1. Home
  2. Stories
  3. ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 8
Lagablab

ZACK ANd SAb Book 1 - Chapter 8

By supertoyantz ·

MAY PAHINTULOT MULA KAY SUPERTOYANTZ NA ILATHALA ANG KUWENTONG ITO SA LAGABLAB

Chapter 8

6 Years Later

Maagang nagising si Sab..

Enrollment na para sa second year high schools..

Ayaw nyang magpaiwan sa mga kaibigan nya..

Baka kung saan na naman sya mapuntang section kapag nagkataon..

Bago magpunta sa banyo..

Hinanap ni Sab ang kanyang Pager..Isa ito sa mga regalong natanggap nya mula sa kanyang ama nuong grumaduate sya ng elementary bilang valedictorian..

Matapos mag page.. Takbo agad si Sab sa banyo..

Nasa loob na sya ng may maalala..

Mabilis syang muling lumabas ..

Dumungaw sa pinto..

Napangiti sya ng makita ang hinahanap ..

"Psst.." sitsit ni Sab.

Nasa dulo ng pasilyo ang kinse anyos na si Zack..

Abala ito sa pagpupunas ng mga nakadisplay na paintings sa dingding..

Napalingon sa kanya ang binatilyo..

Kunot noo itong lumapit..

"Oh?." tanong ni Zack..

"Nagmamadali ako Kuya.. Paki handa na mga susuotin ko ha?.. Thanks thanks.." utos ni Sab..

Mabilis syang muling bumalik sa banyo..

Napakamot si Zack sa batok nya..

Akmang tatalikod na sya ng muling makarinig ng pagbukas ng pinto..

"Bakit di ka pa bihis?.." kunot noong tanong ni Sab..

Nagkibit balikat lang si Zack..Napasimangot ang dalagita..

"Kuya..Sasama ka..Nakalimutan mo na ba?.." paalala pa ni Sab..

Napasimagot din si Zack.

"Ayaw ko...Puro babae kayo eh.." reklamo nya..

Ngumisi si Sab..

"Ang sabihin mo.. Ayaw mo lang makita si Heidi.." humagikgik pa ito..

Lalong napasimangot si Zack.

"Ihahatid na lang kita..Tapos susunduin ulit kita pagtapos nyo..Dun lang naman ako sa gym tatambay.." wika nya..

Nawala ang ngiti sa labi ni Sab.. Dinutdot nya ang dibdib ng Kuya Zack nya..

"No, no, no.." maiksing sabi ni Sab..

Walang magawa si Zack..Bukod sa anak ito ng amo nya.. Konting lambing lang ni Sab, bumibigay na sya..

Napabuntong hininga na lang ang binata..

Marahan syang tumango dahilan para biglang magtatalon si Sab sa tuwa..

"Yes!.. Lakas ko talaga sa kuya ko !.. Bilisan mo na .. " sigaw pa nya sabay pasok sa loob ng kwarto..

Malungkot na napangiti si Zack..

Araw din ng pag eenroll nya.. Pero di naman sya nagmamadali..

Hawak ang basahan at spray.. Pumasok ang binatilyo sa kwarto ng dalagitang si Sab..

Napaungol sya ng makita ang kaguluhan sa loob..

Parang dinaanan ng ipu-ipo ang kwarto ng dalagita..

Inis na kinatok ni Zack ang banyo...

"Parang may nag away dito sa loob ng kwarto mo Sabina.." reklamo nya..

Rinig nya ang pagtawa ni Sab sa loob..

Gigil na nilapag ng binata ang mga ginamit na panlinis at sinimulang isa isahin ang mga kalat..

Puro mga damit na malilinis ..Halatang pinagpipilian..

Stuffed toys.

Mula ng tumuntong si Sabina sa high school..Lalong gumaganda ito..

Patunay ang dagsa ng mga regalo at cards para sa dalagita..

Dinampot ni Zack ang isang malaking teddy bear at binalik sa dati nitong ayos..

May hinahanap ang mata nya..

Natapos na nyang ibalik sa dati nitong lalagyan ang mga stuffed toys pero di nya mahagilap ang bigay nya..

Maliit na kerubin na bigay nya nuong grumaduate ang dalagita ng elementary..

Mula iyon sa sarili nyang pera..

Nagpart time sya sa labas ng eskwelahan bilang waiter makabili lamang ng regalo para sa dalagita..

Pero parang nanlumo sya ng di nya ito makita sa mga hilera ng mga regalong natatanggap ni Sab..

Napabuntong hininga si Zack..

Matapos maglinis..Sinimulan nyang ligpitin ang kama..

Di na sya nag abalang ayusin ang mga unan..Kumot lang ..

Si Nanay na nya ang bahala sa iba..

Kailangan na din nyang maligo dahil sabi nga ni Sab, kasama na naman sya..

Muling napabuntong hininga si Zack..

"Ang lalim naman non kuya.." untag ni Sab.

Napabalikwas ng tingin si Zack..Tulala syang napatingin sa mala diyosang lumabas mula sa banyo..

Nakatapis lang ng twalya si Sab..Walang malisyang nakakunot ang noo nito at nakatingin sa kanya..

Tumutulo ang tubig mula sa buhok ng dalagita papunta sa maamo nitong mukha..

Napalunok ng laway si Zack..

Parang biglang uminit sa silid ng dalagita..

Unti unting lumapit sa kanya ang babae hanggang sa maging magkaharap na sila..

"Oy.." untag ni Sab..

Tila nabatubalani si Zack..Parang nanggaling sya sa isang magandang panaginip at biglang nagising sa boses ng isang maladiwatang nilalang sa kanyang harap..

Napatitig sya sa mamula mula at makipot na labi ng dalagita..

Katakam takam..

Parang nang aakit na sakupin ang maliit na labing iyon..

Muling napalunok si Zack..

Bumaba ang tingin nya sa nakasungaw na hita nitong parang labanos ang kulay..

Katakam takam..

Pero mali..

Marahas na pinilig ni Zack ang kanyang ulo..Parang gusto nya itong iumpog sa kung saan para lamang mawala ang kanyang nararamdaman..

Binaling nya ang ulo sa ibang direksyon..

"S-sige..Maliligo na rin ako.." mahinang sabi nya..

Napanguso si Sab..

"Eh di maligo ka..Hinanda ko na yung shower oh..Pasok ka na sa bathroom ko." sabi nya..

Umiling ang binatilyo.

"Dun na lamang ako sa kusina..Sige na..Magbihis ka na.." tanggi nya ..

Lumakad na sya palayo sa dalagita..

"Kuya naman eh..Andyan naman yung ibang damit mo eh..Dito ka na maligo .." lambing ni Sab..

Pero nagmatigas si Zack.

"M-may kukunin din ako sa kusina..Sige na..Titingnan ko rin kung nakapag luto na si Inay." palusot nya..

Mabilis na syang lumabas ng kwarto...

Sumimangot si Sab..

Inis nyang binalibag ang pinto...

"Bheeeee....Pangeeeettttttt.." sigaw ni Sab sabay dila..

Gigil na inalis nya ang twalya na nakabalot sa katawan..

Umahon ang ngitngit sa puso nya..

Di nya maintindihan..Parang nag iba na ang kuya Zack nya..

Naalala nya ang sinabi ni Princess na naging classmate at kaibigan na din nya..

Baka nga may girlfriend na ang kuya nya..

Nagpapadyak sa inis si Sab..Di nya maintindihan ang inis at galit na nagsisimulang bumalot sa pagkatao nya..

Kapag nagkanobya ang kuya nya, mababawasan na ang atensyon na binibigay nito sa kanya..

"Di pwede !.." sigaw nya..

Pero nawala ang inis nya ng makita ang loob ng kwarto..

Malinis at nakaimis na ang mga gamit nya...

Sinadya nyang guluhin ang kwarto para may dahilan sya para papasukin ang kuya nya..

Tagumpay naman..

Pero parang nagmamadali itong makalabas din..

Muli nyang sinuyod ang mga manikang nakahilera sa isang tabi...

Umismid ang dalagita..

Wala dyan ang gusto nya..

Nilapitan nya ang magkapatong na unan sa kama..

Inalis ang isa..

Napangiti sya ng makita ang hinahanap..

Isang maliit na stuffed toy ng anghel..

Binigay ng kuya nya..

Hinalikan ni Sab ang mukha ng kerubin.

"Good Morning Kuyaaaaaa..." bati nya sa anghel..

Pero ang nasa isip nya ay kuya Zack nya ito..

Ilang oras ang lumipas..

Sakay ng kotse sina Sab at Zack..

Si Saimon ang nagmamaneho.

Panay ang turo nito kay Zack tungkol sa tamang pagmamaneho ng kotse na sya namang masusi ding pinag aaralan ng binata..

"Oh ganito yan Zackarias..Kapag kakambiyo ka..Tapakan mo yung clutch tapos kambyo..Madali lang yan iho.." paliwanag ni Saimon.

"Sige po Tito.." magalang na sagot ni Zack..

Matamang nakikinig lang din si Sab..Nangingiti sya habang nakikinig sa pag uusap sa dalawang lalakeng pinaka importante sa buhay nya..

Magkatabi ang mga ito sa harapan habang mag isa syang naka upo sa likod..

Napatingin sya sa kuya nya..

Muli, di maipaliwanag ang nararamdang ito ni Sab..

Parang lalong gumagwapo si Zack habang tumatagal..

Sabagay, gwapo naman talaga ang kuya nya..

"Dapat mong matutuhang mabuti ang pagmamaneho ng kotse dahil di magtatagal ..Sayo ko na ipamamana ito..Ikaw na ang maghahatid sundo dyan sa makulit na yan sa likod.." tatawa tawang sabi ni Saimon..

Nanlaki ang mga mata nina Sab at Zack..

"T-tito..Di nyo naman po kailangang ipamana pa..Ayos na ho ako..Di ko po kailangan ng kotse.." tanggi ng binatilyo..

Tumawa lang si Saimon..

"Ngek..Pano na kapag nanligaw ka.. Tapos mag date kayo..Syempre mas maganda yung may sarili kang sasakyan para kahit saan kayo magpunta..Oks lang.." tumawa ng malakas ang lalake..

Nag ngitngit ang loob bigla ni Sab..

"Hephep..Di pwede.. ! " sigaw nya..

Napalingon ang dalawang lalake sa kanya..

Kunot noo ang mga ito..

"At baket naman anak?." tanong ni Saimon..

Napanguso si Sab..

"Wala ng maghahatid sa akin kapag nanligaw si kuya..Ikaw talaga Daddy eh..Drive ka na lang kase..Oy kuya nag jojoke lang yan si Daddy.." reklamo nya..

Napangisi si Saimon sa anak..

"Wala ka pala pag asa Zack na makapanligaw hanggat nandyan si Sab.." asar nya sa binata..

Napangiti na lang din si Zack..

Ayaw naman nyang manligaw pa sa iba..

Umayos sya ng upo at tumingin sa harap..

Nasa likod ang gusto nya..

Mula pa noon..Iba na ang nararamdaman ni Zack..

Batid nyang di na ito pagtinging kapatid lamang..Alam nya..

Matanda na sya para sa mga ganoon..

Pero alam na alam din nyang di ito magkakaroon ng katugon..

Malabo..

Imposible.

Langit at Lupa..

At isa pa..

Ano na lamang ang iisipin ng mabait nyang amo?..

Na sinamantala nya ang pagpbabantay sa anak nito?..

Tahimik na naupo na lamang si Zack sa kanyang pwesto.

Panaka nakang sumasagot sa mga sinasabi ng among lalake..

Malalim ang kanyang iniisip..

Kung paano mawawala ang nararamdaman nya kay Sab.

"Bye Daddy." paalam ni Sab..

Humalik pa sya sa pisngi ng ama..

"Sige po Tito.." paalam din ni Zack..

Ngumiti si Saimon sa dalawa..

"Susunduin ko pa ba kayo?.." tanong nya..

Umiling si Sab..

"Mag jejeep na lang kame Dad.." sabi nya..

Tumango si Zack sa among lalake..

"Ako na hong bahala Tito.." sagot din nya.

Tumango si Saimon sa dalawa..

Malaki ang tiwala nya kay Zack kaya kampante syang iwan ang anak sa pangangalaga nito.

Inatras nya ang kotse at nakangiting kumaway sa dalawa..

Tahimik na ngumiti lamang si Zack..

"Sab !!!.." tili ng isang babae..

Napaungol ng lihim ang binata..

"Heidi !.." tili din ni Sab..

Nagyakap silang magkaibigan..

Kinilig si Heidi sa pagsulyap sa gwapong binata sa tabi ng kaibigan nya..

"H-hi Zack.." kiming bati nito..

Ngumiti ng matamis si Zack.

Parang mahihimatay naman si Heidi.

"Gosh..He smiled at me.." bulong nito sa kaibigan..

Parang nainis naman si Sab..Di nya maintindihan ang sarili..

Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ng kaibigan..

"Tara na..Baka maubusan tayo ng slot eh.." sabi ng dalagita..

Tahimik na sumunod si Zack..

Kailangan nyang siguruhin na makakapag enroll si Sab..

Mabilis naman ang naging proseso..

Matataas ang grado ng dalagita kaya di kataka takang nasa highest section ito napunta..

Isa isang natipon ang mayayamang kaibigan ni Sab..

Si Zack ang nag iisang lalake sa grupo..

Pasimple nyang sinulyapan ang gym..

Kanina pa sya kating kating mag punta duon..

Mahilig sya sa basketball..

Alam nyang magaling din sya..

Pero dahil sa pagbabantay kay Sab, di nya magawa ang mga nais gawin..

"Hoy !.." piningot ni Sab ang tenga ng kuya nya..

Nag bungisngisan ang mga kasama nitong dalagita..

Kunot noong napatingin si Zack sa kanya..Nagtatanong ang mga mata nito..

"Ano ?.. "tanong nya..

Napasimangot si Sab..

"Yan kase.. Ang sabi ko..San tayo kakain?..Nagugutom na ko !.." singhal nya..

Nagkibit balikat lang si Zack..

"Wala naman saken yung pera eh..Nasa iyo di ba?.. Binigay ko na sayo lahat kanina..Pamasahe na lang itong nasa akin tsaka yung pang enroll ko.." paliwanag nya..

Nanlaki ang mga mata ni Sab..

"Ay !.. Oo nga pala.. Di ka pa pala nakakaenroll.. Tara.." sabi nya..

"Hay nako sis..Anong oras na..Baka di natin maabutan sina Brix sa gym eh.." reklamo ni Princess..

Napasimangot si Sab..

"Eh ano.?.. " tanong nya..

Umungol ang dalagitang kasama nila..

"Hellooo..May try out ang basketball team..Syempre nandun ang star player ng school na si Brix Asuncion... Yung super gwapo..Saan ka ba galing na planeta?.." tanong ng isa.

Umismid si Sab..

"Same question.. Eh ano?.." tanong ulit nya..

Napangisi si Zack .. Tinapik nya ang kamay ni Sab..

"Sige na girls..Mauna na kayo..Susunod ako..Saglit lang ako Sab.." paalam nya..

Wala ng nagawa si Sab dahil mabilis na umalis si Zack..

Hawak ni Princess ang isang braso nya kaya di sya agad nakasunod..

Mabilis syang hinatak ng mga ito patungong gym kung saan may nagaganap na try-outs para sa basketball team..

Mabilis na natapos ang proseso ng enrollment ni Zack..May discount sya dahil running for valedictorian sya..Kinamayan nya ang principal at mabilis na nagpaalam dito..

Nag aalala na sya kay Sab..

Habang nasa daan patungon gym, may tumawag sa pangalan ni Zack.

"Zackarias Hidalgo..Boy Bibingka !.." sigaw ng isang tinig.

Napangiti si Zack kahit di nya nakikita pa ang tumawag..

Iisang tao lang ang may lakas ng loob na tumawag ng ganuon sa kanya..

Agad syang lumingon at tama nga ang hinala nya..

"Denzel?.." sigaw nya..

Nagtatakbo si Denzel patungo sa kanya..

"Putsa pare..Ang pogee mooo.." landi ni Denzel.

Natawa si Zack ng malakas..

"Ikaw deeeenn.." ganti nya..

Masaya silang naupo sa isang bench..

"Oy..Musta na?.. "tanong ni Zack..

Nagkibit balikat si Denzel sabay sumandal sa gilid ng bangko..

"Eto..Transfer na ako dito pare..Ikaw?.." sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

"Weeee?.. Dito ak nag aaral !.. " sabi nya..

Napangiti lang si Denzel sa kanya.

"Alam ko..Tanga ka talaga eh..Kita mong tiyahin ko yung isang teacher dito.." sabi nito

Nagtawanan silang dalawa.

"Long time no see pare.." bati ni Zack..

Tumango si Denzel..

Pinagmasdan ang kaibigan..

"Langya ka pare..Gumagwapo ka ah..Mukhang tama nga yung sinabi mo sa huling sulat mo saken..Teka..Akala ko ba may alaga ka?.." tanong nito..

Tumango si Zack..

"Oo pare..Tulad nga ng sinabi ko sayo..Nakapasok kami ni Inay bilang katiwala sa isang mabait at mayamang pamilya pare..Grabe ang kabaitan nila..Tinulungan nila kami ni Inay .. Sa lahat ng aspeto..Paaral din nila ako pare.." kwento pa nya..

Ngumiti si Denzel..

"Ayos yon..Eh yung sinabi mong alaga mo?.. "tanong nito..

Napangiti si Zack..

"Andun sa gym pre..Kakatapos lang din mag enroll..Nanunuod ata sila ng try outs sa basketball.." sabi nya..

Humawak si Denzel sa baba..

Napaisip..

"Hmm..Parang gusto ko mag try out.. Hanggang kelan kaya ?.. " tanong nito..

Binatukan ni Zack ang kaibigan..

"Marunong ka?.." tanong nya.

"Gago..Oo naman..Dun sa school na dati kong pinapasukan..Varsity din ako..Nakakalaban nga namin itong school ninyo..Di ka kasi nagpupunta sa mga laro eh..Lagi kayong olats samen.." pang aasar ni Denzel.

Nagtawanan sila.

"Wala ako pare eh.. " pagyayabang ni Zack..

"Marunong ka din?.. " tanong ng kaibigan nya.

Nagtawanan na naman sila..

"Tara try tayo?.. Kaso baka tanggihan ako kapag mamukhaan ako eh.. " sabi ni Denzel..

Napaisip din si Zack..

"Bakit naman..Ano yun bitter sila?.. Ahahaha..Sorry pare pero wala akong alam sa mga players ng team..Bahay eskwela lang kasi ako..Di ko nga alam kung papayag si Sab eh.." paliwanag nya..

Kunot noong napatingin sa kanya ang kaibigan..

"Bakit naman kung hindi sya pumayag?.. " tanong nito..

Nagkibit balikat si Zack..

"Eh di hindi pwede..Ganun kasi yon..Bossy.." sabi nya..

"Wawa ka pala..Anyway.. Para sasali ka lang naman eh..Tsaka kailangan natin yan bilang graduating students..Ay teka shet.." biglang sabi ni Denzel..

Napatingin sa kanya si Zack..Nagtatanong ang mga mata..

"Baket pre?.. " tanong ni Zack..

"Sina Primo pala baka makalaban natin kung sakali.. Tsk tsk.." iiling iling na sabi nito.

"Sinong Primo?.. " tanong ni Zack..

"Tropa pare..Mga ka brad ko sa dati kong school..Mababait din yon..Tatlo kaming barkada don..Si Vincent yung isa..Varsity kami lahat..Kainis..Ayaw ko silang labanan eh.." sagot ni Denzel..

Ngumiti si Zack..

"Eh di iwasan natin silang makalaban..Tsaka di pa nga tayo sure kung tatanggapin nila tayo.. " paliwanag nya..

Napangisi si Denzel.

"Ako sure ako..Ikaw?.. " tanong nito..

"Tara.. Para matanggal ko yang angas mo.." pagyayabang ni Zack.

Nagtawanan silang dalawa na tinungo ang gym...

Marami ng tao sa gym pagdating nila.

Agad sinuyod ni Zack ang buong gym para hagilapin ang dalagita..

Agad nya naman itong nakita..

Biglang umahon ang ngitngit sa dibdib nya ng makitang pinapalibutan sina Sab at ang mga kaibigan nito ng mga varsity ng school..

Di nya alam kung lalapit ba sya o hindi.

Pero mukhang di na nya kailangang lumapit dahil nahagip sya ng paningin ni Sab..Agad nagliwanag ang mukha nito ng makita sya..

Tumayo si Sab at agad na nilapitan ang kuya nya..

Di nya maintindihan ang nararamdaman ..Bigla nyang niyakap si Zack..

Nagulat man..Gumanti na din ng yakap ang binata..

Napangitin sa kanila si Denzel at napangisi.

"Kuyaaaa." lambing ni Sab..

Kamot ulo lang si Zack..

"Uwi na tayoo.." sabi pa nito..

Nagkatinginan ang mag kaibigan..

"T-teka lang Sab..M-may gagawin lang ako saglit.." sabi ni Zack..

Kumalas ng yakap si Sab sa kanya at nakasimangot na tumingin..

"Ano?.. " singhal nito.

Biglang napaubo si Denzel sa kakapigil na tumawa..

Napatingin dito si Sab at nagtaas ng kilay..

"Ay.. Ngapala Sab..Si Denzel..Kababata ko..Pare eto si Sab.." pakilala nya sa dalawa..

Napataas ang isa pang kilay ni Sab..

"Mukhang kinwento mo na ako kuya..Hello.." bati ng dalagita..

Nagkamay silang dalawa..

"Oo nga..Kinwento ka na nya saken eh.." sabi ni Denzel..

Nanlaki ang mga mata ni Zack..

"At ano naman daw ang sinabi nya?.. " tanong ni Sab..

Ngumisi si Denzel..

"Sabi nya maganda ka daw..Pero sinungaling ang kaibigan ko.." sabi nya.

Sumimangot si Sab..

"Panget ako?.. " taray nya..

Umiling si Denzel..

"Nope..Super maganda ka.." banat nya..

Kinilig si Sab pero di sya nagpahalata..

Binatukan ni Zack ang kaibigan..

"Tado ka pare.." nagselos agad si Zack..

Kilalang matinik sa chicks ang kaibigan nya..Ayaw nyang masama si Sab sa listahan nito ng mga pinaiyak na babae..

Pero sa kaibuturan ng kanyang puso..Gusto nya sya ang maging nobyo ni Sab..

Natawa na lamang si Denzel at tinapik ang kaibigan..

"Ito naman oh..Selos agad.. Joke lang no..Nice meeting you Sab..Ano pare.?.. Bihis na tayo..May extra uniforms kaya sila?.. " tanong ni Denzel..

Lalong kinilig si Sab sa sinabi ng kaibigan nito na malamang daw nagseselos si Zack..Pero napakunot noo sya ng marinig ang tanong nito..

"Ano yon kuya?.. " tanong ni Sab..

Napangiwi si Zack..

"Ah..Mag try out lang sana kame.." sabi nya..

Nagsalubong ang kilay ni Sab..

"Marunong kang mag basketball?.. " tanong nya..

Natawa si Denzel bigla.

"Oo naman.. Di mo lang kasi napapansin.." tampong sagot ni Zack..

Nag isip si Sab..

Kapag natanggap ang kuya nya..Lalong mawawalan ito ng oras sa kanya..

Pero ayaw naman nyang pigilan ang hilig nito..

Nasa kalagitnaan sya ng pag iisip ng may lumapit sa kanila..

Pagtingin nya ay agad syang napasimangot ng makita ang mayabang na si Brix..

"Hey Sab..Di ka na bumalik ah.." sabi nito..

Napatingin si Brix sa dalawang nagtaaasang binata na kasama ni Sab..

Magkasing tangkad sina Denzel at Zack..

Parehong 5'9 ang height..Pareho pang gwapo..

Parang nais nyang mainsecure sa dalawa..

"Wala naman akong sinabing babalik pa ako dun ah.." taray ni Sab..

Natawa ng lihim ang dalawang binata sa likod.

Nakaramdam ng asar si Brix at pagkapahiya..

"Oh..Sorry.. I thought gusto nyo akong makasama..?.. " pagyayabang nya..

Sa isip isp ay nagpapakipot lamang ito..

Sumimangot si Sab..

"Baket?..Artista ka ba?..Si Gabby Concepcion ka?..Kapalmuks nito kuya oh.." sumbong nya..

Nagtawanan ang mga nakarinig sa sinabi ni Sab..

Hiyang hiya si Brix.

"Sus arte..If I know gusto mo ring mapansin kita..Pakipot pa..Ikaw na nga itong kinakausap ko eh.." pagyayabang nito..

Tiningnan ni Sab mula ulo hanggang paa si Brix sabay inakbayan ang braso ni Zack..

"Look mo ito..Ni hindi ka umabot sa tenga ng kuya ko.." pagyayabang nya..

Lalong lumakas ang tawanan..

Napalapit na din ang mga kaibigan ni Sab sa kanila..

"Grabe ka naman sis.." bulong ni Princess.

Pero di sya pinansin ni Sab..

Naglapitan din ang ibang players ng basketball team..

Kinabahan si Zack..

Pero easy lang si Denzel na nakatingin at nagpipyesta ang mga mata sa mga kaibigan ni Sab..

Sa isip isip ay namimili na sya ng magiging flavor of the month nya..

Kailangan nyang talunin si Primo sa dami ng naging girlfriends nito..

"Kuya mo ba yan?..Eh di kayo magkamukha.." sigaw ni Brix..

"Pake mo?... Tsaka mo na ako kausapin kapag nagpantay na kayo ni Kuya ng height..Bansot !.." pang aasar ni Sab..

Umugong ang tawanan sa gym sa sinabi ng dalagita.

Hiyang hiya si Brix..

Nais nyang buntalin ang binatang sinasabi ni Sab na kuya nito..

Pero hanggang tenga lang sya ng binata..At kilala nya ito bilang President ng student council..

Sumuko si Brix at pasimpleng tumalikod..

Kinuha nya ang isang bola sa kasama at nag dribble..

Lumay-up..

Pasok..

Ngumisi ang binata..

Pilit binabalik ang angas na nawasak..

Pero malas nya dahil wala palang nakatingin sa kanya..

Ngitngit na ngitngit ang pakiramdam nya..

Sa inis, dinampot nya ulit ang bola at pasimpleng hinagis sa kuya ni Sab..

Pinuntirya nya talaga ang mukha nito pero nagulat sya ng biglang may kamay na humarang..

"Pare..Pinapasahan ka oh.." sabi ni Denzel.

Sumimangot si Sab at tiningnan ng masama si Brix..

Inabot ni Denzel ang bola kay Zack..

Tumingin naman ang binata kay Sab..

Naunawaan agad ni Sab ang nais mangyari ng kuya nya kaya dahan dahan nyang inalis ang mga brasong nakayakap sa isang braso ni Zack..

Naghiyawan ang mga tao sa gym..

"Gawin mo din yung ginawa nya kuya.." lambing ni Sab..

Ngumisi si Zack ..

Nagsi layuan ng konti ang mga tao..

Pati si Brix napaismid at lumayo ng konti..

Biglang tumakbo si Zack..

Di sya ng dribble..

Akmang tatawa si Brix dahil sa di man lang nag dribble si Zack pero napanganga sya ng biglang tumalon ito at idakdak ang bola sa ring..

Umalog ang board..

Nakasabit si Zack sa ring at nakatitig kay Brix..

Pagbaba nya..Agad nyang nilapian at hinawakan sa kamay si Sab na tulala din..

Walang nakapagsalita..

Nakangisi lang si Denzel ..

"Pare una na kame.." paalam ni Zack..

"Sige pre..May pager ka ba?.. " tanong nya..

Umiling si Zack..

"Ah..Sige..Kita na lang tayo bukas.." sabi ni Denzel..

Tumango si Zack..

Pasimple na silang umalis sa gym..

Walang nagsasalita sa kanila..

Hanggang sa makasakay sila sa jeep at makarating sa bahay...

Nasa gate na sila ng pigilan ni Sab ang kuya nya..

"Kuya..Marunong ka talaga.." sabi nya.

Ngumiti si Zack..

"Oo.. Twing hapon naglalaro ako sa court ng clubhouse..Di mo siguro ako napapansin.." sabi nya...

Ngumiti na din si Sab..

"Sige sali ka..Pero.." sabi nya..

Kunot noo si Zack..

"Pero?.. " tanong nya.

Ngumisi si Sab..

"Name ko ang ilalagay mo sa uniform mo.." sabi nya..

Tumawa si Zack at umiling..

Sumimangot si Sab..

"Ayaw mo?.. " taray nya.

"Ayaw ko.." tanggi ni Zack..

Nagpuyos ang loob ni Sab..

"Bakit ayaw mo?.. " sigaw nya..

"ZABRINA.." maiksing sabi ni Zack..

Natahimik si Sab at kunot noong napatingin sa kuya nya..

"Ha?.. Anong Zabrina?.." tanong nya..

"Zackarias and Sabina = Zabrina.." sagot ni Zack.

Binuksan na ng binata ang gate at pumasok sa loob..

Tulalang nakatayo lamang si Sab..

Pero unti unting nabubuo ang ngiti sa kanyang mga labi..

"Zabrina..Nice name.." bulong nya..

ITUTULOY !!!