1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 34
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 34

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 34

Good Things Comes For Those Who Waits..

Naglakad si Zack palapit sa kaibigan nyang si Primo..

"Pare.. Maraming salamat " taos pusong pasasalamat nya..

Ngumiti si Primo..

"No Problemo Amigo.. Nagdala lang ako ng cheering squad, di nangangahulugan na panalo na kayo.. Nasa inyo pa rin ang ikapapanalo ng Team.. Kaya good luck.. Dito lang kami sa gilid to cheer you guys.. " nakangiting sabi ng nya..

Tumango si Zack..

Nagtapikan sila sa balikat ni Primo..

"Regroup !.. " tawag ni Denzel..

Isa isang lumapit ang mga team mates nya..

Seryosong nilibot ni Denzel ang paningin sa mga kasama..

"Guys, I know na masyadong malaki ang lamang nila.. Pero tulad ng sinabi sa atin ni Coach.. Hangga't may natitira pang segundo sa orasan.. May pagasa pa.. Naniniwala ako na makakaya natin.. If ever na matalo tayo.. Matatalo tayo na lumalaban.. " madiing bigkas ni Denzel.

Tumango ang mga kasama nya..

"We know for a fact na malalakas sila.. Lahat tayo hirap.. De kalibre ang bawat players nila.. Pero isa lang ang masasabi ko.. Di tayo aabot dito ng kung di tayo worth it..Pwede kong sabihin na malakas sila.. Pero di ko pa pwedeng sabihin na mas malakas sila... Dahil ngayon pa lang mag sisimula ang totoong laro.. Bigyan natin sila ng pabaon pabalik sa school nila.. " gigil nyang wika..

Nagkatinginan ang lahat..

"Are we clear ?.." tanong ni Denzel..

Ngumisi sina Zack at Rigor..

"Let's give them what they want.. " sagot ni Zack..

"Gums to gums mga pare.." sagot ni Rigor..

Tumango si Denzel..

"They want war.. We give them war.." aniya..

"Fight !.. " sabay sabay na bigkas nila..

Napalingon si Brix kina Zack..

Pasimple nyang nilapitan ang binata at nakangising tinapik.

"Hanep ang fighting spirit.. As if naman mahahabol nyo pa kami.. If ever.. Sigurado ako na wala kang maitutulong kase nga kung sakaling gumawa ka ng moves to score.. Tsk tsk.. Bye bye Sabina.. " bulong nito..

Tiim bagang na tumuwid ng tayo si Zack..

Hanggang tenga nya lang si Brix..

Nakaramdam ng intimidasyon si Brix pero pinili nyang ngumiti dahil batid nya sa sarili na may hawak syang alas laban sa binata..

Nilagay nya ang dalawang braso sa batok at tinitigan si Zack.

"Remember the envelope.." parinig nya.

Nanigas si Zack sa pagkakaalala ng envelope na inabot ni Brix kanina..

Nilingon nya si Sab na walang humpay na tinatawag ang pangalan nya..

Unti unti na namang umahon ang kaba..

Napangisi si Brix..

Sapat na ang ginawa nya para walang gawin si Zack.

Kahit papaano..Kabisado nya ang karakas ng mga uri nito..Mabait ang binata. At alam nya ang totoong relasyon nito at ni Sab.. Sa tulong na din ng pinsang si Princess.. Hindi totoong magkapatid ang dalawa.. Nagpapanggap lamang ang mga ito para pangalagaan ang isa't isa.. At kung tama ang hinala nya.. Malaki ang gusto ni Zack sa amo nitong si Sabina..

At yun ang sasamantalahin nya..

Kampante nyang iniwan si Zack na tulala pa rin at muling nagbalik sa mga kasamahan..

Napansin ni Primo ang pasimpleng paglapit ni Brix sa kaibigang si Zack..

Parang nahuhulaan nya na ang ginagawa nito..

Kung tama ang hinala nya.. May kinalaman ang envelope na inabot ni Zack kanina sa kanya, kung bakit tila wala sa sarili ang kaibigan..

"Hmm.. Fishy.. " narinig nyang bigkas ni Gustavo.

Nagkatinginan ang magpinsan..

Ngumisi sa isa't isa..

Sumipol na ang ref..

"Back to ball game pare.. " sabi ni Denzel sabay akbay kay Zack..

Pansin nya na parang natitigilan na naman ito..

"Problema ?.. " tanong nya..

Umiling si Zack.

Tumahimik na lamang sya..

Bola nina Zack..

Nilabas nya ang bola at pinasa kay Denzel..

"Alright team.. We do it on our way.. Tulad ng dati.. Enjoy the game... Titigan nyo na ang mga bantay nyo at pag isipan kung paano nyo sila kakainin ng buhay sa court.. " mayabang nyang sigaw..

Nagboo ang crowd mula sa fans nina Brix pero nagulat ang mga ito ng matabunan ng hiyawan mula sa fans nina Zack.

"Eat them raw !.. " sigaw ni Sab..

Lalong naghiyawan ang fans..

Tinawid ni Denzel ang bola sa kabilang court..

Hinagilap ng mga mata ang kaibigang si Zack..

Pero nagulat sya ng makitang para pa rin itong tulala.

Imbes na magalit.. Inunawa na lang nya ang kaibigan..Baka may problema..

Nag dribble muna sya paikot at ng makita si Rigor ay pinasa nya dito ang bola..

Nasalo ni Rigor ang pasa ni Denzel..

Nais nyang ipasa ito kay Zack pero sa nakikita nyang reaksyon ng kaibigan ay mukang may iniisip itong malalim..

Kaya binomba nya ang bantay nya hanggang sa mailapit ito sa ring..

"Ah tigas talaga.. " sa isip isip ni Rigor..

Konting urong lang ang nagawa nya..

Pero hindi sya dapat mawalan ng pag asa..

Buong pwersa nyang binomba ang bantay nya hanggang sa maurong ito..

Tinaas ni Rigor ang bola para tumira..

Tumalon ang bantay nya..

Napangisi si Rigor sabay muling binaba ang bola at bumwelo ng malakas..

Tumalon sya sa pinakamataas nyang talon at gigil na dinakdak ang bola..

Sinubukan pang makarecover ng bantay ni Rigor at muling tumalon ng isa pang ulit .. Pero dahil sa nakikita nya, mukhang di sya aabot sa bola kaya hinakawan nya ang braso ng binata..

Hawak ni Rigor ang bola..

Idadakdak nya sana ito ng may humawak sa braso nya..

Di sya aabot dahil nahahatak sya pababa..

Pero imbes na sumuko.. Pinilit ni Rigor na iaangat ang brasong hawak ng kalaban hanggang sa maabot ang ring..

Pasok ang tira nya ..

Nakasabit sya sa ring habang kitang kita na nakahawak sa braso nya ang kalaban..

Sumipol ang ref..

"Foul !, red number 09 !.. Basket count,1 throw.. " sigaw nito.

Bumitaw sa ring si Rigor habang nakatitig sa bantay nya.

"Kahit maglambitin ka pare sa bewang ko.. Panis ka.." maangas nyang bigkas sabay lakad patungo sa free throw..

Nagitla ang bantay ni Rigor sa sinabi ng binata.

Naghiyawan ang crowd sa ginawa ni Rigor..

"Woooo.. Bakulaw !.. " sigaw ng iba.

"1 throw.." inabot ng ref ang bola sa binata..

Bago ng free throw.. Kumaway muna si Rigor sa fans..

Muling naghiyawan ang crowd..

Pumorma sya na parang propesyonal at tinira ang bola..

Pero sumabog sa tawa ang crowd ng hindi man lang sumayad sa ring ang tira nya..

Gigil na binatukan ni Denzel ang kaibigan..

"Tadong to.. Ang yabang yabang tapos kapos ?.. Gunggong.. ! " gigil na sabi nya.

Napangiwi si Rigor..

"Sorry naman.. " tanging nasambit ng binata.

Bola nina Brix..

Napailing sya sa nangyari sa sentro nila..

"Oh anong nangyari sayo?.. Kala ko ba di makakaiskor yon ?.. " pang aasar nya..

Gigil nitong nilampasan ang binata..

Napaismid si Brix at tinawid ang bola.

Nakapwesto si Rigor sa ilalim ng basket.

Nasa harap nya ang bantay nya at nagulat sya ng itaas nito ang kamay para hingiin ang bola..

Ngumisi si Brix..

Lantaran nya itong pinasa sa sentro nila para bawian si Rigor.

Nakaramdam ng tensyon ang gym ..

Pinanuod nila ang dalawang sentrong nagtatagisan ng lakas sa ilalim ng basket..

Nang makuha ng number 09 ang bola.. Buong lakas din nitong binomba si Rigor..

Sinalo ni Rigor ang pwersa ng kalaban..

Nakayanan nya..

Ngumisi sya at tumawa ng malandi..

Nainis ang bantay ni Rigor..

Nag ipon ulit sya ng pwersa para bombahin ang kalaban..

Pero nagulat sya ng wala ng tao sa likod nya..

Kaya ang resulta ay dumiretso sya sa sahig at bumagsak.

Nagtawanan ang crowd..

Niyuko ni Rigor ang kalaban at inagaw ang bola..

"Sa susunod kasi.. Titingin ka kung may tao sa likod mo.. Kainis ka.. Mamaya ka na matulog no.. Peram muna ng bola.." agaw nya..

Parang kidlat na tumakbo si Denzel pababa ng ring at sinigawan ang kapre..

"Dito !.. " sigaw nya..

Mabilis na binato ni Rigor sa tumatakbong si Denzel ang bola na naagaw nya..

Hindi naka react sina Brix..

Nasalo ito ng binata at walang kahirap hirap na nag lay up..

Pagbalik ni Denzel at nag apir sila ni Rigor..

"Ayos pare..Ulitin mo ulit para mapilayan na yang bantay mo.. " biro ni Denzel sa kaibigan..

Gigil na si Brix..

Nilapitan nya ang sentro nila na nakaupo at nakayuko..

"Oh ano ?.. Hanggang kelan ka uupo dyan ?.. Langya.. Para kang bata na inagawan ng lolipop.." galit na sabi nya..

Nagdilim ang mukha ng sentro nina Brix..

Pero wala syang magawa dahil sya naman talaga ang mali..

Tahimik syang tumayo at nag abang ng pagkakataon para mabawian si Rigor..

Inbound ulit nina Brix..

Hindi pwedeng makabalik pa sina Denzel sa laro..

May butas pa sa team..

Si Zack..

Tahimik ito pero batid nyang malalim ang iniisip nito.

At yun ang gagamitin nya..

Hawak ang bola.

Nagdribble sya palapit kay Zack..

Tumalon sya at nag jump shot..

Tulad ng inaasahan .. Walang reaksyon ang binata..

Napangisi sya..

Sure points..

Binitawan nya ang bola sa ere sa harap mismo ng tulalang si Zack..

Pero may kamay na lumitaw sa likod ng binata..

"R-rigor.. " tanging nasambit nya..

Gumawa pa ng tunog ang ginawang pagsupalpal ni Rigor kay Brix..

Tumilapon ang bola sa kabila ng court..

Simbilis ulit ng kidlat..

Tumakbo ang gwardya nina Denzel na malapit sa pinagtalsikan ng bola..

Hinabol sya ng kalaban pero huli na ang lahat..

Nakapag lay up na ito ng walang kahirap hirap..

Dumagundong na naman ang court gawa ni Rigor..

"Oh ha!.. Dati akong taga volleyball team.. Tawag don Spike.. Oh ha !.. Oh ha !.. " sumayaw si Rigor na parang Elvis Presley..

Nagtawanan ang crowd..

"Ulol !.. Di ka sumali sa volleyball..Ang sabihin mo namboboso ka don.. " pang aasar ni Denzel..

Napangiwi si Rigor..

"Ssshh.. Nandyan yung Coach ng volleyball team oh..Mamaya nyan maniwala sayo.. " bulong nya sa kaibigan..

Nagtawanan na lang sina Rigor at Denzel..

Napangiti si Spolstra sa ginagawa ng team..

Tumingin sya sa orasan.. 1 minuto lang ang nabawas at nakagawa na sila ng anim na puntos agad..Bumaba na sa 25 ang lamang ng kalaban..May 10 minuto pa.. Kung magpapatuloy ang laro.. Malamang makalapit na talaga sila.. Pero hindi lang ang pagpantay sa score ang pakay nila..

Nagpapakita na ng talento si Rigor..

Pero tulad ng sinabi nya..

Hindi lang ang binata ang kailangan nila para manalo..

Utak , Pader at Kanyon ang kailangan..

Si Denzel ang Utak..

Si Rigor ang Pader.. At ang Kanyon ay nananatiling nakayuko na tila tulala at nag iisip ng kung ano..

Kailangang magising na rin ng scoring machine nila..

Pero di nya kailangang sabihin ito ng lantaran sa binata.. Nais nyang malaman nito na kailangan na ito ng team..

"Gising Zack.. Kailangan ka nila.. " bulong ni Spolstra sa hangin..

Nakangising lumapit kay Brix ang sentro nila.

"Butata !.. " pang aasar nya..

Tiningala ni Brix ang sentro nila.

"Ang yabang mo ha !.. " tinulak nya ang dibdib nito..

"Oh baket ?. " tinulak din nito si Brix..

Nag karoon ng komosyon sa pagitan ng team ng kalaban nina Zack..

Naglapitan ang mga teammates nila para awatin ang dalawang nag iiringan..

Pasimpleng lumapit si Rigor at Denzel..

"Ano daw Pareng Rigor?.. Anong sabi nyang number 09 ?.. " tanong ni Denzel.

"Langnya pare.. Sabi nya bansot daw si Brix ?.. Gosh.. I can't believing it.. Oh nose.. " english carabao na pang aasar ni Rigor..

Nanggigil lalo si Brix at pumalag sa mga nakahawak sa kanya para itulak ulit ang sentro nila..

Pero muli silang naawat..

"Pero eto ang malupit tol.. Sabi ni Brix.. Di daw naliligo yang bantay mo.. Yang number 09 nga.. At take note.. Wala daw yang syota.. Kahit isa.. Oh hell, Di ko akalaing may isang taong kayang mabuhay ng ganun.. Walang nagkakagusto sayo ?.. Anong gusto nyang sabihin ?.. Napakapangit nyan ?.. Hala.. Alis na tayo pare.. Baka dumanak ang dugo.. Eeewwwnessss..." bulong ni Denzel kay Rigor pero abot naman sa pandinig ng nag aaway...

Umalma ang sentro..

Pero di na sya nakapalag dahil marami ang may hawak sa kanya..

Parang mga demonyong lumapit si Denzel at Rigor sa teammates nila..

"Eto kutsilyo. Magsaksakan na kayo !.. " sigaw ni Rigor..

Nagtawanan ang crowd..

Gigil na tumayo ang Coach nina Brix at tumawag ng Time Out..

Nag bubungisngisan sina Rigor at Denzel pagkaupo..

Pati si Spolstra di maiwasang mapailing ..

"Mga loko talaga kayo.. Anyway... Good job Rigor at Denzel.. " sabi nya..

Iniiwasan nyang banggitin ang pangalan ni Zack dahil gusto nyang malaman nito na wala itong silbi sa team..Gusto nyang maunawaan mismo ng binata ang pagkukulang nito..

Tulala pa rin si Zack..

Inakbayan sya ng kaibigan si Denzel..

"Pare.." bulong nya.

Napalingon si Zack..

"Oh?.. " tanong nya..

Nginuso nito si Sab na nakatitig sa binata.

"Wala pa naman yang boyfriend right ?.. Hmm.. Pwede na kay Rigor yan.. " bulong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Zack at tinitigan si Rigor na inosenteng umiinom ng tubig..

"Bakit may gusto ba sya kay Sab?.. " tanong ni Zack.

Nagkibit balikat si Denzel..

"Eh ano naman ?.. Binata si Rigor.. Dalaga na rin naman si Sab.. Mabait naman si Rigor eh.. Alam mong tapat syang kaibigan.. " sabi nya..

Nag kandailing si Zack.

"Di pwede !.. " sabi nya..

"Baket ?.. " painosente ni Denzel.

"Ako ang magiging boyfriend ni Sab !.." diin nya..

"Okay.. Eh paano si Rigor.. ?.. " tanong pa ni Denzel..

Walang sabi sabing pinitik ni Zack ang tenga ni Rigor..

"Oy para san yon ?.. " tanong ng binata.

"Di pwede !.. Naiintindihan mo ba ?.. Di pwede !.. " sigaw ni Zack..

Tulala si Rigor.

"Huwwaaat ?.. What are you talking man ?.. Are you baliw ?.. " tanong nya..

Pero umirap lang si Zack ..

Sakto naman na tumunog na ang buzzer tanda na tapos na ang time out..

Muling nag hiyawan ang crowd..

Nagtatalo ang mga fans sa pagcheer sa kani kanilang team..

Pumasok na sila sa court para ipagpatuloy ang laro..

Bola ulit nina Brix..

Gigil sya dahil napagsalitaan sila ng masakit ng Coach..

Wala syang pakealam... Di sila matatalo kung ganyan lang ang pinapakita ng kalaban..

Masyadong mabagal ang pag usad ng skor ng mga ito..

Naiintindihan nyang mahihirapan na silang makaiskor sa ilalim ng basket..

Kaya naman balak nyang paiskorin ang dalawang three pointers nila..

Hawak ang bola..

Nag fake crossover si Brix para makalapit sa isa nyang kampi ..

Screen ang binigay ng sentro nila at malaya syang nakapasok sa loob..

Humanda si Rigor para supalpalin ang tira ng binata..

Pero pinasa nito patalikod ang bola.

Nakuha ng number 22 ang pasa ni Brix at mabilis nitong tinira ang bola..

Napangisi si Brix..

"Sablay yan !.. " sigaw ng number 22..

Nagulat man..

Mabilis nag react ang sentro nila..

Pero wala na syang magawa dahil buong gilas na tumalon si Rigor..

"Rwarrr !.. Akin ang ilalim ng basket mga unggoy !.." sigaw nya..

Hawak ni Rigor ang bola .. Tinaas nya ito tanda ng tagumpay..

Hiyawan ang crowd..

"Sino kaya ang unggoy dito ?.. Hiyang hiya naman daw kami sayo .. " sabi ng isang kampi nina Denzel..

Nanlulumong bumalik sila sa kabilang court para dumipensa..

Hawak ni Denzel ang bola at walang pagmamadaling tinawid ito sa kabilang court..

"Okay.. Time to rock !.. " sigaw nya..

Sinuyod nya ng tingin ang mga kakampi nya..

Hanggang sa madako ang mga mata sa kaibigan si Zack na tahimik ..

"Gising kaibigan.." bulong ni Denzel sa sarili..

Mabilis syang nag dribble palapit kay Zack.

"Zack !.." tawag ni Denzel..

Nagulat si Zack..

Kita nyang palapit ang kaibigan..

Nataranta sya ..

Di alam ang gagawin..

Sinalubong si Denzel ng bantay ni Zack..

Nakorner ang binata..

No choice sya kundi ipasa na kay Zack..

Tumalon si Denzel at hinagis kay Zack ang bola. Nasalo naman ito ng binata..

Lumipat sa kanya ang mga bantay ni Denzel..

Tinaas ni Zack ang mga kamay nya para sana itira pero nakorner na sya ng dalawa..

Hanggang sa walang magawa si Zack kundi yakapin na lamang ang bola..

Sinubukang agawin ng mga kalaban kay Zack ang hawak nya pero hindi ito binitawan ng binata..

Hanggang sa sumipol ang ref..

"Jumpball.." desisyon nito..

Napaungol ang crowd..

Hiyang hiya si Zack sa pagkakalat nya..

Nilingon nya ang ina...

Nakangiti pa rin ito tanda na nananatiling sumusuporta sa kanya..

Lalong nakaramdam ng kahihiyan si Zack..

Nilibot nya ng tingin ang buong gym..

Halos three fourths nito ay mga kaeskwela nya..

Napatingin sya sa mga kaibigan na sina Primo..Nakangiti din ito ..

Sa mga kampi nyang sina Denzel at ang iba pa..

Wala sa mga mata nito ang paninisi..

Dumako ang paningin nya kay Sab..

"Go Zack !.. " sigaw ng dalagita...

Pumailanlang ang boses nito sa buong gym..

Nagtagis ang mga bagang ni Zack..

Tama na ang pag mumukmok..

Kailangan nyang bumawi sa mga kasama at kaibigan..

"Sorry guys.. " sabi nya sabay sampal sa sarili..

Tumango si Denzel..

"Walang problema...Nandito lang kami pare.. Kung may problema ka.. Malulutas natin yan.. Sama sama tayo.." nakangiting sabi nya..

Lalong tinablan ng hiya si Zack..

"Salamat.. Tara na.." seryosong sabi nya..

Ngumisi si Denzel at Rigor..

"Yeah baby !.. " sigaw ng dalawa..

Jump ball..

Si Zack at number 22 ang tatalon..

Nakaabang ang lahat..

Hinagis ng ref ang bola at maliksing tumalon si Zack..

Tinapik nya ang bola sa isa nilang kasama..

Nakuha naman nito at binalik kay Denzel..

"Okay.. Mag iiba na ang laro natin..Lahat ng bola kay Zack !.." sigaw nito..

Tumango ang lahat..

Sinalubong si Denzel ng bantay nya pero mabilis nya itong pinasa kay Zack..

Hawak ang bola..

Tinantya ni Zack ang distansya nya mula sa ring..

Hanggang sa dumako ang mga mata nya sa bantay nya.

Tinitigan nya ang mga mata nito..

Palaban din..

Pero kailangan nyang mag focus..

Huminga sya ng malalim at nagdribble..

Umakma sya mag cocross-over..

Sumunod naman ang bantay nya ...

Pero di ang pagsalaksak ang pakay nya..

Muling nagdribble si Zack at nag step back ng isang hakbang ...

Nanlaki ang mga mata ng bantay ni Zack ng makita ang pwesto ng binata.

Nasa labas na ito ng tres..

Tinipon ni Zack ang lakas nya at pinagapang mula tuhod patungo sa mga braso..

Hanggang sa gumapang ito papunta sa mga palad nyang nag sisimula ng uminit..

Di na sya nag intay na makalapit ang bantay..

Tumalon sya at tumira ng three points..

Napangiti sina Denzel at Rigor..

Nag box out agad ang sentro nina Brix pero useless na din..

Di na nya kailangan pang makipag agawan sa rebound dahil umalis na sina Rigor at lumipat sa kabilang court..

Kaya naman pala..

3 points !..

Tumalikod si Zack at sinundan ang mga kasama sa kabilang court..

Sinalubong sya ng apir ng dalawa.

"Welcome back Zack !.. " bati nina Rigor at Denzel..

"S-salamat sa paghihintay.. " taos pusong pasasalamat ni Zack sa mga kaibigan..

Nagthumbs up lang sina Denzel at Rigor..

Batid nilang nagbalik na nga talaga ang kaibigan..

ITUTULOY !!!