na takot..

Maging si Zack ay naintimidate agad..

Pero biglang natawa si Denzel.

"So.. Meaning..May thrill na ang next game natin... Thanks Coach.. Para akong nabuhayan ah..Akala ko pare parehas lang nung dati ang makakalaban natin eh..At least ngayon may wawasakin tayong school na may pangalan na in terms of this competition.." nakangising sabi nya..

Napangisi si Spolstra..Inakbayan ang binata..

"Yan ang sinasabi ko..Spirit guys !.. Fighting spirit..Isipin nyo ang lamang natin..Atin ang crowd..So meaning ..Sila ang dapat kabahan..Wag tayong matakot.." sabi nya.

Napangisi na din sina Zack at Rigor..

Nagtipon tipon sila..

"Pero syempre..Before anything else.. We have to ask for guideness .. For safe game ...Wala nawang mapilayan.." sabi ng Coach..

"Sa kanila.." sabay sabay na sabi ng lahat..

Nagtawanan sila ... Si Zack na ang namuno ng panalangin..

Tarantang hinahatak ni Sabina ang kaibigang si Princess..Nais nyang mapanuod ng malapitan ang laro nina Zack..

Oo nga at kahit anong oras na naisin nya ay mapapaalis nya ang kung sino mang nasa likod ng bench ng binata..Pero kahit na..Gusto nyang maagang makapwesto..

Asar na nagrereklamo na sina Princess..

"Aray naman sis..Dahan dahan naman kasi.." sabi nya..

Pero parang walang narinig si Sab..

Hinawi hawi nya ang mga tao..

Sa wakas narating nila ang gym..Pero napasimangot ang dalagita ng makita na may nakaupo ng dalawang lalake sa likod ng magiging bench ng school team..

Lumapit si Sab.. Hawak ang kamay ng kaibigan nya..

Binitawan nya ang kamay ni Princess sabay kinalabit ang binatang nakaupo..

Lumingon ito .. Imbes na sumimangot..Ngumiti si Princess ng makilala ang gwapong binata ..

"Primo !.." sigaw nya.

Napangisi din si Primo..Tumayo sya at inalok ang upuan..Mabilis na umupo si Sab sa pagitan nila Primo at Gustavo..

"Nasan si Kuya Vincent?.. " tanong nya..

Ngumiti lang si Gustavo..

"Nang chichix.." sabi nito..

Natawa si Primo..

"Loko.. Baka maniwala yan..Bumili syempre ng drinks...O baka nga nanchix..Kanina pa yon eh.." sabi nya.

Natawa din si Sab..

Kinalabit sya ni Princess ..

Paglingon ng dalagita ay nakita nyang asar na nakasimangot ang kaibigan nya..

"Ay sorry sis..Dyan na kayo sa likod namin.." sabi nya..

Asar na naupo si Princess .. Nakatitig sya sa gwapong binatang nanlait sa kanya nuon..

Muli nyang kinalabit si Sab..

"Sis..Kaaway ko yan eh.." reklamo nya..

Natawa ang dalagita..

"Kaaway mo pala eh..Eh di wag mong pansinin.." sabi nya..

Lalong naasar si Princess..

"Helloooo..Dapat kapag kaaway ko.. Kaaway mo rin !.. Bad yan eh.." sumbat nya..

Kumunot ang noo ni Sab..

"Dapat ba talaga ganon?.. Sis, nakilala ko na ang mga kaibigan ni K-kuya Zack..And I can say na mababait sila... Try to be friends with them..Ay wait nga.. Kuya Primo.. Kuya Gus.. This is my friend Princess, guys.. Be nice to him naman oh.." lambing nya sa magpinsan..

Nagkatinginan ang dalawa sabay ngisi ..

Inabot ni Gustavo ang kamay nya sa dalagita.

"Infairness insan..Di naman sya pangit tulad ng sinabi mo..Actually , maganda sya.." pang uuto nya..

Napangisi din si Primo..

"Yeah, sorry nga pala .. I was mean to you last time..Inaway mo kasi friend namin eh..So okay na tayo ah?.. " sabi ni Primo..

Natulala si Princess sa dalawang gwapong binatang nakatitig sa kanya..

Nagblush ang dalaga.. Napayuko..

"O-okay.." nauutal na sabi nya..

Biglang may tumabing lalake sa kanya..Paglingon nya ay isa na namang gwapong binata ang nasa tabi nya..Nakangiti ito ng matamis sa kanya..

Bumilis ang tibok ng puso ni Princess..

"Tangna mo pare..Ang tagal mo..Kanina pa ako nauuhaw.." reklamo ni Gustavo..

"Ulol !..Ano ka may utusan?.. Eh sa mahaba ang pila eh..Anyway ayos tong nakuha nyong pwesto ah..Mukhang okay pa ang panunuod ko kasi may katabi akong bebot.." pang uuto nya..

Pasimpleng dinikit ang braso sa braso ni Princess..

Lalong kinabahan ang dalagita..

"Ang bango pare.." biro ni Vincent..

Nagtawanan ang mag pinsan..

"Syempre pare..Ang kinis pa ano?.. " sabi ni Primo..

Parang makahiyang natiklop ang katabilan ng bibig ni Princess..

Pinigilan ni Sab ang pagtawa..Medyo nasasanay na sya sa mga kaibigan ni Zack..

Ng maalala ang binata ay napatingin sya sa kabilang ibayo ng gym...

Kailangan nya pang tumayo para makita ang mga makakalaban nina Zack..

Tahimik..

Kataka takang tahimik..

"Balita ko dating second placer daw ang makakalaban nina Denz at Zack ah.." bungad ni Primo..

Tumango si Gustavo..Tinapunan ng tingin ang nag is-strech na matangkad na binata sa gilid..May suot itong makapal na salamin..

Napansin ito ni Primo..

"What's the prob insan?.. " tanong nya..

Nag tiim bagang si Gustavo..Nginuso ang kasalukuyang nakaupong binata..

"Watch out for him mga dude..He's the known scoring machine of National Science ek ek.." sabi nya.

Lumingon si Sab...

"San dyan kuya?.. " tanong nya..

"Yung nakasalamin na plantsado ang buhok..Nakalaban na natin sya right insan?.. " tanong ni Gustavo..

Tumango si Primo..

"Yeah..Pero di naman tayo nag seryoso non..Di ba nga umayaw ako kasi may lakad tayo non..Di natin tinapos yung laro.." sabi nya.

Tumango din si Vincent..

"Yea pare..Pero kami ni Gustavo ang huling nag shower non..Akala natin malakas na ang team natin kahit wala tayo..Pero ang di mo alam..Naka score ng 21 points yan pare.." banta nya..

Kunot noo si Primo..

"So?.. That's easy.." sabi nya..

"Yea..Madali lang yon..In whole game.. Pero he scored 21 points in just 30 seconds pare..He's a beast when in terms of scoring..Dapat mag ingat sina Denzel..Since na wala sya nung panahon na nakalaro natin yang nerd na yan.." sabi ni Vincent..

Kahit di alam ni Sab ang nangyayari..Nakakaramdam sya ng takot para sa kuponan ng school..Lalo na para kay Zack..

Ilang saglit lang..

Pumasok na ang school varsity..

Infairness naman.. Kahit na halatang kinakabahan maging ang crowd, di nila nalimutan na i-cheer ang sariling mga players..

Napansin agad ni Spolstra ang kalabang coach ng kabila..

Para itong nakaka lalake kung katingin..Naglapit ang dalawang team para magkamay..

Binati ni Spolstra ang medyo may edad ng coach ng kabila..

"Good day Mr.Cho.." bati nya..

Umismid lamang ang matandang coach sabay ngisi..

"Bad day Mr.Spolstra..Bad day.." sabi nito..

Nagulat ang binatang Coach..

Naginit ang kanyang sistema..

Bago sila naglayo..Tinitigan nya ng masama ang kalabang coach.. Sabay irap at pakembot na bumalik ng bench..

Nagkamay din ang mga players..

Hinanap ng mga mata ni Zack at Denzel ang sinasabing Striker..

"Pare saan ba dyan?.." tanong ni Zack..

Kibit balikat si Denzel.

"Ganito oh.." sabi nya..

Imbes na bumalik sa bench matapos magkamay..Bumwelta pabalik si Denzel..

Nataranta si Zack at Rigor..Mabilis nilang nilapitan ang kaibigan..

Tinitigan ni Denzel ang lahat ng players ng kalabang team..

"Sino si Striker?.. " tanong nya..

Napangisi ang lahat ng players..

Nginuso nila ang tahimik na binatang umiinom..

Hinatak ni Denzel si Zack..

"Pare..Balita ko malupet ka daw umiskor?.." maangas na tanong nya.

Ngumiti lamang ang binata..

"Balita mo lang yon.." sabi nya.

Lalong lumawak ang ngisi ni Denzel..

"Well, kung dati, ikaw ang scoring machine..Di na ngayon..Nandito na si Zack..Zack pare..Kamayan mo naman yung tatalunin mo.." sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..Binatukan nya ang kaibigan..

"Tangna mo pare..Wag mo kong isubo.." sabi nya..

Natawa si Striker..

"Sus..Marami ng nagsabi sakin nyan eh.." sabi nya..

Tinitigan ni Denzel ang kaibigan..

"Di mo ba kaya pare?.. " paghamon nya..

Matagal silang nagkatitigan..

Dahan dahang nagbaling ng tingin si Zack..

"Sige..Tinatanggap ko pare.." sabi nya..

Napangisi sina Rigor at Denzel..

Nagsalubong ang kilay ng Striker..

"Don't just bark.. Bite !.." sigaw nito..

Ngumisi na din si Zack..

"Rwarrr !.." pang aasar nya..

Natawa sina Rigor..

Pati ang crowd natawa..

Kakamot kamot na tumayo si Spolstra at kinalawit ang mga players nyang makukulit..

Muli syang humingi ng paumanhin sa kalabang coach..

Pero bago pa makarating sa sariling bench.. Pumiglas ang tatlo..

Nagpose sila na parang mga Power Ranger..

"Wala ba kayong mga boses?.. Ayaw nyo bang ipagluksa ang pagbagsak ng dating second placer?.. " sigaw ni Denzel.

Matagal bago nakareact ang madla..

Tumayo si Sab..

"Tambakan !.." sigaw nya..

Nagkatinginan sina Primo , Gustavo at Vincent..

Sabay sabay silang tumayo para ipakita ang suporta sa mga kaibigan..

Nayanig ang gym sa lakas ng sigawan..

"Woooo !!!!... Wag nyong paiskorin yang Striker na yan !.." sigaw ng iba..

Naasar ang mga kalabang team..

Napangisi na lang si Spolstra..

Nasabi na ang dapat masabi..

Nabuhayan na ang eskwelahan nila pati ang mga players nya..

Kailangan na lamang patunayan..

Kinalawit nyang sina Zack at Denzel..

Sinipa nya naman ng mahina si Rigor para pabalikin sa bench..

Nagsimula na silang magplano..

Ilang saglit lang..Sumipol na ang ref..

Hudyat na para sa nalalapit na laban..

Tumayo si Zack..

Hinubad ang twalyang nakabalot sa katawan..

Lumitaw ang pangalan sa likod nya..

Pupunta na sana sya sa gitna ng may marinig syang pagtawag.

"Zabrina !.." sigaw ni Sab..

Napangiti si Zack..

Nilingon nya ang dalagita..

Nagkatitigan silang dalawa..

"Tambakan mo !." mahinang utos ni Sab..

Ngumiti ng matamis si Zack sabay tango ng marahan..

"Para sayo.." bulong nya..

Nagkangitian silang dalawa..

ITUTULOY !!!